Kabanata 10.2“Ang sarap mo pa rin talaga, love,” ani Greta habang pinaglalaruan ang dibdib ni Damon. Katatapos lang nilang mag-s3x. Pareho pa silang naghahabol ng hininga. “Kaso, bitin na bitin pa rin ako,” mapang-akit niyang turan.Ngumiti si Damon. “Wala tayong magagawa. Baka mamaya eh bigla na lang tayong tawagin ni mama. Alam mo namang ayaw na ayaw no’n na pinaghihintay siya, ‘di ba?”Kinagat ni Greta ang kaniyang ibabang labi. “Ituloy na lang natin mamayang gabi.”“Napaka-wild mo talaga. Gusto ko rin sana kaso kailangan ko nang pagplanuhan ang new ventures na papasukin ko with the Armanis.” Binuksan ni Damon ang cabinet at kumuha roon ng isang sigarilyo.“You’re smoking?” gulat na tanong ni Greta.Kinapa ni Damon sa drawer niya ang kaniyang mamahaling lighter. “You’re asking the obvious, love.” Sinindihan niya ang sigarilyo at nagsimulang humithit.“Kailan ka pa natuto?” iritang tanong ni Greta. Umupo siya sa kama at binalot ng kumot ang hub@d niyang katawan.“Bakit parang galit
Kabanata 10.3“Mariz, call my little sunshine. Ask her to come over,” Don Fridman ordered as he sipped some tea from his favorite cup.Yumuko si Mariz. “Sige po, patron.”“Sa mga oras na ito, sigurado akong nagdiriwang na ang mga uto-uto.” Inalis ni Don Fridman ang kaniyang itim na sombrero at nagpatuloy sa paghigop ng mainit na tsaa.“Patron, on the way na raw po si senyorita,” balita ni Mariz matapos niyang ibaba ang telepono.“Akala ko ay nagbibiro lang ang batang ‘yon na pupunta siya ng Escueza. Sayang, nakasama sana ako sa kaniya,” ani Don Fridman.“Patron, ipinapatanong nga po pala ni senyorita kung nakausap na raw po ninyo si Mrs. Walton.” Umupo si Mariz sa couch, katapat ng inuupuan ng kaniyang amo.“Oo at naipahatid ko na rin ang nais niyang sabihin sa kaniyang dating biyenan.” Ibinaba ni Don Fridman ang hawak niyang tasa. “Ipinapalinis ko na rin ang aking Rolls Royce. Masyadong nagtagal kahapon si Divina sa loob noon. Kailangang i-disinfect dahil ayokong kumapit sa balat ko
Kabanata 10.4Punong-puno ng pawis ang mukha at katawan ni Damon. Maaga siyang gumising para pumunta sa basement ng kaniyang mansyon na siya lang ang nakakaalam. Doon ay mayroong gym area, working area at isang maliit na kitchen area.Pow! Pow! Pow!Malakas at maliksi ang bawat suntok na pinakawalan ni Damon sa hangin. Nang makaramdam na siya ng pagod ay umupo na siya sa mismong boxing ring. Habol niya ang kaniyang paghinga habang nakatulala sa kawalan. Hindi mawala sa isip niya ang audio file na kaniyang pinakinggan kahapon. Paulit-ulit iyong nag-pe-play sa utak niya.Kahit nanginginig na ang tuhod ni Damon ay pumilit siyang tumayo. Muli siyang nagpakawala ng suntok sa hangin.Pow! Pow! Pow!Nang mawalan ng balanse si Damon ay agad siyang napahiga sa ring. Hingal na hingal siya habang nakatitig sa kisame.“I was right. Something was off with her obstetrician before. Bakit ipinagsawalang bahala ko ang kutob ko noon? Did I just let her kill my son!” Hinampas niya ng buong lakas ang sah
Kabanata 10.5“Ma’am Arya, may bisita po kayo.”“This early? Sino raw?” Busy si Arya sa paglilinis ng kaniyang table. Nakalagay na rin sa mga kahon ang kaniyang mga gamit sa opisina.Magsasalita na sana ang secretary ni Arya nang biglang inuluwa ng pinto si Divina.“Ako.” Abot-tainga ang ngiti ni Divina.Napako ang tingin ni Arya sa dala nitong bulaklak at cake. “Iwan mo muna kami,” walang emosyong sabi niya sa kaniyang secretary.Yumuko ang secretary ni Arya bago lumabas ng opisina. Ikinandado rin niya ang pinto bago siya lumabas.Patuloy sa pagliligpit ng kaniyang gamit si Arya.“Hindi mo man lang ba ako aanyayahang umupo?” Iniikot ni Divina ang kaniyang mga mata sa opisina ni Arya.“Kailangan bang imbitahan muna kitang umupo bago ka umupo? Hindi mo ba nakikitang busy ako?” Ipinagpag nang malakas ni Arya ang hawak niyang mga papel.“Ang aga-aga ang sungit mo na agad. Alam mo bang malas ‘yan sa isang negosyo? Ikaw rin. Baka alisin ka ni Don Fridman sa posisyon mo.” Ipinatong ni Divin
Kabanata 10.6“Peste talaga ang babaeng impaktang ‘yon. Wala na ngang saysay ang naka-print sa mga papel, wala pang laman itong USB. Bwisit!” Itinapon ni Greta ang USB sa basurahan. Inayos niya ang kaniyang buhok at huminga nang malalim.Biglang may kumatok sa pinto ng opisina ni Greta.“Come in,” inis na sambit ni Greta. Mas lalo siyang nainis nang makita niya ang mukha ng head ng sales and marketing department na si Ms. Park. “Bakit ka nandito?” tanong niya habang abala na sa pagtitipa sa kaniyang laptop.“Ma’am may problema po tayo,” bungad ni Ms. Park.Nag-angat ng tingin si Greta. “Is this about our recent project?”Tumango si Ms. Park.“What about it?” Ini-shutdown muna ni Greta ang kaniyang laptop.“Eh kasi ma’am bigla na lang pong nag-pull out ang mga big investors natin nang mabalitaan nilang hindi na itutuloy ng mga Gray ang pag-iinvest sa project. Mismong secretary po ni Mr. Gray po ang tumawag kani—”Napatayo si Greta. Hinampas niya nang malakas ang mesa habang nanlilisik
Kabanata 10.7“Mga wala talaga kayong silbi! Paano kayo natakasan ng isang babae? Ang dami-dami niyo, nag-iisa lang siya! Ginagawa niyo ba talaga ang trabaho niyo?” sigaw ni Damon sa kaniyang mga tauhan.“Pasensya na po, boss,” ani ng isang tauhan habang nagkakamot ng kaniyang ulo.“Pasensya. Pasensya. Ilang beses ko nang naririnig ang salitang ‘yan buhat sa inyo! Paano ba kayo magta-tanda?” Nagpipigil ng inis si Damon habang halinhinan niyang tinitingnan ang kaniyang mga tauhan.“Boss, hindi po nag-iisa si Dra. Santos. May mga lalaki pong biglang tumulong sa kaniya. Hindi po namin nakilala dahil nakasuot po silang lahat ng itim na maskara,” ulat ng isa pang tauhan.“May tumulong sa kaniya?” bulong ni Damon. “Napaka walang kuwenta ng palusot niyong ‘yan! Sa tingin niyo maniniwala ako sa inyo? Humahanap lang kayo ng butas para hindi ako magalit!”“Boss, hindi po kami nagsisinungaling. Ang totoo po niyang mayroong pare-parehong tattoo ang mga lalaking nakasuot ng itim na maskara.”“Opo
Kabanata 10.8“Babe, sigurado ka bang darating ang bug0k mong ex-husband? Kanina pa tayo rito. Mag-date na lang kaya tayo? What do you think?” Humigop ng milktea si Jett.“You can stop calling me like that. Wala pa naman si Damon dito.” Kumuha si Arya ng isa pang milktea sa cooler. “You want more?”Ngumiti si Jett. “Sapat na sa akin ang isa pero dahil inalok mo ulit ako, sige. Hindi ko ‘yan ta-tanggihan.” Kinuha niya ang milktea buhat sa kamay ni Arya, dahilan para magkahawak ang kanilang mga kamay. “Nakakamiss ‘yong highschool life natin ‘no?”Inalis ni Arya ang kaniyang kamay sa pagkakahawak ni Jett. “Medyo nakakamiss nga lalo na ‘yong mga extra curricular activities like camping, ou–”“Mas namiss kita kumpara sa mga bagay na ‘yan,” seryosong turan ni Jett.Napatawa si Arya. “Huwag mo nga akong mabola-bola, Jam. Alam ko namang isa kang cassanova at ni isang babae eh wala kang sineryoso. Jack told me na hanggang ngayon eh kung sino-sino ang inaaya mong lumabas.”“Hindi naman ako mags
Kabanata 10.9Malapit na si Damon sa site nang biglang tumunog ang cell phone niya. Pinatay ng caller ang tawag dahil hindi niya iyon sinagot at nagpatuloy siya sa pag-da-drive. Matapos ang dalawang minuto ay tumunog na naman ang kaniyang cell phone.“Who the fuCk is calling me? I’m driving!” Damon yelled while he focused on the road. The call ended because again, he ignored it.Sa pangatlong pagkakataon, muli na namang tumunog ang cell phone niya.“Fuck!” Napilitan si Damon na itabi sa kalsada ang kaniyang big bike. Galit na galit niyang sinagot ang tawag. “May mamamatay ba? Bakit ka tawag nang tawag?” gigil na gigil na tanong niya. Tiningnan niya ang kaniyang rolex watch. Dalawang minuto na lang at mag-te-ten minutes na siya sa kalsada.[“Boss, confirmed. Nagpakasal po kayo sa isang huwad. Wala pong Arya Villanueva na naka-registered sa lugar kung saan ipinanganak si Aiven.”]“B0b0! Alam ko na ‘yan! Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na alamin mo ang totoong pagkatao ni Arya? Kung sino a