Ilang sandali lang ay nagawan din ng paraan na maayos ang zipper ng aking suot sa likuran. Nakangiti akong humarap sa bakla matapos niyang maayos ang aking likuran. Ngumiti lang din siya sa akin at hinaplos ang dulo ng aking buhok papunta sa harapan ko.
Lumapit din si Sander sa akin at pinaikot ako patalikod sa kanya. "Ayos na na." Akala ko ay tiningnan niya lang kung ayos na ba ang ginawa ng bakla sa akin pero natigilan ako nang maramdaman ang isang malamig na bagay sa aking leeg.
Tulala ako nang muli niya akong iharap sa kanya "Tandaan mo ikaw lang ang pinakamaganda sa aking paningin kahit ano pa man ang isuot mo."
Uminit ang aking pisngi lalo na nang dumampi ang kanyang labi sa aking noo.
Gusto kong maiyak sa simpleng kilos na ginagawa niya sa akin. Buong buhay ko ay hindi ko naranasang maging espesyal at siya lang ang taong nagpaparamdam sa akin na mahalaga ako. Araw-araw ay hindi niya ako binibigo at mas lalo ko siyang minamahal.
Hinawakan niya ang aking kamay saka ito hinalikan at matamis na tumingin sa akin. Bago kami lumabas ng room ay napansin ko pa ang iritadong mukha ni Rita bago tumalikod at naunang lumabas. Ipinagtaka ko iyon pero pinilit ko na lang iwaksi sa aking isipan.
Nang makalabas kami ay sinalubong kami ng iilan naming mga kaibigan nagpicture taking.
Nang mag-umpisa na ang pila ay humiwalay na si Sander sa akin. Hindi ko na rin mahagilap sina Rita at Andra kaya't tahimik lang akong nagmamasid sa mga kasama kong nagbobonggahan ang suot. Ayoko nang mainggit pa at masyadong maganda ang gabi para sa aming dalawa ni Sander.
Naging tuloy tuloy ang daloy ng aming program. Kanya-kanya na rin kaming upo sa mga upuang nakalaan para sa amin. Nag-umpisa na rin ang Cotillion gusto ko pa sanang kuhaan ng picture si Rita habang sumasayaw kaya lang ay wala akong cellphone kaya't pinanuod ko na lang sila.
Pagkatapos ng candle lighting ay nag-umpisa na rin ang dinner. Dahil buffet dinner ang theme ay kanya-kanya kaming kuha ng pagkain. Agad na lumapit si Sander sa akin nang tumayo ako.
Lumipat na rin siya sa aming table dahil ang iba ay nagsilipatan na sa ibang table. Tahimik kaming kumakain habang nanunuod ng presentation. Sumunod din ang presentation ng Class History and Prophecy at pagkatapos ay nag-umpisa na ang Prom Dance.
"Let me dance with you!" Napangiti ako sa pag-eenglish ni Sander sa akin habang nakalahad ang palad sa akin naghihintay na hahawakan ko iyon.
Walang pag-alinlangan kong tinanggap ang kanyang kamay. Alam na sa buong campus na magboyfriend kami ni Sander kaya wala na akong ikakahiya pa. Tinanggap ko ang kanyang kamay at tumayo ngunit sakto ring dumaan ang isang babae dala-dala ang mga tira-tirang pagkain na natapon sa aking balikat at nagkalat sa aking katawan. Nakatingin na rin ang iba sa amin dahil sa nangyari.
Napasinghap ako at saka humarap sa babaeng taga kabilang section "Hala, sorry! Hindi ko sinasadya!" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pag-alala. Maging ako man ay nagulat din ngunit ayokong magalit sa kanya.
"Sige, okay lang." Tumango lang ako sa kanya. Alam ko namang hindi niya sinasadya ang nangyari at pauwi na rin naman.
Nang makaalis ang babae ay agad akong tinulungan ni Sander na punasan ang mga natapon sa akin. Puti ang suot ko kaya't bakas ang mantsa, mahihirapan pa yata akong maglaba nito bukas. Nasira na nga ang zipper namantsahan ko pa. Sana lang ay hindi magalit si Rita sa akin.
"Ano sasayaw pa ba tayo?" Natatawa kong tanong kay Sander.
"Oo naman, maghugas ka muna sa cr para hindi ka manlagkit."
Sinamahan niya ako sa cr para mapunasan ko ang mantsa sa aking damit at para hindi ako manlagkit dahil pati balat at ilang hibla ng buhok ko ay natapunan din.
"Hintayin na lang kita dito sa labas." Paalam niya
Ngumiti ako sa kanya nang nakakaloko "Bakit gusto mo bang sumama sa loob?" panunukso ko sa kanya. Akala ko ay sasakyan niya ang biro ko pero sinamaan niya lang ako nang tingin at tinulak papasok.
Napaka-gentleman talaga ng boyfriend ko.
Nagmadali kong pinunanasan ang aking damit at braso pati ang aking buhok ay bahagya kong binasa. Mukha na akong dugyot pero okay lang naman. Nag spray muna ako nang kaonting pabango bago lumabas.
Nakadalawang lingon ako sa magkabilang sulok ngunit hindi ko nakita si Sander. Ang sabi niya ay maghihintay lang siya sa akin. Pumunta ako sa cr nang mga lalaki at baka umihi na rin siya. Medyo madilim na rin dito pero sapat lang ang liwanag mula sa stage para makita ang paligid. Sumilip ako sa likod ngunit hindi ko inaasahang naroon si Rita sa loob.
"Iba ang usapan natin, bakit kailangan mo pang balikan ang babaeng iyon?" Hindi ko sinasadyang marinig ang kanyang sinabi at hindi ko alam kung sino ang kanyang kausap.
"So, gusto mong sundin kita?" Napatda ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko nakikita ang kanyang kausap pero sigurado akong si Sander iyon.
"Bakit? Ayaw mo ba, alam ko naman na ako pa rin ang mahal mo hanggang ngayon."
Tumawa si Sander ngunit natigil iyon nang lumapit pa si Rita. Tumulo ang aking luha lalo na nang nagpalit sila nang pwesto ni Sander ngayon ay kita kong naghahalikan silang dalawa.
Tanggap kong dati silang magkasintahan pero ang makitang ganito pa rin silang dalawa ay hindi ko kaya. Paano nila nagawa sa akin ang ganito?
Tumakbo ako paalis roon ayoko nang masaksihan o marinig ang iba pa nilang sasabihin. Dahil sa pagmamadali ko ay napatid pa ako. Naitukod ko ang aking palad sa semento at naramdaman ko agad ang hapdi nang galos sa aking braso at paa.
"And for this most awaited moment, ladies and gentlemen I am proudly present to you our Prom Queen for tonight... Miss Charlotte Hope Sandoval."
Naghiyawan ang mga tao at gusto kong umiyak nang malakas para walang makarinig sa akin.
Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Dire-diretso ako sa paglalakad at tumungo sa aking upuan kanina.
"Where are you Miss Sandoval?" Natigil ako sa pagkuha ng aking gamit nang tumutok sa akin ang spotlight. Hindi ko alam ang nangyayari.
Wala ako sa sarili nang puntahan ako ni Andra at hinila papunta sa stage. Agad akong sinalubong ng emcee at inalalayan sa gitna. Parang wala akong lakas na humakbang at para akong nakalutang ng mga sandaling iyon habang pinapatong sa akin ang korona. Maging ang boquet ng bulaklak ay halos hindi ko mahawakan kung hindi pa ako inalalayan ng isang emcee.
Ako na yata ang reyna ng kamalasan.
"Relax miss Sandoval," bulong ng babaeng emcee sa akin.
"Wow, you're crying for this crown miss Sandoval. Is it tears of joy?"
Tumingin ako sa baklang emcee at wala sa sariling ngumiti. Hindi ito luha ng kasiyahan kundi luha ng lungkot, ng poot at pighati. Luha na dulot ng kataksilan ng aking kaibigan at ng lalaking pinakamamahal ko.
Ang lalaking nagparamdam sa akin na espesyal ako sa kanyang buhay ngunit siya rin palang wawasak sa aking damdamin.
Mali ang naging desisyon kong hiwalayan siya pero mas mali palang nakipagbalikan ako sa kanya. Sa lahat ng nangyaring ito sana ay hindi ko na lang siya tinanggap sa aking buhay.
Pagkatapos isuot ng bakla ang korona sa akin ay tumakbo na ako sa kawalan. Alin ba sa buhay kong ito ang tama? Bakit lahat ng gagawin ko ay mali? Bakit laging mailap sa akin ang tadhana?
Narinig ko pa ang tawag ng emcee at ang paghabol ni Andra ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Paano ba maging manhid habang nabubuhay nang hindi dumaan sa kamatayan? Gusto ko nang tapusin ang lahat.
Wala sa sariling tumakbo ako palabas ng paaralan. Hinagis ko sa damuhan ang boquet na hawak ko maging ang korona sa aking ulo ay tinanggal ko at tinapon din sa kung saan. Wala na si Leila na lagi kong napagsasabihan ng aking mga hinaing at sama ng loob. Ang kaibigan kong naging sandalan ko at ang lalaking pinakamamahal ko at pinaghuhugutan ko ng lakas ay pinagtaksilan ako. Sumisikip ang aking dibdib dahil sa nangyari.
Dahil sa bilis ng takbo ko ay naapakan ko ang dulo ng suot kong damit dahilan para matalisod ako at gumulong sa lupa. Napasigaw ako sa magkahalong inis at galit. Ilang beses na ba akong literal na nadapa ngayong araw? Para akong pinaglalaruan ng tadhana.
Tumigil ako sa may batuhan kung saan lagi kaming nagkikita ni Sander. Marami na akong alaala sa lugar na ito at naging saksi rin ito sa aking mga hinagpis. Hinayaan ko ang sarili kong humiga roon sa lupa nang patihaya habang nakatingin sa kalangitan. Patuloy na dumadaloy ang mainit kong luha sa aking pisngi. Napakadilim ng langit at wala akong nakikitang kahit isang bituin. Kagaya ng dati ay madilim pa rin ang aking buhay, liliwanag man ay saglit lamang.
"Balak mo bang matulog dito sa gitna ng daan?"
Biglang tumigil ang tibok ng aking puso nang marinig ko ang boses na 'yon.
Akala ko ng gabing 'yon ay magiging payapa akong nakatanaw sa ulap. Hiniling ko ng araw na iyon na bigyan ako kahit saglit lang na panahaon para makapag-isip at iiyak lahat ng sakit."Balak mo bang matulog dito sa gitna ng daan?" Agad akong napatayo nang may magsalita.Agad na bumungad sa akin si Knee Yoz at katulad ng dati ay may dala siyang flashlight at nakatutok sa aking mukha. Nasilaw ako dahil sa liwanag kaya't naudlot ang aking pag-iyak."Ilayo mo nga yang flashlight mo." Iritadong utos ko sa kanya na agad niya rin namang sinunod.Umupo ako sa lupa at inunat ang aking dalawang binti, walang pakialam kung madumihan man ang puti kong suot. Ginaya niya rin ako sa pag-upo. Kumunot ang noo ko nang mapansi
Pagkatapos ng aming first period ay ibinalik ko na kay Rita ang gown na pinahiram niya sa akin."Salamat pala! Nilabhan ko na yan, pasensiya na rin at nasira ang zipper sa likod," eryoso kong saad at nauna nang lumabas.Hindi ko alam kung may ideya ba siyang nakita ko sila nang gabing iyon at kung ano ang kanyang iniisip pero ayoko talaga siyang kausapin sa ngayon at baka mabulyawan ko siya. Ayoko nang sumunod siya sa nangyari sa amin ni Tintin."Wala ka talagang gana kanina pa," puna ulit ni Andra sa akin.Sumapit ang lunch at nauna na rin ako sa kubong kinakainan namin. Wala pa sina Rita at Andra dahil bumili pa sila ng ulam samantalang ako ay nag-umpisa nang kumain. Sinadya kong bilisan ang pagkain dahil ayoko na silang sabayan pa at para mauna na ako sa room namin mamaya. Buti na lang at may baon akong hotdog.M
"Heyy.. gising"Nakaramdam ako nang pagyugyog sa aking braso akala ko ay nananaginip ako ngunit nang imulat ko ang mga mata ko ay nakatunghay si Knee Yoz sa akin."Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Umayos ako nang upo at umiwas ng tingin."Anong oras na?"Tumingin ako sa paligid at mababa na rin ang araw. Nakatulog na ako sa paghihintay sa kanya."Mag-aalas cuatro na," sagot niya at umupo sa aking tabi. "Birthday ng kapatid mo bakit ka nandito sa bundok?"Kailangan ko bang sagutin ang tanong niya? Umalis ako roon dahil naiinggit ako
Paano ba ako makatakas sa reyalidad? Paano ako tatawid sa kabilang buhay? Ilang paghihirap at pasakit ba ang mararamdaman ko bago ako pagbigyan ng panginoon? Ano bang misyon ko sa buhay?Unang sumalubong sa akin ang puting paligid. Akala ko sa wakas ay narating ko na ang inaasam kong kamatayan ngunit hindi pa rin pala. Ito na naman ako at muling humihinga. Napakamalas ko talaga.Bahagya kong inangat ang aking katawan nang bumukas ang pintuan ngunit agad ding bumalik sa pagkakahiga nang maramdaman ang kirot sa aking tiyan."Gising ka na pala?" Napabuntong hininga ako nang pumasok si Knee Yoz.Siya na naman ang nagpigil sa aking magpakamatay?"Bakit mo pa ako din
"Ma'am, sir, I swear.. Wala akong scandal at never akong gagawa ng ganyan kalaswang bagay," paliwanag ko"Are you trying to fool us?" Inis akong napatayo sa tanong ni sir Baes."Sir may ebidensiya ba kayong ako talaga ang nasabing babae sa scandal na sinasabi niyo?" Hindi ko na napigilan at tumaas na ang aking boses sa inis. Bakit ang bilis nilang maniwala?Nag-aalangan pa siyang kinuha ang kanyang cellphone at may pinindot bago ito pinakita sa akin. "How can you explain this?"Nanghina ako nang makita ang aking mukha sa video. Tang*nang buhay! Wala na bang lugar ng pag-asa para sa akin sa mundong ito? Puro na lang kapalpakan at kahihiyan."Your parents already
Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid na pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan.Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao.Umupo kami sa may bandang sulok at naiwan kaming dalawa sa lamesa nang umalis ang kanyang kasama para mag-order ng pagkain. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa."Anong balak mo?" Ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong.Saan ako pupunta? Magigin
Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid at pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan. Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao. Umupo kami sa may bandang sulok. Tumingin tingin ako sa paligid at nakiramdam. Tumayo ang kasama ni Knee Yoz para umorder ng pagkain kaya’t naiwan kaming dalawa sa lamesa. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkailang ngayon lang pumasok sa isip ko ang nangyari. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa. Napabuntong-hininga ako, hindi na ako maaring umatras pa. Napakurap ako nang tumingin siya sa akin. "Anong balak mo?" ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong. Hindi talaga ako nag-isip bago ako nagdesisyon. Saan ako pupunta? Magiging pulubi ba ako kaga
Maliwanag na ang paligid pero himalang naroon pa rin silang dalawa sa aking pwesto. Tawang tawa ako kay Edward na nambobola ng mga namimili. Matalim ang tingin ni Denise sa kanya at hindi pa rin namamansin.“Ate ano sa inyo? Dito na kayo bumili murang mura lang. Bibigyan ko pa kayo ng discount.” Pangungumbinsi niya sa babaeng dumaan. Hindi siya pinansin nito at lumipat sa ibang pwesto kaya't napailing na lang siya “Ayaw niyo edi ‘wag. Hmp, chossy pa kayo ang gwapo ko na nga,” Nagpigil ako ng ngiti nang tumigil siya dahil sa matalim na tingin ni Denise.“Hoy ate ano ba naman yang paninda niyo bulok.” Nagulat ako sa babaeng nasa harapan namin at dala-dala ang kalahating kilo ng talong na kanyang binili. “Tingnan niyo oh, ano pang papakinabangan namin diyan puro uod?” Bahagya akong napaiwas nang padabog niyang nilapag sa aming harapan ang mga talong na pinaghihiwa. Nagkalat pa sa sahig ang ibang kamatis at sibuyas dahi
Pinanuod ko kung paano pinaghalo nina Roberto at Edward ang inumin. Nangibabaw pa rin ang ingay ng kanilang mga baso at hiyawan sa kabila ng malakas na tugtog. Umangat ang aking paningin nang lumapit si Roberto at inabutan ako ng alak sa baso. Tatanggapin ko na sana iyon nang mapansin ko si Knee Yoz na nakatingin sa akin. “Sige na, birthday naman ni boss.” Nararamdaman ko pa rin ang kanyang tingin pero inabot ko na ang baso. “Cheers!” Itinaas ni Roberto at Edward ang kanilang mga baso sa gitna. Sumunod ang ibang lalaki pati si Denise kaya’t gumaya na rin ako. Natahimik ang lahat at napatingin kay Knee Yoz, nakatingin lang siya sa akin kaya’t napakurap ako ng ilang beses. Kung hindi ko pa siya kinunutan ng noo at senyasan ay hindi pa niya itinaas ang kanyang baso. Muli ay nabuhay ang kanilang hiyawan. Hanggang sa aking paglunok ay nakatitig yata siya sa akin pero pilit akong umiiwas para hindi ko mahuli ang kanyang mga tingin. Nagpatuloy lang sila sa k
Kabanata 28Ang sabi nila kapag nasalo mo ang bulaklak na inihagis ng bride ay ikaw ang susunod na ikakasal. Noong una ay hindi ako naniwala ngunit pinaniwala ako ni Knee Yoz. Sariwa pa sa aking isipan ang nakaraan na para bang kahapon lamang iyon nangyari.Dahil sa pagkasunog ng dati kong tinitirhan ay hinayaan niya akong tumira sa kanyang bahay. Sa kabila ng mga kamalasan ko sa buhay ay naisip kong itinadhana yata siyang maging life savior ko.Abala ako nang araw na iyon sa paglilinis ng buong bahay nang dumating si Denise. Dalawang linggong hindi ko siya nakita pagkatapos ng kanyang kasal at naintindihan ko namang kailangan niya ng time kasama ang asawa.“Ehh..I miss you!” kahit pawis na pawis ay tumitiling niyakap niya ako.“I miss you too! Ang blooming mo.” Natatawang puna ko sa kanya at inakay siya paupo.“Eh, ganun talaga siguro kapag bagong kasal. Alam mo na – totoo pala talaga ang kasabihang
Simpleng kasal lang ang idinaos nina Denise at Knee Yoz dahil wala naman silang kamag-anak. Dalawa lang ang ninang at apat lang ang kanyang at groomsmen at bridesmaid kasama na kami ni Knee Yoz. Habang naglalakad ako sa gitna papunta sa dulo pakiramdam ko ay ako ang ikakasal kahit na hindi naman. Kung naging mabuti kaya ang tadhana sa akin may pagkakataon kayang makasama ko si Sander at ikasal kami ng ganito kahit simple lang? Kahit walang mga magulang at kaibigan?Naramdaman kong hinawakan ni Knee Yoz ang aking kamay na nakakapit sa kanyang braso kaya't nilingon ko siya.“Next time ikaw naman ang ikakasal.” Marahan pa siyang tumawa kaya't itinuon ko ang atensiyon sa harapan hanggang sa makarating kami sa dulo at naghiwalay na rin.Sunulyap ulit ako sa kanya nang makaupo ako at muli ring umiwas nang makitang nakangisi pa rin siya sa akin. Hindi ko itatangging si Sander pa rin talaga ang iniisip ko hanggang ngayon pero hindi ko rin maitatanggi naapekt
Tanghali na nang magising ako. Nararamdaman ko na ang singaw ng init sa aking katawan. Bigla akong nanibago nang mapagtantong wala na pala ako sa maliit na silid na aking inuupahan.Nagmadali kong sinuklay ang buhok gamit ang daliri at nagtanggal ng muta. Bahagya ko ring kinagat ang aking tuyot na labi. Sa halip na si Knee Yoz ang aking makita ay si Denise ang aking namataan sa kusina pagbukas ko ng pinto kaya't natigilan ako roon. Napalingon siya sa akin.“Oh, gising ka na?” puna niya habang abala sa kanyang ginagawa. “Nagpaluto si Knee Yoz. Dito na lang daw kami kakain ni Edward para sabay-sabay na tayong apat,” nakangiting saad pa niya.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinagdiskitahan ang gulay na kanyang niluluto. “Bakit hindi mo ako ginising?”“Hayaan daw kitang matulog sabi ni Knee Yoz.” Natigil ako sa ginagawa at napatingin sa kanya. “Pagod ka dahil sa nangyari kagabi kaya okay lang.”
Madaling araw nang magising ako dahil sa pagsikip ng aking hininga. Agad akong bumangon para sana uminom ng tubig ngunit agad akong napaubo dahil sa usok na bumungad sa akin.“Sunog!!!” Dali-dali akong tumayo nang marinig ang sigaw sa labas at binuksan ang bintana.“Tulong..may sunog!!” Nagkakagulo sa baba at nagsisigawan ang mga tao. Nakita ko ang iilan na nagtatakbuhan habang may kanya-kanyang buhat.Nanlaki ang mga mata ko nang makitang umaapoy na ang bahay na kaharap ng aking tinutuluyan at unti-unti nang tumatawid papunta dito sa palapag na inuupahan ko.Tumulo ang aking luha habang hinahabol ang hininga dahil sa makapal na usok na bumabalot sa paligid. Ito na 'yon di ba? Ito na 'yong kamatayang matagal ko nang inaasam-asam. Mapait akong ngumiti. Kaya siguro hindi natuloy-tuloy ang pagpapakamatay ko noon dahil ito pala ang kamatayang nakatadhana para sa akin.Napatingin ako nang marinig ang kalampag sa aking pintuan na
Walang nagawa si Denise nang hinila ako ni Knee Yoz palabas. Agad itong pumara ng taxi at nauna akong pinapasok.“Knee Yoz ano ba? Hindi mo ba nakikitang nag-eenjoy kami?” reklamo ni Denise sa kanya.“Enjoy? Magpakalasing? Ganun ba?”Sumilip ako mula rito sa loob at pinagmasdan ang reaksiyon ni Knee Yoz. Mahinahon siya ngunit alam kong galit siya. Pero hindi ko alam kung anong dahilan.Bago pa sumagot si Denise sa kanya ay hinila niya na rin ito papasok. Bahagya akong umusog para makaupo si Denise sa aking tabi.Pumasok na rin si Knee Yoz sa harapan. Bumaling ito sa likuran at tumingin kay Denise.“Hindi mo ba alam na talamak ngayon ang pagkawala ng mga babae? Hindi mo ba naisip na may nag-aalala sayo?”“Tss,” usal ni Denise. Ilang segundo pa itong nakatingin sa aking kaibigan bago bumaling sa akin. Nagulat pa ako sa kanyang ginawa ngunit hindi ako nagpahalata. Umayos na rin siya ng upo
Maliwanag na ang paligid pero himalang naroon pa rin silang dalawa sa aking pwesto. Tawang tawa ako kay Edward na nambobola ng mga namimili. Matalim ang tingin ni Denise sa kanya at hindi pa rin namamansin.“Ate ano sa inyo? Dito na kayo bumili murang mura lang. Bibigyan ko pa kayo ng discount.” Pangungumbinsi niya sa babaeng dumaan. Hindi siya pinansin nito at lumipat sa ibang pwesto kaya't napailing na lang siya “Ayaw niyo edi ‘wag. Hmp, chossy pa kayo ang gwapo ko na nga,” Nagpigil ako ng ngiti nang tumigil siya dahil sa matalim na tingin ni Denise.“Hoy ate ano ba naman yang paninda niyo bulok.” Nagulat ako sa babaeng nasa harapan namin at dala-dala ang kalahating kilo ng talong na kanyang binili. “Tingnan niyo oh, ano pang papakinabangan namin diyan puro uod?” Bahagya akong napaiwas nang padabog niyang nilapag sa aming harapan ang mga talong na pinaghihiwa. Nagkalat pa sa sahig ang ibang kamatis at sibuyas dahi
Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid at pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan. Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao. Umupo kami sa may bandang sulok. Tumingin tingin ako sa paligid at nakiramdam. Tumayo ang kasama ni Knee Yoz para umorder ng pagkain kaya’t naiwan kaming dalawa sa lamesa. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkailang ngayon lang pumasok sa isip ko ang nangyari. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa. Napabuntong-hininga ako, hindi na ako maaring umatras pa. Napakurap ako nang tumingin siya sa akin. "Anong balak mo?" ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong. Hindi talaga ako nag-isip bago ako nagdesisyon. Saan ako pupunta? Magiging pulubi ba ako kaga
Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid na pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan.Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao.Umupo kami sa may bandang sulok at naiwan kaming dalawa sa lamesa nang umalis ang kanyang kasama para mag-order ng pagkain. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa."Anong balak mo?" Ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong.Saan ako pupunta? Magigin