Makalipas ang ilang araw,[ Meghan's POV ]Nanatili pa rin ako sa La Vista resort na pagmamay-ari ni Calex. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ang aking isip. Despite sa nagawa ni Brandon ay mahal na mahal ko pa rin siya. Kinamumuhian ko man siya ay di maikakaila ng puso ko kung gaano ko siya namimiss sa ilang araw na hindi ko siya kasama. Hinahanap-hanap ko pa rin ang gwapo niyang mukha na bubungad sa akin pagkagising ko.Nakapikit akong ninamnam ng aking paa ang tubig dagat. Nagpakalayo-layo ako kunti dahil gusto ko ng mapayapang paligid. Marami kasing turista ngayon ang nagbabakasyon at naliligo dito sa resort.Malalim ang naging buntong-hininga ko habang paulit-ulit na naiisip ang pinakitang video ni Krissy. Kung bakit naman kasi ngayon pa nagkaroon ng ganitong problema! Kung kailan ikakasal na kami ni Brandon sa loob ng mahabang taon na nagdusa kaming magkalayo. Kung kailan maayos na kami ng mommy niya. Kung kailan nasasabik na silang magkasama ni Baby Benj.Tiningala ko ang a
[ Meghan's POV ]"Kailangan ba talagang nakablind fold ako?" Nagtatakang tanong ko kay Brandon. Palapit na kasi kami sa mansyon nang saglit siyang huminto kanina para lagyan ako ng blindfold sa mata. Si Calex naman ay minamaneho ang kanyang sasakyan na nakasunod sa amin."Yes mahal. Don't worry malapit na naman tayo. Kunting tiis nalang." Excited na pahayag niya."Ano na naman kayang pakulo ang naiisip niya ngayon? May surpresa ba siyang inihanda. Ano naman kaya yun?" Sunod-sunod na tanong ng aking nagtatakang isip."Okay fine. Basta siguraduhin mo lang na matutuwa ako." Nakangising banta ko sa kanya."Ofcourse! Ako pa ba." Confident na sambit niya.Maya-maya pa'y naramdaman ko nalang ang paghinto ng kanyang sasakyan."We're home." Masayang saad niya. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan at mukhang bumaba na si Brandon. Pagkatapos ay binuksan naman nito ang bandang pintuan na malapit sa akin at inalalayan niya akong bumaba.Tahimik ang paligid ngunit nakakaramdam ako ng kakai
(Panimulang Kabanata for Krissy and Calex's Lovestory)WARNING: THIS SCENE INCLUDES SEXUAL AND EXPLICIT CONTENT THAT IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AND SENSITIVE AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED![ The Lustful Night ]"I'm all yours for tonight!" Mapang-akit na saad ni Krissy while biting her lips. Dala na rin ng impluwensiya ng alak ay lubhang napukaw ng kaharap niyang lalaki ang makamundo niyang pagnanasa. Sino ba naman kasing babae ang hindi mag-aarouse pag nasa mismong harapan mo ang makisig na lalaki na sa isang tingin pa lang nito ay makalaglag panty na. He is the perfect description of a demi-god. Para itong pinagsamang Adonis at Apollo na nabasa niya sa greek mythology book. Nakadagdag pa sa nag-uumapaw niyang sex appeal ang curly nitong buhok at nakakakiliting balbas.Definitely, he's the hottiest ruggedly handsome man on earth!Krissy doesn't even remember kung kailan siya huling nakipagsex but that was quite a long time. Kaya ganoon na lamang ang naramdamang pagkasabik ng kanyang ka
( Makalipas ang mahigit isang buwan )"Buong araw ka ng nakahilata diyan couz! Wala ka bang balak bumangon?" Nag-aalalang saad ni Brenda nang mapansin ang matamlay na pangangatawan ng kanyang pinsan. Actually ilang araw niya ng nahahalata na parang maysakit ito."Can you just keep your fucking mouth shut? Ayos lang ako okay? Wala lang talaga akong gana ngayon." Irritableng sagot ni Krissy. Isa pang napapansin ni Brenda ay ang pagiging mainitin ng ulo nito these past few days."Anong ngayon? araw-araw ka nalang ata walang gana. Tingnan mo tuloy, tuluyan ng naikasal si Papa Brandon mo sa mang-aagaw na babaeng yun. Bakit kasi natakot at nagpadala ka dun kay Calex. Edi sana ikaw ang may happy ending ngayon." Nakaismid na sagot ni Brenda.Tama nga naman si Brenda. Simula ng komprontahin at bantaan ni Calex si Krissy ay hindi na siya ulit kumilos para sirain ang kasalang magaganap ng ex niyang si Brandon at ang mang-aagaw na si Meghan. Hindi rin alam ni Krissy kung bakit gayun na lamang ang
Habang binabaybay nila ang kahabaan ng daan papuntang La Vista ay di mapigilang maalala ni Krissy ang lumipas na kahapon.Tanaw ng kanyang mga mata ang magandang tanawin na kanilang dinaraanan, sinariwa ng kanyang ala-ala ang lahat. Ang dahilan kung bakit lumaki siyang palaban at hindi nagpapatalo.(Flashback years ago)Nasa sala si Krissy at nilalaro ang paborito niyang manika. Nasa walong taong gulang na siya ngunit nabibilang lang sa daliri ang kanyang mga kaibigan dahil napakastrict ng mommy niya. Bihira lang siya makipaglaro sa mga kaedaran niya kaya kadalasan niyang nilalaro ay ang kanyang manika na pinangalanan niyang Monica."Oh ayan you're so pretty na Monica just like me." Puri nito sa hawak na manika pagkatapos mabihisan. Ang ngiting sumilay sa kanyang labi ay biglang naglaho nang masilayan niya ang kanyang ina pababa ng hagdanan ng kanilang mansyon. May dala itong malaking maleta at mga bag na animo'y mag-aabroad gaya ng mga napapanood niya sa telebisyon.Mabilis naman a
Simula ng malaman nila ng kanyang daddy ang tinatagong lihim ng kanyang mommy ay nawalan na rin si Krissy ng pakialam sa ina.Sobrang hirap nang naging adjustment niya sa unang mga araw at linggo. Na dapat masanay siyang hindi na niya ito kailanman mabubungaran sa kanilang mansyon.Nariyang napaaway pa siya sa mga malditang kaklase nang minsang narinig niyang pinagchichismisan ng mga ito ang kanilang pamilya. Sa labis na bugso ng damdamin ay hinila niya ang buhok ng pasimuno nito. Wala siyang pakialam kung masaktan ang chismosang ito. Buti nga sa pisikal lang. Hindi kagaya niyang parang tinutusok ng ilang libong karayom ang kanyang puso. Kay bigat na nga ng kanyang saloobin ay dinagdagan pa nito.Hanggang sa nagkagulo na at naabutan sila ng kanilang guro na nasa ganoong eksena."Hija, dapat hindi mo na pinatulan. Just let them think what they want to think." Pangaral ng daddy niya ng makauwi sila sa mansyon. Kagagaling lang nila sa eskwelahan dahil pinatawag ang kanyang daddy dahil sa
"Welcome to La Vista ma'am" Bati ng isang maganda at nakangiting receptionist."A separate room for two please. If you still have an availabe VIP room then prepare two rooms for us." Ani Krissy. She knows that VIP rooms are quite huge ngunit gusto niyang magkanya-kanya na muna sila ni Brenda dahil gusto niya ng peace of mind ngayon. Naiirita na din siya sa kadaldalan ng kanyang pinsan. Talagang inaatake siya ngayon ng kanyang mood swings.Hindi naman nagreact pa si Brenda pagka't alam nito na lalong naging irritable ang ugali ngayon ni Krissy.At buti nalang may natitira pang bakante. After makapagbayad ay sinamahan sila ng isa sa mga staff patungo sa kanilang VIP room."Hey dude, matanong ko lang. Yung may-ari ba nitong resort ay naririto ngayon?" Ani Brenda sa lalaking staff na kasama nila. Nainis si Krissy sa pinsan, talagang hindi na ito makapaghintay at pinapangunahan siya palagi."Ah si Sir Calex po ba ma'am. Yes po ma'am. Pag hindi po siya abala sa race ay dito po siya lumalagi
"What the fuck are you doing here!?" Umalingawngaw sa tainga ni Krissy ang galit na tinig ni Calex. Hindi niya naman kasi napaghandaan ang biglang pagsulpot nito kaya hindi niya alam ang isasagot sa lalaki.Mabuti na lamang at naisipan ni Brendang agawin ang atensyon nito."Uhm excuse me, we are your guest here. Nagbabakasyon kami ni Krissy dito. Any problem Mr. Vargas?" Pahayag ni Brenda while faking her smile. Mukhang kinakabahan din ang kanyang pinsan ngunit pinilit nitong maging maayos sa harapan ni Calex. Bumaling ang tingin ni Calex kay Brenda at napailing itong sumagot while crossing his arms."You two nagbabakasyon? I hope so. Pag magkasama kasi kayong dalawa lagi kayong may gagawing hindi maganda. Well, nasa teritoryo ko kayo. So ngayon pa lang I'm giving you a warning or else magkakaproblema tayo!" Prangkang pahayag ni Calex. Natameme si Krissy at Brenda na parang natatamaan sa sinabi ng lalaki.At bago pa ito tumalikod ay muli nitong binalingan ang napaawang na si Krissy