[ Calex POV ]Umuwi ako ng bahay na aligaga dahil hindi pa rin nawawala sa aking utak ang mga sinabi ng babaeng yun. Para itong nag-eecho ng paulit-ulit sa aking tainga.Hindi ako mapakaling nagpabalik-balik ng lakad sa may veranda namin habang hawak ang isang canned beer.Di ako lubos makapaniwala na nalaman ng malditang babae na yun ang impormasyon tungkol sa pagkatao ko at talagang inalok niya pa ako para makipagsabwatan sa kalokohan niya. Nakakabilib din ang lakas ng loob niya!Pero ang talagang gumulantang sa akin ay ang sinabi nito na hindi na raw matutuloy ang kasal nila ni Kuya Brandon dahil kay Meghan.Napakaraming katanungan sa aking isip kung ano ang ginawang paraan ni Meghan at bakit ganoon nalang kadali na natigil nito ang magaganap na kasalan. Simula naman kasi ng nakabalik ako rito at nagpaiwan siya sa Manila ay hindi kami nagkakausap kahit sa tawag man lang. Di ko mapigilang manlumo dahil wala man lang siyang binabalita na kahit ano sa akin at sa ibang tao ko pa talaga
[ Brandon's POV ]"So hanggang kailan mo sana itatago? Kung hindi pa sinabi ni Henry, wala ka pa talagang balak ipagtapat sa amin ang lahat? Hindi namin lubos maisip na limang taon muna pala kaming pinaglihiman! I just can't believe it!" Dismayadong bulalas ni mommy habang tinatapik naman di daddy ang kanyang braso para pakalmahin.Pagkahatid ko kay babae sa airport ay dito na ako dumiritso sa resort namin sa Zambales kung saan sila namalagi. Maayos na kami ni babae ngayon kaya sila mommy at daddy naman ang susuyuin ko. Gusto ko na ng peace of mind lalo na ngayong may balak na akong lumagay sa tahimik kasama ang pamilyang matagal ko ng gustong mabuo."Mom, dad, I know It's fault and I'm so sorry kung binigo ko kayo. Takot lang ako noon na dungisan ang pangalan ng pamilya natin kaya hindi ko nasabi sa inyo ang tungkol sa kalagayan ko. Napakarami kong naging maling desisyon noon kaya sana suportahan niyo ako ngayon." Puno ng sinseridad na salaysay ko. Emosyonal akong nakayuko bilang pag
[ Krissy's POV ]"Mamayang gabi around 7:00PM pupunta tayong bar." Nakangising saad ni Brenda after maputol ang tawag ng kausap nito sa telepono.Tiningnan ko siya na magkasalubong ang aking mga kilay dahil sa pagtataka. "Bar? Why? Gusto mo pa talagang mag-enjoy samantalang napakarami ko na ngang iniisip. Anyway, you can go. Dito nalang muna ako while thinking kung paano ako makakaganti sa babaeng yun!" Nakaismid na bulalas ko at muling humiga sa kama."Couz hindi pag-eenjoy ang main reason kung bakit tayo pupunta dun okay? It's about for the first move na gagawin natin para sa plano. Calex and his co-racers will having a night out mamaya." Aniyang kumislap-kislap pa ang mga mata. Tiningnan ko ulit siya ng makahulugan dahil kahapon lang niya iminungkahi ang planong ito ngunit di ko aakalaing kikilos siya agad-agad. Sadyang napaka-kampante pa niya na effective ito."Seryoso ka ba? Saan naman galing ang impormasyong yan aber?" Napailing na tanong ko."Well, nagkataon lang naman na yun
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS EXPLICIT CONTENTS THAT IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AND SENSITIVE AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED.[ Calex POV ]I kissed her so hard dahil nadadala na rin ako sa bawat hagod ng malambot niyang labi. Nakakatuliro ang mabango niyang amoy na napakasweet at feminine."I'm all yours for tonight!" Mapang-akit niyang saad na nakakagat labi pa. Dala na rin ng impluwensiya ng alak ay lubhang pinukaw ng babaeng ito ang natutulog kong pagnanasa. Di ko na alam kung kailan ako huling nakipagsex but It was few months ago.Muli ko siyang sinunggaban ng halik na mapangahas at puno ng makamundong pagnanasa. Mabilis niyang hinubad ang suot kong T-shirt at pagkatapos ay agad niyang sinunod ang dress na suot niya.Napakagat labi ako ng tumambad sa akin ang magandang hubog ng kanyang katawan. Di maikakailang supermodel ito dahil sa napakabalingkinitan niyang kaseksihan.Sa aking nag-aapoy na pagnanasa ay muli ko siyang siniil ng halik sa mga labi pababa sa kanyang leeg, braso at k
[ Brandon's POV ]"Tuloy na tuloy na ba talaga yan? Hindi ka na ba mapipigilan?" Nakangising tanong ni Jhant habang nakaupo sa couch ng opisina ko. Matagal-tagal na rin na hindi kami nakakapagkwentuhan ng ganito kaya halos naisalaysay ko sa kanya lahat ng mga plano at hakbang na gagawin ko."Ofcourse dude! Mukha ba akong nagbibiro? Napakatagal ko ng hinintay na mangyari ito. I made a promise to myself na hindi ko na siya kailanman pakakawalan and this is now the perfect time. I also want to give my son a complete and happy family." Puno ng emosyon na paliwanang ko.Napatayo si Jhant at marahan akong tinapik sa braso habang abot-tainga ang kanyang ngiti. "Awesome dude! Akala ko talaga tatandang binata ka dahil sa pagiging player at womanizer mo dati. I'm happy to know na sa wakas narealize mo rin ang lahat ng yan. I wish you all the luck and happiness." Sincere na tugon niya."Thanks dude! Ganito nga siguro pag natamaan ng pana ni Kupido." Masayang sagot ko."Mismo! Anyway, wala na ba
[ Brandon's POV ]Napabalikwas ako ng bangon nang maramdam ko ang mainit na sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Napatingin ako sa orasan na nasa bedside table at nasa alas diyes na pala ng umaga. What the heck! Ni hindi na ako nakapasok ng opisina dahil sa napasarap ang tulog ko. This is the very first time na super late na ako nagising."Shit!" Napahawak ako sa ulo ko sa di maipaliwanag na kirot nito. Isama pa ang nagwawala kong sikmura.Paika-ika man dahil sa nararamdaman ay pinilit kong makatayo para pumunta ng banyo at mailabas ang masamang pakiramdam.After magsuka ay naghilamos ako ng mukha at tiningnan ang sarili sa salamin. Para akong nagising sa isang bangungot nang mapagtanto ko ang mga nangyari."Why on earth na nakauwi ako ng bahay? Sinong naghatid sa akin dito? Paano ako nakapasok?" Gulong-gulo na sigaw ng utak ko.Tiningnan ko ang aking kahubdan at tanging boxer lamang ang suot ko. Lalo akong nagtaka kung sino ang naghubad sa akin gayung wala naman ak
[ Meghan's POV ]Mabilis lumipas ang isang linggo at ngayon na ang araw ng race competition ni Calex. Tiningnan ko ang wristwatch ko habang naghihintay kay Annie na hanggang ngayon ay hindi pa tapos sa pagbibihis. Parang namang nagsukat ng gown ang babaetang yun sa tagal. Napailing na lamang ako habang nakaupo sa bench.Buti nalang makalipas ang ilang minutong paghihintay ay lumabas na rin si Annie. Napakacute niya lalo sa suot niyang floral dress na off-shoulder. Samantalang ako nakasuot lamang ng simpleng red t-shirt na pinaresan ng white tattered shorts at white sneakers shoes."Sorry sa paghihintay ma'am Meg. Plinantsa ko pa kasi tong dress ko, super gusot kasi." Nahihiyang paliwanag ni Annie. Marahan naman akong ngumiti."It's okay Annie. Anyway, bagay sayo yung suot mo. You look fancy." Compliment ko sa kanya at tumayo na rin sa kinauupuan ko."Naku salamat po ma'am pero pumapangalawa lamang ako sa kagandahan mo. Kahit po napakasimple lang ng suot mo ay lumulutang pa rin talaga
[ Meghan's POV ]Nagising ako sa napakaraming halik na dumapo sa aking mukha. Nag-unat ako ng kamay at dahan-dahang iminulat ang aking mga mata.Agad na bumungad sa akin ang ubod tamis na ngiti ng isang napakagwapong lalaki sa harapan ko. Para akong nananaginip. Iisipin ko pa lang na gigising ako sa araw-araw na mukha niya ang bubungad sa akin ay masasabi kong ako na ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa."Rise and shine my beloved future wife!" Sambit ni Brandon habang ginawaran ako ng simpleng halik sa labi. Nakapaibabaw siya sa akin kaya't malaya kong napulupot ang aking dalawang braso sa kanyang leeg. Dahilan para halos mapasubsob ang mukha niya sa mukha ko.I smell his very masculine scent. Idagdag pa ang napakabangong amoy ng kanyang hininga kahit bagong gising. Parang nahihiya tuloy akong magsalita.Nakangiti lang ako habang nakatitig sa kagwapuhan niyang hindi nakakasawa. "Wag mo akong titigan ng ganyan at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko." Malambing na sambit n