Do you think Symon is a bad guy?
UMALIS si Symon Bec para puntahan ang anak niya. Si Leila naman ay agad na sumunod. Hindi niya alam kung anong dahilan ni Symon para puntahan nito bigla si Juancho. Natatakot siyang may kinalaman ito kay Pan.Agad na nakarating si Symon sa condo ni Juancho. Pagdating niya sa parking lot, nagtuloy tuloy siya sa pagpasok sa loob. Maraming katanungan ang isipan niya, isa na doon ang tungkol sa bata.Pagdating niya sa unit ni Juancho, agad niyang pinindot ang doorbell sakto namang dumating si Leila.“Honey!”Napatingin si Symon sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Leila. “Anong ginagawa mo dito?”“Nag-alala kasi ako.. Bakit bigla mong naisipan dalawin si Juancho? May nangyari ba?” halata sa mukha niya ang kaba.Hindi na nakasagot si Symon dahil bumukas ang pinto at tumambad sa kanila si Juancho.“What are you doing here?” tanong ni Juancho na ang tingin ay nasa ama lang niya.“I saw you with a kid. Bakit hindi mo sinabi na may anak ka na?”Nagulat si Leila sa narinig niya. ‘Kid? Si Zaha
“Papa,” napatingin si Juancho kay Zahara. “Are you okay papa?”Tumango siya. Nasa sofa na siya, nakaupo habang iniisip ang nangyari sa kani-kanina lang. Agad niyang inangat ang mga kamay niya para iparating kay Zahara na lumapit siya.“Papa is okay. Bakit ka lumabas sa kwarto mo?”“Dahil may narinig po akong nasigaw sa labas papa. Who are they?”“Sorry sweetheart.. That’s nothing. May lasing lang sa labas kaya huwag kang lumabas ng condo ah? Dito ka lang sa loob kasama ni papa dahil mas safe ka dito.”Ngumiti si Zahara at tumango. “Papa, nasaan po si mama?” Naalala na naman ni Juancho ang asawa ng papa niya. Hindi niya alam paanong naging kamukha yun ni Pan. May hinala siya kung bakit pero ayaw niyan tanggapin.“Si mama? Ano… may work lang siya pero uuwi rin siya sa atin bukas o sa susunod na araw.”Biglang ngumuso si Zahara. “Papa, nag-away po ba kayo ni mama?”“Bakit mo naitanong?”“Kasi po papa, malungkot lagi si mama. Tapos po umiiyak siya lagi dahil po namimiss ka niya.. Hindi n
“Papa?!” agad nabitawan ni Juancho si Leila nang marinig ang boses ni Zahara.“Umalis ka na. Kahit anong gawin mo, hindi mo na kami mapaghihiwalay ni Pan. May anak na kami. At hindi siya Bec kaya paanong magiging magkapatid kami sa mata ng batas?” Ngumisi siya. “Well sa ngayon hindi pa. Pero pagdating ng araw oo. Magiging Bec siya, hindi dahil anak mo siya, iyon ay dahil sa magiging kasal namin.”Sinamaan siya ni Leila ng tingin. “Talaga bang ipapahamak mo si Pan? Sa tingin mo oras malaman ito ni Symon ay hindi siya magagalit? Isang kahihiyan ang gagawin niyo.”“Wala akong pakialam sa inyo. Kung mapapahiya kayo sa relasyon namin then karma niyo lang yan. Kayo ang unang nanakit sa amin kaya tadhana na ang gumagawa ng paraan para masira ang iniingatan niyong pangalan.” Naiinis siya at nagagalit na napaka-makasarili ng mga magulang nila. “Papa, nasaan ka?” nalalapit na ang boses ni Zahara sa kinaroroonan nila. “Gising na ang anak ko kaya umalis ka na.” Pagtataboy niya kay Leila. Tumal
“Kita mo na Juancho? Iyan ba ang babaeng gusto mong pakasalanan anak? Yang babaeng yan ay walang modo, bastos at hindi alam paano ako irespeto bilang ina mo.”“Ako ang bastos? Hindi ba ikaw ang dahilan bakit kami nagkakalabuan ni Juancho ngayon? Ang sabihin mo bini-brainwash mo siya.”“Tama na Pan,” mahinahong sabi ni Juancho.“Anong tama na Juancho? Mali e. Yang ina mo, malaki ang galit sa akin. Sana nga hindi mo na yan tinanggap ulit e dahil wala yang kwenta.”“PANASREE SOLIEL!” Sigaw ni Juancho kaya natigilan si Pan at napatingin sa kaniya. “Ina ko pa rin ang binabastos mo.”Nakagat ni Pan ang labi niya. 2 weeks siyang tulala at walang gana dahil hindi niya makausap si Juancho. Tapos malalaman niya doon sa Manhattan na may taong nasa likod ng kaguluhan nila. At ngayon, galit pa si Juancho sa kaniya. “Juancho naman, sino namang gagawa ng gulo para magkalabuan tayo? Siya lang naman kasi-"“SABING TAMA NA!”Napatalon si Pan sa gulat. Si Julia naman ay nginisihan si Pan ng palihim. “N
Naging maayos naman ang kalagayan ni Zahara. Nang magising ito, agad niyang hinanap si Pan.“Are you okay anak? May masakit ba sayo?”Naging malungkot ang mukha niya nang hindi niya makita si Juancho. “A-Ayaw na po ba ni papa sa atin mama dahil po may sakit po ako? Ayaw niya ba sa mga batang may sakit?”Narinig ni Juancho yun. Imbes pipihitin na niya ang doorknob para mabuksan, hindi na niya nagawa dahil sa boses ng anak niya. “H-Hindi yan totoo, anak. Mahal ka pa rin ni papa. Nabigla lang siya na may sakit ka kasi hindi pa sinabi ni mama sa kaniya.”Agad na isinandal ni Zahara ang ulo niya sa dibdib ni Pan. “Alam mo mama, ang pinakamasayang araw sa buhay ko ay yung nakilala ko si papa kasi hindi na ako naiinggit sa ibang mga bata na may papa sila.”Napatakip si Pan sa bibig niya dahil naiiyak siya. “Kahapon mama, si papa, inalagaan niya ako ng mabuti. Pinakain niya ako at nanonood kami ng movie. Gusto ko ng ganoon.”Si Juancho na nakikinig ay agad na naluha sa labas ng pinto.“Kung
PALIPAT LIPAT NG HOSPITAL si Pan at Juancho. Marami na silang doctor na pinuntahan para sa kondisyon ni Zahara at ang doctor na nirefer ng lahat ay si Symon Bec.Critical ang kalagayan ni Zahara kaya takot ang ibang doctor na siyang mag-opera sa bata. Mahina kasi ang puso nito kaya yung survival rate niya sa kaniyang operation para sa sakit na Leukemia ay mababa.Kung may doctor man na nakakagawa ng himala, iyon na ang ama ni Juancho.Napapikit si Juancho at galit na hinampas ang manubela ng sasakyan niya. Nag-aalala si Pan sa tabi niya. Hindi niya alam kung paano dadamayan si Juancho.He refused to acknowledge his dad as the best doctor. Para sa kaniya, ito ang worst doctor na nakilala niya. Ang mas malala pa, mamamatay tao ito sa paningin niya.“Juancho-"“Hindi. Maglibot pa tayo. Marami pang mga underrated doctor dito na magagaling.”“Juancho, magpahinga na tayo. Bukas na natin ito ituloy.”Tumingin si Juancho sa kaniya. “Pan, hindi ka naman naniniwala sa kanila hindi ba? Symon Bec
--FLASHBACK--Juancho’s life has changed. Ang dating bahay nila na puno ng kasiyahan kasama ng mga kapatid niya ay nagbago.Palaging babad ang papa niya sa trabaho habang ang mga kapatid niya at mama niya ay doon na tumira sa bahay ni Logan kaya naging mag-isa na lang siya sa tahimik na bahay nila hanggang sa dumating ang punto na ayaw na rin niyang umuwi.“Anong iniisip mo?” tanong ni Pan.Kumunot ang noo niya nang makita niya itong nagbibihis na ng damit ito. “Oo kasi baka hinahanap na ako sa amin.”“We were doing this for 5 months. Hindi mo pa rin ba ibibigay sa akin ang pangalan mo?”Alam niya na ang totoong pangalan nito. Panasree Soliel D. Salvi ang buong pangalan ng babaeng kafubu niya, dahil nakita niya ng palihim ang school ID nito pero gusto pa rin niyang marinig ang buong pangalan ni Pan mula sa mismong labi nito.“Hindi pwede. Baka mamaya mainlove ka sa akin.” Nakangising saad nito.Ngumiti si Juancho. Kung wala si Pan ay baka nasiraan na siya ng bait sa problema ng pamily
--FLASHBACK--Tumalikod nalang si Juancho. Hindi niya kayang harapin ang kapatid niya dahil nagtatampo pa rin siya na iniwan siya mag-isa sa bahay nila.“Juancho!” Pagtawag ni Logan. “We’re still best friends, right?”Hindi siya sumagot. Hindi niya alam kung saan niya isisisi ang lahat ng nangyayari sa buhay niya. Pakiramdam niya ay napag-iwanan siya.Pero hindi siya sinukuan ni Zack. After school, lagi siyang hinihintay nito sa labas ng skwelahan nila para lang iparamdam sa kaniya na hindi siya iniwan. Na narito pa rin ito para damayan siya.“Bakit nandito ka na naman kuya? I heard magdi-divorce na si mama at papa, hindi ba dapat magfocus ka sa bagong pamilya mo?” ang sabi ni Juancho.Nawalan na siya ng pag-asa na magkakabalikan ang mga magulang niya dahil ayaw ng bumalik ng mama niya sa papa niya.“I don’t care about them. Nandito ako dahil gusto kitang makasabay sa dinner mamaya.”“Aren’t you happy? Hindi ka na magiging bastardo. Nakilala mo na ang totoo mong papa.”Puno ng sakit an
“Doc, hinahanap po kayo ng anak ninyo.” Ang sabi ng nurse kay Symon. Kumunot naman ang noo niya lalo’t hindi niya alam kung anong dahilan at biglang napabisita si Juancho sa kaniya.“Papasukin mo sa office ko.”“Side po doc.”Umalis ang nurse at agad na tinawag si Juancho. Nang pumasok ito, nagulat si Symon nang makita ang mukha nito.Yung mukha niya ay parang namatayan na hindi niya matukoy. Na tila yata pasan niya ang problema ng buong mundo.“Anong nangyari? Bakit ganiyan ang itsura mo?”May nilapag na pictures si Juancho sa table ni Symon at agad na nanlaki ang mata niya nang makita niya yun lahat. Yung ang pictures ni Pan na kasama si Aaron sa hospital.“Sino ang lalaking yan? Pasyente niyo ba yan dito?”“No. Who gave this to you?” patukoy ni Symon sa mga larawan.“Lorciano.”Kumuyom ang kamao niya.“What? Kailan kayo ng nag-usap?” namilog ang mata ni Symon. “Do you believe him? Mukhang ginagawa niya lang ito para bilugin ang ulo mo. Don’t trust him! Matindi ang galit niya kay Pa
Ramdam ni Pan ang paninitig ni Juancho sa kaniya sa hapagkainan. Kapag tinitignan niya ito, bigla na lang siya nitong ngingitian kaya tuloy e nagtataka siya kung bakit."How's the food?" he asked."Ayos lang naman." Sagot niya at kumain muli."Hindi mo ba gusto ang food, papa?" tanong naman ni Zahara."Papa likes the food." Sabi niya at napilitang kumain.Tumingin si Pan sa kinakain niya at sumubo na lang ulit. Pumasok sa isipan niya ang pinag-usapan nila ni Aaron kanina. 'Hangga't walang inaamin si Aaron, walang makukuha si Lorciano laban sa akin.' Sabi niya sa kaniyang isipan at pinilit na pinakalma ang sarili."Is there something wrong baby?" mahinahong tanong ni Juancho."Huh?""Namutla ka na lang bigla. May problema ka ba?""W-Wala.. Wala akong problema, Juancho." Saad niya at kumain uli."Are you sure?" kumunot ang noo nito. Tumango siya at ngumiti. Tumango na lang si Juancho kahit na gusto niyang itanong kung sino yung lalaking kasama ni Pan sa larawan. Pagkatapos nilang kuma
Pagkagising ni Pan, wala na sa tabi niya si Juancho at Zahara. Napipilitan siyang tumayo at lumabas para tignan ang sala.Nang mapadungaw siya sa ibaba, nakita niya ang dalawa na nakasalampak sa sahig habang nagbubukas ng luggage si Juancho. Si Zahara sa tabi ay nakikigulo sa papa niya. Naghikab siya at pumasok uli sa loob ng kwarto para makaligo. Inaantok pa siya pero dahil gising na ang dalawa, wala siyang choice kun'di ang maligo na lang. Napatingin siya sa orasan nakita niyang alas singko pa lang ng umaga. Pumasok siya ng banyo pagkatapos niyang maghubad ng damit. Tinignan niya ang buong katawan niya at huminga ng malalim ng makitang nag-iwan si Juancho nang maraming red marks."Mukhang nanggigil nga siya kagabi." Mahinang usal niya. Tapos napatingin siya sa tiyan niya. "Kailangan ko na sigurong ipaalam na buntis ako. Baka mamaya e mapasobra siya at mapano pa si baby. Pero, dapat e magpunta muna ako ng hospital." Pagkatapos niyang magmuni-muni ay agad siyang pumailalim sa show
Kinagabihan, halos hindi na makalapit si Felicity kay Pan dahil laging pinipigilan ni Juancho. Kahit ang pagtabi sa hapag ay bawal na rin.“Juancho, kay Felicity na ako tatabi.” Sabi ni Pan dahil si Felicity lang mag-isa sa kanang bahagi ng mesa. “Bakit sa kaniya pa? I just came home. Sa tabi lang kita dapat.”Kumunot ang noo ni Felicity. “Pan wanted to sit next to me.”“No. I said, she’ll sit next to me. Kung ayaw mo, umalis ka.”“JUANCHO!” Sabi ni Pan dahil hindi niya aakalaing gaganunin ni Juancho si Felicity.“She’s my friend.” Giit ni Felicity. “She’s my baby.” Sagot naman ni Juancho. Napanganga si Felicity sa kaniyang narinig. Sobrang possessive ni Juancho at ngayon lang niya nasaksihan ito. Kaya pala no’ng mga pagpaparamdam niya noong una sa Manhattan ay walang epekto dahil hindi man lang kailanman tinamaan si Juancho sa alindog niya.“Nag-aaway ba kayo papa, tita?” inosenteng tanong ni Zahara habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.Natahimik ang dalawa kaya si Pan ay aga
“Just go home dahil wala kang makukuha sa akin.” Mariing sabi ni Aaron kay Lorciano.Kumuyom ang kamao ni Lorciano. Alam niyang hindi sila maayos ni Aaron, pero inakala niyang tutulungan siya nito oras banggitin niya si Logan.“Kung sabagay, wala ka namang pakialam sa pamangkin mo. Hindi na dapat ako magtaka kung mas kakampihan mo ang babaeng yun. I wonder kung anong binigay niya sayo para pagtakpan mo ang meron sa inyo.”Agad na tumalim ang mga mata ni Aaron. “Hindi ako kagaya mo na mas masahol pa sa hayop. Kung hindi ko man magawang lapitan si Logan yun ay dahil kontrolado mo ang utak ng pamangkin ko. Sa tingin mo ba, hindi namin sinubukan na mapalapit sa kaniya?”Ngumisi si Lorciano. “Kontrolado? Kung kontrolado ko lang sana talaga ang utak niya ay hindi na sana ako mahihirapan pa gaya ngayon. Nilason ni Pan ang isipan niya kaya hindi na ako sinusunod ni Logan. I am hoping na that you would help me to avenge your nephew pero wala ka pa lang kwenta.”Mahinang natawa si Aaron. “Then
“FINALLY!” Sigaw ni Dom nang matapos na ang 6 months contract nila ni Juancho sa Manhattan. “Pwede na rin tayong umuwi.”Tumingin siya sa gawi ni Juancho at nakita niya itong nagliligpit na ng gamit. “Saan ka? Uuwi ka na?”“Yes.” Walang kurap na sabi niya.“Bukas na tayo sa makalawa uuwi.”“I’ll go home now. Kung gusto mo pa magpabukas, it’s up to you.”Tumaas ang sulok ng labi ni Dom habang nakatitig sa kaibigan. Kita niya sa mata nito na excited na itong umuwi. Ilang buwan lang siyang nawalay kay Pan at Zahara, pero kung makaasta ay para bang ilang taon itong nawala.“Grabe ka talaga. Anong klase kang kaibigan at bigla mo na lang akong iniiwan dito?” Pagdadrama niya pero tinaasan lang siya ni Juancho ng daliri.Sumimangot siya pero hindi na siya nito pinansin pa.Matapos niyang maligpit ni Juancho ang gamit niya, agad na niyang tinawagan ang dad niya na uuwi na siya.“Papasundo kita.”“No need. I just called para malaman kung nasaan si Pan at Zahara ngayon.”“Kasama nila si Felicity
Binigyan ni Felicity si Pan ng tubig upang ito’y kumalma. Hindi na rin ito umiiyak ngayon. Ngumiti siya pagkatapos nitong maubos ang isang baso ng tubig.“S-Sasabihin mo ba ito kay Juancho?” naroon ang kaba sa boses ni Pan.“Hindi, kaya huwag kang mag-alala.” Sagot ni Felicity sa kaniya. “Pero pwede ko bang malaman bakit ka nagsinungaling sa kaniya?”Humawak si Pan ng mahigpit sa baso niya. Ramdam pa rin niya ang kaba niya pero hindi na gaya kanina.“Kailangan ko si tito Symon para sa anak ko.”Doon na napaayos ng upo si Felicity.“Mahina ang puso ni Zahara, kaya natatakot akong pa-operahan siya sa sakit niya maliban na lang kung magaling ang doctor na hahawak sa kaniya."“Kaya mo ba nilapitan si Juancho para mapalapit kay sir Symon?”Tumango si Pan. “Aksidente ang una naming pagkikita noong nakauwi siya ng Sicily. Alam mo naman siguro ang nakaraan namin ni Logan.. No’ng nahuli ko si Logan na may ginagawang kalokohan, doon ko nakita si Juancho muli pagkatapos ng walong taon. Iyon ang
Lumilipas ang oras habang hinihintay ni Felicity si Aaron na makarating sa isang café na napagkasunduan nila. Tatawagan na sana niya ito nang makita niyang pumasok ito sa entrance door. Agad na nagtiim bagang siya habang hinihintay niyang makalapit ito sa kaniya.“Anong ginawa mo?” diretsang tanong niya.“What do you mean?” kunot noong tanong ni Aaron. Bigla na lang siyang tinawagan ni Felicity kahapon na gusto nitong makipagkita sa kaniya.“Did you harass Pan?”“No.” Walang kurap na sagot ni Aaron. “Kung ano mang nangyayari sa kaniya ngayon, baka dahil sa hindi siya pinatulog ng sinabi ko.” Ngumisi si Aaron bagay na ikinataka ni Felicity.“Ano bang sinabi mo?”“That her child is actually mine.”Pagkasabi niya no’n, agad na nanlaki ang mata ni Felicity. “Ano? Nahihibang ka na ba?” Napatayo na siya at halos murahin na niya si Aaron sa pagmumukha.“I am serious. Have you seen her cousin?”Hindi siya nakasagot dahil hindi. Hindi naman niya kilala ang pamilya ni Pan maliban sa ina nitong
“Baby, are you okay?” tanong ni Juancho nang magkatawagan sila ni Pan. Pansin niya kasi na tila yatang puyat ito. Nagtataka tuloy siya kung may problema ba.“Huh? Ah oo, ayos lang ako.”“May problema ba kay Zahara? You seemed tired.”“Wala naman.” Sabi ni Pan. “Yeah, wala naman.” Ngumiti pa siya para lang ipakita kay Juancho na ayos lang talaga siya at wala itong dapat na ipag-alala.“Anong ginagawa ni Felicity diyan? Hindi ka ba niya tinutulungan? She’s really useless.”Napataas ang kilay ni Felicity sa kaniyang narinig. Hindi siya nakailag sa paratang ni Juancho sa kaniya. ‘Aba’t!’ Hindi masundan ni Felicity ang sasabihin ng biglang lumingon si Pan sa kaniya.Napilitan tuloy siyang ngumiti. ‘That punk! Siya ang useless!’ Pinagmumura nalang niya si Juancho sa isipan niya.“Uy Juancho, wag ka ngang ganyan sa kaibigan mo.” Nahihiyang sabi ni Pan. Hindi na nga siya makatingin sa mata ni Felicity.“Kung hindi naman niya nagagawa ang trabaho niya then she’s really useless. Look at yoursel