“I am Zyckiel Raze Villaruel, how about you?” Inilahad ko naman ang kamay ko sa kaniya upang magalang na magpakilala. Akmang tatanggapin na sana niya, ngunit, biglaang may narinig kaming boses na nanggagaling sa bawat sulok ng ispiker.
“If you seen a 7-year-old boy wearing red t-shirt and black short, kindly escort him to the security on the main entrance of the mall.” Bumaling naman ang mga mata ko sa kaniya. Eksakto ang pagkaka-describe sa kaniya.
“It looks like your family is looking for you,” aniya. “After you eat, we will go directly to the security,” dagdag kong pagkakasabi.
Nang nasa kalagitnaan na ako sa pagnguya ng cheeseburger ay nakatanggap ako ng mensahe sa selpon ko kaya kaagad ko itong dinampot sa bulsa. Bumungad sa akin ang isang mensahe galing kay Clifford.
From: Clifford
&
CHENANIAH XYRAHʼS POVNakahinga na lamang ako nang maluwang nang matuklasan na hindi muna itutuloy ang operasyon ngayong araw, sapagkat nagkaroon ng kakulangan sa mga equipments ng hospital, ngunit, nakalulungkot lamang, sapagkat buhay ng bata ang kinakailangan kong iligtas kaya mas maayos sana kung isasagawa ang operasyon sa madaling panahon.Habang abalang-abala ako sa kaiisip sa posibleng mangyari pagkatapos ng aking operasyon ay biglaang tumunog ang aking selpon at bumungad sa itaas ang pangalan ni Crystal kaya maigi ko itong binasa dahil akoʼy nakararamdam na ito ay mahalaga na kinakailangan kong gampanin bilang tagatanggap ng mensahe.From: NicaHello, girl! Besh, are you busy? Sorry to interrupt you, but we have a problem. Did you know that Mr. Villaruel is suffering a severe fever? Heʼs at his company, inside his main room. Our main problem was that thereʼs no person who will help
ZYCKIEL RAZEʼS POVIlang araw na nang hindi pumapasok sa aking opisina si Xyrah kaya akoʼy hindi mapakali sa kaniyang mga kadahilaan kung bakit kinakailangan niyang magpunta sa probinsiya. Naging sagabal din sa aking isipan ang huling pangungusap na binanggit ni Xyrah nang inalagaan niya ako noong nagkaroon ako ng lagnat.“I still love you, Zyckiel Raze Villaruel, my Master Raze.”Paulit-ulit itong sumasagi sa aking isipan kung kayaʼt hindi ako makapag-focus sa aking ginagawa. Hindi ko masuri kung lahat ng mga kaganapan na iyon ay pawang gawa-gawa lamang ng aking imahinasyon, panaginip lamang ba, o tunay itong naganap. Naisuklay ko na lamang ang aking buhok sa pamamagitan ng dalawa kong kamay dahil sa mga nagsusunurang kaganapan na nangyari sa aming dalawa.“I still love you, Zyckiel Raze Villaruel, my Master Raze.”Ibinahagi ko pa ito ka
CHENANIAH XYRAHʼS POV“Excuse me!” Isang pamilyar na boses ang aming narinig kayaʼt kaagad kong inilayo ang aking sarili sa pagkakayakap ko kay Khiel at Naniel dahil sa pagkabigla. “Is this a motel for you, Ms. Ricafrente?!”“M... M-Mr. Villaruel,” pangungutal ko sa kaniya. “C... C-Crystal.” Pansamantalang sinulyapan ko siya na hindi maipinta ang mukha.“I am asking you, Ms. Ricafrente! Do you considered my company as motel for you to flirt each other?!” Napayuko na lamang ako dahil sa bulung-bulungan ng mga empleyado na nagsisipadaanan.“It is a misunderstanding, Zyckiel. Donʼt think too much,” pananawsaw ni Khiel sa usapan namin kaya hinawakan ko na lamang ang kaniyang kamay.“Khiel, itʼs fine. Ako na ang bahala.” Pinagmasdan ko siya, saka ngumiti nang peke.&ldq
Inirampa ko nang palihim at simple ang bago kong pinamili na damit sa ukay-ukay dahil sa kauna-unahang sweldo na natanggap ko kahapon kayaʼt naisipan kong bumili nang makulay na damit. Siguro, dahil sa aking pagkahumya sa aking mga ka-empleyado. Paano ba naman, e, lahat ng mga damit ko ay walang buhay at karaniwan lamang. Kayaʼt naka-iskedyul ang mga ito.FLASHBACK“Hay naku, beshie! Tatlo lamang ba ang turtleneck mo?! Bakit paulit-ulit ang sinusuot mo?!” Sinuri-suri niya ang dark navy kong turtleneck.Idinaan ko na lamang ito sa halakhak sipara maiwasan ang sitwasyon. “Beshie, huwag mo nang pagtuonan ang sinusuot kong damit,” pag-iiwas ko ng paksa. “Pumunta na lamang tayo sa opisina ni Clifford, your soon to be boyfriend, sapagkat nais kong masulyapan kung paano ka kiligin sa kaniya,” pag-iiba ko ng usapan.Tinusok-tusok niya ang tagiliran ko. &l
CHENANIAH'S XYRAH POVNang dinampot ko sa loob ng gabinete ang papel at panulat ay kaagad kong binilang ang aking pera nang patago lamang. Simple at maingat akong nagtatago sa loob ng aking kuwarto habang nagbibilang, sapagkat, muling magsisitaasan ang aking balahibo kapag ninakaw ni nanay ang perang pinagpawisan ko. Dahil sa apat na libong pera ang nawala mula sa aking pitaka, tuluyang nanghina ang aking katawan at tuhod dahil buong kaluluwa ko ang inilaan para maitaguyod nang maayos sina nanay at Naniel, pero pilit itong winawasak ni nanay dahil alak at sigarilyo. Bagamaʼt ilang araw na ang nakalilipas simulaʼt nakalabas siya sa ospital, balik nang balik pa rin ito sa lugar na pinagmulan ng kaniyang sakit. Kahit nahihirapan sa sitwasyon, nananatili pa rin akong matatag dahil sa taong nagbibigay sa akin ng lakas upang makatawid sa peligrong tulay. “Sa limang taon na ang nakalilipas mula nang ating hiwalayan, muli mong ginamot at hinawakan ang aking daliri.” Tumalon-talon ako sa iba
CHENANIAH XYRAH'S POV Sa pagpatak ng alas-otso ay magsisimula na ang magarang pagdiriwang. Ang mga dadalo sa pagdiriwang ay ang mga miyembro at may-ari ng kompanya na nagmula sa ibaʼt ibang panig ng bansa. Tagatak ang pawis at pagod ng bawat isa para lamang maging mapalad o matagumpay ang kalalabasan ng selebrasyon. Masusing ginagampanan ng bawat miyembro ang kanilang nakatalagang trabaho. Ayon pa sa iminungkahi ni Raze sa amin, handa siyang magbigay ng karagdagang sahod sa mga empleyadong magbubuwis ng kanilang dugo o pagod upang maging kaaya-aya ang preparasyon at pangalan ng kompanya. Maituturing isang malaking biyaya ang kaganapan na ito dahil makatutulong na ang magiging sahod ko para kay nanay, Naniel, at Khiel. FLASHBACK “Ibigay mo ang iyong buong kaluluwa para lamang maging mapalad ang gaganaping selebrasyon mamaya, Chenaniah. May mga taong maiitim ang budhi na nais wakasin ang titulo at posisyon ni Zyckiel. Kung kayaʼt nakikiusap ako sa iyo, tulungan mo ang taong mahal n
Bumungad sa akin ang mga nagkukumpulang, ngunit organisadong mga pagkain sa lamesa. Nariyan ang overnight oats kagaya ng apple pie, seed butter, banana raspberry, pumpkin spice, at vanilla. Kasing pula ng aking pisngi nang makita ko ang chimney pistachio, chimney raspberry kiss, chimbey blizzard, chimney berries, chimney king, at chimney devil, sapagkat nais kong makatikim na ng gaʼnong sweets kayaʼt pakiramdam ko, nasilayan ko si Raze. Sa mga inuman naman, may mga taong kumukuha ng fuzzy navel, white russian, brandy alexander, long island ice tea, gimlet, margarita, toasted almond, old fashion, at whisky sour. Nais kong kumuha ng maiinom, sapagkat, tuyong-tuyo na ang lalamunan ko dahil sa kaba, ngunit, wala akong makitang tubig o dyus na normal lamang. Hindi ko masuri kung bakit ang iilan sa kanila ay pinagtitinginan ako. Dahil ba sa aking kasuotan, o sa maskarang nakabalot sa buong mukha ko? Nang mapag-isipan ko ang atmospera na aking kinabibilangan ay kaagad kong hinanap si Nica,
ZYCKIEL RAZEʼS POVFLASHBACKAko ay nasisiyahan dahil naging organisado at naayon ang lahat ng aking mga plano para sa gabing ito. Dalangin ko na sana walang nilalang ang magtatangkang sirain ito dahil hinding-hindi ko mapapatawad ang taong iyon. Ang isa sa pinakaayoko ko ay iyong masisira ng pinaghirapan kong pagpaplano. Nakatanggap ako ng impormasyon galing kay Ms. Magalona na hindi makadadalo si Xyrah dahil sa dinaramdam niyang sakit sa ulo at lalamunan kung kayaʼt sa hindi maipaliwanag na kasagutan, hindi ko batid kung magiging maligaya ba ako o hindi na wala siya rito, sapagkat baka gulo lamang ang ibigay sa akin. Pormal at magalang kong binati ang mga nagsisidatingan na mga bisita na hawak-hawak ang iniinom kong champagne. Ang iilan sa kanila ay dumiretso sa naayon nilang puwesto, sabay dumampot ng ibaʼt ibang klase ng iinumin nang lumapit sa kanila ang mga waiters at waitresses. “What a delightful night, Mr. Villaruel.” Nakipagkamayan sa akin ang isa sa mga competitors ko.