“Parang awa nyo na palabasin ninyo ako dito!” Malakas kong sigaw habang patuloy na hinahampas ang dahon ng pintuan, halos mamaos na ako dahil sa ilang oras na pagsigaw ngunit wala pa ring nagbukas ng pintuan. Pagkatapos akong tangayin ng di nakikilalang lalaki ay ikinulong niya ako dito sa loob ng silid. Nang mga oras na ito ay nababalot ng matinding takot ang puso ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasapitin ko sa kamay ng lalaking dumukot sa akin. Nakaramdam ako ng pagod ay nanghihina na lumapit ako sa kama at tahimik na umupo sa gilid nito.Labis akong naguguluhan sa mga nangyayari, ano ba ang kailangan ng lalaking iyon sa akin at bakit niya ako dinukot. Dahil ito ang unang pagkakataon na nakadaupang palad ko ang lalaking tumangay sa akin. Ilang sandali pa ay bigla akong nag-angat ng aking mukha ng bumukas ang pintuan at pumasok ang isang matangkad at gwapong lalaki na may seryosong mukha. Marahil kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon ay hahangaan ko ang magandang katangian ng
Panay ang linga ko sa paligid At masasabi ko na mayaman ang may-ari ng bahay na ito dahil sa mga modernong kagamitan. Nang makarating ako sa sala’s ay bumungad sa akin ang dalawang lalaki, ang lalaking nanghalay sa akin at isang lalaki na maedad na. Nabaling ang atensyon nila sa akin at halata sa kanilang mga itsura na ako na lang ang hinihintay ng mga ito.“Maupo ka Ms. Hernandez,” anya ng isang lalaki na may suot na reading glass sa mata. Tahimik akong sumunod ng hindi tumitingin sa mukha ng binata ngunit ramdam ko ang matalim na tingin na siyang ipinupukol niya sa akin.“Ms. Hernandez, I need your sign here.” Anya ng lalaki na nasa aking harapan habang itinuturo ang bahagi ng papel na kailangan kong pirmahan. Mabilis na pinasadahan ng tingin ang papel at malinaw kong nabasa ang nakasulat mula roon, isa itong Marriage contract at sa oras na pirmahan ko ito ay matatali na ako sa lalaking ito. “A-ayo-“ naudlot ang sanay sasabihin ko ng mahagip ng aking mga mata ang kamay ng lalaki na
“You are so stunning, Iha, napaka elegante ng dating mo.” Humahangang bati ni Matilda kay Ashley, hindi maikakaila ang hiya ng dalaga dahil bahagyang namumula ang mga pisngi nito. “Salamat, M-Mama, dahil sa magandang pagtanggap mo sa akin kahit na hindi mo pa ako lubos na kilala.” Taos pusong pasasalamat nito sa Ginang habang nakapaskil ang isang kaaya-ayang ngiti sa kanyang mapupulang mga labi. Ilang oras pa lang silang magkasama ay naging magkasundo na silang dalawa. Kasalukuyan silang nasa salon at naghahanda para sa nalalapit na family dinner ng pamilyang Welsh na gaganapin sa Mansion ni Sr. George Welsh.“I’m sure na mai-inlove sayo ang aking anak sa oras na makita ka niya.” Nakangiting pahayag ni Matilda, makikita ang matinding kasiyahan sa mukha nito. Hindi maitatanggi na gusto niya ang dalaga kahit na ang lahat ng ito ay para lang sa kanilang plano na makuha ang kumpanya.Isang tipid na ngiti ang naging tugon ni Ashley sa ina ni Marco.Ilang sandali pa ay lulan na sila ng is
“Mr. Welsh maaari ko bang hiramin sandali ang iyong cellphone dahil nakalimutan ko sa kwarto ang aking cellphone. Tatawagan ko lang si Uncle Samuel.” Halos pabulong na sabi ni Thalia sa tapat ng tainga ni Alistair dahil medyo maingay sa sala’s, katatapos lang nilang mag dinner at ngayon ay nagkakasiyahan ang lahat sa pagpapalitan ng masasayang kwento. Ang mainit na hininga ng kanyang asawa ay naghahatid ng ibayong kilabot sa kanyang pakiramdam. Hindi na siyq nakapagpigil at hinarap niya ito bago mabilis na dinampian ng halik ang mga labi ni Thalia. Hinayaan na lang ito ni Thalia bagkus ay matamis na nginitian ang asawa. Parte na rin ito ng kanilang kasunduan na bumuo ng isang magandang relasyon sa pagitan nilang dalawa bilang mag-asawa. Kung iyong pagmamasdan ay parang naglalambingan ang mag-asawa kaya natutuwa sa kanila ang ilang mga nakasaksi sa ginawang paghalik ni Alistair kay Thalia.Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kanina pa nakamasid si Marco at para na itong bomba
“PAK!” Pagpasok sa loob ng kwarto ay isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa aking asawa. Pakiramdam ko ay nag-iinit at nangangapal na ang mukha ko dahil sa lakas ng sampal. Nanginginig ang aking kamay na hinawakan ko ang nasaktang pisngi habang patuloy sa pagpatak ang masaganang luha mula sa ‘aking mga mata. “Sabihin mo sa akin! May relasyon ba kayo ng lalaking ‘yun?” Nanggigigil niyang tanong, ramdam ko ang matinding galit nito sa akin na para bang may nagawa ako na isang mabigat na kasalanan. Nasasaktan ako dahil sa pang-aakusa niya sa akin na wala namang matibay na batayan. “A-Ano bang sinasabi mo? Wala akong alam sa mga binibintang mo sa akin.” Kahit nakakaramdam na ako ng galit para dito ay sinikap ko pa ring maging mahinahon. Sa kabila ng pananakit niya sa akin ay mas inaalala ko pa rin ang kalagayan nito.“Dahil ba sa isa akong inutil kaya hinayaan mong halikan ka ng g*g*ng ‘yun? I know that you choose him over me, dahil maibibigay niya sayo ang hindi ko kayang ibig
Nagising ako na mag-isa na lang sa kwarto, nilibot ko ang aking paningin ngunit hindi ko nasilayan ang mukha ng aking asawa. Kipkip ang kumot na bumangon paalis sa higaan at tumungo ng banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong lumabas ng kwarto ngunit tanging mga katulong lang ang nadatnan ko sa sala’s maging sa kusina.“Manang, nasaan po ang asawa ako?” Malumanay kong tanong, nagkatinginan naman ang mga katulong sa isa’t-isat at bakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha. “Hm, Ma’am maaga pong umalis si Sir dahil may business trip po siya, hindi lang po ako sigurado kung kailan po s’ya babalik.” Magalang na sagot niya sa akin, para akong sinampal at bigla akong natamemē dahil pakiramdam ko ay napahiya ako sa harap nilang lahat. Kaya pala ganun na lang ang naging reakasyon nila sa tanong ko. Marahil ay iniisip nila na ako nga ang asawa pero ako pa itong walang alam.“G-ganun po ba? Marahil ay nakalimutang magsabi sa akin ng aking asawa.” Medyo nahihiya kong sabi bago
“Kampante akong pumasok sa loob ng kabahayan ng may ngiti sa labi ngunit nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng aking asawa mula sa puno ng hagdan. Inaasahan ko na bukas pa siya darating ngunit mukhang napaaga yata ang kanyang uwi. Hindi kaya naudlot ang business trip nito kaya maaga siyang bumalik?Lihim akong napalunok dahil isang nagdududang tingin ang ibinigay niya sa akin, nang mga sandaling ito ay ramdam ko ang matinding tensyon na namamagitan sa amin dalawa.Pasimple akong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga upang humupa ang kaba na nararamdaman ko. Sinikap ko na kumilos ng normal sa harap nito kaya pinanatili ko ang magandang ngiti sa aking mga labi.“Kailan ka pa dumating?” Tanong ko sa kanya sa pinalambing na tinig habang pumapanhik ng hagdan hanggang sa huminto ako sa mismong tapat niya na may isang dangkal ang aming pagitan. Yumukod ako upang halikan siya sa pisngi.Akmang lalapat na sana ang labi ko sa kanyang balat ng bigla siyang humarap sa akin kaya naglapat
“Oh my ghod! Tama ba ang narinig ko Iha? Buntis ka?” Natitilihang tanong ni Matilda ang biyenan ng aking kapatid na si Ashley. Bakas ang matinding kasiyahan sa mukha nito na tila ba ito na ang pinakamagandang balita na narinig niya sa buong buhay n’ya. “T-Tama po kayo ng narinig, three weeks na po akong buntis.” Nahihiyang sagot ni ate Ashley. Masaya ako para sa kanya ngunit matinding kalungkutan ang nararamdaman ng puso ko dahil tuluyan na akong hindi kinakausap ng aking kapatid. Hindi ko alam kung paano siyang susuyuin dahil sa tuwing sinusubukan ko na lumapit sa kanya ay kaagad itong lumalayo sa akin kaya hanggang tingin na lang ako sa kanya. Naglakas loob akong lapitan si ate Ashley ngunit ng nasa tapat na ako nito ay bigla siyang nagpaalam sa ina ni Marco kaya naiwan na lang kaming dalawa ni tita Matilda. “Hindi mo masisisi ang kapatid mo na magtampo sayo, kaya ang mabuti pa Thalia ay layuan mo ang anak kong si Marco para hindi na lumaki pa ang galit ni Ashley sayo.” Malumana