[ Meghan's POV ]"Alam kong may ideya kana kung bakit ako nakipag-usap sayo." Panimula ko sa usapan namin ni Jhant habang hinihiwa ang beef steak na inorder ko. Agad kasi naming tinungo ang pinakamalapit na mamahaling fastfood."Uhm yeah! I guess tungkol ito dun sa mga sinabi ko sayo lastime about Brandon right?" Sagot nito habang pinupunasan ang labi ng tissue.Marahan akong tumango at huminto muna sa pagkain bago sumagot. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, kailangan ko ang tulong mo." Diretsahang sambit ko.Inihinto rin ni Jhant ang pagkain at ininom muna nito ang baso ng pineapple juice bago sumagot."What help do you need?" Seryosong tanong niya habang nakatingin sa akin ng diretso."Gusto ko sanang makausap si Mr. Parker. Gusto kong malaman kung magkano ang halagang kailangan niya para maibalik ang kompanya nina Brandon?" Buong-loob na pahayag ko na ikinaawang ni Jhant. Halos bumilog ang mata nito at hindi makapaniwala sa sinabi ko."What? Seriously Meg?" Aniyang puno ng pagkagu
Makalipas ang ilang araw.[ Brandon's POV ]Madaling araw pa lang ay bumiyahe na ako upang makarating ng maaga sa isa sa mga private resort namin na nasa Zambales, where mom and dad stayed for good pag umuuwi sila ng Pilipinas.At paminsan-minsan naman pag lumuluwas si mommy sa Manila, sa bahay ko siya tumutuloy kung saan nandoon din si Krissy.Nasa balcony ako ng resthouse namin habang tinatanaw ang magandang view ng karagatan nang lapitan ako ni mommy."Here's your coffee my son." Nakangiting binigay nito sa akin ang tinimpla niyang coffee. Saktong-sakto kasi ang oras ng dating ko na nasa 6:00A.M pa lamang at ramdam ko yung lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat."Thanks mom." Ginawaran ko siya ng ngiti at tsaka kinuha ito sa kanya."Bakit hindi mo man lang sinama si Krissy? May pinagkakaabalahan ba siya?" Sunod-sunod na tanong ni mommy at tumabi ito sa kinauupuan kong bench.Umiling ako pagka't never naman naging busy si Krissy sa trabaho. Mas abala pa yun sa pagbabantay sa ak
[ Brandon's POV ]"Ingat ka sa pagmamaneho son. Mamaya-maya ay susunod na rin kami ng daddy mo. Sa office ni Henry nalang tayo magkita." Tugon ni mommy pagkatapos akong halikan sa pisngi. I kissed her cheek back at niyakap ko rin si daddy bago tuluyang nagpaalam sa dalawa.Lulan ng aking sasakyan ay bigla na lamang pumasok sa isipan ko ang mga sinabi ni Manong Jun. Parang nag-eecho ito sa aking tainga ng paulit-ulit.Kung mapapasubo ako sa kasal ay tiyak mahihirapan na akong makawala. Knowing Krissy, talagang totohanin niya ang kanyang mga banta.Pero kung ipagpapatuloy ko ito, kagaya ng sinabi ni Manong Jun ay parang hinahayaan ko lang ang sarili kong malungkot at magdusa habang buhay.Ngunit nakasalalay naman sa pagpapakasal ko kay Krissy ang madaliang pagbawi ko sa mga kompanya namin.Malalim ang naging buntong-hininga ko sa sobrang gulo ng aking isipan. Napailing nalang ako habang nakatutok ang mga mata sa tinatahak na daan pabalik ng Manila.Kung bakit ba naman ngayon pa gumulo n
[ Meghan's POV ]Nasa harap na ako ng building ni Mr. Parker. Nakakalula rin ang laki nito at napakaganda ng disenyo. Di maikakailang bilyonaryo ang may-ari. Huminga ako ng malalim para mabawas-bawasan naman kahit papaano ang kabang nararamdaman ko. Ramdam ko na rin yung pamamawis ng kamay ko. "Kaya ko 'to!" Usal ko sa sarili.Pagkatapos ko magpark ng sasakyan ay nanalamin muna ako sa rearview mirror para masiguradong maayos ang hitsura kong haharap sa kanila. "Ganda mo girl!" Nakangiting puri ko sa sarili.At nang makontento ay bumaba na rin ako. Sumunod naman sa akin si Atty. Montecarlo na kakababa lang din sa kanyang sasakyan."Are you ready Ms. Walton?" Seryosong tanong nito. Kung tutuusin gwapo itong si Atty. Montercarlo. Halos kaedaran lang din siya ni Brandon. Yun nga lang kung tititigan mo ito ay masyadong seryoso na parang kay mahal bilhin ng kanyang mga ngiti. Idagdag pa ang suot nitong eyeglasses na parang terror na professor sa isang University.Marahan akong tumango dahi
[ Meghan's POV ]Natahimik ang lahat sa naging rebelasyon ni Brandon. Bakas ang labis na pagkagulat sa kanilang naging reaksiyon. Nanlaki ang mga mata at natutop ng mommy ni Brandon ang bibig nito. Samantalang si Krissy ay parang nawalan ng lakas na napaupo. Umiiling ito na parang hindi makapaniwala.Habang ako ay di maintindihan ang iba't-ibang emosyon na nararamdaman ko habang pinagpapatuloy ni Brandon ang kanyang salaysay."Five years ago, I got her pregnant kaya ko siya pinatira sa bahay ko. I commanded her to act as my housemaid coz It's the only way for me to protect my name and reputation. At tinago ko ito pati sa inyo mom and dad coz I don't want you to be upset and disappointed with me." Pagpapatuloy ni Brandon habang emosyonal na nakatingin sa kanyang mga magulang."Aaminin kong naging duwag ako noon at sobra akong naging insensitive kasi akala ko yun yung nararapat kong gawin, na yun yung tama without thinking na yung babaeng sinasaktan ko ay mahal na mahal ko na pala. The
[ Meghan's POV ]Ramdam ko sa hagod ng kanyang mga halik kung gaano siya nanabik sa akin. Halik na nag-uumapaw sa damdamin at napaka-passionate. I feel his tongue inside at halos mabaliw na ako ng sipsipin niya ang aking dila. Habang ang kanyang mga kamay ay marahang nakahaplos sa aking buhok at likuran.Nang ako naman ang kumilos at ginantihan siya ng mas nag-aalab na halik ay bigla na lamang siyang napahinto at humiwalay. Walang anumang salita ay niyakap niya ako ng napakahigpit habang marahang hinahalikan ang aking ulo. Nakakulong ako sa kanyang matipunong mga bisig at ramdam kong napakasafe ko dito. Napapikit ako sa napakasarap na feeling at gumanti rin ng yakap sa kanya na puno ng pagmamahal. Yung kahit yakap lang ay mararamdaman mo na ang labis na pagmamahal at kaligayahan namin sa piling ng isa't-isa. Dinig na dinig ko ang di magkamayaw na pagtibok ng kanyang puso habang pinapakiramdam ko rin ang pagwawala ng sa akin. Mahigit limang taon akong naghintay na mangyari ito at ng
BRANDON AND MEGHAN'S MOMENT OF TRUTHNOTE: This chapter contains sex scenes and languages that is not suitable for young audiences. Please guided. [ Meghan's POV ]"Napakasarap naman ng niluto ni Manang Celia. Di ko tuloy napigilan lumamon ng marami lalo na't matagal-tagal na rin akong hindi nakakain ng seafoods." Nakangising sambit ko pagkatapos namin kumain ni Brandon."It's okay. Thin, fat, sexy, no matter what figure do you have, I still love you just the way you are." Banat naman ni Brandon na nakangiti pa ng ubod tamis habang abala sa pagliligpit ng pinagkainan namin.Ang totoo'y di ko mapigilang kiligin ngunit Inirapan ko naman siya nang maalala ko ang lambingan nila ni Krissy. "Talaga lang ha! Si Krissy din ba nasabihan mo ng ganyan?" Nakahalukipkip na tanong ko sa kanya habang hinahayaan lamang siyang magligpit. Nag-insist kasi siya kanina na siya na ang bahala dahil gusto niya raw akong pagsilbihan kaya kinareer ko muna maging prinsesa ngayon.Kumunot naman ang kanyang noo
[ Meghan's POV ]Nagising nalang ako dahil sa napakaraming halik na naramdaman ko sa aking mukha. Halik sa buhok, noo, kilay, ilong, pisngi, baba, leeg at sa labi na iginawad sa akin ni Brandon.Napaunat ako at nagmulat ng mga mata. Nakangiting hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi nang walang anumang salita."Goodmorning beautiful woman. Breakfast in bed is ready." Aniya sa napakasweet na ngiti. Ako na ata ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa dahil pag gising pa lang ay bumungad agad ang ubod ng gwapo at napakahot na nilalang sa harapan ko.Niyapos ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg at puno ng lambing siyang tinitigan."Kung panaginip man ito, ayaw ko ng magising." Puno ng pagmamahal na saad ko. Inilapit niya ang kanyang mukha at marahan akong hinalikan muli sa labi. "Don't worry, it's real at never maging panaginip." Simple ngunit puno ng sensiridad na saad niya.Niyakap ko siya dahilan para madaganan niya ako at pumaibabaw sa akin. Napangisi na lamang ako ng maramdaman k