"Babe, pasensiya na. May emergency lang dito sa bahay kaya hindi na muna ako makakabalik diyan ngayon." Pahayag ng nobya ni Calex nang tawagan niya ito. Kanina kasing madaling araw ay nagpahatid ito sa kanya sa sakayan dahil may emergency nga raw ito sa kanilang bahay na di naman masabi ng babae kung ano. Gusto pa nga sana niyang ihatid ang nobya pabalik ng syudad ngunit nagpumilit itong wag nalang kaya wala na ring nagawa pa si Calex.Dismayado siyang napaupo sa kanyang kama. "Babe? are you there?" Anas ng babae nang hindi siya nakasagot kaagad."Oh yeah sorry. It's alright babe. Just call me anytime if makakabalik kana rito. I miss you already." Paglalambing niya rito na halata namang ikinakilig ni Trisha."I miss you too so much. May aasikasuhin lang ako rito then right after pwede muna akong makasama ng matagal diyan." Saad nitong medyo nakapagpagaan ng kalooban ni Calex."Good to hear babe. Mag-iingat ka! I love you. Bye." Ani Calex bago pinutol ang tawag at tuluyang binaba ang
"Hoy mayabang na lalaki! Hindi mo na kami kailangang pagsabihan dahil balak naman talaga naming umalis bukas." Sigaw ni Brenda sa papalayong si Calex. Sumunod kasi siya kay Krissy kaya't narinig niya ang huling sinabi ng lalaki.Ngunit patuloy lang si Calex sa paghakbang palayo na parang deadma lang sa kanya ang sinabi ni Brenda kahit na halatang narinig niya naman ito."Tama na couz. Baka gawan na naman tayo ng issue na nanggugulo tayo." Awat ni Krissy sa nanggagalaiti niyang pinsan."Napakayabang! Aba namumuro na yang Calex na yan hah! Ang kapal ng mukhang ipagtabuyan tayo dito sa resort niya eh nagbabayad naman tayo, VIP rooms pa." Pagmamaktol ni Brenda.Hindi pa rin kumikibo si Krissy. Tagos sa puso kasi yung sakit ng salitang binitawan sa kanya ni Calex. Pinapaalis sila sa resort na para bang mga kriminal na may masamang gagawin anumang oras."Bakit ba kasi nagpapatalo ka sa lalaking yun? Gosh! Ibang-iba kana talaga sa Krissy na kilala kong palaban couz." Anas ni Brenda habang na
Pagkatapos magpakawala ni Krissy ng isang malakas na sampal ay walang sabi-sabing sinarado niya kaagad ang pintuan ng kanyang kwarto. Wala siyang pakialam kung ano pa ang naging reaksyon ni Calex o kung nababastusan ito sa ginawa niya.Nag-aalburuto na kasi ang kanyang damdamin sa magkahalong emosyon na galit at sakit kaya't hindi na siya nakapagtimpi pa.Galit siya kay Calex dahil sa pang-aakusa nito na para bang kay baba niya bilang isang babae. She's rich and classy yet hinuhusgahan siya nitong kaladkarin.Nasasaktan din siya dahil kapag kaharap niya ang lalaki ay hindi manlang niya magawang ipagtanggol ang kanyang sarili. Bagay na madali niyang nagagawa sa ibang tao ngunit hindi sa mapanghusgang si Calex.Pumatak ang maliit na butil sa kanyang mga mata habang sapo ng kanyang dalawang kamay ang maliit na umbok sa kanyang sinapupunan. She started to get emotional kapag naiisip niya ang magiging anak niya. Kung paano maaapektuhan ang bata dahil sa masamang pakikitungo ng ama nito sa
"Siyangapala ma'am, tingnan niyo po ito." Ani Bernard at ibinigay nito kay Krissy ang kanyang cellphone.Lalong nagulat si Krissy nang makita sa albums ng cellphone ni Bernard ang mga kuhang larawan. May kasamang ibang lalaki si Trisha and they looked so happy together.At lalong naningkit ang kanyang mga mata nang sa huling kuha ay naghalikan pa sa labi ang dalawa."Disgusting bitch!" Inis na usal niya sa sarili. Hindi siya makapaniwalang pinatulan ni Calex ang babaeng ito na halata namang walang class at cheap. Nagpauto pa siya sa hitsura nitong mukhang mahinhin at mabait pero may tinatagong kalandian pala sa katawan. Kaya pala hindi niya feel ang babae dahil ramdam niya ang kaplastikan ng awra nito."Paano nasisikmura ng babaeng ito mag two-timer? Akala niya naman ikinaganda niya. Mas lalo siyang nagmukhang cheap! Pakisend nalang ng pictures na iyan sa akin Bernard." Napailing sa pagkadismaya si Krissy at binalik kay Bernard ang cellphone nito. Gusto niya ring ipakita kay Brenda a
Ano couz ganito na naman tayo buong araw? Kailan ba tayo babalik ng Manila? I'm so bored na." Pagmamaktol ni Brenda. Ilang araw na rin kasi silang nagstay sa hotel at walang ginagawa. Hindi pa naman ito sanay na hindi naglalakwatsa."I told you pwede ka namang gumala mag-isa. You can go shopping, magpasalon o di kaya mauna ka nalang sa'kin pabalik ng Manila. Hinihintay ko pa kasi ang update galing kay Bernard." Salaysay ni Krissy sa nababagot na pinsan. Umupo ito sa couch katabi niya na inabala ang sarili sa panonood ng movie."Iiwanan talaga kita mag-isa gayung maselan nga yang pagbubuntis mo? Eh kung may mangyaring hindi maganda sayo edi konsensya ko pa?" Nakairap na saad nito na halata namang concern sa kalagayan ni Krissy."Kaya ko na yung sarili ko noh. What do you think of me? Weak? Keysa naman palagi ka nalang nagmamaktol diyan. You're so annoying na kaya." Nakataas na kilay na pahayag ni Krissy. Minsan naiirita na rin siya sa pagrereklamo ni Brenda."Naman kasi eh. Tapatin mo
Pagkatapos mai-settle ni Krissy ang lahat ay balak na rin niyang umalis. Wala ng dahilan pa para magtagal siya rito gayung napakadali lang pala pasunurin ng babae. Na kagaya ng maraming taong kilala niya ay pera lang din pala ang katapat nito.Well, that's how money works!Akmang tatayo na sana si Krissy para umalis ngunit natigilan siya sa tanong ni Venice."Wait. Why are you doing this? Do you like Calex?"Seryosong tanong ng babae at seryoso niya rin itong tiningnan."No." Tipid ngunit diin niyang pagkakasambit. Total wala naman siyang dapat ipaliwanag sa haliparot na ito. Halata sa mukha ng babae na hindi ito kuntento sa naging sagot ni Krissy kaya nagtanong ito ulit."Did Calex lie to me na napagkamalan ka niyang kakilala dahil ang totoo ay magkakilala naman talaga kayo hindi ba?" Pahabol na tanong nito.Kaya this time ay hinabaan na ni Krissy ang kanyang sasabihin para matapos na."Yes, magkakilala kami. At kung anuman ang reasons ko why I am doing this ay sa akin nalang yun. I
"Couz calm down! Makakasama sa kalagayan mo yan." Nag-aalalang turan ni Brenda sa pinsan niyang hindi magkandaugaga sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit habang walang humpay ang pag-agos ng kanyang mga luha.Saglit itong napahinto sa pagmamadali. Naiinis pero sobrang emosyonal itong bumaling kay Brenda."Calm down? Tell me kung paano ako kakalma knowing my dad is in the hospital fighting for his life!?" Singhal niya sa nag-aalalang pinsan at muling itinuon ang atensyon sa pagliligpit.Hindi na nakapag-isip ng maayos si Krissy nang makatanggap siya ng masamang balita mula sa sekretarya ng kanyang daddy. Naaksidente ang kanyang ama lulan ng sasakyan nito. At dahil sa malakas na impact ng pagkakabangga ay naipit at tumama ang ulo nito sa windshield ng sasakyan dahilan para mawalan agad ito ng malay. Habang ang driver naman ng kanyang daddy ay dead on the spot at nasa state of coma rin ang bodyguard na kasama nito. Tapos ang malala pa ay wala na rin siyang masisisi dahil dead on arrival ang
"Wow! nice job bro. If dad will visit here, he will definitely so proud of you." Masayang puri ni Brandon pagkarating nila ng La Vista."Tama ka diyan love. It's good to be back here Cal. Lalong gumanda ang La Vista." Segunda naman ni Meghan habang inililibot ang mga mata sa mala-paraisong resort.Kakarating lang kasi ng mag-asawa kasama ang kanilang anak na si baby Benj. Talagang binalak ng dalawa na pumunta ng maaga para sulitin ang araw ng kanilang bakasyon. Lalo pa't aalis na sila papuntang US sa susunod na linggo."Thanks kuya and Meg. Huminto muna kasi ako sa pagra-race. Instead naisipan kong magfocus na muna dito kaya naisakatuparan kaagad ang plinano kong renovations." Nakangiting turan ni Calex. He was so happy na na-appreciate ng mag-asawa, lalo na ng kanyang kuya Brandon, ang effort na inilaan niya para mas pagandahin pa lalo ang binigay na resort ng kanilang daddy."Napakagaling mo bro. Di maikakailang isa kang Cabwell. Being one of the best entrepreneur really runs in you