Happy 3 weeks everyone na iniwan na ako. huhu
Hindi alam ni Pan kung nagbibiro ba si Phello pero nagpatangay siya dito. Sumakay sila ng sasakyan at umalis ng bahay nila.Tumingin siya sa binata, nakita niyang sa harapan lang ito nakatingin. “What?” “B-Bakit mo ‘ko tinutulungan?”“Because of your daughter. She asked me to bring you to the zoo.”Nanlaki ang mata ni Pan. “G-Ginawa yun ni Zahara?”“Yes. Ilang araw ka ng nagkakaganiyan. Nag-aalala na ang anak mo sayo. Kaya dadalhin kita ng zoo, sa Manhattan nga lang.” Sabi nito ng natatawa.Nakagat ni Pan ang labi niya. “Hindi mo ba ako niloloko?”“Why would I?”“Pero wala akong passport. W-Wala akong damit na dala.”“Hindi naman tayo magtatagal doon. Babalik rin tayo agad kapag nakita mo si Juancho. And about your clothes… wait.”Agad na kinuha ni Phello ang cellphone niya. Agad niyang tinawagan ang taong kilala niya para maipaghanda si Pan ng damit.“Hello ate June?”Napatingin si Pan sa kaniya uli ng marinig ang pangalan na June. Yung client niya no’ng mga nakaraang buwan.“Are you
Kinagabihan, nagising si Dom na masakit ang ulo. Nasa sahig siya at nakita niyang magulo ang buong sala. Naalala niya na nag-inuman sila ni Juancho kagabi dahil sa nangyari sa kanila ni Pan. Tapos nabasa pa nila sa Star Magazine Ph na si Pan ang rumored girlfriend ni Leon.Kaya sinamahan niya ang kaibigan niya magpakalasing. Tumayo siya at agad na napamura. Hindi talaga normal ang sakit sa ulo niya. Pakiramdam niya ay pinukpok siya ng isang matigas na bagay.Nagtungo siya ng kusina para makahanap ng makakain at nagulat siya nang may makitang may lalagyan ng gamot na hindi niya alam kung ano at para saan. "Ano to?" Tanong niya.Hindi niya yun pinansin at binitawan saka nag tuloy-tuloy sa kaniyang ginagawa. Kumuha siya ng tubig at pinainit yun para makaluto ng noodles at makahigop siya ng sabaw.Habang ginagawa niya yun, pinupokpok niya ang ulo niya gamit ang kamay dahil masakit talaga. Tapos naalala niya na hindi niya namulatan si Juancho."Saan yun nagpunta?" Tanong niya. "Maaga ba
“H-Huh?” napatulala si Pan matapos marinig yun kay Dom. “B-Bakit?”“Anong bakit? Hindi ba pinagpalit mo na siya kay Leon?”“Huh?” puno ng pagtataka na sabi ulit ni Pan. “Anong pinagpalit? Bakit ko naman siya ipagpapalit?”“You are the rumored girlfriend of Leon now. Hindi mo ba yun alam? Teka nga.. ano bang nangyayari sa inyo? Bakit hindi ka niya matawagan? Hindi ka rin sumasagot sa mga messages niya.”Napaatras si Pan sa mga narinig niya kay Dom. ‘Paanong hindi ako matawagan e ako nga ang hindi niya sinasagot?’“Bakit Pan?” tanong ni Dom na nagtataka sa reaction niya.“Paano ako ang hindi niya matawagan Dom? Ako ang panay na tawag sa kaniya kasi bigla na lang niya akong iniwan sa ere. Hindi ko alam kung ayos pa ba kami. Hindi niya rin sinasagot ang text messages ko. Nakapatay lagi ang phone niya pagsinusubukan kong e dial ng numero niya. Yung social media account niya, deactivated. Paano ko siya matatawagan?”Nanlalaki ang mata ni Dom dahil lahat ng sinabi ni Pan ay siya ring ginagawa
Pagkatapos patayin ni Juancho ang cellphone niya, napasandal siya uli sa upuan. Naghihintay na lang siya ng oras para makasakay sa eroplano. Hindi na siya makapaghintay na makita si Pan.“Hi, uuwi ka na pala ng Pinas?” napatingin siya sa tabi niya. Kumunot ang noo niya nang makita ang isang babaeng hindi niya naman kilala.“Hindi mo ba ako natatandaan? Ako si Felicity. Ilang ulit na tayong nagkita. Sa café, sa kalye, sa mall, at sa bar. Tapos ngayon dito sa airport!!” Nakangiting sabi nito.Hindi sumagot si Juancho. Bumaling ang tingin niya sa harapan kaya nabura ang ngiti sa labi ni Felicity. “Anyway, pwede ko bang makuha ang pangalan mo? Friends naman na tayo e dahil ilang beses na tayong nagkita. Saka pareho pa tayo na Pinoy dito.”“Mind your own business and don’t disturb me.” Masungit na sabi ni Juancho na hindi interesado makipag-usap sa kung sino.Naitikom ni Felicity ang bibig niya. Kahit anong gawin niya, hindi umuusad ang mission na inatas sa kaniya ni Leila dahil ayaw ni Jua
ISANG malakas na katok ang kumalampag sa pinto ni lola Susana. Agad na nalukot ang mukha niya. “Leila? Bumalik ka na naman ba?” tanong niya at tumayo para buksan ang pinto.Pagbukas niya no’n, nagulat siya nang makitang mukha ni Juancho ang nakita niya. “Anong ginagawa mo dito?/ PAPA!”Biglang kumaripas ng takbo si Zahara patungo kay Juancho at yumakap dito. Kahit na pagod na pagod si Juancho sa byahe, binuhat niya pa rin si Zahara at niyakap. “I miss you my princess..” Bulong niya at buong pagmamahal na hinaIikan ang ulo nito. Halos hindi na siya makatayo ng maayos dahil wala na siyang lakas dahil sa puyat.Si Symon na nasa hindi kalayuan ay nagulat nang makitang yumakap ang bata kay Juancho. Bigla siyang napalabas sa sasakyan niya.“Where’s your mama?” tanong ni Juancho kay Zahara. Kumunot naman ang noo ni lola Susana sa narinig. “Pinuntahan ka ni Pan sa Manhattan.” Sabi nito na ikinalingon ni Juancho sa kaniya. “What?” hindi makapaniwalang tanong niya.“Nasa Manhattan si Pan. Bakit
UMALIS si Symon Bec para puntahan ang anak niya. Si Leila naman ay agad na sumunod. Hindi niya alam kung anong dahilan ni Symon para puntahan nito bigla si Juancho. Natatakot siyang may kinalaman ito kay Pan.Agad na nakarating si Symon sa condo ni Juancho. Pagdating niya sa parking lot, nagtuloy tuloy siya sa pagpasok sa loob. Maraming katanungan ang isipan niya, isa na doon ang tungkol sa bata.Pagdating niya sa unit ni Juancho, agad niyang pinindot ang doorbell sakto namang dumating si Leila.“Honey!”Napatingin si Symon sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Leila. “Anong ginagawa mo dito?”“Nag-alala kasi ako.. Bakit bigla mong naisipan dalawin si Juancho? May nangyari ba?” halata sa mukha niya ang kaba.Hindi na nakasagot si Symon dahil bumukas ang pinto at tumambad sa kanila si Juancho.“What are you doing here?” tanong ni Juancho na ang tingin ay nasa ama lang niya.“I saw you with a kid. Bakit hindi mo sinabi na may anak ka na?”Nagulat si Leila sa narinig niya. ‘Kid? Si Zaha
“Papa,” napatingin si Juancho kay Zahara. “Are you okay papa?”Tumango siya. Nasa sofa na siya, nakaupo habang iniisip ang nangyari sa kani-kanina lang. Agad niyang inangat ang mga kamay niya para iparating kay Zahara na lumapit siya.“Papa is okay. Bakit ka lumabas sa kwarto mo?”“Dahil may narinig po akong nasigaw sa labas papa. Who are they?”“Sorry sweetheart.. That’s nothing. May lasing lang sa labas kaya huwag kang lumabas ng condo ah? Dito ka lang sa loob kasama ni papa dahil mas safe ka dito.”Ngumiti si Zahara at tumango. “Papa, nasaan po si mama?” Naalala na naman ni Juancho ang asawa ng papa niya. Hindi niya alam paanong naging kamukha yun ni Pan. May hinala siya kung bakit pero ayaw niyan tanggapin.“Si mama? Ano… may work lang siya pero uuwi rin siya sa atin bukas o sa susunod na araw.”Biglang ngumuso si Zahara. “Papa, nag-away po ba kayo ni mama?”“Bakit mo naitanong?”“Kasi po papa, malungkot lagi si mama. Tapos po umiiyak siya lagi dahil po namimiss ka niya.. Hindi n
“Papa?!” agad nabitawan ni Juancho si Leila nang marinig ang boses ni Zahara.“Umalis ka na. Kahit anong gawin mo, hindi mo na kami mapaghihiwalay ni Pan. May anak na kami. At hindi siya Bec kaya paanong magiging magkapatid kami sa mata ng batas?” Ngumisi siya. “Well sa ngayon hindi pa. Pero pagdating ng araw oo. Magiging Bec siya, hindi dahil anak mo siya, iyon ay dahil sa magiging kasal namin.”Sinamaan siya ni Leila ng tingin. “Talaga bang ipapahamak mo si Pan? Sa tingin mo oras malaman ito ni Symon ay hindi siya magagalit? Isang kahihiyan ang gagawin niyo.”“Wala akong pakialam sa inyo. Kung mapapahiya kayo sa relasyon namin then karma niyo lang yan. Kayo ang unang nanakit sa amin kaya tadhana na ang gumagawa ng paraan para masira ang iniingatan niyong pangalan.” Naiinis siya at nagagalit na napaka-makasarili ng mga magulang nila. “Papa, nasaan ka?” nalalapit na ang boses ni Zahara sa kinaroroonan nila. “Gising na ang anak ko kaya umalis ka na.” Pagtataboy niya kay Leila. Tumal
“Doc, hinahanap po kayo ng anak ninyo.” Ang sabi ng nurse kay Symon. Kumunot naman ang noo niya lalo’t hindi niya alam kung anong dahilan at biglang napabisita si Juancho sa kaniya.“Papasukin mo sa office ko.”“Side po doc.”Umalis ang nurse at agad na tinawag si Juancho. Nang pumasok ito, nagulat si Symon nang makita ang mukha nito.Yung mukha niya ay parang namatayan na hindi niya matukoy. Na tila yata pasan niya ang problema ng buong mundo.“Anong nangyari? Bakit ganiyan ang itsura mo?”May nilapag na pictures si Juancho sa table ni Symon at agad na nanlaki ang mata niya nang makita niya yun lahat. Yung ang pictures ni Pan na kasama si Aaron sa hospital.“Sino ang lalaking yan? Pasyente niyo ba yan dito?”“No. Who gave this to you?” patukoy ni Symon sa mga larawan.“Lorciano.”Kumuyom ang kamao niya.“What? Kailan kayo ng nag-usap?” namilog ang mata ni Symon. “Do you believe him? Mukhang ginagawa niya lang ito para bilugin ang ulo mo. Don’t trust him! Matindi ang galit niya kay Pa
Ramdam ni Pan ang paninitig ni Juancho sa kaniya sa hapagkainan. Kapag tinitignan niya ito, bigla na lang siya nitong ngingitian kaya tuloy e nagtataka siya kung bakit."How's the food?" he asked."Ayos lang naman." Sagot niya at kumain muli."Hindi mo ba gusto ang food, papa?" tanong naman ni Zahara."Papa likes the food." Sabi niya at napilitang kumain.Tumingin si Pan sa kinakain niya at sumubo na lang ulit. Pumasok sa isipan niya ang pinag-usapan nila ni Aaron kanina. 'Hangga't walang inaamin si Aaron, walang makukuha si Lorciano laban sa akin.' Sabi niya sa kaniyang isipan at pinilit na pinakalma ang sarili."Is there something wrong baby?" mahinahong tanong ni Juancho."Huh?""Namutla ka na lang bigla. May problema ka ba?""W-Wala.. Wala akong problema, Juancho." Saad niya at kumain uli."Are you sure?" kumunot ang noo nito. Tumango siya at ngumiti. Tumango na lang si Juancho kahit na gusto niyang itanong kung sino yung lalaking kasama ni Pan sa larawan. Pagkatapos nilang kuma
Pagkagising ni Pan, wala na sa tabi niya si Juancho at Zahara. Napipilitan siyang tumayo at lumabas para tignan ang sala.Nang mapadungaw siya sa ibaba, nakita niya ang dalawa na nakasalampak sa sahig habang nagbubukas ng luggage si Juancho. Si Zahara sa tabi ay nakikigulo sa papa niya. Naghikab siya at pumasok uli sa loob ng kwarto para makaligo. Inaantok pa siya pero dahil gising na ang dalawa, wala siyang choice kun'di ang maligo na lang. Napatingin siya sa orasan nakita niyang alas singko pa lang ng umaga. Pumasok siya ng banyo pagkatapos niyang maghubad ng damit. Tinignan niya ang buong katawan niya at huminga ng malalim ng makitang nag-iwan si Juancho nang maraming red marks."Mukhang nanggigil nga siya kagabi." Mahinang usal niya. Tapos napatingin siya sa tiyan niya. "Kailangan ko na sigurong ipaalam na buntis ako. Baka mamaya e mapasobra siya at mapano pa si baby. Pero, dapat e magpunta muna ako ng hospital." Pagkatapos niyang magmuni-muni ay agad siyang pumailalim sa show
Kinagabihan, halos hindi na makalapit si Felicity kay Pan dahil laging pinipigilan ni Juancho. Kahit ang pagtabi sa hapag ay bawal na rin.“Juancho, kay Felicity na ako tatabi.” Sabi ni Pan dahil si Felicity lang mag-isa sa kanang bahagi ng mesa. “Bakit sa kaniya pa? I just came home. Sa tabi lang kita dapat.”Kumunot ang noo ni Felicity. “Pan wanted to sit next to me.”“No. I said, she’ll sit next to me. Kung ayaw mo, umalis ka.”“JUANCHO!” Sabi ni Pan dahil hindi niya aakalaing gaganunin ni Juancho si Felicity.“She’s my friend.” Giit ni Felicity. “She’s my baby.” Sagot naman ni Juancho. Napanganga si Felicity sa kaniyang narinig. Sobrang possessive ni Juancho at ngayon lang niya nasaksihan ito. Kaya pala no’ng mga pagpaparamdam niya noong una sa Manhattan ay walang epekto dahil hindi man lang kailanman tinamaan si Juancho sa alindog niya.“Nag-aaway ba kayo papa, tita?” inosenteng tanong ni Zahara habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.Natahimik ang dalawa kaya si Pan ay aga
“Just go home dahil wala kang makukuha sa akin.” Mariing sabi ni Aaron kay Lorciano.Kumuyom ang kamao ni Lorciano. Alam niyang hindi sila maayos ni Aaron, pero inakala niyang tutulungan siya nito oras banggitin niya si Logan.“Kung sabagay, wala ka namang pakialam sa pamangkin mo. Hindi na dapat ako magtaka kung mas kakampihan mo ang babaeng yun. I wonder kung anong binigay niya sayo para pagtakpan mo ang meron sa inyo.”Agad na tumalim ang mga mata ni Aaron. “Hindi ako kagaya mo na mas masahol pa sa hayop. Kung hindi ko man magawang lapitan si Logan yun ay dahil kontrolado mo ang utak ng pamangkin ko. Sa tingin mo ba, hindi namin sinubukan na mapalapit sa kaniya?”Ngumisi si Lorciano. “Kontrolado? Kung kontrolado ko lang sana talaga ang utak niya ay hindi na sana ako mahihirapan pa gaya ngayon. Nilason ni Pan ang isipan niya kaya hindi na ako sinusunod ni Logan. I am hoping na that you would help me to avenge your nephew pero wala ka pa lang kwenta.”Mahinang natawa si Aaron. “Then
“FINALLY!” Sigaw ni Dom nang matapos na ang 6 months contract nila ni Juancho sa Manhattan. “Pwede na rin tayong umuwi.”Tumingin siya sa gawi ni Juancho at nakita niya itong nagliligpit na ng gamit. “Saan ka? Uuwi ka na?”“Yes.” Walang kurap na sabi niya.“Bukas na tayo sa makalawa uuwi.”“I’ll go home now. Kung gusto mo pa magpabukas, it’s up to you.”Tumaas ang sulok ng labi ni Dom habang nakatitig sa kaibigan. Kita niya sa mata nito na excited na itong umuwi. Ilang buwan lang siyang nawalay kay Pan at Zahara, pero kung makaasta ay para bang ilang taon itong nawala.“Grabe ka talaga. Anong klase kang kaibigan at bigla mo na lang akong iniiwan dito?” Pagdadrama niya pero tinaasan lang siya ni Juancho ng daliri.Sumimangot siya pero hindi na siya nito pinansin pa.Matapos niyang maligpit ni Juancho ang gamit niya, agad na niyang tinawagan ang dad niya na uuwi na siya.“Papasundo kita.”“No need. I just called para malaman kung nasaan si Pan at Zahara ngayon.”“Kasama nila si Felicity
Binigyan ni Felicity si Pan ng tubig upang ito’y kumalma. Hindi na rin ito umiiyak ngayon. Ngumiti siya pagkatapos nitong maubos ang isang baso ng tubig.“S-Sasabihin mo ba ito kay Juancho?” naroon ang kaba sa boses ni Pan.“Hindi, kaya huwag kang mag-alala.” Sagot ni Felicity sa kaniya. “Pero pwede ko bang malaman bakit ka nagsinungaling sa kaniya?”Humawak si Pan ng mahigpit sa baso niya. Ramdam pa rin niya ang kaba niya pero hindi na gaya kanina.“Kailangan ko si tito Symon para sa anak ko.”Doon na napaayos ng upo si Felicity.“Mahina ang puso ni Zahara, kaya natatakot akong pa-operahan siya sa sakit niya maliban na lang kung magaling ang doctor na hahawak sa kaniya."“Kaya mo ba nilapitan si Juancho para mapalapit kay sir Symon?”Tumango si Pan. “Aksidente ang una naming pagkikita noong nakauwi siya ng Sicily. Alam mo naman siguro ang nakaraan namin ni Logan.. No’ng nahuli ko si Logan na may ginagawang kalokohan, doon ko nakita si Juancho muli pagkatapos ng walong taon. Iyon ang
Lumilipas ang oras habang hinihintay ni Felicity si Aaron na makarating sa isang café na napagkasunduan nila. Tatawagan na sana niya ito nang makita niyang pumasok ito sa entrance door. Agad na nagtiim bagang siya habang hinihintay niyang makalapit ito sa kaniya.“Anong ginawa mo?” diretsang tanong niya.“What do you mean?” kunot noong tanong ni Aaron. Bigla na lang siyang tinawagan ni Felicity kahapon na gusto nitong makipagkita sa kaniya.“Did you harass Pan?”“No.” Walang kurap na sagot ni Aaron. “Kung ano mang nangyayari sa kaniya ngayon, baka dahil sa hindi siya pinatulog ng sinabi ko.” Ngumisi si Aaron bagay na ikinataka ni Felicity.“Ano bang sinabi mo?”“That her child is actually mine.”Pagkasabi niya no’n, agad na nanlaki ang mata ni Felicity. “Ano? Nahihibang ka na ba?” Napatayo na siya at halos murahin na niya si Aaron sa pagmumukha.“I am serious. Have you seen her cousin?”Hindi siya nakasagot dahil hindi. Hindi naman niya kilala ang pamilya ni Pan maliban sa ina nitong
“Baby, are you okay?” tanong ni Juancho nang magkatawagan sila ni Pan. Pansin niya kasi na tila yatang puyat ito. Nagtataka tuloy siya kung may problema ba.“Huh? Ah oo, ayos lang ako.”“May problema ba kay Zahara? You seemed tired.”“Wala naman.” Sabi ni Pan. “Yeah, wala naman.” Ngumiti pa siya para lang ipakita kay Juancho na ayos lang talaga siya at wala itong dapat na ipag-alala.“Anong ginagawa ni Felicity diyan? Hindi ka ba niya tinutulungan? She’s really useless.”Napataas ang kilay ni Felicity sa kaniyang narinig. Hindi siya nakailag sa paratang ni Juancho sa kaniya. ‘Aba’t!’ Hindi masundan ni Felicity ang sasabihin ng biglang lumingon si Pan sa kaniya.Napilitan tuloy siyang ngumiti. ‘That punk! Siya ang useless!’ Pinagmumura nalang niya si Juancho sa isipan niya.“Uy Juancho, wag ka ngang ganyan sa kaibigan mo.” Nahihiyang sabi ni Pan. Hindi na nga siya makatingin sa mata ni Felicity.“Kung hindi naman niya nagagawa ang trabaho niya then she’s really useless. Look at yoursel