Hmm... What do you think will happen next?
Pag-uwi ni Pan at Zahara sa mansion, agad na sinabi ng mga katulong na nagpunta si Julia kanina.“Wala ba siyang ginawang gulo dito?” tanong niya.“Wala po ma’am. Nang malaman niyang wala kayo, umalis rin po siya agad.”“Mabuti naman. Hindi ba niya kayo pinagalitan?”Umiling ang mga katulong. “Hindi po ma’am.”“Sige, salamat.. Sige na, magpahinga na kayo. Ako na ang bahala kay Zahara.”Pagod na pagod si Pan habang paakyat ng hagdan. Karga niya si Zahara na ngayon at mahimbing ng natutulog sa bisig niya.Pagpasok nila ng kwarto, agad siyang naligo.Masiyadong mabigat ang puso niya dahil sa ina niya. Ang gusto lang sana niyang mangyari ngayon ay hindi niya ito makita pero mukhang walang plano ang ina niya na tantanan siya.Habang nasa ilalim siya ng shower, walang humpay sa pagtulo ang luha sa mga mata niya.Galit siya sa mama niya, at galit siya sa naging lalaki ng mama niya.Yung galit na tipong gusto niyang mamatay na lang ang dalawa. Presko pa sa utak niya kung anong nangyari sa papa
“LEILA!” Sigaw ni Jasmine. “Ito ba yung dahilan bakit gusto mong makausap ang anak ko?” “Jasmine, nakapagdesisyon na ako. Hindi talaga pwede si Juancho at Pan.” “Naririnig mo ba ang sarili mo? Matapos mong abandonahin si Pan, babalik ka para sirain ang relasyon niya sa boyfriend niya? Leila naman, hindi ka ba naaawa sa anak mo?” Hindi nakinig si Leila sa pangaral ng kaibigan niya. “Kung hindi ko ito gagawin, si Symon ang gagawa nito. At ayokong umabot sa punto na malaman niyang anak ko si Pan dahil hindi lang siya kay Pan magagalit kun’di pati na rin sa akin.” “Bakit ang selfish mo Leila?” hindi makapaniwalang tanong ni Jasmine. “Hindi mo ito ginagawa dahil nag-aalala ka kay Pan, hindi ba? Ginagawa mo ito dahil takot kang iwan ka ni Symon!” Walang reaction ang mukha ni Leila. She has decided. “No. My son will refuse you. Hindi kami hahadlang sa kasiyahan ni Pan. You weren’t there when your daughter dine with us with Juancho. Hindi mo nakita kung gaano kasaya ang anak mo s
“I WILL KILL YOU DOM!” Saad ni Juancho kay Dom dahil ilang beses na niyang hinanap ang phone niya, hindi niya pa rin makita sa kahit saang sulok ng hotel.“I told you, hindi ko nga kinuha. Hindi mo kaya naiwan sa café?” suggestion ni Dom dahil wala talaga siyang alam kung saan nailagay ni Juancho ang phone niya.Café lang naman ang last nilang pinuntahan kanina. “No. Alam kong dala dala ko yun.”“Kung ganoon, then nasaan na?”Napahilamos ng mukha si Juancho at napaupo siya sa sofa. “Is someone pranking at me?”“Bakit mo naman nasabi yan?”“Nawala ang phone ko tapos my account was hacked. Hindi ko ma-open kahit ngayon.”“Then use your other phone. Just tell Pan na nawala ang phone mo kaya iba ang ginamit mong number to contact her.”Junacho did what Dom told him. Ginamit niya ang isang phone niya to contact Pan pero natapos na lang ang isang araw, wala siyang reply na natanggap kay Pan.Hindi na makapagsalita si Dom o makakilos ng maayos sa loob ng hotel dahil abot langit ang inis at g
“So kamusta na kayo ni Juancho?” tanong ni Leon habang naglalakad sila ni Pan pabalik sa sasakyan niya. “Ayos naman kami,” sabi ni Pan kahit na puno ng kalungkutan ang mukha niya. Napansin iyon ni Leon kaya nag-usisa pa siya. “Bakit ganiyan ang mukha mo? May nangyari bang hindi maganda sa inyo?” “Huh? W-Wala…” Saad ni Pan. “Ano… Hindi ko alam paano ipapaliwanag pero ayos naman kami, hindi nga lang madalas mag-usap ngayong linggo na ito.” “Anong ibig mong sabihin?” “Hindi kami nag-uusap ni Juancho this week. Hindi ko alam kung ayos lang ba siya,” natigilan siya sandali, “kung ayos lang ba kami.” “Baka ay busy lang?” “Siguro.. Hindi ko alam.” Sabi ni Pan. Tumigil si Leon at ngumiti sa kaniya. “Huwag kang mag-alala, magiging maayos lang ang lahat.” Aniya kahit batid niyang hindi dahil naroon na sa Manhattan ngayon ang assistant ni Leila na si Felicity. “Salamat Leon. Oh siya, pakisabi na lang kay tita at Sasha na salamat sa binigay nila.” “Walang anuman.. Salamat sa paghatid.” S
Dalawang maleta ang nagkalat sa sahig at yun ang naabutan ni Dom pagpasok niya sa loob ng hotel.Kumunot ang noo niya. “Juancho bakit may mga maleta?”Napatingin si Dom sa mga damit na nilabas ni Juancho sa closet at agad na nanlaki ang mga mata niya.“Uuwi ka?”“Yes.”“Why?”“Pan is acting weird. She’s not answering my messages. I can’t even call her. Baka mamaya nilayasan niya ako at tinangay ang anak ko.”“But Juancho, hindi pa tapos ang contract natin.”“I don’t care about the fvcking contract Dom. Do you think may pakialam pa ako?”“Then ano? Makukulong ka? Juancho, alam mo ang kahihinatnan kung aalis ka at hindi mo tapusin ang trabaho mo dito!”Hindi nakinig si Juancho. Tila wala siyang pakialam kung makulong siya. Kaya walang nagawa si Dom kun’di tawagana si Ark.“Don’t rush things. Humingi tayo ng tulong kay Ark.” Sabi ni Dom.Tumigil si Juancho sa pagliligpit ng gamit niya and helplessly looking at Dom. Hindi biro ang isang linggo na hindi niya nakakausap si Pan at Zahara.Kun
Kinabukasan, agad na nagpunta si Pan sa Gamesoft Company. Inaabangan niyang gagawi doon si Julia. Nagtatago siya sa likod ng puno habang hinihintay na makita ang sasakyan na gamit nito.“Miss.” Napatalon si Pan sa gulat nang may biglang kumalabit sa likod niya. Nang tignan niya kung sino, isang bodyguard ang nagroronda sa daan ang nasilayan niya.“Sir? B-Bakit po?”“Bawal po tumambay dito. Mahigpit na pinagbabawal ng management na bawal papasukin ang property na ito maliban kung empleyado ka ng Gamesoft.”Nakagat ni Pan ang labi niya dahil hindi naman siya empleyado. “Hinihintay ko po kasi si Julia Seco.”“Anong kailangan mo kay madam?”“Personal po sir.”“Naku! Malabong makita mo siya dito ngayon. Busy siya ngayon sa paghahanap kay sir Logan.”“Si Logan? Bakit? Nasaan po siya?”“Nawawala po siya kaya nabusy si sir Lorciano na gampanan ang mga trabaho na biglang iniwan ni sir Logan.”“Anong ibig niyong sabihin na nawawala?”“Hindi ko alam e. Basta bigla na lang siyang nawala. Mga 3 mon
Hindi pumasok si Pan sa studio o lumabas ng bahay ng ilang araw. Nanatili lang siya sa kwarto niya at nagkukulong.Kaya sobrang lungkot ng anak niya at kita iyon sa mukha kahit na hindi mo tanungin kung may problema ba ito.“Ano pong nangyari?” tanong ni Phello kay lola Susana. Nasa bakery shop niya ang dalawa ngayon at bumibili ng tinapay at napansin niya ang lungkot sa mukha ni Zahara.Walang nagawa si lola Susana kun’di sabihin kay Phello ang sitwasyon ni Pan at Juancho. Kumunot naman ang noo ni Phello matapos yung malaman dahil batid niya kung gaano kasaya noon si Juancho matapos malaman na anak niya si Zahara.Parang hirap siyang paniwalaan na manlalamig na lang bigla ang binata kay Pan at Zahara.“Hindi po kaya ay busy lang si Juancho?”“Magda-dalawang linggo na rin hijo na hindi sila nag-uusap. Tapos nalaman ko pa na ayaw pala ng ina ni Julia sa apo ko. Hula namin ay sinisiraan niya si Pan kay Juancho.”‘Kung ganoon, possible ngang isa yun sa dahilan bakit manlamig si Juancho. B
Hindi alam ni Pan kung nagbibiro ba si Phello pero nagpatangay siya dito. Sumakay sila ng sasakyan at umalis ng bahay nila.Tumingin siya sa binata, nakita niyang sa harapan lang ito nakatingin. “What?” “B-Bakit mo ‘ko tinutulungan?”“Because of your daughter. She asked me to bring you to the zoo.”Nanlaki ang mata ni Pan. “G-Ginawa yun ni Zahara?”“Yes. Ilang araw ka ng nagkakaganiyan. Nag-aalala na ang anak mo sayo. Kaya dadalhin kita ng zoo, sa Manhattan nga lang.” Sabi nito ng natatawa.Nakagat ni Pan ang labi niya. “Hindi mo ba ako niloloko?”“Why would I?”“Pero wala akong passport. W-Wala akong damit na dala.”“Hindi naman tayo magtatagal doon. Babalik rin tayo agad kapag nakita mo si Juancho. And about your clothes… wait.”Agad na kinuha ni Phello ang cellphone niya. Agad niyang tinawagan ang taong kilala niya para maipaghanda si Pan ng damit.“Hello ate June?”Napatingin si Pan sa kaniya uli ng marinig ang pangalan na June. Yung client niya no’ng mga nakaraang buwan.“Are you
“Doc, hinahanap po kayo ng anak ninyo.” Ang sabi ng nurse kay Symon. Kumunot naman ang noo niya lalo’t hindi niya alam kung anong dahilan at biglang napabisita si Juancho sa kaniya.“Papasukin mo sa office ko.”“Side po doc.”Umalis ang nurse at agad na tinawag si Juancho. Nang pumasok ito, nagulat si Symon nang makita ang mukha nito.Yung mukha niya ay parang namatayan na hindi niya matukoy. Na tila yata pasan niya ang problema ng buong mundo.“Anong nangyari? Bakit ganiyan ang itsura mo?”May nilapag na pictures si Juancho sa table ni Symon at agad na nanlaki ang mata niya nang makita niya yun lahat. Yung ang pictures ni Pan na kasama si Aaron sa hospital.“Sino ang lalaking yan? Pasyente niyo ba yan dito?”“No. Who gave this to you?” patukoy ni Symon sa mga larawan.“Lorciano.”Kumuyom ang kamao niya.“What? Kailan kayo ng nag-usap?” namilog ang mata ni Symon. “Do you believe him? Mukhang ginagawa niya lang ito para bilugin ang ulo mo. Don’t trust him! Matindi ang galit niya kay Pa
Ramdam ni Pan ang paninitig ni Juancho sa kaniya sa hapagkainan. Kapag tinitignan niya ito, bigla na lang siya nitong ngingitian kaya tuloy e nagtataka siya kung bakit."How's the food?" he asked."Ayos lang naman." Sagot niya at kumain muli."Hindi mo ba gusto ang food, papa?" tanong naman ni Zahara."Papa likes the food." Sabi niya at napilitang kumain.Tumingin si Pan sa kinakain niya at sumubo na lang ulit. Pumasok sa isipan niya ang pinag-usapan nila ni Aaron kanina. 'Hangga't walang inaamin si Aaron, walang makukuha si Lorciano laban sa akin.' Sabi niya sa kaniyang isipan at pinilit na pinakalma ang sarili."Is there something wrong baby?" mahinahong tanong ni Juancho."Huh?""Namutla ka na lang bigla. May problema ka ba?""W-Wala.. Wala akong problema, Juancho." Saad niya at kumain uli."Are you sure?" kumunot ang noo nito. Tumango siya at ngumiti. Tumango na lang si Juancho kahit na gusto niyang itanong kung sino yung lalaking kasama ni Pan sa larawan. Pagkatapos nilang kuma
Pagkagising ni Pan, wala na sa tabi niya si Juancho at Zahara. Napipilitan siyang tumayo at lumabas para tignan ang sala.Nang mapadungaw siya sa ibaba, nakita niya ang dalawa na nakasalampak sa sahig habang nagbubukas ng luggage si Juancho. Si Zahara sa tabi ay nakikigulo sa papa niya. Naghikab siya at pumasok uli sa loob ng kwarto para makaligo. Inaantok pa siya pero dahil gising na ang dalawa, wala siyang choice kun'di ang maligo na lang. Napatingin siya sa orasan nakita niyang alas singko pa lang ng umaga. Pumasok siya ng banyo pagkatapos niyang maghubad ng damit. Tinignan niya ang buong katawan niya at huminga ng malalim ng makitang nag-iwan si Juancho nang maraming red marks."Mukhang nanggigil nga siya kagabi." Mahinang usal niya. Tapos napatingin siya sa tiyan niya. "Kailangan ko na sigurong ipaalam na buntis ako. Baka mamaya e mapasobra siya at mapano pa si baby. Pero, dapat e magpunta muna ako ng hospital." Pagkatapos niyang magmuni-muni ay agad siyang pumailalim sa show
Kinagabihan, halos hindi na makalapit si Felicity kay Pan dahil laging pinipigilan ni Juancho. Kahit ang pagtabi sa hapag ay bawal na rin.“Juancho, kay Felicity na ako tatabi.” Sabi ni Pan dahil si Felicity lang mag-isa sa kanang bahagi ng mesa. “Bakit sa kaniya pa? I just came home. Sa tabi lang kita dapat.”Kumunot ang noo ni Felicity. “Pan wanted to sit next to me.”“No. I said, she’ll sit next to me. Kung ayaw mo, umalis ka.”“JUANCHO!” Sabi ni Pan dahil hindi niya aakalaing gaganunin ni Juancho si Felicity.“She’s my friend.” Giit ni Felicity. “She’s my baby.” Sagot naman ni Juancho. Napanganga si Felicity sa kaniyang narinig. Sobrang possessive ni Juancho at ngayon lang niya nasaksihan ito. Kaya pala no’ng mga pagpaparamdam niya noong una sa Manhattan ay walang epekto dahil hindi man lang kailanman tinamaan si Juancho sa alindog niya.“Nag-aaway ba kayo papa, tita?” inosenteng tanong ni Zahara habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.Natahimik ang dalawa kaya si Pan ay aga
“Just go home dahil wala kang makukuha sa akin.” Mariing sabi ni Aaron kay Lorciano.Kumuyom ang kamao ni Lorciano. Alam niyang hindi sila maayos ni Aaron, pero inakala niyang tutulungan siya nito oras banggitin niya si Logan.“Kung sabagay, wala ka namang pakialam sa pamangkin mo. Hindi na dapat ako magtaka kung mas kakampihan mo ang babaeng yun. I wonder kung anong binigay niya sayo para pagtakpan mo ang meron sa inyo.”Agad na tumalim ang mga mata ni Aaron. “Hindi ako kagaya mo na mas masahol pa sa hayop. Kung hindi ko man magawang lapitan si Logan yun ay dahil kontrolado mo ang utak ng pamangkin ko. Sa tingin mo ba, hindi namin sinubukan na mapalapit sa kaniya?”Ngumisi si Lorciano. “Kontrolado? Kung kontrolado ko lang sana talaga ang utak niya ay hindi na sana ako mahihirapan pa gaya ngayon. Nilason ni Pan ang isipan niya kaya hindi na ako sinusunod ni Logan. I am hoping na that you would help me to avenge your nephew pero wala ka pa lang kwenta.”Mahinang natawa si Aaron. “Then
“FINALLY!” Sigaw ni Dom nang matapos na ang 6 months contract nila ni Juancho sa Manhattan. “Pwede na rin tayong umuwi.”Tumingin siya sa gawi ni Juancho at nakita niya itong nagliligpit na ng gamit. “Saan ka? Uuwi ka na?”“Yes.” Walang kurap na sabi niya.“Bukas na tayo sa makalawa uuwi.”“I’ll go home now. Kung gusto mo pa magpabukas, it’s up to you.”Tumaas ang sulok ng labi ni Dom habang nakatitig sa kaibigan. Kita niya sa mata nito na excited na itong umuwi. Ilang buwan lang siyang nawalay kay Pan at Zahara, pero kung makaasta ay para bang ilang taon itong nawala.“Grabe ka talaga. Anong klase kang kaibigan at bigla mo na lang akong iniiwan dito?” Pagdadrama niya pero tinaasan lang siya ni Juancho ng daliri.Sumimangot siya pero hindi na siya nito pinansin pa.Matapos niyang maligpit ni Juancho ang gamit niya, agad na niyang tinawagan ang dad niya na uuwi na siya.“Papasundo kita.”“No need. I just called para malaman kung nasaan si Pan at Zahara ngayon.”“Kasama nila si Felicity
Binigyan ni Felicity si Pan ng tubig upang ito’y kumalma. Hindi na rin ito umiiyak ngayon. Ngumiti siya pagkatapos nitong maubos ang isang baso ng tubig.“S-Sasabihin mo ba ito kay Juancho?” naroon ang kaba sa boses ni Pan.“Hindi, kaya huwag kang mag-alala.” Sagot ni Felicity sa kaniya. “Pero pwede ko bang malaman bakit ka nagsinungaling sa kaniya?”Humawak si Pan ng mahigpit sa baso niya. Ramdam pa rin niya ang kaba niya pero hindi na gaya kanina.“Kailangan ko si tito Symon para sa anak ko.”Doon na napaayos ng upo si Felicity.“Mahina ang puso ni Zahara, kaya natatakot akong pa-operahan siya sa sakit niya maliban na lang kung magaling ang doctor na hahawak sa kaniya."“Kaya mo ba nilapitan si Juancho para mapalapit kay sir Symon?”Tumango si Pan. “Aksidente ang una naming pagkikita noong nakauwi siya ng Sicily. Alam mo naman siguro ang nakaraan namin ni Logan.. No’ng nahuli ko si Logan na may ginagawang kalokohan, doon ko nakita si Juancho muli pagkatapos ng walong taon. Iyon ang
Lumilipas ang oras habang hinihintay ni Felicity si Aaron na makarating sa isang café na napagkasunduan nila. Tatawagan na sana niya ito nang makita niyang pumasok ito sa entrance door. Agad na nagtiim bagang siya habang hinihintay niyang makalapit ito sa kaniya.“Anong ginawa mo?” diretsang tanong niya.“What do you mean?” kunot noong tanong ni Aaron. Bigla na lang siyang tinawagan ni Felicity kahapon na gusto nitong makipagkita sa kaniya.“Did you harass Pan?”“No.” Walang kurap na sagot ni Aaron. “Kung ano mang nangyayari sa kaniya ngayon, baka dahil sa hindi siya pinatulog ng sinabi ko.” Ngumisi si Aaron bagay na ikinataka ni Felicity.“Ano bang sinabi mo?”“That her child is actually mine.”Pagkasabi niya no’n, agad na nanlaki ang mata ni Felicity. “Ano? Nahihibang ka na ba?” Napatayo na siya at halos murahin na niya si Aaron sa pagmumukha.“I am serious. Have you seen her cousin?”Hindi siya nakasagot dahil hindi. Hindi naman niya kilala ang pamilya ni Pan maliban sa ina nitong
“Baby, are you okay?” tanong ni Juancho nang magkatawagan sila ni Pan. Pansin niya kasi na tila yatang puyat ito. Nagtataka tuloy siya kung may problema ba.“Huh? Ah oo, ayos lang ako.”“May problema ba kay Zahara? You seemed tired.”“Wala naman.” Sabi ni Pan. “Yeah, wala naman.” Ngumiti pa siya para lang ipakita kay Juancho na ayos lang talaga siya at wala itong dapat na ipag-alala.“Anong ginagawa ni Felicity diyan? Hindi ka ba niya tinutulungan? She’s really useless.”Napataas ang kilay ni Felicity sa kaniyang narinig. Hindi siya nakailag sa paratang ni Juancho sa kaniya. ‘Aba’t!’ Hindi masundan ni Felicity ang sasabihin ng biglang lumingon si Pan sa kaniya.Napilitan tuloy siyang ngumiti. ‘That punk! Siya ang useless!’ Pinagmumura nalang niya si Juancho sa isipan niya.“Uy Juancho, wag ka ngang ganyan sa kaibigan mo.” Nahihiyang sabi ni Pan. Hindi na nga siya makatingin sa mata ni Felicity.“Kung hindi naman niya nagagawa ang trabaho niya then she’s really useless. Look at yoursel