Share

Kabanata 13

Author: LaAiraMae
last update Huling Na-update: 2022-06-22 20:00:03

Halos hindi ko na makita ang aking daanan dahil sa mga luhang nag-uunahan. Hindi ko inalintana ang dilim ng paligid at ang malakas na pagbuhos ng ulan. Mas gugustuhin ko pang may bigla na lang hahablot sa akin at patayin ako kaysa bumalik pa sa lugar na iyon.

Pumalahaw ako nang iyak nang gumulong ako pababa. Naramdaman ko ang hapdi ng mga kahoy at mga maliliit na sangang nahagip ng aking paggulong. Sana ay may ahas na bigla na lang tutuklaw sa akin para hindi ko na masaksihan ang mapait na sinag ng araw.

Matatanggap ko pa siguro kung ipagtabuyan ako ni nanay kaysa tratuhin ako na parang hindi niya ako anak. Walang mahalaga sa kanya kundi ang paborito niyang anak na si Celestine at ako ang naging dahilan kung bakit nasira ang kanyang magandang mukha. Ako ang anak na naging bunga lamang ng kanilang pagnanasa sa isa't isa ngunit siyang nagdurusa. Malas ako sa kanilang buhay at walang naidulot na maganda. Mas mabuti nang mawala na ako sa mundong ito.

Balewala ang hapdi dulot ng mga galos sa aking katawan. Unti-unti akong gumapang papunta sa malaking puno. Medyo malayo na ito sa aming bahay pero alam kong sa baba ng puno na ito ay padausdos na pababa kaya siguradong magtatagumpay ako kapag tumalon ako galing sa itaas.

Hirap na hirap pa akong umakyat sa puno dahil medyo madulas dahil sa ulan. Wala akong maaninag sa baba dahil nga madilim. Lord, patawarin mo ako sa gagawin ko total wala naman na akong silbi sa mundong ito. Muling pumatak ang aking mga luha at tinodo na ang iyak. Wala namang makakarinig sa akin dahil hatinggabi na at malakas ang ulan.

"Hindi ko naman ginusto ang nangyari bakit ako ang sinisisi? Hindi na kaya ng konsensiya kong makisama sa inyo araw-araw Lord!" Sigaw ko sa gitna ng aking iyak.

Dahan-dahan akong tumayo at kumapit sa sanga, kinakabahan ako at baka anumang oras ay malaglag ako. Natigilan ako nang may namataang flashlight sa unahan. Nasa taas ang direksiyon nang ilaw at parang may hinahanap.

Lord ano na naman ba? Kung si nanay iyan pabalikin mo na siya. Ayokong pigilan na naman niya ako. Napapikit pa ako nang tumama na nga ang ilaw sa aking mukha.

"Hoy anong ginagawa mo diyan?" Tumingin ako sa baba ngunit hindi ko mamukhaan ang sumigaw dahil nakatutok sa akin ang ilaw ng flashlight na dala niya. "Para kang aswang bumaba ka nga diyan." Utos niya sa akin

Bigla akong nainis sa pangingialam niya sa akin "Bakit ba? Umalis ka nga dito hindi kita kailangan." Pagtataboy ko sa kanya. Ayoko nang magdrama dahil atat na atat na akong lisanin ang mundong ito.

"Bababa ka o aakyatin kita diyan?"

Bigla akong nataranta sa kanyang sinabi kaya't nang gumalaw ako para ibalanse ang katawan ay dumulas ang aking paa. Napakapit pa ako sa isang sanga ngunit hindi rin nagtagumpay dahil bulok yata iyon. Diretso ang pagbagsak ko sa lupa hawak ko pa ang sanga.

Napadaing ako sa sakit. Gusto ko lang naman magpakamatay Lord pero bakit pinapahirapan mo pa ako?

"Okay ka lang?" Agad na dumalo sa akin ang lalaking may dalang flashlight. Nakatutok sa aking mata ang kanyang flashlight kaya inis kong kinabig iyon palayo.

"Ikaw kaya ang malaglag galing sa taas tapos tatanungin din kita kung okay ka lang?" Tumawa lang siya sa pamimilosopo ko sa kanya.

Dahil sa kanyang pamilyar na halakhak ay tinitigan ko siya. Itinukod ko ang aking braso sa lupa at dumungaw sa kanya. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong. Bakit ba lagi kaming nagkikita sa gubat? May lahi yatang impakto ang lalaking ito.

"Anong ginagawa mo dito?" balik niyang tanong sa akin.

"Naliligo sa ulan, ikaw?" Nagmukha akong tanga sa sagot ko nang tumawa siya nang malakas. Bakit ba ang hilig hilig niya akong tawanan?

"Bakit may nalalaman ka pang paakyat-akyat sa puno kung maliligo ka lang?" Nakagat ko ang aking labi dahil sa inis sa kanya.

"Ano bang pakialam mo? Ang tanong ko ang sagutin mo." Muli siyang humalakhak

"Sakto pala naliligo rin ako sa ulan.. Tara"

Napadaing ako dahil sa paghila niya sa akin patayo. Parang hindi ako nalaglag sa puno kung makahila siya sa akin.

"Hoy ano ba?" reklamo ko ngunit wala siyang narinig.

Tuloy-tuloy lang kaming naglalakad sa kawalan at binagtas namin ang mas masukal na gubat. Hindi namin inalintana ang lamig at diretso lang sa pagtakbo. Hindi ko alam pero ng mga oras na iyon ay nakaramdam ako ng tuwa, pakiramdam ko malaya ako. Malaya ako sa lahat ng sakit at pait ng pagsubok. Kusa akong nagpahila sa kanya at ninamnam ang oras na iyon. Narating namin ang medyo patag na parte sa mataas na bahagi ng gubat. Walang masyadong puno na naroon at hindi rin masukal kagaya ng dinaanan namin kanina. Tumigil siya sa pagtakbo maging ako. Nakakahingal pero ang saya sa pakiramdam. Nakangiti akong tumingin sa kanya, maging siya ay nakangiti rin na para bang ang saya-saya naming magkasama.

Dinala niya ako sa may silong na gawa sa cogon at mga pinagpatong patong na dahon ng niyog na hindi pa natatanggal sa sanga. Sumukob kami roon at umupo sa basang sako na nasa lupa. Tahimik lang kami habang pinagmamasdan ang liwanag ng hawak niyang flashlight na nakatutok sa malayo.

"Ano palang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Lagi kaming nagkikita simula nang isayaw niya ako sa diskuhan pero hindi ko pa rin alam ang kanyang pangalan.

Hindi naman siguro masamang makipagkaibigan ako sa kanya. Isa pa, parang malakas ang karisma niya kay nanay.

"Gusto mo ba talagang malaman?" Nakangiting tanong niya pero wala sa akin ang kanyang tingin

"Wag na nga kung ayaw mo namang sabihin." namayani muli ang katahimikan sa amin. Saka lang ako bumaling sa kanya ng maramdaman ko ang kanyang tingin.

"Knee Yoz," usal niya. Seryoso siyang nakatitig sa akin.

"Ha?" Hindi yata lumabas sa aking lalamunan ang aking tinig dahil sa kanyang tingin. Blangko ang aking pag-iisip bago ko nakuha ang kanyang sinabi. Ngayon ko lang napagtantong...hindi talaga siya gwapo.

Nagmamadali akong humakbang pababa ng bundok. Kagabi lang ay binalak kong kitilin muli ang aking buhay ngunit kagaya ng nauna ay hindi rin natuloy ang aking balak at ngayon ay kinakabahan na naman akong uuwi. Ayoko nang ganitong pakiramdam na nabubuhay ako sa takot.

"Hoy sandali lang!" Naririnig ko siyang nagrereklamo ngunit hindi ko siya pinansin. Pababa na kami ng bundok at nakasunod lang siya sa akin.

Hindi ko namalayang nakatulog na kami sa gitna nang malakas na ulan at nagising na lang kami kaninang yakap ang isa't isa.

"Ba't ka ba nagmamadali?" tanong niya mula sa aking likuran.

"Papatayin ako ni nanay," sagot ko at hindi siya nilingon. Kasalanan niya ito kung sana hindi niya ako inistorbo kagabi ay payapa na sana ang aking kaluluwang naglalakbay sa kabilang buhay.

"Sana pala ay hinayaan na lang kitang tumalon kagabi." Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya nang masama.

"Sana kagabi mo pa yan naisip," asik ko sa kanya at tumuloy na sa paglalakad natigil lamang nang mapansin ko si Sander na nakaupo sa may batuhan sa unahan.

Huli na bago ako umatras dahil agad siyang tumayo pagkakita sa akin at lumapit. Nangangalit ang kanyang mga matang lumagpas sa aking likuran. Bigla akong kinabahan nang lumipat ang tingin niya sa akin.

"Anong ibig sabihin nito?" May pagtitimpi niyang tanong.

Umiling ako sa kanya, hindi alam ang isasagot.

"Sagutin mo ako!" Hinawakan niya ako sa braso ngunit agad akong hinila ni Knee Yoz palayo sa kanya.

"Ano bang problema mo?" Napasigaw ako nang dumapo ang kanyang kamao sa aking kasama. Agad ko siyang hinabol at niyakap sa beywang dahil balak niya pang muling sugurin si Knee Yoz. "Bitiwan mo ako. Mainit ang dugo ko sa lalaking 'to," Hindi ako nakinig sa kanya sa halip ay mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanyang beywang.

"Kumalma ka please!" Halos nagmamakaawa kong turan sa kanya. Nakita kong dumugo ang labi ng lalaki na natamaan ng kamao ni Sander. Mahinahon lang siyang nakatingin sa aming dalawa ni Sander na nag-aagawan para makaalis siya sa aking yakap.

"Bitiwan mo nga ako para makita ng lalaking 'to ang hinahanap niya." Pilit niya pa ring tinatanggal ang aking braso sa kanyang beywang.

"Tama na nga!" Nilingon niya ako mula sa likuran. Agad ko siyang binitawan nang maramdaman kong huminahon siya.

"Knee Yoz alis na," utos ko rito. Kung hindi ko pa inulit ang aking sinabi ay hindi pa niya ako sinunod.

"Knee Yoz?" Mapaklang tumawa si Sander at bumaling sa akin habang nakaturo sa direksiyon ng lalaki. "Kaya pala hiniwalayan mo ako kasi may nahanap ka ng iba?" akusa niya.

"Hindi!" desperada kong sambit. Wala siyang alam sa nangyari at ayokong ipaalam pa sa kanya "Break na tayo. Pabayaan mo na ako,"

"Alam kong break na tayo, pero ganun na lang ba kadali sayo ang maghanap ng iba?" Tumango-tango pa ito at ngumiti ng nakakaloko. "O, baka nung fiesta pa lang ay may relasyon na kayo?" Nagpanting ang aking taainga sa kanyang sinabi. "Ano? Aminin mo nang ang lalaking 'yon ang dahilan kung bakit mo ako iniwa--" Hindi ko na napigilan ang aking sarili at lumapat ang aking palad sa kanyang pisngi.

"Wala kang alam, kaya wag mo akong husgahan." Singhal ko sa kanya. Uminit ang sulok ng aking mata. Maiintindihan ba niya kung sasabihin kung iniligtas ako ng lalaking 'yon mula sa tangkang pagpapakamatay?

"Pa'no ko malalaman kung hindi mo ipapaliwanag sa akin?" Napatda ako dahil sa pagsinghal niya pabalik sa akin. Tinapatan niya ang aking galit at ito ang unang beses na sininghalan niya ako.

"Mahal na mahal kita Cha! Sabihin mo lang sa akin ang totoo, ano man 'yan maiintindihan ko. Patatawarin kita at muli't muli kitang tatanggapin." Nahuli ko ang pagtulo ng kanyang luha bago ako niyakap sa beywang. "Hindi ko kayang iiwanan mo ako ng hindi ko alam ang dahilan. Kaya kitang ipaglaban sa mga magulang mo. Kaya kitang buhayin, maghahanap ako ng trabaho 'wag mo lang akong iwan." Sa gitna ng kanyang pagsasalita ay ramdam ko ang kanyang mga hikbi.

Tumingala ako at pinigil ang luhang nakaamba ngunit hindi ako nagtagumpay na pigilin iyon at sunod sunod na ngang pumatak. Bakit napakapait ng buhay? Bakit kailangan ko siyang isuko para lamang bumalik ang tiwala ni nanay at tatay sa akin? Mali ba ang naging desisyon ko na iwan siya?

Inalis ko siya sa aking beywang at iniharap sa akin. Hilam sa luha ang kanyang mga pisngi kaya't mas lalo akong naiyak. Hinampas ko siya nang marahan sa balikat.

"Ano ba? Huwag ka ngang umiyak para kang bakla." Pinilit kong pasiglahin ang aking boses sa gitna ng pag-iyak.

"Bakit ka nakangiti?" Pinahid niya ang luha sa aking pisngi.

"I love you!" Natigil siya sa ginagawa dahil sa aking sinabi. Kunot ang noo niyang hinuli ang aking tingin.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan niyang tanong.

"Ngayon narealize kong mali pala ang desisyon kong iwanan ka." sagot ko.

Kung hindi magbabago ang pagtrato ni nanay sa akin gagawin ko kung ano ang makakapagpasaya sa akin.

"Babalik ka na sa'kin?" Gusto niyang ngumiti pero hindi siya sigurado. Tumango lang ako sa kanya at lumitaw ang kanyang ngisi. Hinayaan ko lang siya nang muli niya akong niyakap nang mahigpit. Naiiyak ako sa nag-uumapaw na saya dahil sa aking nakikitang saya sa kanya. Bukod kay Leila at sa mga kaibigan ko ay siya lang ang tanging karamay at sandalan ko na hindi nanghuhusga sa kung anumang mga pagkakamali ko.

Kaugnay na kabanata

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 14

    Pagkatapos naming mag-usap ay nagpalipas muna kami ng oras habang nakaupo sa may malaking bato. Wala na akong pakialam ngayon kay nanay kung makita man nila akong kasama ko si Sander. "Bakit kasama mo ang lalaking 'yon?" Natigilan ako sa tanong niya. "Nagkasalubong lang kami," maikli kong tugon. Hindi ko gustong magsinungaling sa kanya pero kailangan. Isa pa ayokong malaman niya na binalak kong magpakamatay. Tumahimik na siya kaya't tumayo na ako. "Hali ka." Hinila ko siya patayo. Isiniksik ko ang maliit kong daliri sa kanyang mga daliri saka ito itinaas sa ere. Nakakatuwang isipin na saktong sakto ang mga daliri ko sa kanya na para bang sa kanya lang maaring humawak sa aking kamay.

    Huling Na-update : 2022-06-23
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 15

    Ilang sandali lang ay nagawan din ng paraan na maayos ang zipper ng aking suot sa likuran. Nakangiti akong humarap sa bakla matapos niyang maayos ang aking likuran. Ngumiti lang din siya sa akin at hinaplos ang dulo ng aking buhok papunta sa harapan ko.Lumapit din si Sander sa akin at pinaikot ako patalikod sa kanya. "Ayos na na." Akala ko ay tiningnan niya lang kung ayos na ba ang ginawa ng bakla sa akin pero natigilan ako nang maramdaman ang isang malamig na bagay sa aking leeg.Tulala ako nang muli niya akong iharap sa kanya "Tandaan mo ikaw lang ang pinakamaganda sa aking paningin kahit ano pa man ang isuot mo."Uminit ang aking pisngi lalo na nang dumampi ang kanyang labi sa aking noo.Gusto kong maiy

    Huling Na-update : 2022-06-24
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 16

    Akala ko ng gabing 'yon ay magiging payapa akong nakatanaw sa ulap. Hiniling ko ng araw na iyon na bigyan ako kahit saglit lang na panahaon para makapag-isip at iiyak lahat ng sakit."Balak mo bang matulog dito sa gitna ng daan?" Agad akong napatayo nang may magsalita.Agad na bumungad sa akin si Knee Yoz at katulad ng dati ay may dala siyang flashlight at nakatutok sa aking mukha. Nasilaw ako dahil sa liwanag kaya't naudlot ang aking pag-iyak."Ilayo mo nga yang flashlight mo." Iritadong utos ko sa kanya na agad niya rin namang sinunod.Umupo ako sa lupa at inunat ang aking dalawang binti, walang pakialam kung madumihan man ang puti kong suot. Ginaya niya rin ako sa pag-upo. Kumunot ang noo ko nang mapansi

    Huling Na-update : 2022-06-25
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 17

    Pagkatapos ng aming first period ay ibinalik ko na kay Rita ang gown na pinahiram niya sa akin."Salamat pala! Nilabhan ko na yan, pasensiya na rin at nasira ang zipper sa likod," eryoso kong saad at nauna nang lumabas.Hindi ko alam kung may ideya ba siyang nakita ko sila nang gabing iyon at kung ano ang kanyang iniisip pero ayoko talaga siyang kausapin sa ngayon at baka mabulyawan ko siya. Ayoko nang sumunod siya sa nangyari sa amin ni Tintin."Wala ka talagang gana kanina pa," puna ulit ni Andra sa akin.Sumapit ang lunch at nauna na rin ako sa kubong kinakainan namin. Wala pa sina Rita at Andra dahil bumili pa sila ng ulam samantalang ako ay nag-umpisa nang kumain. Sinadya kong bilisan ang pagkain dahil ayoko na silang sabayan pa at para mauna na ako sa room namin mamaya. Buti na lang at may baon akong hotdog.M

    Huling Na-update : 2022-06-26
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 18

    "Heyy.. gising"Nakaramdam ako nang pagyugyog sa aking braso akala ko ay nananaginip ako ngunit nang imulat ko ang mga mata ko ay nakatunghay si Knee Yoz sa akin."Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Umayos ako nang upo at umiwas ng tingin."Anong oras na?"Tumingin ako sa paligid at mababa na rin ang araw. Nakatulog na ako sa paghihintay sa kanya."Mag-aalas cuatro na," sagot niya at umupo sa aking tabi. "Birthday ng kapatid mo bakit ka nandito sa bundok?"Kailangan ko bang sagutin ang tanong niya? Umalis ako roon dahil naiinggit ako

    Huling Na-update : 2022-06-27
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 19

    Paano ba ako makatakas sa reyalidad? Paano ako tatawid sa kabilang buhay? Ilang paghihirap at pasakit ba ang mararamdaman ko bago ako pagbigyan ng panginoon? Ano bang misyon ko sa buhay?Unang sumalubong sa akin ang puting paligid. Akala ko sa wakas ay narating ko na ang inaasam kong kamatayan ngunit hindi pa rin pala. Ito na naman ako at muling humihinga. Napakamalas ko talaga.Bahagya kong inangat ang aking katawan nang bumukas ang pintuan ngunit agad ding bumalik sa pagkakahiga nang maramdaman ang kirot sa aking tiyan."Gising ka na pala?" Napabuntong hininga ako nang pumasok si Knee Yoz.Siya na naman ang nagpigil sa aking magpakamatay?"Bakit mo pa ako din

    Huling Na-update : 2022-06-28
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 20

    "Ma'am, sir, I swear.. Wala akong scandal at never akong gagawa ng ganyan kalaswang bagay," paliwanag ko"Are you trying to fool us?" Inis akong napatayo sa tanong ni sir Baes."Sir may ebidensiya ba kayong ako talaga ang nasabing babae sa scandal na sinasabi niyo?" Hindi ko na napigilan at tumaas na ang aking boses sa inis. Bakit ang bilis nilang maniwala?Nag-aalangan pa siyang kinuha ang kanyang cellphone at may pinindot bago ito pinakita sa akin. "How can you explain this?"Nanghina ako nang makita ang aking mukha sa video. Tang*nang buhay! Wala na bang lugar ng pag-asa para sa akin sa mundong ito? Puro na lang kapalpakan at kahihiyan."Your parents already

    Huling Na-update : 2022-06-29
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 21

    Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid na pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan.Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao.Umupo kami sa may bandang sulok at naiwan kaming dalawa sa lamesa nang umalis ang kanyang kasama para mag-order ng pagkain. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa."Anong balak mo?" Ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong.Saan ako pupunta? Magigin

    Huling Na-update : 2022-07-04

Pinakabagong kabanata

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 29

    Pinanuod ko kung paano pinaghalo nina Roberto at Edward ang inumin. Nangibabaw pa rin ang ingay ng kanilang mga baso at hiyawan sa kabila ng malakas na tugtog. Umangat ang aking paningin nang lumapit si Roberto at inabutan ako ng alak sa baso. Tatanggapin ko na sana iyon nang mapansin ko si Knee Yoz na nakatingin sa akin. “Sige na, birthday naman ni boss.” Nararamdaman ko pa rin ang kanyang tingin pero inabot ko na ang baso. “Cheers!” Itinaas ni Roberto at Edward ang kanilang mga baso sa gitna. Sumunod ang ibang lalaki pati si Denise kaya’t gumaya na rin ako. Natahimik ang lahat at napatingin kay Knee Yoz, nakatingin lang siya sa akin kaya’t napakurap ako ng ilang beses. Kung hindi ko pa siya kinunutan ng noo at senyasan ay hindi pa niya itinaas ang kanyang baso. Muli ay nabuhay ang kanilang hiyawan. Hanggang sa aking paglunok ay nakatitig yata siya sa akin pero pilit akong umiiwas para hindi ko mahuli ang kanyang mga tingin. Nagpatuloy lang sila sa k

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 28

    Kabanata 28Ang sabi nila kapag nasalo mo ang bulaklak na inihagis ng bride ay ikaw ang susunod na ikakasal. Noong una ay hindi ako naniwala ngunit pinaniwala ako ni Knee Yoz. Sariwa pa sa aking isipan ang nakaraan na para bang kahapon lamang iyon nangyari.Dahil sa pagkasunog ng dati kong tinitirhan ay hinayaan niya akong tumira sa kanyang bahay. Sa kabila ng mga kamalasan ko sa buhay ay naisip kong itinadhana yata siyang maging life savior ko.Abala ako nang araw na iyon sa paglilinis ng buong bahay nang dumating si Denise. Dalawang linggong hindi ko siya nakita pagkatapos ng kanyang kasal at naintindihan ko namang kailangan niya ng time kasama ang asawa.“Ehh..I miss you!” kahit pawis na pawis ay tumitiling niyakap niya ako.“I miss you too! Ang blooming mo.” Natatawang puna ko sa kanya at inakay siya paupo.“Eh, ganun talaga siguro kapag bagong kasal. Alam mo na – totoo pala talaga ang kasabihang

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 27

    Simpleng kasal lang ang idinaos nina Denise at Knee Yoz dahil wala naman silang kamag-anak. Dalawa lang ang ninang at apat lang ang kanyang at groomsmen at bridesmaid kasama na kami ni Knee Yoz. Habang naglalakad ako sa gitna papunta sa dulo pakiramdam ko ay ako ang ikakasal kahit na hindi naman. Kung naging mabuti kaya ang tadhana sa akin may pagkakataon kayang makasama ko si Sander at ikasal kami ng ganito kahit simple lang? Kahit walang mga magulang at kaibigan?Naramdaman kong hinawakan ni Knee Yoz ang aking kamay na nakakapit sa kanyang braso kaya't nilingon ko siya.“Next time ikaw naman ang ikakasal.” Marahan pa siyang tumawa kaya't itinuon ko ang atensiyon sa harapan hanggang sa makarating kami sa dulo at naghiwalay na rin.Sunulyap ulit ako sa kanya nang makaupo ako at muli ring umiwas nang makitang nakangisi pa rin siya sa akin. Hindi ko itatangging si Sander pa rin talaga ang iniisip ko hanggang ngayon pero hindi ko rin maitatanggi naapekt

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 26

    Tanghali na nang magising ako. Nararamdaman ko na ang singaw ng init sa aking katawan. Bigla akong nanibago nang mapagtantong wala na pala ako sa maliit na silid na aking inuupahan.Nagmadali kong sinuklay ang buhok gamit ang daliri at nagtanggal ng muta. Bahagya ko ring kinagat ang aking tuyot na labi. Sa halip na si Knee Yoz ang aking makita ay si Denise ang aking namataan sa kusina pagbukas ko ng pinto kaya't natigilan ako roon. Napalingon siya sa akin.“Oh, gising ka na?” puna niya habang abala sa kanyang ginagawa. “Nagpaluto si Knee Yoz. Dito na lang daw kami kakain ni Edward para sabay-sabay na tayong apat,” nakangiting saad pa niya.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinagdiskitahan ang gulay na kanyang niluluto. “Bakit hindi mo ako ginising?”“Hayaan daw kitang matulog sabi ni Knee Yoz.” Natigil ako sa ginagawa at napatingin sa kanya. “Pagod ka dahil sa nangyari kagabi kaya okay lang.”

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 25

    Madaling araw nang magising ako dahil sa pagsikip ng aking hininga. Agad akong bumangon para sana uminom ng tubig ngunit agad akong napaubo dahil sa usok na bumungad sa akin.“Sunog!!!” Dali-dali akong tumayo nang marinig ang sigaw sa labas at binuksan ang bintana.“Tulong..may sunog!!” Nagkakagulo sa baba at nagsisigawan ang mga tao. Nakita ko ang iilan na nagtatakbuhan habang may kanya-kanyang buhat.Nanlaki ang mga mata ko nang makitang umaapoy na ang bahay na kaharap ng aking tinutuluyan at unti-unti nang tumatawid papunta dito sa palapag na inuupahan ko.Tumulo ang aking luha habang hinahabol ang hininga dahil sa makapal na usok na bumabalot sa paligid. Ito na 'yon di ba? Ito na 'yong kamatayang matagal ko nang inaasam-asam. Mapait akong ngumiti. Kaya siguro hindi natuloy-tuloy ang pagpapakamatay ko noon dahil ito pala ang kamatayang nakatadhana para sa akin.Napatingin ako nang marinig ang kalampag sa aking pintuan na

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 24

    Walang nagawa si Denise nang hinila ako ni Knee Yoz palabas. Agad itong pumara ng taxi at nauna akong pinapasok.“Knee Yoz ano ba? Hindi mo ba nakikitang nag-eenjoy kami?” reklamo ni Denise sa kanya.“Enjoy? Magpakalasing? Ganun ba?”Sumilip ako mula rito sa loob at pinagmasdan ang reaksiyon ni Knee Yoz. Mahinahon siya ngunit alam kong galit siya. Pero hindi ko alam kung anong dahilan.Bago pa sumagot si Denise sa kanya ay hinila niya na rin ito papasok. Bahagya akong umusog para makaupo si Denise sa aking tabi.Pumasok na rin si Knee Yoz sa harapan. Bumaling ito sa likuran at tumingin kay Denise.“Hindi mo ba alam na talamak ngayon ang pagkawala ng mga babae? Hindi mo ba naisip na may nag-aalala sayo?”“Tss,” usal ni Denise. Ilang segundo pa itong nakatingin sa aking kaibigan bago bumaling sa akin. Nagulat pa ako sa kanyang ginawa ngunit hindi ako nagpahalata. Umayos na rin siya ng upo

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 23

    Maliwanag na ang paligid pero himalang naroon pa rin silang dalawa sa aking pwesto. Tawang tawa ako kay Edward na nambobola ng mga namimili. Matalim ang tingin ni Denise sa kanya at hindi pa rin namamansin.“Ate ano sa inyo? Dito na kayo bumili murang mura lang. Bibigyan ko pa kayo ng discount.” Pangungumbinsi niya sa babaeng dumaan. Hindi siya pinansin nito at lumipat sa ibang pwesto kaya't napailing na lang siya “Ayaw niyo edi ‘wag. Hmp, chossy pa kayo ang gwapo ko na nga,” Nagpigil ako ng ngiti nang tumigil siya dahil sa matalim na tingin ni Denise.“Hoy ate ano ba naman yang paninda niyo bulok.” Nagulat ako sa babaeng nasa harapan namin at dala-dala ang kalahating kilo ng talong na kanyang binili. “Tingnan niyo oh, ano pang papakinabangan namin diyan puro uod?” Bahagya akong napaiwas nang padabog niyang nilapag sa aming harapan ang mga talong na pinaghihiwa. Nagkalat pa sa sahig ang ibang kamatis at sibuyas dahi

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 22

    Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid at pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan. Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao. Umupo kami sa may bandang sulok. Tumingin tingin ako sa paligid at nakiramdam. Tumayo ang kasama ni Knee Yoz para umorder ng pagkain kaya’t naiwan kaming dalawa sa lamesa. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkailang ngayon lang pumasok sa isip ko ang nangyari. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa. Napabuntong-hininga ako, hindi na ako maaring umatras pa. Napakurap ako nang tumingin siya sa akin. "Anong balak mo?" ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong. Hindi talaga ako nag-isip bago ako nagdesisyon. Saan ako pupunta? Magiging pulubi ba ako kaga

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 21

    Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid na pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan.Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao.Umupo kami sa may bandang sulok at naiwan kaming dalawa sa lamesa nang umalis ang kanyang kasama para mag-order ng pagkain. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa."Anong balak mo?" Ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong.Saan ako pupunta? Magigin

DMCA.com Protection Status