Pagkatapos mai-settle ni Krissy ang lahat ay balak na rin niyang umalis. Wala ng dahilan pa para magtagal siya rito gayung napakadali lang pala pasunurin ng babae. Na kagaya ng maraming taong kilala niya ay pera lang din pala ang katapat nito.Well, that's how money works!Akmang tatayo na sana si Krissy para umalis ngunit natigilan siya sa tanong ni Venice."Wait. Why are you doing this? Do you like Calex?"Seryosong tanong ng babae at seryoso niya rin itong tiningnan."No." Tipid ngunit diin niyang pagkakasambit. Total wala naman siyang dapat ipaliwanag sa haliparot na ito. Halata sa mukha ng babae na hindi ito kuntento sa naging sagot ni Krissy kaya nagtanong ito ulit."Did Calex lie to me na napagkamalan ka niyang kakilala dahil ang totoo ay magkakilala naman talaga kayo hindi ba?" Pahabol na tanong nito.Kaya this time ay hinabaan na ni Krissy ang kanyang sasabihin para matapos na."Yes, magkakilala kami. At kung anuman ang reasons ko why I am doing this ay sa akin nalang yun. I
"Couz calm down! Makakasama sa kalagayan mo yan." Nag-aalalang turan ni Brenda sa pinsan niyang hindi magkandaugaga sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit habang walang humpay ang pag-agos ng kanyang mga luha.Saglit itong napahinto sa pagmamadali. Naiinis pero sobrang emosyonal itong bumaling kay Brenda."Calm down? Tell me kung paano ako kakalma knowing my dad is in the hospital fighting for his life!?" Singhal niya sa nag-aalalang pinsan at muling itinuon ang atensyon sa pagliligpit.Hindi na nakapag-isip ng maayos si Krissy nang makatanggap siya ng masamang balita mula sa sekretarya ng kanyang daddy. Naaksidente ang kanyang ama lulan ng sasakyan nito. At dahil sa malakas na impact ng pagkakabangga ay naipit at tumama ang ulo nito sa windshield ng sasakyan dahilan para mawalan agad ito ng malay. Habang ang driver naman ng kanyang daddy ay dead on the spot at nasa state of coma rin ang bodyguard na kasama nito. Tapos ang malala pa ay wala na rin siyang masisisi dahil dead on arrival ang
"Wow! nice job bro. If dad will visit here, he will definitely so proud of you." Masayang puri ni Brandon pagkarating nila ng La Vista."Tama ka diyan love. It's good to be back here Cal. Lalong gumanda ang La Vista." Segunda naman ni Meghan habang inililibot ang mga mata sa mala-paraisong resort.Kakarating lang kasi ng mag-asawa kasama ang kanilang anak na si baby Benj. Talagang binalak ng dalawa na pumunta ng maaga para sulitin ang araw ng kanilang bakasyon. Lalo pa't aalis na sila papuntang US sa susunod na linggo."Thanks kuya and Meg. Huminto muna kasi ako sa pagra-race. Instead naisipan kong magfocus na muna dito kaya naisakatuparan kaagad ang plinano kong renovations." Nakangiting turan ni Calex. He was so happy na na-appreciate ng mag-asawa, lalo na ng kanyang kuya Brandon, ang effort na inilaan niya para mas pagandahin pa lalo ang binigay na resort ng kanilang daddy."Napakagaling mo bro. Di maikakailang isa kang Cabwell. Being one of the best entrepreneur really runs in you
"Anak, that's enough. Lasing kana." Nag-aalalang sambit ng mommy Liezel ni Calex. Kanina pa kasi nito iniinom ang bote ng alak na parang tubig lang kung tunggain.Mapait na ngumiti si Calex. "I'm good mom. Can you just let me kahit ngayon lang?" Pakiusap niya sa ginang with a teary eyes. Walang paglagyan sa sakit ang nararamdaman niya ngayon kaya't gusto niyang lunurin ang sarili sa alak.Lumuluhang hinaplos ni mommy Liezel ang braso ng anak. Ramdam niya kung gaano naghihinagpis ang puso ni Calex. "We are just here if kailangan mo ng kausap. I love you anak." Anas ng ginang at hinalikan si Calex sa noo bago humakbang paalis. Nasa mahabang bench ngayon si Calex sa labas ng kanyang kwarto. Pagkatapos nireject ni Trisha ang kanyang proposal kanina ay para siyang nawalan ng lakas at labis na nanghina. Sa sobrang pagkapahiya niya ay dito na siya dumiritso sa kanyang kwarto.. At tanging ang mommy Liezel niya lang ang sumunod sa kanya. Since his brother Brandon and the rest of the visitors
Mabilis lumipas ang mga araw. Ngayon na nakapagdesisyon si Calex na kausapin muli si Trisha simula noong tinanggihan nito ang kanyang proposal.Hindi na rin niya tinawagan ang nobya dahil gusto niyang surpresahin at kausapin ito ng masinsinan sa personal. Dumaan pa siya sa isang flower shop para pasalubungan ang dalaga ng bouquet of red roses at chocolates.Lulan ng kanyang sasakyan ay tinatahak ni Calex ang daan patungo sa apartment ni Trisha. Nakapunta na siya roon ng isang beses kaya't kahit papaano ay nakabisado niya na rin ang daan ng lugar.May kung anong kabang nararamdaman si Calex sa kanyang puso habang papalapit na siya sa mismong lugar. He's hoping na sana magiging maayos pa rin sila kahit na nabigla ang babae sa maaga niyang proposal. Magpapakumbaba siya at hihingi ng paumahin mapatawad lang siya nito kung ano mang pagkakamali niya at kung saan siya nagkulang.At makalipas lang ang ilang minuto ay nasa harapan na siya ng apartment ng nobya. He took a deep breath bago nagp
Ilang araw na rin ang lumipas magmula ng magising si Mr. Henry Parker. At sa malaking tulong at presensiya ng anak niyang si Krissy ay napakabilis ng kanyang recovery sa araw-araw. Nakakapagsalita na rin ang ginoo ngunit hindi pa ito masyadong nakakakilos."May gusto ka pa bang kainin dad? Magpapabili ako kay Brenda." Concern na tanong ni Krissy sa ama pagkatapos nitong kumain ng prutas.Marahan itong umiling at ngumiti."I'm full hija. Napakarami mo ng biniling pagkain at prutas. I'm feeling okay now, lalo na't ikaw ang nag-aalaga sa akin." Puno ng pagmamahal at pasasalamat na sagot ni Mr. Parker sa anak."Dad, hindi ako magsasawang alagaan ka. Pambawi ko manlang sa mga panahong nilayuan kita dahil sa masama ang loob ko. I'm so sorry kung napakaselfish ko. Ni hindi ko man lang inisip yung mararamdaman mo. Sana mapatawad mo ako dad." Madamdaming pahayag ni Krissy at di niya napigilan ang panunubig ng kanyang mga mata. Simula ng maaksidente ang kanyang daddy ay nanumpa siya sa sarili
"Sigurado ka hija na uuwi ka ng Pilipinas para asikasuhin ang mga negosyo natin?" Di makapaniwalang tanong ni Mr. Henry Parker sa kanyang anak.Buong gabi ring pinag-isipan ni Krissy ang desisyong ito. At ngayon, desidido na siya lalo pa't nangako si Brenda at Dr. Francisco na aalagaang mabuti ang kanyang daddy at tututukan ito hanggang sa tuluyang gumaling.Idadag pa ang problema niya kay Calex! Kailangan niya ng magawa ang plano niya hangga't hindi pa nahahalata ang umbok ng kanyang tiyan. Habang lumilipas kasi ang mga linggo ay lumalaki rin ang bata sa kanyang sinapupunan."Yes dad. Gusto ko sanang alagaan ka hanggang sa gumaling kana. Kaso ayaw ko namang inaalala mo palagi ang kompanya. I don't want you be mentally stress, I want you to focus sa pagpapagaling mo." Aniya at masayang niyakap siya ng ama."Wag mo na akong alalahanin dito hija. Sobra mo akong pinasaya sa naging desisyon mo. I know you can manage the company well. Malaki ang tiwala ko sayo." Naluluhang sambit ni Henry.
"Kung yang bruhang Krissy lang din naman magiging boss natin, mas maigi pang magresign nalang ako. She's the most heartless woman ever." Pagmamaktol ng isang babaeng empleyado."Ahy sinabi mo pa. Sobrang ganda nga pero sobrang sama naman ng ugali. Pinaglihi ata sa ampalaya. Kanino kaya nagmana yun gayung napakabait ni Mr. Parker." Segunda naman ng isa pa."Kung hindi lang dahil sa butihing ama ng impaktang yan ay talagang bukas na bukas din ay magreresign ako kaagad." Galit na sambit ng isa."Magresign na kaya tayong lahat?" Mungkahi naman ng isa pa.Simula ng maupo si Krissy bilang CEO ng kanilang kompanya ay gayun na lamang ang pagkadepress ng lahat ng empleyado. Kunting mali lang kasi ay napupuna na agad ng dalaga. At malas nalang kapag natyempuhan na masama ang mood nito dahil napakabilis nitong mabigkas ang salitang 'fired'. Sa katunayan, limang empleyado na ang tinanggal niya ng dahil lang sa isang mababaw na dahilan. Wala namang nagrereklamo dahil binibigay niya naman ang nara