“Mr. Welsh maaari ko bang hiramin sandali ang iyong cellphone dahil nakalimutan ko sa kwarto ang aking cellphone. Tatawagan ko lang si Uncle Samuel.” Halos pabulong na sabi ni Thalia sa tapat ng tainga ni Alistair dahil medyo maingay sa sala’s, katatapos lang nilang mag dinner at ngayon ay nagkakasiyahan ang lahat sa pagpapalitan ng masasayang kwento. Ang mainit na hininga ng kanyang asawa ay naghahatid ng ibayong kilabot sa kanyang pakiramdam. Hindi na siyq nakapagpigil at hinarap niya ito bago mabilis na dinampian ng halik ang mga labi ni Thalia. Hinayaan na lang ito ni Thalia bagkus ay matamis na nginitian ang asawa. Parte na rin ito ng kanilang kasunduan na bumuo ng isang magandang relasyon sa pagitan nilang dalawa bilang mag-asawa. Kung iyong pagmamasdan ay parang naglalambingan ang mag-asawa kaya natutuwa sa kanila ang ilang mga nakasaksi sa ginawang paghalik ni Alistair kay Thalia.Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kanina pa nakamasid si Marco at para na itong bomba
“PAK!” Pagpasok sa loob ng kwarto ay isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa aking asawa. Pakiramdam ko ay nag-iinit at nangangapal na ang mukha ko dahil sa lakas ng sampal. Nanginginig ang aking kamay na hinawakan ko ang nasaktang pisngi habang patuloy sa pagpatak ang masaganang luha mula sa ‘aking mga mata. “Sabihin mo sa akin! May relasyon ba kayo ng lalaking ‘yun?” Nanggigigil niyang tanong, ramdam ko ang matinding galit nito sa akin na para bang may nagawa ako na isang mabigat na kasalanan. Nasasaktan ako dahil sa pang-aakusa niya sa akin na wala namang matibay na batayan. “A-Ano bang sinasabi mo? Wala akong alam sa mga binibintang mo sa akin.” Kahit nakakaramdam na ako ng galit para dito ay sinikap ko pa ring maging mahinahon. Sa kabila ng pananakit niya sa akin ay mas inaalala ko pa rin ang kalagayan nito.“Dahil ba sa isa akong inutil kaya hinayaan mong halikan ka ng g*g*ng ‘yun? I know that you choose him over me, dahil maibibigay niya sayo ang hindi ko kayang ibig
Nagising ako na mag-isa na lang sa kwarto, nilibot ko ang aking paningin ngunit hindi ko nasilayan ang mukha ng aking asawa. Kipkip ang kumot na bumangon paalis sa higaan at tumungo ng banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong lumabas ng kwarto ngunit tanging mga katulong lang ang nadatnan ko sa sala’s maging sa kusina.“Manang, nasaan po ang asawa ako?” Malumanay kong tanong, nagkatinginan naman ang mga katulong sa isa’t-isat at bakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha. “Hm, Ma’am maaga pong umalis si Sir dahil may business trip po siya, hindi lang po ako sigurado kung kailan po s’ya babalik.” Magalang na sagot niya sa akin, para akong sinampal at bigla akong natamemē dahil pakiramdam ko ay napahiya ako sa harap nilang lahat. Kaya pala ganun na lang ang naging reakasyon nila sa tanong ko. Marahil ay iniisip nila na ako nga ang asawa pero ako pa itong walang alam.“G-ganun po ba? Marahil ay nakalimutang magsabi sa akin ng aking asawa.” Medyo nahihiya kong sabi bago
“Kampante akong pumasok sa loob ng kabahayan ng may ngiti sa labi ngunit nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng aking asawa mula sa puno ng hagdan. Inaasahan ko na bukas pa siya darating ngunit mukhang napaaga yata ang kanyang uwi. Hindi kaya naudlot ang business trip nito kaya maaga siyang bumalik?Lihim akong napalunok dahil isang nagdududang tingin ang ibinigay niya sa akin, nang mga sandaling ito ay ramdam ko ang matinding tensyon na namamagitan sa amin dalawa.Pasimple akong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga upang humupa ang kaba na nararamdaman ko. Sinikap ko na kumilos ng normal sa harap nito kaya pinanatili ko ang magandang ngiti sa aking mga labi.“Kailan ka pa dumating?” Tanong ko sa kanya sa pinalambing na tinig habang pumapanhik ng hagdan hanggang sa huminto ako sa mismong tapat niya na may isang dangkal ang aming pagitan. Yumukod ako upang halikan siya sa pisngi.Akmang lalapat na sana ang labi ko sa kanyang balat ng bigla siyang humarap sa akin kaya naglapat
“Oh my ghod! Tama ba ang narinig ko Iha? Buntis ka?” Natitilihang tanong ni Matilda ang biyenan ng aking kapatid na si Ashley. Bakas ang matinding kasiyahan sa mukha nito na tila ba ito na ang pinakamagandang balita na narinig niya sa buong buhay n’ya. “T-Tama po kayo ng narinig, three weeks na po akong buntis.” Nahihiyang sagot ni ate Ashley. Masaya ako para sa kanya ngunit matinding kalungkutan ang nararamdaman ng puso ko dahil tuluyan na akong hindi kinakausap ng aking kapatid. Hindi ko alam kung paano siyang susuyuin dahil sa tuwing sinusubukan ko na lumapit sa kanya ay kaagad itong lumalayo sa akin kaya hanggang tingin na lang ako sa kanya. Naglakas loob akong lapitan si ate Ashley ngunit ng nasa tapat na ako nito ay bigla siyang nagpaalam sa ina ni Marco kaya naiwan na lang kaming dalawa ni tita Matilda. “Hindi mo masisisi ang kapatid mo na magtampo sayo, kaya ang mabuti pa Thalia ay layuan mo ang anak kong si Marco para hindi na lumaki pa ang galit ni Ashley sayo.” Malumana
Kasalukuyan akong naglilinis sa loob ng kwarto namin ni Alistair dahil wala akong magawa ay naisipan kong ayusin ang aming mga gamit. Halos natapos ko ng linisin ang lahat at isang cabinet na lang ang natitira. Lumapit ako dito habang bitbit ang isang basahan. Binuksan ko ito upang simulan na sanang linisan ngunit natigilan ako sa mga bagay na tumambad sa aking paningin. Para akong natuklaw ng ahas dahil pamilyar sa akin ang mga gamit na nasa aking harapan at kahit pa yata nakapikit ako ay makikilala ko pa rin ang mga gamit na ito.Kunot noo na kinuha ko ang lumang makinilya maging ang mga ilang pirasong papel. Ilang sandali pa ay kusang pumikit ang aking mga mata at bigla ang pagdaloy ng mga alaala mula sa aking isipan. Ang bawat parte ng mga alaala sa amin ni Ali maging ng lalaking pinakasalan ko ay ngayon ko lang napagtugma-tugma.Habang nakapikit ay narinig ko na bumukas ang pintuan ng kwarto. Nagsimulang bumangon ang matinding kilabot sa buong pagkatao ko dulot ng matinding ten
“Ahhhh…” walang ibang maririnig sa buong kwarto kundi pawang mga ungol na nagmumula sa bibig ni Marco. Patuloy niyang hinahalikan ang mga labi ni Ashley habang walang habas na naglalabas masok ito sa lagusan nito. Mariing nakapikit si Ashley habang nilalasap ang ligayang dulot ng pag-iisa ng kanilang mga katawan. Ilang sandali pa ay umangat ang kanyang likod mula sa higaan ng isagad ng asawa ang sandata nito sa kanyang sinapupunan. Bahagya pang napangiwi ang kanyang mukha ng kagatin siya ni Marco sa balikat. Hindi niya ininda ang sakit dahil nasasapawan ito ng sarap mula sa magkahugpong nilang katawan. “Ouch! Ano ba? nasasaktan na ako!” Naiinis kong sabi habang pilit siyang itinutulak palayo sa akin. Balewala ang lakas ko dahil nagpatuloy lang ito sa kanyang ginagawa na para bang walang pakialam sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas simula ng may mamagitan sa aming dalawa. Madalas na ganito ang ginagawa niya sa akin, aangkinin kung kailan niya gusto at kung sakalin
“Thalia, may bisita ka.” Natigil ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang sinabi ng aming Mayordoma. Nagtataka ako kung sino ang bisita na sinasabi nito gayong wala naman akong ibang maisip na pwedeng dumalaw sa akin dito. Wala ngayon ang aking asawa dahil may dinaluhan ito na isang mahalagang meeting.Pagdating ko sa bungad ng hagdan ay sumalubong sa akin ang malungkot na mukha ng aking kapatid na si Ashley. Nakaupo siya sa mahabang sofa habang panay ang pisil ng kanyang kanang kamay sa kaliwang kamay nito kaya hindi maikakaila ang pagiging balisâ ng aking kapatid. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay may pagmamadali itong tumayo bago ngumiti sa akin. Matinding kasiyahan ang naramdaman ko dahil hindi ko inaasahan na dadalawin ako nito sa mismong tahanan namin.“Ate Ashley!” Masaya kong tawag sa kanyang pangalan bago ito sinugod ng yakap. Mahigpit naming niyakap ang isa’t-isa, naramdaman ko na yumugyog ang kanyang mga balikat tanda na umiiyak ito habang nanatiling mahigpit ang pag