Share

Kabanata 8

Penulis: LaAiraMae
last update Terakhir Diperbarui: 2022-06-16 21:28:11

Dire-diretso kong tinahak ang mapunong daan papunta sa amin. Malapit nang dumilim kaya mas binilisan ko ang lakad ko. Hindi dilim ang kinakatakutan ko kundi ang galit ni nanay at tatay sa akin. Bantay-sarado na nila ako dahil sa nangyari.

Natigil ako sa aking paglalakad at napahiyaw nang may humablot sa akin papasok sa mapunong bahagi.

Bigla akong binundol nang kaba ngunit agad ding napawi sa aking nakita. Nanlalaki ang mata ko nang harapin ako ni Sander. Ang akala ko ay masamang tao na ang humablot sa akin.

Agad akong pumiglas sa kanyang hawak. Ramdam ko ang tusok ng mga mga maliliit na sanga at talahib sa aking balat.

"Ano ba! Ba’t bigla-bigla ka na lang nanghihila? Nakakagulat ka naman akala ko kung sino na,” nandidilat ang mga mata kong nakatingin sa kanya habang nakahawak sa aking dibdib.

Inis na inis ako dahil sa paghila niya sa akin.

"Cha naman eh, huwag mo na kasi akong iwan.” Hindi na ako nagpumiglas nang hinawakan niya ako. Inaamin kong gusto ko ang pakiramdam ng kanyang yakap ngunit iniiwasan ko lang ang mga talahib na tumutusok sa aking balat kaya’t nagpaubaya ako.

"Hindi na magbabago ang desisyon ko,” matigas kong sabi sa kanya.

Pinilit niyang hinuli ang tingin ko dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Pakiramdam ko ay magiging marupok na naman ako at muling bibigay sa gusto niya.

"Ganito na lang ba tayo? Hanggang tingin na lang ba ako sa'yo?” Malungkot niyang saad.

Humugot muna ako ng lakas ng loob bago ako kumawala sa kanya saka siya tinalikuran. Humapdi ang aking balat na sumagi sa mga sanga ng kahoy at talahib sa pagmamadali kong makalayo sa kanya. Hindi pa man ako nakalimang hakbang ay naririnig ko na ang mga boses ng aking mga magulang.

"P*ta talaga ang batang 'yon gabi na wala pa rin, hindi ko lang talaga makita-kitang magkasama na naman sila ng Sander na iyon at kakalbuhin ko na siya.” Nararamdaman ko na ang gigil sa boses ni nanay.

"Malilintikan talaga yan sa'kin mamaya,” segunda pa ni tatay.

Nagpang-abot kami ni Sander dahil sa pagtigil ko nang marinig ang nag-uusap. Nag-aalala akong tumingin kay Sander.

"Umalis ka na!” halos nagmakaawa ang boses ko para lang mapaalis siya.

Handa akong harapin lahat ng galit nila sa akin pero baka hindi ko kakayanin kung anuman ang magawa nila kay Sander.

Bago pa ako humakbang pasulong ay muli niya akong hinila sa may talahiban at kumubli roon. Nasa likod ko siya kaya't agad kong naramdaman ang matigas na bagay na tumutusok sa aking likuran. Agad niyang ipinatong ang kamay sa ulo ko, dahil matangkad siya sa akin ay sumubsob ako sa kanyang dibdib. Mas lalo niya akong ikinubli sa may talahib nang papalapit na ang boses nila nanay.

Tumigil yata ang mundo ko dahil sa nangyayari. Hindi na ako makapag-isip nang tama dahil sa nararamdaman ko ngayon.  Mali mang isipin ito pero nararamdaman ko pa talaga ang matigas na bagay na tumutusok sa akin. Tahimik na ang paligid nang mag-angat ako nang tingin sa kanya.

Parang nagulat pa siya nang bigla siyang lumayo sa akin. Maging ako ay nagulat din sa naging reaksiyon niya.

"Sorry!" usal niya

Napakagat ako sa aking labi at kinalma ang sarili. Hindi ko na binigyan ng malisya ang nangyari at bigla ko na lang siyang iniwan. Sinasampal-sampal ko ang mukha ko habang kumakaripas sa paglalakad. Nag-iinit ang buong mukha ko at katawan.

Hindi na rin sumunod si Sander hanggang sa makarating ako sa bahay. Natigil ako sa pagmamadaling makapasok nang madatnan si Tintin na nasa harapan ng salamin at hinihipo ang kanyang mukha. Wala na ang mga benda sa kanyang mukha at katawan. Bigla akong inatake ng konsensiya habang pinagmamasdan ko siyang tinatanaw ang sarili sa salamin. Blangko ang kanyang emosyon habang hinihipo ang sunog na parte ng kanyang dating makinis na mukha.

Matalim ang mga tingin niya mula sa salamin na nakatitig sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Nakikita mo ba ang resulta ng kapabayaan mo? Anong pakiramdam na makita ako sa ganitong sitwasyon, masaya ka ba?”

Ang sakit niyang magsalita. Wala akong magawa kundi lunukin ang sama ng loob ko sa mga salitang galing sa kanya, nawala na ang respeto niya sa akin.

"Tin, pwede bang respetuhin mo naman ako kahit konti? Konti lang, ate mo pa rin naman ako kahit paano. Nawawala na ang respeto mo sa akin,”

Para siyang baliw na tumawa mag-isa at muling tumingin sa akin nang matalim. Hindi na yata mawala sa kanya ang mga nanlilisik niyang mga mata.

"Nawala na ang respeto ko sa'yo simula nang gabing 'yon, at huwag mo akong tuturuan kung dapat ba kitang respetuhin o hindi. Nakalimutan ko nang kapatid kita,”

Natulala lang ako nang sinadya niyang bungguin ang balikat ko at lumabas. Panong ang isa kong kasalanan ay nagpabago sa kanya? Naiintindihan kong galit siya pero mas matanda pa rin ako sa kanya. Paano niya ako nakayanang sagutin ng ganito?

Hindi ko naman sinadyang masunog siya. Matatanggap ko pa kung kamuhian niya ako dahil sinadya ko siyang sunugin, pero aksidente ang nangyari.

Kung natuloy ba ang pagkamatay ko ay napatawad na kaya niya ako? Tatanggapin niya kayang aksidente ang nangyari?

Nanlulumo akong tumungo sa loob at nagbihis. Muli kong naalala si Sander kaya't napadasal na lang ako na sana hindi sila magsalubong ni tatay at nanay.

Saktong paglabas ko papunta sanang kusina ay siya namang pagpasok ni nanay at tatay.

"Saan ka galing?” Agad na usisa ni nanay.

"May meeting lang kami nay, tay kaya ako ginabi,” sagot ko na totoo naman, pwera lang yung pagkikita namin ni Sander

"Bakit hindi ka namin nakasalubong sa daan?”

Napalunok ako sa tanong ni tatay. Anong isasagot ko?

"Baka nagkasalisihan lang tayo,” agaran kong sagot. Hindi naman siguro halatang kabado ako.

Matalim ang tingin ni nanay sa akin mukhang may pagdududa.

"Ayos-ayusin mo lang ang pagtatago Cha. Sinabi ko na sa'yong isang pagkakamali mo pa kakalimutan ko nang anak kita,” banta ni nanay.

Alam ko naman nay, kaya nga nakipaghiwalay na ako kay Sander kahit hindi niyo sinabi.

Ang hirap pala ng ganito, yung bawat kilos mo ay bantay sarado.

Ang hirap magkamali parang lahat ng gagawin mo ay hindi tama. Ang hirap buoin ang isang bagay na nawasak. Parang isang puzzle na kailanma’y hindi mabuo dahil nawawala ang isang parte.

Sinira ko ang tiwala nila sa akin at kahit anong pilit kong buuoin ito ay may kulang pa rin at hindi ko mahanap ang basag na pirasong iyon.

Dahil sa gaganaping prom ay nagpatawag ng PTA Meeting. Hindi ko pa nasasabi kay nanay at tatay ang tungkol dito kaya't ako na lang muna ang nakinig. Simula nang araw na iyon pakiramdam ko ay nawalan na ako ng karapatan sa kanila.

Habang nakikinig ako ay naglalakbay ang diwa ko kung saan ako hihiram ng isusuot. Wala ring pera si nanay at tatay para mag rent ng isusuot at wala rin akong kakilalang mahihiraman. Hindi naman daw kailangang bongga basta ay long gown.

Napabuntong hininga na lang ako nang matapos ang meeting. Hinintay ko munang magsialisan ang mga parents. Lumapit ako kay ma’am Flores pero naunahan ako ng isang nanay kaya't hinintay ko muna silang matapos sa pag-uusap.

"Ma’am?" Napatingin siya nang lumapit ako sa kanya.

"O, Cha bakit hindi pumunta ang nanay mo?” agad niyang tanong.

"Hindi pa po nila alam ma’am, hindi ko pa sinabi sa kanila.” Nagtatakang tingin ang iginawad niya sa akin. ”Alam niyo naman po ang nangyari at hindi maganda ang relasyon namin ni nanay at tatay,” ngumiti pa ako nang malungkot sa kanya. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang nangyari kaya’t naiintindihan niya ang ibig kung sabihin.

"Kung gusto mo ako na lang ang magsasabi sa kanila?” Agaran akong umiling sa kanya.

"Huwag na po ma’am, kung pwede sana hindi na lang ako pupunya sa prom?” Nangungusap kong sambit.

Matagal siyang nakatingin sa akin bago nagsalita "Cha, naiintindhan ko naman ang sitwasyon mo, pero hindi talaga pwedeng maging exempted ka. Una pa lang ay sinabi ko na nang malinaw at isa pa mababa ang grades mo hindi kayang hatakin ng special exam ang grades mo. Isa pa magiging unfair sa iba kung papayagan kita.”

Para akong sinampal sa kanyang sinabi. Oo nga naman, wala akong kakayahang ipasa ang special exam at makapal na talaga ang mukha ko kapag nanghingi pa ako ng isa pang special exam. Naiintindihan ko naman si ma’am pero wala akong choice ngayon kundi magmakaawa na lang.

"Huwag kang mag-alala tutulungan kita para makahanap ka ng mahiraman,”

Kumislap ang mata ko dahil sa sinabi niya. “Talaga po? Salamat talaga maam!” Pinagdikit ko pa ang aking mga palad dahil sa pasasalamat.

Kahit hindi naman dapat ay natutuwa ako dahil kay ma’am. Kahit pa pinapamukha sa akin ng pagkakataon na isa akong kawawang nilalang pero pilit nitong pinapaintindi sa akin na dapat akong magpasalamat dahil may mga tao pa ring handang tumulong sa akin.

Naging abala ang mga guro dahil sa paparating na JS Prom kaya wala gaanong klase. Lumipat kami sa open ground at nagpractice ng buong routine para sa program. Kasama si Andra sa cotillion dance at si Rita naman ang magiging emcee, samantalang ako ay nagmamasid lang sa mga kaganapan.

Napasulyap ako kay Arnold at Sander na nakaupo sa may di kalayuan. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero nararamdaman kong tungkol ito sa akin dahil sa akin nakatuon ang tingin ni Arnold. Mag-iisang linggo na ring hindi na kami gaanong nag-uusap at tamang sulyap na lang sa isa't isa.

"Okay, 15 minutes break muna guys,” anunsiyo ng baklang nagtuturo ng steps para sa Cotillion.

“Samahan mo 'ko bili tayong tubig,” yaya ni Andra sa akin pagkalapit nito. Tumayo na ako at sumunod sa kanya.

“Sama ako mga bruha,” sumunod na rin si Rita sa amin.

"Break na pala kayo ni Sander? Wala ka bang balak sabihin sa amin?” Napakagat ako sa labi dahil sa tanong ni Andra. Alam kong nakaraan pa nila gustong itanong ang tungkol sa amin.

Balak ko naman talagang sabihin.

"Weeh??" Hindi makapaniwalang bulalas ni Rita. "Kaya pala ang tahimik niyo nitong nakaraang araw at hindi ko na rin masydaong nakikita si Sander,"

"Ayoko lang madagdagan ang galit ni nanay at tatay sa akin,"

Hindi ko sila nilingon at dumiretso sa paglalakad. Hindi pa ako handang pag-usapan ang nangyari sa amin ni Sander.

Bab terkait

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 9

    Minsang may mga bagay talagang kahit gusto mong ikwento ay kailangan mong sarilinin. Ang dahilan marahil ay hindi mo pa kaya o hindi pa ang tamang oras. Narinig ko ang pagtawag ni Andra. "Grabe naman kasi 'yang nanay mo, hindi naman kasi masama ang ginagawa mo," komento nito nang makahabol sa akin. Siguro nga para sa amin ay wala kaming ginagawang masama. Pero sa isang magulang na naghahangad lamang ng kabutihan para sa kanyang mga anak ay maling mali lalo na at ipinagbabawal pa nila ang pagboboyfriend naming magkakapatid. "Yang nanay mo kung makapaghigpit akala mo hindi nakaranas maglandi noong panahon niya." Nabigla ako sa tinuran ni Rita kaya't taka akong napatingin sa kanya. Naninibago akong makarinig ng ganitong komento galing sa kanya, nasanay akong lagi niyang naiintindihan ang opinyon ng iba at hindi siya nagkokomento ng hindi maganda. "Anong gusto niyo? Libre ko na kayo," tanong sa amin ni Andra pagkarating namin sa maliit na canteen ng school. Hindi ako sumagot kay An

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-18
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 10

    Ilang segundo akong nakapikit. Tahimik na ang paligid at tanging ang ihip ng mahinahong hangin ang aking naririnig. Dahan-dahan kong pinahid ang butil ng luha sa aking pisngi. Hinugot ko ang aking hininga saka lumingon. Wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Hindi ko naramdaman ang kanyang pag-alis. Iniisip ko pa lang pero hindi ko kayang tuluyan na niya akong sukuan. Pilit kong iwinaksi sa isipan ang nangyari. Kailangan ko nang umuwi. Mabigat ang mga hakbang ko habang tinatahak ang daan pauwi sa amin. Dire-diretso akong naglakad nang may masalubong akong lalaking tumatakbo. Hindi ko agad napaghandaan iyon kaya nagkabanggan kaming dalawa. "Ahh!" Naibulalas ko dahil sa pagkabigla. Napangiwi ako sa sakit nang pareho kaming natumba. Gumulong kaming parehas at ramdam ko agad ang hapdi ng aking siko at paa. Iniinda ko pa ang sakit nang bumangon siya at pupung

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-19
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 11

    Tulala akong naghahakot ng mga gamit namin papunta sa bahay namin. Mahigit isang buwan din kaming namalagi sa bahay ni tiya Marta. Mabuti na lang at naagapan na ni tatay na ayusin ang bahay namin kaya't ngayon ay babalik na ulit kami roon. Habang naglalakad ay hindi ko napansin ang malaking bato na nakaharang sa aking daanan kaya't napatid ako at nabitawan ko ang dala-dala kong karton. "Ang tanga mo talaga!" Napangiwi na lang ako sa paghila ni nanay sa aking buhok. Napatid na nga dinagdagan pa ang sakit. Tiningnan ko ang kuko kung natamaan buti na lamang at hindi natanggal. Kung hindi dahil sa lalaking iyon kahapon ay hindi sana ako ganitong tulala. Hindi k

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-20
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 12

    Nang dumating ang gabi ay bumaba kami para kumain. Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang tingin ng nanay ni Rita sa akin kaya't naiilang ako. "Mommy, okay lang bang papahiramin ko si Charlotte ng gown? Para po sana may maisuot siya sa prom." Nabitin sa ere ang aking pagsubo at napatingin kay Rita. Wala sa usapan namin ang ganito. "Meron ka pala e, hindi mo naman sinasabi," sabat ni Andra. "Pahiramin ko na lang siya. Kawawa naman kasi si Charlotte," Napayuko ako at uminit ang sulok ng aking mata. Hindi ko alam kung emosyonal lang ba talaga ako ngayon at napaka sensitive ko ngayong araw pero naiinsulto ako sa sinabi ni Rita. Gusto kong isipin na epekto lang ito ng mga nangyayari sa akin pero nitong mga nakaraang araw ay may napansin akong kakaiba kay Rita. "Balita ko

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-21
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 13

    Halos hindi ko na makita ang aking daanan dahil sa mga luhang nag-uunahan. Hindi ko inalintana ang dilim ng paligid at ang malakas na pagbuhos ng ulan. Mas gugustuhin ko pang may bigla na lang hahablot sa akin at patayin ako kaysa bumalik pa sa lugar na iyon.Pumalahaw ako nang iyak nang gumulong ako pababa. Naramdaman ko ang hapdi ng mga kahoy at mga maliliit na sangang nahagip ng aking paggulong. Sana ay may ahas na bigla na lang tutuklaw sa akin para hindi ko na masaksihan ang mapait na sinag ng araw.Matatanggap ko pa siguro kung ipagtabuyan ako ni nanay kaysa tratuhin ako na parang hindi niya ako anak. Walang mahalaga sa kanya kundi ang paborito niyang anak na si Celestine at ako ang naging dahilan kung bakit nasira ang kanyang magandang mukha. Ako ang anak na naging bunga lamang ng kanilang pagnanasa sa isa't isa ngunit

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-22
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 14

    Pagkatapos naming mag-usap ay nagpalipas muna kami ng oras habang nakaupo sa may malaking bato. Wala na akong pakialam ngayon kay nanay kung makita man nila akong kasama ko si Sander. "Bakit kasama mo ang lalaking 'yon?" Natigilan ako sa tanong niya. "Nagkasalubong lang kami," maikli kong tugon. Hindi ko gustong magsinungaling sa kanya pero kailangan. Isa pa ayokong malaman niya na binalak kong magpakamatay. Tumahimik na siya kaya't tumayo na ako. "Hali ka." Hinila ko siya patayo. Isiniksik ko ang maliit kong daliri sa kanyang mga daliri saka ito itinaas sa ere. Nakakatuwang isipin na saktong sakto ang mga daliri ko sa kanya na para bang sa kanya lang maaring humawak sa aking kamay.

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-23
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 15

    Ilang sandali lang ay nagawan din ng paraan na maayos ang zipper ng aking suot sa likuran. Nakangiti akong humarap sa bakla matapos niyang maayos ang aking likuran. Ngumiti lang din siya sa akin at hinaplos ang dulo ng aking buhok papunta sa harapan ko.Lumapit din si Sander sa akin at pinaikot ako patalikod sa kanya. "Ayos na na." Akala ko ay tiningnan niya lang kung ayos na ba ang ginawa ng bakla sa akin pero natigilan ako nang maramdaman ang isang malamig na bagay sa aking leeg.Tulala ako nang muli niya akong iharap sa kanya "Tandaan mo ikaw lang ang pinakamaganda sa aking paningin kahit ano pa man ang isuot mo."Uminit ang aking pisngi lalo na nang dumampi ang kanyang labi sa aking noo.Gusto kong maiy

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-24
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 16

    Akala ko ng gabing 'yon ay magiging payapa akong nakatanaw sa ulap. Hiniling ko ng araw na iyon na bigyan ako kahit saglit lang na panahaon para makapag-isip at iiyak lahat ng sakit."Balak mo bang matulog dito sa gitna ng daan?" Agad akong napatayo nang may magsalita.Agad na bumungad sa akin si Knee Yoz at katulad ng dati ay may dala siyang flashlight at nakatutok sa aking mukha. Nasilaw ako dahil sa liwanag kaya't naudlot ang aking pag-iyak."Ilayo mo nga yang flashlight mo." Iritadong utos ko sa kanya na agad niya rin namang sinunod.Umupo ako sa lupa at inunat ang aking dalawang binti, walang pakialam kung madumihan man ang puti kong suot. Ginaya niya rin ako sa pag-upo. Kumunot ang noo ko nang mapansi

    Terakhir Diperbarui : 2022-06-25

Bab terbaru

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 29

    Pinanuod ko kung paano pinaghalo nina Roberto at Edward ang inumin. Nangibabaw pa rin ang ingay ng kanilang mga baso at hiyawan sa kabila ng malakas na tugtog. Umangat ang aking paningin nang lumapit si Roberto at inabutan ako ng alak sa baso. Tatanggapin ko na sana iyon nang mapansin ko si Knee Yoz na nakatingin sa akin. “Sige na, birthday naman ni boss.” Nararamdaman ko pa rin ang kanyang tingin pero inabot ko na ang baso. “Cheers!” Itinaas ni Roberto at Edward ang kanilang mga baso sa gitna. Sumunod ang ibang lalaki pati si Denise kaya’t gumaya na rin ako. Natahimik ang lahat at napatingin kay Knee Yoz, nakatingin lang siya sa akin kaya’t napakurap ako ng ilang beses. Kung hindi ko pa siya kinunutan ng noo at senyasan ay hindi pa niya itinaas ang kanyang baso. Muli ay nabuhay ang kanilang hiyawan. Hanggang sa aking paglunok ay nakatitig yata siya sa akin pero pilit akong umiiwas para hindi ko mahuli ang kanyang mga tingin. Nagpatuloy lang sila sa k

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 28

    Kabanata 28Ang sabi nila kapag nasalo mo ang bulaklak na inihagis ng bride ay ikaw ang susunod na ikakasal. Noong una ay hindi ako naniwala ngunit pinaniwala ako ni Knee Yoz. Sariwa pa sa aking isipan ang nakaraan na para bang kahapon lamang iyon nangyari.Dahil sa pagkasunog ng dati kong tinitirhan ay hinayaan niya akong tumira sa kanyang bahay. Sa kabila ng mga kamalasan ko sa buhay ay naisip kong itinadhana yata siyang maging life savior ko.Abala ako nang araw na iyon sa paglilinis ng buong bahay nang dumating si Denise. Dalawang linggong hindi ko siya nakita pagkatapos ng kanyang kasal at naintindihan ko namang kailangan niya ng time kasama ang asawa.“Ehh..I miss you!” kahit pawis na pawis ay tumitiling niyakap niya ako.“I miss you too! Ang blooming mo.” Natatawang puna ko sa kanya at inakay siya paupo.“Eh, ganun talaga siguro kapag bagong kasal. Alam mo na – totoo pala talaga ang kasabihang

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 27

    Simpleng kasal lang ang idinaos nina Denise at Knee Yoz dahil wala naman silang kamag-anak. Dalawa lang ang ninang at apat lang ang kanyang at groomsmen at bridesmaid kasama na kami ni Knee Yoz. Habang naglalakad ako sa gitna papunta sa dulo pakiramdam ko ay ako ang ikakasal kahit na hindi naman. Kung naging mabuti kaya ang tadhana sa akin may pagkakataon kayang makasama ko si Sander at ikasal kami ng ganito kahit simple lang? Kahit walang mga magulang at kaibigan?Naramdaman kong hinawakan ni Knee Yoz ang aking kamay na nakakapit sa kanyang braso kaya't nilingon ko siya.“Next time ikaw naman ang ikakasal.” Marahan pa siyang tumawa kaya't itinuon ko ang atensiyon sa harapan hanggang sa makarating kami sa dulo at naghiwalay na rin.Sunulyap ulit ako sa kanya nang makaupo ako at muli ring umiwas nang makitang nakangisi pa rin siya sa akin. Hindi ko itatangging si Sander pa rin talaga ang iniisip ko hanggang ngayon pero hindi ko rin maitatanggi naapekt

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 26

    Tanghali na nang magising ako. Nararamdaman ko na ang singaw ng init sa aking katawan. Bigla akong nanibago nang mapagtantong wala na pala ako sa maliit na silid na aking inuupahan.Nagmadali kong sinuklay ang buhok gamit ang daliri at nagtanggal ng muta. Bahagya ko ring kinagat ang aking tuyot na labi. Sa halip na si Knee Yoz ang aking makita ay si Denise ang aking namataan sa kusina pagbukas ko ng pinto kaya't natigilan ako roon. Napalingon siya sa akin.“Oh, gising ka na?” puna niya habang abala sa kanyang ginagawa. “Nagpaluto si Knee Yoz. Dito na lang daw kami kakain ni Edward para sabay-sabay na tayong apat,” nakangiting saad pa niya.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinagdiskitahan ang gulay na kanyang niluluto. “Bakit hindi mo ako ginising?”“Hayaan daw kitang matulog sabi ni Knee Yoz.” Natigil ako sa ginagawa at napatingin sa kanya. “Pagod ka dahil sa nangyari kagabi kaya okay lang.”

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 25

    Madaling araw nang magising ako dahil sa pagsikip ng aking hininga. Agad akong bumangon para sana uminom ng tubig ngunit agad akong napaubo dahil sa usok na bumungad sa akin.“Sunog!!!” Dali-dali akong tumayo nang marinig ang sigaw sa labas at binuksan ang bintana.“Tulong..may sunog!!” Nagkakagulo sa baba at nagsisigawan ang mga tao. Nakita ko ang iilan na nagtatakbuhan habang may kanya-kanyang buhat.Nanlaki ang mga mata ko nang makitang umaapoy na ang bahay na kaharap ng aking tinutuluyan at unti-unti nang tumatawid papunta dito sa palapag na inuupahan ko.Tumulo ang aking luha habang hinahabol ang hininga dahil sa makapal na usok na bumabalot sa paligid. Ito na 'yon di ba? Ito na 'yong kamatayang matagal ko nang inaasam-asam. Mapait akong ngumiti. Kaya siguro hindi natuloy-tuloy ang pagpapakamatay ko noon dahil ito pala ang kamatayang nakatadhana para sa akin.Napatingin ako nang marinig ang kalampag sa aking pintuan na

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 24

    Walang nagawa si Denise nang hinila ako ni Knee Yoz palabas. Agad itong pumara ng taxi at nauna akong pinapasok.“Knee Yoz ano ba? Hindi mo ba nakikitang nag-eenjoy kami?” reklamo ni Denise sa kanya.“Enjoy? Magpakalasing? Ganun ba?”Sumilip ako mula rito sa loob at pinagmasdan ang reaksiyon ni Knee Yoz. Mahinahon siya ngunit alam kong galit siya. Pero hindi ko alam kung anong dahilan.Bago pa sumagot si Denise sa kanya ay hinila niya na rin ito papasok. Bahagya akong umusog para makaupo si Denise sa aking tabi.Pumasok na rin si Knee Yoz sa harapan. Bumaling ito sa likuran at tumingin kay Denise.“Hindi mo ba alam na talamak ngayon ang pagkawala ng mga babae? Hindi mo ba naisip na may nag-aalala sayo?”“Tss,” usal ni Denise. Ilang segundo pa itong nakatingin sa aking kaibigan bago bumaling sa akin. Nagulat pa ako sa kanyang ginawa ngunit hindi ako nagpahalata. Umayos na rin siya ng upo

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 23

    Maliwanag na ang paligid pero himalang naroon pa rin silang dalawa sa aking pwesto. Tawang tawa ako kay Edward na nambobola ng mga namimili. Matalim ang tingin ni Denise sa kanya at hindi pa rin namamansin.“Ate ano sa inyo? Dito na kayo bumili murang mura lang. Bibigyan ko pa kayo ng discount.” Pangungumbinsi niya sa babaeng dumaan. Hindi siya pinansin nito at lumipat sa ibang pwesto kaya't napailing na lang siya “Ayaw niyo edi ‘wag. Hmp, chossy pa kayo ang gwapo ko na nga,” Nagpigil ako ng ngiti nang tumigil siya dahil sa matalim na tingin ni Denise.“Hoy ate ano ba naman yang paninda niyo bulok.” Nagulat ako sa babaeng nasa harapan namin at dala-dala ang kalahating kilo ng talong na kanyang binili. “Tingnan niyo oh, ano pang papakinabangan namin diyan puro uod?” Bahagya akong napaiwas nang padabog niyang nilapag sa aming harapan ang mga talong na pinaghihiwa. Nagkalat pa sa sahig ang ibang kamatis at sibuyas dahi

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 22

    Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid at pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan. Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao. Umupo kami sa may bandang sulok. Tumingin tingin ako sa paligid at nakiramdam. Tumayo ang kasama ni Knee Yoz para umorder ng pagkain kaya’t naiwan kaming dalawa sa lamesa. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkailang ngayon lang pumasok sa isip ko ang nangyari. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa. Napabuntong-hininga ako, hindi na ako maaring umatras pa. Napakurap ako nang tumingin siya sa akin. "Anong balak mo?" ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong. Hindi talaga ako nag-isip bago ako nagdesisyon. Saan ako pupunta? Magiging pulubi ba ako kaga

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 21

    Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid na pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan.Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao.Umupo kami sa may bandang sulok at naiwan kaming dalawa sa lamesa nang umalis ang kanyang kasama para mag-order ng pagkain. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa."Anong balak mo?" Ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong.Saan ako pupunta? Magigin

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status