Ilang araw na rin ang lumipas magmula ng magising si Mr. Henry Parker. At sa malaking tulong at presensiya ng anak niyang si Krissy ay napakabilis ng kanyang recovery sa araw-araw. Nakakapagsalita na rin ang ginoo ngunit hindi pa ito masyadong nakakakilos."May gusto ka pa bang kainin dad? Magpapabili ako kay Brenda." Concern na tanong ni Krissy sa ama pagkatapos nitong kumain ng prutas.Marahan itong umiling at ngumiti."I'm full hija. Napakarami mo ng biniling pagkain at prutas. I'm feeling okay now, lalo na't ikaw ang nag-aalaga sa akin." Puno ng pagmamahal at pasasalamat na sagot ni Mr. Parker sa anak."Dad, hindi ako magsasawang alagaan ka. Pambawi ko manlang sa mga panahong nilayuan kita dahil sa masama ang loob ko. I'm so sorry kung napakaselfish ko. Ni hindi ko man lang inisip yung mararamdaman mo. Sana mapatawad mo ako dad." Madamdaming pahayag ni Krissy at di niya napigilan ang panunubig ng kanyang mga mata. Simula ng maaksidente ang kanyang daddy ay nanumpa siya sa sarili
"Sigurado ka hija na uuwi ka ng Pilipinas para asikasuhin ang mga negosyo natin?" Di makapaniwalang tanong ni Mr. Henry Parker sa kanyang anak.Buong gabi ring pinag-isipan ni Krissy ang desisyong ito. At ngayon, desidido na siya lalo pa't nangako si Brenda at Dr. Francisco na aalagaang mabuti ang kanyang daddy at tututukan ito hanggang sa tuluyang gumaling.Idadag pa ang problema niya kay Calex! Kailangan niya ng magawa ang plano niya hangga't hindi pa nahahalata ang umbok ng kanyang tiyan. Habang lumilipas kasi ang mga linggo ay lumalaki rin ang bata sa kanyang sinapupunan."Yes dad. Gusto ko sanang alagaan ka hanggang sa gumaling kana. Kaso ayaw ko namang inaalala mo palagi ang kompanya. I don't want you be mentally stress, I want you to focus sa pagpapagaling mo." Aniya at masayang niyakap siya ng ama."Wag mo na akong alalahanin dito hija. Sobra mo akong pinasaya sa naging desisyon mo. I know you can manage the company well. Malaki ang tiwala ko sayo." Naluluhang sambit ni Henry.
"Kung yang bruhang Krissy lang din naman magiging boss natin, mas maigi pang magresign nalang ako. She's the most heartless woman ever." Pagmamaktol ng isang babaeng empleyado."Ahy sinabi mo pa. Sobrang ganda nga pero sobrang sama naman ng ugali. Pinaglihi ata sa ampalaya. Kanino kaya nagmana yun gayung napakabait ni Mr. Parker." Segunda naman ng isa pa."Kung hindi lang dahil sa butihing ama ng impaktang yan ay talagang bukas na bukas din ay magreresign ako kaagad." Galit na sambit ng isa."Magresign na kaya tayong lahat?" Mungkahi naman ng isa pa.Simula ng maupo si Krissy bilang CEO ng kanilang kompanya ay gayun na lamang ang pagkadepress ng lahat ng empleyado. Kunting mali lang kasi ay napupuna na agad ng dalaga. At malas nalang kapag natyempuhan na masama ang mood nito dahil napakabilis nitong mabigkas ang salitang 'fired'. Sa katunayan, limang empleyado na ang tinanggal niya ng dahil lang sa isang mababaw na dahilan. Wala namang nagrereklamo dahil binibigay niya naman ang nara
"Yes dad, wala kang dapat ipag-alala dito. Everything's going on smoothly. Always take your medicines on time at sumunod ka lagi sa bilin at payo ng mga doktor mo. I miss you too dad. I love you." Tugon ni Krissy sa ama ng makausap ito sa cellphone. Pag may bakanteng oras siya ay palagi niya namang tinatawagan ang kanyang daddy para kumustahin."Oh couz, kumusta ka na diyan? Ano ng balita sa inyong dalawa ni Calex?" Ani Brenda pagkatapos makausap ni Krissy ang ama. Cellphone kasi ng babae ang ginamit nito."Your mouth! Baka marinig ka ni daddy." Saway ni Krissy sa taklesang pinsan."OA mo hah! Syempre lumabas ako ng room niya para hindi niya marinig. So ano na nga? Nagkita na ba kayo ulit? Nagkausap?" Curious na tanong nito. "Hindi pa. But inutusan ko na si Bernard na matyagan si Calex. Wala pa akong time pumunta ng Cebu lalo pa't andami pang aasikasuhin sa opisina ni daddy." Honest na sagot ni Krissy."What? Ano namang magagawa ng pagmamatyag ni Bernard? Mapipigilan ba niyan ang pag
Namilog ang mga mata ni Liezel sa pagkabigla. Sadyang hirap magsink-in sa utak ng ginang ang naging rebelasyon ni Krissy.Ininom nito ang isang basong tubig na nasa table bago muling tiningnan si Krissy ng tuwid.Muling kinabahan si Krissy habang naghihintay sa magiging sagot ng ginang. At maya't maya pa ay natutop nito ang bibig ngunit makikitaan ng labis na pagkagalak sa mga mata."Do I heard it right hija? Magkakaapo na ba ako?" Maluha-luha ang mga mata nito dahil sa tuwa.Hindi naman aakalain ni Krissy na ganito ang magiging reaksyon ng ginang. Kahit mabait ito makitungo sa kanya ay akala niya mahuhusgahan din siya nito. Dahil sa lahat ng lalaki sa mundo ay si Calex pa talaga ang nakabuntis sa kanya, si Calex na kapatid ng kanyang ex-fiance.Parang nahawa na rin si Krissy at biglang nanubig din ang kanyang mga mata habang nakangiting tumango. Na ganito pala kagaan sa pakiramdam pag may taong tanggap ang magiging anak niya. Na di lang basta tanggap kundi labis na nagagalak din.Na
Tumagal si Krissy ng ilang araw sa Cebu dahil na rin sa pamimilit sa kanya ni Liezel. Hindi aakalain ng dalaga na magiging kasundo niya agad ang ginang kahit na bago pa lamang silang nagkasama. Sa katunayan, sinama pa siya sa mismong pamamahay nito at inalok na magstay na muna siya roon. Binilhan pa nga siya ng ginang ng ilang mga personal na gamit para sa ilang araw na pananatili niya sa bahay nito.At kahit marami pang aasikasuhin na trabaho si Krissy sa Manila ay pinaunlakan niya pa rin ito. Bukod sa ayaw niyang maoffend ang magiging grandma ng baby niya ay talagang ginusto rin ng pakiramdam niyang makasama pa ang ginang ng matagal. Kaya't tinawagan niya nalang si Lucy para ipaalam na hindi na muna siya makakapasok sa opisina ng ilang araw.Hindi naman siya nagsisisi sa pagsama sa ginang dahil sa loob ng ilang araw na pamamalagi niya sa bahay nito ay marami siyang nalaman tungkol kay Calex. Ang mga ayaw at gusto nito sa pagkain, mga hilig at hobbies ng lalaki at kung anu-ano pa. P
Pagkatapos maihatid ni Calex si Krissy at ang kanyang mommy Liezel sa isang maganda at komportableng kwarto ng resort ay kinausap din siya kaagad ng kanyang mommy ng masinsinan, na sila lang dalawa. Nasa labas sila ngayon samantalang si Krissy ay nasa kwarto na at nagpapahinga."Hanggang kailan mo balak ilihim sa akin ito anak?" Mahina ngunit emosyonal na tanong ni Liezel kay Calex. Sadyang dismayado ang ginang sa ginawang paglilihim ng anak."Mom, It was just an accident." Nakayukong sagot ni Calex sa ina."Aksidente man o hindi, nagbunga yung ginawa niyong kapusukan anak. So, ano ganoon na lamang yun? Wala kang balak panagutan ang magiging anak mo? Tatakbuhan mo yung responsibilidad mo kay Krissy at sa bata?" Sunod-sunod na tanong ng kanyang mommy. Napahawak pa ito sa kanyang sumasakit na sintido."Mom it's not like that. May balak na kasi talaga akong magpropose kay Venice bago ko pa nalaman na nagdadalang-tao yung Krissy na yun kaya isinantabi ko na muna yung tungkol sa bata." Pal
Nang magmulat ng mga mata si Krissy ay nasa loob na siya ng isang magarang kwarto. At alam niyang hindi ito ang kanilang kwarto ni mommy Liezel. Napahawak siya sa kanyang sumasakit na sintido at muling inalala ang nangyari bago siya nawalan ng malay. Kinapa niya pa ang sarili para siguraduhing buhay nga siya.At laking pasasalamat niya na hindi nga siya nananaginip at nakaligtas siya sa pagkakalunod kanina. Akala niya kasi talaga katapusan niya na.Marahan siyang bumangon nang maabutan siya ni mommy Liezel sa ganoong sitwasyon."Salamat sa Panginoon at gising ka na hija." Masayang usal ng ginang at inalalayan siya para makaupo ng maayos sa kama."Mommy paano po ako nakaligtas?" Puno ng pagtatakang tanong ni Krissy. Silang dalawa lang kasi ng ginang ang nasa pool kanina dahil nasa beach nagbabad ang ibang mga turista.Ngunit nagtaka si Krissy nang biglang ngumisi ng mapanukso ang ginang bago nito sinagot ang tanong niya."Syempre, niligtas ka lang naman ng future husband mo. Alam mo b