Inirampa ko nang palihim at simple ang bago kong pinamili na damit sa ukay-ukay dahil sa kauna-unahang sweldo na natanggap ko kahapon kayaʼt naisipan kong bumili nang makulay na damit. Siguro, dahil sa aking pagkahumya sa aking mga ka-empleyado. Paano ba naman, e, lahat ng mga damit ko ay walang buhay at karaniwan lamang. Kayaʼt naka-iskedyul ang mga ito.
FLASHBACK
“Hay naku, beshie! Tatlo lamang ba ang turtleneck mo?! Bakit paulit-ulit ang sinusuot mo?!” Sinuri-suri niya ang dark navy kong turtleneck.
Idinaan ko na lamang ito sa halakhak sipara maiwasan ang sitwasyon. “Beshie, huwag mo nang pagtuonan ang sinusuot kong damit,” pag-iiwas ko ng paksa. “Pumunta na lamang tayo sa opisina ni Clifford, your soon to be boyfriend, sapagkat nais kong masulyapan kung paano ka kiligin sa kaniya,” pag-iiba ko ng usapan.
Tinusok-tusok niya ang tagiliran ko. &l
CHENANIAH'S XYRAH POVNang dinampot ko sa loob ng gabinete ang papel at panulat ay kaagad kong binilang ang aking pera nang patago lamang. Simple at maingat akong nagtatago sa loob ng aking kuwarto habang nagbibilang, sapagkat, muling magsisitaasan ang aking balahibo kapag ninakaw ni nanay ang perang pinagpawisan ko. Dahil sa apat na libong pera ang nawala mula sa aking pitaka, tuluyang nanghina ang aking katawan at tuhod dahil buong kaluluwa ko ang inilaan para maitaguyod nang maayos sina nanay at Naniel, pero pilit itong winawasak ni nanay dahil alak at sigarilyo. Bagamaʼt ilang araw na ang nakalilipas simulaʼt nakalabas siya sa ospital, balik nang balik pa rin ito sa lugar na pinagmulan ng kaniyang sakit. Kahit nahihirapan sa sitwasyon, nananatili pa rin akong matatag dahil sa taong nagbibigay sa akin ng lakas upang makatawid sa peligrong tulay. “Sa limang taon na ang nakalilipas mula nang ating hiwalayan, muli mong ginamot at hinawakan ang aking daliri.” Tumalon-talon ako sa iba
CHENANIAH XYRAH'S POV Sa pagpatak ng alas-otso ay magsisimula na ang magarang pagdiriwang. Ang mga dadalo sa pagdiriwang ay ang mga miyembro at may-ari ng kompanya na nagmula sa ibaʼt ibang panig ng bansa. Tagatak ang pawis at pagod ng bawat isa para lamang maging mapalad o matagumpay ang kalalabasan ng selebrasyon. Masusing ginagampanan ng bawat miyembro ang kanilang nakatalagang trabaho. Ayon pa sa iminungkahi ni Raze sa amin, handa siyang magbigay ng karagdagang sahod sa mga empleyadong magbubuwis ng kanilang dugo o pagod upang maging kaaya-aya ang preparasyon at pangalan ng kompanya. Maituturing isang malaking biyaya ang kaganapan na ito dahil makatutulong na ang magiging sahod ko para kay nanay, Naniel, at Khiel. FLASHBACK “Ibigay mo ang iyong buong kaluluwa para lamang maging mapalad ang gaganaping selebrasyon mamaya, Chenaniah. May mga taong maiitim ang budhi na nais wakasin ang titulo at posisyon ni Zyckiel. Kung kayaʼt nakikiusap ako sa iyo, tulungan mo ang taong mahal n
Bumungad sa akin ang mga nagkukumpulang, ngunit organisadong mga pagkain sa lamesa. Nariyan ang overnight oats kagaya ng apple pie, seed butter, banana raspberry, pumpkin spice, at vanilla. Kasing pula ng aking pisngi nang makita ko ang chimney pistachio, chimney raspberry kiss, chimbey blizzard, chimney berries, chimney king, at chimney devil, sapagkat nais kong makatikim na ng gaʼnong sweets kayaʼt pakiramdam ko, nasilayan ko si Raze. Sa mga inuman naman, may mga taong kumukuha ng fuzzy navel, white russian, brandy alexander, long island ice tea, gimlet, margarita, toasted almond, old fashion, at whisky sour. Nais kong kumuha ng maiinom, sapagkat, tuyong-tuyo na ang lalamunan ko dahil sa kaba, ngunit, wala akong makitang tubig o dyus na normal lamang. Hindi ko masuri kung bakit ang iilan sa kanila ay pinagtitinginan ako. Dahil ba sa aking kasuotan, o sa maskarang nakabalot sa buong mukha ko? Nang mapag-isipan ko ang atmospera na aking kinabibilangan ay kaagad kong hinanap si Nica,
ZYCKIEL RAZEʼS POVFLASHBACKAko ay nasisiyahan dahil naging organisado at naayon ang lahat ng aking mga plano para sa gabing ito. Dalangin ko na sana walang nilalang ang magtatangkang sirain ito dahil hinding-hindi ko mapapatawad ang taong iyon. Ang isa sa pinakaayoko ko ay iyong masisira ng pinaghirapan kong pagpaplano. Nakatanggap ako ng impormasyon galing kay Ms. Magalona na hindi makadadalo si Xyrah dahil sa dinaramdam niyang sakit sa ulo at lalamunan kung kayaʼt sa hindi maipaliwanag na kasagutan, hindi ko batid kung magiging maligaya ba ako o hindi na wala siya rito, sapagkat baka gulo lamang ang ibigay sa akin. Pormal at magalang kong binati ang mga nagsisidatingan na mga bisita na hawak-hawak ang iniinom kong champagne. Ang iilan sa kanila ay dumiretso sa naayon nilang puwesto, sabay dumampot ng ibaʼt ibang klase ng iinumin nang lumapit sa kanila ang mga waiters at waitresses. “What a delightful night, Mr. Villaruel.” Nakipagkamayan sa akin ang isa sa mga competitors ko.
CHENANIAH XYRAHʼS POVMula sa nakasabit na orasan sa aming dingding, sa bawat segundong lumilipas, ay sariwang-sariwa pa rin ang kahihiyan na namumuo sa aking isipan, sapagkat ang pinakamasayang gabi sana ni Raze ay nauwi sa imbestigasyon. Bilang resulta, kagaya sa kabigatan ng mga bato, ay nakararamdam ako nang kabigatan at katamaraan sa buong katawan dahil akoʼy kulang nang tulog kagabi. Hindi ako makabangon sa kamang kinahihigaan namin ni Naniel.“Mommy, wala po ba kayong trabaho ngayong araw? Sa pagkakaalam ko, mahigit kalahating oras na ang nakalipas kayaʼt nangangamba ako na bakaʼy pagalitan ka ni Daddy Raze.” Niyugyog ni Naniel ang aking mga balikat kahit akoʼy balot na balot ng kumot. “Mommy, baʼt nagtatago kayo sa kumot na iyan? Mayroon po bang lumitaw na tigyawat sa iyong mukha kayaʼt nahihiya kang humarap sa amin?” dagdag niya.“Wala akong masabi, Naniel,” katipiran kong tugon sa bata. “Walang sagot ang lumalabas sa bibig ni mommy sa iyo kayaʼt paumanhin,” malumanay kong pa
ZYCKIEL RAZE’S POV“Hello, this is Zyckiel Raze Villaruel, the owner and CEO of Villaruelʼs Gaming Launching Company. I want you to further investigate the event occurred last two nights. This is an essential answer for me, especially, there is one person who I constantly thought, but the probability is only fifty. Donʼt worry about the expenses or the money because it wonʼt a hinder for this deal. I want a smooth and a hundred percent work from you in gathering all of the HD CCTV cameras during the chaos,” pag-uutos ko sa pinagkakatiwalaan kong imbestigador na kagagaling lamang sa Canada. [Donʼt worry, Mr. Villaruel. You can still count on me. However, it will take a lot of days, but Iʼm confident that it wouldnʼt take long for one week,] tugon niya sa linya. [The performer bothers you that much, Mr. Villaruel?] Binigyan niya ako nang mapang-asar na tono. “Dude, whatʼs that playful smile and tone?” Napahalakhak ako. “I just want to have an answers because itʼs truly bothering me, b
CHENANIAH XYRAH'S POVKahit na iilang araw na ang nakalilipas simulaʼt naglantad ng kasinungalingan si Jamine na siya ang nagtanghal sa naganap na selebrasyon ay sariwang-sariwa pa rin sa aking isipan kung bakit nakakalap ito ng mga impormasyon at larawan tungkol doon na nagsilbing ebidensiya o patunay sa harapan ni Raze. At, simula nang nagpakilala siya bilang Secrecy Gold Lady, pabalik-balik na ito sa kompanya upang akitin si Raze. Ako ay nasisiguro na ang kaniyang paglantad ng pagkakakilanlan ay may kaakibat na misyon o layunin na siyang magdudulot ng peligro kay Raze.Sa puntong iyon, humahantad sa aking isipan ang probabilidad na bakaʼy mahulog ang loob ni Raze sa babaeng iyon, sapagkat ang iisang katangian na hinahanap ni Raze sa isang babae ay ang may kakayahang magtanghal sa entablado sa napakaraming sangkatauhan, o may potensyal sa larangan ng musika at pagsasayaw. Akoʼy nakaramdam na tilaʼy may sumasakal sa aking puso ng sandamakmak na karayom. Bagamaʼt batid kong wala ako
Nang halos kinakapos na kami ng hangin ay pansamantala niyang hininto ang aming paghahalikan upang bumulong, “Sa tingin mo baʼy mapapatawad pa kita nang dahil sa iyong halik, Xyrah?” Hindi ko lamang binigyang pansin ang kaniyang katanungan, sapagkat akoʼy uhaw na uhaw pa rin sa kaniyang labi. Ilang taon ko rin siyang hindi natanaw, nahawakan, at nalapitan kung kayaʼt wala na akong maisip na rason o paliwanag kung bakit hindi ko kayang bitiwan si Raze. Ipinagpatuloy ko lamang ang aking paghalik sa kaniya kahit hindi niya kayang tumugon, ngunit, hindi ko mawari kung ano ang sumanib sa akin, sapagkat binigyan ko siya nang pahintulot upang halikan ang aking leeg. “Xyrah . . . ” Pilit na itong dumistansiya sa akin. “Hey, I do not want to take advantage on you . . . ” Naipikit ko na lamang ang aking mata sa kadahilaan siyaʼy ang unang umiwas sa akin. “Let us stop here!” Napabuntong-hininga ito, saka inilayo ang sarili sa akin. Nang iminulat ko ang aking mga mata, ang akala koʼy nanaginip l