"Huwag ako Beh, ine-echos mo 'ko e. Masyado naman kasing panteleserye 'yan... Pero 'di nga, totoo?" Nyemas parang ako ang hindi makapaniwala sa tagal niyang naproseso.
"Paulit-ulit ka Jamie, nakaka-irita ka na kanina ka pa. Nananadya ka ba o bingi ka lang talaga?" singhal nitong katabi ko. Kung pagtabihin itong si Jamie na medyo tanga at si Mirna na pikon, ewan ko na lang. Mabuti na lang nandito ako para umawat. Naks!
Pero kahit ganyan kaming tatlo, hindi kami umabot sa puntong nagkakasakitan na, maliban syempre sa paminsan-minsang pananampal at pambabatok—ekspresyon kumbaga.
Nandito kami sa classroom, vacant time sa General Mathematics—na minsan lang mangyari. Dahil maraming ginagawa ang GM teacher namin, pinili niyang 'wag na munang magturo. Hinimok niya kaming gamitin ang oras na 'to para gawin ang mga activities sa ibang subject. Sus, dumaan lang 'yon sa mga tainga namin.
Nakaharap kami sa isa't isa habang nakaupo. Para kaming seryosong nagpupulong. Ngunit napakalayo sa tunay na ginagawa.
"Oh ano na Dzai? Continue na pa-epal kasi 'tong si Jamie." Napakaprangka nitong si Mirna. Kung hindi mo lang talaga siya kilala, mapipikon ka sa kung paano siya makipag-usap sa’yo.
"Ano pa ba ang dapat kong i-kwento? Basta 'yon na 'yon—wala ba silang sariling bahay? Anong pakay nila? Para ipamukha sa amin na gagawin namin ang lahat basta sa pera? Basta naiinis talaga ako! Lalo na kay Mishella, ‘yong mukha niyang ang bait-bait pero nasa loob pala ang kulo!"
Pinipilit ko ang sarili na huwag magpa-apekto, na wala akong pakialam. Pero hindi! Lamang pa rin ang pag-aalala. Hindi ko hahayaang sirain na naman kami.
"Luh high blood na si Elise!" Hagikhik pa niya. "Pero seryoso, bakit galit ka diyan kay Mishella? Ano bang ginawa niya?" dugtong ni Jamie na siyang nagpataas ng kilay ko.
Hay naku. Kanina pa ako daldal nang daldal, wala man lang siyang nakuhang ideya. Hindi niya man lang madugtong-dugtong ang kwento.
"Gaga ka talaga Jamie! Hindi ba usong gumamit ng utak ha? Hindi ba halata na—"
"Nabuntis ng tatay ko ang kabit niya kahit na nagsasama pa sila ni Nanay, gets?" Hindi ko na pinatapos si Jamie. "Hindi naman kasi halata na may kerida siya. At noon pa man pala, alam na ni Nanay na may kabit siya, matagal na. Ako lang ang walang alam!"
Humigop ako ng hangin at marahas na ibinuga, ipagpapatuloy ko na sana ang sasabihin ko kung hindi lang muling nagtanong si Jamie.
"So ilang taon ka nang iniwan ka ng Papa mo?"
Peke akong ngumiti at mapait na sumagot, "Eight years old."
Tango naman ang itinugon niya sa akin.
"So, ano na ang sunod? Idetalye mo naman." sabi ni Mirna na sinabayan ng pag-ikot ng mata.
"’Yon na nga ‘yon. Basta ngayon bigla siyang nagpakita. Sa loob ng walong taon ha na wala siya. Ngayon lang nagpakita! At sinabing sa bahay namin titira iyang si Mishella, ang anak niya. Nyemas!"
Mabuti na lang malayo ang puwesto ng teacher namin habang may ginagawa sa lamesa. Kung kaya't nakasisiguro akong 'di niya narinig ang pagmumura ko.
Samantalang sinadya kong hindi ilahad ang buong istorya, nakakahiya sa parte ko, sa kay Ellena, at lalo na kay Nanay. Puro negatibo na kasi ang pinanghahambing sa pamilya ko, dadagdagan ko pa ba?
Oo kaibigan ko sila, pinagkakatiwalaan ko, kahit nitong taon lang kami nagkalapit ng loob. Kaso ang usaping 'to masyado ng personal lalo na kung detalyado kong sasabihin.
Karamihan kasi sa Sitio namin, alam na raw ang ugali ni Nanay na kesyo uhaw sa pera, bungangera, walang hiya at kung ano-ano pang nakakainsulto. Hindi ko ipagkakaila na minsan nakikita ko rin iyon kay Nanay… Pero may rason! Dahil para sa kanila tapos na ang usapan, tipong hindi na iyon mababago kailanman.
Tama, kailangan namin ng pera dahil naghihirap kami. Kung kaya't baon kami sa utang at kung nagkakaroon man kami ng pera kadalasan mula sa ahensya ng pamahalaan, 'di pa rin namin nababayaran ang lahat ng utang, sa dinami-rami ba kasi. Saka marami rin kaming pangangailangan lalo na't walang permanenteng trabaho si Nanay. Rumaraket din ako, kaso hindi iyon sapat.
Ngayon uhaw sa pera na ba agad-agad?
Pangalawa, ang pagiging bungangera kuno ni Nanay? Aba sino ba naman ang hindi magbubunganga kung masama na ang tingin ng karamihan sa’yo, syempre kailangan ipagtanggol ang sarili. Totoong likas na madaling mapikon si Nanay kaya dinadaan niya sa pananalita, natural naman iyan 'di ba?
Nyemas na lipunan, 'kala mo naman perpekto!
"Ay next subject na! Sayang gusto ko pa namang mag-chika, basta Beh may utang kang kwento sa amin 'di mo pa natatapos ‘yon," si Jamie.
"Dzai ah, aasahan namin 'yan, tagal mo kasing magkwento ka-imbyerna ka!" Siya pa talaga ang may ganang magreklamo? Syempre si Mirna pa ba.
Napatango naman ako, kahit wala akong planong sundin iyon. Marahil babawi na lamang ako sa isa ko pang kwento tungkol kay Emerson. Kung 'di lang talaga pangit ang nangyari kahapon, ang saya ko na siguro dahil sa kanya.
Darating kasi ang masayang pagkakataon kung sobrang lungkot mo. Dahil nga sa sobrang lungkot, 'di mo na mapagtutuunan ng pansin ang masayang pagkakataon. Mababaon ka na lang sa kalungkutan. Ma-a appreciate mo na lang iyan kapag tapos na ang lumbay. Ang unfair...
Nyemas nahugot ko ba iyon dahil kay Emerson?
=====
Dito sa Nayades National High School libre ang karamihan, maliban sa mga miscellaneous fees, mga projects tulad ng kailangang i-print at 'di rin maiiwasang gumastos kapag may events sa school, kunwari mga sayawan sa kada grade level syempre kami ang gagastos ng damit, bayad sa trainer, at props.
Kaya minsan pinapagalitan ako ng adviser namin, kahit anong pilit niya kasi 'di niya ako mapapasali, i-gastos ko na lang iyan sa pagkain, sa bahay, at baon ko, minsan nga kulang pa ta's sasali pa ako sa mga ganyan? 'Wag na!
Tagilid tuloy impresyon sa 'kin ng mga guro rito . Pala-absent pa kasi ako, kahit ayaw ko man kailangan e. Kailangan ko munang magtrabaho bago pumunta ng eskwela. Hindi para sa akin at hindi para may baon ako. Kundi sa kakainin namin, ang prayoridad ko.
Saka ayos lang kahit wala akong baon, nakakakain pa naman ako tuwing umaga. Ang problema kung wala kaming pagkain, iyon nga ang punto ko kung bakit inuuna ko ang pagtatrabaho.
Pangarap kong magkaroon ng maayos na trabaho, may sapat na suweldo para sa pangangailangan at luho. 'Di nga lang ako desidido sa pag-aaral. Pwede ba ‘yon? Ewan…
Sana kahit walang tinapos may mararating pa rin sa buhay. Kaso bihira ang ganito. Depende sa mukha, tiyaga, at suwerte. Nakapanghihina ng loob.
"Dzai—huy tingnan mo! Si Emerson oh!" Napabalik-ulirat ako nang sigawan ako ni Mirna. Sarap tahiin ang bibig eh.
Pero ano raw? Si Emerson?
Luminga-linga ako sa kaliwa't kanan. Kung may iinat pa ang leeg ko, ginawa ko na sana. Naaayon naman sa edad ko ang aking tangkad, pero—
"Pinagloloko mo ba ako? Wala naman e." Nanliliit ang mata kong tiningnan siya. Loka 'to, ako na naman ang pinagtripan.
"Ayun! Pinansin na 'ko, kanina ka pa tuleg diyan Dzai. Saka 'wag kang umasa. Paano naman mapupunta 'yan dito e hindi pa naman DISS time. ‘Yan absent pa more!"
"Bwiset ka, 'di ba pwedeng umasa paminsan-minsan? Atleast ako umaasa lang. Kaysa naman sa iba diyan, nagdedelusyunal na, feeling niya mag-on na sila pero hindi nga siya kilala ng sinasabi niyang boyfriend. Kawawa naman siya, ‘di ba Mirna?" pa-inosente kong tanong. 'Kala mo ah.
"Grabi ka. Oo na, oo na! Ako na ang feelingera." Sabay irap.
Ang galing. Siya ang naunang nagbiro ta's siya itong napikon.
"Chaka 'yang si Vergo," pagsisingit ni Jamie. "Kung ibinigay na lang ‘yong susi nitong classroom, para kahit wala siya may tatambayan tayo. Palibhasa terror."
Si Sir Amardo Vergo ang PerDev teacher namin. Nandito kami sa hallway nakatayo at naghihintay sa kanya.
Maya't maya lang, nagsitumpokan ang mga kaklase ko sa isang papalapit na tao.
"Guys attention! Wala si Sir Vergo ngayon pero nag-iwan siya ng task sa 'tin, magbunot daw tayo ng damo. Dapat bukas daw malinis na 'yong garden niya. Ang hindi susunod, walang attendance. Ako ang magchi-check!" malakas na sabi ng aming Classroom President na siyang kadadating lang.
Sabay-sabay na nagreklamo ang mga kaklase ko, kabilang na 'ko. Sunod-sunod na walang teachers ah. Sana nagtrabaho na lang ako nito. Nyemas!
Tama! Tila may bombilya na umilaw sa tuktok ng aking ulo. Mag-e escape na lang ako. Sayang ‘yong oras, kaya i-trabaho ko na lang.
Agad kong binalingan ang dalawang katabi ko. "Jamie, Mirna uuwi muna ako ha." Na tinugunan naman ng simpleng tango at 'Geh' ni Jamie.
Ngunit bago maka-alis, nag-iwan ng paalala si Mirna, "Ingat ka. Galingan mong tumakas baka makita ka ni Manong Guard at ma-guidance ka pa." At sinundan niya iyon ng nakakalokong tawa.
=====
Sa likod na parte ng eskwelahan ako dumaan, sa harapan lang kasi ang pader na gawa sa semento. Dito sa likod gawa na sa kawayan ang bakod. At dahil kawayan madaling sirain. Sisiw lang.
Ito talaga ang ruta ko kapag magdi-ditch, iilan lang ang nakakaalam nito. Mabuti naman, dahil kapag umabot sa mga teachers na may sirang bakod dito sa school, ipapa-ayos 'yan kung kaya hirap na naman kami nitong mag-escape.
Suwerte ko dahil walang guard na nagbabantay.
Pagkatapos ay dali-dali akong tumakbo palayo at ng mga ilang metro na ang walang habas na pagtakbo, napagpasyahan kong mamahinga muna sa upuan dito sa labas, na pagmamay-ari ng isang karinderya. Nimfas' Eatery.
Ang haba nga ng tinakbo ko't nakaabot pa ako rito.
Sa harap nito ay ang plasa naming kahit masusunog ka na sa init ng araw ay may nangahas pa ring maglaro ng basketball, mga walang t-shirt pa 'yan.
Wala pa naman akong payong. Wala naman talaga akong payong kaya tagaktak ang pawis ko, dulot ng init na sinamahan pa ng pagtakbo.
Kinapkap ko ang likod nitong aking bag, hinahanap ang aking tubig. Nang makapa, hinablot, at bubuksan ko na sana kaso—
"Nyemas ubos na pala."
Hay, hanggang ngayon 'di pa rin ako tinatantanan ng malas.
Sana naman kahit piso mayroon ako, pambili man lang ng cold water. Kung kaya't hinalughog ko itong kupas kong bag. At mabuting may dalawang piso pa akong natitira. Salamat naman.
Sakto rin, karinderya itong nasa likod ko kaya posibleng may ibinebenta ritong cold water. Agad akong pumasok.
May mangilan-ngilang customer ang nasa loob. Malinis ang paligid at tanging kalansing ng pinggan at kutsara ang nagsisilbing ingay. Nasa bandang kanan ang posisyon ng counter, do'n ako lumapit.
"Manang may cold water kayo?"
Hindi nagsalita ang tindera, diretsong binuksan niya ang ref at ibinigay sa akin ang hinahanap ng kalamnan. Masyado naman 'atang malaki itong cold water para sa piso o dalawang piso.
"Tig-tres 'yan."
Bago pa man makapagbayad binanggit niya na iyon. Hala!
"Ma-manang, dalawang piso na lang po pera ko e." Sana bumenta itong paawa style ko. Nyemas talaga, akala ko dahil may dalawang piso na ako swerte na pero dahil kulang edi malas. Ano pa ba.
Hindi na ulit nagsalita ang tindera, hinablot niya na lang ang pera. Tila hinablot niya rin ang panandaliang kaba ko dahilan ng kulang na pera. Guminhawa nang kaunti ang aking pakiramdam.
Mabilis akong umalis at tumungo sa kaninang puwesto rito sa labas. Nang maka-upo, sunod-sunod kong nilagok itong cold water, halos mangalahati na.
Preska!
Napasandal ako sa likod ng upuan at inilibot ang aking paningin nang mahagip nito si—Mishella?!
May kasama siyang hindi kalakihang lalaki, nasa loob sila ng karinderyang pinagbilhan ko ng tubig. Nakaharap siya sa banda ko, nakatalikod naman sa 'kin ang kasama niya.
Wala sa sarili akong pumasok ulit. Pumosisyon ako sa ikatlong lamesa. May dalawang babae na nasa gitna ang nagsisilbing harang sa akin at sa kanila. Ngunit para makatiyak, umupo akong nakatalikod sa kanila, nasisiguradong hindi nila ako makikita.
Alam kong malayo itong puwesto ko ngunit dahil sa katahimikang taglay nitong nasa gitna, naririnig ko pa ang usapan nila ni—tatay—ng lalaking ‘yon?!
"O-opo pa."
"Sigurado ka Nak? Si Emelda masyadong malupit 'yon. Maayos ba pakikitungo nila sa’yo? Ni Elise, nagkakasundo ba kayo?"
"O-opo pa, nagkakasu-sundo kami..."
"Mabuti naman. Balik ka sa miyerkules, magkita ulit tayo rito. Saka sabihin mo lang kung may problema ka nang masolusyunan natin iyan. Oh siya, alis na ako. Ingat ka."
"I-ikaw din Papa, i-ingat."
Tangina.
Ang sakit-sakit. Nagawa niyang mahalin ang anak niya sa labas samantalang kami? Iyon lang, iniwan lang?
Bakit nagawa niyang kumustahin si Mishella habang kami ni Ellena ni bisita wala?
Anong mali sa 'min? Anong kulang sa amin? Ang dali niya kaming binitiwan.
Kung problema kay Nanay, edi 'wag siya ang balikan pero kaming anak, ba't ni kapritsong pagmamahal 'di niya maipakita’t maibigay? Anak niya rin ako ah! Ako pa nga ang nauna!
Ang sakit makitang may mas mahal siya at may mas pinahahalagahan imbes na kami, imbes na kaming legal at nauna!
=====
Jamie
IPA: /ˈdʒeɪmi/
Dala marahil ng kahihiyan kaya nagawa kong tumakbo nang ganoon kabilis. Muntik pa akong mangudngud. Nyemas! Panibagong kahihiyan na naman ang nagawa ko. Ni hindi ko mawari kung nasaang lupalop na ako ngayon! Pagkatapos kong marinig lahat ng iyon, hindi ako nagdalawang isip na tumayo at lapitan silang dalawa. At no’ng nakita nila ako, kita ko sa mata ni Mishella ang gulat ngunit sa lalaking kasama niya, wala. Nakatingin lang sa akin gamit ang 'di mabasang emosyon. Palagay ko’y iyon pa ang nagpadagdag sa aking mga luha. Ang reaksyong nangbabalewala. Iyak ako nang iyak habang dinuduro ko sila. Tangina hanggang duro lang ang nagawa ko, hindi kayang lumabas ang mga kinikimkim kong salita. Nilulunod ng aking iyak ang gusto kong sabihin. Nanggigigil akong sumbatan sila pero hindi ko alam kung paano, hindi ko kaya. Ang tanging makapaglalabas ng nararamdaman ko ay luha. Kasabay niyon ang panginginig ng aking mga tuhod at labi dahil lumukob sa buong kata
"Si Noel Santana 'di mo kilala ‘yon? ‘Yong dating asawa niya ba eh nakatira doon sa gilid ng pader ng mga Alkazaren? Asus imposibleng 'di mo kilala ‘yon." "Gano’n ba? Eh Ebeng alam mo namang bagong lipat pa lang kami rito ng ampon ko, kaya 'di pamilyar sa akin iyang si Noel Sa... Sata—ano nga ulit ‘yon?" "Santana, Noel Santana nga Bresyang. Bali-balita na nagpunta siya sa dati niyang asawa na si Emelda. Nakikipagbalikan na raw siya at pinilit na lumuwas sa ibang lugar, kesyo itong si Emelda, mapili at maldita ayon umayaw!" "Totoo? Pero kung sa 'kin lang Ebeng, aba 'di na ako magdadalawang-isip payag na 'ko agad. Tiyak ang pag-alis sa lugar na ito ay susi sa maginhawang buhay kaya ba't naging ganon ang desisyon ni... ‘Yong babae." "May punto ang sinabi mo Bresyang, maging ako ay 'yan din ang gagawin. Pero bahala na sila sa buhay nila, problema na nila 'yon." Isa lang iyan sa i
Sa kabila ng nanginginig na mga kamay nagawa ko pa ring sunod sunod na lumagok ng tubig. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang naninimbang na mata ni Ellena, ngunit malaking pasasalamat ko dahil masyado pa siyang bata para maintindihan itong ina-aksyon ko. Pinilit kong kumalma at magmukhang maayos, ngumiti pa ako para talagang magmukhang 'di apektado, lalo na para sa susunod na tanong. "Eh pa-paano 'yan Nay? Paano kung mahuli si—" "Aba pakialam ko sa kanya! Bahala siya sa buhay niya. Kung gusto niyang magpaka-adik, wala akong paki. Kung may masamang mangyaring man sa kanya, edi mangyari! Buhay niya ‘yon, siya ang magdurusa sa impyerno, hindi tayo, hindi sinuman! Matagal na tayong walang koneksyon sa kanya Nak mahigit walong taon na nga, kaya wala na dapat tayong pakialam sa kanya! "Kaso ngayon..." Binalingan ni Nanay si Elise, kung kanina siya ay nakayakap sa dalawang tuhod, ngayon ay maayos na ang kanyang pag-upo habang nakapang
Matapos kong maibigay ang benta at makuha ang suhol, tinupad ko ang aking pangako kina Mirna at Jamie na babalik ako. Gayun pa man bumalik ako upang magpaalam na aalis at hindi manatili pa na kasama sila. Pero ano pa nga ba, pinilit ako ng dalawa na dumiretso na lang daw muna sa plasa. Kagagaling lang do’n nila ah. Kaya todo tanggi pa ako. Maraming rason din ang sinabi ko makawala lang sa kanila. Ang pumiglas-piglas ay sinubukan ko ring gawin ngunit sabunot lang ang inabot ko galing sa dalawa. Sila na nga ang namimilit, sila pa ang nananakit. Walang duda tuloy na napasama ako. Nyemas! "Tapos naman ang liga 'di ba? Oh ano pa ang ginagawa natin dito? May gagawin pa ako sa bahay, aksaya lang 'to ng oras eh," reklamo ko. Pero hindi man lang ako binalingan ni Mirna na prenteng naka-upo sa sementong upuan na pumapalibot sa buong gilid ng plasa. Siya lang ang kasama ko ngayon, bumili ng makakain si Jamie, libre niya. At ito kam
Noon, tanging ang mga karaniwang bagay at pangyayari lamang ang pamilyar sa ‘kin dahil bata pa at wala pang sapat na kaalaman. Sa simpleng salita, inosente. Ngunit dahil sa mga karanasang iyon, karanasang humubog sa aking pagkatao napagtanto ko na ito ang bagsik ng buhay o totoong mundo—iyon bang walang permanente, iyon bang darating ang pagkakataon na maiiwan kang mag-isa, iyong bang hindi tatagal ang saya dahil laging mangingibabaw ang lungkot. Iyan ang iilan sa paniniwalang 'di sumagi sa isip noong bata pa ‘ko, ang katotohanan tungkol sa mundo at buhay ng tao. Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap kumbaga nakakaraos naman. Hindi regular ang trabaho ni Tatay, may sa kampo, pangingisda, at sa kung ano pang kaya niyang magawa. Si Nanay naman nag pa-part time bilang kahera doon sa bayan. Gayun pa man walang mintis si Tatay kabibigay ng regalo sa 'kin kahit walang okasyon, basta ba 'pag may sahod na siya tiyak may matatanggap ako.
Tutugon na sana ako sa mga sunod-sunod na sinabi ni Nanay kung hindi lang umalingawngaw sa palibot ng aming bahay ang boses-babae na pamilyar sa akin. Pabulong na nagmura si Nanay bago iniwan ang ginagawa. Wala sa sarili akong sumunod. "May napa-baranggay blotter ba sa 'kin? Aba lechugas kung gusto nilang makaganti sa 'kin dapat idaan namin 'to sa sagutan nang kami lang! Mga duwag pala sila eh," nanggigigil na sabi ni Nanay. Nagmukhang hindi komportable tuloy si Jamie—oo kaya pala pamilyar sa akin and boses na iyon dahil pagmamay-ari niya. "Eh? Aleng Emelda naman. Napag-utusan lang po ako kaya wala akong alam. Ang mabuti pa po puntahan niyo na lang doon para malaman niyo kung tungkol saan nga ba," mahinahong pagpapaintindi ni Jamie. "Ah ayuko! Hangga't hindi ko alam kung ano’ng rason kung bakit ako pinatatawag hindi ako pupunta!" Sabay balik ni Nanay patungong kusina. Dinig kong malalim siyang napabuntonghininga at nasul
Palagay ko ay natigil nang sandali ang aking paghinga. Nanikip at kumirot ang aking puso, na-estatwa ako sa aking kinalulugaran. Ang tanging nagawa ko lamang ay titigan siya habang papalapit sa puwesto ko, hindi ko alam kung bakit naging ganito ang reaksyon ng aking katawan. Ang nasisiguro ko lang, umaapaw ang kagustuhan na makita siyang nasasaktan at nahihirapan! Hanggang salita na nga lang ba ako? "A-Ate," banggit niya at do’n na ‘ko natauhan. Tumayo ako, nangangatog ang dalawang tuhod. Ramdam ko ring nanunubig ang aking mga mata. Ngunit hindi naging dahilan iyon upang siya ay itulak, rason kung bakit nakasalampak siya ngayon sa lupa. Narinig ko ang daing niya pero hindi siya umalma. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na 'wag mo 'kong tawaging Ate huh?!" Dinuro-duro ko siya. "Hindi mo 'ko kapatid at kailanman hindi kita ituturing na kapatid! Ganyan ka na ba talaga kabobo para hindi maintindihan 'yan?!" Nanginginig ang aking m
"Walang tubig diyan sa kusina. Sa labas ka na maghugas ng pinagkainan Elise. Pagkatapos niyan samahan mo kapatid mo maligo sa poso. Ewan ko ba't ano na naman ang ginawa ng kapatid mo at ang dungis-dungis na naman," ngumunguya pa nang sabihin iyan ni Nanay. Tumango ako sa ikalawang pagkakataon. "Pero kung ayaw mo sa labas maghugas, mag-igib ka na lang ng tubig. Pwede ring—ganito na lang... Mag-igib ka do’n sa may poso, punuin mo ang tab at ang isang balde, 'yong sa balde ang gagamitin ng kapatid mo, ang sa tab naman 'yan gamitin mong panghugas para na rin—" "Oo na Nay alam ko na. At saka wala pa nga eh, kumakain pa nga lang tayo oh," sumabad na ako. Alam ko naman kasi ang patutunguhan ng usaping iyon. Kasi naman, ikalawang ulit ng sinabi iyon ni Nanay, kabisado ko na ang gagawin. "Iyon nga ang punto ko Elise. Sinabi ko na para alam muna ang gagawin mo pagkatapos nating kumain. Ki-hilig mo na 'atang pangunahan ako. 'Pag maulit pa iyan ipa
Nakapangalumbaba kong sinundan ng tingin ang pagsalubong ni Nanay sa paparating sa puwesto namin. Dalawang 'di katandaan na babae at tatlong may edad na lalaki, lahat sila ay nakasuot ng puting pang-itaas, agaw pansin din ang itim na ribbon na nakasabit sa kanilang mga damit.“Magdandang hapon po Ma'am, Sir” masiglang bati ni Nanay.Sumikdo ang aking puso.“Nay… Nakikiramay po kami. Kumusta po kayo? Ako nga pala Nay si Belleza ang Public Schools District Supervisor ng Pagmaya. Kasama ko po ngayon ang Schools Division Superintendent si Sir—”Iniwas ko ang atensyon sa kanila lalo na nang mahuli ng tingin ang interesadong mukha ni Nanay sa mga kaharap niya.‘Wag mo ng palaliman pa Elise. Magagalit ka niyan sa Nanay mo. Alam mo mismo ano ang naidudulot ng galit.Malalim akong napabuntonghininga. Isipin ko na lang na ang importante ay masaya si Nanay.Teka—ano
Agosto 31, 2017 Huwebes, 12:48 p.m "Lapit pa nang kaunti Dzai, mata mo lang 'yong nakikita eh." Idinikit ko pa ang sarili kay Mirna, nasasagi na ng aking tiyan ang braso niya. "1 2 3 smile!" Pilit akong ngumiti. Saan ba dapat tumingin? "Ulit! Nakapikit ka Beh oh." Iminuwestra sa 'kin ni Jamie ang cellphone niya. Nyemas ang dugyot ko do’n. Nabibigyang-diin ang kayumanggi kong balat at gulo-gulong buhok. "Burahin mo 'yan, ayoko na." Kanina pa sila nagpi-picture, palitan sa magpo-pose at kukuha ng larawan. Prente lang akong
Panay ang haplos niya sa aking bisig habang nakahilig sa aking balikat. 'Ay sus nagpapalambing. Hinayaan ko na lang, pakunswelo na rin. "Ako lang ba Beh ang gumagawa sa ‘yo nito? Wala ng iba? Kunwari si Emerson gano'n… Haaay isa akong kawawang single." Ngumiwi ako sa sinabi niya. Itong si Jamie tinutulak akong umasa, tapos aasa rin ako, sa huli nganga. Pinangungunahan ko na, ayaw ng masorpresa. "'Wag nga 'yang pag-usapan," ani ko. "Bakit naman? Kilig ka?" Patuya kong inalis ang nakakapit niyang kamay. Nang mabasa ang kilos ko, mas lalo niyang idiniin ang katawan sa akin. Ano bang nangyayari sa babaing ito? Tinutopak yata. "Seryoso 'di na'ko natutuwa—aray" Napangiwi ako nang may marahas na sumagi sa aking kaliwang balikat. Aba hindi man lang lumingon at humingi ng pasensya! Kaya naman pala... Tutok ang lalaki makipag-unahan ng puwesto sa tricycle. Nang maka-upo na siya sa bubong nito, umuki
"Sir good afternoon, excuse me..."Tango ang iginawad ni Sir Amardo bago tuluyang pumasok ang babae. Base sa suot nitong uniform, isa siyang GAS student. Binigay niya ang hawak na papel kay Sir."Class listen this is an announcement." Biglang umalisto ang diwa ng katabi kong tutulog-tulog kanina."In connection with the Senior Prom 2017 to be held on September 7, 2017, the undersigned would like to ask permission that the participants of the said event be allowed to have practice this 3:00 on the afternoon. Withal, it is requested that they be allowed to make up for exams, activities, or assignments that they might miss. Your favorable response will be highly appreciated."Nagsi-yes at palakpakan ang karamihan. Natutuwa 'pagkat ligtas sa nakakaantok na klase. Ang katulad ko namang tahimik ay patagong naiinggit."Anyway ilan ba kayong sumali?" ani ni Sir habang pumipirma sa papel. Pagkatapos ay isinauli sa babae na nagpasalamat at nagpaalam mu
Sa kabila ng nagsiliparang pirasong sumugat sa aking pagkatao, pinilit kong hindi matibag nito. Hindi ko hahayaang bumalatay sa aking mukha na naapektuhan at nasaktan ako sa sinabi niya. Huwag ngayong nasa harap ko sila."Sige nga paano umakto ang hindi bata? Ngingiti sa 'yo ta's sasabihing ayos lang na ninakawan ako? Na 'wag kang mag-alala maliit na bagay lang 'to? Gano'n ba ha?! Salita ka lang nang salita palibhasa wala ka sa sitwasyon ko!"Bumubugso na ang galit sa kaloob-looban ko. Sinasabayan din ng nang-aapaw na sakit."Pakialamero ka masyado! Pagtuunan mo na lang 'yang kaibigan mo! Turuan mo siya kung paano alamin kung ayaw ng tao sa kanya—tanga kasi 'yan eh. Pakituro na rin na 'wag niyang ipilit ang sarili na magustuhan siya ha? Tutal pareho kayong pabida!"Padabog kong isinukbit sa braso ang cooler at humakbang na paalis. Hindi na lumingon sa gawi nila. Baka kung gawin ay makikita nilang sunod-sunod na umaagos ang luha ko. Walang pagk
Nagmarka sa aking palad ang matagal na paghawak ng cooler. Kaninang ala-sais pa ako nag-umpisang maglako pero hanggang ngayon, ni hindi man lang nangalahati itong ibinebenta kong ice candy. Madalas itong mabenta. Lalo na't ngayong buwan at sa susunod pa ay panahon ng tag-init. Kung tutuusin bilang ang mga nagtitinda ng ice candy rito kaya madaling kumita. Pasuwerte-suwerte lang talaga. "Ice candy! Ice candy kayo riyan! Lima isa! May pandan, abokado, at buko flavor! Ice candy na kayo!" malakas at pasigaw na sabi ko. Nakuha ang atensyon ng iilang mga mamimili rito sa Mercado. Ngunit hindi nagbisa dahil agad naman nilang binalewala. "Mama... Bili 'ko Ma. Isa lang, 'yong pandan Ma. Gusto ko pandan!" Narinig ko ang sabi ng bata. Hawak-hawak niya ang kamay ng kanyang ina, nakiki-usap na pumayag sa kanyang gusto. Sigurado akong itong binebenta ko ang tinutukoy niya. Sana naman pumayag 'yong nanay nang mabawasan ang nilalako't dagdag sa kita. "
"You betrayed me for the second time! And here you are saying that you did that unintentionally?! You really are piece of a trash... And yeah I am the trash can." "Seryoso? Bakit gan'to ang line ko? Kaloka'ng script writer namin ha! Minsan na nga lang magka-role tanga pa ang gagampanan. Pambihira!" Napa-iling na lang ako sa kanyang inasta. Sino nga bang kinakausap niya? 'Di bale gano’n naman talaga, kung sobra na ang inis na dinadala natural na ibubuntong at ilalabas ang galit kahit na kanino o kahit sa ano. Ganito kasi 'yan, hindi magiging kontento ang isang tao kapag pinipigilan niyang mailabas ang kanyang nararamdaman. Para bang hindi makatulog nang mahimbing dahil may bigat na pinapasan sa dibdib. At gagawin ang lahat ng paraan basta't maipalabas ang nararamdaman. Kumbaga hindi natin kayang magdala o magtago ng hinanakit at sekreto sa matagal na panahon. Sigurado ako rito, base sa karanasan. "'Buti ka pa Dzai walang dialogu
Wala sa sarili kong inusog sa hindi kalayuan ang palanggana at maliit naming upuan na gawa sa kahoy. May tatlong ginang na patutungo rito sa puwestong kinaluluguran ko. Senyales na kailangan ko munang umusog nang kaunti para magkasya at makagalaw kaming tatlo sa partikular na lugar. Ala-siyete na ng umaga, sa halip na magpakita ang araw makulimlim ang langit—nagbabadyang bumuhos ang ulan. Sa wakas! Kakampi ang panahon sa 'kin. Kahapon, marami mang hindi kaaya-ayang nangyari sa 'kin, kahit papaano hindi ako masyadong napagod magkapera at nakapagpahinga pa! Salamat sa tulong ni Ate Kemmy. Iyon nga lang dahil kakambal ako ng malas at lungkot, sa pagdating ko ng bahay tumambad sa akin sina Ellena at Mishella na nagmi-miryenda, pati si Nanay! Hindi nga lang siya nakisama kina Ellena at Mishella dahil siya'y nasa kusina. May pa gano'n gano'n pa! Eh ilang oras na lang no’n magha-hapunan na. Kainis! Hindi nga kami nagmi-miryenda noon kahi
Ginapangan agad ako ng galit nang magkasalubong ang aming paningin. Niyukom ko ang aking mga kamay, nginingitngit ko ang aking ngipin. Tutok sa kanya ang nag-aalab kong mga mata. Kung nakamamatay lang ito siguradong nakahandusay na siya. Ang kapal-kapal ng mukha. Hindi niya ba talaga maramdaman ang pagkadisgusto ko sa kanya at may gana pa siyang puntahan ako?! "Sino ba siya Beh? Kanina ka pa niyan tinitingnan, gusto ka 'atang makausap. Baka isa 'yan sa mga inutangan mo ta's hindi mo na binayaran ah. Tinakbuhan kumbaga." "Ay naku Dzai ang dami mong ike-kwento sa amin, una 'yong pinalabas ka pangalawa sino 'yang girl na 'yan at kung makatingin sa ‘yo parang kilala ka, taga special section pa. Akalain mo 'yon may kilala ka pa lang nasa special sect—Dzai? Saan ka pupunta? Huy Elise!" Sunod-sunod na wika nina Jamie at Mirna ang bumalot sa aking pandinig. Imbes na sagutin ang mga tanong nila pinili ko na hindi iyon pansinin. Bagkus ay