Share

Kabanata 11

Author: LaAiraMae
last update Last Updated: 2022-06-20 20:00:11

Tulala akong naghahakot ng mga gamit namin papunta sa bahay namin. Mahigit isang buwan din kaming namalagi sa bahay ni tiya Marta. Mabuti na lang at naagapan na ni tatay na ayusin ang bahay namin kaya't ngayon ay babalik na ulit kami roon.

Habang naglalakad ay hindi ko napansin ang malaking bato na nakaharang sa aking daanan kaya't napatid ako at nabitawan ko ang dala-dala kong karton.

"Ang tanga mo talaga!" Napangiwi na lang ako sa paghila ni nanay sa aking buhok. Napatid na nga dinagdagan pa ang sakit.

Tiningnan ko ang kuko kung natamaan buti na lamang at hindi natanggal. Kung hindi dahil sa lalaking iyon kahapon ay hindi sana ako ganitong tulala.

Hindi ko alam kung anong nakain ng nanay ko at pinapasok pa nga niya sa bahay ang lalaki at doon pinakain at dahil nga likas nang makapal ang pagmumukha ay hindi ito tumanggi.

"So pa'no yan kilala na ako ng pamilya mo?" Nakangiting saad nito nang ihatid ko siya palabas.

"Ganyan ka ba talaga ka presko? Hindi ka man lang nahiyang tumanggi?" Inis kong ani sa kanya pero tumawa lang siya.

May tililing yata 'to sa utak. Naiinis na nga ako pero tumatawa pa rin siya. Kapag ako talaga napagalitan ni nanay mamaya hahanapin kita at malalagot ka rin sa akin.

"Bakit ako mahihiya? Nanay mo ang kusang nag-imbita sa akin,"

Aaminin kong kinakabahan ako nang makaalis niya kahapon pero ipinagtaka ko na walang reaksiyon si nanay.

Bilisan mo na!" Singhal ni nanay sa akin kaya't nagmadali na akong ibalik ang mga gamit sa karton. Hindi ko na ito inayos nang mabuti at basta na lang sinalampak sa loob.

Isang panyo ang umagaw sa atensiyon ko. Kinuha ko iyon at tinitigan. Pamilyar ito sa akin pero hindi ko maalala kung saan ko ito nakita. Tinitigan ko ang naka-embroide na pangalan.

Sky?

Nagulat ako sa biglaang pag-agaw ni nanay sa akin ng panyo.

"Pakialmera ka talaga." Hinablot niya iyon sa akin saka tumalikod.

Tahimik lang akong sumunod kay nanay. Alam kong galit siya sa akin pero hindi naman yata normal na magalit siya dahil lang hinawakan ko ang panyo niya. Kahapon ay hindi siya galit sa akin pero ngayon galit na naman. Hindi ko na talaga maintindihan minsan ang trato ni nanay sa akin. Panay ang tingin ko sa kanya habang nagliligpit kami sa bahay.

Sino ba si Sky? Sa halip na tanungin siya ay tumahimik na lang ako. Baka lalo pa siyang magalit sa akin kapag nagsalita na naman ako.

Hindi na ako nakapasok dahil nga marami kaming trabaho at practice lang naman para sa prom ang ganap.

Abala ako sa pagliligpit ng gamit namin nang marinig kong may tumawag sa akin.

Napasilip ako sa labas nang maulinigan ko ang boses ng dalawa kong kaibigan. Pawisan akong lumabas at nakita si Rita at Andra na papasok sa aming bakuran.

"Hoy, anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.

"Nakakapagod magpractice," anas ni Andra. Umupo siya sa may kalakihang bato at hindi inalintana kung madumihan ang suot na pantalon.

Napapagod din pala siyang sumayaw-sayaw. Akala ko ba ay gusto niya ang pagsayaw kaya nga siya nagpresentang sumali sa cotillion.

"Mabuti at lumipat na kayo rito sa bahay niyo," puna ni Rita.

"Oo. Mahirap din kasing sama-sama kami dun sa bahay nila tiya Marta," sagot ko. Umupo na rin ako sa may bato at ginaya ang ginawa nilang pagsipat sa maliit naming bahay.

"Kumain na kayo?" tanong ko.

"Tapos na," maikling sagot ni Rita.

Buti naman at wala kaming ulam. Kakasaing ko lang din kaya wala pang kanin.

"Si Tine saan?" Pabulong na tanong ni Andra

"Sa bahay ni tiya Marta. Doon daw muna siya," sagot ko.

Alam ko namang gusto niya lang umiwas sa akin kaya nagpaiwan siya roon. Apat na nga lang kaming magkapatid ang natitira dito tapos hindi pa siya uuwi.

"Si Leila hindi pa talaga nakakuwi?"

Natigilan ako sa tanong ni Andra. Tila kinalimutan na yata siya ni nanay at tatay na kahit pangalan niya ay hindi nila nababanggit. Hindi rin nila sinubukang magtanong tanong at lumapit sa baranggay. Galit man ako sa kanya pero nag-aalala pa rin ako. Sana nga lang ay tama ako kung nagpapalipas lang talaga siya ng galit ni nanay at hindi taliwas sa isa ko pang naiisip.

"Wala talaga kaming balita." Nalulungkot akong umiling.

"Ba't hindi niyo subukang magpa-blotter?"

Bago pa ako makasagot sa tanong ni Andra ay pumasok si nanay bitbit ang ibang gamit galing sa bahay ni tiya Marta. Agad na dumako ang paningin niya kay Rita.

"Magandang tanghali nay!"

Walang nakuhang sagot si Andra mula kay nanay dahil nanatili ang kanyang tingin kay Rita. Hindi rin nagbigay ng paggalang si Rita sa aking nanay. Nagmamadali akong lumapit kay nanay at kinuha ang iba niyang dala.

Pagpasok namin sa loob ay hinila niya ako at kinurot sa tagiliran. Impit akong napahiyaw sa sakit.

"Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na 'wag na 'wag kang sasama sa mga 'yan."

Bigla akong naasar sa inasal ni nanay. Simula pa mang hindi pa nangyayari ang aksidente ay lagi niya akong pinapagalitan sa tuwing kasama ko sila Andra. Lumayo ako ng bahagya sa kanya at tumalikod. Nagkunwari akong may inaayos para itago ang aking luha. Hindi lang nila ako pinagkaitan ng magandang buhay pati kaibigan ko ay ipagkakait nila sa akin, ano bang masama na maging kaibigan sila Andra at Rita?

Masama ang loob kong iniwan siya at lumapit sa kinaroonan ng dalawa.

"Tara na," yaya ko sa kanila nang makalabas ako. Nagtataka pa silang nagtinginan pero nagmamadali na akong lumabas at agad din naman silang sumunod.

"San tayo pupunta?" habol ni Andra sa akin.

"Sa school." Napatingin si Andra sa aking kabuuan. Alam kong wala pa akong ligo pero gusto kong umalis muna dito sa bahay at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko baka masagot ko lang si nanay.

Bobo ako sa eskwela pero hindi ako lumaking bastos kahit pa minsan ay napupuno na ako. Napatingin ako sa likuran ni Andra dahil wala roon si Rita. Saktong palabas siya sa pintuan pagbaling ni Andra.

"Nagpaalam lang ako sa nanay mo kung pwede kitang maisama sa bahay," paliwanag niya kahit wala pa naman akong tanong. Nagtaka man kung pinayagan siya ni nanay o hindi pero nagustuhan ko ang kanyang naisip.

Hindi na kami dumaan sa paaralan at dumiretso na sa bahay ni Rita. Gawa rin sa kahoy ang kanilang bahay pero mas maganda ito at mas malaki kumpara sa bahay naming mas malaki lang ng kaunti sa kubo. Agad kong naramdaman ang lamig ng sementong sahig nang hubarin ko ang aking tsinelas.

Bigla akong nanliit sa aking sarili, para akong basura na naligaw sa malaking bahay nina Rita. Mabuti pa siya at mayaman ang kanyang tatay iyon nga lang hiwalay din ang kanyang mga magulang. Kung sana ay isa lang sa aking magulang ang mayaman hindi ako makakaramdam ng ganitong inggit.

"Magandang hapon po!" Halos magkasabay naming bati ni Andra sa mama ni Rita. Nakaupo ito sa sofa at may kausap sa kanyang cellphone.

Dumako ang tingin ng mama ni Rita sa akin bago nilipat sa kanyang anak. "Sa kwarto lang kami ma" sambit ni Rita.

Nahihiya akong nagpaalam sa kanyang mama at sumunod na sa dalawa. Matagal na kaming magkaibigan ni Rita pero ngayon lang ako makakapasok sa kanyang kwarto. Minsan lang din ako makapunta rito at hanggang sala lang.

Agad na bumungad sa amin ang kwarto niyang pink na pink. Hindi naman masyadong halatang kulay Pink ang kanyang paboritong kulay.

"Teka, kukuha lang ako ng pagkain sa baba." Binuksan muna niya ang tv bago lumabas sa kwarto.

Umupo na si Andra sa kama samantalang ako ay nanatiling nakatayo. Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kanyang kwarto. Malaki ang kanyang kwarto at may sarili siyang tv samantalang kami ay walang tv at magkakasama pa sa iisang higaan. Sa aking pagmamasid ay umagaw sa aking atensiyon ang isang litrato na nasa ibabaw ng kanyang side table. Kukunin ko na sana ito pero nagulat ako nang agad itong inagaw ni Rita sa akin.

"Sorry! Hindi pa pala ni mommy  tinapon 'to." Patay malisya niyang nilagay iyon sa cabinet at tumalikod sa akin.

Tahimik ko siyang sinundan ng tingin habang nilalapag niya ang pagkain sa mesa. Ex niya na si Sander pero bakit tinatago pa niya ang picture nito? Imposible namang hindi niya alam na nandiyan pa 'yan sa kanyang side table.

"Okay, don't get me wrong ah.. You know were ex but were civil and were friends naman. I hope maintindihan mo." Paliwanag niya na para bang nababasa niya kung ano ang iniisip ko. Tumango lang ako sa kanya at hindi na nag-usisa pa. Ayoko nang bigyan ng malisya ang tungkol sa picture nila. Wala na dapat akong pakialam dahil break na nga kaming dalawa pero bakit naroon ang pagdududa sa akin?

"Okay lang, break naman na kami." Pinilit kong ngumiti kahit may sakit na hatid iyon sa akin.

Umalis ako sa bahay para makalimutan ang sama ng loob kaya ayoko munang mag-isip nang problema tungkol kay Sander.

"Ang seryoso niyo naman." Puna ni Andra habang ngumunguya ng nachos na dala ni Rita "Hmm.. ang sarap nito,"

Tahimik akong umupo sa kama. Hinayaan ko lang silang pag-usapan ang nachos at itinutok ko ang atensiyon ko sa palabas.

Kahit anong pagtakas ko sa sitwasyon ay pilit pa rin akong hinahabol ng mga problema.

Related chapters

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 12

    Nang dumating ang gabi ay bumaba kami para kumain. Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang tingin ng nanay ni Rita sa akin kaya't naiilang ako. "Mommy, okay lang bang papahiramin ko si Charlotte ng gown? Para po sana may maisuot siya sa prom." Nabitin sa ere ang aking pagsubo at napatingin kay Rita. Wala sa usapan namin ang ganito. "Meron ka pala e, hindi mo naman sinasabi," sabat ni Andra. "Pahiramin ko na lang siya. Kawawa naman kasi si Charlotte," Napayuko ako at uminit ang sulok ng aking mata. Hindi ko alam kung emosyonal lang ba talaga ako ngayon at napaka sensitive ko ngayong araw pero naiinsulto ako sa sinabi ni Rita. Gusto kong isipin na epekto lang ito ng mga nangyayari sa akin pero nitong mga nakaraang araw ay may napansin akong kakaiba kay Rita. "Balita ko

    Last Updated : 2022-06-21
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 13

    Halos hindi ko na makita ang aking daanan dahil sa mga luhang nag-uunahan. Hindi ko inalintana ang dilim ng paligid at ang malakas na pagbuhos ng ulan. Mas gugustuhin ko pang may bigla na lang hahablot sa akin at patayin ako kaysa bumalik pa sa lugar na iyon.Pumalahaw ako nang iyak nang gumulong ako pababa. Naramdaman ko ang hapdi ng mga kahoy at mga maliliit na sangang nahagip ng aking paggulong. Sana ay may ahas na bigla na lang tutuklaw sa akin para hindi ko na masaksihan ang mapait na sinag ng araw.Matatanggap ko pa siguro kung ipagtabuyan ako ni nanay kaysa tratuhin ako na parang hindi niya ako anak. Walang mahalaga sa kanya kundi ang paborito niyang anak na si Celestine at ako ang naging dahilan kung bakit nasira ang kanyang magandang mukha. Ako ang anak na naging bunga lamang ng kanilang pagnanasa sa isa't isa ngunit

    Last Updated : 2022-06-22
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 14

    Pagkatapos naming mag-usap ay nagpalipas muna kami ng oras habang nakaupo sa may malaking bato. Wala na akong pakialam ngayon kay nanay kung makita man nila akong kasama ko si Sander. "Bakit kasama mo ang lalaking 'yon?" Natigilan ako sa tanong niya. "Nagkasalubong lang kami," maikli kong tugon. Hindi ko gustong magsinungaling sa kanya pero kailangan. Isa pa ayokong malaman niya na binalak kong magpakamatay. Tumahimik na siya kaya't tumayo na ako. "Hali ka." Hinila ko siya patayo. Isiniksik ko ang maliit kong daliri sa kanyang mga daliri saka ito itinaas sa ere. Nakakatuwang isipin na saktong sakto ang mga daliri ko sa kanya na para bang sa kanya lang maaring humawak sa aking kamay.

    Last Updated : 2022-06-23
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 15

    Ilang sandali lang ay nagawan din ng paraan na maayos ang zipper ng aking suot sa likuran. Nakangiti akong humarap sa bakla matapos niyang maayos ang aking likuran. Ngumiti lang din siya sa akin at hinaplos ang dulo ng aking buhok papunta sa harapan ko.Lumapit din si Sander sa akin at pinaikot ako patalikod sa kanya. "Ayos na na." Akala ko ay tiningnan niya lang kung ayos na ba ang ginawa ng bakla sa akin pero natigilan ako nang maramdaman ang isang malamig na bagay sa aking leeg.Tulala ako nang muli niya akong iharap sa kanya "Tandaan mo ikaw lang ang pinakamaganda sa aking paningin kahit ano pa man ang isuot mo."Uminit ang aking pisngi lalo na nang dumampi ang kanyang labi sa aking noo.Gusto kong maiy

    Last Updated : 2022-06-24
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 16

    Akala ko ng gabing 'yon ay magiging payapa akong nakatanaw sa ulap. Hiniling ko ng araw na iyon na bigyan ako kahit saglit lang na panahaon para makapag-isip at iiyak lahat ng sakit."Balak mo bang matulog dito sa gitna ng daan?" Agad akong napatayo nang may magsalita.Agad na bumungad sa akin si Knee Yoz at katulad ng dati ay may dala siyang flashlight at nakatutok sa aking mukha. Nasilaw ako dahil sa liwanag kaya't naudlot ang aking pag-iyak."Ilayo mo nga yang flashlight mo." Iritadong utos ko sa kanya na agad niya rin namang sinunod.Umupo ako sa lupa at inunat ang aking dalawang binti, walang pakialam kung madumihan man ang puti kong suot. Ginaya niya rin ako sa pag-upo. Kumunot ang noo ko nang mapansi

    Last Updated : 2022-06-25
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 17

    Pagkatapos ng aming first period ay ibinalik ko na kay Rita ang gown na pinahiram niya sa akin."Salamat pala! Nilabhan ko na yan, pasensiya na rin at nasira ang zipper sa likod," eryoso kong saad at nauna nang lumabas.Hindi ko alam kung may ideya ba siyang nakita ko sila nang gabing iyon at kung ano ang kanyang iniisip pero ayoko talaga siyang kausapin sa ngayon at baka mabulyawan ko siya. Ayoko nang sumunod siya sa nangyari sa amin ni Tintin."Wala ka talagang gana kanina pa," puna ulit ni Andra sa akin.Sumapit ang lunch at nauna na rin ako sa kubong kinakainan namin. Wala pa sina Rita at Andra dahil bumili pa sila ng ulam samantalang ako ay nag-umpisa nang kumain. Sinadya kong bilisan ang pagkain dahil ayoko na silang sabayan pa at para mauna na ako sa room namin mamaya. Buti na lang at may baon akong hotdog.M

    Last Updated : 2022-06-26
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 18

    "Heyy.. gising"Nakaramdam ako nang pagyugyog sa aking braso akala ko ay nananaginip ako ngunit nang imulat ko ang mga mata ko ay nakatunghay si Knee Yoz sa akin."Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Umayos ako nang upo at umiwas ng tingin."Anong oras na?"Tumingin ako sa paligid at mababa na rin ang araw. Nakatulog na ako sa paghihintay sa kanya."Mag-aalas cuatro na," sagot niya at umupo sa aking tabi. "Birthday ng kapatid mo bakit ka nandito sa bundok?"Kailangan ko bang sagutin ang tanong niya? Umalis ako roon dahil naiinggit ako

    Last Updated : 2022-06-27
  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 19

    Paano ba ako makatakas sa reyalidad? Paano ako tatawid sa kabilang buhay? Ilang paghihirap at pasakit ba ang mararamdaman ko bago ako pagbigyan ng panginoon? Ano bang misyon ko sa buhay?Unang sumalubong sa akin ang puting paligid. Akala ko sa wakas ay narating ko na ang inaasam kong kamatayan ngunit hindi pa rin pala. Ito na naman ako at muling humihinga. Napakamalas ko talaga.Bahagya kong inangat ang aking katawan nang bumukas ang pintuan ngunit agad ding bumalik sa pagkakahiga nang maramdaman ang kirot sa aking tiyan."Gising ka na pala?" Napabuntong hininga ako nang pumasok si Knee Yoz.Siya na naman ang nagpigil sa aking magpakamatay?"Bakit mo pa ako din

    Last Updated : 2022-06-28

Latest chapter

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 29

    Pinanuod ko kung paano pinaghalo nina Roberto at Edward ang inumin. Nangibabaw pa rin ang ingay ng kanilang mga baso at hiyawan sa kabila ng malakas na tugtog. Umangat ang aking paningin nang lumapit si Roberto at inabutan ako ng alak sa baso. Tatanggapin ko na sana iyon nang mapansin ko si Knee Yoz na nakatingin sa akin. “Sige na, birthday naman ni boss.” Nararamdaman ko pa rin ang kanyang tingin pero inabot ko na ang baso. “Cheers!” Itinaas ni Roberto at Edward ang kanilang mga baso sa gitna. Sumunod ang ibang lalaki pati si Denise kaya’t gumaya na rin ako. Natahimik ang lahat at napatingin kay Knee Yoz, nakatingin lang siya sa akin kaya’t napakurap ako ng ilang beses. Kung hindi ko pa siya kinunutan ng noo at senyasan ay hindi pa niya itinaas ang kanyang baso. Muli ay nabuhay ang kanilang hiyawan. Hanggang sa aking paglunok ay nakatitig yata siya sa akin pero pilit akong umiiwas para hindi ko mahuli ang kanyang mga tingin. Nagpatuloy lang sila sa k

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 28

    Kabanata 28Ang sabi nila kapag nasalo mo ang bulaklak na inihagis ng bride ay ikaw ang susunod na ikakasal. Noong una ay hindi ako naniwala ngunit pinaniwala ako ni Knee Yoz. Sariwa pa sa aking isipan ang nakaraan na para bang kahapon lamang iyon nangyari.Dahil sa pagkasunog ng dati kong tinitirhan ay hinayaan niya akong tumira sa kanyang bahay. Sa kabila ng mga kamalasan ko sa buhay ay naisip kong itinadhana yata siyang maging life savior ko.Abala ako nang araw na iyon sa paglilinis ng buong bahay nang dumating si Denise. Dalawang linggong hindi ko siya nakita pagkatapos ng kanyang kasal at naintindihan ko namang kailangan niya ng time kasama ang asawa.“Ehh..I miss you!” kahit pawis na pawis ay tumitiling niyakap niya ako.“I miss you too! Ang blooming mo.” Natatawang puna ko sa kanya at inakay siya paupo.“Eh, ganun talaga siguro kapag bagong kasal. Alam mo na – totoo pala talaga ang kasabihang

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 27

    Simpleng kasal lang ang idinaos nina Denise at Knee Yoz dahil wala naman silang kamag-anak. Dalawa lang ang ninang at apat lang ang kanyang at groomsmen at bridesmaid kasama na kami ni Knee Yoz. Habang naglalakad ako sa gitna papunta sa dulo pakiramdam ko ay ako ang ikakasal kahit na hindi naman. Kung naging mabuti kaya ang tadhana sa akin may pagkakataon kayang makasama ko si Sander at ikasal kami ng ganito kahit simple lang? Kahit walang mga magulang at kaibigan?Naramdaman kong hinawakan ni Knee Yoz ang aking kamay na nakakapit sa kanyang braso kaya't nilingon ko siya.“Next time ikaw naman ang ikakasal.” Marahan pa siyang tumawa kaya't itinuon ko ang atensiyon sa harapan hanggang sa makarating kami sa dulo at naghiwalay na rin.Sunulyap ulit ako sa kanya nang makaupo ako at muli ring umiwas nang makitang nakangisi pa rin siya sa akin. Hindi ko itatangging si Sander pa rin talaga ang iniisip ko hanggang ngayon pero hindi ko rin maitatanggi naapekt

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 26

    Tanghali na nang magising ako. Nararamdaman ko na ang singaw ng init sa aking katawan. Bigla akong nanibago nang mapagtantong wala na pala ako sa maliit na silid na aking inuupahan.Nagmadali kong sinuklay ang buhok gamit ang daliri at nagtanggal ng muta. Bahagya ko ring kinagat ang aking tuyot na labi. Sa halip na si Knee Yoz ang aking makita ay si Denise ang aking namataan sa kusina pagbukas ko ng pinto kaya't natigilan ako roon. Napalingon siya sa akin.“Oh, gising ka na?” puna niya habang abala sa kanyang ginagawa. “Nagpaluto si Knee Yoz. Dito na lang daw kami kakain ni Edward para sabay-sabay na tayong apat,” nakangiting saad pa niya.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinagdiskitahan ang gulay na kanyang niluluto. “Bakit hindi mo ako ginising?”“Hayaan daw kitang matulog sabi ni Knee Yoz.” Natigil ako sa ginagawa at napatingin sa kanya. “Pagod ka dahil sa nangyari kagabi kaya okay lang.”

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 25

    Madaling araw nang magising ako dahil sa pagsikip ng aking hininga. Agad akong bumangon para sana uminom ng tubig ngunit agad akong napaubo dahil sa usok na bumungad sa akin.“Sunog!!!” Dali-dali akong tumayo nang marinig ang sigaw sa labas at binuksan ang bintana.“Tulong..may sunog!!” Nagkakagulo sa baba at nagsisigawan ang mga tao. Nakita ko ang iilan na nagtatakbuhan habang may kanya-kanyang buhat.Nanlaki ang mga mata ko nang makitang umaapoy na ang bahay na kaharap ng aking tinutuluyan at unti-unti nang tumatawid papunta dito sa palapag na inuupahan ko.Tumulo ang aking luha habang hinahabol ang hininga dahil sa makapal na usok na bumabalot sa paligid. Ito na 'yon di ba? Ito na 'yong kamatayang matagal ko nang inaasam-asam. Mapait akong ngumiti. Kaya siguro hindi natuloy-tuloy ang pagpapakamatay ko noon dahil ito pala ang kamatayang nakatadhana para sa akin.Napatingin ako nang marinig ang kalampag sa aking pintuan na

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 24

    Walang nagawa si Denise nang hinila ako ni Knee Yoz palabas. Agad itong pumara ng taxi at nauna akong pinapasok.“Knee Yoz ano ba? Hindi mo ba nakikitang nag-eenjoy kami?” reklamo ni Denise sa kanya.“Enjoy? Magpakalasing? Ganun ba?”Sumilip ako mula rito sa loob at pinagmasdan ang reaksiyon ni Knee Yoz. Mahinahon siya ngunit alam kong galit siya. Pero hindi ko alam kung anong dahilan.Bago pa sumagot si Denise sa kanya ay hinila niya na rin ito papasok. Bahagya akong umusog para makaupo si Denise sa aking tabi.Pumasok na rin si Knee Yoz sa harapan. Bumaling ito sa likuran at tumingin kay Denise.“Hindi mo ba alam na talamak ngayon ang pagkawala ng mga babae? Hindi mo ba naisip na may nag-aalala sayo?”“Tss,” usal ni Denise. Ilang segundo pa itong nakatingin sa aking kaibigan bago bumaling sa akin. Nagulat pa ako sa kanyang ginawa ngunit hindi ako nagpahalata. Umayos na rin siya ng upo

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 23

    Maliwanag na ang paligid pero himalang naroon pa rin silang dalawa sa aking pwesto. Tawang tawa ako kay Edward na nambobola ng mga namimili. Matalim ang tingin ni Denise sa kanya at hindi pa rin namamansin.“Ate ano sa inyo? Dito na kayo bumili murang mura lang. Bibigyan ko pa kayo ng discount.” Pangungumbinsi niya sa babaeng dumaan. Hindi siya pinansin nito at lumipat sa ibang pwesto kaya't napailing na lang siya “Ayaw niyo edi ‘wag. Hmp, chossy pa kayo ang gwapo ko na nga,” Nagpigil ako ng ngiti nang tumigil siya dahil sa matalim na tingin ni Denise.“Hoy ate ano ba naman yang paninda niyo bulok.” Nagulat ako sa babaeng nasa harapan namin at dala-dala ang kalahating kilo ng talong na kanyang binili. “Tingnan niyo oh, ano pang papakinabangan namin diyan puro uod?” Bahagya akong napaiwas nang padabog niyang nilapag sa aming harapan ang mga talong na pinaghihiwa. Nagkalat pa sa sahig ang ibang kamatis at sibuyas dahi

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 22

    Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid at pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan. Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao. Umupo kami sa may bandang sulok. Tumingin tingin ako sa paligid at nakiramdam. Tumayo ang kasama ni Knee Yoz para umorder ng pagkain kaya’t naiwan kaming dalawa sa lamesa. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkailang ngayon lang pumasok sa isip ko ang nangyari. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa. Napabuntong-hininga ako, hindi na ako maaring umatras pa. Napakurap ako nang tumingin siya sa akin. "Anong balak mo?" ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong. Hindi talaga ako nag-isip bago ako nagdesisyon. Saan ako pupunta? Magiging pulubi ba ako kaga

  • Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)   Kabanata 21

    Isang araw at kalahati ang naging biyahe namin. Bumungad sa akin ang naglalakihang mga gusali. Kaliwa't kanan ang mga tao at ang lahat ay abala. Malayo ito sa nakagisnan kong tahimik na pamumuhay sa bukid na pagtatanim lamang ang aming pinagkakaabalahan.Tahimik lang akong sumunod sa dalawang lalaking kasama ko. Pumasok kami sa isang carinderia na maraming tao.Umupo kami sa may bandang sulok at naiwan kaming dalawa sa lamesa nang umalis ang kanyang kasama para mag-order ng pagkain. Nang sinabi ko sa kanyang sasama ako ay hindi ako nag-alinlangan at hindi na rin siya nagtanong pa."Anong balak mo?" Ngayon ay kinabahan ako sa kanyang tanong.Saan ako pupunta? Magigin

DMCA.com Protection Status