Share

Chapter 29

Thalia's Point of view

"Parang may kung anong bagay ang humahalukay sa aking sikmura at matinding kilabot ang kumalat sa buong katawan ko ng lumapat ang kanyang mga labi sa aking bibig. Pamilyar sa akin ang pakiramdam na ito at hindi maikakaila na kay tagal kong pinananabikan na muling maramdaman ito. Tuluyan na akong natangay sa mapusok niyang mga labi at labis kong ikinagulat ang pagpatong niya sa ibabaw ng aking katawan.

Ramdam ko ang labis na panggigigil nito at kulang na lang ay kagatin niya ang labi ko, batid ko na kinokontrol niya ang kanyang sarili na huwag akong masaktan dahil ramdam ko ang ibayong pag-iingat sa mga haplos nito.

Natigilan ako ng gumapang ang kamay niya patungo sa pagitan ng aking mga hita, sinikap kong hulihin ang kamay nito ngunit huli na ang lahat dahil kasalukuyan ng sapo mainit niyang palad ang aking pagkababae. Biglang huminto sa paggalaw ang mga labi nito at saglit na inilayo ang mukha sa akin saka diretsong tumitig sa aking mga mata.

Pakiramdam ko ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status