Home / Romance / Love and Revenge of the Lost Billionaire / Kabanata 7: Simula ng Bagong Samahan

Share

Kabanata 7: Simula ng Bagong Samahan

last update Last Updated: 2024-04-12 00:14:57

“Anak, aalis muna ako, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Sabihan mo na lang din ang pinsan mong si Erik kapag dumating mula sa pangunguha ng panggatong na huwag masyadong magpagod dahil hindi pa siya lubos na magaling magpahinga naman siya,” wika ni Aling Cecilia sa anak niyang si Gwen.

“Saan po kayo pupunta Nay?” tanong ni Gwen.

“Pupunta ako sa bukid para hatiran ng pagkain ang tatay mo,” sagot ni Aling Cecilia sabay labas ng bahay at hindi na hinintay ang isasagot ng anak na si Gwen sa pagmamadali nito.

Maya-maya ay dumating si Erik.

“Erik, sabi pala ni Nanay magpahinga ka naman muna dahil kaganina ka pa daw nagtratrabaho dito sa bahay baka mabinat ka pa,” malumanay na sagot ni Gwen habang naghuhugas ito ng plato na kanyang kinainan.

“Insan, ako nang bahala diyan sa mga plato. Gawain ko naman iyan dito sa bahay,” awat ni Erik sa ginagawa ni Gwen habang hinuhubad ang damit na pang-itaas dahil basang-basa na ito sa pawis.

“Ano ka ba dalawang plato lang naman ito, hindi naman siguro ako malulumpo sa paghuhugas,” saktong paharap na si Gwen kay Erik ngunit laking gulat nito nang makita niya ang magandang katawan nito. Kahit gusto niya itong titigan ay agad niya itong iniwasan ng tingin sa takot na baka mahuli siya na nakatingin sa maganda nitong katawan.

“Anong bang nangyayari sa akin? Nagkakaroon ako ng malisya sa pinsan ko,” bulong ni Gwen sa sarili.

“Insan, may sinasabi ka ba?” tanong ni Erik nang medyo marinig niya nang kaunti ang bulong ni Gwen.

Kinabahan kaya pansamantalang natigilan nang ilang segundo si Gwen bago ito nakasagot nang bigla itong tinanong ni Erik.

 ”Ang ibig kong sabihin kung kumain ka na ba? Kung hindi pa ipaghahanda na kita,” palusot ni Gwen upang hindi siya mahalata ni Erik.

“Insan, maiba pala ako, magtatagal ka ba dito sa bahay? Ilang araw lang ba ang bakasyon mo?” tanong ni Erik.

“Bakit mo naman naitanong? Gusto mo na ba akong paalisin dito sa bahay?” inis na sagot ni Gwen nang masamain nito ang tanong ni Erik.

“Hindi naman sa ganoon Insan, kaya ko naman naitanong medyo nahihiya na ako kina Tiyo at Tiya, baka puwede naman akong sumama sa iyo baka may magandang trabaho na maaari kong mapasukan doon nang makatulong naman ako kina Tiyo at Tiya sa mga gastusin dito sa bahay para hindi naman ako maging palamunin lamang dito sa bahay,” paliwanag ni Erik.

Nagulat si Gwen sa sinagot ni Erik, kaya naman medyo nabawasan ang pagkainis nito sa inaakala niyang pinsan.

“Ganoon ba? Ano ba ang alam mong trabaho? Nakatapos ka ba ng kolehiyo? O ano ba ang mga naging trabaho mo noong wala ka pa dito?” sunod sunod na tanong ni Gwen.

“Pasensya na Insan wala akong matandaan,” sabay kamot na lang sa ulo.

“Ay oo nga pala may amnesya ka pala. Pasensya na nawala sa isip ko,” paghingi ng paumanhin ni Gwen. “Tungkol pala sa tanong mo. Ilang araw lang ako dito sa bahay at babalik na ako agad sa siyudad dahil isang linggo lang ang paalam ko sa opisina kaya hindi pa kita puwede isama at kailangang ayusin mo muna ang mga requirements na ipinapasa sa pag-aapplay ng trabaho,” dugtong ni Gwen.

“Ganoon ba?” Napayuko na lamang si Erik sa sinabi ni Gwen na halatang nanlumo dahil pakiramdam niya ay ilang taon pa siyang magiging palamunin sa bahay dahil wala siyang maipasok na pera sa mga taong tumutulong sa kanya.

Hindi naging lingid kay Gwen ang panghihinayang na naramdaman ni Erik.

“Mas maganda siguro magpaalam ka muna kina Tatay at Nanay kung papayagan ka nilang sumama sa akin sa siyudad. Sakto ‘yon para habang andoon ako maghahanap at magtatanong na rin ako kung may maaari kang pasukan doon,” dugtong ni Gwen upang gumaan ng kaunti ang loob ni Erik.

“Mabuti pa nga siguro,” wika ni Erik nang biglang mahinto ito sa pagsasalita nang may marinig silang sigaw. Parehong nagulat sila Erik at Gwen nang biglang may boses ng bata ang sumigaw galing sa labas ng bahay at tinatawag ang pangalan ni Erik.

“Kuya Erik! Kuya Erik!”

Mabilis at sabay na dumungaw ang dalawa nang marinig nila ang boses na iyon.

“Sino yon?” tanong ni Gwen habang nagulat dahil hindi siya nasanay na may iba pang taong kasama sa bahay kung saan nakasanayan na niyang silang tatlo ng kanyang mga magulang ang laging magkakasama sa bahay na iyon.

“Wow! Kuya Erik ang ganda naman ng asawa mo at sobrang puti pa,” nanlaki ang mata ng batang dose anyos na lalaki nang biglang dumungaw sa bintana si Gwen.

Lalong lumutang ang ganda ni Gwen nang biglang mamula ang mukha nito sa sinabi ng bata kaya hindi ito nakapagsalita.

“Ikaw talagang bata ka, pinsan ko iyan. Siya si Ate Gwen.” Dahil sa hiya ay napatakbo si Erik papunta sa bata upang takpan ng palad niya ang bibig nito na agad namang hinawi ng bata.  

“Hello po, ako po si Niknok. Kaibigan po ako ni Kuya Erik,” pagpapakilala ng batang si Niknok. “Pasensya na po kung napagkamalan kong asawa po kayo ni Kuya Erik kasi sobrang ganda po ninyo talaga at sobrang gwapo rin naman ni Kuya Erik at macho pa, kaya bagay na bagay po kayo talaga,” dugtong ni Niknok.

Dahil sa sobrang hiya sa isa’t isa ay hindi nakapagsalita ang dalawa sa sinabi ng bata kaya naman patuloy na dumaldal si Niknok.

“Sabagay magpinsan nga pala kayo kaya pala medyo hawig kayong dalawa. Alam niyo po ba nanghihinayang din ako sa inyong dalawa,” patuloy na pagsasalita ni Niknok.

“Bakit ka naman nanghihinayang?” tanong ng napangiting si Gwen.

“Kaya po ako nanghihinayang kasi magpinsan po kayo,” sagot ng pilyong bata na si Niknok. “Maganda sana kung hindi kayo magpinsan para po puwede kayong maging mag-asawa. Siguro po ang ganda o ang pogi ng magiging anak ninyo,” kinikilig na wika ng bata.

“Niknok, tumigil ka na. Ikaw talaga kung ano na lang ang naiisip mo,” pagpigil ni Erik na sinabayan ng panlalaki ng mata upang takutin si Niknok.

“Huwag ka naman magalit Kuya, ikaw lang naman ang iniisip ko,” malumanay na sagot ni Niknok dahil sa takot na galit na sa kanya si Erik. “Kasi po kailangan mo kasi Kuya nang may nag-aalaga sa iyo lalo po ngayon na may sakit ka pa. Kung hindi lang ako siguro bata ako na ang mag-aalaga sa iyo kasi napakabait mong kuya,” dugtong ni Niknok habang nagsasalita itong nakayuko.

Halos maiyak si Gwen sa sinabi ni Niknok. “Kahit pala malakas kang mang-asar mabait ka naman pala,” pagpuri ng magandang dalaga kay Niknok.

“Siyanga pala Erik bago tayo mag-iyakan dito kumain muna kayo, nagluto si Nanay at isabay mo na si Niknok tingin ko naman hindi pa ito nanananghalian,” pag-aya ni Gwen.

***

Samantala nakarating na si Aling Cecilia sa bukid kung saan naroroon si Mang Karding.

“Buti dumating ka na kaganina pa ako nagugutom,” reklamo ni Mang Karding dahil na rin sa sobrang init na hatid ng sikat ng araw.

“Hinintay kong dumating si Erik kaya lang sa sobrang sipag ng batang iyon nakalimutan ng mag-agahan panay trabaho at parang ayaw magpahinga. Mabuti na lamang nagising ang anak mo kaya siya na lang iyong pinagbilinan ko,” pagpapaliwanag ni Aling Cecilia kung bakit siya nahuling dumating.

“Cecilia, tingin mo naniwala si Gwen na pinsan niya talaga si Erik?” tanong ni Mang Karding sa asawa.

“Tingin ko naman kasi hindi na siya nagtanong ng tungkol kay Erik. Bakit mo naman pala naitanong iyan?” wika ni Aling Cecilia habang inaayos ang mga pagkain sa mesa.

“Paano kung isang araw bumalik ang memorya ni Erik. Tingin mo ba magagalit siya sa atin dahil itinago natin siya dito sa loob ng kabundukan?”

Hindi nakasagot si Aling Cecilia sa tanong ni Mang Karding kaya naman iniba na lamang nito ang usapan.

“Kumain na lang tayo at gutom lang iyang mga iniisip mo,” wika ni Aling Cecilia.

Related chapters

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 8: Pagpipigil at Pag-iwas

    Tinanghali nang gumising si Nathan dahil sa paghihintay at pagpunta nito sa bahay ni Claire. Araw ng Linggo ay naisipan nitong puntahan si Gilbert sa kanyang condo upang ayain itong uminom nang mailabas ang sama ng loob niya kay Claire. Dahil hindi magawang magalit ni Nathan kay Claire ay sa kaibigan na lamang niya ito sinasabi. Napabangon sa kanyang higaan si Gilbert nang marinig niyang tumunog ang door bell ng condo niya. “Si Claire na naman ba ito? Hindi ko naman siya pinapunta dito,” bulong ni Gilbert sa sarili. Sa pagbukas niya ng pinto ay laking gulat ni Gilbert nang makita niya ang mukha ni Nathan. Biglang pumasok sa isip niya na baka alam na ni Nathan ang tungkol sa kanila ni Claire. “Anong nangyari sa iyo Gilbert? Para kang gulat na gulat nang makita mo ako. Lagi naman akong pumupunta dito sa condo mo kapag wala tayong pasok,” ang nagtatakang tanong ni Nathan sa kaibigan. “Hindi naman ako sa nagulat, akala ko lang kasi hindi ka pupunta dito dahil may lakad kayo ni Clair

    Last Updated : 2024-04-13
  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 9: Ang Maitim na Balak

    Patuloy na nagsasalita si Mang Karding sa silid kainan habang nasa sala ang kausap na si Aling Cecilia. Ang hindi niya alam ay lumabas na pala ng bahay si Aling Cecilia at hinanap si Gwen dahil patuloy pa rin itong nag-aalala sa anak na dalaga. Sinadya niyang hindi na magpaalam sa asawa dahil pipigilan lamang siya nito dahil sa malaki ang tiwala nito kay Erik. “Cecilia, naririnig mo pa ba ako?” tanong ni Mang Karding nang mapansin nito na parang wala nang sumasagot sa kanyang mga sinasabi. Napasilip sa sala at nang mapansin niyang nawala ang asawa. “Eto talagang asawa ko kahit isang taon na naming kasama si Erik ay hindi pa rin siya lubos na nagtitiwala dito, wala naman itong ipinakita kahit kaunting panget na ugali,” bulong ni Mang Karding sa sarili habang nakadungaw sa bintana na pinagmamasdan ang asawang naglalakad papalayo sa kanilang tahanan.***Samantala ilang minuto ang lumipas masayang nagbibiroan sila Erik at Gwen habang naliligo sa natuklasang batis nang biglang dumating

    Last Updated : 2024-04-20
  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 10: Nang Matuklaw ng Ahas

    Laking gulat nila Erik at Niknok nang biglang umahon si Gwen sa batis at agad na dinampot ang tuwalyang dala nito. Hindi man lang ito nagpaalam sa mga taong andoon kahit sa kanyang ina na si Aling Cecilia. Hindi na nagtaka si Aling Cecilia sa ginawa ng anak. Alam niyang matalino ang anak niya kaya siguradong natunugan nito na may inililihim siya sa kanya. Malakas ng kutob nito na hindi niya totoong pinsan si Erik kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ng kanyang ina nang makitang ganoon lang ang suot niya sa harap ni Erik. Sa sobrang pagkakilala niya sa mga ugali ng mga magulang niya kaya alam din nito kung kailan nagsisinungaling ang mga ito sa kanya. “Anak, saan ka ba pupunta?” tanong ni Aling Cecilia habang pinagmamasdan ang anak kung saan ito pupunta. Ngunit, parang bingi lamang si Gwen nang hindi man lang sumagot sa tanong ng ina at nagpatuloy lamang ito sa paglalakad papalayo sa kinaroroonan ng batis. “Erik at Niknok, dito lang kayo huwag ninyo kaming susundan,” utos n

    Last Updated : 2024-04-22
  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 11: Ang Pag-amin ng Ina

    Halos sampung minuto rin ang ginugol nila Aling Cecilia at Erik na pasan-pasan si Gwen sa kanyang likod upang makarating sa mismong highway. “Sana may magmagandang loob sa atin na pasakayin tayo nang maihatid tayo sa pinakamalapit na ospital,” dalangin ni Erik habang pinagpapawisan at hirap na hirap sa pagbubuhat kay Gwen sa kanyang likod. “Nak, konting tiis pa makakahanap rin tayo ng sasakyan na maghahatid sa atin sa ospital,” wika ni Aling Cecilia habang pinupunasan nito ang butlig-butlig na pawis sa mukha ni Gwen na halatang nanghihina na dahil sa unti-unting pagkalat ng kamandag ng ahas sa buong katawan. Mabuti na lamang ay hindi nagtagal ay mayroong humintong sasakyan sa harap nila. “Ano pong nangyari?” tanong ng drayber ng sasakyan na nagmagandaang-loob para tulungan sila. “Puwede po bang sumakay sa inyo? Nakagat po kasi ng ahas ang anak ko,” pagmamakaawa ni Aling Cecilia sa drayber. Hindi nagdalawang-isip ang mabuting drayber na tumulong at agad niyang pinasakay sila

    Last Updated : 2024-04-23
  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 12: Ang Simula ng Pagseselos

    “Mayroon namang nakita ang ama mo na isang malaking bag, kaya lang hindi na namin hinalungkat para respeto na rin sa kanya. Naisip rin namin na kahit buksan namin ang bag niya at makita ang mga ID niya, wala rin naman kaming lakas ng loob upang tumulong, dahil wala naman kaming masyadong alam sa siyudad. Kung hahanapin naman namin baka mapahamak pa kami kapag napunta kami sa mga kaaway niya o maling tao. Kaya minabuti na lamang namin na tulungan siya na lamang siya hanggang sa bumalik ang kanyang memorya,” paliwanag ni Aling Cecilia sa anak. “Hindi po ba ninyo naiisip na baka nag-aalala na ang mga taong nagmamahal sa kanya, baka may asawa at anak pa ‘yan na naghihintay sa pagbabalik niya o magulang man lang? Kung nalaman ko agad ito ay hahanapin ko agad kung sino man kamag-anak nito o kung saan siya nagtratrabaho,” usal ni Gwen sa kanyang ina. “Iyan ang sinasabi namin ng ama mo kaya ayaw namin sabihin sa iyo dahil sa pabigla-bigla kang nagdedesisyon. Hindi naman sa ayaw naming tumul

    Last Updated : 2024-04-24
  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 13: Ang Tatlong mga Armadong Lalaki

    Inumaga na sa kahihintay si Mang Karding at Niknok sa paghihintay sa pagbabalik nila Aling Cecilia o Erik, ngunit kahit isa sa kanila ay walang nagpakita. “Mang Karding magandang umaga, hindi ho ba kayo nakatulog?” tanong ni NIknok nang magising ito at mapansin niyang nakadungaw si Mang Karding sa bintana, habang pupungas-pungas pa itong umupo sa kanyang higaan. “Nakatulog naman kahit paano, kaya lang hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano na ang nangyari sa anak ko. Alam ko naman na hindi siya pababayaan ng asawa ko at ni Erik. Sana nga lang hindi agad kumalat ang kamandag sa kanyang katawan,” pag-aalala ni Mang Karding na patuloy pa ring nakadungaw sa bintana, nagbabakasakaling pabalik na sila Aling Cecilia o si Erik upang ibalita sa kanya ang nangyari kay Gwen. “Tingin ko naman po makakaligtas si Ate Gwen kasi mabilis naman pong kumilos sila Kuya Erik, katunayan nga po wala silang sinayang na oras noon pong nakita nilang nakagat ng ahas si Ate Gwen,” wika ni Niknok upang pagaani

    Last Updated : 2024-04-26
  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 14: Ang Paglabas ng Tunay na Ina

    Masayang nagkukuwento si Leslie sa tabi ni Erik, ngunit nasa ibang lumalop ang isip ng binata dahil hindi naman ito nakikinig sa mga sinasbi ni Leslie, ang nasa isip nito ay ang itsura ni Gwen noong ipinasan niya ito sa kanyang likod nang kinagat ito ng ahas.Hindi mawala sa isip ni Erik ang napakagandang mukha ni Gwen habang nahihirapan ito at pinagpapawisan dulot ng sakit na dulot ng kagat ng ahas.“Kakaiba talaga ang dating niya, gustuhin ko mang pigilan dahil bawal siyang mahalin dahil magpinsan kami pero hindi ko magawa, nabibighani talaga ako sa taglay na ganda niya,” bulong ni Erik sa sarili habang pinagmamasdan ang nakahigang si Gwen.Nagkunwaring tulog naman si Gwen upang pasimpleng makinig sa pinag-uusapan nila Erik at sa bestfriend niyang si Leslie.Matapos na magsalita nang kung anu-anong kuwento ay napansin ni Leslie na hindi pala nakikinig sa kanya si Erik.Ilang beses nitong nahuli ang binata na nakatingin sa kaibigan niyang si Gwen kaya alam niyang wala sa kanya ang at

    Last Updated : 2024-04-29
  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 15: Kawawang Matatanda

    Hindi agad nakasagot si Dra. Lorena Ignacio sa tanong sa kanya ni Dr. Miguel Sanchez at tanging pagyuko na lamang ang naiganti nito. “Kitam, hindi ka nakasagot sa tanong ko, ibig lang sabihin na hindi ka pa handa sa mga posibleng sasabihin o isusumbat sa iyo ng anak mo. Alam natin pareho na siguradong magagalit si Larry kapag nagpakilala ka na ikaw ang kanyang ina o mas natatakot ka sa mararamdaman mo kapag itinakwil ka ng anak mo? Maaaring gawin niya na hindi maniwala na ikaw ang ina niya kahit may ipakita ka pang mga ebidensya na nagpapatunay na ikaw nga ang tunay niyang ina nang hindi mahalata ang pagtakwil niya sa iyo,” mga tanong ni Dok Miguel na tanging masasagot lang kapag nagharap ang mag-inang sina Doktora Lorena at Larry. Dahil sa narinig mula kay Dra. Lorena gustong bawiin ni Dr. Miguel ang sinabi nitong masasakit na salita sa kaibigan dahil nakaramdam na ng awa sa kaibigang doktora. “Pasensya ka na Lorena, hindi ko naman nais na saktan ang kalooban mo,” wika ni Dok Mi

    Last Updated : 2024-04-29

Latest chapter

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 37: Ang Pagbabanta

    Pagkauwi ni Erik sa tinutuluyan niyang bahay galing sa bahay nila Leslie ay napansin siya ni Niknok na parang balisa at hindi mapakali. “Kuya Erik, anong nangyayari sa iyo, bakit parang may malalim kang iniisip at hindi ka mapakali?” pagtatakang tanong ni Niknok. “Pasensya ka na Nok, huwag mo na lang ako pansinin, ok lang naman ako,” pagtatago ng lihim ni Erik. “Maganda siguro Kuya kong kumain muna tayo, sakto at katatapos ko lang din magluto,” pag-aaya ni Niknok habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. Hindi na pinilit ni Niknok na tanungin ulit si Erik kung ano ang pinoproblema. Kung nagtiwala lamang sana si Erik kay Niknok ay malaki ang maitutulong nito sa kanyang iniisip dahil alam lahat ng binatilyo kung ano talaga ang totoong nangyari sa kanilang dalawa ni Leslie. Tinanggihan din ni Erik ang alok na pagkain ni Niknok kaya pumasok na lamang ito sa kuwartong tinutulugan upang makapagsarili at makapagmuni-muni kung ano ang susunod niyang gagawin sa nangyari. *** Ilang araw

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 36: Mautak na Dalaga

    Nakatulog sa tabi ni Erik si Niknok habang sa sobrang asar ni Leslie ay natulog na lang sa kabilang kuwarto. Kinaumagahan maagang nagising si Niknok dahil sa pag-aalala na baka pasukin ng mga magnanakaw ang bahay ni Gwen kaya maagang nagpaalam kay Leslie para umuwi. “Hindi ka ba muna mag-aalmusal?” tanong ni Leslie na medyo nasasabik dahil aalis na ang istorbong si Niknok at nang masolo na niya ang natutulog pa rin na si Erik. “Hindi na siguro Ate, meron namang pagkain sa bahay ni Ate Gwen at medyo nagmamadali ako,” paalam ni Niknok. Sa pag-alis na pag-alis ni Niknok ay agad na nagtungo si Leslie sa kuwartong kinalalagyan ni Erik. Nakasuot pa rin ito ng brief at walang pantaas na damit kaya bakat na bakat ang ipinagmamalaki ng binata. Agad na ni-lock ang pinto ng kuwarto ni Leslie upang wala munang mang-iistorbo sa kanila. Mabilis na hinubad ni Leslie ang suot niyang sando at maiksing short kaya ang natira na lamang sa suot niya ay ang bra at panty. Hinamas nang bahag

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 35: Naudlot na Plano

    Matamlay na dumating si Erik sa bahay galing sa kanyang trabaho nang salubungin ni Niknok. “Kuya Erik, mukhang nanghihina ka, may sakit ka po ba?” pag-aalalang tanong ni NIknok habang tinutulungan si Erik na magbuhat sa dala nitong bag. “Ok lang naman ako, siguro medyo napagod lang sa trabaho dahil hindi pa siguro sanay ang katawan ko sa mga bagong ginagawa. Tingin ko naman isa o dalawang linggo masasanay na ang katawan ko sa araw-araw na pagtratrabaho,” mahinahong sagot ni Erik. “Kuya bakit ka naman nanghihina sa trabaho mo? Kung tutuusin mas mahihirap pa nga ang ginagawa mo noong nasa bundok pa tayo,” pagtataka ni Niknok na nakatitig kay Erik. “Alam ko na Kuya, kung bakit ka nanghihina,” dugtong na wika ni Niknok. “Ano na naman ang naisip mo? Sigurado ako kalokohan na naman ‘yan,” sambit ni Erik na medyo napangiti dahil sa nagkaroon ng hinala kung ano ang posibleng sasabihin ng kanyang kasama na si Niknok. “Kaya ka nanghihina dahil ilang araw mo nang hindi nakikita si Ate

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 34: Ang Totoong Ama

    Sa sobrang sama ng loob na nangyari kay Dra. Lorena nang mabasa niya ang sagot sa kanya sa email nang akala niyang anak na si Larry ay dumalaw na lang ito sa kanyang kaibigan na kapwa doktor na si Dr. Miguel Sanchez. “Bakit ka napadalaw?” maiksing tanong ni Dr. Miguel sa kaibigan na si Dra. Lorena. “Kaya kita pinuntahan ay hindi lang para dalawin ko kundi para magpaalam na rin,” maiksing tugon ni Dra. Lorena. “Anong sabi mo magpapaalam ka?” nagulat na tanong ni Dr. Miguel. “Saan ka pupunta? Halos kailan lang na nag-usap tayo na lalakasan mo na ang loob mo para magpakilala sa anak mong si Larry, tapos ngayon sasabihin mo sa akin aalis ka ulit. Para ano? Para magtago at maduwag ulit?” dugtong na sambit ni Dok Miguel na medyo mainit ang ulo dahil sa planong pag-iwas ulit ni Dra. Lorena sa kanyang anak. “Sana naman maintindihan mo ako. Ano pa ang gagawin ko dito kung mismong anak ko na ang ayaw akong kilalanin bilang ina niya?” pagtatampo ni Dra. Lorena. “Lorena, sa isang email lang

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 33: Ang Magiging Ama

    Matapos na umamin ni Claire kay Nathan tungkol sa kanyang pagbubuntis ay agad na nagpaalam si Nathan sa kasintahan. “Claire, pupunta pala ako kina Gilbert dahil may pag-uusapan kami tungkol sa isang project ng Xyclone Mining Inc.,” pagpapaalam ni Nathan na halatang nagdadahilan lamang para mailabas ang sama ng loob sa kaibigan. “Sigurado ka bang trabaho lang ang pag-uusapan ninyo ni Gilbert?” paghihinalang tanong ni Claire. “Napapansin ko sa iyo kapag pupunta ako kay Gilbert lagi kang nagdududa, galit ka ba sa kanya o wala ka lang tiwala sa kanya?” tanong ni Nathan na medyo naaasar sa kasintahan. “Hindi naman sa wala akong tiwala, alam ko kasi na kapag kayo ang nag-uusap madalas puro babae lang naman ang pinag-uusapan ninyo,” pagmamaktol ni Claire. “Hon, hindi naman sa ganoon. Alam mo naman si Gilbert, matagal na natin na kaibigan ang taong ‘yan kaya pinagbibigyan ko na lang kung ano ang gusto niyang pag-usapan. Kung babae wala naman masama dahil binata naman ang kaibigan ko. Kun

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 32: Ang Paghihiwalay

    Nakauwi sa sariling bahay na nanlulumo si Dra. Lorena Ignacio dahil sa hindi nangyari ang kanyang inaasahan na makausap ang anak na si Larry nang maipagtapat ang totoong pagkatao at relasyon niya sa binata. Sa sobrang pagod at panghihina ay dumeretso na agad sa kanyang sariling kuwarto, hindi na naisip na maghapunan. Nang nasa loob na siya ng kuwarto ay naisipan ng doktora na buksan ang kanyang laptop. Bumulaga sa kanyang paningin ang matagal na niyang hinihintay na sagot sa email mula sa Xycone Mining, Inc. na nagnanais ng doktora na magkaroon ng appointment sa isa sa mga Board of Director ng kumpanya na si Larry Evangelista. Umasa ang doktora na mababasa niya sa email ang pagpayag ng kanyang anak na si Larry Evangelista na magkaroon sila ng appointment nang makapag-usap ng personal, ngunit kabaligtaran ang naging sagot sa email. “Maaari bang huwag na ninyo ako istorbohin, kung hangad lamang ninyo na perahan ako ay hindi kayo magtatagumpay at sana tigilan na ninyo kung ano man

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 31: Kaibigang Taksil

    Matapos tulungan ni Leslie si Erik na magkatrabaho ay hinatid naman niya si Niknok sa bahay ni Gwen. Nagkataon naman na papasok pa lang si Gwen sa kanyang trabaho kaya nagkita sila ni Leslie habang pababa ng sasakyan si Niknok. “Best, saan ka pupunta?” maikling tanong ni Leslie sa kaibigan. “Papasok pa lang ako Best. Bakit pala sakay mo si Niknok nasaan si Erik?” tanong nang magtaka si Gwen na hindi kasama ni Niknok si Erik. “Nok, di ba sinabihan na kita na hindi mo dapat iniiwan si Kuya Erik mo!” pagalit na dugtong ni Gwen nang pakiramdam nito na hindi siya sinunod ni Niknok. Agad na sumagot si Leslie nang makita nitong hindi makasagot si Niknok upang hindi tuluyang magalit si Gwen. “Best, huwag mo nang pagalitan si Niknok, katunayan ako na ang nagsabi kay Niknok na huwag na niyang hintayin si Erik dahil kakilala ko naman ang may-ari ng pinapasukan niyang trabaho,” pagpapaliwanag ni Leslie sa kaibigan. “Talaga Best, may trabaho na si Erik?” nagulat na tanong ni Gwen. “Oo Best,

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 30: Bagong Trabaho, Bagong Buhay

    Sinimulan nang maglakad nila Erik at Niknok upang subukan ang kapalaran kung aayon ba ang suwerte sa binata. “Kuya Erik, saan mo ba balak maghanap? Masyadong magulo ang lugar dito. Pakiramdam ko mawawala ako dito. Ok lang sana kung kagaya sa bundok na lagi nating nilalakad na kapag kinabisado mo lang ang itsura ng mga puno siguradong hindi na tayo maliligaw. Hindi tulad dito nagtataasan ang buong paligid. Mahirap nito baka bumagsak pa ang mga iyan habang naglalakad tayo,” wika ni Niknok na halatang nag-aalala sa mga nakikita niya sa paligid. “Nok, hindi naman basta-basta babagsak ang mga nagtataasang gusali. Maaari pa siguro kung lumindol nang napakalakas,” usal ni Erik. “Daan nga pala muna tayo sa bahay ni Leslie hindi pa kasi ako nakakapagpaalam doon at para makapagpasalamat na rin sa tulong na ginawa niya,” dugtong ni Erik. “Alam mo ba Kuya, tingin ko doon kay Ate Leslie may gusto ‘yon sa iyo,” hinala ni Niknok. “Ikaw talaga Nok, kung anu-ano ang naiisip mo. Siguro likas lang t

  • Love and Revenge of the Lost Billionaire   Kabanata 29: Paghahanap ng Trabaho

    Kinaumagahan agad na nagtungo si Gwen sa kusina upang magluto sana para sa kakainin niya at sa dalawa niyang bisita na sina Erik at NIknok, ngunit nabigla ito nang makita niya sa mesa na mayroon nang nakahain ng almusal. “Magandang umaga po Ate Gwen!” masigasig na pagbati ni Niknok habang nakaupo na at hinihintay ang dalaga sa pag-upo upang sabayan sa pagkain. “Sino nagluto? Bakit hindi ninyo ako ginising?” tanong nang naguguluhan na si Gwen. “Si Kuya Erik po ang nagluto, sabi niya kasi huwag ka nang gisingin dahil nagpapahinga ka pa at puyat kaya inako na lang niya ang pagluluto,” sagot na mahinahon ni Niknok. “Nasaan na ang Kuya Erik mo ngayon?” muling tanong ng dalaga. “Kung hindi po ako nagkakamali nasa palikuran po upang maligo,” magalang na sagot ni Niknok. “Sabi rin po pala ni Kuya Erik kumain na lang daw tayo kasi hindi na po siya sasabay sa atin ibabaon na lang daw niya ung almusal sa pupuntahan niya,” dugtong na usal ng binatilyo. “Saan siya pupunta?” pagtatakang tanon

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status