( Drake's POV )"Congratulations to all of us! We gained one billion interest share for this month only!" Natutuwang anunsyo ko sa board na siyang ikinatuwa nilang lahat."And that's also because sa malaking perang ipinasok ni Ms. Brittany Smith sa kompanyang ito Mr. Wilson." Sambit ni Mr. Cua, isa sa member ng board.Binalingan ng lahat ang nakangiting si Brittany and congratulated her. Sadyang napakalayo ng inabot ng ininvest niyang one hundred million. And I can't deny that her investment was really a huge help.Mapukol ang tingin niya nang sumulyap sa akin but I prefer not to get distracted. Maraming pa akong idiniscuss sa member ng board bago kami natapos."I told you! Ako talaga ang pampaswerte mo Drake." Nang-aakit na sambit ni Brittany while caressing my back. Nagpaiwan na naman siya dito sa conference room para akitin at landiin ako. This is not new. Di ko na mabilang kung ilang beses niya ng ginawa ito.But I'm proud to say na hanggang business lang ang lahat sa amin because
"Damn that bastard!"Nanggagalaiting sigaw ko kasabay ng pagkabasag ng bote ng alak na binato ko sa pader.Matapos kaming mag-usap ni Amari kanina ay dumiritso agad ako sa bar ni Zander. Nagtanong ako sa mga crew roon at nakumpirma kong bihira nalang daw pumunta ang hayop na yun doon. So nagsasabi nga ng totoo si Amari.Kaya pala hindi ko na halos mahagilap ang gago dahil iba pala ang pinagkakaabalahan.At damn! Si Amina pa talaga! Pota!Hanggang ngayon patuloy na nag e-echo sa pandinig ko ang mga sinabi ni Amari. Nagpupuyos ang damdamin ko sa galit na para bang wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi basagin ang mukha ni Zander. Ang lalaking halos tinuring ko ng kapatid, na siyang pinagkatiwalaan ko sa lahat lahat ng sekreto ko. Yun pala tatraydorin lang ako ng putang-ina!"Hayop ka Zander! Hayop ka!"Nagngingitngit ako ng labis. Halos maubos ko na sa kakatapon lahat ng babasagin dito sa bahay pero hindi pa rin nito maibsan ang sakit na dulot ng kataksilan na ginawa sa akin ng ha
Dumadagundong ang lakas ng boses ko sa buong lugar. Parang sasabog ang dibdib ko habang inililibot ang mga mata. Hindi ko alam kung nasaang lugar kami ngunit malawak ang area at may isang eroplano na nakaparada. May apat na bodyguards na kasama ang hinayup*k na nakatayo lang din malapit sa entrada ng eroplano.Gustuhin ko mang tumakbo upang makalayo ay hindi ko magawa dahil sa panghihina ng buong sistema ko. Na kahit sa pagalaw ay nahihirapan ako.Hindi ko na mapigilang humagulhol ng iyak nang mapagtanto ang pangyayaring ito sa isip ko.At natitiyak kong wala na akong takas ngayon!"Sinungaling ka Amari! Kinuha mo lang ba ang loob ko dahil nakipagsabwatan ka diyan sa hayop na yan?" Muling sigaw ko nang wala akong makuhang sagot mula sa kanya kasabay ng walang humpay na pag-agos ng aking mga luha. Akala ko totoong nagbago na nga siya yun pala may masamang balak lang kaya nagbalat kayong nagbago.Naglakad siya papalapit sa kinatatayuan ko. Habang si Drake ay nanatiling nakatayo lang. Hi
( Amari's POV )"Nagmamatigas ka pa sa una Amina pero sasama ka rin pala."Bulong ko sa hangin habang malawak na nakangiti tanaw ang papalipad na private plane ni Drake. Right at this moment nakakaamoy na ako ng tagumpay para sa mga plano ko.Agad akong tumungo sa parlor pagkatapos para sa susunod na hakbang na gagawin ko. From my blond hair ay pinakulayan ko ito ng color black at pinarebond kagaya ng bagsak na buhok ni Amina. Magkapareho naman kami ng hairstyle at haba ng buhok kaya kulay at rebond lang ang pinagawa ko.Then after bumalik ako ng mall at bumili ng masusuot kagaya pa rin ng kay Amina.Kailangang magaya ko ang lahat sa kanya. Sa pananamit at postura niya. Maging sa pagsasalita, mga hilig at gusto niya. Mabuti na lang at nakapagtanong agad ako sa kanya at mabilis ko iyong kinabisado lahat.Kailangang maituwid ko ang pangpapanggap na ito hanggang sa maikasal kami ni Zander. May binayaran na rin ako para utusan na siyang mag-aasikaso sa lahat ng dokumentong aayusin para sa
Hindi na ako muling lumabas ng kwarto hangang sa gumabi. Nakailang balik na rito ang mga tauhan ng hinayup*k para sundiin akong kumain ng dinner pero nagmatigas pa rin akong lumabas dahil alam kong makakasabay ko lang ang hayop nilang amo."Pakisabi sa boss mong hindi makaintindi na walang saysay rin kong kakain ako na kasama siya dahil tiyak masusuka lang ako. Tsaka pwede ba huwag kayong pabalik- balik? Nagmana kayo sa boss niyong matigas ang ulo!" Inis na tugon ko bago padabog na isinara ang pintuan."May pa- aya aya pang nalalaman ang hinayup*k! Ano ako teenager na madadala sa pambibilog niya? No way!"Inis na bulong ko sa sarili at napasalampak ng upo sa kama. De baleng maburyong ako rito sa loob huwag ko lang makasama ang mapangpanggap na hinayup*k na iyon.Wala pa ako sa mood makipag-usap sa kanya. Alam kong alam niya yun dahil sa bibig niya mismo nanggaling kanina na kailangan ko na munang magpahinga. Pero heto siya't pagkain lang ng dinner ay talagang namimilit pa.Maya- maya
( THE CONFRONTATION )"A--nong ginagawa mo rito!?"Mariin ngunit nauutal na tanong ko dahil sa pagwawala ng hindi maipaliwanag na emosyon.Gusto ko siyang singhalan ngunit may parte ng puso ko ang pumipigil na huwag ng dagdagan pa ang kung anumang pinagdadaanan niyang problema.Napahilamos naman siya sa kanyang mukha sabay mura ng makailang ulit."Damn! Damn! Damn! Fuck! Fuck!"Tanging malulutong na mura lang at wala ng ibang salita ang lumalabas sa kanyang bibig. Sumisinghot- singhot pa siya habang itinuon niya ang mukha sa ibang direksyon na para bang tinatago niya ito dahil sa basang-basa ito ng maraming luha.Sa mahabang panahon noon na nagkasama kami, ngayon ko lamang siya nakitang nagkaganito. Gustuhin ko man siyang kaawaan ay itinatak ko na sa isipan ko na hindi maaari. Hindi pwedeng maniwala ako kaagad sa kung anuman ang pinapakita niya na pwedeng maging tinik sa akin.Marahil may iba siyang pinagdadaanan dahil malabong ako ang dahilan ng pagkakaganito niya. Sino nga naman ako
( Amari's POV )Walang naging problema ang pagpapanggap ko sa loob ng ilang araw. Wala ni isa sa pamamahay na ito ang nakahalata dahil sobrang maingat ang bawat kilos ko sa paggaya kay Amina.At kahit sa maikling panahon lang na nakasama ko si Zander sa araw-araw ay mas lalo ko siyang hinangaan at minahal dahil talagang napakabuti niya. Yung kabutihan na nakakahawa."Kapag nalaman kaya niyang hindi talaga ako si Amina, ganito pa rin kaya siya kabait? Pakikitunguhan niya pa rin kaya ako ng maayos at ituturing na parang prinsesa?" Di mapigilang tanong ng isip ko habang nakatutok ang mga mata sa kanya.Kasalukuyan kaming nasa biyahe ngayon para e-check ang reception area kung saan gaganapin ang kasal namin bukas.Sadyang napakabilis ng panahon at mga pangyayari dahil ang pinakahinihintay kong araw ay magaganap na nga bukas!"Baka matunaw ako sa kakatitig mo niyan." Nakangiting turan ni Zander na para bang alam na alam niyang kanina ko pa siya tinititigan.Bahagya naman akong napangiti at
"Anak, bakit mo sinukat yang gown mo? Alam mo bang nasa pamahiin na malas yan!" Nababahalang saway ni mommy nang maabutan ako sa kwarto na suot- suot ang wedding gown ko."Ma, naman nagpapaniwala ka pa sa pamahiin eh anong taon na ngayon. Tsaka nasa Los Angeles na nga tayo." Sagot ko habang di inaalis ang mga mata sa kabuuan ng salamin.Di matanggal- tanggal ang ngiti ko habang tinititigan ang sarili. The French Lace Fishtail design of the gown suits to me very well na para bang perpektong sukat talaga ito sa katawan ko.Kakadating lang kasi nito ngayong hapon. At sa sobrang excited ko ay hindi ko na ito napigilang pakialaman. Gusto ko ring kasing makasiguro na hapit na hapit ito sa katawan ko dahil nga sukat ito ni Amina. Mabuti nalang at magkasingkatawan lang kami ng kakambal ko. Feeling ko nga mas nababagay pa ito sa akin dahil mas malaman ako kay Amina ng kaunti.Kita ko nalang ang pag-iling ni mommy sa repleksyon niya sa salamin habang sapo ang kanyang sintido. Masyado ng moderni
[ Excited akong nagmaneho patungong Quezon para sa gaganaping fashion show. Medyo may kabigatan ang dibdib ko dahil hindi ko makikita si Zander ng ilang araw. Gayunpaman, may sulat naman akong iniwan. Umaasa akong uuwi siya ng condo at mababasa niya iyon kahit alam ko namang imposible.Ngunit kung kailan malapit na akong makarating sa venue ay bigla na lamang nagloko ang sasakyan ko kaya napilitan ko itong ihinto sa gilid ng kalsada.I was about to ask for help nang may lumapit sa aking dalawang lalaki. Kinatok nito ang bintana ng sasakyan ko kaya binaba ko na."Miss, anong problema? Kailangan mo ba ng tulong?" Ani ng isang may mahabang bigote.I am not that judgmental pero nakakaramdam ako ng kakaiba presensiya sa dalawa. Para bang may gagawin ang mga ito na hindi kanais nais."No need. Tatawagan ko nalang yung mga kasamahan ko." Ani ko. Pilit nilalabanan ang nararamdamang takot lalo pa't hindi matao sa banda rito at may matarik pang bangin.Ngunit edi-dial ko pa nga lang ang numero n
"Goodmorning ma'am, ready na po ang breakfast niyo."Ang katok na ito ng staff ng resort kung saan ako naglalagi ang siyang gumising sa aking diwa. Nakangiti itong bumungad sa akin bitbit ang tray ng pagkain."Salamat." Sambit ko at tipid na napangiti. Nilakihan ko ang awang ng pintuan para makapasok ito.Matapos nitong mailapag ang bitbit na tray ay agad din itong nagpaalam. "Enjoy your breakfast po ma'am." Magiliw na sambit pa nito bago tuluyang naglakad paalis.Isinara ko ang pintuan at muling umupo sa kama. Magdadalawang linggo na magmula ng napadpad ako rito. Isang simpleng resort ito rito sa Zambales. Pero kahit simple ay maganda naman rito, maaliwalas at walang masyadong turista kaya dito ako tumagal. The place is so perfect for my broken heart.Magmula ng umalis ako nang gabing iyon ay nakailang lipat din ako ng lugar sa kagustuhan ng tahimik na buhay. At dito nga ako dinala ng aking mga paa, gawa na rin ng maiging pagsesearch online. Mabuti na lamang at dala dala ko sa wallet
"Ma'am saan po kayo pupunta ng ganitong oras?"Takang tanong ng isang tauhan ni Alexander. Lima silang nagwagwardiya rito sa resthouse niya, di pa kasama ang iilang nakabantay rin pero ito lang ang may lakas ng loob na lumapit sa 'kin para tanungin ako.Buong loob ko itong hinarap. "May mahalaga lang akong pupuntahan." Pagdadahilan ko ngunit mukhang hindi ito kumbinsido."Ma'am, nagpaalam ka na po ba kay boss? Para sana samahan ka ng ibang kasamahan namin para sa proteksyon niyo po." Pangungulit pa nito kaya napairap na ako. Nagsilapitan na rin ang iba pa kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis."Hindi na kailangan. Tsaka bakit ba kayo nakikialam? Hindi ako ang amo ninyo rito. May karapatan akong umalis dahil hindi niyo na ako bihag." Singhal ko dahil sa pagkairita.Kita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata ng mga ito ngunit matigas pa ring naninindigan."Patawad po ma'am pero sinusunod lang namin ang utos ni boss lalo pa't malalim pa po ang gabi at delikado sa daan. Kung gusto niyo pong
( Madison/Amari's POV )"Ma'am! Nasa TV sina Señorito at ma'am Amanda!"Natatarantang tawag sa akin ng katulong. Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon. Nang umalis sina Alexander at mommy kanina ay minu-minuto akong taimtim na nanalangin para sa kanilang kaligtasan.Patakbo akong lumabas ng kwarto at dali- daling pumunta sa sala para mapanood ang sinabi ng katulong.Napakalakas ng kabog ng puso ko habang nakatutok ang mga mata sa balita. Nasa TV nga sina mommy at Alexander. Karga karga na nito si Austin kaya parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa."Sumabog ang isang abandonadong pabrika na dating pagmamay- ari ng namayapang dr*g syndicate na si Mr. Luis Cruz. Ayon sa ulat ay ginawa raw itong hideout ng asawang si Elizabeth Cruz,"Hindi pa man tapos ang balita ay patakbo akong lumabas ng bahay."Ma'am saan po kayo pupunta!?" Takang tanong ng katulong habang nakasunod sa 'kin."Sa pabrikang tinutukoy ng balita. Pupuntahan ko ang mag- ama ko!" Mariing sagot ko kaya napakamot nalang ito
( Alexander's POV )"Can I go with you?" Pakiusap ni Madison or shall I say Amari. Ngayon na kasi ang araw ng paghaharap namin ni Elizabeth, ang araw na kahapon ko pa pinaghandaang mabuti.Marahan akong umiling bago ito niyakap."No baby. I'm sorry but you better stay here. Hindi ko hahayaang mapahamak ka ulit." Puno ng pagmamahal na turan ko bago ito hinagkan sa ulo.I can't dare to kiss her on her lips dahil pakiramdam ko nagkakasala ako dahil sa ibang mukha niya. But I'll also promise to myself na ibabalik ko ang dati niyang hitsura kapag maayos na ang lahat. Mas pipiliin ko pa rin ang kagandahan ng orihinal niyang mukha na higit kailanman ay hindi ko ipagpapalit ninuman.Matapos namin malaman ang resulta ng DNA test kagabi, pinangako ko na sa sarili ko na wala ng ibang taong mananakit sa babaeng mahal na mahal ko. Walang paglagyan sa tuwa ang puso ko dahil tama lahat ng kutob ko. Worth it lahat ng pagtitiis ko. Pero alam kong mas kompleto ang kasiyahang ito kapag nabawi na namin s
Kinabukasan nang magising ako ay nakaramdam agad ako ng kirot sa aking ulo. Marahil ay dahil sa ilang baso ng alak na nainom ko kagabi, halatang nanibago ang katawan ko.Pero di ko naman din pinagsisihan na uminom ako dahil madali akong nakatulog pagkatapos. Isa pa, marami rin kaming napagkwentuhan ni Alexander. At kahit sa isang gabing pag- uusap na iyon ay nakagaanan ko na siya ng loob.Bumalikwas na ako ng bangon at diritsong tinungo ang banyo para makaligo na. Pagkatapos ay dali dali rin akong nagbihis para lumabas ng kwarto. Maaga pa naman, nasa alas sais pa lang kaya gusto kong tumulong sa kusina.Tahimik pa sa sala kaya't tantiya ko'y tulog pa sina Alexander at ang ginang na si Amanda.Pagkarating ay ang katulong agad ang nabungaran ko. Ngayo'y may kasama ito na sa tingin ko'y chef dahil na rin sa suot nitong uniporme."Magandang umaga ma'am." Sabay na bati agad ng dalawa nang mapansin ako."Hello, goodmorning." Nakangiting bati ko naman."Gusto niyo na po bang kumain? Uminom ng
Matapos makipagkita kay Nick ay mas lalo akong nahirapan makatulog nang gumabi. Ngayong kumpirmado na na hindi nga ako si Madison ay mas dumoble ang takot at pag- aalala ko para kay Austin. Paano nalang kong saktan siya ni Elizabeth dahil hindi naman pala sila totoong magkadugo?Oo at Elizabeth na ang tawag ko sa kanya! Hindi na mommy. Sa ginawa niyang pagamit sa akin ay hindi siya nararapat na erespeto. Wala siyang konsensiya! Tunay ngang napakaitim ng budhi niya.Tiningnan ko ang oras at malalim na nga ang gabi pero heto ako't gising na gising pa ang buong diwa. Muli akong bumangon sa hinihigaang kama at nagpasyang lumabas ng kwarto para tumungo sa kusina at uminom ng tubig. Gusto kong pakalmahin ang di mapakaling isipan.At nang makadaan ako sa may sala ay napansin ko kaagad si Alexander at ang bote ng beer na nakalapag sa babasaging table.Napatikhim ako dahilan para maagaw ang atensyon niya."Hmmm hi! You're still awake?" Tanong agad nito na ikinatango ko ng marahan."I can't slee
"Then you better prepare. Aalis na tayo ng 1:00 PM. May kalayuan pa ang biyahe natin." Agad na tugon ni Alexander nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa pagtawag ni Nick."Sasama ka?" Kunot noong tanong ko."Ofcourse! Hindi ka pwedeng umalis na hindi ako kasama." Seryosong turan nito bago tuloy tuloy na naglakad paakyat, patungo sa kwarto niya."Sabi sayo ma'am eh, napakaconcern ni Señorito sayo."Bigla akong napapitlag nang may nagsalita sa bandang likuran ko kaya gulat akong napalingon. Kita ko ang abot taingang ngiti ng katulong. Nakapeace sign pa ito dahil sa naging reaksyon ko."Maglalaba na po muna ako ma'am." Nakangising paalam nito. Ngising halatang nanunudyo.Napahawak ako sa dibdib ko. Rinig at ramdam ko ang pagwawala ng aking puso.Goodness! Para iyon lang ay nag- ooverthink na agad ako. Alexander isn't concern. Kailangan niyang sumama dahil pandagdag ebidensiya ang magiging testamento ni Nick laban kay mommy Elizabeth. Iyon lang yun! Dapat hindi na ako nag-iisip ng iba pa
( Madison's POV )"Tatlong araw ang sinabi ni Elizabeth. Kailangan na nating makapagplano agad ngayon." Kita ko ang pagmamadali sa mukha ni Alexander . Nang makarating ito ay naikwento niya agad ang nangyari at tungkol sa pagtawag ni mommy. Bagay na ipinag- aalala ko ng lubos kaya di ko mapigilan ang sariling humagulhol."Kung ako lang ang kailangan niya ay hindi ako natatakot sa kanya. Papayag akong makaharap siya anumang oras, sisiguraduhin niya lang na ligtas ang bata at tutupad siya sa usapan." Lakas loob na sambit ng ginang na si Amanda ngunit mariing napailing si Alexander."Tuso at mapanlinlang si Elizabeth mom. Hindi tayo pwedeng maniwala sa sasabihin niya. Kailangang makagawa tayo ng magandang plano." He uttered kaya kapwa kami nag- isip ng malalim.I just can't believe it! Ginawang pa- in ng itinuring kong ina ang inosenteng anak ko na itinuring siyang abuela. At sa ginagawa niyang ito kay Austin ay parang pinapamukha niya na rin sa 'kin ang katotohanan kahit wala pa man an