Hiiii guys. Balik na po ako ulit sa maraming update. Hindi na po ako anxious. Kaya po 1 or 2 updates ako mula Dec 1 dahil po sa kaba ko. Approaching po kasi ang result ng board examination namin. And guess what po, I PASSEEEEEED! LPT na po inyong Ms. Aaaaaaaaa. Magiging peaceful na aking mind at maka focus na ako sa pagsusulat. Hahahaha. Super happy po ako. Yun rin reason wala ako UD kahapon. Maghapon po ako naghihintay ng results. Hahahahaha.
“Juancho’s friend?” that statement echoed in Pan’s head. Hindi niya alam na may kaibigang babae pala si Juancho doon sa Sicily.“Oo. You’re Pan right at si Zahara, ang anak niyo?”Tumango si Pan. Tinitigan niya ang mukha ni Felicity at nakita niya kung gaano ito kaganda. Sa sobrang ganda, pakiramdam niya ay naiinsecure siya dahil may maganda palang babae na nakasama si Juancho doon sa Sicily.At wala man lang itong nabanggit sa kaniya.“W-Wala si Juancho ngayon. N-Nasa airport na yata siya papuntang Manhattan, nagta-trabaho.”“I know. He said to me na pumunta dito para samahan kayo hanggang wala pa siya.”Kumunot ang noo niya. “At bakit naman niya gagawin yun? Ganoon ba talaga kayo ka-close?”“Oo, close kami. But don’t worry, ikaw naman ang gusto niya. Are you jealous?”Agad na umiling si Pan. “P-Pasensya na. Hindi ko kasi alam na may kaibigan siya doon sa Sicily. T-Tatanungin ko na lang mamaya si Juancho kapag nakatawag na siya.”“Okay..”Napansin ni Felicity ang mga sugat ni Pan sa
Pagewang-gewang sa paglalakad si Pan tangay ang isang gin na hawak niya. Hindi maawat ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.Ilang beses na niyang nahuli si Logan na may inaatupag na ibang babae. Ilang ulit na siyang nagpatawad, ilang ulit na siyang niloko. Sawa na siya, pagod na siya. At ngayon, sa kaarawan niya, susurpresahin niya sana ito, pero siya ang nasurpresa.Pagkaalis niya sa bar, pumasok siya sa isang sasakyan na hindi niya alam kanino.Sa unahan, may isang lalaki doon na walang buhay na nakatingin sa kaniya mula sa salamin. Maputi ang balat at matangos ang ilong. Ngunit kahit gaano pa kagwapo ang binata, ito’y nakakatakot dahil sa mga mata niyang kung titigan ka ay para bang hinuhusgahan na ang pagkatao mo.Nang mapatingin si Pan sa kaniya, agad na ngumiti si Pan kahit na patuloy na umiiyak."Logan! There you are!" Lasing na aniya at humagikgik. “Bakit nakipaghaIikan ka doon sa sinabi mong kaibigan mo lang? Akala ko ba babe ay kaibigan mo lang? Bakit nakalabas na ang di
Isang make-up artist si Pan. Tumatanggap rin siya ng raket kapag tungkol sa photoshoot ang request ng kliyente sa kaniya. Wala siyang inuurungan lalo na’t kailangan niya ng pera para pangchemotherapy sa adoptive daughter niya na iniwan lang sa kaniya ng kaniyang pinsan at hindi na binalikan.Pagkagising niya kaninang umaga, wala na si Juancho sa tabi niya ngunit nag-iwan ito ng note sa table na, “umalis ka agad kasama ng mga basura mo.”Napabuntong hininga siya at nasaktan ng konti nang mabasa ang basura. Pakiramdam niya ay siya talaga ang tinutukoy ni Juancho na basura.Nasa skwelahan siya ngayon dahil siya ang make-up artist ng mga senior high students para sa kanilang pictorial sa nalalapit na Graduation day.“Pan, nabalitaan mo na ba? Narito na raw si Juancho sa Pinas.” Napatingin si Pan sa kaibigan niyang si Bobby. Ang photographer sa pictorial.“T-Talaga?” medyo nautal siya.“Oo. May nakakita raw sa kaniya kahapon sa birthday ng boyfriend mo. Teka, bakit wala ka sa birthday ni L
Sumakay si Pan sa kotse ni Juancho. Agad na pinaandar ni Juancho ang sasakyan paalis kaya napatingin si Pan sa kaniya.“Saan tayo pupunta?”“Scared?”Tumikhim si Pan at umiling. “Nagtatanong lang.”Tumingin si Pan sa labas ng bintana. Hindi lang halata ngunit sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Maya-maya pa, nakita niyang dinala siya ni Juancho sa condo nito. Nanlaki ang mata niya at napatingin sa gawi ng binata.Kinakabahan siyang nagtanong. “Bakit tayo nandito?”“Nagpunta ka rin naman dito kahapon, Limot mo na?”“Oo pero alam mo na may nangyari sa atin.”Tumitig si Juancho sa mga mata niya dahilan kung bakit natigilan si Pan. Nagtaas baba na rin ang dibdib niya, tanda na kabado siya.Nang itigil ni Juancho ang sasakyan, hinubad niya ang kaniyang seatbelt at agad na lumapit kay Pan kaya si Pan ay napasandal sa kaniyang inupuan, nanlalaki ang mata at magkasunod na lumunok.Hinawakan ni Juancho ang pisngi niya at ngumisi. “Bakit parang takot ka ngayon samantalang ang lakas ng loob m
Malalaki ang hakbang ni Logan na lumapit sa kaniya at hinablot ang kamay niya. “Anong ginagawa mo sa kotse ni Juancho?”“Paki mo?”“PAN!”“Ano ba Logan? Hindi ba sabi ko break na tayo? Kaya pwede ba huwag mo na akong pakialaman?”Umalis siya at hindi nagpapigil kahit na ilang beses pa siyang tinawag ni Logan.Umuwi si Pan sa bahay nila. Gabi na at ang gising na lang ay ang lola niya. “Pan, ginabi ka ata? Sabi ni Zahara umuwi ka kanina.”Hindi masabi ni Pan kung saan siya nagpunta sa lola Iseng niya. “May raket po kasi la kaya umalis po ako agad. Si Zahara po?”“Tulog na kanina. Umiyak yun kanina dahil sumasakit na naman ang likod niya.”Nag-alala si Pan. “La, tinawagan niyo sana ako. Kamusta na siya?”“Nakatulog na. Nawala rin naman agad ang sakit.”Napaupo si Pan sa sofa at napahilamos sa mukha niya. Kailangan niya ng malaking halaga para sa bone marrow transplant ng anak. Pero paano niya yun gagawin kung nauubos na ang kinikita niya sa gamot pa lang ni Zahara.Idagdag pa na kailanga
Agad na hinablot ni Juancho ang kamay niya at kinaladkad ito papuntang empty room na siyang naging tambayan nila pansamantala.Agad na nilock ni Juancho ang pinto ng classroom at agad na hinawakan ang panga ni Pan habang isinandal ito sa pader. Sinagad ang pasensya niya at sagad na sagad na talaga siya."Talaga bang hindi ka titigil?"Ang totoo ay kinakabahan si Pan pero pilit niyang pinapakita na hindi siya kinakabahan."Seryoso ako sa offer ko sa'yo Juancho. Katawan ko, kapalit ang pera mo."Puno ng pagnanasa ang mga mata ni Juancho habang nakatingin sa kaniya. Ngunit maliban sa pagnanasa na yun, naroon rin ang dismaya at galit.Hindi maintindihan ni Pan kung bakit galit si Juancho sa kaniya. Wala naman siyang ibang ginawang mali kun'di ang pumayag lang na may mangyari sa kanilang dalawa."Bakit sa akin? Bakit hindi kay Logan? Anong gusto mong mangyari? Pag-awayin kami?"Kahit hindi tunay na magkapatid si Logan at Juancho, tinuring nila ang isa't-isa na magkapatid dahil magkaibigan
Nahiya si Pan. Madami ngang nagsasabi na nakakagutom raw ang pangalan niya. Pero wala na dito ang pokus niya. Nasa kay Juancho na, na galit na nakatingin sa kaniya."J-Juancho, pwedeng makisabay sa pag-uwi?" ngumiti siya at ginamit pa niya ang mapang-akit na boses niya.Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila. Kahit si Dom na panay ang tawa ay natahimik. Napatingin siya kay Juancho na walang buhay na nakatingin kay Pan.Kahit sinong makakita sa expression ng binata, ay siguradong kikilabutan."Ah, b-babe.. Kilala mo ba siya?" ang tanong ni Lianne.Nakatitig lang si Pan sa mukha ni Juancho. Wala na siyang pakialam kung anong iniisip ng iba sa kaniya. Desidido na siya na gagawin niya ang lahat para lang lumambot ang puso ni Juancho sa kaniya."Juancho and I are-""Isa lamang siya sa mga babaeng naghahabol sa akin dahil sa pera."Nanlaki ang mata ni Pan nang marinig yun. Alam niyang totoo yun, pero hindi niya aakalain na sasabihin ni Juancho yun sa kaniya na may ibang taong nakarinig. Aam
Pagdating ni Pan sa Shantara Resto, nagmamadali siyang pumasok. Kung bagong babae ang kasama ni Juancho, talagang aagawin niya ito. Gagawin niya ang lahat maagaw niya lang ito.“Pan!” tinawag siya ni Bobby pero hindi niya ito narinig. Nagtuloy tuloy ito sa paglalakad lalo na nang makita niya si Juancho na nakaupo habang may kausap na babae.Napahinto siya nang makita kung gaano kaaliwalas ang mukha ng binata habang nakikipag-usap sa iba. Samantalang siya ay halos isumpa siya nito.Kumuyom ang kamay niya. ‘Ano bang pinagkaiba namin?’ natanong niya sa sarili niya. ‘Bakit ganyan siya makipag-usap sa bagong kafubu niya? Bakit sa akin hindi?’“Pan!” Tawag ulit ni Bobby na gusto sanang tumayo pero hindi niya magawa dahil sa mga kliyente niya na nasa harapan.Taas noong naglakad si Pan papunta sa gawi ni Juancho.“Juancho!” Tawag niya kaya lahat nang naroon sa table ay napalingon sa kaniya. Ngumiti si Pan ng pagkalaki laki na para bang alam niya ang ginagawa niya.Kita niya ang panlalaki ng m
“Juancho’s friend?” that statement echoed in Pan’s head. Hindi niya alam na may kaibigang babae pala si Juancho doon sa Sicily.“Oo. You’re Pan right at si Zahara, ang anak niyo?”Tumango si Pan. Tinitigan niya ang mukha ni Felicity at nakita niya kung gaano ito kaganda. Sa sobrang ganda, pakiramdam niya ay naiinsecure siya dahil may maganda palang babae na nakasama si Juancho doon sa Sicily.At wala man lang itong nabanggit sa kaniya.“W-Wala si Juancho ngayon. N-Nasa airport na yata siya papuntang Manhattan, nagta-trabaho.”“I know. He said to me na pumunta dito para samahan kayo hanggang wala pa siya.”Kumunot ang noo niya. “At bakit naman niya gagawin yun? Ganoon ba talaga kayo ka-close?”“Oo, close kami. But don’t worry, ikaw naman ang gusto niya. Are you jealous?”Agad na umiling si Pan. “P-Pasensya na. Hindi ko kasi alam na may kaibigan siya doon sa Sicily. T-Tatanungin ko na lang mamaya si Juancho kapag nakatawag na siya.”“Okay..”Napansin ni Felicity ang mga sugat ni Pan sa
“JULIA! NABABALIW KA NA BA?” Hindi na nakapagpigil si Symon. Sinigawan niya na si Julia, ang ex-wife niya. Hindi niya kayang pabayaan na pinagsasalitaan nito ng masasama si Pan.“Baliw? Ako pa ang nababaliw? Ang babaeng pinoprotektahan mo ang baliw. Bakit hinahayaan mo siyang makalapit kay Juancho? Gold digger ang babaeng yan!”Malalaki ang hakbang na lumapit siya kay Julia at agad niyang hinablot ang braso nito at kinaladkad palayo kay Pan. Pinagtitinginan tuloy sila ng maraming tao.Paglabas nila, agad niyang itinulak si Julia kaya muntik na itong matumba. Agad niya itong dinuro. “Hindi ko alam kung anong ginawa ni Pan sa anak-anakan mo, pero hindi ako makakapayag na saktan mo siya sa walang katuturang bagay!”“Walang katuturan? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ex-girlfriend siya ni Logan pero iniwan niya ang anak ko at si Juancho naman ngayon ang kinanti niya. Isa siyang gold digger!! Anong klase kang ama at hinahayaan mo ang linta na yun na huthutan si Juancho ng pera?”“JULIA!”
Napaupo si Leon matapos siyang itulak ni Juancho sa pader. Nasa labas sila ng hospital at paalis na sana siya para pumunta ng airport ng makasalubong niya ito.“Stop hoping na magkakaroon ng kayo. Wala ka ng pag-asa kay Pan. Bakit ka pa nagpunta dito?” Ang sabi ni Juancho. “Do you think hindi ko malalaman na naging accessory ka sa plano ni Leila para paghiwalayin kami?”Sinamaan niya ng tingin si Juancho. “Hindi ko gusto ang saktan si Pan. Totoo ang pinapakita ko sa kaniya.”“Totoong ano? Totoong may nararamdaman ka sa kaniya? Pwede ba gumising ka? Hindi mo siya makukuha sa akin.”“Hindi ikaw ang magdidisisyon diyan. Hindi pa kayo kasal-" kwinelyuhan siya ni Juancho.“Subukan mo kong gaguhin Leon at hindi ako mangingimi na gantihan ka. Pan is mine. May anak na kami kaya tigilan mo na siya.”Nagpunta si Leon ng hospital without any ill intention. Gusto lang niyang bisitahin si Pan at Zahara. Hindi niya inaasahan na makakasalubong niya pala si Juancho.“Hindi siya sayo. Binawi mo lang s
--After a month—Babalik si Juancho sa Manhattan para balikan ang trabaho na pansamantala niyang iniwan. Bahay at hospital lang ang naging buhay nila ni Pan sa isang buwan hanggang sa magising ang anak nila.“Babalik si papa dito, okay? Pero palaging tatawag si papa sa inyo ni mama kaya dapat kausapin mo si papa lagi ah?” madamdaming sabi ni Juancho kay Zahara.Ngumiti si Zahara sa kaniya. “Opo papa.. Balik po kayo agad ah?” bagama’t mahina ang boses ay klarong klaro pa rin naman ang kaniyang sinabi.“Oo naman. Babalik si papa agad. Malapit na rin naman matapos ang trabaho ko doon at hindi na muna ako kukuha ng work abroad. Dahil magaling ka na sa sakit mo, gawin natin ang mga gusto mong gawin pag-uwi ko.”Tumango si Zahara. HinaIikan ni Juancho ang noo niya. “Papa will miss you my princess. Kumain ka ng maraming gulay saka prutas ah? Tapos laging makikinig kay mama..” Klaro sa mukha ni Juancho na ayaw niya umalis.“Opo papa. Excited na rin po akong lumabas ng hospital. A-Ayoko na mag
Naging successful ang operation ni Zahara. Labis na nakahinga ng maluwag si Juancho at Pan dahil doon.Hindi na rin matapos-tapos ang pasasalamat ni Pan kay Symon Bec—ang ama ni Juancho.“Hindi ko kailangan ng pera bilang pambayad sa operasyon sa apo ko, hija.” Ang sabi ni Symon. “Ang gusto ko ay maging parte ng buhay niya. Gusto kong makilala niya ako bilang lolo niya at gusto ko siyang makasama kahit galit sa akin ang ama niya.”Naitikom ni Pan ang labi niya. Alam niyang wala siya sa position para humindi sa kagustuhan ni Symon dahil ito ang nagligtas ng buhay niya. Pero hindi pa niya nakakausap si Juancho tungkol sa request nito. “Pwede ko po bang makausap si Juancho tungkol dito?”“Sige… Sana ay may makuha akong sagot sa lalong madaling panahon. Magkikita pa naman tayo mamaya dahil kailangan kong tignan ang kalagayan ni Zahara from time to time.”Nang makaalis si Symon, agad na pumasok si Pan sa kwarto ni Zahara at nakita niya si Juancho doon na emotional habang nakatingin sa anak
NEVER IN JUANCHO’S LIFE that he imagined na darating ang oras na siya mismo ang tatakbo sa opisina ng ama niya, umiiyak at magmakaawa na gamutin si Zahara.Ang pawis ay tumutulo mula sa kaniyang noo at halata sa mukha ang kaba at takot na kailanman ay hindi pa niya naranasan.He hated his father for killing his older brother, and yet, here he is, kneeling his knees while begging.“Pa… help my daughter… She’s in danger…” umiiyak na sabi niya.Gulat na gulat si Symon dahil hindi niya inakala na luluhod ang anak niya sa kaniya, umiiyak habang nakikiusap na tulungan ang anak niya.Nabitawan pa niya ang ballpen na hawak niya. Nakita niya ang kondisyon ni Zahara at alam niya oras ang kalaban nila.Wala na siyang sinayang na oras. Tumakbo na siya sa OR kung nasaan ang apo niya at naabutan niya doon si Pan na umiiyak.Natigilan na naman siya dahil hindi siya sanay makita ang mukha ng asawa niya sa batang si Pan.Lumuhod ito at umiiyak. “Doc, t-tulungan mo ang anak ko.. Kahit po magkano, magba
“H-Huh?” napaatras si Leila at biglang natakot sa narinig. “Anak? W-Wala akong an…”“May babae akong nakita na kasama ni Juancho kanina. Kamukha mo siya, kamukhang kamukha mo na unang tingin ko akala ko ay ikaw.”Namutla si Leila. Agad siyang kinabahan at parang nablanko na ang utak niya. “M-Magpapaliwanag ako Sy-"“Alam mong hindi kita papakasalan hindi ba kung may anak kayo ng dati mong asawa?”Naiyak siya at agad na napatakip sa bibig niya. “Kaya mo ba itinago ang anak mo dahil doon?”“Symon, I’m sorry…” umiiyak na sabi niya.Umatras si Symon kaya nabitawan ni Leila ang kamay niya. Betrayal, sadness and guilt ay makikita na sa mukha nito.“May sinira ba akong pamilya Leila?” hindi makapaniwalang tanong ni Symon.“Symon, no…” umiiyak na sabi niya. “Nagkakalabuan na kami ni Anton no’ng magkakilala tayo.”“So kayo pa nga no’ng naging tayo at may anak kayo? Iniwan mo ang anak mo at sumama sa akin?”Napaupo si Symon sa sofa at napahilamos ng mukha niya. “A-Alam mo ba kung bakit ayaw ko
“Kilala mo siya papa?” tanong ni Zahara.‘Papa?’ tanong ni Symon sa isipan niya. ‘Kung ganoon, ang batang yan ang apo ko?’ aniya at napatingin muli kay Zahara.“Juancho, I-"“Anong ginagawa mo? Nandito ka ba para sundan ako?” nalukot ang mukha ni Juancho, halatang iritado na nakita niya ang ama niya sa malayong hospital na pinuntahan nila.“What? No. Hindi ko alam na nandito ka. I’m here for work.”“Kung ganoon, huwag mo na lang kaming pansinin.” Binuhat ni Juancho si Zahara at handa ng umalis pero hindi sila kayang hayaan ni Symon na makaalis na hindi man lang nakikilala ang apo niya. After all, he was looking forward to meet his granddaughter.“Teka, siya ba ang anak mo? Apo ko ba siya?”Binalingan siya ng masamang tingin ni Juancho. “Huwag mo ng pakialaman ang pamilya ko. Bakit hindi ka magfocus sa asawa mo?”Dumaan ang sakit sa mata ni Symon. Hindi niya maintindihan ang saya na nararamdaman niya na nakita niya rin sa wakas ang apo na inaasam niyang makita. Ngunit malungkot din siy
“Bakit interesado ka kung anong koneksyon ng bata sa mga Salvi? Magagalit ka ba kung ang ina ng batang yun ay galing sa pamilya ng dati kong asawa?” curious na tanong ni Leila.Napahawak si Symon sa baba niya. “Hindi naman. Hindi naman nila tayo ginugulo saka galing na sayo mismo na trinato ka ng tama ng in laws mo so I guess, they were kind.”“Kung ganoon, ayos lang sayo na isang Salvi ang girlfriend ni Juancho?”“Siguro. Bakit? Kilala mo ba kung sino?”“H-Hindi pa pero itatanong ko k-kung makapunta ako ulit sa bahay ni mama.”“Huwag ka ng bumalik doon.” Ang sabi ni Symon. “I’m sure magkikita kami ni Juancho. Makikilala ko rin itong girlfriend niya at ang apo ko.”Nagbaba ng tingin si Leila. Alam na niyang oras makilala ni Symon si Pan, magbabago ang samahan nila. Or worst, baka mawalan ng tiwala ang asawa niya sa kaniya.2 days after….Nasa isang hospital na naman ngayon si Juancho at Pan para magtanong tanong sa possibleng maging doctor ni Zahara but this time, kasama nila si Zahar