Nadapa ako nang itinulak ako ng dalawang batang lalaki na pinsan ko dahil ayaw nila sa akin. Ayaw nila sa isang tulad ko. Ayaw nila sa babae.
"Gusto ko lang makipaglaro sa inyo," sabi ko habang pinipigilan ko ang aking luha na tumulo mula sa aking mga mata.
"Hindi pwede! Kasi babae ka at ang babae ay mahina! Kapag nasasaktan ay umiiyak!" singhal ni Nate na pinsan ko. Tumawa sila pagkatapos. Pinagtatawanan nila ako na parang isang pusa na kawawa sa paningin nila. Ayaw nila sa babae kasi mahina ako.
"Isuko mo na ang pangarap mo na maging sundalo Jay, kasi kahit kailan hindi ka magugustuhan ni lolo! Ang gusto ni lolo ay lalaking apo na magdadala sa apelyido niya at ng kanyang mga yapak,” sabi niya at iniwan nila ako na nakadapa at sugatan. Hindi ako naniniwala sa kanila. Alam ko na hindi ganon si lolo dahil mabait siya sa akin.
Pinunasan ko ang mga luha na kumawala sa mga mata ko at pilit na tumayo kahit masakit ang dalawang tuhod ko mula sa pagkakadapa. Alam ko na balang araw magiging magkaibigan din kami ng mga pinsan ko. Hindi ako susuko. Pinahid ko ang aking mga luha na kumalat sa aking mga pisngi at ngumiti ng pilit at umuwi na sa bahay.
Pagdating ko sa bahay ni lolo ay dumiretso ako sa library room niya upang sabihin sa kanya na gusto ko maging katulad niya na isang sundalo. Tamang-tama, bukas ang pinto. Ngunit pagpasok ko ay magsasalita na sana ako nang nadatnan ko si papa na kausap si lolo. Hindi ko makita si lolo dahil tanging likod lang ni papa ang nakikita ko. Sa tono ng boses ni papa ay halatang galit siya. Nag-aaway ba sila ni lolo?
"Why did you give me a granddaughter? Women are weak! They can't fight in war! Your daughter is useless! Now that your wife has died, find some woman and give me a grandson!" sigaw ni lolo. Nagulat ako sa narinig at hindi makapaniwala. Tama ba ang mga naririnig ko? Bakit sinabi ni lolo ang mga iyon? Ayaw niya ba talaga sa akin dahil babae ako? Papayag ba si papa na maghanap ng ibang babae na mapapangasawa niya? Kung mangyayari iyon, paano na ako? Kung magkakaroon ng bagong pamilya si papa at magkaroon ako ng bagong kapatid na lalaki, paano na lang si mama? Ang sabi ni papa hindi siya naniniwala na patay na si mama dahil walang ebidensya na magpapatunay na patay na si mama.
Biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Ang ngiti na nakapaskil sa labi ko kanina ay unti-unting nabura at napalitan ng isang lungkot. Sobrang sakit ng mga salita na binitawan ni lolo. Akala ko ba mahal ako ni lolo? Bakit galit siya? Natatakot ako sa maaaring isagot ni papa kay lolo. Pilit ko pinipigilan ang mga luha at hikbi ko sa paglabas sa takot na baka makita nila ako na mahina.
"I will never change my wife! I'm not like you! If you can't accept my daughter as your granddaughter then, we will leave now this place!" May diin sa salita ni papa habang sinabi niya ang mga katagang iyon. Dahil sa sinabi ni papa ay lumiwanag aking mukha at napuno ng pag-asa. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko dahil sapat na ang mga narinig ko ngunit lumingon si papa sa direksyon ko. Pagkakita niya sa akin ay gulat ang rumehistro sa mukha niya at napalitan din ito ng isang malungkot na ngiti.
"Let's go home Jay, anak," mahinang sambit ng aking ama. Lumapit si papa sa akin at hinawakan ang kamay ko paalis sa silid na iyon. Sa araw na nilisan namin ang silid na iyon ay hindi ko pinalampas na tignan sa mga mata ang lolo ko. Wala itong emosyong ipinapakita kaya mas pinili kong suklian iyon ng mga blangkong tingin ngunit sa kaloob-looban ko ay nasasaktan ako dahil sa malamig na pakikitungo sa akin ni lolo ngayon.
In-empake ni papa ang mga gamit namin at umalis kami sa bahay na iyon. Nakita ko pa ang dalawang pinsan ko na inirapan ako ngunit imbis na pansinin sila ay tumingin ako diretso sa harap. Balang araw ay patutunayan ko sa kanila na kahit babae ay kayang harapin ang giyera. Maghapon kaming tumambay ni papa sa isang lugar malapit sa daungan ng barko habang hinihintay ang oras ng aming pag-alis. Pagsapit ng gabi ay nakasakay na rin kami sa wakas. Pagdating namin sa kwarto na kinuha ni papa para sa amin ay nagpaalam siya na lalabas muna at binilinan ako na matulog muna. Hindi ako makatulog dahil paulit-ulit na sumusulpot sa isipan ko ang mga sinabi ni lolo kanina kay papa. Lahat ng mga narinig ko kanina sa library ay parang tinik na tinutusok ang puso ko. Nagsisimula na may namoong luha sa mga mata ko at kalaunan ay napaiyak na ako ng tuluyan dahil sa mga salitang binitawan ni lolo. Kung naging lalaki lang sana ako ay hindi mag-aaway sina lolo at papa. Kung naging lalaki sana ako ay tatanggapin ako ng mga pinsan ko. Bakit naging babae pa ako? Dahil sa pag-iyak ay hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako.
Madaling araw ay nagising ako. Tinignan ko ang maliit na kama ngunit wala si papa sa aking tabi kaya napabangon ako. Akmang sisigaw na ako para tawagan si papa nang makita ko si papa na nakaupo sa gilid ng saradong pinto habang nakayuko at ang kaliwang binti ay nakatupi. Nakita ko na may tumulong butil na luha sa kanyang mga mata. Umiiyak ba si papa? Lumapit ako sa kanya at niyakap siya na ikinagulat niya. Mas lalo siya napahagulhol at niyakap din ako nang mahigpit. Nasasaktan ako na makita si papa na malungkot at umiiyak.
"Anak, everything will be okay," sabi niya. Alam ko ang pangungusap na iyon ay hindi lang para sa akin kundi para sa amin. I hugged him tightly with my small arms.
I never saw my papa crying, ngayon lang. Seeing him cry because of what happened to us, proved that he really is the best and strongest papa in the world. I'm lucky to have him as my father. He never replaces my mom, and he always protects me.
The day we arrived in Iligan City here in Mindanao, my papa resigned from being a soldier to spend more time with me. Since then, I promised myself that I will do my best to protect my father. Kung mabibigyan din ako ng pagkakataon ay gusto kong hanapin si mama dahil tulad ng paniniwala ni papa ay hindi rin ako naniniwala na namatay si mama sa aksidenteng nangyari. After all, we don't see an evidence that mama is dead. I'm sure of it, and also papa feels the same way.
"Anak, kasal na pala ng kaibigan mo ngayon. Pakisabi sa kanya na hindi ako makakadalo sa kasal niya dahil sa lagnat ko," mahinang sabi ni papa habang umuubo. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung dadalo ba ako sa kasal ni Margaret dahil sa kalagayan ni papa. Napabuntong-hininga na lang ako at umupo sa tabi ng kama ni papa. "Alam ko ang ekspresyon na iyan, anak. Huwag mo na akong alalahanin pa. Dumalo ka na sa kasal ng kaibigan mo," aniya. Nakangiti si papa nang sabihin niya iyon pero ayaw ko talaga siyang iwan nang mag-isa rito. "Pero pa, hindi ako mapapakali kung iiwan kita rito ng may sakit," sabi ko at sinalat ang noo niya. "Huwag kang mag-alala sa akin anak. Kilala mo naman ako, diba? Malakas pa ako at kumpleto pa ang eight pack abs ko," pagbibiro niya kaya napatawa na lang ako na ikinangiti niya. "Anong konek ng eight pack abs mo, pa? O sige na nga pero babalik din ako agad pagkatapos niya ikasal," saad ko at hinalikan sa noo si papa. Nagpaalam ako sa kanya at napabuntong-hining
It's been a month since I saw my two grumpy cousins with their grumpy friend. Kakagising ko lang at pagtingin ko sa lalagyan ng shampoo ko ay ubos na pala kaya lumabas ako ng bahay para bumili ng shampoo sa tindahan na katabi ng bahay namin. "Ayo! Palit ko ug usa ka shampoo na Silky, (Tao po! Pabili po ng shampoo na silky)," sabi ko sa tindira. "Wait lang Jay," sabi niya at ibinigay sa akin ang binili ko. Binayaran ko na siya at aalis na sana ng pinigilan niya ako. "Jay, taas na imong buhok. Lapas na sa imong abaga. Wala kay plano magpaputol usab? (Jay, mahaba na ang iyong buhok. Wala ka bang plano na magpagupit ulit?)" Tanong ni aling Dalia ng mapansin niya na mataas na ang buhok ko. "Magpaputol ko ug buhok unya teh. Sige, adto sa ko, (Magpapagupit po ako mamaya ale. Sige po, aalis na po ako)," sabi ko at bumalik na sa loob ng bahay. Agad ako nagtungo sa banyo para maligo. Sa tagal ko na rito sa Mindanao medyo magaling na ako magsalita ng bisaya. Sa unang araw pa lang ng pag-aaral
Kahapon lang kami nakarating dito sa Manila at bumili si papa ng bahay na matitirhan namin habang namamalagi kami rito sa Manila. Okay na rin siguro bumili si papa ng bahay para kapag may mission man ako dito ay hindi ko na kailangan mag hotel pa. Noon kasi minsan ay ina-assign kami sa malalayong lugar. Papa wanted me to resign being a soldier and he wanted me to focus in my other course which is business. May business kami at paminsan-minsan ay tumutulong ako kay papa. Sa katunayan ay hindi pa ako nakapagtapos sa business course ko at lumipat agad ako sa pag-aaral sa pagiging sundalo Sinubukan ko tumigil ng isang buwan pero hinahanap-hanap ko ang pagiging sundalo. I know my father wanted me to be safe but he also supported my likes and wants. Pero dahil sa nangyari noon na muntik na ako maubusan ng dugo ng nabaril ako malapit sa puso ay doon na ako pinatigil ni papa. Actually hindi talaga ako tumigil. May kasunduan kami ni papa. Magpapahinga muna ako ng tatlong taon sa serbisyo at li
"Anak kamusta ang lakad mo kahapon?" Tanong ni Papa sa akin ng maibaba niya ang kape na iniinom niya. "Okay naman po pa. Natanggap ako bilang isang extra DJ pero hindi nga lang full-time. Okay na rin sa akin 'yon," masayang balita ko at ininom ang tsaa na ginawa ko kanina. Alas otso na sa umaga at naabutan ko si papa dito sa sala malapit sa sliding window glass na nakaupo at nagbabasa ng dyaryo. "Good to hear that," sabi niya at uminom ulit ng kape. Habang umiinom ako ng tsaa ay ibinaba ni papa ang dyaryo at may binigay sa akin. "Ano po ito pa?" Tanong ko at tinignan ang laman ng envelope. "Just look at it. I just realized that it's unfair to take away your dream so I asked my friend if you can join them. And despite of the course you've finished they accepted you," sabi ni papa na may ngiti sa labi. Ako naman ay hindi ko mapigilan mapatalon sa tuwa. Parang kumikinang ang aking mga mata dahil sa saya at tuwa. Finally, I have a decent job. For me, decent job is having a gun partner
"Can you please stop that?" Sigaw niya sa akin ng maabutan ko siya. Ang sungit naman nito. Paglabas namin sa office ni Chief ay dinumog agad ako ng mga tao sa loob. "Ikaw ba si Jay?" Tanong ng isang lalaki na nasa pinto. "Ang cute mo naman," sabi naman ng isa pang lalaki. "Ikaw ba ang bagong partner ni Lorenzo?" Tanong nila kaya tumango ako at binigyan sila ng matamis na ngiti. Lumapit silang lahat sa akin at halos yakapin nila ako. "Will you please go back to your work?" Sigaw ni Lorenzo. Dahil sa sigaw ni Lorenzo ay sa isang iglap ay nasa upuan na silang lahat. Grabe siya oh! Daig pa niya ang boss dito. Hmph! "Good luck to your first work," sabay nilang sabi sa akin na ikinangiti ko. "Salamat," sabi ko at nginitian sila. Unang umalis si Lorenzo kaya tumakbo ako para makahabol ako sa kanya sa elevator. Nang nakahabol na ako sa kanya sa elevator ay agad ko siya tinanong. "Ano ang gagawin natin?" Tanong ko sa kanya. "Shut up and just keep your mouth shut," malamig na sabi niy
It is my first day working here in Ghouls bar. Mabuti na lang ay hindi ako na late tulad ng dati kong pinapasukan. Habang nag-e-enjoy ako sa pag manipula sa mga gamit na nasa harap ko ay may mga nagsisiakyatan sa stage at mga nagsasayawan. Meron din lumalapit sa akin na mga hot guys na ikinairita ko pero binalewala ko na lang dahil unang araw ko ngayon. Bakit ba kasi ako pinagpalit ng damit ni mr. Luke eh okay naman ako doon sa navy blue t-shirt ko at jumper ko? Ayaw niya daw sa suot ko. Wala naman akong magawa dahil siya ang boss Pranka niya sinabi pa akin na para daw akong high schooler kaya ayon na papayag niya ako magsuot ng fitted red tube at killer boots na may mataas na takong na nasa six inches ang haba. Mabuti na lang ay sanay ako. Malapit ng mag alas dyes ng gabi kaya mas lalo ako na-excite. My final last move ay mas lalong nagpawild sa mga tao rito sa loob ng Ghouls Bar. Sa wakas natapos din ako. Nag-aabang ang kapalit ko na DJ at nakipag high five ako sa kanya. I gave the
Napatingin ako sa suot ko. Pumasok ako sa loob ng kotse at nagbihis. Mabuti na lang ay nilagay ko rito ang mga damit ko kanina bago ako nagsimula sa trabaho. Mas komportable ako sa t-shirt at jumper kesa fitted tube dress na pinasuot sa akin ni mr. Luke. Lumabas ulit ako sa kotse at nag-aabang ng kotse na dadaan. Kung tawagan ko na lang kaya si commander Leo? Siguro naman ay tutulungan niya ako sa sitwasyon ko. Pero huwag na nga lang. Baka ma disturbo ko pa siya. Mga ilang sandali habang palingalinga ako sa magkabilang gilid ng daan sa wakas ay may sasakyan din na dumaan. Pinara ko ito at mabuti na lang ay huminto ito. Nagulat na lamang ako sa nakita ng ibinaba ng nasa loob ang salamin ng sasakyan. Si chief Franco pala at kasama niya si Lorenzo. “Oh, Jay, gabi na ah. Bakit hindi ka pa umuwi?” Tanong ni chief Franco at tinignan ang kotse ko. “Na flat ang gulong ng sasakyan ko chief. May extrang gulong ka po ba diyan chief?” Tanong ko sa kanya habang hilaw na napangisi. “Pasensya na J
Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa mundo na ginagalawan ko. Kaya ba nawawala ang mga dating kasamahan ko na mga cosplayer?Ngayon ay si Elizabeth ng 'The Great Sinner' ang ginamit ko na character na i-cosplay. Ikinabit ko ang camera sa botie ko at ang maliit na communication device sa tenga ko."Jay, are you ready?" Tanong ni Lizzy."Yes I am." Bulong ko para hindi marinig ng mga kasamahan ko rito sa likod ng stage.Lumapit sa akin ang mga events coordinator at sinabihan na ako na ang susunod."I'm going out now." Bulong ko."Copy. Nasa harap na sila Lorenzo," sabi ni Marinette. Hinawakan ko ang microphone at masiglang lumabas sa likod ng stage."Hello everyone!" Sigaw ko at kumaway-kaway sa mga tao na nasa harap. Mula rito ay nakita ko sila Lorenzo na nagmamanman sa paligid. Sa katunayan ay medyo kinakabahan ako ngayon dahil haharap na naman ako sa mga tao at kung magtatagumpay ba kami sa misyon namin. Medyo may pagka-iba ang trabaho ko noon at ngayon kaya parang sasabog na ang p
Niyakap ni Lorenzo si Jay na nagpangiti kay Jay.“Salamat Jay. Salamat sa pagkonsidera. Kakausapin ko muna siya pagkatapos na mahatid kita sa inyo,” sabi ni Lorenzo na nagpabura sa ngiti ni Jay. Kumalas si Jay sa pagkakayakap ni Lorenzo at humarap kay Stacy na nakatingin sa kanya ng masama.Nagbago ang ekspresyon ni Stacy ng lumingon si Lorenzo sa kanya.“Stacy, pwede ba maghintay ka rito?” tanong ni Lorenzo kay Stacy. Tumango lang si Stacy at ngumiti kay Lorenzo.Humarap ulit si Lorenzo kay Jay at hinawakan ang kamay paalis sa mall. Nang nakarating sila sa parking lot bubuksan na sana ni Lorenzo ang pinto ng ng kanyang sasakyan ng humarang si Jay sa kanyang harap.“Lorenzo, sasakay na lang ako ng taxi,” sabi ni Jay at pilit na ngumiti kay Lorenzo. Naramdaman naman ni Lorenzo ang pagka dismaya sa boses ni Jay kaya hinawakan niya ang kamay ni Jay.“Jay, alam ko na nasaktan kita ngayon. Patawarin mo ako kung umabot man sa ganito ang sitwasyon natin. Ipapangako ko na walang magbabago. Ik
Kinilig naman si Jay sa ginawa ni Lorenzo. Naramdaman niya na lumuwag ang kanyang pakiramdam dahil sa wakas ay nasabi na niya kay Lorenzo ang kanyang naging desisyon.“Alam na ba ni chief Franco ang tungkol sa naging desisyon mo?” tanong ni Lorenzo kay Jay. Umiling naman si jay.“Hindi pa. Si Dad, Peter, Rose, ikaw pa ang nakakaalam tungkol sa naging desisyon ko,” sagot ni Jay kay Lorenzo.“Talaga? Kailan ang plano mo mag resign?” tanong ni Lorenzo.“Sa biernes,” sagot ni Jay.“Kung ganun, tatlong araw simula ngayon,” sabi ni Lorenzo.“Oo,” sagot ni Jay.“Salamat Jay dahil pumayag ka sa inalok ko sa iyo. Sobrang masaya ako sa desisyon mo. Alam ko na mahirap para sa iyo na tumigil sa pinapangarap mo na trabaho. Ngayon ay na-g-guilty ako dahil bibitawan mo ang pangarap mo dahil sa akin,” sabi ni Lorenzo. Umiling naman si Jay.“Huwag kang ma-guilty Lorenzo. Desisyon ko na bitawan ko ang trabahong ito. Alam ko mismo na delikado ang trabahong ito. May pagkakataon na baka ito pa ang magigin
Jay POVPagkatapos ng aming pagkikita nila Peter at Rose sa mall ay dumiretso ka agad ako sa opisina upang magtrabaho. Buo na ang desisyon ko na mag resign sa trabaho kaya ngayon araw ay itutuon ko ang buong atensyon ko sa trabaho.Hindi ko aakalain na aabot ako sa sitwasyon na ito na iiwan ko ang trabaho ko para sa kaligayahan na dumating sa aking buhay.Nang makarating ako sa opisina ay binati ako ng mga co-workers ko. Masaya ako na makasama ko sila kaya gusto ko na makasama ko sila sa huling pagkakataon.Nais ko mag-resign sa trabaho kapag nasabi ko na kay Lorenzo tungkol sa desisyon ko. Kaya sana ay matapos na siya sa kanyang misyon at makauwi ng ligtas.Alas siete na ng gabi ng matapos kami sa trabaho. Mabuti na lang ay sinundo ako ngayon ni Nate kaya hindi ko na kailangan sumakay ng public vehicle.“Ngayon araw ay wala tayong klase,” sabi ni Nate habang nag d-drive ng kotse.“Talaga? Bakit daw?” tanong ko sa kanya.“Sinamahan ni Simon si lolo sa importanteng lakad ni lolo,” sago
Pagkatapos nila magbabad sa hotspring ay umahon sila mula sa tubig at bumalik sa kwarto. Nagbihis sila at inaya si Jay na pumunta ulit sa restaurant. Sumama naman si Jay kay Marinette.Mula sa harap ng restaurant ay kita mula dito ang swimming pool. Nakita nila si Lizzy na may kausap na lalaki habang tumatawa. Hinanap nila si Risley pero hindi nila makita si Risley sa swimming pool kaya napagdesisyonan nila na pumasok na sa loob ng restaurant.Pagpasok nila ay nakita nila si Risley na nakailang ulit na ng pagkain. Nang makita sila ni Risley ay kumaway si Risley sa kanila.Lumingon naman si Marinette kay Jay.“Kilala mo ba ‘yan?” tanong ni Marinette.“Hindi eh. Kilala mo ba iyan?” tanong ni Jay.“Hindi rin eh. Tara umalis na tayo rito,” sabi ni Marinette at aktong aalis na sa loob ng restaurant.“Oi! Ang sama niyo,” sigaw ni Risley. Napatawa na lang si Marinette at lumapit sila sa lamesa ni Risley at umupo.“Naka ilang ulit ka na ba?” tanong ni Marinette kay Risley.“Pang limang beses
Dalawang araw na ang nakalipas simula ng inimbitahan ni Lorenzo si Jay sa kaniyang tinitirahan. Dalawang araw na rin ang nakalipas na hindi na nakakatawag si Lorenzo sa kanya. Ang huling tawag ni Lorenzo sa kanya ay may emergency misyon siya na kailangan ng aksyon. Tinanong ni Jay kung kailan ito matatapos ngunit hindi nagbigay ng sagot si Lorenzo.Ngayon ay nasa loob siya ng office habang ginagawa ang trabaho niya. Habang tinitignan niya isa-isa ang mga dokyumento na nasa harap niya ay napapatingin siya sa kanyang cellphone na nasa ibabaw ng mesa.Umaasa si Jay na tatawag o mag t-text si Lorenzo sa kanya. Napansin naman ito ng mga kasamahan niya na palagi siya tumitingin sa cellphone niya.Biglang bumukas ang pinto at napalingon si Jay at umaasa na si Lorenzo ang pumasok sa office pero ang ngiti sa mukha niya ay nawala ng hindi si Lorenzo ang pumasok sa office.“Jay!” tawag ni Marinette ng makita niya si Jay. Siya ang pumasok sa office. Lumapit si Marinette sa kanya ay niyakap ng mah
Alas unsi na ng umaga at hindi pa nakarating sila Jay sa kanilang pupuntahan. Napansin naman ni Jay na dumaan sila sa isang patag na lugar. Kitang-kita ni Jay ang kagandahan ng kalangitan ngayon. Ang gilid ng daan ay sobrang patag na halos ang makikita rito ay ang kulay berde na mga damo na hindi gaano kataas.Namangha si Jay sa kagandahan ng paligid. Pagkatapos madaanan nila ang patag na daan ay biglang may dalawang daan ang natatanaw niya. Sa kanang daan patag pa rin ang daan habang sa kaliwang daan ay parang paakyat sa bundok.Dumaan sila sa kaliwang daan kung saan papaakyat ang takbo ng kotse nila.Hindi kalayuan ay natatanaw ni Jay ang isang malaking gate. Nang makalapit sila sa gate ay may mga gwardiya na nagbukas ng gate. Nagpatuloy sa pagmaneho si Lorenzo at nadaanan nila ang isang malawak at di gaano kalaki na harden. Nagandahan naman si Jay sa harden at pinagmasdan ang ito.Napansin naman ni Jay na may hardenero na nag-aalaga sa harden. Mga ilang sandali ay huminto sila sa h
Pagkatapos patayin ni Jay ang tawag ay nagpagulong-gulong siya s kanyang kama dahil sa kilig na naramdaman niya. Ang lakas ng tibok ng puso niya na parang gusto na kumawala sa kanyang dibdib.Pakiramdam ni Jay na sobrang init ng kanyang mga pisnge kaya napagdesisyonan niya na maligo ngayon. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis siya. Pinatuyo niya ng abuti ang kanyang buhok para hindi siya makatulog na basa ang kanyang buhok at sumakit ang kanyang ulo.Pagkatapos magpatuyo ng buhok si Jay umupo siya sa kanyang kama at kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita niya na may mensahe si Lorenzo para sa kanya. Napangiti na lang siya ng mabasa ito.“Good night, darling,” pagbasa niya sa mensahe at may heart emoji pa ito.Inilagay ulit niya ang kanyang cellphone sa lamesa at humiga sa kanyang kama habang nakapikit ang kanyang mata at yakap-yakap ang isa niyang unan.Dahil sa pagod at saya ay may ngiti sa labi si Jay na nakatulog ng mahimbing.Kinabukasan ay sinuot ni Jay ang damit na binili
Nagising si Jay mula sa pagkakatulog ng gisingin siya ni Lorenzo sa loob ng kotse. Nang naimulat ni Jay ang kanyang mga mata ay nakita niya na nasa harap na pala siya ng gate na tinutuluyan niya.“Nandito na tayo sa inyo,” sabi ni Lorenzo. Hindi pa sila nakapasok sa loob dahil hindi alam ng mga gwardya kung sino ang nasa loob.“Ihahatid na kita sa inyo sa loob,” pag-alok ni Lorenzo sa kanyang nobya ngunit umiling lang si Jay.“Okay lang. Dito mo na lang ako ibaba,” sabi ni Jay. Gustuhin man ni Jay na makasama si Lorenzo ng matagal pero nais niya na hindi na ito makauwi na si Lorenzo at makapagpahinga.“Pero sino ang magdadala ng mga maleta mo? Sa liit mo-” hindi natuloy ang sasabihin ni Lorenzo ng sinimangutan siya ni Jay.“Ganun? Hindi ko kaya madala ang maleta ko dahil sa liit ko?” inis na sabi ni Jay kay Lorenzo.“Ang ibig kong sabihin ay-” hindi ulit natuloy ang sasabihin ni Lorenzo ng itaas ni Jay ang kanyang kanang kamay sa harap ni Lorenzo.“See you tomorrow, Lorenzo,” sabi ni
Okyupado ang pag-iisip ni Jay tungkol sa kalagayan ng kanyang ama at sa magiging desisyon niya. Ayaw niya mabigo ang pag-asa at paniniwala ng mga dating kasamahan niya sa kanya pero dahil ang pinag-uusapan ang tungkol sa nangyayaring gulo. Kung saan kung sasabak siya sa ganun klaseng gulo ay walang kasiguraduhan na makakauwi siya sa piling ni Lorenzo ng buhay.Dahil dito ay ngayon lang siya nakaranas ng takot na mamatay dahil sa kadahilanan na takot siya na baka hindi na niya makapiling muli ang mga mahal niya sa buhay lalo na si Lorenzo.Pagkatapos makababa ni Jay sa eroplano, okyupado pa rin ang kanyang pag-iisip at hindi niya namalayan na nasa harap na pala niya si Lorenzo.“Jay!” Tawag ni Lorenzo sa kanya. Saka lamang napansin ni Jay si Lorenzo ng madinig niya ang boses ni Lorenzo malapit sa kanyang kanang tenga kaya ay nagulat siya at napalingon kay Lorenzo. Nakatingin sa kanyang mata na may pag-alala.“Lorenzo!” Tawag ni Jay at niyakap si Lorenzo ng mahigpit. Niyakap nila ang i