"Hayop ka Noel! Napakawalang hiya mo. Punyeta kang gago ka! Anong pumasok sa kukote mo't pumarito ka sa pamamahay ko!?" umalingawngaw ang boses ni Nanay sa halos patumba na naming bahay.
Mula sa masikip na kusina, dali-dali akong tumayo at tumungo sa bungad, sabay punas ng harap at likod na parte ng aking kamay. Sino na naman ba ang kaaway mo Nay? Hindi ko tuloy matapos-tapos 'tong paghuhugas ng pinggan dahil maya't maya utos nang utos, at ngayon naman...
Napabuntonghininga na lamang ako, normal na para sa akin ang araw-araw na mayroong kagalit si Nanay. Kaso hindi ko pa rin maiwasang mangamba dahil baka dumating sa punto na magkakasakitan na. Lalo na't madaling mapikon si Nanay. 'Yan nga ang isa sa mga rason kung bakit marami na siyang nakagirian.
"Ang boses mo Emelda hinaan mo. Hindi mo ba nakikita na nagdadala ka ng iskandalo? Palibhasa wala ka kasing hiya kaya ka ganyan! Makapunyeta ka sa akin 'kala mo kung sino kang malinis!"
Pati mga kapit-bahay namin naki-usyoso na rin, napakalakas kasi ng boses kung kaya't nagnanakaw ng atensyon.
Ngunit ikinabigla ko ang aking nakita. Lalaki ang kasigawan ni Nanay! Ngayon lang nangyari ito. At parang pamilyar pa.
Hala! Mas lalo akong nagulat nang sampalin ni Nanay 'yong lalaki, literal na lumaki ang aking mga mata.
"Nay!"
Nabaling ang atensyon ni Nanay sa akin, mabilis akong lumapit sa p'westo niya.
"Pag-usapan niyo nang mabuti 'to Nay, 'wag kayong magsigawan. Nakakahiya po oh," mahinahon pero mariin kong sabi.
"Nakakahiya?! Mas nakakahiya Elise iyang tatay mong gago! Sa loob ng walong taong wala siya! Ang lakas ng loob bumalik sa pamamahay natin! Pota, 'Yan 'yong nakakahiya!"
Tatay
Tatay
Umulit-ulit sa aking isipan na tila sirang plaka ang sinabi ni Nanay. Hindi ako makapaniwala! Ama ko ang kausap ni Nanay? Nyemas!
Nagdadalawang-isip kong binalingan ang kaharap ni Nanay. Oo nga't hindi maipagkakaila ang parehong hugis ng aming mata, taas ng ilong at korte ng mukha. Kaya pala nakaramdam ako kanina na pamilyar siya sa'kin.
Ngunit imbis na bumalot sa akin ang pananabik na makita siyang muli, galit at sakit ang nangibabaw sa 'kin ngayon!
Galit sapagkat buhay siya pero matagal ng walang ama ang sumuporta sa pamilyang 'to. Nabuhay kami ng walong taong wala siyang paramdam pero biglang susulpot bilang ano, bisita? Nahiya naman ako, mas malusog pa siya sa 'ming tatlo.
Ang daya, grabeng paghihirap ang dinaranas namin habang wala siya, masakit na makita ang aking ina na nahihirapang magtrabaho para sa amin ni Ellena. Nakasasama ng loob na imbis akuin ang responsibilidad, tinakbuhan niya't sa 'kin at kay Nanay ipinasan.
Nyemas ayos lang ang araw ko kanina ah, hindi naman ako sobrang sumaya. Tapos ngayon papalitan ng lungkot dahil sa kanya?
"Elise... Anak, ikaw na ba 'yan? Dalaga ka na ah. Dati lang e naglalaro ka pa sa mga regalong ibinibigay ko sayo," nagagalak na sabi niya, taliwas sa naging epekto sa akin.
Anak? Ang lakas ng loob! Parang paghaboy lang nga ng upos ng sigarilyo mo ang pang-iiwan sa amin? May gana ka pang ibalik sa akin ang karanasan ko no'ng bata ako? Walang-wala 'yan sa paghihirap namin noong wala ka!
Gusto kong isumbat iyang inisip ko pero hindi ko kaya, walang ni isang letra ang nangahas na lumabas sa bibig ko. Nakapanghihina ng tuhod, masakit.
"Anong problema Nak? Hindi ka ba masayang makita mo 'ko ulit?" Pagkatapos niyang iwinika iyon, bumuhos na ang luha kong kanina pa nagpipigil.
Bakit?! Bakit ganoon lang kadali sa kaniyang magsambit ng mga salitang iyon? Bakit parang hindi niya kami iniwan noon kung makaasta siya?
Hindi siya 'to, maling tao 'to!
"Oh ba't ka naman umiiyak? Tahan na ang laki mo na umiiyak ka pa." Mapait siyang tumawa at ibinuklat ang kaniyang dalawang braso, nangangahulugang maaari akong yumakap sa kanya.
Pwe! Masusuka ako kapag ginawa ko 'yon.
"Ulol ka ba Noel, hindi mo talaga naiintindihan!? Galit sa iyo ang anak mo dahil sa pang-iiwan mo sa amin!"
Pang-iiwan. Tinalikuran kami, inayawan, pinabayaan. Gusto kong malaman, naging kawalan ba kami sa kanya? Malamang hindi.
"Ito na naman ba tayo Emelda?! Sa pang-iiwan, pang-iiwan na 'yan? Kalimutan mo na 'yon!"
Napapikit ako. Naiiyak na sa kanya pa mismo nanggaling ang mga salitang iyon. Kung gano’n lang sana kadaling kalimutan ang lahat, ginawa ko na.
"Gago! Hindi gano’n kadaling kalimutan ang kawalang hiyang ginawa mo sa amin Noel!"
Nasasaktan ako para kay Nanay, hindi nararapat sa kanya 'to.
"Kawalang hiya?! Aba Emelda magdahan-dahan ka sa pananalita mo. Kung makapagsalita ka 'kala mo naman hindi ka gano’n. Kung tutuusin masahol ka pa sa walang hiya!"
"Wala ng mas masahol pa sa demonyo Noel. At ikaw ‘yon punyeta ka!"
"Hindi mo 'ko madadaan sa pamura-mura mo Emelda!"
"Tama na! Ikaw umalis ka na! 'Di ka namin ka-kailangan di-dito..." Pinunasan ko agad ang luhang kanina pa hindi matigil-tigil. Nyemas ang hina ko.
"Oh ‘yan kita mo na? Mismo anak mo gusto ng umalis ka sa pamamahay ko!" Agad kong hinawakan ang braso ni Nanay senyales na tumahimik na lamang.
Napatagis bagang siya. Parang ang hirap niyang tawaging Tatay. Matagal na akong walang kinikilalang ganiyan.
Nag-iwan siya ng matalim na titig kay Nanay. Pagkatapos ay walang sabi-sabing tumalikod, umangkas sa motor at agad na pinaharurot paalis.
"Saan siya nakakuha ng perang pambili ng motor? Ah oo nga pala mayaman ang kabit niya, muntik ko ng makalimutan." Napalingon ako kay Nanay, pabulong lang niyang iwinika iyon ngunit naghahalo sa kaniyang salita ang dismaya.
Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakapit sa braso ni Nanay, nabaling ang kaniyang tingin sa akin.
"Nay ano ka ba? Nanggugulo lang ‘yon. Walang magawa sa buhay. Pabayaan mo na." Ngumiti ako. Hindi sigurado kung totoong ngiti ang ipinakita.
"Hindi ko pa rin kasi maintindihan kung ano ang pinunta ng gago—"
"Hayaan mo na Nay. Wala na tayong pakialam sa kanya dati pa.”
Pumalatak siya at alanganing napatango, halatang hindi nahikayat sa sinabi ko. Kahit ako ay hindi rin mapanatag.
Gayunpaman tahimik siyang pumasok ng bahay. Naiwan ako sa pintuan, kinokondisyon ang isip na wala lang 'yon, na lilipas din. Ngunit hindi pala, mali ako.
=====Nandito ako sa labas ng main gate ng eskwelahan, katatapos lang ng klase ko. Tuwing tanghali ang pasok ko at uwian naman 'pag tumuntong ng alas-cinco.
Bagaman hindi pa rin maalis sa aking isipan ang nangyari kaninang umaga, ni hindi nga ako nakapag-concentrate sa klase.
Palaging madadatnan ang mga estudyanteng nagsisilabasan nang sama-sama dahil magkaibigan o di kaya ay magkasintahan, at siyempre may nag-iisa katulad ko. Hindi naman ako laging mag-isa sadyang si Jamie at Mirna ay busy kuno. Ewan ko do’n sa dalawa.
"Psst! Elise."
Huh?
May tumawag ba ng pangalan ko? O baka guni-guni ko lang iyon? Marami pa namang estudyanteng may pangalang Elise rito.
Napakibit-balikat ako, pinagpatuloy ko ang paglalakad.
"Hoy Elise, huminto ka sabi eh."
Napahinto naman ako, pero hindi lumingon at nag-umpisa ng kabahan. Hala! Nasa probinsya man kami, may masasamang loob pa ring nag-e exist dito!
Agad akong kumaripas ng takbo, labing-amin pa lang ako, ang bata pa. Mahirap lang kami, alam ng nakararami 'yan, hindi naman ako kagandahan pero walang may nagsabi niyan!
Ah! Napatid ako at muntik ng masubsob sa lupa. Nyemas ito na ba! Ito na ba ang pagguho ng aking mundo?
Masakit pa ‘yong bandang likod ng ulo ko, batuhin ba naman!
"Anak ng—tinatawag kitang bata ka ah. Hindi ka huminto! Ako 'to si Manang mo Marjorie."
Nyemas! Si Manang Marj lang pala, hindi ko ate 'yan sadyang 'yan lang ang tawag sa kanya ng nakararami.
Wala sa sarili akong napakamot sa batok. Malay ko ba…
"Pasensya na Manang 'di ko kasi alam na ikaw 'yan, baka kako ibang tao—ay baka pala masamang tao. Ano pala sadya mo Manang Marj?" Peke akong tumawa, maibsan man lang ang masama niyang tingin sa akin.
At saka hindi ko naman kasalanan 'yon 'no. 'Di ko kasalanang, hindi siya nagpakilala una pa lang.
"May gustong humarap sayo Elise, swerte mo kasi yayamanin, ang kaso mas matanda sayo. Asus! ‘di mo sinasabi na may sugar daddy ka na pala!"
Luh nanindig balahibo ko sa sinabi ni Manang.
"Ngek? Wala akong ideya sa pinagsasabi mo Nang. Baka ibang Elise 'yon uy. Bahala ka riyan aalis na ako."
Saktong pagtalikod ko, hinigit niya ang laylayan ng aking damit.
Wala tuloy akong nagawa kundi nagpa-ubaya na lang, mas matanda siya sa 'kin kaya mas malakas. Mas matangkad din, kung kaya ito dalang-dala niya ako na parang sisiw lang sa kanya.
Pero syempre hindi ako lubos na nagpa-ubaya, pumiglas-piglas ako umaasa na maiinis siya at hayaan na lang ako, pero hindi! Mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakapit sa damit ko. Ilang katanungan din ang ibinato ko sa kanya, pero ginusto niyang manahimik!
Mga ilang minuto na ang aming nilakad ng bigla kaming huminto. Ito na ‘yong boundary ng sitio namin at kabilang sitio. Hindi na rin mapigil-pigil ang kaba ng aking dibdib.
"Ma-manang," maluha-luha kong banggit. Wala naman 'atang problema si Manang Marj sa pag-iisip ano?
"Ale mukha mo naman siyang tinakot. Ang sabi ko lang pakiusapan mo ah—sige na nga, iwan mo na siya riyan."
Ang boses na 'yon!
Boses ng—tatay?!
Siya nga! Anong ginagawa niya rito?!
"Naku Sir 'di ko tinakot si Elise, nabigla lang kanina pa siya tanong nang tanong kung saan kami pupunta, hindi ko kasi sinasagot. Paano ba 'yan Sir, nasaan na muna ang suhol ko?"
Hindi ako nakapagsalita tipong napipi na ako sa tabi. Ni wala pa akong maunawaan.
Suhol?
Pagkuha?
"Ito, salamat! Pwede mo na kaming iwan." Sabay bigay ng limang daang perang papel kay Manang Marj. Dahilan upang umukit sa mukha niya ang galak, para siyang nanalo sa lotto, ang lapad ng ngiti, at agad naman siyang humakbang palayo.
Samantalang ako ay halos hindi makatingin ng diretso, sinubukan ko ring ibuka ang bibig pero walang salitang lumalabas. 'Di ako mapakali, 'di ko alam kung paano kumilos sa harap niya. 'Di ko alam kung paano makitungo sa kanya. 'Di ko alam. Malabo na ang isip kung kalian ang huli naming interaksyon.
Marahas kong ibinuga ang malalim kong buntonghininga. At dahan-dahang tumalikod upang maka-alis na.
"Elise anak sandali!" Napahinto ako at alanganing lumingon sa kanya.
Ha!
Kailangan kong maging matapang sa pagharap sa kanya. Na kahit nanginginig ang mga tuhod, kaya ko 'to!
"A-ano ba ang ka-kailangan mo?" Sinubukan kong maging matapang sa pagbikas ng mga salitang iyon ngunit hindi ko pala malilinlang ang sarili ko, nauutal ako!
"Anak galit ka rin ba sa akin?" Nyemas! Ni wala akong makitang sinseridad sa pagbanggit niya ng mga salitang iyon!
‘Di ako naka-imik. Gano’n ba talaga? Kapag galit ka na parang dumidilim din ang paligid?
"Anak magsalita ka naman."
Muli wala akong kibo.
"Punyemas! Kanina pa ako nanggigigil sa inyo ah! Sayo at sa Nanay mo! 'Kala niyo naman kung sino kayo, ang arte niyong mag-ina!"
Kumirot ang aking puso. Nagsilabasan ang aking mga luha. Nanginig ang aking bibig at tuhod. Nyemas! Tama lang pala na tumahimik ako.
Huminga ako nang malalim. Kaya mo 'to Elise, ipakita mong mali siya. Ipakita mong wala siyang kwentang ama!
"Alam mo sa totoo lang rinding-rindi ako kada marinig ko ang anak sa bibig mo! Nasusuka akong makita ka! Na ‘yong tipong makita ko ang mukha mo babalik ang alaalang iniwan mo kami dahil sa kabit mo! Inabandona mo kami kapalit niya! Hindi ka man lang ba nako-konsensiya?!
"Sinira mo Tay! Sinira mo ang tiwala na binigay namin sa'yo. At ano?! Babalik ka matapos ang kagaguhang ginawa mo na parang wala lang, babalik ka dahil ano?! Ni sa loob ng walong taon 'di ka nagparamdam! Ang sama mo ang daya mo. 'Di mo kami inisip na legal na pamilya mo! Anong klaseng ama ka, ha?!"
Nasasakal ako, hinahabol ko ang aking hininga. Gusto ko pang dagdagan, gustong-gusto! Pero hindi ko na kaya dahil nilamon na ako ng iyak!
Nakayuko akong humahagulgol, tanging ang kamay ko na nakahawak sa dalawang tuhod ko ang sumusuporta sa akin para manatiling nakatayo. Gusto ko ng tumumba ngunit may parte sa akin na gusto pang manatiling tumayo. Ang sakit-sakit!
"Magpapadala ako kada kinsenas ng limang libo, pantustos 'yan sa pag-aaral niyong tatlo, ikaw, ang bunso mong kapatid at kay Mishella. Panandalian lang naman ang paninirahan ni Mishella sa bahay niyo, basta pakainin at alagaan niyo siya dahil kapatid niyo rin siya. Ikaw na bahalang kumausap sa Nanay mong makitid ang utak. Alam ko namang tatanggapin niya si Mishella, may kaakibat na pera e. Basta sayo ko na iaasa itong kapatid mo."
Tangina! Sa hinahaba-haba ng sinabi ko. 'Yan lang ang masasabi niya?!
Sabi na e, wala talaga siyang pakialam sa amin dati pa, wala na talaga.
At isa pa bagong kapatid?!
'Yan na siguro anak nila ng kabit niya, iyang si Mishella na kanina pa pala sa tabi niya 'di ko man lang napansin.
Gago ba siya? Hindi, gago talaga siya.
Ipapatira niya sa pamamahay namin ang dahilan kung bakit hindi kami kompletong pamilya?! Wala na talaga siyang hiya. May saltik na sa utak. Hinding-hindi ako magiging katulad niya.
"Pi-nagloloko mo ba kami?! Ano na ba tingin mo sa amin ha, mukhang pera?! Mahiya ka naman!" Kahit mura-murahin ko siya, kahit sumbatan ko siya ng masasakit na salita. Ang sakit kasi wala! Wala lang talaga sa kanya!
"Itigil mo na ang kakasatsat mo Elise! Ang arte niyo, pera na ang lumalapit sa inyo tinatanggihan niyo pa! Aba! Mahirap na nga kayo mapili ka pa!"
Wala siyang alam sa pinag-daanan namin! Hindi ako makapaniwala na ang dugo niya ay dumadaloy din sa mga ugat ko. Kinahihiya ko siya!
Mas lalo akong napahagulgol nang inihagis niya sa mukha ko ang maliit na puting sobre, dahil puti naaninag kong pera ang laman. Maraming pera.
At ang walang hiya, umalis nang mag-isa at iniwan itong anak niya.
Napaluhod na lamang ako, galit ako sa sarili ko! Ang hina ko. Tama na Elise!
"Ate..."
Lalapit na sana itong si Mishella, ngunit bago nangyari 'yan, ibinuhos ko ang natitirang lakas para maitulak siya. Dahilan upang mapa-upo siya sa lupa at mangiyak-ngiyak. Nasaktan siguro, walang wala 'yan sa sakit na idinulot niyo!
"Ba-bakit?" Tanginang bakit 'yan! Hindi pa ba halata? Bobo!
"Bakit?! Ha! Huwag ka ngang plastik! At isa pa ha, 'wag na 'wag mo 'kong tawaging ate dahil hindi kita kapatid, dahil anak ka lang sa labas. Anak ka lang sa pagkakasala!"
Simula sa araw na 'to, sisiguraduhin kong babawi ako, kung sakit ang ibinigay niya sa amin. Sakit din ang ibibigay ko sa kanya!
Lalo na ngayon, makagaganti na ako sa kanya sa pamamagitan ng anak niya na walang iba kundi si Mishella! Isinusumpa ko 'yan!
Malakas kong sinisipa ang lahat ng batong mahahagip ng mata ko. Pagkatapos ay guguluhin ang buhok at hihiyaw. Nyemas! Magkahalong pagsisisi at ginhawa ang nararamdaman ko. Pagsisisi dahil sana hindi na lang ako nagsalita, dahil wala namang kwenta kasi kahit katiting hindi siya naapektuhan. At ginhawa dahil kahit papaano nailabas ko 'yong nararamdaman ko. Pero kahit na! Nakakainis at nakakahiya talaga ako kanina! Tantiya ko ay maga-alas sais na nang ako'y umalis doon. Kaya ngayon nag-aagaw na ang dilim at liwanag habang naglalakad ako pauwi. Dugyot na dugyot na ako, 'yong uniform pa namin ay puti, mahihirapan na naman akong labhan ito. Ang sakit na rin ng balikat ko dahil sa matagal na pananatili ng bag. At hanggang ngayon damang-dama ko pa ang pamamaga ng mata ko dahil sa kakaiyak. Nakaka-inis! Ba't ba kasi nagpahigit ako kay Manang Marj—ay isa pa siya! Naiinis din ako sa kanya, wala siyang konsiderasyon, kitang ayaw kong sumama, pipilitin niya a
"Huwag ako Beh, ine-echos mo 'ko e. Masyado naman kasing panteleserye 'yan... Pero 'di nga, totoo?" Nyemas parang ako ang hindi makapaniwala sa tagal niyang naproseso. "Paulit-ulit ka Jamie, nakaka-irita ka na kanina ka pa. Nananadya ka ba o bingi ka lang talaga?" singhal nitong katabi ko. Kung pagtabihin itong si Jamie na medyo tanga at si Mirna na pikon, ewan ko na lang. Mabuti na lang nandito ako para umawat. Naks! Pero kahit ganyan kaming tatlo, hindi kami umabot sa puntong nagkakasakitan na, maliban syempre sa paminsan-minsang pananampal at pambabatok—ekspresyon kumbaga. Nandito kami sa classroom, vacant time sa General Mathematics—na minsan lang mangyari. Dahil maraming ginagawa ang GM teacher namin, pinili niyang 'wag na munang magturo. Hinimok niya kaming gamitin ang oras na 'to para gawin ang mga activities sa ibang subject. Sus, dumaan lang 'yon sa mga tainga namin. Nakaharap kami sa isa't isa habang nakaupo. Para kaming seryo
Dala marahil ng kahihiyan kaya nagawa kong tumakbo nang ganoon kabilis. Muntik pa akong mangudngud. Nyemas! Panibagong kahihiyan na naman ang nagawa ko. Ni hindi ko mawari kung nasaang lupalop na ako ngayon! Pagkatapos kong marinig lahat ng iyon, hindi ako nagdalawang isip na tumayo at lapitan silang dalawa. At no’ng nakita nila ako, kita ko sa mata ni Mishella ang gulat ngunit sa lalaking kasama niya, wala. Nakatingin lang sa akin gamit ang 'di mabasang emosyon. Palagay ko’y iyon pa ang nagpadagdag sa aking mga luha. Ang reaksyong nangbabalewala. Iyak ako nang iyak habang dinuduro ko sila. Tangina hanggang duro lang ang nagawa ko, hindi kayang lumabas ang mga kinikimkim kong salita. Nilulunod ng aking iyak ang gusto kong sabihin. Nanggigigil akong sumbatan sila pero hindi ko alam kung paano, hindi ko kaya. Ang tanging makapaglalabas ng nararamdaman ko ay luha. Kasabay niyon ang panginginig ng aking mga tuhod at labi dahil lumukob sa buong kata
"Si Noel Santana 'di mo kilala ‘yon? ‘Yong dating asawa niya ba eh nakatira doon sa gilid ng pader ng mga Alkazaren? Asus imposibleng 'di mo kilala ‘yon." "Gano’n ba? Eh Ebeng alam mo namang bagong lipat pa lang kami rito ng ampon ko, kaya 'di pamilyar sa akin iyang si Noel Sa... Sata—ano nga ulit ‘yon?" "Santana, Noel Santana nga Bresyang. Bali-balita na nagpunta siya sa dati niyang asawa na si Emelda. Nakikipagbalikan na raw siya at pinilit na lumuwas sa ibang lugar, kesyo itong si Emelda, mapili at maldita ayon umayaw!" "Totoo? Pero kung sa 'kin lang Ebeng, aba 'di na ako magdadalawang-isip payag na 'ko agad. Tiyak ang pag-alis sa lugar na ito ay susi sa maginhawang buhay kaya ba't naging ganon ang desisyon ni... ‘Yong babae." "May punto ang sinabi mo Bresyang, maging ako ay 'yan din ang gagawin. Pero bahala na sila sa buhay nila, problema na nila 'yon." Isa lang iyan sa i
Sa kabila ng nanginginig na mga kamay nagawa ko pa ring sunod sunod na lumagok ng tubig. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang naninimbang na mata ni Ellena, ngunit malaking pasasalamat ko dahil masyado pa siyang bata para maintindihan itong ina-aksyon ko. Pinilit kong kumalma at magmukhang maayos, ngumiti pa ako para talagang magmukhang 'di apektado, lalo na para sa susunod na tanong. "Eh pa-paano 'yan Nay? Paano kung mahuli si—" "Aba pakialam ko sa kanya! Bahala siya sa buhay niya. Kung gusto niyang magpaka-adik, wala akong paki. Kung may masamang mangyaring man sa kanya, edi mangyari! Buhay niya ‘yon, siya ang magdurusa sa impyerno, hindi tayo, hindi sinuman! Matagal na tayong walang koneksyon sa kanya Nak mahigit walong taon na nga, kaya wala na dapat tayong pakialam sa kanya! "Kaso ngayon..." Binalingan ni Nanay si Elise, kung kanina siya ay nakayakap sa dalawang tuhod, ngayon ay maayos na ang kanyang pag-upo habang nakapang
Matapos kong maibigay ang benta at makuha ang suhol, tinupad ko ang aking pangako kina Mirna at Jamie na babalik ako. Gayun pa man bumalik ako upang magpaalam na aalis at hindi manatili pa na kasama sila. Pero ano pa nga ba, pinilit ako ng dalawa na dumiretso na lang daw muna sa plasa. Kagagaling lang do’n nila ah. Kaya todo tanggi pa ako. Maraming rason din ang sinabi ko makawala lang sa kanila. Ang pumiglas-piglas ay sinubukan ko ring gawin ngunit sabunot lang ang inabot ko galing sa dalawa. Sila na nga ang namimilit, sila pa ang nananakit. Walang duda tuloy na napasama ako. Nyemas! "Tapos naman ang liga 'di ba? Oh ano pa ang ginagawa natin dito? May gagawin pa ako sa bahay, aksaya lang 'to ng oras eh," reklamo ko. Pero hindi man lang ako binalingan ni Mirna na prenteng naka-upo sa sementong upuan na pumapalibot sa buong gilid ng plasa. Siya lang ang kasama ko ngayon, bumili ng makakain si Jamie, libre niya. At ito kam
Noon, tanging ang mga karaniwang bagay at pangyayari lamang ang pamilyar sa ‘kin dahil bata pa at wala pang sapat na kaalaman. Sa simpleng salita, inosente. Ngunit dahil sa mga karanasang iyon, karanasang humubog sa aking pagkatao napagtanto ko na ito ang bagsik ng buhay o totoong mundo—iyon bang walang permanente, iyon bang darating ang pagkakataon na maiiwan kang mag-isa, iyong bang hindi tatagal ang saya dahil laging mangingibabaw ang lungkot. Iyan ang iilan sa paniniwalang 'di sumagi sa isip noong bata pa ‘ko, ang katotohanan tungkol sa mundo at buhay ng tao. Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap kumbaga nakakaraos naman. Hindi regular ang trabaho ni Tatay, may sa kampo, pangingisda, at sa kung ano pang kaya niyang magawa. Si Nanay naman nag pa-part time bilang kahera doon sa bayan. Gayun pa man walang mintis si Tatay kabibigay ng regalo sa 'kin kahit walang okasyon, basta ba 'pag may sahod na siya tiyak may matatanggap ako.
Tutugon na sana ako sa mga sunod-sunod na sinabi ni Nanay kung hindi lang umalingawngaw sa palibot ng aming bahay ang boses-babae na pamilyar sa akin. Pabulong na nagmura si Nanay bago iniwan ang ginagawa. Wala sa sarili akong sumunod. "May napa-baranggay blotter ba sa 'kin? Aba lechugas kung gusto nilang makaganti sa 'kin dapat idaan namin 'to sa sagutan nang kami lang! Mga duwag pala sila eh," nanggigigil na sabi ni Nanay. Nagmukhang hindi komportable tuloy si Jamie—oo kaya pala pamilyar sa akin and boses na iyon dahil pagmamay-ari niya. "Eh? Aleng Emelda naman. Napag-utusan lang po ako kaya wala akong alam. Ang mabuti pa po puntahan niyo na lang doon para malaman niyo kung tungkol saan nga ba," mahinahong pagpapaintindi ni Jamie. "Ah ayuko! Hangga't hindi ko alam kung ano’ng rason kung bakit ako pinatatawag hindi ako pupunta!" Sabay balik ni Nanay patungong kusina. Dinig kong malalim siyang napabuntonghininga at nasul
Nakapangalumbaba kong sinundan ng tingin ang pagsalubong ni Nanay sa paparating sa puwesto namin. Dalawang 'di katandaan na babae at tatlong may edad na lalaki, lahat sila ay nakasuot ng puting pang-itaas, agaw pansin din ang itim na ribbon na nakasabit sa kanilang mga damit.“Magdandang hapon po Ma'am, Sir” masiglang bati ni Nanay.Sumikdo ang aking puso.“Nay… Nakikiramay po kami. Kumusta po kayo? Ako nga pala Nay si Belleza ang Public Schools District Supervisor ng Pagmaya. Kasama ko po ngayon ang Schools Division Superintendent si Sir—”Iniwas ko ang atensyon sa kanila lalo na nang mahuli ng tingin ang interesadong mukha ni Nanay sa mga kaharap niya.‘Wag mo ng palaliman pa Elise. Magagalit ka niyan sa Nanay mo. Alam mo mismo ano ang naidudulot ng galit.Malalim akong napabuntonghininga. Isipin ko na lang na ang importante ay masaya si Nanay.Teka—ano
Agosto 31, 2017 Huwebes, 12:48 p.m "Lapit pa nang kaunti Dzai, mata mo lang 'yong nakikita eh." Idinikit ko pa ang sarili kay Mirna, nasasagi na ng aking tiyan ang braso niya. "1 2 3 smile!" Pilit akong ngumiti. Saan ba dapat tumingin? "Ulit! Nakapikit ka Beh oh." Iminuwestra sa 'kin ni Jamie ang cellphone niya. Nyemas ang dugyot ko do’n. Nabibigyang-diin ang kayumanggi kong balat at gulo-gulong buhok. "Burahin mo 'yan, ayoko na." Kanina pa sila nagpi-picture, palitan sa magpo-pose at kukuha ng larawan. Prente lang akong
Panay ang haplos niya sa aking bisig habang nakahilig sa aking balikat. 'Ay sus nagpapalambing. Hinayaan ko na lang, pakunswelo na rin. "Ako lang ba Beh ang gumagawa sa ‘yo nito? Wala ng iba? Kunwari si Emerson gano'n… Haaay isa akong kawawang single." Ngumiwi ako sa sinabi niya. Itong si Jamie tinutulak akong umasa, tapos aasa rin ako, sa huli nganga. Pinangungunahan ko na, ayaw ng masorpresa. "'Wag nga 'yang pag-usapan," ani ko. "Bakit naman? Kilig ka?" Patuya kong inalis ang nakakapit niyang kamay. Nang mabasa ang kilos ko, mas lalo niyang idiniin ang katawan sa akin. Ano bang nangyayari sa babaing ito? Tinutopak yata. "Seryoso 'di na'ko natutuwa—aray" Napangiwi ako nang may marahas na sumagi sa aking kaliwang balikat. Aba hindi man lang lumingon at humingi ng pasensya! Kaya naman pala... Tutok ang lalaki makipag-unahan ng puwesto sa tricycle. Nang maka-upo na siya sa bubong nito, umuki
"Sir good afternoon, excuse me..."Tango ang iginawad ni Sir Amardo bago tuluyang pumasok ang babae. Base sa suot nitong uniform, isa siyang GAS student. Binigay niya ang hawak na papel kay Sir."Class listen this is an announcement." Biglang umalisto ang diwa ng katabi kong tutulog-tulog kanina."In connection with the Senior Prom 2017 to be held on September 7, 2017, the undersigned would like to ask permission that the participants of the said event be allowed to have practice this 3:00 on the afternoon. Withal, it is requested that they be allowed to make up for exams, activities, or assignments that they might miss. Your favorable response will be highly appreciated."Nagsi-yes at palakpakan ang karamihan. Natutuwa 'pagkat ligtas sa nakakaantok na klase. Ang katulad ko namang tahimik ay patagong naiinggit."Anyway ilan ba kayong sumali?" ani ni Sir habang pumipirma sa papel. Pagkatapos ay isinauli sa babae na nagpasalamat at nagpaalam mu
Sa kabila ng nagsiliparang pirasong sumugat sa aking pagkatao, pinilit kong hindi matibag nito. Hindi ko hahayaang bumalatay sa aking mukha na naapektuhan at nasaktan ako sa sinabi niya. Huwag ngayong nasa harap ko sila."Sige nga paano umakto ang hindi bata? Ngingiti sa 'yo ta's sasabihing ayos lang na ninakawan ako? Na 'wag kang mag-alala maliit na bagay lang 'to? Gano'n ba ha?! Salita ka lang nang salita palibhasa wala ka sa sitwasyon ko!"Bumubugso na ang galit sa kaloob-looban ko. Sinasabayan din ng nang-aapaw na sakit."Pakialamero ka masyado! Pagtuunan mo na lang 'yang kaibigan mo! Turuan mo siya kung paano alamin kung ayaw ng tao sa kanya—tanga kasi 'yan eh. Pakituro na rin na 'wag niyang ipilit ang sarili na magustuhan siya ha? Tutal pareho kayong pabida!"Padabog kong isinukbit sa braso ang cooler at humakbang na paalis. Hindi na lumingon sa gawi nila. Baka kung gawin ay makikita nilang sunod-sunod na umaagos ang luha ko. Walang pagk
Nagmarka sa aking palad ang matagal na paghawak ng cooler. Kaninang ala-sais pa ako nag-umpisang maglako pero hanggang ngayon, ni hindi man lang nangalahati itong ibinebenta kong ice candy. Madalas itong mabenta. Lalo na't ngayong buwan at sa susunod pa ay panahon ng tag-init. Kung tutuusin bilang ang mga nagtitinda ng ice candy rito kaya madaling kumita. Pasuwerte-suwerte lang talaga. "Ice candy! Ice candy kayo riyan! Lima isa! May pandan, abokado, at buko flavor! Ice candy na kayo!" malakas at pasigaw na sabi ko. Nakuha ang atensyon ng iilang mga mamimili rito sa Mercado. Ngunit hindi nagbisa dahil agad naman nilang binalewala. "Mama... Bili 'ko Ma. Isa lang, 'yong pandan Ma. Gusto ko pandan!" Narinig ko ang sabi ng bata. Hawak-hawak niya ang kamay ng kanyang ina, nakiki-usap na pumayag sa kanyang gusto. Sigurado akong itong binebenta ko ang tinutukoy niya. Sana naman pumayag 'yong nanay nang mabawasan ang nilalako't dagdag sa kita. "
"You betrayed me for the second time! And here you are saying that you did that unintentionally?! You really are piece of a trash... And yeah I am the trash can." "Seryoso? Bakit gan'to ang line ko? Kaloka'ng script writer namin ha! Minsan na nga lang magka-role tanga pa ang gagampanan. Pambihira!" Napa-iling na lang ako sa kanyang inasta. Sino nga bang kinakausap niya? 'Di bale gano’n naman talaga, kung sobra na ang inis na dinadala natural na ibubuntong at ilalabas ang galit kahit na kanino o kahit sa ano. Ganito kasi 'yan, hindi magiging kontento ang isang tao kapag pinipigilan niyang mailabas ang kanyang nararamdaman. Para bang hindi makatulog nang mahimbing dahil may bigat na pinapasan sa dibdib. At gagawin ang lahat ng paraan basta't maipalabas ang nararamdaman. Kumbaga hindi natin kayang magdala o magtago ng hinanakit at sekreto sa matagal na panahon. Sigurado ako rito, base sa karanasan. "'Buti ka pa Dzai walang dialogu
Wala sa sarili kong inusog sa hindi kalayuan ang palanggana at maliit naming upuan na gawa sa kahoy. May tatlong ginang na patutungo rito sa puwestong kinaluluguran ko. Senyales na kailangan ko munang umusog nang kaunti para magkasya at makagalaw kaming tatlo sa partikular na lugar. Ala-siyete na ng umaga, sa halip na magpakita ang araw makulimlim ang langit—nagbabadyang bumuhos ang ulan. Sa wakas! Kakampi ang panahon sa 'kin. Kahapon, marami mang hindi kaaya-ayang nangyari sa 'kin, kahit papaano hindi ako masyadong napagod magkapera at nakapagpahinga pa! Salamat sa tulong ni Ate Kemmy. Iyon nga lang dahil kakambal ako ng malas at lungkot, sa pagdating ko ng bahay tumambad sa akin sina Ellena at Mishella na nagmi-miryenda, pati si Nanay! Hindi nga lang siya nakisama kina Ellena at Mishella dahil siya'y nasa kusina. May pa gano'n gano'n pa! Eh ilang oras na lang no’n magha-hapunan na. Kainis! Hindi nga kami nagmi-miryenda noon kahi
Ginapangan agad ako ng galit nang magkasalubong ang aming paningin. Niyukom ko ang aking mga kamay, nginingitngit ko ang aking ngipin. Tutok sa kanya ang nag-aalab kong mga mata. Kung nakamamatay lang ito siguradong nakahandusay na siya. Ang kapal-kapal ng mukha. Hindi niya ba talaga maramdaman ang pagkadisgusto ko sa kanya at may gana pa siyang puntahan ako?! "Sino ba siya Beh? Kanina ka pa niyan tinitingnan, gusto ka 'atang makausap. Baka isa 'yan sa mga inutangan mo ta's hindi mo na binayaran ah. Tinakbuhan kumbaga." "Ay naku Dzai ang dami mong ike-kwento sa amin, una 'yong pinalabas ka pangalawa sino 'yang girl na 'yan at kung makatingin sa ‘yo parang kilala ka, taga special section pa. Akalain mo 'yon may kilala ka pa lang nasa special sect—Dzai? Saan ka pupunta? Huy Elise!" Sunod-sunod na wika nina Jamie at Mirna ang bumalot sa aking pandinig. Imbes na sagutin ang mga tanong nila pinili ko na hindi iyon pansinin. Bagkus ay