Share

Chapter 1

Author: EL Keysi
last update Last Updated: 2023-11-24 23:01:35

"Magtititigan na lang ba tayo?" nakataas ang kilay na tanong ni Nova sa aming apat. Muli kaming natinginan bago sabay-sabay na tumikhim.

"Let's start discussing where we should hold our group activity meeting. Any suggestions?" tanong ko sa kanila.

"Pwede namang inside the school nalang," Lei suggested.

"Nope," Nova disagreed immediately. "Mas nakakapag-focus tayo kapag may certain place na tayo lang ang nandoon," she explained. "Kaninong bahay ang available?"

Mahina akong binunggo ni Zayd sa balikat. "Ekis na kaagad kila Avril. Baka nandoon ang parents. Huwag na lang, oy!" sabi nito na parang umakto pang kinikilabutan.

Agad ko siyang tiningnan nang masama. "That's rude."

Humalakhak si Brix. "Gago ka talaga. Kaya ayaw sa atin ni Tita kasi nararamdaman niyang ayaw din natin sa kaniya, eh."

"Focus, please," pagkuha ni Nova sa atensyon namin habang masama na ang tingin sa dalawang lalaking kaibigan. "Kaninong bahay nga? Wala tayong matatapos kung puro ganito tayo ngayon."

"I can't suggest our house since medyo malayo," muling sabi ni Lei.

"Pwede namang sa bahay kung gusto niyong mahabol muna ng aso bago makapasok sa loob," kibit-balikat na sabi naman ni Zayd.

Nova sighed. "Hindi rin pwede sa bahay. Alam niyo naman na kung bakit," sabi nito.

Dahil doon ay sabay-sabay kaming tumingin kay Brix na ngayon ay prente lamang na nakaupo at nagmamasid-masid sa paligid.

"What?" nakataas ang kilay na tanong niya nang mapansin ang tingin namin sa kaniya. "Ano na naman? Nakikinig kaya ako," depensa niya.

"All set then, sa bahay niyo tayo," Nova said in finality.

"Luh!" mabilis na apila niya. "Ayoko! Huwag sa bahay! Nandoon si Kuya tapos---"

"We can deal with that after, wala na tayong ibang choice. Masyadong maliit at magulo ang bahay namin kung doon niyo ulit gusto," putol ni Nova sa kaniya.

"Oo nga naman, pare," sabi ni Zayd bago umakbay sa kaniya. "Nakakahiya na rin kila since palagi nalang tayong nandoon kila Nova. Imbes na ipambili niya nalang ng pagkain nung dalawang kambal, ipinagbibili niya pa ng meryenda natin."

"Hindi naman 'yan ang isyu. Ang akin lang, ang daming distractions sa bahay lalo na dahil may mga bata at---"

"We don't really have a problem with your house, Nova, please," marahang putol ko sa kaniya.

Sa tagal na naming magkaibigan ay ayoko talagang nararamdaman ni Nova na malaking problema ang status nila sa buhay. Yes, their house is small unlike ours but I don't want her to feel down dahil lang doon. Malinis at maayos ang bahay nila.

"Wala naman talagang problema pero alam niyo namang nagbabanda si Kuya. Hindi tayo makakapag-focus sa ingay ng mga instruments niya," Brix reasoned out.

"Pwede naman siyang kausapin ni Avril!" baling ni Leizie sa akin.

Agad na nanlaki ang mga mata ko. "Huh?!"

"Para naman magkaroon ulit kayo ng interaction ng crush mo! Go girl, grab the opportunity!" she cheered me.

"Yuck naman! Crush mo pa 'yon nung grade 10 tayo, second year college na tayo!" nandidiring sabi ni Brix.

"She's head over heels kaya sa Kuya mo! Duh?" maarteng sabi ni Leizie habang panay ang pagkiliti sa akin.

"Ayoko. Nahihiya ako," tanggi ko. "Ikaw nalang, Brix. Besides, he's your brother."

Malakas na bumuntong-hininga si Nova. "Ako nalang ang kakausap kung 'yan ang problema niyo."

Sa huli ay wala na ring nagawa si Brix kung hindi ang pumayag na sa bahay na nila kami gagawa ng group activity.

"Bakit namumula ka?" pang-aasar ni Leizie sa akin nang magsimula na akong magmaneho. Under maintenance kasi ang kotse niya kaya sa akin siya sumasabay ngayon.

"Oh, please. Stop it, Leizie. Hindi ko na crush si Kuya Mikko," sawang-sawa nang sabi ko sa kaniya. I already told them about it a lot of times pero parang wala silang naririnig.

"Weh? Parang last week lang kinikilig ka nung nakasalubong natin siya habang bumibili ng school supplies, ah?"

I sighed. "I swear, hindi ko na siya crush. Huwag niyo rin akong aasarin lalo na kapag nandoon na tayo sa kanila. Nakakahiya kaya."

She laughed. "Well, hindi mo naman siguro kami mapipigilan. Alam mo na..."

"Ibababa kita rito kung hindi ka titigil," banta ko sa kaniya kaya naman umakto siyang zini-zipper niya ang bibig niya.

Sa aming lima, ang bahay talaga nila Brix ang pinakamalapit sa RU. Bihira nga lang kami pumunta dahil tuwing may vacant ay doon kami sa favorite spot namin para mag-ubos ng oras.

"Sa living room nalang tayo. Nasa taas mga kaibigan ni Kuya, may inaaral daw silang bagong kanta," sabi ni Brix na galing sa taas.

Sa pagkakaalam ko, may music room naman sa bahay nila at soundproof iyon pero sa tuwing mayroon daw ang mga kaibigan ni Kuya Mikko ay mas gusto nilang sa may veranda sila tumutugtog. Magka-iba kasi iyong mga ka-banda niya sa mga kaibigan niya.

"Magpapahanda lang ako ng meryenda. Saglit lang," paalam niya bago muling umalis.

Tahimik kong nilapag ang mga gamit ko at nilabas ang phone ko nang maramdaman ko iyong nag-vibrate.

Mommy:

Make sure to be home before 5 pm

Me:

Okay po

Pinatay ko na ang cellphone ko at nilabas na iyong laptop para makapag-take down notes ako sa mga mapag-uusapan namin sa meeting.

Our meeting is about our plans for incoming freshmen week. Since we are all selected to be part of the Council of Leaders, kami ang inatasan ng student coordinator namin lalo na dahil kami ang mga former freshmen students. For the record, we are in our second year of college taking a BS in Tourism Management.

"Okay, let's talk about the activity itself. Any suggestions on what we should do?" Nova began.

Nova was like the mother of our group kaya sa tuwing siya na ang nagsasalita ay tahimik na talaga kami. Si Lei, she's the loud one. Sobrang nipis ng boses niya pero mahilig siyang sumigaw. Siya rin ang pinaka-talkative sa aming lima. Sila Zayd at Brix naman halos same lang ng personality, mas mabilis nga lang mapikon minsan si Zayd.

"Go ahead. I'll take down notes everything," sabi ko sa kanila habang nakatuon na ang paningin sa laptop.

"Ideas, anyone?" tanong ni Nova sa amin.

"How about a campus tour on the first day? Show the freshmen around, familiarize them with the facilities, and maybe end with a welcome lunch at the campus cafeteria," suggestion ni Zayd.

Leizie immediately agreed. "Let's add an orientation session where we introduce them to various student organizations and clubs. It'll give them a glimpse of the campus community and encourage involvement."

"Pwede ring magdagdag ng team-building activities. We could organize games and challenges to help freshmen bond with each other and make new friends," sabi naman ni Brix.

Umayos ako nang upo bago nag-angat ng tingin sa kanila. "How about a talent show or a showcase of student performances? It would give them a platform to display their talents and interests."

Tumango-tango si Nova sa mga suggestions na binigay namin. "Okay, and for the last day, we could organize a themed party. It would be a fun way to wrap up the week and help them relax before classes start."

Hinayaan ko na muna silang magpatuloy sa pag-uusap bago ko inayos iyong mga suggestions na binigay namin. It took me twenty minutes to finally finish organizing everything.

"Okay," sabi ko bago tumayo at ipinatong ang laptop sa mesa para makita rin nila. Lumipat naman sila ng upuan at nagsisiksikan sa isang mahabang couch.

"Lakasan mo 'yong brightness. Hindi ko makita," utos ni Brix habang naniningkit na ang mga mata habang nakatingin sa laptop ko.

"Sorry!" mabilis na paumanhin ko bago sinunod ang sinabi niya. Hindi kasi ako sanay na malakas ang brightness ng laptop ko. I don't want to hurt my eyes.

"Okay, let's break it down by day. Day 1: Campus tour and welcome lunch. Who wants to take charge of organizing this?" tanong ko sa kanila.

"I can handle the logistics for the campus tour and liaise with the cafeteria for lunch arrangements," Zayd volunteered.

"Sus, alam ko na kung bakit," pang-aasar kaagad ni Brix sa kaniya kaya pabiro niya itong sinakal.

"I'll organize the orientation session. I already have some contacts in the student organizations we can reach out to," singit ni Leizie.

"Okay, we can---" natigilan ako sa pagsasalita nang biglang tumunog ng malakas iyong drum galing sa taas.

Napahawak kaagad ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Hindi talaga ako pwedeng nagugulat bigla-bigla!

"Gagi!" gulat ding sabi ni Brix. "Kuya!!!"

Pinapakalma ko pa rin ang sarili ko nang maya-maya lang ay may marinig akong boses mula sa likuran ko.

"Sorry. Nahulog ko kasi 'yong cellphone ko. Nagulat ba kayo?" tanong nito. Para akong napako sa kinatatayuan ko at ilang beses na kumurap-kurap.

"Ay, hindi! Baka kasi ang lakas ng tunog kaya hindi kami nagulat, 'di ba?" sarkastikong sagot ni Brix sa kapatid.

"Hi, Kuya Mikko!" Leizie greeted her. "Hindi naman po kami nagulat pero si Avril po, oo! Magugulatin po kasi talaga 'yan."

Agad ko siyang pinanlakihan ng mga mata nang marinig ang sinabi niya. Dahil doon ay naramdaman kong bumaling sa akin si Kuya Mikko.

"I'm really sorry about that. That's so careless of me," paumanhin niya kaya naman kahit nahihiya ay unti-unti akong humarap sa kaniya.

"Okay lang po," mahinang sagot ko.

"Umakyat ka na nga! Nagme-meeting pa kami, Kuya! Kapag nawala sa focus si Avril, kasalanan mo!"

"Gago," mahinang mura ni Zayd habang nagpipigil ng tawa.

"He smiled and talked to you! You're blushing!" tili ni Leizie nang tuluyan nang maka-akyat si Kuya Mikko.

"Stop it!" suway ko sa kaniya. Kahit kailan ay siya talaga ang pasimuno pagdating sa mga ganito!

"Tama na 'yan, namumula ka na masyado," natatawa pa ring sabi ni Zayd bago bumalik sa pagkaka-upo.

Si Nova naman ay nakatakip lamang ang mga kamay sa dalawang tainga dahil sa impit na lakas ng boses ni Leizie. Silang dalawa kasi ang magkatabi kaya ang tainga niya ang sumasalo sa lakas ng boses nito.

"Okay, back to the meeting!" Brix clapped his hands to get our attention.

Tumikhim ako. "Where are we again?" tanong ko.

"Tsk," sabi ni Brix. "Ako na ang bahala sa team-building activities. I'll come up with exciting games that'll get everyone involved and energized."

Nilagay ko iyong sinabi niya bago bumaling kay Nova dahil siya na lang ang hindi pa nagsasalita.

"I'll take on the talent show. We'll need a sign-up sheet and a rehearsal schedule. I can manage that."

"Okay!" I clapped my hands and added what she said. "For the themed party, let's brainstorm themes. Any suggestions?"

Sabay-sabay silang aktong nag-iisip kaya wala rin akong nagawa kung hindi ang tumingin online ng mga possible themes.

"Retro-themed party kaya?" tanong ni Leizie.

"Bakit retro?" tanong kaagad ni Zayd sa kaniya.

"Everyone could dress up from a specific era, and we could have old-school music and decorations."

"I like that idea," Nova agreed. "We could also consider a beach-themed party for a more relaxed atmosphere."

"Okay! Let's keep those options and finalize later," sabi ko sa kanila bago muling kinuha iyong laptop ko para ayusin ulit ang mga nadagdag.

Dahil marami naman na kaming napag-usapan ay nag-meryenda na kami. Nagkukwentuhan lang sila tungkol sa mga bagay-bagay habang sinisingit ang bigla-biglang pang-aasar sa akin kaya naman hindi ko na lamang sila pinapansin at nagpatuloy na lang sa ginagawa.

"Magmeryenda ka na muna," sabi ni Nova sa akin. Tinanggap ko iyong binigay niyang bread and juice saka nilagay sa tabi ng laptop ko.

Nasa kalagitnaan kami ng asaran nang muling bumaba si Kuya Mikko kaya naman natahimik ulit ako.

"Ano nanaman?" masungit na tanong ni Brix sa kapatid nang mapansin niya ito.

"Susunduin ko lang sa labas si Sean," sabi nito bago dere-deretsong naglakad palabas.

"Sobrang pogi!" komento ni Leizie. Makahulugan siyang tumingin sa akin.

"Can you stop?" tanong ko sa kaniya. "I can take your words teasing me about him but not when he's around. Nakakahiya kaya!"

"Alam mo namang hindi nakukumpleto ang araw niyan hangga't hindi ka niya napipikon," natatawa na sabi ni Zayd.

"Sorry na! Ayaw mo ba akong maging bridge ng lovelife niyo?"

"Naging crush ko lang siya. I don't have any plans on being his girlfriend!" I defended myself.

"Sus!" pagpapatuloy niya kaya naman umiling na lamang ako at ibinalik na ang atensyon sa laptop.

Maya-maya lang ay muling bumukas ang pinto kaya naman awtomatikong napunta roon ang paningin ko. Pumasok si Kuya Mikko na may kasamang isang lalaki.

Hindi sila lumingon sa gawi namin dahil mukhang may importante silang pinag-uusapan kaya naman nanatili ang tingin ko sa kanila hanggang sa makarating sila sa taas at tuluyang mawala sa paningin ko.

Matangkad si Kuya Mikko at maputi pero mas matangkad at mas maputi iyong kasama niya. Hindi ko masyadong nakita iyong mukha niya kahit na alam kong sa kaniya nakatingin ang mga mata ko imbes na kay Kuya Mikko.

"Si Kuya Sean 'yon 'di ba?" rinig kong tanong ni Leizie. "Omg! Tama lang talagang dito tayo nag-meeting!"

"Ano ba? Ang nipis-nipis ng boses mo pero grabe ka kung makasigaw, ang sakit sa tainga!" nakasimangot na reklamo ni Zayd sa kaniya.

"Heh! Palibhasa hindi ka crush ng crush mo kaya bitter ka! Bawal bang kiligin kasi nakita ko ngayong araw ang isang Sean Alexis Ryker?"

Bahagyang tumaas ang isang kilay ko. He's a Ryker? Popular ang apelyido na iyon dahil sila ang may-ari sa University na pinapasukan namin ngayon pero bihira ko naman silang makita sa campus dahil hindi naman ako mahilig kumilala ng ibang tao.

Naubos na ang oras namin sa pagkukwentuhan at hindi ko pa mamamalayan ang oras kung hindi pa tumunog ang cellphone ko para sa alarm.

"Hinahanap ka na ata sa inyo," sabi ni Nova bago tumingin sa oras. "Mag-aalas singko na pala. Tara na, baka mapagalitan ka pa kay Tita."

Hindi ako umimik. They knew how strict my parents are kaya naman pagdating sa mga ganito ay sila pa mismo ang nagre-remind sa akin sa oras ng pag-uwi ko.

"Okay lang naman," sabi ko.

"We've got our plan outlined. Mag-meet nalang ulit tayo bukas to finalize the other details," sagot ni Nova sa akin kaya naman wala na rin akong nagawa.

Hindi na sumabay sa akin si Leizie pauwi dahil out of the way na iyong sa kanila kaya kay Zayd nalang siya nakisabay.

"I told you to be home before 5 pm. You're ten minutes late," bungad sa akin ni Mommy pagpasok ko sa loob.

"Sorry po, traffic po kasi," paumanhin ko.

"Go to your room and get dressed. I have already arranged your clothes and accessories. Move quickly, Janniza," may awtoridad na utos niya sa akin.

"Where are we going?"

"We're attending a business party tonight. Don't ask any more questions. Umakyat ka na at magbihis."

Sinunod ko ang sinabi ni Mommy at nagmadali na akong nagbihis at nag-ayos sa sarili. Naabutan ko silang dalawa sa living room na abala sa mga sarili.

"Greet everyone politely and always smile. Is that clear, Janniza?"

I gulped. "Yes, Mom."

The venue is filled with elegantly dressed party guests mingling and socializing. We entered the venue, putting on our best smiles and portraying the image of the perfect family.

"Let's show everyone how perfect our family is," mahinang bulong ni Mommy bago sinalubong ng ngiti ang mga tao.

"Welcome, Ventura family! We're delighted to have you here. The party is in full swing. Please enjoy the evening!" The host welcomed us.

Tahimik lamang akong nakasunod sa kanilang dalawa na panay ang bati sa bawat taong nakakasalubong namin.

"I'm with my daughter and wife," rinig kong sabi ni Daddy. Bumaling sa akin si Daddy. "This is my lovely daughter, Janniza Avril. This is Mr. Leander Ryker and this is his wife, Mrs. Shane Ryker."

"Good evening po," magalang na bati ko bago inalok ang kamay sa kanila na malugod naman nilang tinanggap.

"Such a lovely daughter, indeed," she complimented me kaya naman nahihiya akong ngumiti sa kaniya.

"We're with the boys but I don't know where they are. They're just probably around," bahagyang tumawa iyong lalaki na mukhang ka-edad lang din ni Daddy.

"What year are you in, by the way? I heard you're enrolled in RU?" baling sa akin ni Mrs. Ryker.

"Second year po. Taking BS in Tourism Management," magalang na sagot ko.

"Wow! That explains your poise and looks! Can't wait to see you on board."

"I keep on asking her to enter modeling nga, eh," singit ni Mommy.

"As you should," matamis siyang ngumiti sa akin. "If I'm not mistaken, you're one of the faces of RU during your senior high school, right?"

"Opo..."

"Oh, that's why you're really familiar!"

As the evening progresses, we keep up the act, showcasing a facade of perfection and happiness.

"Bathroom break po," paalam ko kay Mommy.

"Go back immediately," utos niya sa akin kaya tumayo na ako kaagad.

I was new here kaya naman hindi ko alam kung nasaan ang comfort room. I was just looking around nang may mabunggo ako. Dahil doon ay bahagya akong natapilok.

"Sorry!" I immediately apologized.

"I should be the one saying that. May masakit ba?" tanong nito sa akin.

Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyon. Kung hindi ako nagkakamali, siya iyong kaibigan ni Kuya Mikko na dumating kanina.

"May masakit ba?" ulit niya sa taong niya.

Mabilis akong umiling. "Wala naman po," tipid na sagot ko.

"Hold on, you're familiar," biglang sabi niya kaya naman muli akong napatingin sa kaniya. "You're that girl from Mikko's house earlier, right?"

"How did you know?" curious na tanong ko. Nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa kaniya. He saw me? I'm sure na hindi siya tumingin sa gawi namin habang paakyat sila dahil nakatingin ako sa kaniya the whole time.

"Yes. The one holding the laptop, right?"

I nodded. "Pero hindi ka naman po tumingin sa pwesto namin," wala sa sariling sabi ko.

"Oh, I literally saw you," aniya. "You look good with that blue ribbon clip, by the way."

Related chapters

  • Love Beyond the Horizon   Chapter 2

    "I'm going, Mom," paalam ko sa kanila habang kumakain sila ng almusal."Where are you going? It's Saturday.""May meeting po kami for the upcoming freshmen week. Uuwi rin po ako kaagad pagkatapos," sagot ko.Inaantok akong nagmaneho patungo sa bahay nila Brix. Halos sabay kaming dumating ni Zayd kaya naman siya kaagad ang nakapansin sa itsura ko."Halatang puyat, ah. Late natapos 'yong party? Dapat nagsabi ka para binago nalang 'yong call time," sabi niya sa akin habang naglalakad kami papasok."Okay lang," tipid na sagot ko.Pagkarating namin sa living room ay nilabas ko na kaagad iyong laptop ko para makapagsimula na kami sa meeting."How was the party last night?" they asked me habang hinahanda ko ang laptop.I sighed. "As usual... maintaining the illusion of the perfect family throughout the party," tamad na sagot ko."Huy, grabe ka! Natututo ka na talaga sa aking huwag lagyan ng filter ang bibig," tuwang-tuwang sabi ni Leizie dahilan kung bakit siya kaagad ginawaran ng masamang t

    Last Updated : 2023-11-24
  • Love Beyond the Horizon   Chapter 3

    "Go home early, Janniza Avril. No more hanging out with your friends ," bilin ni Mommy sa akin bago ako tuluyang makaalis ng bahay.I was in the mood. Nilagay ko iyong payong ni Kuya Sean sa tote bag ko bago ako bumaba ng kotse. Marami na akong naabutang freshmen near the University entrance. They were gathered depends on the color of their shirts which define their chosen programs."Welcome, everyone, to our university! We're thrilled to have you here. Let's start off with a campus tour so you can familiarize yourselves with your new home," energetic na panimula ni Zayd habang nakatayo sa gitna.The tour proceeds, with the students enthusiastically exploring the campus, asking questions, and absorbing information."Over here is the main academic building, where you'll have most of your classes. It's always bustling with activity and a great place to meet fellow students."Sabay-sabay silang tumingin sa tinuro ni Zayd na kahit kami ay napantingin na rin. Nasa gilid lang kami ni Zayd h

    Last Updated : 2023-11-24
  • Love Beyond the Horizon   Chapter 4

    "Have you seen that? He was looking at me!" kinikilig na sabi ni Leizie habang hindi pa rin maka-move on sa performance ni Kuya Sean."I don't think so," Zayd disagreed. "Sa pwesto ata siya ni Avril nakatingin, eh?" hindi pa siguradong dagdag niya.Tumikhim ako sa sinabi niya at hinayaan na lamang silang magsagutan ni Leizie tungkol doon. Natigil lamang iyon nang dumating sila Kuya Mikko at Kuya Sean sa table namin."Hi, Kuya Mikko!" mabilis na bati ni Leizie bago lumapit sa akin para sikuhin ako. "Ang galing mo raw mag-perform kanina sabi ni Avril!" nagtaas-baba ang kilay niya sa akin."Thank you," Kuya Mikko chuckled."Kuya Sean!" pagkuha ni Brix sa atensyon nito. "Sinong pumilit sa 'yong tumugtog? Ang kung sinumang nakapagpapayag sa 'yong kumanta ngayong gabi ay deserve ng isang malaking reward!" he shouted."I just felt like performing tonight," nakangiting sagot ni Kuya Sean. Mula kay Brix ay nilipat niya ang paningin sa akin. Mabilis niya akong ginawaran ng ngiti kaya naman gano

    Last Updated : 2023-11-24
  • Love Beyond the Horizon   Chapter 5

    "Janniza Avril!" malakas na sigaw sa akin ni Leizie. Taka kaagad akong tumingin sa kaniya.Today marks our official first day of school kaya naman maaga akong pumasok para hindi ma-late. Ayaw din kasi ni Mommy na nagkaka-record ako ng mga ganoon."Hindi ba ay si Kuya Mikko naman ang crush mo?" pangkukumpirma niya sa akin."Ha?" naguguluhang tanong ko."May rumor na kumakalat. May nakakita raw sa inyo sa convenience store!" dagdag niya."Huh? Kaming dalawa ni Kuya Mikko?" takang tanong ko habang nakaturo pa sa sarili."With Kuya Sean!"Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Does it mean that someone saw us that night and misunderstood the situation?"Bakit kayo magkasama ng love of my life ko?!" nanlulumong tanong niya sa akin."Leizie..." suway ni Nova. "Umagang-umaga ang lakas-lakas ng boses mo.""Love of my life. Corny amputa. Umagang-umaga 'yan ang naririnig ko," nakasimangot na sabi ni Zayd bago muling dumukdok sa mesa.Mas lalo siyang sumimangot bago sumalampak sa armchair ni

    Last Updated : 2023-11-24
  • Love Beyond the Horizon   Chapter 6

    "Wala akong ibang masabi. Basta ang gwapo ni Kuya Sean kanina habang nakikinig. Alam niyo bang sa atin lang siya nag-angat ng tingin? I was watching him the whole time pero ni minsan hindi ko siya nakitang tumingin sa ibang presenters bukod sa atin!" pagdadaldal nanaman ni Lei."Ano? Sasabihin mo nanamang tumingin siya dahil sa 'yo?" nakataas ang kilay na tanong ni Zayd sa kaniya. "Hindi na naman ata na-off ang pagiging delulu mo.""Alam mo, epal ka talaga 'no? Can't you support your beautiful friend?""Ha? Beautiful?" Nilapit ni Zayd ang mukha niya kay Lei na para bang may hinahanap. "Saan part?""Zaydrielle!!"Nawala ang atensyon ko sa kanila nang mag-vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko kaagad iyon at nakitang may bagong message galing kay Kuya Sean.Kuya Sean:You did a great job today. Your answers were great. Congrats to you and to your friends, I heard your group got the highest score.I smiled and quickly typed my reply.Avril:Thank you so much po. I was actually nervous wh

    Last Updated : 2023-12-01
  • Love Beyond the Horizon   Chapter 7

    "Okay na?" nakangiting tanong niya sa akin. It took me almost half an hour to prepare bago ako tuluyang lumabas ng room."Yup. Matagal ka po bang naghintay?"Umiling siya. "Kakalabas ko lang din," he answered. "You look gorgeous."Nag-iwas kaagad ako ng tingin sa kaniya pagkatapos niyang sabihin iyon. I really don't know how to accept compliments lalo na kapag sinasabi nila iyon habang deretsong nakatingin sa akin."Let's go?"He lends me his arms so I can hold on to him because I am wearing my heels. I got conscious when I felt that everybody was stealing a glance at us lalo na dahil sabay kaming pumasok dalawa."Don't mind them," bulong niya sa akin, bahagya kasing bumagal ang lakad ko. "Walk elegantly, ipakita mo kung sino ka," biro niya pa kaya naman sabay kaming mahinang tumawa."Sweetie!" malaki ang mga ngiti sa labi ni Mommy nang makalapit kami sa kanila. Humalik ako sa pisngi nilang dalawa ni Daddy bago humarap sa parents ni Kuya Sean."Happy wedding anniversary po!" nakangiti

    Last Updated : 2023-12-03
  • Love Beyond the Horizon   Chapter 8

    Bumusina siya ng tatlong beses bago tuluyang umalis kaya naman pumasok na rin ako sa loob. I was still expecting Mom to be in the living room kaya lang ay nakita kong paakyat na siya sa kwarto niya.Nilapitan kaagad ako ni Manang. "Maghapunan ka na, 'nak. Nagluto ako ng sinigang na baboy."My face lightened up a bit. "Talaga po?""Halika na."Si Manang ang naghanda ng pagkain ko maging ang juice na iinumin kaya naman naparami ang kain ko. Sinigang na baboy by Manang is my ultimate favorite dish talaga."Kamusta ang pag-aaral?" tanong niya sa akin."Okay lang po.""Kamusta naman iyong crush mo? Iyong kapatid ni Brix?" pang-uusisa niya.Mabilis kong nilunok ang pagkain ko. "Hindi ko na po crush si Kuya Mikko, Manang. Matagal na rin po.""Talaga ba? Kung ganoon ay si Sean na?"Nabulunan ako dahil sa tanong sunod na naging tanong niya. "Paano niyo po nakilala si Kuya Sean?""Nako, paanong hindi? Sa lahat ng bisita rito nung birthday ng Daddy mo, maliban sa mga kaibigan mo ay siya lamang a

    Last Updated : 2023-12-03
  • Love Beyond the Horizon   Chapter 9

    We didn't do that much naman aside from walking around and window shopping. The only thing he bought was the slides that he gave to me. Nang mag-alas sais ay tumawag si Mommy sa akin kaya naman siya na ang kumausap kay Kuya Sean para yayaing mag-dinner."Sorry po, nagiging hobby na ni Mommy na iinvite ka for dinner," paumanhin ko nang pareho kaming makababa sa sasakyan.Iniwan ko muna siya kay Mommy sa living room bago umakyat sa kwarto ko para makapag-shower. Nagsuot lang ako ng simpleng tank top at black maong shorts. Ginamit ko na rin iyong slides na binili niya sa akin because it somehow feels comfy sa paa ko."How was your prelims exam?" baling ni Mommy sa akin habang kumakain kami."I just had a hard time with the essay questions but all in all, I think I did a great job naman po," magalang na sagot ko."You think?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.Tumikhim si Daddy. "Let's not talk about that in front of the food," seryosong sabi ni Daddy. "Your charity work will happen

    Last Updated : 2023-12-05

Latest chapter

  • Love Beyond the Horizon   Epilogue

    "Nasaan ka na? Napakatagal naman nito. Galing ka bang ibang bansa? Mag-iisang oras na 'yang on the way mo!" sunod-sunod na talak ni Mikko pagkatapos kong sagutin ang tawag niya."Traffic nga. Anong gusto mo, lumipad ako?" tanong ko sa kaniya habang nasa daan pa rin ang tingin.He asked me to come to their house to help him in practicing new songs. Wala naman akong ginagawa kaya pumayag na lang din ako."Tawagan mo ako kapag malapit ka na."Pinatay na niya ang tawag kaya muling tumahimik sa kotse ko. When I arrived at their house, mabilis kong kinuha ang cellphone ko para tawagan siya. I can just enter their house but when I went to the front door, wala sa sarili akong napasilip sa glass window nila at nakitang nandoon si Brix kasama ang mga kaibigan niya.I stopped dialing Mikko's number and unconsciously looked at the girl with the blue hair clip. She was busy telling something while her friends were in full ears. I can't help but to smile while looking at her. She really looks hands

  • Love Beyond the Horizon   Chapter 45

    "I'm doing fine," I told her a few minutes after being silent. "Sean is always taking care of me.""I'm really glad to hear that," tumatangong sabi niya. "To be honest, I--- I really have something to tell you.""What is it?" tanong ko kaagad."I'm opening a small restaurant tomorrow. I know this is too much to ask but I still wanted to invite you for the mini opening."I bit the inside of my cheeks when I heard. She's opening a restaurant? Bata palang ako alam kong magaling talaga si Mommy when it comes to business and knowing the family she came, alam kong hindi naman siya mahihirapang magsimula ulit."May I know the other details?" I asked her, remaining a poker face."Eight in the morning," she said. "Don't worry. My family isn't coming. I only invited you and some of the staff and people I know personally.""Titingnan ko po," tipid na sagot ko kahit na alam ko sa sarili kong pupunta ako. Of course, I would still love to come. I wanted to show her support."You can invite Sean if

  • Love Beyond the Horizon   Chapter 44

    My life went on normally. Wala namang nagbago bukod sa palaging nakadikit sa akin si Sean. Sa tuwing wala akong flight ay gumagawa talaga siya ng paraan so he can stick beside me. Hindi ko alam pero napansin kong habang tumatagal ay mas nagiging clingy siya lalo sa akin and I'm not complaining."Hug?" tanong sa akin ni Sean, pumipikit-pikit pa ang mga mata niya dahil kakagising niya lang din. Nakatulog kasi siya kagabi habang nanonood kami ng movie kaya hindi ko na lang din siya ginising pa.I extended my arms on him to give him a hug. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at sa sobrang aggressive ng pagkakayakap niya sa akin ay napasandal ang likod ko sa backrest ng sofa."Clingy mo, ah?" natatawang tanong ko sa kaniya habang bahagyang sinusuklyan ang buhok niya gamit ang daliri ko."Love..." he called me, his eyes still closed. "Can I ask you a question?"Bahagya akong tumawa. "You're already asking me na," I said.Nagmulat siya ng mga mata bago maingat na inabot ang kamay ko. Maraha

  • Love Beyond the Horizon   Chapter 43

    "Nagkabalikan na nga kayo?"Napapikit ako nang muling itanong ni Lei sa akin iyon. Alas sais palang ng umaga nang dumating siya dito at hanggang ngayon ay tinatanong niya pa rin iyon kahit na ilang beses ko na rin siyang sinagot."Balak mo bang itanong sa akin 'yan hanggang matapos ang araw na 'to?" nauubusan na ng pasensya na tanong ko sa kaniya."Hindi naman." Umiling siya. "Wala. Hindi na kita magagawang maid of honor niyan kasi kailangan partner kayo ni Kuya Sean," she pouted."Pwede mo pa rin naman akong gawing maid of honor. Ano naman kung hindi kami partner?" tanong ko."Mas maganda kung partner kayo!" she suddenly shouted kaya naman bahagya akong nagulat. Tumayo siya para lumapit at umupo sa harapan ko. Tahimik niyang inabot ang dalawang kamay ko bago hinawakan iyon."Are you happy?" seryosong tanong bigla sa akin.Matagal ko siyang tinitigan sa mukha bago unti-unting tumango bilang sagot. "Of course, Lei. I am beyond happy.""Is this really what you want? Are you sure you can

  • Love Beyond the Horizon   Chapter 42

    "What the hell was that?! Why did he kiss you on your forehead?!"As soon as Sean left, Lei immediately dragged me inside the house. Nanlalaki ang mga mata niya na parang naguguluhan sa nasaksihan kanina."Oh my God! Nagkabalikan na ba kayo?! Ano? Kayo na ulit?! Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin?! I should be the first one to know!"Napasapo ako sa noo ko. This is the reason why I prefer to tell them in a nice way. Kung biglaan kasi, talagang ganito rin ang magiging reaksyon ni Lei."Kanina lang, okay? Nag-usap kami kanina," sagot ko."Kanina?! During our engagement party?! So, naging tulay pa pala itong party namin sa inyo?"Nagkibit-balikat ako. "Siguro. Parang ganun na nga.""Bruha ka!"Kung hindi lang siguro pagod at nakainom si Lei ay talagang aabot kami ng umaga para makwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari simula noong alumni party.The next day, tinanghali na ako ng gising. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over kaya naman naligo na ako bago tuluyang bumaba para

  • Love Beyond the Horizon   Chapter 41

    "Where are you confused, Ril? For what specific reason are you confused?"Napayuko ako at marahang minasahe ang sintido ko. Masakit na ang ulo ko kakaisip sa mga kung anumang pwedeng mangyari."I don't know," tanging nasabi ko na lamang."Is it about your ex?"Unti-unting akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Kahit kailan ay hindi niya sinubukang magtanong tungkol sa ex ko o tungkol kay Mommy dahil alam niyang sensitive ang topic na iyon sa akin.He licked his lower lip when he saw my reaction. "Does he... hurt you? Does he make you cry? What did he do to you?"'Mabilis akong umiling sa kaniya bilang sagot. "We just talked. I gave him the closure that he had been wanting. Sinabi ko na sa kaniya lahat...""Does he... want to reconcile?""Hindi ko alam," mahinang sagot ko. "I've been wanting to contact him. Pero hindi ko magawa... hindi ko kaya.""Do you..." Napakagat siya sa ibabang labi niya bago pinasadahan ng mga daliri ang kaniyang buhok. "... still love him?"Nakita ko kung paano s

  • Love Beyond the Horizon   Chapter 40

    "Water party?" tanong kaagad ni Tyler. Madaling araw na kaya naman nagulat ako nang makitang nandito pa siya sa living room at gising pa. "I told you to call me so I can pick you up. What happened to you?" takang tanong niya bago kumuha ng towel para ipatong sa akin."Ty..." tawag ko sa kaniya. He immediately opened his arms for me, signalling me for a hug. Mabilis akong lumapit sa kaniya para yumakap. "I'm tired," bulong ko bago hinayaan ang sariling umiyak sa kaniya."What happened?" Mas lalong nagpakita ang pag-aalala sa mukha niya. "Who made you cry? Did something happened during the party?" seryosong tanong niya. "Tell me, Ril. Who made you cry? Who hurt you?""No one," umiiling na sagot ko sa kaniya. "I'm sorry.""What are you sorry for?" mahinang tanong niya. He held my face and wiped my tears away using his thumb. "Hmmm?"Hindi ko magawang ikwento sa kaniya ang nangyari bagkus ay umiyak lamang ako ng umiyak sa kaniya. Nakatulog ako habang nakayakap sa kaniya. Paggising ko, nas

  • Love Beyond the Horizon   Chapter 39

    Naghiyawan ang mga tao, nangunguna si Lei. Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko dahil sa tanong. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. He's talking about me and Sean, right? Wala naman akong ibang naging boyfriend bukod sa kaniya."Not anymore," mahinang sagot ko.Disappointment flashed on their faces after I answered. May mga nagbulungan at nagtanong kung bakit, kung kailan, at kung paano."Kalma!" tumawa si Chris, iyong host namin ngayong gabi. "Ito na lang ang tanong. Are you single, taken, engaged, or married?""Uh," awkward akong tumawa. "I'm single.""May pag-asa pa! Uso comeback!" malakas na sigaw ng isang lalaking hindi ko kilala. Umani iyon ng malakas na tawanan."Sorry kay Sean pero huwag na! Give chance to others!""Gago!" Malakas na sigaw ni Kuya Kai mula sa gilid ng stage."Hoy, tangina mo, Arturo! Swerte mo wala si Sean dito!" tumatawa ring sigaw ni Kuya Axel."Gago, nasa likod si Kuya Sean!"Sabay-sabay kaming napatingin sa likuran. Nakapamulsang naglalakad si Se

  • Love Beyond the Horizon   Chapter 38

    "Talk?" tanong ko. "Ano namang... pag-uusapan natin?""It's been four months since you came back yet we still haven't talk about what happened three years---""That was three years ago already, Sean. Do we really have to talk about it?" putol ko sa kaniya."Of course," he whispered, mukhang hindi niya inaasahan na itatanong ko iyon sa kaniya. "Don't you want to talk about it?""Hindi naman sa ayaw." Umiling ako. "Nakainom ka kasi. Let's just talk when you're---""Sober?" mabilis na putol niya sa akin. "That's what you told me the last time I tried to talk to you..."I looked away, feeling guilty. I know he deserves to know everything for him to start moving forward. But why does it feels illegal to me na ibigay sa kaniya ang closure na gusto niya dahil ayoko siyang umabante? I want to be stuck in our past relationship with him. Gusto ko... pareho kaming hindi makausad."Ano pa bang gusto mong malaman?""About what exactly happened.""Hanggang ngayon nakakulong ka pa rin sa nangyari?"

DMCA.com Protection Status