"I'm going, Mom," paalam ko sa kanila habang kumakain sila ng almusal.
"Where are you going? It's Saturday."
"May meeting po kami for the upcoming freshmen week. Uuwi rin po ako kaagad pagkatapos," sagot ko.
Inaantok akong nagmaneho patungo sa bahay nila Brix. Halos sabay kaming dumating ni Zayd kaya naman siya kaagad ang nakapansin sa itsura ko.
"Halatang puyat, ah. Late natapos 'yong party? Dapat nagsabi ka para binago nalang 'yong call time," sabi niya sa akin habang naglalakad kami papasok.
"Okay lang," tipid na sagot ko.
Pagkarating namin sa living room ay nilabas ko na kaagad iyong laptop ko para makapagsimula na kami sa meeting.
"How was the party last night?" they asked me habang hinahanda ko ang laptop.
I sighed. "As usual... maintaining the illusion of the perfect family throughout the party," tamad na sagot ko.
"Huy, grabe ka! Natututo ka na talaga sa aking huwag lagyan ng filter ang bibig," tuwang-tuwang sabi ni Leizie dahilan kung bakit siya kaagad ginawaran ng masamang tingin ni Nova.
"Yeah, right," pagsang-ayon ko na lang bago tuluyang humarap sa kanila.
We gathered around the table and continued discussing our plans for the freshmen week. We only have a week to prepare dahil sa monday na ang start ng classes at kasabay no'n ang paghe-held ng freshmen week.
"We also need to consider publicity and communication. Let's create flyers, social media event pages, and emails to ensure all freshmen are informed about the activities," sabi ni Leizie.
"Would you like to lead that?" tanong ko sa kaniya.
"Sure, I'd be happy to take the lead on that. I'll coordinate with everyone to gather all the necessary information for the promotional materials," she giggled.
"How about the supplies and decorations? Sinong in charge?" tanong ko.
"Dalawa na kami ni Brix," sagot ni Zayd sa akin kaya tumango na ako.
Nagpatuloy ako sa pag-eencode habang sila ay nag-uusap kung may nakalimutan pa ba kami o wala na.
"Don't forget about feedback forms. Let's create a simple feedback system so we can gather suggestions and ideas from the freshmen after each event," sabi ni Nova habang abala sa kaniyang cellphone.
"Okay," sabi ko bago muling kinuha ang atensyon nila. "We already finalized everything. Here is the activity plan. As for the themed party, we'll be having the retro theme. Also, let's set up a contact list with emergency numbers and key contacts in case of any unforeseen situations during the events."
The next following days ay nasa University na kami para ihanda ang mga gagamitin at para na rin ma-monitor iyong mga booths and other activities na gagawin namin.
"I'm looking forward for this year's freshmen week," sabi ni Mr. Agoncillo sa amin, iyong student coordinator ng RU.
When Wednesday came, we decided to meet at the cafeteria for a short meeting.
"Zayd, how's the campus tour and welcome lunch coming along?" tanong ko sa kaniya.
"The campus tour is all set. Nagawan na namin ng map 'yong route and prepared some fun trivia questions para hindi sila ma-boring. The cafeteria is ready for the welcome lunch, and they're excited to welcome the freshmen."
"I've coordinated with various student organizations, and they're all geared up for the orientation session. We have an exciting lineup to introduce the freshmen to campus life," sagot naman ni Leizie.
Si Brix naman ngayon ang tumayo para magsalita. "Okay na rin 'yong team-building activities. I've tested all the games and made sure we have all the necessary equipment."
Tumikhim si Nova. "The talent show is shaping up well. We have a great mix of talents lined up, and rehearsals have been productive. I also heard that the performers are excited to showcase their skills."
Nang matapos ang short meeting ay sumama ako kay Leizie para sa paglalagay ng mga tarpaulins around the University. Naghiwalay nga lang kami dahil sa main gate ako maglalagay kasama iyong ibang mga nag-volunteer na member ng ibang club.
"Can you raise it a little pa?" tanong ko. "Itaas mo pa, hindi kasi siya pantay. Masyadong mataas ng kaunti 'yong right side..."
Dahil malaki ang RU ay tanghaling tapat na pero hindi pa rin namin naikakabit ang mga tarpaulins kaya wala kaming choice kung hindi ang tapusin dahil marami pa kaming kailangang gawin mamaya.
Alam kong namumula na ako dahil sa init at tanging iyong folder lang ang ginagawa kong pangharang sa sinag ng araw habang patuloy sa ginagawa.
"You can put it here. Huwag masyadong mataas," pagpapatuloy ko. I was comfortably doing my assigned work nang may biglang magtapat ng payong sa akin.
Binaba ko ang kamay ko at nilingon kung sino iyon. My eyes widened in shock when I saw Kuya Sean. Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa gulat lalo na. Nag-flashback tuloy sa akin ang naputol na conversation namin kagabi dahil tinawag ako ni Mommy.
"You should have brought an umbrella. Namumula ka na sa init," sabi nito bago inayos ang pagkakahawak sa payong. Lumapit pa siya ng kaunti sa akin para mapayungan ako ng mabuti.
"T-thank you po," mahinang sabi ko.
Nanatili siyang nakatayo sa tabi ko habang hawak-hawak pa rin ang payong. Sumunod din siya sa akin nang lumipat kami ng pwesto para magkabit ng panibagong poster.
"You can go na po. Matagal pa po kami rito. Baka mangawit ka," baling ko sa kaniya.
"Okay lang," prenteng sagot niya.
"Ako nalang po ang maghahawak," I suggested pero tumawa lang ito bago tumingin sa akin.
"Where are your two guy friends? Sila Brix? Dapat sila na ang gumawa rito," sabi nito sa akin.
"May iba pong naka-assign sa kanila. Tinulungan ko lang din po 'yong kaibigan ko since tapos naman na po ako sa ginagawa ko."
Halos isang oras pa siguro ang naubos bago kami tuluyang natapos. Sa isang oras na iyon ay matiyagang sumusunod sa akin si Kuya Sean habang hawak-hawak iyong payong.
Ilang beses kong sinubukang kunin sa kaniya iyong payong para ako muna ang maghawak pero hindi naman siya pumayag kaya wala rin akong nagawa.
"Okay na. Make sure to eat your lunch sa cafeteria. Thank you so much for the help!" I thanked them. "Thank you so much din po for holding the umbrella for me," nakangiting baling ko sa kaniya.
"No worries," he replied. "Where are you heading now?" tanong nito sa akin.
"Sa cafeteria po. Did you eat your lunch na po ba? If not yet, you can join me po," nakangiting sabi ko. "As a thank you na rin po for holding the umbrella for me."
Mula sa pwesto ko ay nakita ko kung paanong kumunot ang noo niya nang matamaan siya sa sinag ng araw. Yumuko ito ng kaunti sa akin to level our eyes. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito
"Sure," he agreed.
Sabay na kaming naglakad patungo sa cafeteria. Medyo may kalayuan ang nilakad namin dahil galing pa kami sa main gate. Mabuti nalang at may hallway kaya kahit paano ay hindi na namin kailangan pang maghawak ng payong.
"Magpalit ka ng damit. Hindi ka namin mahanap kanina kaya hindi ka namin mabigyan ng payong. Mapapagalitan ka kay Ttia kapag umuwi kang namumula ang balat mo," parang nanay na bungad sa akin ni Nova nang makarating kami sa cafeteria.
Siya lang ang naabutan namin at mukhang kakatapos lang din niyang kumain. May inabot siya sa aking t-shirt kaya naman nagpaalam muna ako saglit na magbibihis lang.
"Bakit hindi ka pa po kumakain?" tanong ko kay Kuya Sean nang maabutan ko siyang tahimik na nakaupo sa isang table.
"I was waiting for you. Hindi ka raw kasi sanay na walang kasabay na kumain sabi ng kaibigan mo," he answered.
Tumango ako sa kaniya bago ko siya niyayang kumuha na ng pagkain. The food was provided by the student coordonation bilang thank you raw sa pagiging hands on namin para sa upcoming event.
"Are you really sure you're okay? Namumula ka pa rin hanggang ngayon," puna niya nang matapos kaming kumain.
"Matagal po talagang bumalik sa dati ang balat ko lalo na po kapag matagal akong nag-stay sa maaraw na place," sagot ko sa kaniya.
"I can accompany you to the clinic if you want."
"Hindi na po," tanggi ko. "Normal lang po ito sa akin. Hindi po ba ganito ka rin tuwing nabibilad sa araw?"
Bahagya siyang tumawa. "Mas maputi ka kaysa sa akin," he stated. Nagulat ako nang bigla niyang itabi sa kamay ko iyong kamay niya to compare our skin color. "See?"
Napatingin ako sa kamay namin dalawa at di hamak na mas maputi nga ako sa kaniya. Though maputi rin naman talaga siya, mas angat nga lang ang puti ko. Maputi kasi pareho sila Mommy at Daddy kaya siguro ay ganito rin ang kulay ko.
"Anong ginagawa niyo?"
Bahagya akong napatalon sa gulat nang bigla nalang sumulpot si Brix out of nowhere. Makahulugan siyang tumingin sa aming dalawa kaya naman agad kong inilayo ang kamay ko kay Kuya Sean.
"Kakatapos naming kumain," sagot ko sa kaniya.
"Luh! Akala ko ba dinalhan ka ni Zayd ng payong? Lagot ka sa Mommy mo!" malakas na sabi niya habang nakatingin sa akin.
Katulad ng sabi ko, kabisado na nilang lima ang parents ko. Kung paano sila magalit, kung paano sila magsalita, and everything. I'm just lucky that they stayed even though there are times na may hindi magandang nasasabi sila Mommy sa kanila.
"Wala siyang payong nung nakita ko sa main gate," baling ni Kuya Sean sa kaniya. "Sa susunod kayo na ang gumawa sa mga gano'ng trabaho."
"Hindi ko naman alam na tumulong siya. Magdi-distribute ng flyers ang paalam nilang dalawa ni Leizie sa amin," depensa ni Brix. "Nasaan nga pala si Kuya? Akala ko nandito rin siya nung nakita kita kaya lumapit ako."
"Nasa auditorium. May inaaral na bagong kanta kasama ang banda," sagot nito.
Nagpaalam na rin kalaunan si Kuya Sean na aalis na dahil may kailangan pa raw siyang puntahan. Nag-thank you lang ulit ako sa kaniya bago siya tuluyang umalis.
"Ano 'yon? Bago na crush mo? Hindi mo na crush si Kuya?" suod-sunod na tanong ni Brix sa akin.
Malakas ko siyang hinampas dahil doon. "Lahat nalang talaga, Brixton?"
"Aray! Malay ko ba!" sagot niya habang hinihimas iyong braso niyang hinampas ko. "Mabait din naman si Kuya Sean. Mas matino 'yon kaysa kay Kuya, promise!"
"Hey, you're badmouthing your brother. That's not good!" suway ko sa kaniya.
"Hey, you're badmouthing your brother. Thank's not good," he mimicked me kaya naman muli ko siyang hinampas hanggang sa tumakbo na siya para makalayo sa akin.
Napailing na lamang ako. Naging crush ko lang naman si Kuya Mikko dahil panay ang pang-aasar nila sa akin noong grade 8 namin kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang rumor na iyon dahil hindi rin sila tumitigil sa pang-aasar sa akin.
Napatingin ako sa payong na iniwan ni Kuya Sean sa tabi ng laptop ko. Ni hindi ko napansin na nilagay niya iyon doon. Inabot ko iyon at may napansing sticky notes na nakadikit.
I'll leave my umbrella to you. Gamitin mo para hindi ka magkulay kamatis xD
"What happened to your skin?! Bakit namumula ka?!" pasigaw na tanong ni Mommy nang makauwi ako.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at binaba iyong bag ko. "Sorry po. Wala po kasi akong payong kanina---"
"Look at your skin color! You're turning red! I told you not to expose yourself too much to the sun!"
Yumuko ako ng kaunti. "I'm sorry," mahinang sabi ko.
"Go to your room and apply some cream on your skin," utos niya sa akin kaya naman nagmadali na akong umkyat papunta sa kwarto ko.
Mom really love taking care of my body. Ayaw niyang nagagalusan ako, ayaw niyang may kung anumang napupunta sa katawan. She wants me to look perfect all the time. Nawala rin naman ang pamumula ng katawan ko with the help of the cream I applied.
"Let's schedule a rehearsal day for the talent show and make sure everyone is prepared and comfortable with their performances," sabi ko sa kanila. "And we should finalize the judging criteria for the talent show, ensuring it's fair and transparent."
"Wait lang, I have an idea," sabi ni Leizie habang nakataas ang kamay. "What if mag-perform ang banda nila Kuya Mikko sa first day?"
"Pwede naman pero sinong kakausap sa kaniya?" tanong ni Zayd.
"Si Avril!" mabilis na sagot ni Leizie kaya naman napasapo na lamang ako sa noo ko.
"Bakit ako nanaman? In charge ako sa rehearsal, ikaw nalang kaya," tanggi ko.
"Sige na! Feeling ko hindi naman 'yon tatanggi kapag ikaw ang nagsabi!" pagpupumilit niya.
"Kahit sino ang magsabi basta may kinalaman sa banda, papayag 'yon. Pinapaasa mo si Avril," masungit na baling ni Brix sa babae kaya naman agad siyang inambahan ni Leizie ng suntok.
Sa huli ay wala rin naman akong ibang nagawa kung hindi ang kausapin si Kuya Mikko tungkol sa plano naming pagkuha sa kanila. Ni hindi nila ako magawang samahan dahil kinuha nila iyong trabaho na dapat ako ang gagawa.
Gamit iyong payong na iniwan ni Kuya Sean sa akin ay nagtungo ako sa auditorium dahil sinabi sa akin ni Brix na nandito raw ang Kuya niya. Ilang beses akong tumikhim at nag-ayos sa sarili habang panay ang pagdadalawang-isip kung papasok ba ako sa loob o hindi nang may biglang magsalita sa likuran ko.
"Avril?"
Napatalon ako sa gulat dahil doon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Kuya Mikko. Nakasabit sa kaliwang braso niya ang gitara.
"Magugulatin ka nga pala, sorry," he quickly apologized when he saw my reaction.
"Okay lang po," mahinang sabi ko bago umayos ng tayo. Yumuko ito at pinulot iyong payong. Nagtaka pa ako nang magtagal ang tingin niya sa payong bago inabot sa akin iyon at ngumisi. "Thank you," mabilis na sabi ko bago inabot iyong payong.
"What are you doing here, by the way? Do you need something? Or you're just lost?"
"Dito po talaga ang punta ko. May sasabihin po sana," sagot ko.
"We can talk inside if you want. Kung hindi ka naman komportable, pwede namang sa cafeteria nalang," he suggested.
"Sa loob nalang po. I also need to talk to your bandmates as well," magalang na sabi ko kaya naman tumango ito at binuksan na iyong pintuan ng auditorium.
Pumasok kaming dalawa at naabutan ko iyong mga bandmates niyang kasalukuyang nagtatawanan. Mukhang nag-aasaran sila.
Binaba niya iyong gitara na dala niya bago umupo kaya naman umupo na rin ako. Ilang beses muna akong tumikhim at huminga nang malalim bago tuluyang magsalita.
"Kung okay lang po sana sa inyo, we'll invite your band to perform sa first day ng freshmen week. Kahit anong kanta at kahit ilan po. You are free to do whatever you want," sabi ko sa kaniya.
"Brix already mentioned that earlier," he told me.
I explained to him how the event will flow at laking pasasalamat ko nang pumayag naman kaagad siya. His bandmates also said yes kaya wala na talagang problema.
"Anong sabi?" bungad na tanong sa akin ni Leizie.
"Pumayag naman. Inexplain ko na rin sa kanila kung paano ang magiging flow ng event sa first day," simpleng sagot ko.
"Alright, let's make this the best freshmen week our university has ever seen. Sana maging successfull para naman matuwa sa atin si Mr. Agoncillo!" biro ni Brix bago nilagay ang kamay sa gitna ng mesa.
"We've got this! Let's bring the energy and enthusiasm to make this week a success!" Lei immediately joined him bago ipinatong ang kamay sa kamay ni Brix.
Sinunod namin ang ginawa nang dalawa. "Let's do our university proud. This is an opportunity to showcase our community and what makes it special," malumanay na sabi ni Nova.
"Aja!" malakas na sigaw namin.
"Go home early, Janniza Avril. No more hanging out with your friends ," bilin ni Mommy sa akin bago ako tuluyang makaalis ng bahay.I was in the mood. Nilagay ko iyong payong ni Kuya Sean sa tote bag ko bago ako bumaba ng kotse. Marami na akong naabutang freshmen near the University entrance. They were gathered depends on the color of their shirts which define their chosen programs."Welcome, everyone, to our university! We're thrilled to have you here. Let's start off with a campus tour so you can familiarize yourselves with your new home," energetic na panimula ni Zayd habang nakatayo sa gitna.The tour proceeds, with the students enthusiastically exploring the campus, asking questions, and absorbing information."Over here is the main academic building, where you'll have most of your classes. It's always bustling with activity and a great place to meet fellow students."Sabay-sabay silang tumingin sa tinuro ni Zayd na kahit kami ay napantingin na rin. Nasa gilid lang kami ni Zayd h
"Have you seen that? He was looking at me!" kinikilig na sabi ni Leizie habang hindi pa rin maka-move on sa performance ni Kuya Sean."I don't think so," Zayd disagreed. "Sa pwesto ata siya ni Avril nakatingin, eh?" hindi pa siguradong dagdag niya.Tumikhim ako sa sinabi niya at hinayaan na lamang silang magsagutan ni Leizie tungkol doon. Natigil lamang iyon nang dumating sila Kuya Mikko at Kuya Sean sa table namin."Hi, Kuya Mikko!" mabilis na bati ni Leizie bago lumapit sa akin para sikuhin ako. "Ang galing mo raw mag-perform kanina sabi ni Avril!" nagtaas-baba ang kilay niya sa akin."Thank you," Kuya Mikko chuckled."Kuya Sean!" pagkuha ni Brix sa atensyon nito. "Sinong pumilit sa 'yong tumugtog? Ang kung sinumang nakapagpapayag sa 'yong kumanta ngayong gabi ay deserve ng isang malaking reward!" he shouted."I just felt like performing tonight," nakangiting sagot ni Kuya Sean. Mula kay Brix ay nilipat niya ang paningin sa akin. Mabilis niya akong ginawaran ng ngiti kaya naman gano
"Janniza Avril!" malakas na sigaw sa akin ni Leizie. Taka kaagad akong tumingin sa kaniya.Today marks our official first day of school kaya naman maaga akong pumasok para hindi ma-late. Ayaw din kasi ni Mommy na nagkaka-record ako ng mga ganoon."Hindi ba ay si Kuya Mikko naman ang crush mo?" pangkukumpirma niya sa akin."Ha?" naguguluhang tanong ko."May rumor na kumakalat. May nakakita raw sa inyo sa convenience store!" dagdag niya."Huh? Kaming dalawa ni Kuya Mikko?" takang tanong ko habang nakaturo pa sa sarili."With Kuya Sean!"Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Does it mean that someone saw us that night and misunderstood the situation?"Bakit kayo magkasama ng love of my life ko?!" nanlulumong tanong niya sa akin."Leizie..." suway ni Nova. "Umagang-umaga ang lakas-lakas ng boses mo.""Love of my life. Corny amputa. Umagang-umaga 'yan ang naririnig ko," nakasimangot na sabi ni Zayd bago muling dumukdok sa mesa.Mas lalo siyang sumimangot bago sumalampak sa armchair ni
"Wala akong ibang masabi. Basta ang gwapo ni Kuya Sean kanina habang nakikinig. Alam niyo bang sa atin lang siya nag-angat ng tingin? I was watching him the whole time pero ni minsan hindi ko siya nakitang tumingin sa ibang presenters bukod sa atin!" pagdadaldal nanaman ni Lei."Ano? Sasabihin mo nanamang tumingin siya dahil sa 'yo?" nakataas ang kilay na tanong ni Zayd sa kaniya. "Hindi na naman ata na-off ang pagiging delulu mo.""Alam mo, epal ka talaga 'no? Can't you support your beautiful friend?""Ha? Beautiful?" Nilapit ni Zayd ang mukha niya kay Lei na para bang may hinahanap. "Saan part?""Zaydrielle!!"Nawala ang atensyon ko sa kanila nang mag-vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko kaagad iyon at nakitang may bagong message galing kay Kuya Sean.Kuya Sean:You did a great job today. Your answers were great. Congrats to you and to your friends, I heard your group got the highest score.I smiled and quickly typed my reply.Avril:Thank you so much po. I was actually nervous wh
"Okay na?" nakangiting tanong niya sa akin. It took me almost half an hour to prepare bago ako tuluyang lumabas ng room."Yup. Matagal ka po bang naghintay?"Umiling siya. "Kakalabas ko lang din," he answered. "You look gorgeous."Nag-iwas kaagad ako ng tingin sa kaniya pagkatapos niyang sabihin iyon. I really don't know how to accept compliments lalo na kapag sinasabi nila iyon habang deretsong nakatingin sa akin."Let's go?"He lends me his arms so I can hold on to him because I am wearing my heels. I got conscious when I felt that everybody was stealing a glance at us lalo na dahil sabay kaming pumasok dalawa."Don't mind them," bulong niya sa akin, bahagya kasing bumagal ang lakad ko. "Walk elegantly, ipakita mo kung sino ka," biro niya pa kaya naman sabay kaming mahinang tumawa."Sweetie!" malaki ang mga ngiti sa labi ni Mommy nang makalapit kami sa kanila. Humalik ako sa pisngi nilang dalawa ni Daddy bago humarap sa parents ni Kuya Sean."Happy wedding anniversary po!" nakangiti
Bumusina siya ng tatlong beses bago tuluyang umalis kaya naman pumasok na rin ako sa loob. I was still expecting Mom to be in the living room kaya lang ay nakita kong paakyat na siya sa kwarto niya.Nilapitan kaagad ako ni Manang. "Maghapunan ka na, 'nak. Nagluto ako ng sinigang na baboy."My face lightened up a bit. "Talaga po?""Halika na."Si Manang ang naghanda ng pagkain ko maging ang juice na iinumin kaya naman naparami ang kain ko. Sinigang na baboy by Manang is my ultimate favorite dish talaga."Kamusta ang pag-aaral?" tanong niya sa akin."Okay lang po.""Kamusta naman iyong crush mo? Iyong kapatid ni Brix?" pang-uusisa niya.Mabilis kong nilunok ang pagkain ko. "Hindi ko na po crush si Kuya Mikko, Manang. Matagal na rin po.""Talaga ba? Kung ganoon ay si Sean na?"Nabulunan ako dahil sa tanong sunod na naging tanong niya. "Paano niyo po nakilala si Kuya Sean?""Nako, paanong hindi? Sa lahat ng bisita rito nung birthday ng Daddy mo, maliban sa mga kaibigan mo ay siya lamang a
We didn't do that much naman aside from walking around and window shopping. The only thing he bought was the slides that he gave to me. Nang mag-alas sais ay tumawag si Mommy sa akin kaya naman siya na ang kumausap kay Kuya Sean para yayaing mag-dinner."Sorry po, nagiging hobby na ni Mommy na iinvite ka for dinner," paumanhin ko nang pareho kaming makababa sa sasakyan.Iniwan ko muna siya kay Mommy sa living room bago umakyat sa kwarto ko para makapag-shower. Nagsuot lang ako ng simpleng tank top at black maong shorts. Ginamit ko na rin iyong slides na binili niya sa akin because it somehow feels comfy sa paa ko."How was your prelims exam?" baling ni Mommy sa akin habang kumakain kami."I just had a hard time with the essay questions but all in all, I think I did a great job naman po," magalang na sagot ko."You think?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.Tumikhim si Daddy. "Let's not talk about that in front of the food," seryosong sabi ni Daddy. "Your charity work will happen
I woke up early the next day to help Manang in preparing breakfast for them. My friends told me last night na maaga raw silag pupunta kaya naman I suggested na dito nalang sila mag-almusal.Kuya Sean also texted me na baka after lunch an siya makakapunta dahil may meeting daw sila for their activity."My friends and Kuya Sean are coming over po to help me in packing the things na ipapamigay sa mga bata," paalam ko kila Mommy nang maabutan ko sila sa baba na naghahanda nang umalis."We'll go home late tonight since we're attending a business party," Mom informed me. "Make sure to clean every mess after packing."Tumango lang ako sa kanila at humalik sa pisngi nila bago sila tuluyang umalis. Dumeretso na kaagad ako kay Manang na kasalukuyan na ring nagluluto."Good morning, manang!" I greeted her."Good morning, 'nak. Anong oras darating ang mga kaibigan mo?""On the way na po sila," I answered. "May maitutulong po ba ako?""Wala na. Maupo ka nalang diyan at lulutuin ko nalang ang mga i
"Nasaan ka na? Napakatagal naman nito. Galing ka bang ibang bansa? Mag-iisang oras na 'yang on the way mo!" sunod-sunod na talak ni Mikko pagkatapos kong sagutin ang tawag niya."Traffic nga. Anong gusto mo, lumipad ako?" tanong ko sa kaniya habang nasa daan pa rin ang tingin.He asked me to come to their house to help him in practicing new songs. Wala naman akong ginagawa kaya pumayag na lang din ako."Tawagan mo ako kapag malapit ka na."Pinatay na niya ang tawag kaya muling tumahimik sa kotse ko. When I arrived at their house, mabilis kong kinuha ang cellphone ko para tawagan siya. I can just enter their house but when I went to the front door, wala sa sarili akong napasilip sa glass window nila at nakitang nandoon si Brix kasama ang mga kaibigan niya.I stopped dialing Mikko's number and unconsciously looked at the girl with the blue hair clip. She was busy telling something while her friends were in full ears. I can't help but to smile while looking at her. She really looks hands
"I'm doing fine," I told her a few minutes after being silent. "Sean is always taking care of me.""I'm really glad to hear that," tumatangong sabi niya. "To be honest, I--- I really have something to tell you.""What is it?" tanong ko kaagad."I'm opening a small restaurant tomorrow. I know this is too much to ask but I still wanted to invite you for the mini opening."I bit the inside of my cheeks when I heard. She's opening a restaurant? Bata palang ako alam kong magaling talaga si Mommy when it comes to business and knowing the family she came, alam kong hindi naman siya mahihirapang magsimula ulit."May I know the other details?" I asked her, remaining a poker face."Eight in the morning," she said. "Don't worry. My family isn't coming. I only invited you and some of the staff and people I know personally.""Titingnan ko po," tipid na sagot ko kahit na alam ko sa sarili kong pupunta ako. Of course, I would still love to come. I wanted to show her support."You can invite Sean if
My life went on normally. Wala namang nagbago bukod sa palaging nakadikit sa akin si Sean. Sa tuwing wala akong flight ay gumagawa talaga siya ng paraan so he can stick beside me. Hindi ko alam pero napansin kong habang tumatagal ay mas nagiging clingy siya lalo sa akin and I'm not complaining."Hug?" tanong sa akin ni Sean, pumipikit-pikit pa ang mga mata niya dahil kakagising niya lang din. Nakatulog kasi siya kagabi habang nanonood kami ng movie kaya hindi ko na lang din siya ginising pa.I extended my arms on him to give him a hug. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at sa sobrang aggressive ng pagkakayakap niya sa akin ay napasandal ang likod ko sa backrest ng sofa."Clingy mo, ah?" natatawang tanong ko sa kaniya habang bahagyang sinusuklyan ang buhok niya gamit ang daliri ko."Love..." he called me, his eyes still closed. "Can I ask you a question?"Bahagya akong tumawa. "You're already asking me na," I said.Nagmulat siya ng mga mata bago maingat na inabot ang kamay ko. Maraha
"Nagkabalikan na nga kayo?"Napapikit ako nang muling itanong ni Lei sa akin iyon. Alas sais palang ng umaga nang dumating siya dito at hanggang ngayon ay tinatanong niya pa rin iyon kahit na ilang beses ko na rin siyang sinagot."Balak mo bang itanong sa akin 'yan hanggang matapos ang araw na 'to?" nauubusan na ng pasensya na tanong ko sa kaniya."Hindi naman." Umiling siya. "Wala. Hindi na kita magagawang maid of honor niyan kasi kailangan partner kayo ni Kuya Sean," she pouted."Pwede mo pa rin naman akong gawing maid of honor. Ano naman kung hindi kami partner?" tanong ko."Mas maganda kung partner kayo!" she suddenly shouted kaya naman bahagya akong nagulat. Tumayo siya para lumapit at umupo sa harapan ko. Tahimik niyang inabot ang dalawang kamay ko bago hinawakan iyon."Are you happy?" seryosong tanong bigla sa akin.Matagal ko siyang tinitigan sa mukha bago unti-unting tumango bilang sagot. "Of course, Lei. I am beyond happy.""Is this really what you want? Are you sure you can
"What the hell was that?! Why did he kiss you on your forehead?!"As soon as Sean left, Lei immediately dragged me inside the house. Nanlalaki ang mga mata niya na parang naguguluhan sa nasaksihan kanina."Oh my God! Nagkabalikan na ba kayo?! Ano? Kayo na ulit?! Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin?! I should be the first one to know!"Napasapo ako sa noo ko. This is the reason why I prefer to tell them in a nice way. Kung biglaan kasi, talagang ganito rin ang magiging reaksyon ni Lei."Kanina lang, okay? Nag-usap kami kanina," sagot ko."Kanina?! During our engagement party?! So, naging tulay pa pala itong party namin sa inyo?"Nagkibit-balikat ako. "Siguro. Parang ganun na nga.""Bruha ka!"Kung hindi lang siguro pagod at nakainom si Lei ay talagang aabot kami ng umaga para makwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari simula noong alumni party.The next day, tinanghali na ako ng gising. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over kaya naman naligo na ako bago tuluyang bumaba para
"Where are you confused, Ril? For what specific reason are you confused?"Napayuko ako at marahang minasahe ang sintido ko. Masakit na ang ulo ko kakaisip sa mga kung anumang pwedeng mangyari."I don't know," tanging nasabi ko na lamang."Is it about your ex?"Unti-unting akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Kahit kailan ay hindi niya sinubukang magtanong tungkol sa ex ko o tungkol kay Mommy dahil alam niyang sensitive ang topic na iyon sa akin.He licked his lower lip when he saw my reaction. "Does he... hurt you? Does he make you cry? What did he do to you?"'Mabilis akong umiling sa kaniya bilang sagot. "We just talked. I gave him the closure that he had been wanting. Sinabi ko na sa kaniya lahat...""Does he... want to reconcile?""Hindi ko alam," mahinang sagot ko. "I've been wanting to contact him. Pero hindi ko magawa... hindi ko kaya.""Do you..." Napakagat siya sa ibabang labi niya bago pinasadahan ng mga daliri ang kaniyang buhok. "... still love him?"Nakita ko kung paano s
"Water party?" tanong kaagad ni Tyler. Madaling araw na kaya naman nagulat ako nang makitang nandito pa siya sa living room at gising pa. "I told you to call me so I can pick you up. What happened to you?" takang tanong niya bago kumuha ng towel para ipatong sa akin."Ty..." tawag ko sa kaniya. He immediately opened his arms for me, signalling me for a hug. Mabilis akong lumapit sa kaniya para yumakap. "I'm tired," bulong ko bago hinayaan ang sariling umiyak sa kaniya."What happened?" Mas lalong nagpakita ang pag-aalala sa mukha niya. "Who made you cry? Did something happened during the party?" seryosong tanong niya. "Tell me, Ril. Who made you cry? Who hurt you?""No one," umiiling na sagot ko sa kaniya. "I'm sorry.""What are you sorry for?" mahinang tanong niya. He held my face and wiped my tears away using his thumb. "Hmmm?"Hindi ko magawang ikwento sa kaniya ang nangyari bagkus ay umiyak lamang ako ng umiyak sa kaniya. Nakatulog ako habang nakayakap sa kaniya. Paggising ko, nas
Naghiyawan ang mga tao, nangunguna si Lei. Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko dahil sa tanong. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. He's talking about me and Sean, right? Wala naman akong ibang naging boyfriend bukod sa kaniya."Not anymore," mahinang sagot ko.Disappointment flashed on their faces after I answered. May mga nagbulungan at nagtanong kung bakit, kung kailan, at kung paano."Kalma!" tumawa si Chris, iyong host namin ngayong gabi. "Ito na lang ang tanong. Are you single, taken, engaged, or married?""Uh," awkward akong tumawa. "I'm single.""May pag-asa pa! Uso comeback!" malakas na sigaw ng isang lalaking hindi ko kilala. Umani iyon ng malakas na tawanan."Sorry kay Sean pero huwag na! Give chance to others!""Gago!" Malakas na sigaw ni Kuya Kai mula sa gilid ng stage."Hoy, tangina mo, Arturo! Swerte mo wala si Sean dito!" tumatawa ring sigaw ni Kuya Axel."Gago, nasa likod si Kuya Sean!"Sabay-sabay kaming napatingin sa likuran. Nakapamulsang naglalakad si Se
"Talk?" tanong ko. "Ano namang... pag-uusapan natin?""It's been four months since you came back yet we still haven't talk about what happened three years---""That was three years ago already, Sean. Do we really have to talk about it?" putol ko sa kaniya."Of course," he whispered, mukhang hindi niya inaasahan na itatanong ko iyon sa kaniya. "Don't you want to talk about it?""Hindi naman sa ayaw." Umiling ako. "Nakainom ka kasi. Let's just talk when you're---""Sober?" mabilis na putol niya sa akin. "That's what you told me the last time I tried to talk to you..."I looked away, feeling guilty. I know he deserves to know everything for him to start moving forward. But why does it feels illegal to me na ibigay sa kaniya ang closure na gusto niya dahil ayoko siyang umabante? I want to be stuck in our past relationship with him. Gusto ko... pareho kaming hindi makausad."Ano pa bang gusto mong malaman?""About what exactly happened.""Hanggang ngayon nakakulong ka pa rin sa nangyari?"