Namilog ang mga mata ni Liezel sa pagkabigla. Sadyang hirap magsink-in sa utak ng ginang ang naging rebelasyon ni Krissy.Ininom nito ang isang basong tubig na nasa table bago muling tiningnan si Krissy ng tuwid.Muling kinabahan si Krissy habang naghihintay sa magiging sagot ng ginang. At maya't maya pa ay natutop nito ang bibig ngunit makikitaan ng labis na pagkagalak sa mga mata."Do I heard it right hija? Magkakaapo na ba ako?" Maluha-luha ang mga mata nito dahil sa tuwa.Hindi naman aakalain ni Krissy na ganito ang magiging reaksyon ng ginang. Kahit mabait ito makitungo sa kanya ay akala niya mahuhusgahan din siya nito. Dahil sa lahat ng lalaki sa mundo ay si Calex pa talaga ang nakabuntis sa kanya, si Calex na kapatid ng kanyang ex-fiance.Parang nahawa na rin si Krissy at biglang nanubig din ang kanyang mga mata habang nakangiting tumango. Na ganito pala kagaan sa pakiramdam pag may taong tanggap ang magiging anak niya. Na di lang basta tanggap kundi labis na nagagalak din.Na
Tumagal si Krissy ng ilang araw sa Cebu dahil na rin sa pamimilit sa kanya ni Liezel. Hindi aakalain ng dalaga na magiging kasundo niya agad ang ginang kahit na bago pa lamang silang nagkasama. Sa katunayan, sinama pa siya sa mismong pamamahay nito at inalok na magstay na muna siya roon. Binilhan pa nga siya ng ginang ng ilang mga personal na gamit para sa ilang araw na pananatili niya sa bahay nito.At kahit marami pang aasikasuhin na trabaho si Krissy sa Manila ay pinaunlakan niya pa rin ito. Bukod sa ayaw niyang maoffend ang magiging grandma ng baby niya ay talagang ginusto rin ng pakiramdam niyang makasama pa ang ginang ng matagal. Kaya't tinawagan niya nalang si Lucy para ipaalam na hindi na muna siya makakapasok sa opisina ng ilang araw.Hindi naman siya nagsisisi sa pagsama sa ginang dahil sa loob ng ilang araw na pamamalagi niya sa bahay nito ay marami siyang nalaman tungkol kay Calex. Ang mga ayaw at gusto nito sa pagkain, mga hilig at hobbies ng lalaki at kung anu-ano pa. P
Pagkatapos maihatid ni Calex si Krissy at ang kanyang mommy Liezel sa isang maganda at komportableng kwarto ng resort ay kinausap din siya kaagad ng kanyang mommy ng masinsinan, na sila lang dalawa. Nasa labas sila ngayon samantalang si Krissy ay nasa kwarto na at nagpapahinga."Hanggang kailan mo balak ilihim sa akin ito anak?" Mahina ngunit emosyonal na tanong ni Liezel kay Calex. Sadyang dismayado ang ginang sa ginawang paglilihim ng anak."Mom, It was just an accident." Nakayukong sagot ni Calex sa ina."Aksidente man o hindi, nagbunga yung ginawa niyong kapusukan anak. So, ano ganoon na lamang yun? Wala kang balak panagutan ang magiging anak mo? Tatakbuhan mo yung responsibilidad mo kay Krissy at sa bata?" Sunod-sunod na tanong ng kanyang mommy. Napahawak pa ito sa kanyang sumasakit na sintido."Mom it's not like that. May balak na kasi talaga akong magpropose kay Venice bago ko pa nalaman na nagdadalang-tao yung Krissy na yun kaya isinantabi ko na muna yung tungkol sa bata." Pal
Nang magmulat ng mga mata si Krissy ay nasa loob na siya ng isang magarang kwarto. At alam niyang hindi ito ang kanilang kwarto ni mommy Liezel. Napahawak siya sa kanyang sumasakit na sintido at muling inalala ang nangyari bago siya nawalan ng malay. Kinapa niya pa ang sarili para siguraduhing buhay nga siya.At laking pasasalamat niya na hindi nga siya nananaginip at nakaligtas siya sa pagkakalunod kanina. Akala niya kasi talaga katapusan niya na.Marahan siyang bumangon nang maabutan siya ni mommy Liezel sa ganoong sitwasyon."Salamat sa Panginoon at gising ka na hija." Masayang usal ng ginang at inalalayan siya para makaupo ng maayos sa kama."Mommy paano po ako nakaligtas?" Puno ng pagtatakang tanong ni Krissy. Silang dalawa lang kasi ng ginang ang nasa pool kanina dahil nasa beach nagbabad ang ibang mga turista.Ngunit nagtaka si Krissy nang biglang ngumisi ng mapanukso ang ginang bago nito sinagot ang tanong niya."Syempre, niligtas ka lang naman ng future husband mo. Alam mo b
Mabilis lumipas ang mga araw at ayon na rin sa kagustuhan ni mommy Liezel ay patagong inasikaso nina Calex at Krissy ang kakailanganing dokumento para sa gaganaping kasal.Napagkasunduan kasi nila na wag na muna itong isa publiko. Mananatiling lihim muna ang lahat, na kahit ang daddy ni Calex at ang kanyang kuya Brandon ay walang kaalam-alam. Ganoon din ang daddy ni Krissy at ang malapit niyang pinsan na si Brenda.At dahil madalian ay napagpasyahan ni mommy Liezel na isang civil wedding ang gaganapin. Basta ang mahalaga ay maikasal ang dalawa sa lalong madaling panahon bago pa magbago ang isip ng anak niyang si Calex at umatras.Wala na ring nagawa pa ang lalaki kundi sundin ang desisyon ng kanyang mommy kahit pa na isang malaking kalbaryo sa kanya ang gagawin. Gayun din si Krissy na hinayaan lang din na magdesisyon ang ginang. Kahit gusto niya ang isang magarbong kasal ay pumayag na rin siya sa ganitong set-up. Naisip niyang hindi niya na kailangan maging choosy pa dahil kung tutuu
Isang simpleng dampi ng halik ang ginawad ni Calex sa mga labi ni Krissy. Halik na walang anumang katiting na pagmamahal ngunit nagawa nitong painitin ang namumulang pisngi ng dalaga.At masakit man isipin ngunit ramdam ni Krissy na habang siya ay nasisiyahan, si Calex naman ay irritable at walang gana. Sadyang tinatago lang ito ng lalaki dahil sa presensiya ni mommy Liezel.Kahit sa kanilang picture-taking ay walang mababakas na kasiyahan sa mukha ng lalaki. Alam ni Krissy na pilit lang ang naging ngiti nito.What should she expect anyway? Eh napilitan nga lang ito at tinuturing nitong isang sumpa ang kasalang ito.Pagkatapos ng seremonyas ay didiritso na sana silang apat sa isang mamahalin at private restaurant para sa isang bonggang salo-salo na pinahanda ni Krissy. Ngunit lalo lang siyang nanlumo nang tumangging sumama ang lalaki."Mom, I'm sorry but I need to go. Kinailangan ko ng makabalik ng Batangas kaagad dahil may nakaschedule akong meeting for today." Dahilan ni Calex haban
Nang makabalik si Calex sa Batangas ay naisipan niyang maligo sa beach para palamigin ang mainit niyang ulo.Gusto niyang matawa dahil may pahanda-handa pa ng pagkain na nalalaman si Krissy gayung wala namang dapat ipagcelebrate sa walang kwentang kasalan na iyon. O baka naman nagpapasikat lang ang babae sa mommy niya."She's really a bitch!" Napaismid na usal niya sa sarili.Ang totoo ay nagsinungaling siya kanina sa kanyang mommy. Wala naman talaga siyang appointment ngayong araw, hindi rin siya busy at lalong hindi hectic ang kanyang schedule. Hindi naman siya ang gagawa sa renovations and for monitoring lang ang task niya. Kaya kung tutuusin marami pa siyang bakanteng oras kung gugustuhin niyang sumama.Sadyang dinahilan niya lang iyon dahil ayaw niyang makasama ng matagal ang great pretender na babae.Kahit isang minuto nga lang ay iniiwasan niyang makasama si Krissy, ano pa kaya kung aabutin ng araw? O kung mamalasin ay baka buwan.Iisipin pa lang iyon ni Calex ay gusto niya ng
Kung gaano kabilis ang naging kilos ni Calex ay hindi niya na alam. Basta na lamang niya pinaharurot ng takbo ang bagong nabili niyang sasakyan.Gusto niya pa sanang tanungin si Krissy kanina tungkol sa nangyari kung bakit naospital ang mommy Liezel niya. Kaso dahil sa labis na pagkataranta ay hindi na niya inaksaya pa ang oras.Gamit ang waze ay ilang oras din ang binyahe ni Calex magmula Batangas patungong Makati kung saan daw naconfine ang kanyang mommy. At sa nasabing ospital ni Krissy na siya dumiritso."Nurse, anong room number ni Liezel Vargas? Yung babaeng isinugod dito kanina ni Krissy Parker." Nagmamadaling tanong ni Calex sa nurse station nang makapasok na siya sa naturang hospital.Ibinigay naman kaagad ng nurse ang impormasyong kailangan niya at mabilis ang mga hakbang ni Calex patungo sa nasabing kwarto."Mom!" Puno ng pag-aalala ang mukha ni Calex nang tuluyang makapasok sa kwarto at makita ang kanyang mommy.Medyo nabawasan ang kaba niya nang maabutang gising na ito a