Ilang araw ang lumipas.
Dumating ang araw nang umakyat na sa bundok sila Larry kasama ang dalawang kaibigan na sina Nathan at Gilbert. Nang marating ng tatlo ang tuktok ng bundok ay nagkatinginan sila Nathan at Gilbert habang nakaupong nagpapahinga at hinahabol ang hininga sa sobrang hingal dahil sa taas nang inakyat. Ang mga tinginang iyon ay senyales na may masamang plano sa kaibigan na si Larry. Walang kaalam-alam na pinagmamasdan ni Larry mula sa mataas na bahagi na kanyang kinalalagyan ang magagandang lugar na nasa ibang bahagi ng kabundukan habang nakaapak sa bandang dulo ng bangin. “Guys, mabuti sumama ako sa inyo napakaganda ng lugar. Kahit nakakapagod ay sulit ang pag-akyat,” nakangiting wika ni Larry habang nakatingin pa rin sa malawak at malalim na lugar. “Medyo nakukonsensya lang ako mga pre dahil sumama pa rin ako kahit hindi pumayag si Claire, pero babawi na lang ako sa pagbalik natin sa siyudad,” dugtong ni Larry. “Paanong bawi ang gagawin mo?” tanong ni Gilbert habang hinahabol pa rin ang paghinga nito. “Magpro-propose na ako kay Claire para makapagplano sa bubuuin naming pamilya,” nakangiting wika ni Larry habang namamangha pa rin sa magandang lugar na nakikita ng kanyang mata. Napatayo si Nathan sa kanyang pagkakaupo nang marinig ang planong gawin ni Larry unti-unti itong lumapit sa kinatatayuan ni Larry. “Maiba nga pala ako pre. Mabuti hindi napahiya si Gilbert sa pag-aya sa iyo,” wika ni Nathan at sabay akbay sa kaibigang si Larry. “Ano ka ba naman Nathan mga kapatid na ang turing ko sa inyo. Huwag ka mag-alala kung sakaling ulitin natin hindi na ako kailangan pang pilitin ni Gilbert.” “Mabuti naman kung ganoon Larry, Kaya lang,” napahinto sa pagsasalita si Nathan at muling nagkatinginan sila nang nananahimik na si Gilbert. “Bakit may kaya lang?” tanong nang naguguluhan na si Larry. Mas lalong nagtaka at naguluhan si Larry nang bilang nilapit ni Nathan ang kanyang bibig at bigla siyang hinalikan nito. “Huling akyat mo na ito kaibigan, dahil mamamatay ka na!” bulong ni Nathan kay Larry. Habang palingon pa lang si Larry sa kaibigan para tignan kung seryoso o nagbibiro sa sinabi ay naitulak na siya ni Nathan kaya wala nang nagawa kundi ang magulat habang nahuhulog sa bangin. “Paalam kaibigan ako nang bahala sa girlfriend mo!” bukang bibig ni Nathan habang nakangiti itong pinagmamasdan ang nahuhulog na si Larry. Biglang napatayo si Gilbert at nanlaki ang mata nang makita niyang nahuhulog ang kaibigan. Napatuyan niyang hindi nagbibiro si Nathan sa plano nitong pagpatay kay Larry. “Kailangan na nating bumaba baka may makakita pa sa atin dito,” pag-aalala ni Gilbert habang palingon-lingon sa buong paligid upang tignan kung may tao sa paligid. Hindi na nag-aksaya ng kahit ilang segundo si Nathan at agad itong kumilos upang sundin ang kasamang si Gilbert. Habang bumababa ng bundok ang dalawa ay biglang may itinanong si Nathan kay Gilbert. “Gilbert, kaganina ko pa napapansin na tahimik ka, mukhang dinadaga ka na yata? “Hindi naman sa ganoon Nathan. Nakukunsensya lang ako kung bakit kailangang gawin natin iyon kay Larry? Naging mabait naman siyang kaibigan sa ating dalawa lalo na sa iyo. Sobrang dami nang itinulong ng taong iyon sa atin.” “Akala ko ba sa akin ka kakampi. Tandaan mo ako ang tumulong sa iyo kaya ka naging tao,” sumbat ni Nathan. “Bakit kailangang manumbat? Nagtanong lang naman ako kung bakit natin ginawa iyon, hindi ko sinabi na panig ako kay Larry. Alam mo naman loyal ako sa iyo kahit ano pa ang mangyari,” paliwanag ni Gilbert sa napipikong si Nathan. “Mabuti kung ganoon na maliwanag sa isip mo kung kanino ka kakampi,” wika ni Nathan na halatang nagalit kay Gilbert. “Kilala mo ako na gagawin ko ang lahat para makuha lang si Claire, kahit buhay pa ng isang kaibigan ang maging kapalit. Kaya ikaw itigil mo ang pinagsasabi mo baka may makarinig pa sa iyo,” dugtong ni Nathan habang nakatingin nang masama kay Gilbert. “Hindi ko naman nakakalimutan ang utang na loob ko sa iyo, kaya nga pumayag akong makipagsabwatan sa masama mong plano,” paliwanag ni Gilbert habang hindi makatingin nang derecho kay Nathan. “Nanghihinayang lang talaga ako na nawalan tayo ng isang mabuting kaibigan, pero hanggang doon na lang iyon. Alam ko naman na makikinabang din ako sa pagkawala niya,” dugtong ni Gilbert. “Mabuti naman nagkasundo tayo sa bagay na iyan, Gilbert.” Nakababa nang ligtas sila Nathan at Gilbert mula sa mataas na bundok matapos ang ilang oras. Mabilis na ipinakalat nila ang balitang naaksidente si Larry. Humingi ng tulong ang dalawa sa kinauukulan upang hindi mahalata na sila ang may kagagawan sa nangyari sa kaibigan nilang hinulog. Mabilis na kumilos ang barangay sa pagpapadala nito ng mga rescuer na makakasama kina Nathan at Gilbert sa lugar na posibleng pinaghulugan ni Larry. *** Samantala sa loob ng kabundukan isang magsasaka ang sakay ng kanyang alagang kalabaw ang napadaan kung saan matatagpuan ang nahulog na si Larry, si Mang Karding. Pansamantala itong natigilan sa paglalakad nang mapansin niya ang nakahandusay na duguan at walang malay na si Larry. Nakaramdaman si Mang Karding ng takot na baka madamay at mapagbintangan sa nangyari kay Larry. Mabilis niyang iniwasan at nagkunwaring walang nakita. Ngunit, habang papalayo ang pobreng magsasaka ay nakaramdam ito ng awa. Binalikan ni Mang Karding si Larry kahit alam nitong baka madamay siya. Pinakiramdaman niya ito kung humihinga pa ito. Nang malaman niyang buhay pa ito ay dahan-dahan niya itong isinakay sa karosa ng kanyang kalabaw. Matapos na lumingon sa buong paligid si Mang Karding ay mabilis itong umalis sa nasabing lugar at dinala niya ito sa kanilang bahay. Nataranta si Aling Cecilia ang asawa ni Mang Karding nang makita niya si Larry na walang malay malay at puno ng galos na nagkapalat pa ang dugo sa buong katawan nito. “Cecilia! Huwag kang tumayo diyan tulungan mo ako. Ipasok natin ito sa loob ng bahay,” paghingi ng tulong ni Mang Karding habang natataranta sa pagbubuhay kay Larry. “Sino ba iyan? Kilala mo ba iyan kaya mo siya dinala dito sa bahay?” ang gulat na gulat na tanong ni Aling Cecilia. “Baka masamang tao iyan,” dugtong nang nag-aalalang si Aling Cecilia. “Hindi ko rin siya kilala, pero naaawa naman ako kung hahayaan ko lang siya doon sa loob ng kabundukan, lalo na noong nalaman kong humihinga pa siya,” pagpapaliwanag ni Mang Karding habang akay-akay nilang mag-asawa papasok sa kanilang bahay si Larry. Dahan-dahan na inihiga ng mag-asawa sa isang higaan na gawa sa kawayan ang duguang si Larry. Mabilis na kumilos si Aling Cecilia para kumuha ng mga dahon na gagamitin para gawing gamot sa mga sugat ni Larry. “Iwan muna kita dito sa bahay babalik ako sa lugar kung saan ko siya nakita baka may mga gamit ang taong ito na puwedeng makatulong upang malaman ang kanyang pagkatao,” pagpapaalam ni Mang Karding sa kanyang asawa. Matapos ihanda ni Aling Cecilia ang mga gamit at gamot na gagamitin ay itinuloy na nito ang paggagamot kay Larry. Halos limang minuto pa lang ang nakalilipas matapos umalis si Mang Karding at naiwang mag-isa si Aling Cecilia ay biglang gumalaw si Larry dahilan upang mapahinto ang matandang babae sa kanyang ginagawa at mapaatras sa takot sa taong kanyang ginagamot na baka bumangon ito at saktan siya.Dumating si Mang Karding sa lugar kung saan niya nakita si Larry. Agad niyang nakita ang isang malaking bag na halos nabalutan ng alikabok, may kaunti itong punit at talsik ng dugo. Kinuha ito ng matandang lalaki at iginala ang mga mata na baka may makita pa itong ibang gamit na kasama ng bag na makatuulong upang makilala si Larry. Maya-maya ay may narinig si Mang Karding na kaluskos at ingay ng mga taong nag-uusap. Mabilis na kumaripas ng takbo ang matanda upang hindi siya maabutan ng mga taong parating na dala-dala ang bag ni Larry. Mabuti na lamang ay wala sa kanyang nakakita o nakapansin man lang habang palayo ito sa lugar nang pinagbagsakan ni Larry. “Mga Sir, andito na po tayo sa lugar na maaaring pagbagsakan ng kaibigan ninyo, kaya lang sa sobrang lawak nito hindi natin masasabi kung gaano tayo matatagalan sa paghahanap,” sagot ng isang Rescuer na kasama nila Nathan at Gilbert. ”Hindi po ba ninyo kabisado ang lugar na ito o wala man lang ba kayong ibang paraan para mapabil
“Mahigit isang buwan mula noong umakyat kayo ng bundok pero hanggang ngayon hindi pa rin nakikita ang bangkay ni Larry,” pag-aalala ni Claire habang nakahiga sa kama na katabi si Nathan. “Pumunta ka ba dito sa condo ko para sabihin lang iyan? Iniisip mo bang buhay pa si Larry at bigla na lang magpakita sa atin,” sagot ni Nathan habang hawak ang cellphone. “Baka nakalimutan mo na ako mismo ang tumulak sa kanya. Kitang-kita ko kung paano siya nahulog sa bangin at sinugurado ko iyon dahil ayaw ko na siyang mabuhay para tuluyan na kitang maagaw sa kanya.” “Nararamdaman ko naman iyon kung gaano mo ako kamahal. Hindi lang talaga mawala ang takot ko na baka itong nararanasan natin na kaligayahan ay hindi magtagal,” sagot ni Claire na halatang nag-aalala. Inilapag ni Nathan ang hawak na cellphone matapos nitong makita na nalulungkot si Claire pagkatapos ay humarap kay Claire hinawakan ang mukha at iniharap sa kanyang mukha. Dahan-dahan niya itong hinalikan sa labi. Nawala ang lungkot at p
“Siguro wala ng tututol sa ipapakilala ko na magiging kasama natin sa Board of Director ang papalit sa aking nawawalang anak na si Larry Evangelista, walang iba kundi si Nathan Capriano.” Mas lalong nagulat si Atty. Rene sa ipinalit kay Larry, ang mismong kaibigan na si Nathan. Gustuhin man niyang kontrahin ay wala siyang magawa dahil alam niyang kokontrahin lang siya ng mga kapwa niya Board of Directors. Malakas na palakpakan at sunod-sunod na pagbati ang sumalubong kay Nathan sa pagpasok niya sa Conference Area. "Una po sa lahat maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap. Maraming salamat po sa ating bagong CEO at President Madam Margareth Evangelista. Bago pa ialok sa akin ang posisyon na ito ay pinag-isipin ko muna kong karapat-dapat ba ako na ipalit sa magaling at mabait na matalik kong kaibigan na si Larry,” pagkukunwari ni Nathan na nalulungkot sa pagkawala ni Larry. “Alam ko na may mga hindi sang-ayon at nabigla sa balitang ako ang uupo bilang bagong Board of Direct
Inabutan nang gabi ang dalawa bago ito maghiwalay kaya hinatid ni Nathan si Claire sa kaniyang sariling sasakyan bago ito dumeretso sa sarili niyang sasakyan. “Hon, pagdating mo sa bahay paki-message mo na lang ako na nakauwi ka na para malaman ko kung safe kang nakawi nang hindi naman ako masyadong mag-alala.” Pagkatapos humalik ay nagpaalam na rin si Nathan kay Claire. *** Mabilis na pinaandar ni Claire ang kanyang sasakyan matapos nilang maghiwalay ni Nathan upang puntahan si Gilbert. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating agad ito sa kanyang pupuntahan. Nakahiga si Gilbert sa kanyang kama sa loob ng kanyang condo nang biglang kumatok sa pinto si Claire. Mabilis niya itong pinagbuksan ng pinto at sinalubong niya ito na may magandang ngiti. “Anong nginingiti mo?” mataray na tanong ni Claire habang pumapasok ito sa kuwarto. “Wala naman natutuwa lang ako dahil tinupad mo ang pangako mo,” sagot ni Gilbert habang isinasara nito ang pinto ng sariling condo. “Marunong ta
“Anak, aalis muna ako, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Sabihan mo na lang din ang pinsan mong si Erik kapag dumating mula sa pangunguha ng panggatong na huwag masyadong magpagod dahil hindi pa siya lubos na magaling magpahinga naman siya,” wika ni Aling Cecilia sa anak niyang si Gwen.“Saan po kayo pupunta Nay?” tanong ni Gwen.“Pupunta ako sa bukid para hatiran ng pagkain ang tatay mo,” sagot ni Aling Cecilia sabay labas ng bahay at hindi na hinintay ang isasagot ng anak na si Gwen sa pagmamadali nito.Maya-maya ay dumating si Erik.“Erik, sabi pala ni Nanay magpahinga ka naman muna dahil kaganina ka pa daw nagtratrabaho dito sa bahay baka mabinat ka pa,” malumanay na sagot ni Gwen habang naghuhugas ito ng plato na kanyang kinainan.“Insan, ako nang bahala diyan sa mga plato. Gawain ko naman iyan dito sa bahay,” awat ni Erik sa ginagawa ni Gwen habang hinuhubad ang damit na pang-itaas dahil basang-basa na ito sa pawis.“Ano ka ba dalawang plato lang naman ito, hindi naman sigu
Tinanghali nang gumising si Nathan dahil sa paghihintay at pagpunta nito sa bahay ni Claire. Araw ng Linggo ay naisipan nitong puntahan si Gilbert sa kanyang condo upang ayain itong uminom nang mailabas ang sama ng loob niya kay Claire. Dahil hindi magawang magalit ni Nathan kay Claire ay sa kaibigan na lamang niya ito sinasabi. Napabangon sa kanyang higaan si Gilbert nang marinig niyang tumunog ang door bell ng condo niya. “Si Claire na naman ba ito? Hindi ko naman siya pinapunta dito,” bulong ni Gilbert sa sarili. Sa pagbukas niya ng pinto ay laking gulat ni Gilbert nang makita niya ang mukha ni Nathan. Biglang pumasok sa isip niya na baka alam na ni Nathan ang tungkol sa kanila ni Claire. “Anong nangyari sa iyo Gilbert? Para kang gulat na gulat nang makita mo ako. Lagi naman akong pumupunta dito sa condo mo kapag wala tayong pasok,” ang nagtatakang tanong ni Nathan sa kaibigan. “Hindi naman ako sa nagulat, akala ko lang kasi hindi ka pupunta dito dahil may lakad kayo ni Clair
Patuloy na nagsasalita si Mang Karding sa silid kainan habang nasa sala ang kausap na si Aling Cecilia. Ang hindi niya alam ay lumabas na pala ng bahay si Aling Cecilia at hinanap si Gwen dahil patuloy pa rin itong nag-aalala sa anak na dalaga. Sinadya niyang hindi na magpaalam sa asawa dahil pipigilan lamang siya nito dahil sa malaki ang tiwala nito kay Erik. “Cecilia, naririnig mo pa ba ako?” tanong ni Mang Karding nang mapansin nito na parang wala nang sumasagot sa kanyang mga sinasabi. Napasilip sa sala at nang mapansin niyang nawala ang asawa. “Eto talagang asawa ko kahit isang taon na naming kasama si Erik ay hindi pa rin siya lubos na nagtitiwala dito, wala naman itong ipinakita kahit kaunting panget na ugali,” bulong ni Mang Karding sa sarili habang nakadungaw sa bintana na pinagmamasdan ang asawang naglalakad papalayo sa kanilang tahanan.***Samantala ilang minuto ang lumipas masayang nagbibiroan sila Erik at Gwen habang naliligo sa natuklasang batis nang biglang dumating
Laking gulat nila Erik at Niknok nang biglang umahon si Gwen sa batis at agad na dinampot ang tuwalyang dala nito. Hindi man lang ito nagpaalam sa mga taong andoon kahit sa kanyang ina na si Aling Cecilia. Hindi na nagtaka si Aling Cecilia sa ginawa ng anak. Alam niyang matalino ang anak niya kaya siguradong natunugan nito na may inililihim siya sa kanya. Malakas ng kutob nito na hindi niya totoong pinsan si Erik kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ng kanyang ina nang makitang ganoon lang ang suot niya sa harap ni Erik. Sa sobrang pagkakilala niya sa mga ugali ng mga magulang niya kaya alam din nito kung kailan nagsisinungaling ang mga ito sa kanya. “Anak, saan ka ba pupunta?” tanong ni Aling Cecilia habang pinagmamasdan ang anak kung saan ito pupunta. Ngunit, parang bingi lamang si Gwen nang hindi man lang sumagot sa tanong ng ina at nagpatuloy lamang ito sa paglalakad papalayo sa kinaroroonan ng batis. “Erik at Niknok, dito lang kayo huwag ninyo kaming susundan,” utos n
Pagkauwi ni Erik sa tinutuluyan niyang bahay galing sa bahay nila Leslie ay napansin siya ni Niknok na parang balisa at hindi mapakali. “Kuya Erik, anong nangyayari sa iyo, bakit parang may malalim kang iniisip at hindi ka mapakali?” pagtatakang tanong ni Niknok. “Pasensya ka na Nok, huwag mo na lang ako pansinin, ok lang naman ako,” pagtatago ng lihim ni Erik. “Maganda siguro Kuya kong kumain muna tayo, sakto at katatapos ko lang din magluto,” pag-aaya ni Niknok habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. Hindi na pinilit ni Niknok na tanungin ulit si Erik kung ano ang pinoproblema. Kung nagtiwala lamang sana si Erik kay Niknok ay malaki ang maitutulong nito sa kanyang iniisip dahil alam lahat ng binatilyo kung ano talaga ang totoong nangyari sa kanilang dalawa ni Leslie. Tinanggihan din ni Erik ang alok na pagkain ni Niknok kaya pumasok na lamang ito sa kuwartong tinutulugan upang makapagsarili at makapagmuni-muni kung ano ang susunod niyang gagawin sa nangyari. *** Ilang araw
Nakatulog sa tabi ni Erik si Niknok habang sa sobrang asar ni Leslie ay natulog na lang sa kabilang kuwarto. Kinaumagahan maagang nagising si Niknok dahil sa pag-aalala na baka pasukin ng mga magnanakaw ang bahay ni Gwen kaya maagang nagpaalam kay Leslie para umuwi. “Hindi ka ba muna mag-aalmusal?” tanong ni Leslie na medyo nasasabik dahil aalis na ang istorbong si Niknok at nang masolo na niya ang natutulog pa rin na si Erik. “Hindi na siguro Ate, meron namang pagkain sa bahay ni Ate Gwen at medyo nagmamadali ako,” paalam ni Niknok. Sa pag-alis na pag-alis ni Niknok ay agad na nagtungo si Leslie sa kuwartong kinalalagyan ni Erik. Nakasuot pa rin ito ng brief at walang pantaas na damit kaya bakat na bakat ang ipinagmamalaki ng binata. Agad na ni-lock ang pinto ng kuwarto ni Leslie upang wala munang mang-iistorbo sa kanila. Mabilis na hinubad ni Leslie ang suot niyang sando at maiksing short kaya ang natira na lamang sa suot niya ay ang bra at panty. Hinamas nang bahag
Matamlay na dumating si Erik sa bahay galing sa kanyang trabaho nang salubungin ni Niknok. “Kuya Erik, mukhang nanghihina ka, may sakit ka po ba?” pag-aalalang tanong ni NIknok habang tinutulungan si Erik na magbuhat sa dala nitong bag. “Ok lang naman ako, siguro medyo napagod lang sa trabaho dahil hindi pa siguro sanay ang katawan ko sa mga bagong ginagawa. Tingin ko naman isa o dalawang linggo masasanay na ang katawan ko sa araw-araw na pagtratrabaho,” mahinahong sagot ni Erik. “Kuya bakit ka naman nanghihina sa trabaho mo? Kung tutuusin mas mahihirap pa nga ang ginagawa mo noong nasa bundok pa tayo,” pagtataka ni Niknok na nakatitig kay Erik. “Alam ko na Kuya, kung bakit ka nanghihina,” dugtong na wika ni Niknok. “Ano na naman ang naisip mo? Sigurado ako kalokohan na naman ‘yan,” sambit ni Erik na medyo napangiti dahil sa nagkaroon ng hinala kung ano ang posibleng sasabihin ng kanyang kasama na si Niknok. “Kaya ka nanghihina dahil ilang araw mo nang hindi nakikita si Ate
Sa sobrang sama ng loob na nangyari kay Dra. Lorena nang mabasa niya ang sagot sa kanya sa email nang akala niyang anak na si Larry ay dumalaw na lang ito sa kanyang kaibigan na kapwa doktor na si Dr. Miguel Sanchez. “Bakit ka napadalaw?” maiksing tanong ni Dr. Miguel sa kaibigan na si Dra. Lorena. “Kaya kita pinuntahan ay hindi lang para dalawin ko kundi para magpaalam na rin,” maiksing tugon ni Dra. Lorena. “Anong sabi mo magpapaalam ka?” nagulat na tanong ni Dr. Miguel. “Saan ka pupunta? Halos kailan lang na nag-usap tayo na lalakasan mo na ang loob mo para magpakilala sa anak mong si Larry, tapos ngayon sasabihin mo sa akin aalis ka ulit. Para ano? Para magtago at maduwag ulit?” dugtong na sambit ni Dok Miguel na medyo mainit ang ulo dahil sa planong pag-iwas ulit ni Dra. Lorena sa kanyang anak. “Sana naman maintindihan mo ako. Ano pa ang gagawin ko dito kung mismong anak ko na ang ayaw akong kilalanin bilang ina niya?” pagtatampo ni Dra. Lorena. “Lorena, sa isang email lang
Matapos na umamin ni Claire kay Nathan tungkol sa kanyang pagbubuntis ay agad na nagpaalam si Nathan sa kasintahan. “Claire, pupunta pala ako kina Gilbert dahil may pag-uusapan kami tungkol sa isang project ng Xyclone Mining Inc.,” pagpapaalam ni Nathan na halatang nagdadahilan lamang para mailabas ang sama ng loob sa kaibigan. “Sigurado ka bang trabaho lang ang pag-uusapan ninyo ni Gilbert?” paghihinalang tanong ni Claire. “Napapansin ko sa iyo kapag pupunta ako kay Gilbert lagi kang nagdududa, galit ka ba sa kanya o wala ka lang tiwala sa kanya?” tanong ni Nathan na medyo naaasar sa kasintahan. “Hindi naman sa wala akong tiwala, alam ko kasi na kapag kayo ang nag-uusap madalas puro babae lang naman ang pinag-uusapan ninyo,” pagmamaktol ni Claire. “Hon, hindi naman sa ganoon. Alam mo naman si Gilbert, matagal na natin na kaibigan ang taong ‘yan kaya pinagbibigyan ko na lang kung ano ang gusto niyang pag-usapan. Kung babae wala naman masama dahil binata naman ang kaibigan ko. Kun
Nakauwi sa sariling bahay na nanlulumo si Dra. Lorena Ignacio dahil sa hindi nangyari ang kanyang inaasahan na makausap ang anak na si Larry nang maipagtapat ang totoong pagkatao at relasyon niya sa binata. Sa sobrang pagod at panghihina ay dumeretso na agad sa kanyang sariling kuwarto, hindi na naisip na maghapunan. Nang nasa loob na siya ng kuwarto ay naisipan ng doktora na buksan ang kanyang laptop. Bumulaga sa kanyang paningin ang matagal na niyang hinihintay na sagot sa email mula sa Xycone Mining, Inc. na nagnanais ng doktora na magkaroon ng appointment sa isa sa mga Board of Director ng kumpanya na si Larry Evangelista. Umasa ang doktora na mababasa niya sa email ang pagpayag ng kanyang anak na si Larry Evangelista na magkaroon sila ng appointment nang makapag-usap ng personal, ngunit kabaligtaran ang naging sagot sa email. “Maaari bang huwag na ninyo ako istorbohin, kung hangad lamang ninyo na perahan ako ay hindi kayo magtatagumpay at sana tigilan na ninyo kung ano man
Matapos tulungan ni Leslie si Erik na magkatrabaho ay hinatid naman niya si Niknok sa bahay ni Gwen. Nagkataon naman na papasok pa lang si Gwen sa kanyang trabaho kaya nagkita sila ni Leslie habang pababa ng sasakyan si Niknok. “Best, saan ka pupunta?” maikling tanong ni Leslie sa kaibigan. “Papasok pa lang ako Best. Bakit pala sakay mo si Niknok nasaan si Erik?” tanong nang magtaka si Gwen na hindi kasama ni Niknok si Erik. “Nok, di ba sinabihan na kita na hindi mo dapat iniiwan si Kuya Erik mo!” pagalit na dugtong ni Gwen nang pakiramdam nito na hindi siya sinunod ni Niknok. Agad na sumagot si Leslie nang makita nitong hindi makasagot si Niknok upang hindi tuluyang magalit si Gwen. “Best, huwag mo nang pagalitan si Niknok, katunayan ako na ang nagsabi kay Niknok na huwag na niyang hintayin si Erik dahil kakilala ko naman ang may-ari ng pinapasukan niyang trabaho,” pagpapaliwanag ni Leslie sa kaibigan. “Talaga Best, may trabaho na si Erik?” nagulat na tanong ni Gwen. “Oo Best,
Sinimulan nang maglakad nila Erik at Niknok upang subukan ang kapalaran kung aayon ba ang suwerte sa binata. “Kuya Erik, saan mo ba balak maghanap? Masyadong magulo ang lugar dito. Pakiramdam ko mawawala ako dito. Ok lang sana kung kagaya sa bundok na lagi nating nilalakad na kapag kinabisado mo lang ang itsura ng mga puno siguradong hindi na tayo maliligaw. Hindi tulad dito nagtataasan ang buong paligid. Mahirap nito baka bumagsak pa ang mga iyan habang naglalakad tayo,” wika ni Niknok na halatang nag-aalala sa mga nakikita niya sa paligid. “Nok, hindi naman basta-basta babagsak ang mga nagtataasang gusali. Maaari pa siguro kung lumindol nang napakalakas,” usal ni Erik. “Daan nga pala muna tayo sa bahay ni Leslie hindi pa kasi ako nakakapagpaalam doon at para makapagpasalamat na rin sa tulong na ginawa niya,” dugtong ni Erik. “Alam mo ba Kuya, tingin ko doon kay Ate Leslie may gusto ‘yon sa iyo,” hinala ni Niknok. “Ikaw talaga Nok, kung anu-ano ang naiisip mo. Siguro likas lang t
Kinaumagahan agad na nagtungo si Gwen sa kusina upang magluto sana para sa kakainin niya at sa dalawa niyang bisita na sina Erik at NIknok, ngunit nabigla ito nang makita niya sa mesa na mayroon nang nakahain ng almusal. “Magandang umaga po Ate Gwen!” masigasig na pagbati ni Niknok habang nakaupo na at hinihintay ang dalaga sa pag-upo upang sabayan sa pagkain. “Sino nagluto? Bakit hindi ninyo ako ginising?” tanong nang naguguluhan na si Gwen. “Si Kuya Erik po ang nagluto, sabi niya kasi huwag ka nang gisingin dahil nagpapahinga ka pa at puyat kaya inako na lang niya ang pagluluto,” sagot na mahinahon ni Niknok. “Nasaan na ang Kuya Erik mo ngayon?” muling tanong ng dalaga. “Kung hindi po ako nagkakamali nasa palikuran po upang maligo,” magalang na sagot ni Niknok. “Sabi rin po pala ni Kuya Erik kumain na lang daw tayo kasi hindi na po siya sasabay sa atin ibabaon na lang daw niya ung almusal sa pupuntahan niya,” dugtong na usal ng binatilyo. “Saan siya pupunta?” pagtatakang tanon