Habang binabaybay nila ang kahabaan ng daan papuntang La Vista ay di mapigilang maalala ni Krissy ang lumipas na kahapon.Tanaw ng kanyang mga mata ang magandang tanawin na kanilang dinaraanan, sinariwa ng kanyang ala-ala ang lahat. Ang dahilan kung bakit lumaki siyang palaban at hindi nagpapatalo.(Flashback years ago)Nasa sala si Krissy at nilalaro ang paborito niyang manika. Nasa walong taong gulang na siya ngunit nabibilang lang sa daliri ang kanyang mga kaibigan dahil napakastrict ng mommy niya. Bihira lang siya makipaglaro sa mga kaedaran niya kaya kadalasan niyang nilalaro ay ang kanyang manika na pinangalanan niyang Monica."Oh ayan you're so pretty na Monica just like me." Puri nito sa hawak na manika pagkatapos mabihisan. Ang ngiting sumilay sa kanyang labi ay biglang naglaho nang masilayan niya ang kanyang ina pababa ng hagdanan ng kanilang mansyon. May dala itong malaking maleta at mga bag na animo'y mag-aabroad gaya ng mga napapanood niya sa telebisyon.Mabilis naman a
Simula ng malaman nila ng kanyang daddy ang tinatagong lihim ng kanyang mommy ay nawalan na rin si Krissy ng pakialam sa ina.Sobrang hirap nang naging adjustment niya sa unang mga araw at linggo. Na dapat masanay siyang hindi na niya ito kailanman mabubungaran sa kanilang mansyon.Nariyang napaaway pa siya sa mga malditang kaklase nang minsang narinig niyang pinagchichismisan ng mga ito ang kanilang pamilya. Sa labis na bugso ng damdamin ay hinila niya ang buhok ng pasimuno nito. Wala siyang pakialam kung masaktan ang chismosang ito. Buti nga sa pisikal lang. Hindi kagaya niyang parang tinutusok ng ilang libong karayom ang kanyang puso. Kay bigat na nga ng kanyang saloobin ay dinagdagan pa nito.Hanggang sa nagkagulo na at naabutan sila ng kanilang guro na nasa ganoong eksena."Hija, dapat hindi mo na pinatulan. Just let them think what they want to think." Pangaral ng daddy niya ng makauwi sila sa mansyon. Kagagaling lang nila sa eskwelahan dahil pinatawag ang kanyang daddy dahil sa
"Welcome to La Vista ma'am" Bati ng isang maganda at nakangiting receptionist."A separate room for two please. If you still have an availabe VIP room then prepare two rooms for us." Ani Krissy. She knows that VIP rooms are quite huge ngunit gusto niyang magkanya-kanya na muna sila ni Brenda dahil gusto niya ng peace of mind ngayon. Naiirita na din siya sa kadaldalan ng kanyang pinsan. Talagang inaatake siya ngayon ng kanyang mood swings.Hindi naman nagreact pa si Brenda pagka't alam nito na lalong naging irritable ang ugali ngayon ni Krissy.At buti nalang may natitira pang bakante. After makapagbayad ay sinamahan sila ng isa sa mga staff patungo sa kanilang VIP room."Hey dude, matanong ko lang. Yung may-ari ba nitong resort ay naririto ngayon?" Ani Brenda sa lalaking staff na kasama nila. Nainis si Krissy sa pinsan, talagang hindi na ito makapaghintay at pinapangunahan siya palagi."Ah si Sir Calex po ba ma'am. Yes po ma'am. Pag hindi po siya abala sa race ay dito po siya lumalagi
"What the fuck are you doing here!?" Umalingawngaw sa tainga ni Krissy ang galit na tinig ni Calex. Hindi niya naman kasi napaghandaan ang biglang pagsulpot nito kaya hindi niya alam ang isasagot sa lalaki.Mabuti na lamang at naisipan ni Brendang agawin ang atensyon nito."Uhm excuse me, we are your guest here. Nagbabakasyon kami ni Krissy dito. Any problem Mr. Vargas?" Pahayag ni Brenda while faking her smile. Mukhang kinakabahan din ang kanyang pinsan ngunit pinilit nitong maging maayos sa harapan ni Calex. Bumaling ang tingin ni Calex kay Brenda at napailing itong sumagot while crossing his arms."You two nagbabakasyon? I hope so. Pag magkasama kasi kayong dalawa lagi kayong may gagawing hindi maganda. Well, nasa teritoryo ko kayo. So ngayon pa lang I'm giving you a warning or else magkakaproblema tayo!" Prangkang pahayag ni Calex. Natameme si Krissy at Brenda na parang natatamaan sa sinabi ng lalaki.At bago pa ito tumalikod ay muli nitong binalingan ang napaawang na si Krissy
Hindi inaasahan ni Krissy ang sumunod na nangyari. After ng malambing na pag-uusap ni Calex at ng girlfriend nito ay bigla na lamang silang natahimik.Natutop niya ang bibig nang mapagtantong parang naglalampungan ang dalawa o baka mas higit pa."Gosh! Of all places dito pa talaga." Nandidiring bulong niya sa sarili. Ni hindi man lang inisip ng dalawa ang possibility na baka may makakita sa kanila lalo na't public place ito."Uhmmm!" Narinig niyang ungol ng babae. Hindi man niya nakikita ay alam niyang nasasarapan ito sa kung anumang romansang ginagawa ni Calex. "Damn it!" Mahinang usal niya. Hindi maipaliwanag ni Krissy kung bakit nakakaramdam siya ng inis at ang malala pa she has no right to intrude. Hindi niya na kayang magtagal sa kinauupuan at saksihan ang kalaswaan ng dalawa kaya't naisipan niyang dahan-dahanin ang pagtayo para makaalis. Ngunit dahil sa medyo may kadiliman sa parteng iyon at dala na rin ng pagmamadali ay hindi napansin ni Krissy ang sanga ng kahoy na nakahara
"Her complete name is Trisha Venice Alegre Montefalco. Aside from that, wala na akong nakuhang ibang information. Hindi na ako nakipag-usyuso pa sa staff na pinagtanungan ko at baka mapagdudahan pa ako." Pahayag ni Brenda. "Bravo! Thanks couz." Ani Krissy sa mapupungay na mga mata. Ngayon mas madali niya ng maisasagawa ang mga hakbang na gagawin niya.Kasalukuyan silang nasa dining area ngayon ni Brenda para kumain ng breakfast. Kagabi pa lang nang pakiusapan si Brenda ni Krissy na alamin ang kompletong pangalan ng nobya ni Calex ay may kinaibigan agad si Brenda na isang staff ng resort.Buti nalang hindi naman ito nabigo dahil nalaman niya agad ang kinailangang impormasyon ni Krissy.Maya-maya pa'y kinuha ni Krissy sa dala-dala niyang pouch ang kanyang cellphone. Agad niyang dinial ang numero ng taong maaasahan niya sa pag-iimbestiga."Hello Bernard. May kailangan akong ipagawa sayo. I need you to investigate someone's background, everything about this woman. I want it as soon soon
"What are you saying!?"Naguguluhang tanong ni Calex. Narinig niya naman ang lahat ngunit tila ba hirap itong magsink-in sa kanyang utak. He wants Brenda to repeat what she was saying. And his heart starts to beat fast. Hindi niya mawari kung bakit napakalakas ng kabog nito."Gosh hindi ka naman siguro bingi Calex." Inis na napaismid si Brenda. Samantalang napuno ng kaba ang dibdib ni Krissy. Siya rin ay nagulat sa biglaang rebelasyon ng kanyang pinsan.Mabilis niyang nahatak ang braso ni Brenda at patakbong humakbang palabas ng opisina ni Calex. Hindi niya na inisip pa kung ano ang naging reaksyon ng lalaki.Nang medyo nakakalayo ay hingal silang napahinto."Shit! Nahihibang ka na ba? Bakit mo ako inunahan? Sasabihin ko naman sa kanya eh but not now. You see kung gaano na kalala yung tensyon na namagitan sa aming dalawa. Wrong timing ka talaga eh!" Sa wakas ay lumabas din sa bibig ni Krissy ang mga katagang ito dahil sa inis niya sa kanyang pinsan. "Masisisi mo ba ako? I can't barel
"Babe, pasensiya na. May emergency lang dito sa bahay kaya hindi na muna ako makakabalik diyan ngayon." Pahayag ng nobya ni Calex nang tawagan niya ito. Kanina kasing madaling araw ay nagpahatid ito sa kanya sa sakayan dahil may emergency nga raw ito sa kanilang bahay na di naman masabi ng babae kung ano. Gusto pa nga sana niyang ihatid ang nobya pabalik ng syudad ngunit nagpumilit itong wag nalang kaya wala na ring nagawa pa si Calex.Dismayado siyang napaupo sa kanyang kama. "Babe? are you there?" Anas ng babae nang hindi siya nakasagot kaagad."Oh yeah sorry. It's alright babe. Just call me anytime if makakabalik kana rito. I miss you already." Paglalambing niya rito na halata namang ikinakilig ni Trisha."I miss you too so much. May aasikasuhin lang ako rito then right after pwede muna akong makasama ng matagal diyan." Saad nitong medyo nakapagpagaan ng kalooban ni Calex."Good to hear babe. Mag-iingat ka! I love you. Bye." Ani Calex bago pinutol ang tawag at tuluyang binaba ang