Beranda / Romance / Love Replacement / Chapter 4: The Perfect Girl

Share

Chapter 4: The Perfect Girl

Penulis: Fochacy
last update Terakhir Diperbarui: 2022-03-03 19:58:30

Perlm Marie Olavin

Isang linggo ang lumipas. Rosie and I were both busy. Palagi siyang wala, same to me. Paano ba naman ay kailangan ko ng magseryoso at magfocus sa pag-aaral. Sa nakikita kong performance ko sa school, mukhang hindi ako ga-graduate. Wala naman akong pakealam doon, si dad at mom lang ang inaalala ko kaya sinisikap ko pa ring pumasok.

Kailangan ko ng maghanap ng trabaho. Ugh!

"Look! Si Andy and Rachell!"

"Hindi ba PDA na 'yan? Masyado na silang bulgar!" basag ni Amy sa aming katahimikan.

"Oh, god! Ang haharot!"

"Mildred! Tigil niyo na 'yan," nakita kong nginuso ako ni Rosie kaya tumahimik ang dalawa.

Napatingin ako sa dalawa. Nakaakbay si Andy kay Rachell at hinalik-halikan niya pa ito sa pisngi. Namilog ang mata ko. It's either Andy's too in love with Rachell or sinasadya niyang ipakita ito sa'kin. Para magselos ako, para ipikita niya saakin na mayroon na siyang iba.

Tumayo ako.

"Hey, Perlm. Where are you—"

Hindi ko na pinagsalita pa ang mga kaibigan ko. Bumaba ako upang mapuntahan ang seat nila. Bakit ba kasi kaklase ko pa ang mga ito sa ibang subjects?

Napalingon agad si Andy, sumunod si Rachell. I smiled. Pinahalata ko talagang peke.

"Hi Perlm, where are you going? Magsisimula na ang klase," banayad na saad si Andy.

"Hmmm. May bibilhin lang sana." Lalakad na sana ako ngunit tumigil ako at sinabing, "By the way, may motel na malapit rito."

Rachell glared at me. "So?"

Ang akala niya siguro'y natatakot ako sa kaniya, cheater pa rin naman ang tawag sakaniya, she's flirting with Andy kahit no'ng kami pa. Ang akala ko noong una'y magkaibigan lang talaga sila...

"Check-in kayo," my tone is cold. Umalis na rin ako pagkatapos kong sabihin iyon. Mga cheap, bagay sainyo ang motel!

I decided to cut class. Balaha na. Kaysa nakikita ko pa silang naglalampungan, nasa taas pa naman kami at kitang-kita kung paano halikan ni Andy ang haliparot na 'yon! Sarap iuntog!

Yes. Nagseselos ako, because i still love him! Kahit anong gawin ko, mahal ko pa rin siya!

Lintik na puso ito, pinaghintay na at niloko tumitibok pa rin. Habang naglalakad sa corridor naisipan kong bumili ng coffee roon sa first building. Mahaba naman ang oras ko kaya ro'n na lang. Pagkababa ko pa lang sa building namin may nakita akong matandang naglalakad sa covered court. Hirap na hirap ito sa dala niyang bag. Napailing ako. Bakit wala man lang tumulong kay Lola? Nakakadissapoint.

"Lola, tulungan na kita!" alok ko rito nang makalapit ako.

Nanginginig naman ang mga mata ni Lola nang makita niya ako. She's so beautiful. Alam na alam mo talagang maganda ang isang matanda kapag maganda ang kutis at matatamis ang mga ngiti.

"Naku, apo! Salamat! Kanina pa ako naglalakad dito ngunit wala man lang tumulong saakin, ikaw pa lang!"

Ngumiti ako kay Lola at pinagmasdan siya. I miss my grandparents, bata lang ako ay namatay na sila. Kaunti lang ang memories na nagawa namin kaya naman nakakamiss.

"Saan ba ang punta mo, La?"

"Sa main office sana, balak kong dalawin ang apo ko!"

Tumango ako at kumaliwa. Inalalayan ko si Lola kahit na hawak-hawak ko ang dala niya.

"Naku, ayos lang ako!"

"No, Lola. I insist. Hali na po kayo." Ilang minuto ang tinagal dahil mabagal na maglakad si Lola.

"What's your name, Lola?" tanong ko nang makarating na kami sa harap ng main office.

Ngumiti ito. "Alexandra, apo!"

Lumungkot ako bigla. Mas maganda pa ang pangalan ni Lola saakin. My gosh. Alexandra is one of my dream name. Perlm Marie is nothing compared to her name. Kinahihiya ko ang pangalan ko.

Marie? Marya? Pag sa ibang tao ko naririnig ayos naman, pero pag saakin na, no comment.

"Napakaganda naman ng pangalan mo, La," natutuwang saad ko rito

"Salamat apo. Siya nga pala, ikaw ano ang pangalan mo?"

Napaisip ako bigla sa tanong ni Lola. Sasabihin ko ba? Pero nawala ang pagi-isip ko nang lumabas ang isang mala-diyos na lalaki sa pintuan ng main office.

Oh, he's here.

"Miss Meghan?"

Napunta ang tingin nito kay Lola. "La, what are you doing here?"

Umasim ang sikmura ko. Shit? Ang tinutukoy ba ni Lola Alexandra'ng bibisitahin niya ay si Elriz? What a small world. Dito pala nagtatrabaho ang isang 'to. Siguro'y assistant siya ng may ari ng university. Tsk.

"Oo, apo! Ang bait nga niya dahil tinulungan niya akong dalhin ang mga pasalubong ko para sa'yo, pero... Meghan?"

Lumungkot ang mata ni Lola. "Meghan ang pangalan mo?"

Fuck! This is it. I am good at lying pero pagdating sa mga matatanda hindi ko magawa, nanghihina ako dahil they're too innocent to be fooled!

"Uh-ah..."

"Yes, La. Her name's Meghan," ani Elriz.

"Apo..." tawag naman ni Lola kay Elriz.

Umiling lang siya. "Please, do not mention it. I'm okay... now."

Hindi ko sila maintindihan ngunit binigay ko na ang mga bags na may lamang pasalubong kay Elriz.

"Thanks," malamig nitong sambit. Mukhang lumungkot.

Tsk. Nagpasalamat pa malungkot naman ang mga mata niya. Nakakabawas ng kaguwapuhan 'yon, ngunit guwapo pa rin siya.

Damn! Ano na naman ba ang ginawa ko sa lalaking ito?

Makaalis na nga. Mukhang nasisira lang ang araw niya kapag nakikita niya ako. Kumaway ako saglit kay lola bago tumalikod sa kanila ngunit bigla itong nagsalita.

"Sandali! Bibigyan ko pa ng pasalubong itong si M-meghan," napaos ang boses ni Lola nang banggitin niya ang pangalang iyon.

What's wrong with Meghan? Maganda naman, ah? Kung pwede nga lang palitan ang pangalan ko ng pangalang iyon ay gagawin ko.

Hindi naman ako tumanggi pa. Binuka ni Elriz ang bag at pinapili si Lola. He looks innocent with his eyeglasses on. Pero umaapaw pa rin ang kaguwapuhan at ang katawan niyang matured.

He's perfect.

But his name is Andy.

And he is a jerk, cold, asshole man.

"Ito, apo. Masarap yan, galing sa Hawaii." Na-touch naman ako dahil halos binigay niya saakin ang isang plastic bag. Nagagalak ko itong tinaggap.

"Maraming salamat, Lola Alexandra. For sure, masarap nga ito."

Lumapit si lola saakin at hinalikan ako pisngi. "Ingat."

Natulala ako sa ginawa niya. Somehow, i feel overwhelmed, ngayon lang nangyari iyon sa loob ng 15 years. Ngayon lang ako nakatanggap ng masasayang halik galing sa isang matanda.

Mas lalo ko tuloy namiss ang grandparents ko.

Bago ako umalis ay nagkatinginan kaming dalawa ni Elriz. Umiwas ito agad ng tingin at inalalayan si lola papasok ng office.

Pagkatapos nang nangyari no'ng nakaraang linggo ganoon na lang? Walang utang na loob.

"Bigyan mo rin ang mga kasama mo riyan, apo."

Rinig ko pa ang huling sinabi ni lola bago ako nakalayo. Tiyak na isa nga siyang assistant. He looks likes the CEO for me, but it's impossible. Hindi namin kilala ang may-ari ng university na ito. Nanatiling palaisipan kung sino nga ba namamahala rito. Sobrang sikat at mabango ang pangalan ng university na ito sa Pilipinas.

Walang nakapagbago sa isip ko na magkape kahit na marami na akong dalang pagkain rito.

When I'm sad, iinom ako ng kape. When I'm jealous or naiinggit, coffee is my comfort.

But wait? Masaya ako. Dahil kay Lola Alexandra. Pinaramdam niya ulit saakin ang pagmamahal na gustung-gusto kong makuha sa grandparents ko.

Alright. Mamaya na ang coffee.

Tumalikod na ako para bumalik sana sa building nang masilayan ko si Elriz na buhat-buhat ang kaniyang Lola, wala itong malay.

"L-lola? What happened, Elriz?" naga-alala kong tanong at lumapit ako.

Tumigil siya sa harap ko. "Nahimatay. Napagod siguro," kalmado ngunit bakas ang pagkaranta sa boses niya.

"Sasama ako," i said, full of sincerity.

But he stared at me. Para bang kinu-kwestyon niya ako sa aking sinabi. "What?" Umiling ito. "Let's go."

Ilang sandali pa ay mabilis naming naisugod sa hospital si lola. Tinanong ko siya kung bakit hindi na lang sa clinic ngunit sinabi niyang he doesn't trust the nurses in the university.

Mapili ang lalaking ito.

Pinagmamasdan ko lang si lola na ini-examine ng mga doctor. Si Elriz naman ay hindi mapakali at lakad nang lakad sa labas ng room. Hindi ko na lang siya pinansin. Mukha pa rin siyang guwapo kahit na namomroblema na. God! Why so unfair?

Hindi pa rin gising si lola ngunit lumabas na ang mga doctor. Kagaad na lumapit ang natatarantang si Elriz at hinintay na magsalita ang doctor.

"Can we talk for a sec, Mr. Fernandez?" Tumango lang si Elriz. Naiwan lang ako rito.

Andy Elriz Fernandez ang pangalan niya? Tsk. Dapat tinaggal na 'yung Andy. Hindi bagay.

Nakatitig lang din ako sa dingding habang hinihintay na magising si Lola. I remember this. Mga panahong naospital ang mga grandparents ko at madalas na ako ang pinagbabantay.

"Meghan?"

Lumingon ako kay Lola. "It's Perlm Marie, La. Ang totoo kong pangalan ay Perlm Marie."

That's it! It's the first time I introduced myself with my real name. Lola's a stranger at hindi ko gawain na ibigay ang totoo kong pangalan pero ngayon hindi na. Bakit ako sasama rito kung stranger pa rin siya para saakin?

"Mas maganda ang Perlm Marie, apo. Maganda ang pangalan mo."

Ngumiti ako sa compliment ni lola. Dahil nga nabuking na ako, kinwento ko na ang nangyari, nagtanong siya kung paano kami nagkakilala ni Elriz.

Natatawang hinawakan ni Lola ang mga kamay ko. " Pagpasensiyahan mo na ang apo ko, Perlm. Talagang masungit ang isang 'yan, hindi rin palangiti simula nang mamatay—"

May lalaking tumikhim mula sa pintuan. Nilingon ko ito at nakita si Elriz na nakasandal.

Ano kaya ang sinabi ng doctor? Mukhang mas lalo siyang nalungkot. Pero mas lalo akong nabahala sa hindi natuloy na salita ni lola. Mamatay?

"La... stop it," he said, softly.

Seeing Elriz, para bang nababasa ko ang mukha niya. Hindi naman ako ganito sa ibang tao. Hindi ko nababasa ang mukha ni Andy kahit na noong may sakit pa siya. Pero ang isang 'to. Iba... May kung anong hinanakit at kalungkutan sa loob niya. I can sese and feel it.

"Lola, you need to rest."

"I'm doing it right now. Perlm may pasok—" Natigil bigla si Lola. Tumawa ito.

Shit. Muntik na niyang sabihin ang totoo kong pangalan. Natawa na lang rin ako.

"Hmm?" malambing na himig ni Elriz.

"Meghan is a good girl. Natutuwa ako dahil sa kaniya."

I smirked. Kung alam mo lang lola. I'm not a good girl...

"What do you mean? She's stubborn. Lagi niyang pinapasakit ang ulo ko that's why I don't like her," nakangisi ring sagot nitong ni Elriz na bahagyang nawala ang lungkot sa mata.

Maka-stubborn naman ang isang 'to, tsk. Aaminin ko, stubborn at hindi ko sineseryoso ang buhay pero what can I do? This is me. This is what I do in life.

"I don't like you too," bulong ko pero hindi niya narinig.

Lumipas ang ilang minuto. Hindi nakasagot si Lola. Nanatiling tahimik ang bawat kasulok-sulukan ng kwartong ito.

"Apo..."

"Yes?" sabay naming sagot ni Elriz.

Nagkatinginan kami. Napakurap ako nang ilang beses bago sumulyap kay lola.

"Elriz, alam kong kaunti na lang panahon ko sa mundong ito. Nagpatingin ako sa doctor doon sa Hawaii at sinabing malubha na ang sakit ko," sa sinabi niyang iyon, alam kong kailangan kong lumayo at humakbang upang hayaan silang mag-usap. Well, hindi naman ako tsismosa. Minsan lang. Kapag trip ko.

Elriz was shocked. Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ni lola. Siguro'y sinabi na rin kanina ng doctor ang kalagayan niya. "I told you, La. Tigilan mo na ang pagtravel..."

Umiling si Lola. Ayaw ko nga makisali pero naririnig ko pa rin. Useless lang. I feel sad for lola. Bakit ba kasi kailangan pa nilang mamatay? Hindi ba p'wedeng manatili na lang sila rito sa mundong ibabaw habang buhay? I want to treasure every grandparents here in the world.

"Pinangako ko kay Anselmo na magbabyahe ako sa lahat ng gusto niyang puntahan. I can't break my promises, apo," mahina na ang boses ni Lola. Tumutulo na rin ang luha nito.

Tumagos sa puso ko ang sinabi niya. That's true. She can't break her promises. One day, if my mom and dad would wish anything before they die, i will do it. Para kahit wala na sila'y may pinanghahawakan pa rin ako. May mga pangarap pa rin ako.

Iyon ang ginagawa ngayon ni lola.

"I want to see you married. Gusto kong maikasal ka na, apo ko," nakangiting sabi ni lola sa kay Elriz na malungkot.

"The question is... who? With who, Lola? She's gone. She left us." Elriz licked his lower lip, napatawa ng mahina.

Nagkatitigan sila at napunta saakin ang mata ni lola. Sinubukan niya akong palapitin. Hindi naman ako nagdalawang isip na lumapit.

"Yes, La?"

"Marry my apo." Natameme ako.

He then chuckled. "Pardon?"

Sinubukang umupo ni lola mula sa pagkakahiga. Huminga siya ng malalim.

"Perlm is the perfect girl for you, Elriz. Gusto kong siya ang mapangasawa mo habang nabubuhay ako. Mababago ka niya, apo. Mababago ka ni Perlm kaya huwag mo na siyang bitawan pa."

Rumagasa ang malalakas na agos ng pagkagulat sa buong sistema ko sa litanya ni Lola. Parang natanggal ang mga tinik na nakabaon sa buo kong katawan.

To live a life worth living means to takes risks and chances. Lagi itong sinasabi ng magulang ko noong bata pa ako. I think I get it now.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Vin Cent
i like it <33!!!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Love Replacement    Chapter 5: Pagpayag

    Perlm Marie OlavinNagsimulang tumugtog ang kanta na hindi ko alam kung saan nanggagaling, wala rin akong balak na alamin. Naglakad ako ng marahan papasok sa tarangkahan ng sagradong simbahan habang nakatingin sa mga iilang bisitang dumalo.Si mom, dad, lola at iba kong mga kaibigan ay masayang nakatingin saakin habang ako ay naglalakad papapalit. Pinakita ko ang pilit na ngiti. Ngiting hindi sigurado kung tama ba talaga itong ginawa ko. Tama ba talagang matali sa taong hindi ko mahal?Kinuha ni daddy ang braso ko."You're so beautiful, Perlm. I'm proud of you," bulong ni dad at hinalikan ako sa pisngi.Umiling ako. Hindi ka dapat maging proud sa katulad kong ginawa lang ito para sa ex ko. You won't be proud of me kapag nalaman mo ang totoo, dad. Nangyari ito dahil kay Andy.Nang malapit na kami sa kanila, binitawan na ako ni dad at pinaubaya sa lalaking papakasalan ko. Hindi ko pa gustong bitawan siya ngunit wala na akon

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-03
  • Love Replacement    Chapter 6: Approval

    Perlm Marie Olavin Ilang sandali pang nagtagal ang paglapat ng labi ko sa labi ni Deon. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata upang tignan kung nakapikit din ba siya ngunit hindi! His eyes were wide open! Nakaramdam ako ng pagkahiya roon kaya pinutol ko ang halik at inayos ang upo. Medyo basa rin ako dahil sa lakas ng ulan kanina. "I wanna marry you, D-deon," masaya kong sagot at hinugot ang seatbelt. Umiling siya. "This is wrong," mataman niyang sabi. "What's wrong?" Tumingin siya sa labas sabay pikit. "Don't let your emotions control you. Don't make decisions when you're happy, sad or angry. Baka pagsisihan mo lang sa huli." Tinitigan ko siya ng maigi. Ano ang ibig niyang sabihin? I want to marry him dahil gusto ko siyang subukang mahalin. Wala akong pagsisisihan sa pagpayag ko. "Hindi ako magsisisi, Deon. Ikaw ba? Magsisisi ka ba kapag pinakasalan mo ako?" I get it. We don't love each other, that's why I'm tryin

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-05
  • Love Replacement    Chapter 7: Engagement Ring

    Perlm Marie Olavin Mukha akong isang bangkay na nakatingin sa salamin ng banyo habang sinisipilyo ko ang aking mga ngipin. Kakagising ko lang at ang toothbrush ko agad ang hinanap ko upang paglabas ay hindi mahabo ang aking hininga. Linggo ngayon, wala akong pasok. Ngayon rin ang plano ni Deon na mamanhikan. Pupunta kami mamayang lunch sa bahay nila mom at dad. Tambak ang mga hand outs at paperworks na gagawin ko this week pero wala pa rin akong nagagawa ni isa! Kaya naman hindi ako mapakali habang nagsasagot ako rito sa veranda ng unit ni Deon. Sandamakmak na papel ang nagkalat sa mini table, sa tyansang makahanap ng madali at 'yon ang uunahin kong sagutan. Halos sumabog ang utak ko habang iniisip kung paano ko ba ico-compute ang given problems dito. Mahina ako sa math, to the point na kapag ang klase ay tungkol sa math, paniguradong magcu-cut class ako matakasan lang iyon. Sinubukan ko namang humingi ng tulong dito sa katabi naming unit na si Rosie pero tin

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-05
  • Love Replacement    Chapter 8: Emotional

    Perlm Marie OlavinGaya nga ng sinabi ni Deon noong isang araw na bilhin ko raw ang ano mang gusto kong singsing sa sarili niyang credit card; bilang isang masunuring bata na sumusunod sa utos ng mga matatanda, bumili ako.Kagat-kagat ko ang aking labi at tinatanaw ang singsing sa kahon. Ang ganda ng singsing! Mabuti na lang at ako ang pumili at bumili."Return it.""Namamahalan ka ba?""No, it's weird, woman. You look weird."Pilit kong kinukumbinsi ang bwisit na lalaking ito habang nagmamaktol ako sa office niyang nakakasulasok dahil punung-puno ng mga mini houses at kung anu-anong connected sa dati niyang trabaho.Ugh!"You said I can buy whatever I want, bakit ayaw mo 'to? Ang gulo mo naman!" hirit ko ulit.Muli kong tinulak ang box papalapit sakaniya. He glared at me, pushing back the ring box to me."The diamond is too big. I'm pretty sure you would look like a witch kapag

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-08
  • Love Replacement    Chapter 9: Hopes Up

    Perlm Marie OlavinI cleared my throat. Sinimulan kong katukin ang pintuan ng kwarto ni Deon pagkatapos ng lahat ng nangyari ngayon gabi. Nakapaghilamos na ako kanina pag-uwi namin galing ng reception at suot-suot ko na rin ang regalong silk dress ni Amy.Hating gabi na rin at kailangan na naming matulog para bukas. Binanggit kasi saakin ni Lola Alexandra na may biniling bagong bahay si Deon malapit rito. As in bahay na talaga, hindi na inuupahan, kumpleto na ang bayad."Deon?" kumatok pakong muli, nahihiya pa rin sa ginagawa. Ano nga bang pumasok sa utak ni lola at gusto niya kaming patulugin sa iisang kwarto? Hindi namin ideyang dalawa 'to, napansin niya sigurong hindi kami nag-uusap ni Deon nitong nga nakaraang araw kaya niya ito ginawa. Ito rin ang unang araw naming dalawa bilang mag-asawa. Nang wala akong marinig na kahit anong sagot mula sakaniya, bumuntong hininga ako. Aalis na sana ako nang bigla itong bumukas dahil naikot ng ka

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-09
  • Love Replacement    Chapter 10: Pagbabago

    Perlm Marie Olavin"But, bro... She's my student. Paanong nangyari 'yon?" naguguluhang tanong ni Sir Andrei.Walang tigil ang pagkagat ko sa aking daliri , palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Natatakot akong mabisto. Panay rin ang tingin ko sa hagdan ng bahay dahil baka biglang bumaba si lola at malaman niya ang kalokohang pinalabas ko sa school."I know she's your student, Andrei. Alam ko 'yun. What I'm asking you is, is that really true? She told you that her uncle died?" his voice rose when he uttered those words.Kung maaari lang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon, gagawin ko. Nanatili lang akong titig na titig sa dalawa. "Unfortunately..." nanunuyang wika ni sir, mukhang nalulutas na ang nangyayari.Umungol si Deon sa sobrang pagkainis. Malalalim ang mga mata niya habang nakatingin saakin. His eyes used to be brown, but now his eyes are gloomy. Oh, crap. Galit na galit siya. Kusang lumayo ang mga

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-09
  • Love Replacement    Chapter 11: Discoveries

    Perlm Marie OlavinLumipas ang ilang araw na pamamalagi ko rito sa bagong bahay ni Deon. Natatandaan ko pang maraming hinabilin saakin sila mommy at daddy nang ihatid nila kami rito sa bagong bahay. Malapit lang ito sa syudad pero tahimik ang lugar na ito kumpara sa real state tinirhan namin. Isa rin itong subdivision at mukhang bigating tao ang mga kapitbahay namin. Minsan, napapasilip ako sa kabilang bahay habang nagdidilig sa napakalaking garden. Bigla kong makikita iyong artista na lagi kong nakikita sa billboard. Bigating tao talaga! Ang laki-laki ng bahay na binili ni Deon. Nakakahiya tuloy makitira. Kulay dilaw ang tema ng bahay, ang bubong naman ay pula. May tatlong palapag at may malaking swimming pool sa likuran. Malaki rin ang garage at maraming pine trees sa garden. Napaisip tuloy ako kung saan niya nakuha ang malaking pera para mabili ito. Architect? Ilang taon siguro siyang nag-ipon para mabili ang isang 'to. Bukas na ri

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-10
  • Love Replacement    Chapter 12: Fix (Part 1)

    Perlm Marie Olavin"Ang lamig," sabi ko sabay hagkan sa aking sarili.Ang paningin ko ay nasa dingding habang nagbababad sa bathtub na inihanda saakin ng helper namin dito sa mansion.Tuwing naiisip ko ang nangyari kaninang dinner, hindi ko maiwasang hindi mapatili. Lalo na nang pilit niya akong kinukumbinsi niya sakaniya dapat ako magtrabaho. "You told me earlier that your course was about business, right? Let me know if you need help. Mayroon akong kakilala rito sa pilipinas na pwede mong pasukan para magkaroon ka nang experience kahit papaano. And then, after several months or years, you can also build your own business or company. What do you think?" nakangising alok ni David Fernandez saakin at muling sumubo ng pagkain. Tumigil ako sa pagnguya ng steak at lumunok. Kung susumahin, magandang offer iyon sa aking pagsisimula sa business. Tiyak rin ako na matutuwa sila mommy at daddy kapag nalaman nilang may nag-offer saaking business o

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-11

Bab terbaru

  • Love Replacement    Chapter 30: Wrath (Part 2)

    Pagkatapos kong mawalan ng malay ng gabing iyon ay nadatnan ko na lamang ang sarili kong nakaratay sa hospital cot.The room is white, dull, clean, and silent.I stared at the ceiling for a few minutes. Walang tao. Ang akala ko bubungad saakin si Deon pagkagising ko... ngunit wala, kahit sila mommy at daddy ay wala. Have they found out the truth? What am I going to do if they find out? Will they be able to separate me from him? Hindi ko kaya... I love him to the point where I would give up everything just to be with him. In him, I see my future. I want us to have a big family and a great life together. I want to ... be his partner in life.Alam ko na ngayon. Noong una, iniisip ko kung bakit patay na patay ako kay Andy. Why can't I put him out of my mind? Why did it hurt so much when he broke up me and replaced me with his best friend? Maybe it's because I love him.'Yun ang akala ko. I thought I was in love with him, but I wasn't. I simply enjoy the concept of having a boyfriend.

  • Love Replacement    Chapter 30: Wrath (Part 1)

    Perlm Marie Olavin"Contractual marriage, huh?" nakangising sambit ni David. Bahagya akong napaatras. No, this isn't happening. Hindi nila... p'wedeng matuklasan ang totoo lalo na ngayong maayos na ang lahat. "Bakit, Perlm? Ano ba 'yung contractual marriage?" I couldn't respond since my gaze was locked on David, who didn't take his gaze away from me."Want to know what contractual marriage is, manang?" David asked, his gaze is still focused on me."David..." I warned him."Ang alam ko 'yung ikakasal kayo pero may kontrata. Tama ba ako?" Humalakhak si manang."Ah-uh, and why did they have a contract?" His lips curved even more. "Because they don't love each other. They marry for money or other reasons."Mas lalo akong napaatras. Pakiramdan ko'y bibigay ang katawan ko sa sobrang takot na aking nararamdaman. "What's more exciting is... sila Perlm at Deon ay kinasal ng may kontrata. Isn't that surprising, manang?" David added. "Stop!" I cried. Tumingin ako kay manang, gulat na gulat

  • Love Replacement    Chapter 29: Caught (Part 2)

    "Miss Dorothy, uhm, here's mine." I give Miss Dorothy the papers.Nakangiti siya habang kinuha iyon saakin. Sinimulan niyang i-check ang mga papers na ginawa ko ng ilang oras. A lump formed in my throat as I watched her reaction. She appears to be dissatisfied with my work."You're... pretty fast.""Yes po, pero I did my best Miss Dorothy." "I see..." Muli siyang tumingin sa papel at napahilot sa sentido. "Well, you can have your lunch, Miss Fernandez. Wala na sila, ikaw na lang ang natitira. Join them," aniya at tinuro ang office palabas."I w-will. Thank you."Sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi bumuntong hininga sa harap niya. Pag-alis na pag-alis ko ay nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga at pumuntang muli sa cubicle ko. "What did I do? Mali ba ang computation at designs ko?" malungkot kong sabi sa sarili at napa-upo na lamang. She didn't say anything. Kahit sabihin niya lang sana na "not bad" or "you can do better next time", kaso wala... siguro hindi ak

  • Love Replacement    Chapter 29: Caught (Part 1)

    Perlm Marie Olavin My first day. Pinagmasdan ko ang aking sarili mula ulo hanggang paa sa salamin. I can't believe that I'm a certified office worker. It's a good start for me. Paniguradong marami akong matututunan. You can do it, Perlm Marie. Tutal ay binigyan ako ni Deon ng mga tips sa pagiging assistant manager sa isang department kahit na hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi niya dahil wala naman iyong kinalaman sa trabaho niya, sinunod ko na lang at tinatak sa isip ang mga dapat gawin. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko sa kuwarto ay kaagad na akong bumaba. Kita ko agad si Deon na nag-aabang sa living room. Mukhang malalim ang iniisip niya ngunit kaagad niyang napansin ang presensiya ko kahit na nasa hagdanan pa lamang ako. "How are you feeling?" tanong niya nang makalapit ako. He lightly tapped the sofa. I smiled as I sat down. He is staring at me while waiting for my response. Dahil sa ginagawa niyang iyon, mas lalo lang akong kinabahan. "Its not a big deal, Deo

  • Love Replacement    Chapter 28: Address (Part 2)

    Dapit hapon at araw na ng Biyernes. Diretso kusina si Deon nang makauwi kami, nagtanong kay manang kung ano ang ulam. Bago siya tumungo roon ay napansin kong nilapag niya ang phone niya sa mini table dito sa living room. Susundan ko sana siya sa kitchen ngunit biglang tumunog ang phone. Suddenly something entered my mind to pick up the phone and see what was inside Deon’s phone. There's nothing wrong with that, right?I move over to the small table and take his phone to examine it... I'm surprised it doesn't have a password. Mukhang wala naman siyang tinatago.Una kong pinuntahan ang messages, may message si Sir Andrei pero hindi ko 'yun pinansin, bagkus ay nagscroll-up ako upang tingnan ang past conversations niya sa ibang tao.'Private Investigator'Nagtaka ako roon. Ito 'yung investigator noon na nag-iimbestiga sa pagkamatay ni Meghan. Hindi pa rin ba siya tumitigil sa paghahanap kay Meghan?Nanginginig ang kamay kong pinindot iyon at binasa ang past conversations nila. Ngunit na

  • Love Replacement    Chapter 28: Address (Part 1)

    Perlm Marie Olavin"Nakauwi na rin tayo!" Nagmamadali kong nilapag ang mga bag at iba pang gamit sa sahig at umupo muna sa sofa upang magpahinga. Masusuka pa yata ako. Sobrang haba ng byahe pauwi!Prente akong umupo ng sofa at pumikit sandali upang langhapin ang amoy ng buong bahay. Nag-iba ang pang amoy ko sa van na iyon. Hindi ko type ang freshener ng sasakyan. Nang namulat ang mata ko ay kaagad dumapo ang tingin ko sa picture frame nilang dalawa ni Meghan. Walang pasabing umawang ang bibig ko at bumaling kay Deon na kinukuha ang mga gamit sa sahig. "H-hindi mo tatanggalin 'yun?" Pasimple kong nginuso ang litrato sa taas ng TV. He fastened his gaze on me. When he noticed the frame, he took a big swallow. My mouth fell open as he took it out of the wall right away."Saan mo dadalhin 'yan?" tanong ko. "I'm gonna throw it later," sabi niya at nilapag sa sahig. Ako naman ang napa-arko ang kilay. "Ako na, inaayos mo pa 'yang mga gamit, e." "Sure," he replied, not even looking at m

  • Love Replacement    Chapter 27: Possessive (Part 2)

    Pumungay ang mga mata ko nang makita ko siya. Hinintay ko siyang makarating saaming dalawa ni David at pinagmasdan ng mabuti. "You really don't know your limits, huh?" he said while smirking. Gumalaw ang panga ni David at napatawa ng mahina. "Nagsisimula pa lang ako, Fernandez. Marami pa akong alas, marami pa akong baon. Hindi pa ako tapos sa'yo!" Muli akong nagtaka sa kilos at pagsasalita ni David. Malalim at buo ang boses niya habang nagtatagalog. Kita rin sa mga mata niya ang sukdulang galit. Umigting ang panga ni Deon. Nahuli ng mata ko ang kamay niyang dadapo sana kay David pero mabilis ko iyong nakuha at napigilan siya. "You are drunk, let's just go to our room."Bumaling ang tingin niya saakin. "Perlm, I'm not drunk. I've been trying to keep myself from hurting this jerk. Hindi na ako makapagpigil pa," bulong niya.Mariin akong pumikit at marahang umiling. "Let's talk, Deon. About this. About us..." I murmured.David burst out laughing. "Do it, Perlm! Sabihin mo sa asawa

  • Love Replacement    Chapter 27: Possessive (Part 1)

    Perlm Marie OlavinMabibigat ang aking paghinga. Dinig na dinig ang bilis ng tibok ng puso sa sobrang kaba na aking nararamdaman. All I can do is remain mute while observing his silence.I could kill myself right now. Nandidiri ako. Nagpahawak ako kay David. Hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam.... I'm such a fool. Being cheated is painful... But it hurts even more when your husband thinks you are cheating on him. Parang guguho ang mundo ko.My eyes are starting to tear up."I'm sorry, Deon..." sa wakas ay may lumabas na sa bibig ko, ngunit mahina lang iyon at malayo ako sa kaniya. Nasa gilid ako ng pintuan, nakaupo. Naroon siya sa dulo, nakasandal sa pader habang nakapikit. Matagal ko siyang pinagmasdan. Tinitigan. Gusto kong lumapit, gusto ko siyang hawakan, gusto kong sabihin sa kaniyang hindi ko iyon gusto. Gusto kong linawin sa kaniya na pagkakamali iyon... ngunit paano? Natatakot ako. Natatakot akong mainsulto ulit. Natatakot ako sa gagawin niya kapag nagpaliwanag ako. Nang

  • Love Replacement    Chapter 26: Lotion (Part 2)

    "Let's go!" "Be careful, Amy! Kitang kita na kaluluwa mo sa suot mo na 'yan!" pagbawal ni Rosie kay Amy. Si Amy naman ay walang tigil sa pagtatalon, parang batang nakawala sa kulungan. Narito kami ngayon sa pampang ng dagat. Napag-isipan naming lumabas lalo na't sumilay na ang araw at excited na kaming magtampisaw sa dagat.Kaming dalawa ni Mildred ang naiwan dito dahil sinamahan na ni Rosie si Amy. Lumingon ako kay Mildred. Ngumisi ako nang maalala ang mga kinwento niya kagabi. Seriously, Manong was fantastic because he was able to win Mildred's heart. Hindi ako makapaniwala noong una pero ngayon... totoo nga. Sila ngang talaga! "Sorry, Perlm. Ang dami kong chika kagabi, hindi ka tuloy nakatulog sa kuwarto niyo ni Deon," aniya. "It's fine. Nag-enjoy nga ako..." tumawa ako ng mapakla, mas mabuti nga iyong natulog kaming dalawa ni Mildred sa ibang kuwarto, natakasan ko si Deon sa kung ano mang gusto niyang gawin saakin. Bahala siya, mag-isa siya roon sa kuwartong iyon! Wait? Baki

DMCA.com Protection Status