Lost Acceptance [Tagalog]

Lost Acceptance [Tagalog]

last updateLast Updated : 2021-08-16
By:   DNforsolace  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
21Chapters
5.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ang tunay na nagpapatawad ay taos-puso, bukal sa loob, at hindi pilit. Ang pagtanggap sa patawad nang walang pag-aalinlangan ay magpapalaya sa masakit na nakaraan. Ngunit paano kapag nabulag siya sa galit? Galit na nakalalason, galit na mapanganib, at galit na patuloy kinukulong sa pagkatao. Makakalaya kaya siya? Sinong magtutulak? Sa anong pagkakataon?

View More

Latest chapter

Free Preview

Simula

August 31, 2017 Pagkislap ng flash na nagmula sa kamerang hawak-hawak ng mga media ang pumalibot sa kabuuan ng lugar. Samut-saring mga sigawan, hikbi, at hagulgol ang nagsisilbing ingay rito. Ang umaalingasaw na amoy, ang nagkalat na sira-sirang mga bagay, at ang kawawang mga patay ay hindi nagpigil sa kanila na lumapit at tumangis. May unti-unting nawawalan ng pag-asa, may dahan-dahang lumalayo sa pananampalataya, may nasisirang pangarap, at may gumuguhong mundo. Kaya hindi sapat ang luha at paulit-ulit na pagsigaw upang maipalabas ang sakit. Walang katumbas na salita ang makapapantay sa nararamdaman nila ngayon, wala... Bagaman ang iilan ay hindi nag-atubiling tumulong upang agad-agad na maipadala ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan, lalo na ang kanilang mga mahal sa buhay. Dahil ang araw rin na ito ay sumasalamin sa katotohanang, sa gitna ng trahedya, sarili mo at ang iyo...

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Dina Fabulosa
Ang ganda, pagasubaybayan ko talaga to😊
2021-06-22 16:24:13
0
user avatar
Marinel B. Arboleda
I'm experiencing a variety of emotions as I read this story.( ˘ ³˘)♥
2021-06-07 22:06:12
0
user avatar
Cyrinne Condino
I like it!
2021-06-07 20:31:49
1
21 Chapters
Simula
August 31, 2017 Pagkislap ng flash na nagmula sa kamerang hawak-hawak ng mga media ang pumalibot sa kabuuan ng lugar. Samut-saring mga sigawan, hikbi, at hagulgol ang nagsisilbing ingay rito. Ang umaalingasaw na amoy, ang nagkalat na sira-sirang mga bagay, at ang kawawang mga patay ay hindi nagpigil sa kanila na lumapit at tumangis. May unti-unting nawawalan ng pag-asa, may dahan-dahang lumalayo sa pananampalataya, may nasisirang pangarap, at may gumuguhong mundo. Kaya hindi sapat ang luha at paulit-ulit na pagsigaw upang maipalabas ang sakit. Walang katumbas na salita ang makapapantay sa nararamdaman nila ngayon, wala... Bagaman ang iilan ay hindi nag-atubiling tumulong upang agad-agad na maipadala ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan, lalo na ang kanilang mga mahal sa buhay. Dahil ang araw rin na ito ay sumasalamin sa katotohanang, sa gitna ng trahedya, sarili mo at ang iyo
last updateLast Updated : 2021-04-30
Read more
Kabanata 1
  "Hayop ka Noel! Napakawalang hiya mo. Punyeta kang gago ka! Anong pumasok sa kukote mo't pumarito ka sa pamamahay ko!?" umalingawngaw ang boses ni Nanay sa halos patumba na naming bahay. Mula sa masikip na kusina, dali-dali akong tumayo at tumungo sa bungad, sabay punas ng harap at likod na parte ng aking kamay. Sino na naman ba ang kaaway mo Nay? Hindi ko tuloy matapos-tapos 'tong paghuhugas ng pinggan dahil maya't maya utos nang utos, at ngayon naman... Napabuntonghininga na lamang ako, normal na para sa akin ang araw-araw na mayroong kagalit si Nanay. Kaso hindi ko pa rin maiwasang mangamba dahil baka dumating sa punto na magkakasakitan na. Lalo na't madaling mapikon si Nanay. 'Yan nga ang isa sa mga rason kung bakit marami na siyang nakagirian. "Ang boses mo Emelda hinaan mo. Hindi mo ba nakikita na nagdadala ka ng iskandalo? Palibhasa wala ka kasing hiya kaya ka ganyan! Makapunyeta ka sa akin 'kala mo kung sino kang malinis!" Pati
last updateLast Updated : 2021-04-30
Read more
Kabanata 2
  Malakas kong sinisipa ang lahat ng batong mahahagip ng mata ko. Pagkatapos ay guguluhin ang buhok at hihiyaw. Nyemas! Magkahalong pagsisisi at ginhawa ang nararamdaman ko. Pagsisisi dahil sana hindi na lang ako nagsalita, dahil wala namang kwenta kasi kahit katiting hindi siya naapektuhan. At ginhawa dahil kahit papaano nailabas ko 'yong nararamdaman ko. Pero kahit na! Nakakainis at nakakahiya talaga ako kanina!  Tantiya ko ay maga-alas sais na nang ako'y umalis doon. Kaya ngayon nag-aagaw na ang dilim at liwanag habang naglalakad ako pauwi. Dugyot na dugyot na ako, 'yong uniform pa namin ay puti, mahihirapan na naman akong labhan ito. Ang sakit na rin ng balikat ko dahil sa matagal na pananatili ng bag. At hanggang ngayon damang-dama ko pa ang pamamaga ng mata ko dahil sa kakaiyak. Nakaka-inis! Ba't ba kasi nagpahigit ako kay Manang Marj—ay isa pa siya! Naiinis din ako sa kanya, wala siyang konsiderasyon, kitang ayaw kong sumama, pipilitin niya a
last updateLast Updated : 2021-04-30
Read more
Kabanata 3
  "Huwag ako Beh, ine-echos mo 'ko e. Masyado naman kasing panteleserye 'yan... Pero 'di nga, totoo?" Nyemas parang ako ang hindi makapaniwala sa tagal niyang naproseso. "Paulit-ulit ka Jamie, nakaka-irita ka na kanina ka pa. Nananadya ka ba o bingi ka lang talaga?" singhal nitong katabi ko. Kung pagtabihin itong si Jamie na medyo tanga at si Mirna na pikon, ewan ko na lang. Mabuti na lang nandito ako para umawat. Naks! Pero kahit ganyan kaming tatlo, hindi kami umabot sa puntong nagkakasakitan na, maliban syempre sa paminsan-minsang pananampal at pambabatok—ekspresyon kumbaga. Nandito kami sa classroom, vacant time sa General Mathematics—na minsan lang mangyari. Dahil maraming ginagawa ang GM teacher namin, pinili niyang 'wag na munang magturo. Hinimok niya kaming gamitin ang oras na 'to para gawin ang mga activities sa ibang subject. Sus, dumaan lang 'yon sa mga tainga namin. Nakaharap kami sa isa't isa habang nakaupo. Para kaming seryo
last updateLast Updated : 2021-06-07
Read more
Kabanata 4
  Dala marahil ng kahihiyan kaya nagawa kong tumakbo nang ganoon kabilis. Muntik pa akong mangudngud. Nyemas! Panibagong kahihiyan na naman ang nagawa ko. Ni hindi ko mawari kung nasaang lupalop na ako ngayon! Pagkatapos kong marinig lahat ng iyon, hindi ako nagdalawang isip na tumayo at lapitan silang dalawa. At no’ng nakita nila ako, kita ko sa mata ni Mishella ang gulat ngunit sa lalaking kasama niya, wala. Nakatingin lang sa akin gamit ang 'di mabasang emosyon. Palagay ko’y iyon pa ang nagpadagdag sa aking mga luha. Ang reaksyong nangbabalewala. Iyak ako nang iyak habang dinuduro ko sila. Tangina hanggang duro lang ang nagawa ko, hindi kayang lumabas ang mga kinikimkim kong salita. Nilulunod ng aking iyak ang gusto kong sabihin. Nanggigigil akong sumbatan sila pero hindi ko alam kung paano, hindi ko kaya. Ang tanging makapaglalabas ng nararamdaman ko ay luha. Kasabay niyon ang panginginig ng aking mga tuhod at labi dahil lumukob sa buong kata
last updateLast Updated : 2021-06-08
Read more
Kabanata 5
  "Si Noel Santana 'di mo kilala ‘yon? ‘Yong dating asawa niya ba eh nakatira doon sa gilid ng pader ng mga Alkazaren? Asus imposibleng 'di mo kilala ‘yon." "Gano’n ba? Eh Ebeng alam mo namang bagong lipat pa lang kami rito ng ampon ko, kaya 'di pamilyar sa akin iyang si Noel Sa... Sata—ano nga ulit ‘yon?" "Santana, Noel Santana nga Bresyang. Bali-balita na nagpunta siya sa dati niyang asawa na si Emelda. Nakikipagbalikan na raw siya at pinilit na lumuwas sa ibang lugar, kesyo itong si Emelda, mapili at maldita ayon umayaw!" "Totoo? Pero kung sa 'kin lang Ebeng, aba 'di na ako magdadalawang-isip payag na 'ko agad. Tiyak ang pag-alis sa lugar na ito ay susi sa maginhawang buhay kaya ba't naging ganon ang desisyon ni... ‘Yong babae." "May punto ang sinabi mo Bresyang, maging ako ay 'yan din ang gagawin. Pero bahala na sila sa buhay nila, problema na nila 'yon." Isa lang iyan sa i
last updateLast Updated : 2021-06-08
Read more
Kabanata 6
  Sa kabila ng nanginginig na mga kamay nagawa ko pa ring sunod sunod na lumagok ng tubig. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang naninimbang na mata ni Ellena, ngunit malaking pasasalamat ko dahil masyado pa siyang bata para maintindihan itong ina-aksyon ko. Pinilit kong kumalma at magmukhang maayos, ngumiti pa ako para talagang magmukhang 'di apektado, lalo na para sa susunod na tanong. "Eh pa-paano 'yan Nay? Paano kung mahuli si—" "Aba pakialam ko sa kanya! Bahala siya sa buhay niya. Kung gusto niyang magpaka-adik, wala akong paki. Kung may masamang mangyaring man sa kanya, edi mangyari! Buhay niya ‘yon, siya ang magdurusa sa impyerno, hindi tayo, hindi sinuman! Matagal na tayong walang koneksyon sa kanya Nak mahigit walong taon na nga, kaya wala na dapat tayong pakialam sa kanya! "Kaso ngayon..." Binalingan ni Nanay si Elise, kung kanina siya ay nakayakap sa dalawang tuhod, ngayon ay maayos na ang kanyang pag-upo habang nakapang
last updateLast Updated : 2021-06-08
Read more
Kabanata 7
  Matapos kong maibigay ang benta at makuha ang suhol, tinupad ko ang aking pangako kina Mirna at Jamie na babalik ako. Gayun pa man bumalik ako upang magpaalam na aalis at hindi manatili pa na kasama sila. Pero ano pa nga ba, pinilit ako ng dalawa na dumiretso na lang daw muna sa plasa. Kagagaling lang do’n nila ah. Kaya todo tanggi pa ako. Maraming rason din ang sinabi ko makawala lang sa kanila. Ang pumiglas-piglas ay sinubukan ko ring gawin ngunit sabunot lang ang inabot ko galing sa dalawa. Sila na nga ang namimilit, sila pa ang nananakit. Walang duda tuloy na napasama ako. Nyemas! "Tapos naman ang liga 'di ba? Oh ano pa ang ginagawa natin dito? May gagawin pa ako sa bahay, aksaya lang 'to ng oras eh," reklamo ko. Pero hindi man lang ako binalingan ni Mirna na prenteng naka-upo sa sementong upuan na pumapalibot sa buong gilid ng plasa. Siya lang ang kasama ko ngayon, bumili ng makakain si Jamie, libre niya. At ito kam
last updateLast Updated : 2021-06-09
Read more
Kabanata 8
  Noon, tanging ang mga karaniwang bagay at pangyayari lamang ang pamilyar sa ‘kin dahil bata pa at wala pang sapat na kaalaman. Sa simpleng salita, inosente. Ngunit dahil sa mga karanasang iyon, karanasang humubog sa aking pagkatao napagtanto ko na ito ang bagsik ng buhay o totoong mundo—iyon bang walang permanente, iyon bang darating ang pagkakataon na maiiwan kang mag-isa, iyong bang hindi tatagal ang saya dahil laging mangingibabaw ang lungkot. Iyan ang iilan sa paniniwalang 'di sumagi sa isip noong bata pa ‘ko, ang katotohanan tungkol sa mundo at buhay ng tao. Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap kumbaga nakakaraos naman. Hindi regular ang trabaho ni Tatay, may sa kampo, pangingisda, at sa kung ano pang kaya niyang magawa. Si Nanay naman nag pa-part time bilang kahera doon sa bayan. Gayun pa man walang mintis si Tatay kabibigay ng regalo sa 'kin kahit walang okasyon, basta ba 'pag may sahod na siya tiyak may matatanggap ako.
last updateLast Updated : 2021-06-10
Read more
Kabanata 9
  Tutugon na sana ako sa mga sunod-sunod na sinabi ni Nanay kung hindi lang umalingawngaw sa palibot ng aming bahay ang boses-babae na pamilyar sa akin. Pabulong na nagmura si Nanay bago iniwan ang ginagawa. Wala sa sarili akong sumunod. "May napa-baranggay blotter ba sa 'kin? Aba lechugas kung gusto nilang makaganti sa 'kin dapat idaan namin 'to sa sagutan nang kami lang! Mga duwag pala sila eh," nanggigigil na sabi ni Nanay. Nagmukhang hindi komportable tuloy si Jamie—oo kaya pala pamilyar sa akin and boses na iyon dahil pagmamay-ari niya. "Eh? Aleng Emelda naman. Napag-utusan lang po ako kaya wala akong alam. Ang mabuti pa po puntahan niyo na lang doon para malaman niyo kung tungkol saan nga ba," mahinahong pagpapaintindi ni Jamie. "Ah ayuko! Hangga't hindi ko alam kung ano’ng rason kung bakit ako pinatatawag hindi ako pupunta!" Sabay balik ni Nanay patungong kusina. Dinig kong malalim siyang napabuntonghininga at nasul
last updateLast Updated : 2021-06-11
Read more
DMCA.com Protection Status