[ Brandon's POV ]"Ingat ka sa pagmamaneho son. Mamaya-maya ay susunod na rin kami ng daddy mo. Sa office ni Henry nalang tayo magkita." Tugon ni mommy pagkatapos akong halikan sa pisngi. I kissed her cheek back at niyakap ko rin si daddy bago tuluyang nagpaalam sa dalawa.Lulan ng aking sasakyan ay bigla na lamang pumasok sa isipan ko ang mga sinabi ni Manong Jun. Parang nag-eecho ito sa aking tainga ng paulit-ulit.Kung mapapasubo ako sa kasal ay tiyak mahihirapan na akong makawala. Knowing Krissy, talagang totohanin niya ang kanyang mga banta.Pero kung ipagpapatuloy ko ito, kagaya ng sinabi ni Manong Jun ay parang hinahayaan ko lang ang sarili kong malungkot at magdusa habang buhay.Ngunit nakasalalay naman sa pagpapakasal ko kay Krissy ang madaliang pagbawi ko sa mga kompanya namin.Malalim ang naging buntong-hininga ko sa sobrang gulo ng aking isipan. Napailing nalang ako habang nakatutok ang mga mata sa tinatahak na daan pabalik ng Manila.Kung bakit ba naman ngayon pa gumulo n
[ Meghan's POV ]Nasa harap na ako ng building ni Mr. Parker. Nakakalula rin ang laki nito at napakaganda ng disenyo. Di maikakailang bilyonaryo ang may-ari. Huminga ako ng malalim para mabawas-bawasan naman kahit papaano ang kabang nararamdaman ko. Ramdam ko na rin yung pamamawis ng kamay ko. "Kaya ko 'to!" Usal ko sa sarili.Pagkatapos ko magpark ng sasakyan ay nanalamin muna ako sa rearview mirror para masiguradong maayos ang hitsura kong haharap sa kanila. "Ganda mo girl!" Nakangiting puri ko sa sarili.At nang makontento ay bumaba na rin ako. Sumunod naman sa akin si Atty. Montecarlo na kakababa lang din sa kanyang sasakyan."Are you ready Ms. Walton?" Seryosong tanong nito. Kung tutuusin gwapo itong si Atty. Montercarlo. Halos kaedaran lang din siya ni Brandon. Yun nga lang kung tititigan mo ito ay masyadong seryoso na parang kay mahal bilhin ng kanyang mga ngiti. Idagdag pa ang suot nitong eyeglasses na parang terror na professor sa isang University.Marahan akong tumango dahi
[ Meghan's POV ]Natahimik ang lahat sa naging rebelasyon ni Brandon. Bakas ang labis na pagkagulat sa kanilang naging reaksiyon. Nanlaki ang mga mata at natutop ng mommy ni Brandon ang bibig nito. Samantalang si Krissy ay parang nawalan ng lakas na napaupo. Umiiling ito na parang hindi makapaniwala.Habang ako ay di maintindihan ang iba't-ibang emosyon na nararamdaman ko habang pinagpapatuloy ni Brandon ang kanyang salaysay."Five years ago, I got her pregnant kaya ko siya pinatira sa bahay ko. I commanded her to act as my housemaid coz It's the only way for me to protect my name and reputation. At tinago ko ito pati sa inyo mom and dad coz I don't want you to be upset and disappointed with me." Pagpapatuloy ni Brandon habang emosyonal na nakatingin sa kanyang mga magulang."Aaminin kong naging duwag ako noon at sobra akong naging insensitive kasi akala ko yun yung nararapat kong gawin, na yun yung tama without thinking na yung babaeng sinasaktan ko ay mahal na mahal ko na pala. The
[ Meghan's POV ]Ramdam ko sa hagod ng kanyang mga halik kung gaano siya nanabik sa akin. Halik na nag-uumapaw sa damdamin at napaka-passionate. I feel his tongue inside at halos mabaliw na ako ng sipsipin niya ang aking dila. Habang ang kanyang mga kamay ay marahang nakahaplos sa aking buhok at likuran.Nang ako naman ang kumilos at ginantihan siya ng mas nag-aalab na halik ay bigla na lamang siyang napahinto at humiwalay. Walang anumang salita ay niyakap niya ako ng napakahigpit habang marahang hinahalikan ang aking ulo. Nakakulong ako sa kanyang matipunong mga bisig at ramdam kong napakasafe ko dito. Napapikit ako sa napakasarap na feeling at gumanti rin ng yakap sa kanya na puno ng pagmamahal. Yung kahit yakap lang ay mararamdaman mo na ang labis na pagmamahal at kaligayahan namin sa piling ng isa't-isa. Dinig na dinig ko ang di magkamayaw na pagtibok ng kanyang puso habang pinapakiramdam ko rin ang pagwawala ng sa akin. Mahigit limang taon akong naghintay na mangyari ito at ng
BRANDON AND MEGHAN'S MOMENT OF TRUTHNOTE: This chapter contains sex scenes and languages that is not suitable for young audiences. Please guided. [ Meghan's POV ]"Napakasarap naman ng niluto ni Manang Celia. Di ko tuloy napigilan lumamon ng marami lalo na't matagal-tagal na rin akong hindi nakakain ng seafoods." Nakangising sambit ko pagkatapos namin kumain ni Brandon."It's okay. Thin, fat, sexy, no matter what figure do you have, I still love you just the way you are." Banat naman ni Brandon na nakangiti pa ng ubod tamis habang abala sa pagliligpit ng pinagkainan namin.Ang totoo'y di ko mapigilang kiligin ngunit Inirapan ko naman siya nang maalala ko ang lambingan nila ni Krissy. "Talaga lang ha! Si Krissy din ba nasabihan mo ng ganyan?" Nakahalukipkip na tanong ko sa kanya habang hinahayaan lamang siyang magligpit. Nag-insist kasi siya kanina na siya na ang bahala dahil gusto niya raw akong pagsilbihan kaya kinareer ko muna maging prinsesa ngayon.Kumunot naman ang kanyang noo
[ Meghan's POV ]Nagising nalang ako dahil sa napakaraming halik na naramdaman ko sa aking mukha. Halik sa buhok, noo, kilay, ilong, pisngi, baba, leeg at sa labi na iginawad sa akin ni Brandon.Napaunat ako at nagmulat ng mga mata. Nakangiting hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi nang walang anumang salita."Goodmorning beautiful woman. Breakfast in bed is ready." Aniya sa napakasweet na ngiti. Ako na ata ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa dahil pag gising pa lang ay bumungad agad ang ubod ng gwapo at napakahot na nilalang sa harapan ko.Niyapos ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg at puno ng lambing siyang tinitigan."Kung panaginip man ito, ayaw ko ng magising." Puno ng pagmamahal na saad ko. Inilapit niya ang kanyang mukha at marahan akong hinalikan muli sa labi. "Don't worry, it's real at never maging panaginip." Simple ngunit puno ng sensiridad na saad niya.Niyakap ko siya dahilan para madaganan niya ako at pumaibabaw sa akin. Napangisi na lamang ako ng maramdaman k
[ Meghan's POV ]Isang buong linggo kaming namalagi ni Brandon sa resthouse nila sa Tagaytay. Isang buong linggo rin akong sobrang maligaya. Walang oras na hindi kami magkadikit sa isa't-isa kaya't ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako kamahal.Talagang sinulit namin ang mga araw na magkasama kami kaya halos lahat ng tourist destination sa lugar ay pinuntahan namin. At pag gabi syempre ang isa't-isa naman ang pinapaligaya namin sa sarap at pagmamahal.Nakaupo ako ngayon sa bench ng terrace ni Brandon habang nakatingin sa napakagandang liwanag ng buwan. Huminga ako ng napakalalim pagka't bukas ay kinakailangan ko na rin bumalik ng Cebu and I'm gonna miss my man so much. Ang ligaya at tuwa ko ay mapapalitan ng pagkalumbay dahil panandaliang kaming mawawalay sa isa't-isa."Ehem!" Napalingon ako ng makarinig ng isang tikhim. Ang mahal ko pala. Bagong ligo ito na mukhang napakabango habang may hawak na baso ng gatas.Nakangiti ako nitong nilapitan. "Pinagtimpla na kita ng gatas para mas
[ Krissy's POV ]I don't understand kung bakit nakakaramdam ako ng kaba habang tinatahak ang daan papunta sa cafe kung saan kami magkikita ni Calex. Actually, I'm not familiar here in Cebu and buti nalang may close friend si Brenda na taga rito so she guided us along the way."We're here!" Saad ng kaibigan ni Brenda sabay hinto ng kotse nito sa tapat mismo ng cafe."Are you okay couz?" Nagtatakang tanong ni Brenda nang mapansin ang lalim ng aking buntong-hininga habang minamasdan ang paligid sa bintana ng sasakyan."Yeah, ofcourse! Why you say so?" Confident na sagot ko sa kanya although deep inside I know I'm bothered with this unknown feeling."Mukha ka kasing conscious. Well anyway, Goodluck! Sa ganda mong 'yan, I know kaya mong paamuin yung lalaking yun." Tugon ni Brenda and I just smiled as a response.Bumaba ako ng sasakyan. Wearing a Burgundy Backless Dress paired with 3 inches Red Stilletos with a light make-up on my face, I know I'm a head turner.At hindi nga ako nagkamali c
Makalipas ang isang buwan.Humahagulhol na nakaharap si Krissy sa isang lapida. Alam niyang huli na para magpatawad ngunit alang alang sa ikapapanatag ng loob niya ay ibibigay niya ito sa babaeng nagdulot ng labis na hinanakit sa kanya."Kung naririnig mo ako ngayon mom. Pinapatawad ko na po kayo. Sana mapatawad niyo rin po ako." Madamdaming usal ni Krissy. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lamang niya nabisita ang puntod ng kanyang mommy.Lumapit sa kanya si Calex at buong puso siyang niyakap. Tahimik lang ang lalaki bilang respeto sa nagdadalamhating puso ng asawa.At nang matapos si Krissy ay niyakag na rin niya ang babae pauwi."Tara na love, baby CK is waiting for us." Malambing na turan ni Calex."Pwede bang samahan mo ako bukas para dalawin sa kulungan ang kapatid ko love?" Pakiusap ni Krissy sa asawa. Mailap pa si Eliz sa kanya kaya niya sinasanay ang babae sa lagi niyang pagdalaw. Nagbabakasakaling balang araw ay magkaroon din sila ng pagkakaunawaan despite sa mga nangyar
"Sino ka ba at anong naging kasalan ko sayo para gawin mo ang kahayupang ito!?" Sigaw ni Krissy sa nakahalukipkip na babae sa kanyang harapan. Maganda ito at may balingkinitang katawan. She looks harmless ngunit nakatago pala ang sungay nito.Hindi paman nito sinasabi ang pangalan ay malakas ang kutob niyang ito ang babaeng tinutukoy ni Philip na si Eliz.Nang mahuli siya ng babae kanina ay agad siyang dinala sa isang tagong kwarto. Ginapos ang kanyang buong katawan habang nakaupo siya sa isang upuan."Well, hindi mo talaga ako makikilala dahil never mo namang naisipan na kilalanin ako! Ni minsan hindi mo naisip na nag-eexist ang isang tulad ko Krissy Parker!" Bulyaw ng babae. Puno ng hinanakit ang bawat katagang binitawan nito.Talagang kahit anong isipin ni Krissy ay hindi niya maalala na nagkrus ang landas nila ng babae."Oh shit! I don't even know you at wala akong maalala na nasaktan kita. For goddamn sake ngayon pa lamang tayo nagkita kaya hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan
Mabilis na naasikaso ni Calex ang lahat kaya't agad rin silang nakalipad pauwi ng Pilipinas.Si Brenda na ang dumiritso sa mansyon para dalhin ang kanilang mga gamit dahil agad na nakipagkita sina Calex at Krissy kay Philip sa isang exclusive restaurant. Kaligtasan ng kanilang anak ang nakasalalay rito kaya bawat segundo ay mahalaga.Sakto namang pagdating nila ay naghihintay na si Philip sa table number na binanggit nito.Agad na umorder si Krissy ng pagkain para sa kanilang tatlo."Philip, gusto kong malaman kung bakit malakas ang hinala mong si Ms. Eliz Teng ang nagpakidnap sa anak namin." Bukas ni Calex sa paksa.Si Krissy naman ay tahimik lang na nakikinig sa dalawang lalaki."Gusto kong sabihin sa inyo lahat ng nalalaman ko. Sabihin nalang natin na gusto kong bumawi sa kasalanan ko kay Brenda. I love her so much kaya mahalaga na rin sa akin ang mga taong mahalaga sa buhay niya." Salaysay ni Philip."What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Krissy."Isa ako sa binayaran ni Eliz
Nagbubunyi ngayon si Eliz habang karga karga ang sanggol ng isa sa kanyang mga katulong."Kuwawang bata, nadamay pa sa kawalangyaan ng mommy niya. Kung sana kinilala ako ng mommy mo, hindi ako maghihiganti ng ganito." Usal ng babae habang nakatitig sa napakagwapong sanggol na mahimbing na natutulog.Sa wakas ay napagtagumpayan din ni Wesley ang kanilang plano.Lumapit si Wesley at niyakap nito si Eliz sa beywang sabay halik sa leeg ng babae."Are you happy now my baby?" Masayang usal ni Wesley. Matupad lang niya ang kagustuhan ng babaeng minamahal ay sobra na siyang kontento.Humarap si Eliz sa lalaki at sinagot ito ng isang mapusok na halik sa mga labi. "Sobra mo akong pinasaya babe! Kaya ngayon may premyo ka sa'kin." Bulalas ng babae matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.Inakay niya si Wesley patungo sa kwarto at doon isinagawa niya ang premyong ibinigay para sa lalaki. At yun ay ang muling ipaubaya ang sarili sa lalaki."Sayong- sayo ako ngayon babe!" Mapanuksong usal ni Eliz
Nagdaan ang mga araw na puro saya na lamang ang nararamdam nina Krissy at Calex sa kanilang mga puso. Ang kulang nalang talaga ay si baby CK. At araw nalang din ang kanilang bibilangin para tuluyan nila itong makasama at magiging buo na rin sila.Samantala, sa kabilang dako naman ay abalang abala si Wesley sa kilos na gagawin ng mga utusan niya. Ngayong araw nakatakda nilang gawin ang nakasaad na plano ni Eliz.Nakakabit ang malilit na hearing aid sa kani-kanilang tainga para sa maayos na komunikasyon at monitoring sa kilos ng bawat isa.Kasalukuyang nasa tinutuluyang apartment si Wesley dahil dito nila plinano ang mga hakbang na gagawin nila.At nang matapos ang kanilang pagpupulong ay pinaalis na rin ni Wesley ang kanyang mga utusan. Kailangang makapwesto na ang mga ito para hindi pumapalpak pagdating ng oras.Nakahanda na rin ang private airplane na gagamitin niya sa pagtakas dala ang sanggol.Yun talaga ang pinakaplano ni Eliz, kunin ang anak ni Krissy at ilayo ito! Alam ni Eliz
Nagkakatuwaan sa pag-uusap sina Calex, Krissy at Brenda nang maabutan nina Jaxon at Aries sa loob."Wow ang saya ah! May party ba?" Bungad ni Jaxon habang nakahawak sa braso ni Aries.Nagagalak na binati ang dalawa nina Krissy at Calex. Samantalang si Brenda ay hindi maialis ang mga mata nito sa nakapulot na kamay ni Jaxon.Bakas ang gulat sa echuserang tingin nito. Wala naman kasing itong alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Jaxon."Ui teka Jaxon, ano yan?" Di mapigilang puna ni Brenda sabay turo nito sa kamay ni Jaxon na nakapulupot sa braso ni Aries.Napahalakhak naman si Jaxon. Ramdam niya kasing hindi makapaniwala si Brenda sa nakikita nito."Bakit bawal bang maglambing sa BOYFRIEND ko?" Confident na sagot ni Jaxon na talagang diniinan pa ang salitang boyfriend. Ngayong nagkaaminan na sila ni Aries ay wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan nila. Malaya na nilang ipangalandakan sa ibang tao at sa buong mundo kung ano talaga sila at never nilang ikakahiya ito."What!?? Boyfriend!?
"Kristela mahal na mahal kita, sana naman wag ka ng gumawa ng dahilan para ipagtabuyan pa ako sa buhay mo." Nagsusumamong pakiusap ni Calex."Sa tingin mo ba ganoon lang kadaling hayaan kang makabalik sa buhay ko? Sa buhay namin ng anak ko? Sobra mo akong sinaktan Calex! At hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan ulit." Nasasaktang tugon ni Krissy."Kulang pa ba itong ginagawa ko para mapatawad mo ako? Dahil kung oo, hindi ako magsasawang suyuin ka oras-oras hanggang sa bigyan mo ulit ako ng chance." Emosyonal at buong pusong salaysay ni Calex. Kulang nalang umiyak ang lalaki sa harapan niya.Umiling si Krissy, senyales na labis pang naguguluhan ang kanyang isip."Hindi ko pa alam Calex. Bigyan mo muna ako ng panahong makapag-isip ng maayos. Just leave!" Ma-autoridad na tugon ni Krissy sabay hawak sa sumasakit niyang sintido. Nagtatalo kasi ang isip at puso niya"Aalis ako ngayon at bibigyan kita ng panahong makapag-isip ng maayos. Pero bago ko gagawin yun, gusto ko munang mal
"So what do you want to eat for dinner girls? Sagot ko na. Celebration man lang natin dahil malapit ng makalabas si baby sa NICU." Masayang turan ni Wesley. Abot tainga naman ang ngiti ni Krissy nang kumpirmahin ito ng doktor kanina. Isang linggo nalang ang hihintayin niya at sa wakas ay makakalabas na ng NICU ang kanyang anak. At kapag nangyari yun, makakauwi na rin sila ng Pilipinas matapos ang mahigit dalawang buwan na pamamalagi nila rito."Anything you want. Kayo na ni Brenda ang bahala." Tugon ni Krissy."Naku! Kung wala lang tayo sa ospital hindi lang pagkain ang oorderin ko eh. Tiyak pati inuman din. Magwawalwal ako kasi finally, makakasama ko na rin ang baby Philip ko. Miss na miss ko na kasi talaga siya." Ani Brenda na hindi napigilan ang kilig na nararamdaman, na kinurap-kurap pa nito ang mga mata na parang nagday-dreaming.Napailing na lamang si Krissy. Iba talaga ang tama ng babae sa nobyo nito."Drama mo Bren ha!" Nakangising turan ni Wesley."Bakit? Hindi mo ba narana
"Well, seems like mukhang malabo na magkaayos ang dalawa babe." Balita ng nobyo ni Eliz sa kabilang linya. Na walang ibang tinutukoy kundi ang mag-asawang Calex at Krissy."Magandang balita yan babe. Sana tuluyan ng magkahiwalay ang dalawang iyan." Natutuwang usal ni Eliz. Ikakatuwa niya kasi talagang makita na nahihirapan at nasasaktan si Krissy."Hayaan mo babe, susulsulan ko pa si Krissy para mas lamunin ng galit." Nakabungisngis na pahayag ng lalaki. Mabuti na lang at kasundong kasundo ni Eliz ang kanyang kasintahan, na nasasakyan nito lahat ng masamang plano niya. Actually, nahawa na ang lalaki sa budhing meron siya. Dahil sa nakwento niyang hirap na kanyang pinagdaanan magmula paslit pa lamang siya ay wala na ring ibang hangad ang lalaki kundi ang samahan siyang makamit ang paghihiganting nais ng kanyang puso."Go on babe, that's right! Ikaw nalang talaga ang maasahan ko diyan. Anyway, sa bata anong balita?" Segundang tanong ni Eliz. Hindi na siya makapaghintay, pati araw ay bi