Lumaki si Jay dala-dala ang mapait na ala-ala ng kaniyang kabataan mula sa lolo niya. He never believed in her. Sa mata nila, isang mahinang babae lamang si Jay na hindi p’wedeng maging sundalong gaya nila. Simula noon, ipinangako ni Jay sa kaniyang sarili na hahanapin niya ang kaniyang ina kasabay ng kagustuhan niyang mapatunayan sa lolo niya na mali ito ng naging husga sa kaniya. What Jay didn’t know, hindi lang pala simpleng giyera ang magagawa niyang suungin. She was able to dodge bullets but she wasn’t able to dodge when Lorenzo made her feel the happiness she’s longing for.
View MoreNiyakap ni Lorenzo si Jay na nagpangiti kay Jay.“Salamat Jay. Salamat sa pagkonsidera. Kakausapin ko muna siya pagkatapos na mahatid kita sa inyo,” sabi ni Lorenzo na nagpabura sa ngiti ni Jay. Kumalas si Jay sa pagkakayakap ni Lorenzo at humarap kay Stacy na nakatingin sa kanya ng masama.Nagbago ang ekspresyon ni Stacy ng lumingon si Lorenzo sa kanya.“Stacy, pwede ba maghintay ka rito?” tanong ni Lorenzo kay Stacy. Tumango lang si Stacy at ngumiti kay Lorenzo.Humarap ulit si Lorenzo kay Jay at hinawakan ang kamay paalis sa mall. Nang nakarating sila sa parking lot bubuksan na sana ni Lorenzo ang pinto ng ng kanyang sasakyan ng humarang si Jay sa kanyang harap.“Lorenzo, sasakay na lang ako ng taxi,” sabi ni Jay at pilit na ngumiti kay Lorenzo. Naramdaman naman ni Lorenzo ang pagka dismaya sa boses ni Jay kaya hinawakan niya ang kamay ni Jay.“Jay, alam ko na nasaktan kita ngayon. Patawarin mo ako kung umabot man sa ganito ang sitwasyon natin. Ipapangako ko na walang magbabago. Ik
Kinilig naman si Jay sa ginawa ni Lorenzo. Naramdaman niya na lumuwag ang kanyang pakiramdam dahil sa wakas ay nasabi na niya kay Lorenzo ang kanyang naging desisyon.“Alam na ba ni chief Franco ang tungkol sa naging desisyon mo?” tanong ni Lorenzo kay Jay. Umiling naman si jay.“Hindi pa. Si Dad, Peter, Rose, ikaw pa ang nakakaalam tungkol sa naging desisyon ko,” sagot ni Jay kay Lorenzo.“Talaga? Kailan ang plano mo mag resign?” tanong ni Lorenzo.“Sa biernes,” sagot ni Jay.“Kung ganun, tatlong araw simula ngayon,” sabi ni Lorenzo.“Oo,” sagot ni Jay.“Salamat Jay dahil pumayag ka sa inalok ko sa iyo. Sobrang masaya ako sa desisyon mo. Alam ko na mahirap para sa iyo na tumigil sa pinapangarap mo na trabaho. Ngayon ay na-g-guilty ako dahil bibitawan mo ang pangarap mo dahil sa akin,” sabi ni Lorenzo. Umiling naman si Jay.“Huwag kang ma-guilty Lorenzo. Desisyon ko na bitawan ko ang trabahong ito. Alam ko mismo na delikado ang trabahong ito. May pagkakataon na baka ito pa ang magigin
Jay POVPagkatapos ng aming pagkikita nila Peter at Rose sa mall ay dumiretso ka agad ako sa opisina upang magtrabaho. Buo na ang desisyon ko na mag resign sa trabaho kaya ngayon araw ay itutuon ko ang buong atensyon ko sa trabaho.Hindi ko aakalain na aabot ako sa sitwasyon na ito na iiwan ko ang trabaho ko para sa kaligayahan na dumating sa aking buhay.Nang makarating ako sa opisina ay binati ako ng mga co-workers ko. Masaya ako na makasama ko sila kaya gusto ko na makasama ko sila sa huling pagkakataon.Nais ko mag-resign sa trabaho kapag nasabi ko na kay Lorenzo tungkol sa desisyon ko. Kaya sana ay matapos na siya sa kanyang misyon at makauwi ng ligtas.Alas siete na ng gabi ng matapos kami sa trabaho. Mabuti na lang ay sinundo ako ngayon ni Nate kaya hindi ko na kailangan sumakay ng public vehicle.“Ngayon araw ay wala tayong klase,” sabi ni Nate habang nag d-drive ng kotse.“Talaga? Bakit daw?” tanong ko sa kanya.“Sinamahan ni Simon si lolo sa importanteng lakad ni lolo,” sago
Pagkatapos nila magbabad sa hotspring ay umahon sila mula sa tubig at bumalik sa kwarto. Nagbihis sila at inaya si Jay na pumunta ulit sa restaurant. Sumama naman si Jay kay Marinette.Mula sa harap ng restaurant ay kita mula dito ang swimming pool. Nakita nila si Lizzy na may kausap na lalaki habang tumatawa. Hinanap nila si Risley pero hindi nila makita si Risley sa swimming pool kaya napagdesisyonan nila na pumasok na sa loob ng restaurant.Pagpasok nila ay nakita nila si Risley na nakailang ulit na ng pagkain. Nang makita sila ni Risley ay kumaway si Risley sa kanila.Lumingon naman si Marinette kay Jay.“Kilala mo ba ‘yan?” tanong ni Marinette.“Hindi eh. Kilala mo ba iyan?” tanong ni Jay.“Hindi rin eh. Tara umalis na tayo rito,” sabi ni Marinette at aktong aalis na sa loob ng restaurant.“Oi! Ang sama niyo,” sigaw ni Risley. Napatawa na lang si Marinette at lumapit sila sa lamesa ni Risley at umupo.“Naka ilang ulit ka na ba?” tanong ni Marinette kay Risley.“Pang limang beses
Dalawang araw na ang nakalipas simula ng inimbitahan ni Lorenzo si Jay sa kaniyang tinitirahan. Dalawang araw na rin ang nakalipas na hindi na nakakatawag si Lorenzo sa kanya. Ang huling tawag ni Lorenzo sa kanya ay may emergency misyon siya na kailangan ng aksyon. Tinanong ni Jay kung kailan ito matatapos ngunit hindi nagbigay ng sagot si Lorenzo.Ngayon ay nasa loob siya ng office habang ginagawa ang trabaho niya. Habang tinitignan niya isa-isa ang mga dokyumento na nasa harap niya ay napapatingin siya sa kanyang cellphone na nasa ibabaw ng mesa.Umaasa si Jay na tatawag o mag t-text si Lorenzo sa kanya. Napansin naman ito ng mga kasamahan niya na palagi siya tumitingin sa cellphone niya.Biglang bumukas ang pinto at napalingon si Jay at umaasa na si Lorenzo ang pumasok sa office pero ang ngiti sa mukha niya ay nawala ng hindi si Lorenzo ang pumasok sa office.“Jay!” tawag ni Marinette ng makita niya si Jay. Siya ang pumasok sa office. Lumapit si Marinette sa kanya ay niyakap ng mah
Alas unsi na ng umaga at hindi pa nakarating sila Jay sa kanilang pupuntahan. Napansin naman ni Jay na dumaan sila sa isang patag na lugar. Kitang-kita ni Jay ang kagandahan ng kalangitan ngayon. Ang gilid ng daan ay sobrang patag na halos ang makikita rito ay ang kulay berde na mga damo na hindi gaano kataas.Namangha si Jay sa kagandahan ng paligid. Pagkatapos madaanan nila ang patag na daan ay biglang may dalawang daan ang natatanaw niya. Sa kanang daan patag pa rin ang daan habang sa kaliwang daan ay parang paakyat sa bundok.Dumaan sila sa kaliwang daan kung saan papaakyat ang takbo ng kotse nila.Hindi kalayuan ay natatanaw ni Jay ang isang malaking gate. Nang makalapit sila sa gate ay may mga gwardiya na nagbukas ng gate. Nagpatuloy sa pagmaneho si Lorenzo at nadaanan nila ang isang malawak at di gaano kalaki na harden. Nagandahan naman si Jay sa harden at pinagmasdan ang ito.Napansin naman ni Jay na may hardenero na nag-aalaga sa harden. Mga ilang sandali ay huminto sila sa h
Pagkatapos patayin ni Jay ang tawag ay nagpagulong-gulong siya s kanyang kama dahil sa kilig na naramdaman niya. Ang lakas ng tibok ng puso niya na parang gusto na kumawala sa kanyang dibdib.Pakiramdam ni Jay na sobrang init ng kanyang mga pisnge kaya napagdesisyonan niya na maligo ngayon. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis siya. Pinatuyo niya ng abuti ang kanyang buhok para hindi siya makatulog na basa ang kanyang buhok at sumakit ang kanyang ulo.Pagkatapos magpatuyo ng buhok si Jay umupo siya sa kanyang kama at kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita niya na may mensahe si Lorenzo para sa kanya. Napangiti na lang siya ng mabasa ito.“Good night, darling,” pagbasa niya sa mensahe at may heart emoji pa ito.Inilagay ulit niya ang kanyang cellphone sa lamesa at humiga sa kanyang kama habang nakapikit ang kanyang mata at yakap-yakap ang isa niyang unan.Dahil sa pagod at saya ay may ngiti sa labi si Jay na nakatulog ng mahimbing.Kinabukasan ay sinuot ni Jay ang damit na binili
Nagising si Jay mula sa pagkakatulog ng gisingin siya ni Lorenzo sa loob ng kotse. Nang naimulat ni Jay ang kanyang mga mata ay nakita niya na nasa harap na pala siya ng gate na tinutuluyan niya.“Nandito na tayo sa inyo,” sabi ni Lorenzo. Hindi pa sila nakapasok sa loob dahil hindi alam ng mga gwardya kung sino ang nasa loob.“Ihahatid na kita sa inyo sa loob,” pag-alok ni Lorenzo sa kanyang nobya ngunit umiling lang si Jay.“Okay lang. Dito mo na lang ako ibaba,” sabi ni Jay. Gustuhin man ni Jay na makasama si Lorenzo ng matagal pero nais niya na hindi na ito makauwi na si Lorenzo at makapagpahinga.“Pero sino ang magdadala ng mga maleta mo? Sa liit mo-” hindi natuloy ang sasabihin ni Lorenzo ng sinimangutan siya ni Jay.“Ganun? Hindi ko kaya madala ang maleta ko dahil sa liit ko?” inis na sabi ni Jay kay Lorenzo.“Ang ibig kong sabihin ay-” hindi ulit natuloy ang sasabihin ni Lorenzo ng itaas ni Jay ang kanyang kanang kamay sa harap ni Lorenzo.“See you tomorrow, Lorenzo,” sabi ni
Okyupado ang pag-iisip ni Jay tungkol sa kalagayan ng kanyang ama at sa magiging desisyon niya. Ayaw niya mabigo ang pag-asa at paniniwala ng mga dating kasamahan niya sa kanya pero dahil ang pinag-uusapan ang tungkol sa nangyayaring gulo. Kung saan kung sasabak siya sa ganun klaseng gulo ay walang kasiguraduhan na makakauwi siya sa piling ni Lorenzo ng buhay.Dahil dito ay ngayon lang siya nakaranas ng takot na mamatay dahil sa kadahilanan na takot siya na baka hindi na niya makapiling muli ang mga mahal niya sa buhay lalo na si Lorenzo.Pagkatapos makababa ni Jay sa eroplano, okyupado pa rin ang kanyang pag-iisip at hindi niya namalayan na nasa harap na pala niya si Lorenzo.“Jay!” Tawag ni Lorenzo sa kanya. Saka lamang napansin ni Jay si Lorenzo ng madinig niya ang boses ni Lorenzo malapit sa kanyang kanang tenga kaya ay nagulat siya at napalingon kay Lorenzo. Nakatingin sa kanyang mata na may pag-alala.“Lorenzo!” Tawag ni Jay at niyakap si Lorenzo ng mahigpit. Niyakap nila ang i
Nadapa ako nang itinulak ako ng dalawang batang lalaki na pinsan ko dahil ayaw nila sa akin. Ayaw nila sa isang tulad ko. Ayaw nila sa babae. "Gusto ko lang makipaglaro sa inyo," sabi ko habang pinipigilan ko ang aking luha na tumulo mula sa aking mga mata. "Hindi pwede! Kasi babae ka at ang babae ay mahina! Kapag nasasaktan ay umiiyak!" singhal ni Nate na pinsan ko. Tumawa sila pagkatapos. Pinagtatawanan nila ako na parang isang pusa na kawawa sa paningin nila. Ayaw nila sa babae kasi mahina ako. "Isuko mo na ang pangarap mo na maging sundalo Jay, kasi kahit kailan hindi ka magugustuhan ni lolo! Ang gusto ni lolo ay lalaking apo na magdadala sa apelyido niya at ng kanyang mga yapak,” sabi niya at iniwan nila ako na nakadapa at sugatan. Hindi ako naniniwala sa kanila. ...
Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.
Comments