Perlm Marie Olavin
Imbis na umalis, pinanood ko pa talaga kung gaano sila kasaya sa isa't isa.
"Rachell..."
"I want you to know that i love you. Ikaw ang papakasalan ko at mamahalin ko habang buhay, ikaw ang babaeng magdadala ng mga magiging anak ko... Ikaw lang."
What.the.fuck.
Malalaking banner ang nasa harapan ko ngayon. Kilala ko ang may hawak ng mga banner, mga kaibigan iyon ni Andy na nagreto saakin dati sa kaniya.
"Will you be my girlfriend, Rachell?" Iyon ang nakalagay sa banner. Habang si Andy ay may hawak-hawak na bouquet of flowers at si Rachell ay mangiyak-ngiyak.
Damn. So ito na pala? Nangliligaw pa lang itong si Andy? Ang akala ko sila na!
"Yes! Andy, yes! Mahal na mahal rin kita!"
Napapikit na lang ako sa narinig. Hiyaw ng mga students ang narinig ko at ang malala'y nasubsob pa ako dahil sa mga tulakan nila. Nakakahiya, sa harap pa talaga ng lovebirds.
"Ouch!"
I look at them, nakatingin ang dalawa saakin. No. Nakatingin ang lahat saakin.
"Are you okay, Perlm?" Nag-offer si Andy na itayo ako ngunit tinanggihan ko siya.
"No. It's okay. I'm okay."
Tumahimik ang buong cafeteria ngunit natatanaw ko sila Amy, Mildred at Rosie na naga-alala.
"Hi, Perlm!" bati ni Rachell saakin, hawak na niya ang flowers.
She looks good. Straight na straight ang buhok, hindi katulad ng saakin na medyo curly. Morena, matangkad at mapupula ang mga labi. Para siyang isang beauty queen. Wala akong panlaban.
But I'm beautiful, too! Maganda rin ako, sadyang iba talaga ang taste ni Andy. Mahilig siya sa nga morenang katulad ni Rachell.
Huminga ako ng malalim, "Wow. Congrats, Rachell and A-andy! I'm happy for the two of you," mahina kong sabi, pinipigilang tumulo ang mga luhang nagbabadyang bumuhos.
Ngumiti si Andy. "Thanks, Perlm. Kung may problema ka, sabihin mo lang. Me and Rachell can assist you—"
"I'm alright, bye!" Sa puntong iyon ay wala na akong pake kung nakita niyang tumulo ang mga luha ko, tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makalayo sa bwisit na cafeteria.
"Fuck you, Andy!"
He lied. Ang sabi niya, minahal niya ako, naging parte ako ng buhay niya. Naging masaya siya saakin.
Pero... bakit? Bakit parang hindi? Ibang-iba. Hindi ako kailanman sinorpresa ni Andy, hindi niya ako pinagmamalaki sa harap ng maraming tao. Kailanman ay hindi naging ganoon ang turing niya saakin. Kung kausapin niya ako, parang hindi niya ako ex. He's too friendly pagdating saakin. Parang wala lang sakaniya na nasaktan niya ako. Sobrang selfish nilang dalawa!
"Fuck."
After some time, napag-isipan kong umuwi na lang sa bahay. Binuksan ko ang gate at nalalantang naglakad papasok.
"Mom, dad, I'm home," malamya kong sabi at dumiretso sa kwarto ko.
Pagpasok ko pa lang sa kwarto ay nagtaka na ako kung bakit may suitcase sa kama ko. Binuksan ko ito at gulat nang makitang nakalagay rito ang mga gamit ko.
"What the hell? Mom! Anong ibig sabihin nito?!" sigaw ko at tuluyang lumabas ng kwarto.
Nadatnan ko silang tahimik na kumakain sa kitchen.
"What's the meaning of this? Bakit naka-impake ang damit ko? Aalis ba tayo?" nagtatakang tanong ko sakanilang dalawa.
Tumikhim si dad, "Ikaw lang, baby. Ikaw lang ang aalis."
Kaagad siyang sinuway ni mom. "Stop calling her baby, Mariano! Hindi na siya bata!"
"Yes, dad. I'm already twenty-three," natatawa kong sabi at umupo upang kumain.
"Hmm, ikaw na ang nagsabi na you're already twenty-three. It means magagawa mo nang tumayo ng mag-isa," dagdag ni mom.
Kumunot ang noo ko, "Tumayo ng mag-isa? Like what?"
"You have to be independent na, bab— Perlm," sagot ni dad.
Huwag mong sabihin na...
Tumayo agad ako. Umiling at yumakap kay dad, "Hindi! Ayoko! Bakit ako aalis rito kung nandito kayo? Saan naman ako pupunta?!"
"Perlm," pagbabanta ni mom kaya bumitaw ako kay dad.
"Go find a job. Twenty-three ka na pero umaasa ka pa rin saamin! Ang sinabi mo noon ay maghahanap ka ng trabaho kapag tumungtong ka ng college pero anong nangyari? Wala! So you better find a job and rent a house. Ayokong nakikita kang pagala-gala sa bahay!"
Natameme na lang ako sa mahabang panenermon ni mom, ngayon lang siya nagsalita ng ganito kahaba. At ngayon niya lang rin ako pinagalitan sa harap ng hapagkainan. Mom's usually calm. Lagi siyang walang pake sa lahat ng bagay, alam nilang ang tawag saakin ay playgirl. Hindi naman totoo iyon.
I know. She's serious. Kasalanan ko naman ito dahil ang mga pangako ko sakanila'y laging napapako.
"Okay, mom. I'm sorry."
Sa huli, ako rin ang umalis. Dala-dala ko ang suitcase at bag ko habang naglalakad palabas ng subdivision. Bakit ngayon pa tinopak si mom, kung kailan naman broken ako, shocks!
Tinawagan ko na si Rosie na available raw ang apartment niya dahil siya lang naman mag-isa. Buti pa sila, may trabaho at kumanya na habang ako, ito umaasa pa rin sa allowance na binibigay ni dad.
Tinext niya saakin ang address at mas lalo akong nagulat dahil sa ganda at laki ng building na 'yon.
Papasok na sana ako sa building nang harangin ako ng guard na medyo may pagkabata pa. May asim pa si kuya.
"What?"
"Ma'am, where's your card?"
"Card?"
Tumango ito at pinakita saakin ang isang blue card. "Para saan naman 'yan?"
"Entry card ma'am. Kailangan ay mayroon ka nito para makapasok ka sa subdivision."
Mayroon na pala ng ganito. Tumango ako at tinawagan si Rosie. Nakailang ring na ako ngunit hindi naman ito sumasagot. "Rosie, sumagot ka," bulong ko habang nagngingiting nakatingin sa guard na mukhang naiinip na rin.
The heck! Bakit hindi siya sumasagot?
"Argh, kainis! Ayaw niyang sagutin, manong. Paupo naman!"
Tumaas ang kilay ni manong sa sinabi ko. Tinaasan ko rin ito ng kilay.
"Aba! Bakit naman kita papaupuin, sino ka ba?"
Ngumisi ako, lumapit at may binulong. Tiyak na makukuha ko ang kiliti niya sa gagawin ko.
Pagkatapos ng ilang minuto'y nakaupo ako ngayon dito sa may entrance at kumakain ng noodles na bili ni manong para saakin. Gutom na kasi ako. Hindi naman ako nakakain sa bahay kaninang dinner. Umalis kaagad ako.
"Sino naman ang isang 'to?" tanong ni Manong.
"Ah! Si Mildred 'yan, manong. Kaibigan ko!"
"Naku pagkaganda-ganda naman nila!"
Habang naghihintay na tumawag si Rosie ay wala akong nagawa kung 'di ang ipakilala ang mga kaibigan ko kay manong na hindi pa pala nagkaka asawa.
Patay ako nito sakanila. But, it's okay. Ano naman? Pinakilala ko lang.
"Mr. Fernandez!" bati ng guard sa isang lalaki, sinundan ko ang tingin niya at napagtantong siya ang lalaking nakaengkwentro ko sa coffee shop.
Ngumisi ako. I have an idea.
"Hey!" Inubos ko ang sabaw ng cup noodles at lumapit sa kaniya, "B-babe! Ang tagal mo naman, kanina pa ako naghihintay rito!" Kumapit ako sa braso niya at ngumiti.
"Teka lang, siya ba ang boyfriend mo, Ma'am?"
Natatawa akong lumingon sa lalaking katabi ko ngayon, nakataas ang kilay at nakalukot naman ang mukha, pero bakit...
Ang guwapo niya pa rin.
"Manloloko, mangaggamit, traydor, walang utang na loob, arogante at pangit. 'Yan ang sabi mo saakin noong isang araw," nakangising sabi niya. Kabisado niya pa pala ang sinabi ko no'ng isang araw. Mukhang matalino ang isang ito, mahirap utuin.
Nakakahiya pero kakapalan ko na ang mukha ko.
"Ay grabe ka naman, Ma'am!" saad ng guard kaya humigpit ang hawak ko sa kaniya.
"A-ano ka ba! Nagbibiro lang ako, no! Pasok na nga tayo, naaabala ko na si manong dito!"
Pinakita niya ang blue card at ako naman ay kinuha ang gamit kay manong, nagpaalam ako sakaniya at mabilis siyang hinatak papasok ng subdivision. Pagpasok na pagpasok pa lang ay hinigit nito ang braso niya saakin.
Ang sungit. Dito kaya siya nakatira?
"What are you doing here, Ms. Meghan?" may inis sa tono ng boses nito.
Natandaan niya pala ang pangalan ko? Grrr. His memory is sexy, pero hindi ko pa rin papatulan. I hate his name!
"Ikaw, what are you doing here, A-andy?!"
Tinanggal niya ang eyeglasses niya at nilagay sa bulsa. Mas lalo siyang nagmukhang sexy dahil doon. Nakasuot siya ngayon ng blue suit at nakabukas ang tatlong butones ng coat niya, bagay na kinanganga ko dahil kitang-kita ang collarbone nito at leeg.
"Dito ako nakatira," tipid niyang sagot.
"Dito na rin ako titira."
Nang sabihin ko iyon ay tumitig ito ng masama saakin. Ano bang ginawa kong kasalanan, hindi naman ako titira sa apartment niya. Palusot ko kang 'yung kanina!
"Tsk. Mali ang inisiip mo, makikitira ako sa kaibigan ko, hindi sa'yo! Anong akala mo sakin, tanga? Palusot ko lang 'yung kanina!"
Inayos nito ang suit niya at tumikhim, "Good. Now, don't bother me anymore."
As if i want to bother him. Wala lang akong choice dahil ang lintik na si Rosie ay hindi sinasagot ang phone. Super feeling. I hate those kind of boys, 'yong akala nilang sakanila umiikot ang mundo mo.
I can't believe sinundan ko ang lalaking 'yon para lang malaman kung saan banda ang unit niya. I followed him pero nawala na naman ito sa paningin ko dahil sa bilis niyang maglakad. Is he a runner, o baka naman athlete. Wala pa ngang isang minuto nawala na siya.
Bigla namang tumunog ang phone ko. Si Rosie ay tumatawag na rin sa wakas.
"Hello?!" medyo galit kong wika.
"Nakapasok ka na? Hindi na ako magugulat na nakapasok ka, you and your ways."
Nagpakawala ito nang buntong hininga. Hindi ko na lang sinabi sa kaniya ang ginawa kong pagsend ng mga pictures nila at F******k kay manong. Malilintikan ako. Medyo may asim pa naman si manong. Wala pang asawa. Maybe my friends can be his friends, too!
Oh my. Ano na namang inisiip mo, Perlm!
Sa isang building ay may 30 units. Sa sobrang laki ng building ay nalula ako. Malaki siguro bawat units at apartments, I wonder kung magkano ang nagastos ni Rosie, hmm.
Sa una'y hindi ko inakalang real state ito, bukod sa binayaran mo na ang unit, para ka pang nakatira sa apartment dahil binabarayan rin ito buwan-buwan.
"Magkano ang gastos mo rito, Rosie?"
"Kakalipat ko lang. Siguro mga six digits ang naging down payment ko rito," abalang sagot ni Rosie.
Napanganga ako.
"Really? Saan ka nakakuha ng ganoong pera? Is this the reason why you are always 'gipit'?"
Humalakhak siya, tumango lang bilang sagot.
Seeing my friends acting like this, being independent and standing alone without their parents. Napagi-iiwanan ako. At the age of twenty-three, hindi ko naisip man lang na tumayo sa sarili kong paa. Lagi akong umaasa sa parents ko. Siguro, nakalimutan ko ring tumayo ng mag-isa dahil lagi akong nakaasa sa future na binabanggit lagi saakin ni Andy. Ngunit walang natupad.
That's why I'm scared leaving alone. That's why I'm here with my friend. Gusto kong may makasama kahit paano.
"Hati sa bayarin, Rosie. Hahanap ako ng trabaho," seryoso kong sabi habang tinutulungan niya akong mag-ayos ng gamit.
Napatigil ito saglit.
"No, Perlm. You don't have to. Kaya ko namang bayaran, at isa pa malaki na ang utang ko sa'yo."
"But, Rosie... nakakahiya naman. Titira ako rito ng libre, ganoon?!"
Tumango ito nang walang paga-alilangan.
Nakipagtalo pa ako kay Rosie pero sa bandang huli ay nakumbinsi niya ako tungkol sa bayarin. Hindi man lang ako nanalo sa mga binabato niya saakin.
Sa bagay. Hindi naman sa sinisingil ko siya, marami na ring utang saakin si Rosie. Araw-araw ba namang one hundred ang hinihiram niya. Wala pang bayad 'yon.
Kinabukasan. Kamuntikan pa akong ma-late. Bwisit na Rosie, hindi ako ginising. Anong oras na pa naman akong nakatulog kagabi dahil sa dami ng chikang kinwento nito. Puro boys, sex life at aral.
After kong maligo, I checked the refrigerator, even the freezer. Hindi pa ito nakabukas!
Oh! Kakalipat niya lang pala and she's probably busy dahil consistent honor ito simula pa lang noong highschool.
Kakalipat nga lang dito ni Rosie. Ang ibig sabihin walang kaalam-alam ang mga kapitbahay niya rito na lumipat siya? I don't know. Dapat kapag bagong lipat ay magluto ng tasty foods at bigyan ang mga kapitbahay, magbibigay raw ito ng good impression sa mga neighbors mo, mom said.
Pagraan ng dalawang araw ay ganoon pa rin. Aalis si Rosie sa bahay ng maaga, maiiwan akong walang laman ang tiyan.
Kailangan kong mag-grocery.
Sabado. Busy si Rosie sa group study, habang ako walang pake dahil babayaran ko na lang ang mga nerd kong groupmates. If they need money, I am here!
Mildred and Amy knew that I'm staying here in Rosie's house. Ofcourse, they are my friends.
Nagsuot ako ng puting t-shirt at green skirt. Sinamahan ko rin ng cream tote bag dahil medyo malaki ang dala kong wallet, samahan pa ng cellphone.
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay nagkasalubong kaming dalawa ng lalaking kinaiinisan ko!
Siya na naman, siya at siya!
It's Andy. Not my ex, the other one sa coffee shop!
Perlm Marie Olavin "Sinusundan mo ba ako?" Pinanliitan ko ito ng mata at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Umawang ang labi niya. I knew it! I think this guy likes me! Tatlong beses na, pangatlong beses na itong nakakasalubong ko siya. Hindi naman siguro ito tadhana. Siya ang may pakana nito, may gusto siya saakin! Hindi ito sumagot at nagpatuloy sa paglalakad. Ako naman ang umawang ang labi. Snob. Sunud-sunod lang ang paglalakad nito pababa ng building. He's wearing a green polo shirt at ang pang-ibaba ay white pants. Oh my god! It looks like we are a couple! Gosh, paano niya nalamang ganito ang suot ko, grabi naman ang isang 'to pati mga sinusuot ko updated siya.. Aside from that, kitang-kita rin ang kagandahan ng katawan niya. I can see his muscles from the back. But then... Remember, Perlm. Kung gusto ka man ng lalaking ito or interesado siya saakin. Hindi mo siya pwedeng magustuhan. Ang pangalan niya ay Andy! Masama rin ang ugali... Si Andy lang ang maaalala ko sa
Perlm Marie Olavin Isang linggo ang lumipas. Rosie and I were both busy. Palagi siyang wala, same to me. Paano ba naman ay kailangan ko ng magseryoso at magfocus sa pag-aaral. Sa nakikita kong performance ko sa school, mukhang hindi ako ga-graduate. Wala naman akong pakealam doon, si dad at mom lang ang inaalala ko kaya sinisikap ko pa ring pumasok. Kailangan ko ng maghanap ng trabaho. Ugh! "Look! Si Andy and Rachell!" "Hindi ba PDA na 'yan? Masyado na silang bulgar!" basag ni Amy sa aming katahimikan. "Oh, god! Ang haharot!" "Mildred! Tigil niyo na 'yan," nakita kong nginuso ako ni Rosie kaya tumahimik ang dalawa. Napatingin ako sa dalawa. Nakaakbay si Andy kay Rachell at hinalik-halikan niya pa ito sa pisngi. Namilog ang mata ko. It's either Andy's too in love with Rachell or sinasadya niyang ipakita ito sa'kin. Para magselos ako, para ipikita niya saakin na mayroon na siyang iba. Tumayo ako. "Hey, Perlm. Where are you—" Hindi ko na pinagsalita pa ang mga kaibigan ko. Bumab
Perlm Marie OlavinNagsimulang tumugtog ang kanta na hindi ko alam kung saan nanggagaling, wala rin akong balak na alamin. Naglakad ako ng marahan papasok sa tarangkahan ng sagradong simbahan habang nakatingin sa mga iilang bisitang dumalo.Si mom, dad, lola at iba kong mga kaibigan ay masayang nakatingin saakin habang ako ay naglalakad papapalit. Pinakita ko ang pilit na ngiti. Ngiting hindi sigurado kung tama ba talaga itong ginawa ko. Tama ba talagang matali sa taong hindi ko mahal?Kinuha ni daddy ang braso ko."You're so beautiful, Perlm. I'm proud of you," bulong ni dad at hinalikan ako sa pisngi.Umiling ako. Hindi ka dapat maging proud sa katulad kong ginawa lang ito para sa ex ko. You won't be proud of me kapag nalaman mo ang totoo, dad. Nangyari ito dahil kay Andy.Nang malapit na kami sa kanila, binitawan na ako ni dad at pinaubaya sa lalaking papakasalan ko. Hindi ko pa gustong bitawan siya ngunit wala na akon
Perlm Marie Olavin Ilang sandali pang nagtagal ang paglapat ng labi ko sa labi ni Deon. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata upang tignan kung nakapikit din ba siya ngunit hindi! His eyes were wide open! Nakaramdam ako ng pagkahiya roon kaya pinutol ko ang halik at inayos ang upo. Medyo basa rin ako dahil sa lakas ng ulan kanina. "I wanna marry you, D-deon," masaya kong sagot at hinugot ang seatbelt. Umiling siya. "This is wrong," mataman niyang sabi. "What's wrong?" Tumingin siya sa labas sabay pikit. "Don't let your emotions control you. Don't make decisions when you're happy, sad or angry. Baka pagsisihan mo lang sa huli." Tinitigan ko siya ng maigi. Ano ang ibig niyang sabihin? I want to marry him dahil gusto ko siyang subukang mahalin. Wala akong pagsisisihan sa pagpayag ko. "Hindi ako magsisisi, Deon. Ikaw ba? Magsisisi ka ba kapag pinakasalan mo ako?" I get it. We don't love each other, that's why I'm tryin
Perlm Marie Olavin Mukha akong isang bangkay na nakatingin sa salamin ng banyo habang sinisipilyo ko ang aking mga ngipin. Kakagising ko lang at ang toothbrush ko agad ang hinanap ko upang paglabas ay hindi mahabo ang aking hininga. Linggo ngayon, wala akong pasok. Ngayon rin ang plano ni Deon na mamanhikan. Pupunta kami mamayang lunch sa bahay nila mom at dad. Tambak ang mga hand outs at paperworks na gagawin ko this week pero wala pa rin akong nagagawa ni isa! Kaya naman hindi ako mapakali habang nagsasagot ako rito sa veranda ng unit ni Deon. Sandamakmak na papel ang nagkalat sa mini table, sa tyansang makahanap ng madali at 'yon ang uunahin kong sagutan. Halos sumabog ang utak ko habang iniisip kung paano ko ba ico-compute ang given problems dito. Mahina ako sa math, to the point na kapag ang klase ay tungkol sa math, paniguradong magcu-cut class ako matakasan lang iyon. Sinubukan ko namang humingi ng tulong dito sa katabi naming unit na si Rosie pero tin
Perlm Marie OlavinGaya nga ng sinabi ni Deon noong isang araw na bilhin ko raw ang ano mang gusto kong singsing sa sarili niyang credit card; bilang isang masunuring bata na sumusunod sa utos ng mga matatanda, bumili ako.Kagat-kagat ko ang aking labi at tinatanaw ang singsing sa kahon. Ang ganda ng singsing! Mabuti na lang at ako ang pumili at bumili."Return it.""Namamahalan ka ba?""No, it's weird, woman. You look weird."Pilit kong kinukumbinsi ang bwisit na lalaking ito habang nagmamaktol ako sa office niyang nakakasulasok dahil punung-puno ng mga mini houses at kung anu-anong connected sa dati niyang trabaho.Ugh!"You said I can buy whatever I want, bakit ayaw mo 'to? Ang gulo mo naman!" hirit ko ulit.Muli kong tinulak ang box papalapit sakaniya. He glared at me, pushing back the ring box to me."The diamond is too big. I'm pretty sure you would look like a witch kapag
Perlm Marie OlavinI cleared my throat. Sinimulan kong katukin ang pintuan ng kwarto ni Deon pagkatapos ng lahat ng nangyari ngayon gabi. Nakapaghilamos na ako kanina pag-uwi namin galing ng reception at suot-suot ko na rin ang regalong silk dress ni Amy.Hating gabi na rin at kailangan na naming matulog para bukas. Binanggit kasi saakin ni Lola Alexandra na may biniling bagong bahay si Deon malapit rito. As in bahay na talaga, hindi na inuupahan, kumpleto na ang bayad."Deon?" kumatok pakong muli, nahihiya pa rin sa ginagawa. Ano nga bang pumasok sa utak ni lola at gusto niya kaming patulugin sa iisang kwarto? Hindi namin ideyang dalawa 'to, napansin niya sigurong hindi kami nag-uusap ni Deon nitong nga nakaraang araw kaya niya ito ginawa. Ito rin ang unang araw naming dalawa bilang mag-asawa. Nang wala akong marinig na kahit anong sagot mula sakaniya, bumuntong hininga ako. Aalis na sana ako nang bigla itong bumukas dahil naikot ng ka
Perlm Marie Olavin"But, bro... She's my student. Paanong nangyari 'yon?" naguguluhang tanong ni Sir Andrei.Walang tigil ang pagkagat ko sa aking daliri , palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Natatakot akong mabisto. Panay rin ang tingin ko sa hagdan ng bahay dahil baka biglang bumaba si lola at malaman niya ang kalokohang pinalabas ko sa school."I know she's your student, Andrei. Alam ko 'yun. What I'm asking you is, is that really true? She told you that her uncle died?" his voice rose when he uttered those words.Kung maaari lang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon, gagawin ko. Nanatili lang akong titig na titig sa dalawa. "Unfortunately..." nanunuyang wika ni sir, mukhang nalulutas na ang nangyayari.Umungol si Deon sa sobrang pagkainis. Malalalim ang mga mata niya habang nakatingin saakin. His eyes used to be brown, but now his eyes are gloomy. Oh, crap. Galit na galit siya. Kusang lumayo ang mga
Pagkatapos kong mawalan ng malay ng gabing iyon ay nadatnan ko na lamang ang sarili kong nakaratay sa hospital cot.The room is white, dull, clean, and silent.I stared at the ceiling for a few minutes. Walang tao. Ang akala ko bubungad saakin si Deon pagkagising ko... ngunit wala, kahit sila mommy at daddy ay wala. Have they found out the truth? What am I going to do if they find out? Will they be able to separate me from him? Hindi ko kaya... I love him to the point where I would give up everything just to be with him. In him, I see my future. I want us to have a big family and a great life together. I want to ... be his partner in life.Alam ko na ngayon. Noong una, iniisip ko kung bakit patay na patay ako kay Andy. Why can't I put him out of my mind? Why did it hurt so much when he broke up me and replaced me with his best friend? Maybe it's because I love him.'Yun ang akala ko. I thought I was in love with him, but I wasn't. I simply enjoy the concept of having a boyfriend.
Perlm Marie Olavin"Contractual marriage, huh?" nakangising sambit ni David. Bahagya akong napaatras. No, this isn't happening. Hindi nila... p'wedeng matuklasan ang totoo lalo na ngayong maayos na ang lahat. "Bakit, Perlm? Ano ba 'yung contractual marriage?" I couldn't respond since my gaze was locked on David, who didn't take his gaze away from me."Want to know what contractual marriage is, manang?" David asked, his gaze is still focused on me."David..." I warned him."Ang alam ko 'yung ikakasal kayo pero may kontrata. Tama ba ako?" Humalakhak si manang."Ah-uh, and why did they have a contract?" His lips curved even more. "Because they don't love each other. They marry for money or other reasons."Mas lalo akong napaatras. Pakiramdan ko'y bibigay ang katawan ko sa sobrang takot na aking nararamdaman. "What's more exciting is... sila Perlm at Deon ay kinasal ng may kontrata. Isn't that surprising, manang?" David added. "Stop!" I cried. Tumingin ako kay manang, gulat na gulat
"Miss Dorothy, uhm, here's mine." I give Miss Dorothy the papers.Nakangiti siya habang kinuha iyon saakin. Sinimulan niyang i-check ang mga papers na ginawa ko ng ilang oras. A lump formed in my throat as I watched her reaction. She appears to be dissatisfied with my work."You're... pretty fast.""Yes po, pero I did my best Miss Dorothy." "I see..." Muli siyang tumingin sa papel at napahilot sa sentido. "Well, you can have your lunch, Miss Fernandez. Wala na sila, ikaw na lang ang natitira. Join them," aniya at tinuro ang office palabas."I w-will. Thank you."Sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi bumuntong hininga sa harap niya. Pag-alis na pag-alis ko ay nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga at pumuntang muli sa cubicle ko. "What did I do? Mali ba ang computation at designs ko?" malungkot kong sabi sa sarili at napa-upo na lamang. She didn't say anything. Kahit sabihin niya lang sana na "not bad" or "you can do better next time", kaso wala... siguro hindi ak
Perlm Marie Olavin My first day. Pinagmasdan ko ang aking sarili mula ulo hanggang paa sa salamin. I can't believe that I'm a certified office worker. It's a good start for me. Paniguradong marami akong matututunan. You can do it, Perlm Marie. Tutal ay binigyan ako ni Deon ng mga tips sa pagiging assistant manager sa isang department kahit na hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi niya dahil wala naman iyong kinalaman sa trabaho niya, sinunod ko na lang at tinatak sa isip ang mga dapat gawin. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko sa kuwarto ay kaagad na akong bumaba. Kita ko agad si Deon na nag-aabang sa living room. Mukhang malalim ang iniisip niya ngunit kaagad niyang napansin ang presensiya ko kahit na nasa hagdanan pa lamang ako. "How are you feeling?" tanong niya nang makalapit ako. He lightly tapped the sofa. I smiled as I sat down. He is staring at me while waiting for my response. Dahil sa ginagawa niyang iyon, mas lalo lang akong kinabahan. "Its not a big deal, Deo
Dapit hapon at araw na ng Biyernes. Diretso kusina si Deon nang makauwi kami, nagtanong kay manang kung ano ang ulam. Bago siya tumungo roon ay napansin kong nilapag niya ang phone niya sa mini table dito sa living room. Susundan ko sana siya sa kitchen ngunit biglang tumunog ang phone. Suddenly something entered my mind to pick up the phone and see what was inside Deon’s phone. There's nothing wrong with that, right?I move over to the small table and take his phone to examine it... I'm surprised it doesn't have a password. Mukhang wala naman siyang tinatago.Una kong pinuntahan ang messages, may message si Sir Andrei pero hindi ko 'yun pinansin, bagkus ay nagscroll-up ako upang tingnan ang past conversations niya sa ibang tao.'Private Investigator'Nagtaka ako roon. Ito 'yung investigator noon na nag-iimbestiga sa pagkamatay ni Meghan. Hindi pa rin ba siya tumitigil sa paghahanap kay Meghan?Nanginginig ang kamay kong pinindot iyon at binasa ang past conversations nila. Ngunit na
Perlm Marie Olavin"Nakauwi na rin tayo!" Nagmamadali kong nilapag ang mga bag at iba pang gamit sa sahig at umupo muna sa sofa upang magpahinga. Masusuka pa yata ako. Sobrang haba ng byahe pauwi!Prente akong umupo ng sofa at pumikit sandali upang langhapin ang amoy ng buong bahay. Nag-iba ang pang amoy ko sa van na iyon. Hindi ko type ang freshener ng sasakyan. Nang namulat ang mata ko ay kaagad dumapo ang tingin ko sa picture frame nilang dalawa ni Meghan. Walang pasabing umawang ang bibig ko at bumaling kay Deon na kinukuha ang mga gamit sa sahig. "H-hindi mo tatanggalin 'yun?" Pasimple kong nginuso ang litrato sa taas ng TV. He fastened his gaze on me. When he noticed the frame, he took a big swallow. My mouth fell open as he took it out of the wall right away."Saan mo dadalhin 'yan?" tanong ko. "I'm gonna throw it later," sabi niya at nilapag sa sahig. Ako naman ang napa-arko ang kilay. "Ako na, inaayos mo pa 'yang mga gamit, e." "Sure," he replied, not even looking at m
Pumungay ang mga mata ko nang makita ko siya. Hinintay ko siyang makarating saaming dalawa ni David at pinagmasdan ng mabuti. "You really don't know your limits, huh?" he said while smirking. Gumalaw ang panga ni David at napatawa ng mahina. "Nagsisimula pa lang ako, Fernandez. Marami pa akong alas, marami pa akong baon. Hindi pa ako tapos sa'yo!" Muli akong nagtaka sa kilos at pagsasalita ni David. Malalim at buo ang boses niya habang nagtatagalog. Kita rin sa mga mata niya ang sukdulang galit. Umigting ang panga ni Deon. Nahuli ng mata ko ang kamay niyang dadapo sana kay David pero mabilis ko iyong nakuha at napigilan siya. "You are drunk, let's just go to our room."Bumaling ang tingin niya saakin. "Perlm, I'm not drunk. I've been trying to keep myself from hurting this jerk. Hindi na ako makapagpigil pa," bulong niya.Mariin akong pumikit at marahang umiling. "Let's talk, Deon. About this. About us..." I murmured.David burst out laughing. "Do it, Perlm! Sabihin mo sa asawa
Perlm Marie OlavinMabibigat ang aking paghinga. Dinig na dinig ang bilis ng tibok ng puso sa sobrang kaba na aking nararamdaman. All I can do is remain mute while observing his silence.I could kill myself right now. Nandidiri ako. Nagpahawak ako kay David. Hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam.... I'm such a fool. Being cheated is painful... But it hurts even more when your husband thinks you are cheating on him. Parang guguho ang mundo ko.My eyes are starting to tear up."I'm sorry, Deon..." sa wakas ay may lumabas na sa bibig ko, ngunit mahina lang iyon at malayo ako sa kaniya. Nasa gilid ako ng pintuan, nakaupo. Naroon siya sa dulo, nakasandal sa pader habang nakapikit. Matagal ko siyang pinagmasdan. Tinitigan. Gusto kong lumapit, gusto ko siyang hawakan, gusto kong sabihin sa kaniyang hindi ko iyon gusto. Gusto kong linawin sa kaniya na pagkakamali iyon... ngunit paano? Natatakot ako. Natatakot akong mainsulto ulit. Natatakot ako sa gagawin niya kapag nagpaliwanag ako. Nang
"Let's go!" "Be careful, Amy! Kitang kita na kaluluwa mo sa suot mo na 'yan!" pagbawal ni Rosie kay Amy. Si Amy naman ay walang tigil sa pagtatalon, parang batang nakawala sa kulungan. Narito kami ngayon sa pampang ng dagat. Napag-isipan naming lumabas lalo na't sumilay na ang araw at excited na kaming magtampisaw sa dagat.Kaming dalawa ni Mildred ang naiwan dito dahil sinamahan na ni Rosie si Amy. Lumingon ako kay Mildred. Ngumisi ako nang maalala ang mga kinwento niya kagabi. Seriously, Manong was fantastic because he was able to win Mildred's heart. Hindi ako makapaniwala noong una pero ngayon... totoo nga. Sila ngang talaga! "Sorry, Perlm. Ang dami kong chika kagabi, hindi ka tuloy nakatulog sa kuwarto niyo ni Deon," aniya. "It's fine. Nag-enjoy nga ako..." tumawa ako ng mapakla, mas mabuti nga iyong natulog kaming dalawa ni Mildred sa ibang kuwarto, natakasan ko si Deon sa kung ano mang gusto niyang gawin saakin. Bahala siya, mag-isa siya roon sa kuwartong iyon! Wait? Baki