Perlm Marie OlavinGaya nga ng sinabi ni Deon noong isang araw na bilhin ko raw ang ano mang gusto kong singsing sa sarili niyang credit card; bilang isang masunuring bata na sumusunod sa utos ng mga matatanda, bumili ako.Kagat-kagat ko ang aking labi at tinatanaw ang singsing sa kahon. Ang ganda ng singsing! Mabuti na lang at ako ang pumili at bumili."Return it.""Namamahalan ka ba?""No, it's weird, woman. You look weird."Pilit kong kinukumbinsi ang bwisit na lalaking ito habang nagmamaktol ako sa office niyang nakakasulasok dahil punung-puno ng mga mini houses at kung anu-anong connected sa dati niyang trabaho.Ugh!"You said I can buy whatever I want, bakit ayaw mo 'to? Ang gulo mo naman!" hirit ko ulit.Muli kong tinulak ang box papalapit sakaniya. He glared at me, pushing back the ring box to me."The diamond is too big. I'm pretty sure you would look like a witch kapag
Perlm Marie OlavinI cleared my throat. Sinimulan kong katukin ang pintuan ng kwarto ni Deon pagkatapos ng lahat ng nangyari ngayon gabi. Nakapaghilamos na ako kanina pag-uwi namin galing ng reception at suot-suot ko na rin ang regalong silk dress ni Amy.Hating gabi na rin at kailangan na naming matulog para bukas. Binanggit kasi saakin ni Lola Alexandra na may biniling bagong bahay si Deon malapit rito. As in bahay na talaga, hindi na inuupahan, kumpleto na ang bayad."Deon?" kumatok pakong muli, nahihiya pa rin sa ginagawa. Ano nga bang pumasok sa utak ni lola at gusto niya kaming patulugin sa iisang kwarto? Hindi namin ideyang dalawa 'to, napansin niya sigurong hindi kami nag-uusap ni Deon nitong nga nakaraang araw kaya niya ito ginawa. Ito rin ang unang araw naming dalawa bilang mag-asawa. Nang wala akong marinig na kahit anong sagot mula sakaniya, bumuntong hininga ako. Aalis na sana ako nang bigla itong bumukas dahil naikot ng ka
Perlm Marie Olavin"But, bro... She's my student. Paanong nangyari 'yon?" naguguluhang tanong ni Sir Andrei.Walang tigil ang pagkagat ko sa aking daliri , palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Natatakot akong mabisto. Panay rin ang tingin ko sa hagdan ng bahay dahil baka biglang bumaba si lola at malaman niya ang kalokohang pinalabas ko sa school."I know she's your student, Andrei. Alam ko 'yun. What I'm asking you is, is that really true? She told you that her uncle died?" his voice rose when he uttered those words.Kung maaari lang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon, gagawin ko. Nanatili lang akong titig na titig sa dalawa. "Unfortunately..." nanunuyang wika ni sir, mukhang nalulutas na ang nangyayari.Umungol si Deon sa sobrang pagkainis. Malalalim ang mga mata niya habang nakatingin saakin. His eyes used to be brown, but now his eyes are gloomy. Oh, crap. Galit na galit siya. Kusang lumayo ang mga
Perlm Marie OlavinLumipas ang ilang araw na pamamalagi ko rito sa bagong bahay ni Deon. Natatandaan ko pang maraming hinabilin saakin sila mommy at daddy nang ihatid nila kami rito sa bagong bahay. Malapit lang ito sa syudad pero tahimik ang lugar na ito kumpara sa real state tinirhan namin. Isa rin itong subdivision at mukhang bigating tao ang mga kapitbahay namin. Minsan, napapasilip ako sa kabilang bahay habang nagdidilig sa napakalaking garden. Bigla kong makikita iyong artista na lagi kong nakikita sa billboard. Bigating tao talaga! Ang laki-laki ng bahay na binili ni Deon. Nakakahiya tuloy makitira. Kulay dilaw ang tema ng bahay, ang bubong naman ay pula. May tatlong palapag at may malaking swimming pool sa likuran. Malaki rin ang garage at maraming pine trees sa garden. Napaisip tuloy ako kung saan niya nakuha ang malaking pera para mabili ito. Architect? Ilang taon siguro siyang nag-ipon para mabili ang isang 'to. Bukas na ri
Perlm Marie Olavin"Ang lamig," sabi ko sabay hagkan sa aking sarili.Ang paningin ko ay nasa dingding habang nagbababad sa bathtub na inihanda saakin ng helper namin dito sa mansion.Tuwing naiisip ko ang nangyari kaninang dinner, hindi ko maiwasang hindi mapatili. Lalo na nang pilit niya akong kinukumbinsi niya sakaniya dapat ako magtrabaho. "You told me earlier that your course was about business, right? Let me know if you need help. Mayroon akong kakilala rito sa pilipinas na pwede mong pasukan para magkaroon ka nang experience kahit papaano. And then, after several months or years, you can also build your own business or company. What do you think?" nakangising alok ni David Fernandez saakin at muling sumubo ng pagkain. Tumigil ako sa pagnguya ng steak at lumunok. Kung susumahin, magandang offer iyon sa aking pagsisimula sa business. Tiyak rin ako na matutuwa sila mommy at daddy kapag nalaman nilang may nag-offer saaking business o
Perlm Marie OlavinDahil sa sinabi ni Deon kanina. Kating-kati akong umuwi ng bahay at excited na matulungan niya mamaya sa mga paperworks ko!Hindi ko namamalayang natutulala na lang ako rito sa cafeteria habang iniisip kung ano ang mangyayari mamayang gabi! May mangyayari bang hindi ko aasahan?"Perlm? Narito ba yung mga hindi mo pa tapos na gawain? Tulungan na kita."Nilingon ko si Amy at nakita kong kinakalkal niya ang bag ko para tignan ang mga hindi ko pa nagagawang handouts. Mabilis kong hinablot ang bag ko sa kamay niya."Huwag na! Hindi ko na kailangan ng tulong niyo, kaya ko na 'to," mabilis kong wika at hinablot rin ang papel na nakuha niya sa bag ko pagkatapos ay tinago ko ito sa loob. Kumunot ang noo nilang tatlo. "Huh? Hindi kita magets, ang sabi mo kagabi kailangan mo ng tulong namin. May pa iyak-iyak ka pa kagabi sa group chat tapos kaya mo naman pala?" Inirapan ako ni Amy.Inignora ko ang tanong niya.
Perlm Marie OlavinTama ang naging desisyon ko. Sa unang pagkakataon, natanggihan ko si Andy. At sa magandang paraan. Wala akong naramdamang kahit anong awa dito sa puso ko nang sabihin ko 'yon sa kaniya. Nakumpleto pa nga ang araw ko roon! Grabe! Ang ganda ng araw ko ngayon 'no? Huwag naman sana akong dapuan pa ng kamalasan dahil hindi ko alam kung makakayanan ko pa ba. Pasado alasais pa lang. Nakiusap ako sa guard ng university na umuwi ng maaga dahil may importane akong gagawin. Oo na, hindi na importante, tutulungan lang ako ni Deon pero bakit ganito ako ka-excite?! Ni kapurit na lesson kanina hindi ko kayang ipasok sa utak ko sa kakaisip sa sinabi niya.Nababaliw na ba ako nito?! Dinungaw ko ang labas. Nakanguso ako habang nakatungkod sa may bintana ng bus. Pauwi na ako ngayon ng bahay. Malayo-layo kasi sa university ang bahay ni Deon. Hindi na ako nag-abalang puntahan pa siya sa main office ng university. Nahihiya ako baka matsis
Nagtaka ako sa nga sinasabi niya. Pilit kong inaalala kung nakipaglandian nga ba ako kanina kay Andy. Wala naman akong natatandaan! Ang alam ko lang, sinabihan ko siyang magbago na at huwag nang manloko pa!"I-i don't understand," naguguluhan kong sabi. "I was not flirting with him. Nagkausap lang kami..."Nanlamig ang tingin niya saakin. "Really?""Yes, Deon. Magtiwala ka saakin, sinabi ko sakaniyang tigilan na niya ako—""Really, Perlm? Gan'yan kababaw ang dahilan mo? Nagkausap lang kayo? Why did you hold his hand then? You're smiling, he hugged you! He placed his head on your shoulder," humalakhak siya. "Really? That's talking, huh?" Umiling ako. Umiling ng paulit-ulit. "Nagkakamali ka. Niyakap niya ako kasi..." hindi ko natuloy ang aking sasabihin at pumikit ng mariin."Because? Dahil ano, Perlm?" naghihintay niyang tugon sa matigas na salita."Kasi...""See? Ni hindi ka nga makadahilan
Pagkatapos kong mawalan ng malay ng gabing iyon ay nadatnan ko na lamang ang sarili kong nakaratay sa hospital cot.The room is white, dull, clean, and silent.I stared at the ceiling for a few minutes. Walang tao. Ang akala ko bubungad saakin si Deon pagkagising ko... ngunit wala, kahit sila mommy at daddy ay wala. Have they found out the truth? What am I going to do if they find out? Will they be able to separate me from him? Hindi ko kaya... I love him to the point where I would give up everything just to be with him. In him, I see my future. I want us to have a big family and a great life together. I want to ... be his partner in life.Alam ko na ngayon. Noong una, iniisip ko kung bakit patay na patay ako kay Andy. Why can't I put him out of my mind? Why did it hurt so much when he broke up me and replaced me with his best friend? Maybe it's because I love him.'Yun ang akala ko. I thought I was in love with him, but I wasn't. I simply enjoy the concept of having a boyfriend.
Perlm Marie Olavin"Contractual marriage, huh?" nakangising sambit ni David. Bahagya akong napaatras. No, this isn't happening. Hindi nila... p'wedeng matuklasan ang totoo lalo na ngayong maayos na ang lahat. "Bakit, Perlm? Ano ba 'yung contractual marriage?" I couldn't respond since my gaze was locked on David, who didn't take his gaze away from me."Want to know what contractual marriage is, manang?" David asked, his gaze is still focused on me."David..." I warned him."Ang alam ko 'yung ikakasal kayo pero may kontrata. Tama ba ako?" Humalakhak si manang."Ah-uh, and why did they have a contract?" His lips curved even more. "Because they don't love each other. They marry for money or other reasons."Mas lalo akong napaatras. Pakiramdan ko'y bibigay ang katawan ko sa sobrang takot na aking nararamdaman. "What's more exciting is... sila Perlm at Deon ay kinasal ng may kontrata. Isn't that surprising, manang?" David added. "Stop!" I cried. Tumingin ako kay manang, gulat na gulat
"Miss Dorothy, uhm, here's mine." I give Miss Dorothy the papers.Nakangiti siya habang kinuha iyon saakin. Sinimulan niyang i-check ang mga papers na ginawa ko ng ilang oras. A lump formed in my throat as I watched her reaction. She appears to be dissatisfied with my work."You're... pretty fast.""Yes po, pero I did my best Miss Dorothy." "I see..." Muli siyang tumingin sa papel at napahilot sa sentido. "Well, you can have your lunch, Miss Fernandez. Wala na sila, ikaw na lang ang natitira. Join them," aniya at tinuro ang office palabas."I w-will. Thank you."Sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi bumuntong hininga sa harap niya. Pag-alis na pag-alis ko ay nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga at pumuntang muli sa cubicle ko. "What did I do? Mali ba ang computation at designs ko?" malungkot kong sabi sa sarili at napa-upo na lamang. She didn't say anything. Kahit sabihin niya lang sana na "not bad" or "you can do better next time", kaso wala... siguro hindi ak
Perlm Marie Olavin My first day. Pinagmasdan ko ang aking sarili mula ulo hanggang paa sa salamin. I can't believe that I'm a certified office worker. It's a good start for me. Paniguradong marami akong matututunan. You can do it, Perlm Marie. Tutal ay binigyan ako ni Deon ng mga tips sa pagiging assistant manager sa isang department kahit na hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi niya dahil wala naman iyong kinalaman sa trabaho niya, sinunod ko na lang at tinatak sa isip ang mga dapat gawin. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko sa kuwarto ay kaagad na akong bumaba. Kita ko agad si Deon na nag-aabang sa living room. Mukhang malalim ang iniisip niya ngunit kaagad niyang napansin ang presensiya ko kahit na nasa hagdanan pa lamang ako. "How are you feeling?" tanong niya nang makalapit ako. He lightly tapped the sofa. I smiled as I sat down. He is staring at me while waiting for my response. Dahil sa ginagawa niyang iyon, mas lalo lang akong kinabahan. "Its not a big deal, Deo
Dapit hapon at araw na ng Biyernes. Diretso kusina si Deon nang makauwi kami, nagtanong kay manang kung ano ang ulam. Bago siya tumungo roon ay napansin kong nilapag niya ang phone niya sa mini table dito sa living room. Susundan ko sana siya sa kitchen ngunit biglang tumunog ang phone. Suddenly something entered my mind to pick up the phone and see what was inside Deon’s phone. There's nothing wrong with that, right?I move over to the small table and take his phone to examine it... I'm surprised it doesn't have a password. Mukhang wala naman siyang tinatago.Una kong pinuntahan ang messages, may message si Sir Andrei pero hindi ko 'yun pinansin, bagkus ay nagscroll-up ako upang tingnan ang past conversations niya sa ibang tao.'Private Investigator'Nagtaka ako roon. Ito 'yung investigator noon na nag-iimbestiga sa pagkamatay ni Meghan. Hindi pa rin ba siya tumitigil sa paghahanap kay Meghan?Nanginginig ang kamay kong pinindot iyon at binasa ang past conversations nila. Ngunit na
Perlm Marie Olavin"Nakauwi na rin tayo!" Nagmamadali kong nilapag ang mga bag at iba pang gamit sa sahig at umupo muna sa sofa upang magpahinga. Masusuka pa yata ako. Sobrang haba ng byahe pauwi!Prente akong umupo ng sofa at pumikit sandali upang langhapin ang amoy ng buong bahay. Nag-iba ang pang amoy ko sa van na iyon. Hindi ko type ang freshener ng sasakyan. Nang namulat ang mata ko ay kaagad dumapo ang tingin ko sa picture frame nilang dalawa ni Meghan. Walang pasabing umawang ang bibig ko at bumaling kay Deon na kinukuha ang mga gamit sa sahig. "H-hindi mo tatanggalin 'yun?" Pasimple kong nginuso ang litrato sa taas ng TV. He fastened his gaze on me. When he noticed the frame, he took a big swallow. My mouth fell open as he took it out of the wall right away."Saan mo dadalhin 'yan?" tanong ko. "I'm gonna throw it later," sabi niya at nilapag sa sahig. Ako naman ang napa-arko ang kilay. "Ako na, inaayos mo pa 'yang mga gamit, e." "Sure," he replied, not even looking at m
Pumungay ang mga mata ko nang makita ko siya. Hinintay ko siyang makarating saaming dalawa ni David at pinagmasdan ng mabuti. "You really don't know your limits, huh?" he said while smirking. Gumalaw ang panga ni David at napatawa ng mahina. "Nagsisimula pa lang ako, Fernandez. Marami pa akong alas, marami pa akong baon. Hindi pa ako tapos sa'yo!" Muli akong nagtaka sa kilos at pagsasalita ni David. Malalim at buo ang boses niya habang nagtatagalog. Kita rin sa mga mata niya ang sukdulang galit. Umigting ang panga ni Deon. Nahuli ng mata ko ang kamay niyang dadapo sana kay David pero mabilis ko iyong nakuha at napigilan siya. "You are drunk, let's just go to our room."Bumaling ang tingin niya saakin. "Perlm, I'm not drunk. I've been trying to keep myself from hurting this jerk. Hindi na ako makapagpigil pa," bulong niya.Mariin akong pumikit at marahang umiling. "Let's talk, Deon. About this. About us..." I murmured.David burst out laughing. "Do it, Perlm! Sabihin mo sa asawa
Perlm Marie OlavinMabibigat ang aking paghinga. Dinig na dinig ang bilis ng tibok ng puso sa sobrang kaba na aking nararamdaman. All I can do is remain mute while observing his silence.I could kill myself right now. Nandidiri ako. Nagpahawak ako kay David. Hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam.... I'm such a fool. Being cheated is painful... But it hurts even more when your husband thinks you are cheating on him. Parang guguho ang mundo ko.My eyes are starting to tear up."I'm sorry, Deon..." sa wakas ay may lumabas na sa bibig ko, ngunit mahina lang iyon at malayo ako sa kaniya. Nasa gilid ako ng pintuan, nakaupo. Naroon siya sa dulo, nakasandal sa pader habang nakapikit. Matagal ko siyang pinagmasdan. Tinitigan. Gusto kong lumapit, gusto ko siyang hawakan, gusto kong sabihin sa kaniyang hindi ko iyon gusto. Gusto kong linawin sa kaniya na pagkakamali iyon... ngunit paano? Natatakot ako. Natatakot akong mainsulto ulit. Natatakot ako sa gagawin niya kapag nagpaliwanag ako. Nang
"Let's go!" "Be careful, Amy! Kitang kita na kaluluwa mo sa suot mo na 'yan!" pagbawal ni Rosie kay Amy. Si Amy naman ay walang tigil sa pagtatalon, parang batang nakawala sa kulungan. Narito kami ngayon sa pampang ng dagat. Napag-isipan naming lumabas lalo na't sumilay na ang araw at excited na kaming magtampisaw sa dagat.Kaming dalawa ni Mildred ang naiwan dito dahil sinamahan na ni Rosie si Amy. Lumingon ako kay Mildred. Ngumisi ako nang maalala ang mga kinwento niya kagabi. Seriously, Manong was fantastic because he was able to win Mildred's heart. Hindi ako makapaniwala noong una pero ngayon... totoo nga. Sila ngang talaga! "Sorry, Perlm. Ang dami kong chika kagabi, hindi ka tuloy nakatulog sa kuwarto niyo ni Deon," aniya. "It's fine. Nag-enjoy nga ako..." tumawa ako ng mapakla, mas mabuti nga iyong natulog kaming dalawa ni Mildred sa ibang kuwarto, natakasan ko si Deon sa kung ano mang gusto niyang gawin saakin. Bahala siya, mag-isa siya roon sa kuwartong iyon! Wait? Baki