[ Meghan's POV ]Nakilala ko na lamang siya ng tawagin ito ni Krissy. "Brandooooon!" Malakas ang sigaw nito ngunit para siyang bingi na wala man lang narinig at tuloy-tuloy itong naglakad palayo tangay ang aking kamay. Wala rin itong pakialam sa paligid lalo na sa iba't-ibang reaksyon ng mga taong nakatingin sa amin.Parang nagslow-mo bigla ang aking mundo. Nakaramdam ako ng malakuryenteng dumadaloy sa aking ugat. Lumakas lalo ang tibok ng puso ko at wala itong pagtutol na sumunod sa kanya.Di ako alam kung paano kami nakawala sa masalimoot na kaguluhan. Napakabilis ng pangyayari at para akong naging puppet na basta na lamang nakasunod sa kanya at wala man lang pag-alinlangan na sumakay sa kotse niya ng alukin ako nito. Nang tuluyan itong umandar paalis ay saka lang nagsink-in sa utak ko ang mga pangyayari.Kapwa kami tahimik habang tinatahak ang kahabaan ng daan. Di ko siya magawang tingnan habang pinapakiramdaman ko lang ang nagwawala kong puso.Ito na ang hinihintay kong pagkaka
[ Meghan's POV ]"Grabe, nang dahil lang dun pinahiya ka nila ng ganun? Di ko lubos maisip kong bakit papakasalan ni kuya yung babaeng yun gayung napakasahol ng pag-uugali." Di makapaniwalang sambit ni Calex at napailing pa ito habang nagmamaneho."Sinabi mo pa. Kita mo naman sa event kanina kung gaano siya kaproud na ipangalandakan sa lahat ang babaeng yun. Baka talaga mahal niya kaya siya nagbubulag-bulagan." Nakahalukipkip na bulalas ko habang nakatuon lang ang mga mata sa bintana ng sasakyan. Kagaya ni Calex ay sobrang dismayado din ako."Sayang Meg, pagkakataon mo na sana kanina para makausap si kuya." Sambit ni Calex kaya't napalingon ako sa gawi niya."Naku! Kung narinig mo lang kanina yung mga sinabi niya mawawalan ka talaga ng gana. Na kesyo parang kasalanan ko pa dahil umattend ako sa party gayung mainit ang dugo sa akin ni Krissy. Tapos hindi ko raw kayang ipagtanggol yung sarili ko. Na dapat daw ako nalang ang umiwas. Parang kinakampihan pa nga niya yung hinayupak na baba
[ Meghan's POV ]Pagkauwi ng hotel ay agad ko ding inayos ang mga gamit na dala ko. Hinanda ko na ito para sa flight namin bukas pabalik ng Cebu.Sa totoong lang napakabigat ng dibdib ko dahil uuwi akong bigo. Wala man lang akong ibang napala sa lahat ng effort ko kundi sakit sa puso. Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Pinagtagpo nga kami ulit pero sa huli magpapakasal din pala siya sa iba. Nagsimula na namang magtubig ang mga mata ko. "Sana last na 'to. Nakakasawa ng umiyak ng dahil sayo Brandon." Bulalas ko sa sarili habang marahang pinupunasan ang maliliit na butil sa aking mga mata.Nasa kalagitnaan ako ng pag-eemote nang tumunog ang doorbell ng kwarto ko. Alam ko na kung sino ito dahil wala namang ibang bumibisita sa akin. Inayos ko muna ang sarili bago ko tinungo ang pintuan at binuksan."Nandito na ako bakla!" Masiglang bungad ni Gail sa akin n abot tainga ang ngiti. Ngunit napalitan din ito ng pagkunot sa kanyang noo nang mapansin nito ang matamlay kong hitsura. "Malun
"Bakla, may nangyari ba? Bakit nagmamadali kang umalis?" Naguguluhang tanong ni Gail habang nakasunod sa akin."Pumunta nalang tayo sa ibang store." Mahinahon ngunit garalgal ang boses na sagot ko. Napahinto ako ng hawakan ni Gail ang braso ko."So may nangyari nga? May nang-away ba sayo dun sa boutique? Tara! Balikan natin." Seryoso pero puno ng concern na saad niya. Sa ikinilos ko ay talagang maghihinala siya.Huminga muna ako ng malalim bago sumagot."Nagkita kami ng mommy ni Brandon. Kasama niya pa si Krissy nang pumasok sila sa boutique. May sinabing hindi maganda tungkol sa 'kin. Kaya mas maiging umiwas nalang tayo." Emosyonal na pahayag ko at bakas sa mukha ni Gail ang pagkairita."Ano!? Hinayaan mo lang silang pagsalitaan ka ng kung anu-ano? Tapos ikaw pa 'tong iiwas? Hindi naman nila pagmamay-ari itong mall para magyabang sila ng ganun. Tara na balikan na natin!" Sa tono pa lang ng pananalita ni Gail ay gigil na gigil ito. Akmang maglalakad na sana siya pabalik ng boutique n
"Bakla! Gumising kana please! Nag-aalala na kami sayo." Halos maiyak na si Gail habang niyuyugyog ang balikat ko. Akala siguro nito na nahimatay pa rin ako dahil sa hindi ko pa rin dinidilat ang aking mga mata. Ramdam ko pa kasi yung pananakit ng ulo ko kaya mas komportable ako sa ganito.Marahan ako nagmulat ng mata habang napahawak sa aking sintido."Ouch!" Sambit ko at dahan-dahan itong hinihilot.Halos sumigaw na si Gail sa sobrang tuwa. Ganoon rin si Calex kahit nagmamaneho. Parang kanina pa ito nagdarasal kung kailan ako magigising. Tsaka ko lang napagtantong lulan pala kami ngayon ng sasakyan."Thanks G! Haixt pinakaba mo kami. Dadalhin kana namin dapat sa ospital." Parang nabunutan ng tinik na bulalas ni Gail habang nakahawak sa kanyang dibdib."May masakit ba sayo Meg? Kumusta ang pakiramdam mo?" Concern naman na tanong ni Calex."Ayos lang naman ako. Medyo makirot lang yung ulo ko. Baka dahil sa nainom ko 'to." Saad ko at muling inihilig ang ulo sa upuan ng sasakyan."Ano b
[ Meghan's POV ]"Alam kong may ideya kana kung bakit ako nakipag-usap sayo." Panimula ko sa usapan namin ni Jhant habang hinihiwa ang beef steak na inorder ko. Agad kasi naming tinungo ang pinakamalapit na mamahaling fastfood."Uhm yeah! I guess tungkol ito dun sa mga sinabi ko sayo lastime about Brandon right?" Sagot nito habang pinupunasan ang labi ng tissue.Marahan akong tumango at huminto muna sa pagkain bago sumagot. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, kailangan ko ang tulong mo." Diretsahang sambit ko.Inihinto rin ni Jhant ang pagkain at ininom muna nito ang baso ng pineapple juice bago sumagot."What help do you need?" Seryosong tanong niya habang nakatingin sa akin ng diretso."Gusto ko sanang makausap si Mr. Parker. Gusto kong malaman kung magkano ang halagang kailangan niya para maibalik ang kompanya nina Brandon?" Buong-loob na pahayag ko na ikinaawang ni Jhant. Halos bumilog ang mata nito at hindi makapaniwala sa sinabi ko."What? Seriously Meg?" Aniyang puno ng pagkagu
Makalipas ang ilang araw.[ Brandon's POV ]Madaling araw pa lang ay bumiyahe na ako upang makarating ng maaga sa isa sa mga private resort namin na nasa Zambales, where mom and dad stayed for good pag umuuwi sila ng Pilipinas.At paminsan-minsan naman pag lumuluwas si mommy sa Manila, sa bahay ko siya tumutuloy kung saan nandoon din si Krissy.Nasa balcony ako ng resthouse namin habang tinatanaw ang magandang view ng karagatan nang lapitan ako ni mommy."Here's your coffee my son." Nakangiting binigay nito sa akin ang tinimpla niyang coffee. Saktong-sakto kasi ang oras ng dating ko na nasa 6:00A.M pa lamang at ramdam ko yung lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat."Thanks mom." Ginawaran ko siya ng ngiti at tsaka kinuha ito sa kanya."Bakit hindi mo man lang sinama si Krissy? May pinagkakaabalahan ba siya?" Sunod-sunod na tanong ni mommy at tumabi ito sa kinauupuan kong bench.Umiling ako pagka't never naman naging busy si Krissy sa trabaho. Mas abala pa yun sa pagbabantay sa ak
[ Brandon's POV ]"Ingat ka sa pagmamaneho son. Mamaya-maya ay susunod na rin kami ng daddy mo. Sa office ni Henry nalang tayo magkita." Tugon ni mommy pagkatapos akong halikan sa pisngi. I kissed her cheek back at niyakap ko rin si daddy bago tuluyang nagpaalam sa dalawa.Lulan ng aking sasakyan ay bigla na lamang pumasok sa isipan ko ang mga sinabi ni Manong Jun. Parang nag-eecho ito sa aking tainga ng paulit-ulit.Kung mapapasubo ako sa kasal ay tiyak mahihirapan na akong makawala. Knowing Krissy, talagang totohanin niya ang kanyang mga banta.Pero kung ipagpapatuloy ko ito, kagaya ng sinabi ni Manong Jun ay parang hinahayaan ko lang ang sarili kong malungkot at magdusa habang buhay.Ngunit nakasalalay naman sa pagpapakasal ko kay Krissy ang madaliang pagbawi ko sa mga kompanya namin.Malalim ang naging buntong-hininga ko sa sobrang gulo ng aking isipan. Napailing nalang ako habang nakatutok ang mga mata sa tinatahak na daan pabalik ng Manila.Kung bakit ba naman ngayon pa gumulo n