Chapter: Kabanata 37: Ang PagbabantaPagkauwi ni Erik sa tinutuluyan niyang bahay galing sa bahay nila Leslie ay napansin siya ni Niknok na parang balisa at hindi mapakali. “Kuya Erik, anong nangyayari sa iyo, bakit parang may malalim kang iniisip at hindi ka mapakali?” pagtatakang tanong ni Niknok. “Pasensya ka na Nok, huwag mo na lang ako pansinin, ok lang naman ako,” pagtatago ng lihim ni Erik. “Maganda siguro Kuya kong kumain muna tayo, sakto at katatapos ko lang din magluto,” pag-aaya ni Niknok habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. Hindi na pinilit ni Niknok na tanungin ulit si Erik kung ano ang pinoproblema. Kung nagtiwala lamang sana si Erik kay Niknok ay malaki ang maitutulong nito sa kanyang iniisip dahil alam lahat ng binatilyo kung ano talaga ang totoong nangyari sa kanilang dalawa ni Leslie. Tinanggihan din ni Erik ang alok na pagkain ni Niknok kaya pumasok na lamang ito sa kuwartong tinutulugan upang makapagsarili at makapagmuni-muni kung ano ang susunod niyang gagawin sa nangyari. *** Ilang araw
Huling Na-update: 2024-05-20
Chapter: Kabanata 36: Mautak na DalagaNakatulog sa tabi ni Erik si Niknok habang sa sobrang asar ni Leslie ay natulog na lang sa kabilang kuwarto. Kinaumagahan maagang nagising si Niknok dahil sa pag-aalala na baka pasukin ng mga magnanakaw ang bahay ni Gwen kaya maagang nagpaalam kay Leslie para umuwi. “Hindi ka ba muna mag-aalmusal?” tanong ni Leslie na medyo nasasabik dahil aalis na ang istorbong si Niknok at nang masolo na niya ang natutulog pa rin na si Erik. “Hindi na siguro Ate, meron namang pagkain sa bahay ni Ate Gwen at medyo nagmamadali ako,” paalam ni Niknok. Sa pag-alis na pag-alis ni Niknok ay agad na nagtungo si Leslie sa kuwartong kinalalagyan ni Erik. Nakasuot pa rin ito ng brief at walang pantaas na damit kaya bakat na bakat ang ipinagmamalaki ng binata. Agad na ni-lock ang pinto ng kuwarto ni Leslie upang wala munang mang-iistorbo sa kanila. Mabilis na hinubad ni Leslie ang suot niyang sando at maiksing short kaya ang natira na lamang sa suot niya ay ang bra at panty. Hinamas nang bahag
Huling Na-update: 2024-05-18
Chapter: Kabanata 35: Naudlot na PlanoMatamlay na dumating si Erik sa bahay galing sa kanyang trabaho nang salubungin ni Niknok. “Kuya Erik, mukhang nanghihina ka, may sakit ka po ba?” pag-aalalang tanong ni NIknok habang tinutulungan si Erik na magbuhat sa dala nitong bag. “Ok lang naman ako, siguro medyo napagod lang sa trabaho dahil hindi pa siguro sanay ang katawan ko sa mga bagong ginagawa. Tingin ko naman isa o dalawang linggo masasanay na ang katawan ko sa araw-araw na pagtratrabaho,” mahinahong sagot ni Erik. “Kuya bakit ka naman nanghihina sa trabaho mo? Kung tutuusin mas mahihirap pa nga ang ginagawa mo noong nasa bundok pa tayo,” pagtataka ni Niknok na nakatitig kay Erik. “Alam ko na Kuya, kung bakit ka nanghihina,” dugtong na wika ni Niknok. “Ano na naman ang naisip mo? Sigurado ako kalokohan na naman ‘yan,” sambit ni Erik na medyo napangiti dahil sa nagkaroon ng hinala kung ano ang posibleng sasabihin ng kanyang kasama na si Niknok. “Kaya ka nanghihina dahil ilang araw mo nang hindi nakikita si Ate
Huling Na-update: 2024-05-17
Chapter: Kabanata 34: Ang Totoong AmaSa sobrang sama ng loob na nangyari kay Dra. Lorena nang mabasa niya ang sagot sa kanya sa email nang akala niyang anak na si Larry ay dumalaw na lang ito sa kanyang kaibigan na kapwa doktor na si Dr. Miguel Sanchez. “Bakit ka napadalaw?” maiksing tanong ni Dr. Miguel sa kaibigan na si Dra. Lorena. “Kaya kita pinuntahan ay hindi lang para dalawin ko kundi para magpaalam na rin,” maiksing tugon ni Dra. Lorena. “Anong sabi mo magpapaalam ka?” nagulat na tanong ni Dr. Miguel. “Saan ka pupunta? Halos kailan lang na nag-usap tayo na lalakasan mo na ang loob mo para magpakilala sa anak mong si Larry, tapos ngayon sasabihin mo sa akin aalis ka ulit. Para ano? Para magtago at maduwag ulit?” dugtong na sambit ni Dok Miguel na medyo mainit ang ulo dahil sa planong pag-iwas ulit ni Dra. Lorena sa kanyang anak. “Sana naman maintindihan mo ako. Ano pa ang gagawin ko dito kung mismong anak ko na ang ayaw akong kilalanin bilang ina niya?” pagtatampo ni Dra. Lorena. “Lorena, sa isang email lang
Huling Na-update: 2024-05-16
Chapter: Kabanata 33: Ang Magiging AmaMatapos na umamin ni Claire kay Nathan tungkol sa kanyang pagbubuntis ay agad na nagpaalam si Nathan sa kasintahan. “Claire, pupunta pala ako kina Gilbert dahil may pag-uusapan kami tungkol sa isang project ng Xyclone Mining Inc.,” pagpapaalam ni Nathan na halatang nagdadahilan lamang para mailabas ang sama ng loob sa kaibigan. “Sigurado ka bang trabaho lang ang pag-uusapan ninyo ni Gilbert?” paghihinalang tanong ni Claire. “Napapansin ko sa iyo kapag pupunta ako kay Gilbert lagi kang nagdududa, galit ka ba sa kanya o wala ka lang tiwala sa kanya?” tanong ni Nathan na medyo naaasar sa kasintahan. “Hindi naman sa wala akong tiwala, alam ko kasi na kapag kayo ang nag-uusap madalas puro babae lang naman ang pinag-uusapan ninyo,” pagmamaktol ni Claire. “Hon, hindi naman sa ganoon. Alam mo naman si Gilbert, matagal na natin na kaibigan ang taong ‘yan kaya pinagbibigyan ko na lang kung ano ang gusto niyang pag-usapan. Kung babae wala naman masama dahil binata naman ang kaibigan ko. Kun
Huling Na-update: 2024-05-15
Chapter: Kabanata 32: Ang PaghihiwalayNakauwi sa sariling bahay na nanlulumo si Dra. Lorena Ignacio dahil sa hindi nangyari ang kanyang inaasahan na makausap ang anak na si Larry nang maipagtapat ang totoong pagkatao at relasyon niya sa binata. Sa sobrang pagod at panghihina ay dumeretso na agad sa kanyang sariling kuwarto, hindi na naisip na maghapunan. Nang nasa loob na siya ng kuwarto ay naisipan ng doktora na buksan ang kanyang laptop. Bumulaga sa kanyang paningin ang matagal na niyang hinihintay na sagot sa email mula sa Xycone Mining, Inc. na nagnanais ng doktora na magkaroon ng appointment sa isa sa mga Board of Director ng kumpanya na si Larry Evangelista. Umasa ang doktora na mababasa niya sa email ang pagpayag ng kanyang anak na si Larry Evangelista na magkaroon sila ng appointment nang makapag-usap ng personal, ngunit kabaligtaran ang naging sagot sa email. “Maaari bang huwag na ninyo ako istorbohin, kung hangad lamang ninyo na perahan ako ay hindi kayo magtatagumpay at sana tigilan na ninyo kung ano man
Huling Na-update: 2024-05-14