[ Brandon's POV ]Napabalikwas ako ng bangon nang maramdam ko ang mainit na sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Napatingin ako sa orasan na nasa bedside table at nasa alas diyes na pala ng umaga. What the heck! Ni hindi na ako nakapasok ng opisina dahil sa napasarap ang tulog ko. This is the very first time na super late na ako nagising."Shit!" Napahawak ako sa ulo ko sa di maipaliwanag na kirot nito. Isama pa ang nagwawala kong sikmura.Paika-ika man dahil sa nararamdaman ay pinilit kong makatayo para pumunta ng banyo at mailabas ang masamang pakiramdam.After magsuka ay naghilamos ako ng mukha at tiningnan ang sarili sa salamin. Para akong nagising sa isang bangungot nang mapagtanto ko ang mga nangyari."Why on earth na nakauwi ako ng bahay? Sinong naghatid sa akin dito? Paano ako nakapasok?" Gulong-gulo na sigaw ng utak ko.Tiningnan ko ang aking kahubdan at tanging boxer lamang ang suot ko. Lalo akong nagtaka kung sino ang naghubad sa akin gayung wala naman ak
[ Meghan's POV ]Mabilis lumipas ang isang linggo at ngayon na ang araw ng race competition ni Calex. Tiningnan ko ang wristwatch ko habang naghihintay kay Annie na hanggang ngayon ay hindi pa tapos sa pagbibihis. Parang namang nagsukat ng gown ang babaetang yun sa tagal. Napailing na lamang ako habang nakaupo sa bench.Buti nalang makalipas ang ilang minutong paghihintay ay lumabas na rin si Annie. Napakacute niya lalo sa suot niyang floral dress na off-shoulder. Samantalang ako nakasuot lamang ng simpleng red t-shirt na pinaresan ng white tattered shorts at white sneakers shoes."Sorry sa paghihintay ma'am Meg. Plinantsa ko pa kasi tong dress ko, super gusot kasi." Nahihiyang paliwanag ni Annie. Marahan naman akong ngumiti."It's okay Annie. Anyway, bagay sayo yung suot mo. You look fancy." Compliment ko sa kanya at tumayo na rin sa kinauupuan ko."Naku salamat po ma'am pero pumapangalawa lamang ako sa kagandahan mo. Kahit po napakasimple lang ng suot mo ay lumulutang pa rin talaga
[ Meghan's POV ]Nagising ako sa napakaraming halik na dumapo sa aking mukha. Nag-unat ako ng kamay at dahan-dahang iminulat ang aking mga mata.Agad na bumungad sa akin ang ubod tamis na ngiti ng isang napakagwapong lalaki sa harapan ko. Para akong nananaginip. Iisipin ko pa lang na gigising ako sa araw-araw na mukha niya ang bubungad sa akin ay masasabi kong ako na ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa."Rise and shine my beloved future wife!" Sambit ni Brandon habang ginawaran ako ng simpleng halik sa labi. Nakapaibabaw siya sa akin kaya't malaya kong napulupot ang aking dalawang braso sa kanyang leeg. Dahilan para halos mapasubsob ang mukha niya sa mukha ko.I smell his very masculine scent. Idagdag pa ang napakabangong amoy ng kanyang hininga kahit bagong gising. Parang nahihiya tuloy akong magsalita.Nakangiti lang ako habang nakatitig sa kagwapuhan niyang hindi nakakasawa. "Wag mo akong titigan ng ganyan at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko." Malambing na sambit n
[ Meghan's POV ]Makalipas ang ilang araw,"Congratulations Bakla! Finally! Sayong-sayo na si papa Brandon mo. Wala na talagang makakapigil sa pagmamahalan ninyong dalawa." Ramdam ko ang tili ni Gail sa kabilang linya. Nasa terrace ako ngayon at kasalukuyang siyang kausap sa cellphone. Ibinalita ko na kasi sa kanya ang tungkol sa romantic proposal ni Brandon."Salamat Gail. Hindi ko nga inaasahan eh. May pasurpresa pang nalalaman si Brandon. Nakakakilig pa yung pagkanta niya." Nakangiti kong saad."Ang haba ng hair mo bakla. So, kailan ang kasal at ng makapaghanda kami ni Tita MA." Excited na tugon niya."Next month na Gail. Two weeks from now ay kailangan niyo ng pumunta rito. Ikaw na ang bahalang magsabi kay Tita MA. Tsaka pasuyo nalang din si Ate Luz, kamo kailangang naririto siya sa espesyal na araw namin. Sagot ko na ang ticket na gagastusin ninyong tatlo at ako na ang bahala sa lahat pag dating niyo rito." Salaysay ko at lumakas pa lalo ang hiyaw nito dahil sa saya."Aba napakas
[ Meghan's POV ]Ilang araw din nagbakasyon ang parents ni Brandon sa mansyon bago sila bumalik ng Zambales. At sa ilang araw na yun ay napatunayan kong tunay ang intensyon ng kanyang mommy na magkaayos kami.Talagang sobra akong natutuwa dahil natupad ang isa sa mga kahilingan ko bago kami maikasal ni Brandon. Walang paglagyan sa saya ang puso ko ngayon dahil maayos na ang lahat.Mabilis namin naisagawa ang aming mga plano. Kumuha kami ng isang sikat na wedding coordinator at nakahanap rin kami ng perfect location kung saan gaganapin ang kasal. At ang napili naming theme ay isang beach wedding celebration. Nakapagpagawa na rin kami ng wedding na gown na susuotin ko and for groom suit. Pati ang sa catering na nakuha namin ni Brandon ay ang pinakasikat at may pinakamasarap na pagkain.Everything has planned properly at pareho na kaming excited ni Brandon to exchange our vows.Linggo na lang ang bibilangin at magiging ganap na kaming mag-asawa.Since naayos na namin ang lahat ay pinagla
[ Calex POV ]"Meg, tama na yan. Let's go, ihahatid na kita sa kwarto mo." Marahang saway ko kay Meghan pagka't ramdam kong natatamaan na siya ng ispiritu ng alak.Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito siya ngayon. She looks hurt and miserable at wala akong ideya kung ano ang nangyayari sa kanya. Inalok niya pa akong mag-inom but I refused. Baka hindi ko pa siya maalalayan kung kapwa kami malalasing.Kanina lang ay tinawagan niya ako at nakiusap siya na mag-stay muna dito sa resort. At ang lalong ipinagtaka ko ay ang ipinagbawal niya na may makaalam kung nasaan siya ngayon, even Kuya Brandon. Inisip ko nalang na baka may hindi napagkasunduan ang dalawa at nagpapalipas lang ito ng sama ng loob."Ngayon lang ito Calex. Hayaan mo muna ako please." Garalgal ang boses na saad niya habang tinutungga ang bote ng ladies drink. Magang-maga na rin ang kanyang mga mata sa kakaiyak. Nakailang bote na rin siya ng alak at mukhang balak niya talagang maglasing."Meg, alam ko I have no right na mang
[ Krissy's POV ]"Kung nakita mo lang yung mukha niya kung paano siya nasaktan! Gosh! She looks so hurt and miserable." Nakangising saad ko kay Brenda habang naglalakad kami sa hallway ng hotel kung saan kami nakacheck-in dito sa Cebu."Grabe yung pagbabalik mo couz! Akala ko talaga bumalik ka na ng Manila at sumuko. Yun pala napakatindi ng resbak mo dun sa hampaslupang babae na yun." Hindi makapaniwalang bulalas niya while slowly clapping her hands. Ngayon ko pa lang kasi naikwento sa kanya ang mga nangyari lastime. Kung paano ako nagdrama at gumawa ng kwento sa harapan ng babaeng yun. Sadyang tanga lang din siya dahil napakabilis niyang naniwala."Ako? Magpapatalo? Never! Kung hindi man ako babalikan ni Brandon, sisiguraduhin kong hindi rin sila sasaya ng mang-aagaw na babaeng yun!" Nakataas ang isang kilay na saad ko. Wala akong pinagsisihan sa mga ginawa ko at never ako magsisisi. Sa pag-agaw niya sa'kin kay Brandon at sa panghimasok sa buhay namin ay kulang pa yun kung tutuusin.
Makalipas ang ilang araw,[ Meghan's POV ]Nanatili pa rin ako sa La Vista resort na pagmamay-ari ni Calex. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ang aking isip. Despite sa nagawa ni Brandon ay mahal na mahal ko pa rin siya. Kinamumuhian ko man siya ay di maikakaila ng puso ko kung gaano ko siya namimiss sa ilang araw na hindi ko siya kasama. Hinahanap-hanap ko pa rin ang gwapo niyang mukha na bubungad sa akin pagkagising ko.Nakapikit akong ninamnam ng aking paa ang tubig dagat. Nagpakalayo-layo ako kunti dahil gusto ko ng mapayapang paligid. Marami kasing turista ngayon ang nagbabakasyon at naliligo dito sa resort.Malalim ang naging buntong-hininga ko habang paulit-ulit na naiisip ang pinakitang video ni Krissy. Kung bakit naman kasi ngayon pa nagkaroon ng ganitong problema! Kung kailan ikakasal na kami ni Brandon sa loob ng mahabang taon na nagdusa kaming magkalayo. Kung kailan maayos na kami ng mommy niya. Kung kailan nasasabik na silang magkasama ni Baby Benj.Tiningala ko ang a