Sa isang madilim na kwarto, nakagapos ang dalawang kamay ni Sara. Kanina, habang pabalik siya ng hospital, bigla na lang may nagtakip ng bibig niya kaya nawalan siya ng malay at ng magising siya, nandito na siya. Nakaupo siya sa isang upuan at naghihintay na bumukas ang pinto. Hindi nagtagal, bumukas iyon at niluwa doon si Lorciano."Lorciano?!" nanlalaki ang mata niya at agad na kinabahan.Lumapit si Lorciano sa kaniya at agad siyang sinampal. "Anong ginawa mo sa anak ko para suwayin niya ako?"Nalasahan ni Sara ang dugo sa labi niyang pumutok mula sa pagkakasampal."Anong ginawa mo kay Logan?" ulit ni Lorciano. Agad na natakot si Sara. Nakaharap na niya ito dati pero ngayon lang siya nakaramdam ng ganito katinding takot. Sinasabi ng isipan niya na hindi maganda kung galitin pa niya ng todo si Lorciano."W-Wala po akong ginawa. S-Sinamahan ko lang po si Logan.""Wala? Hindi magkakaganito ang anak ko kung hindi siya sumasama sa'yo. Sinabihan mo ba siya na talikuran ako? Ilan bang pe
"Dahan-dahan," ang sabi ni Symon kay Pan habang akay-akay sila papasok ng bahay.Kasama nila si Felicity na siyang tagabitbit ng mga gamit ni Zahara. Ngayon ang araw na discharge na si Zahara sa hospital. "Wow, ang laki po ng house mo lolo." tuwang tuwa na sabi ni Zahara habang nakatingin sa loob ng bahay ni Symon."Of course, my beautiful apo. Gusto ni lolo na mas maayos at malaki ang bahay na uuwian niyo ng mama mo. Do you like it?" "Yes po Lolo. Dito na po ba kami titira?""Oo. Dito na kayo titira hanggat hindi pa nakakauwi ang papa mo.""Thank you po lolo!" Nakangiting sabi ni Zahara. "You're welcome apo." Tumingin si Symon kay Pan. "Ituturo ng maid sa inyo ang kwarto niyo ni Zahara at kung may kailangan ka huwag kang magdalawang isip na lumapit sa akin." "Salamat po Doc." Sumulyap muna si Pan kay Felicity bago siya sumunod sa katulong at nagpunta ng kwarto nila ni Zahara. Tumikhim si Symon at humarap kay Felicity. "Sumunod ka sa office ko." "Okay po doc." Sabi nito at tahi
Nang magising si Logan, una niyang nakita ang ama niya na nasa tabi niya."Mabuti at nagising ka na." Ang sabi ni Lorciano sa tabi.Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya magalaw ang kamay niya, only to find out na nakagapos pala siya ngayon sa hospital bed.Nanlalaki ang mata na binalingan niya ng tingin ang ama niya."What's the meaning of this? Plano mo 'kong ikulong?""Hindi ko alam kung saan ako nagkulang sa pagpapalaki ko sa'yo para iwan mo ang kumpanya para sa walang hiyang babaeng yun. And yes, I need to make sure na hindi ka ulit makakatakas." Sinamaan siya ng tingin ni Logan. "Stop controlling my life, dad. Kahit tanggalan mo ko ng mana, ayos lang. Kunin mo na lahat ng yaman meron ako, basta hayaan mo nalang akong umalis." Sigaw niya at sinusubukang makaalis."Tapos ano? Papatayin mo ang sarili mo dahil hindi ka binalikan ng syota mo at pinili niya si Juancho?"Natigilan si Logan. Hindi siya makapaniwala na nalaman ng dad niya ang lahat. Na si Pan talaga ang girlfriend ni
"Hindi ka ba natatakot sa presensya niya?" bulong ni Bobby habang minamata si Felicity."What do you mean?""Hindi ba sabi mo kaibigan siya ni Juancho doon sa Sicily? Paano kung may something sila ni Juancho? O di kaya ay may gusto siya kay Juancho? Hindi ba yan sumagi sa isipan mo?"Nakagat ni Pan ang labi niya. "I trust Juancho. Yung tiwala ko sa kaniya ay sapat na para makatulog ako ng mahimbing sa gabi na hindi nag-iisip ng masama. Tungkol sa sinabi mo about kay Felicity na possibleng may gusto siya kay Juancho, iniisip ko rin yun no'ng una pero lately ay wala naman akong nakikitang kakaiba.""Hmm.. Maganda na nagtitiwala ka ng ganito kay Juancho pero hindi ka dapat pakampante Pan. Hindi mo alam anong iniisip ni Felicity. Kahit pa mukha siyang angel tignan, hindi ibig sabihin no'n ay mabait na siya. Remember, looks can be deceiving."Napatingin muli si Pan kay Felicity. Wala pa naman siyang napapansin pero tama rin si Bobby, hindi niya naman kilala si Felicity para pagkatiwalaan n
"Ayos ka lang ba Pan?" tanong ni Felicity matapos siya nitong dalhin sa loob ng coffee shop."Oo. Ayos lang ako." Kahit na ang totoo ay namumutla pa rin siya."Huwag mo ng isipin yun." Sabi ni Felicity kahit na nag-iisip siya kung bakit kailangan mamutla at kabahan ni Pan gaya nito. "Narinig mo ba ang pinag-usapan namin kanina?"Tumango siya. "Narinig kong hinahanap niya ang pinsan mo at anak niya."Kinabahan si Pan. Wala na siyang plano na sabihin na hindi galing sa kaniya si Zahara. Kung maaari, gusto niyang ibaon na sa hukay ang pinanggalingan ni Zahara.Masaya na siya sa buhay niya ngayon. Oras mabunyag ang sekreto na hindi nila anak ni Juancho si Zahara ay baka magbago ang pakikitungo nito sa kanila pati na ni Symon.'Bakit pa siya bumalik? Maayos na si Zahara... Mahal na mahal na siya ni Juancho at Symon. Kami na ang magulang niya.' Sabi ni Pan sa sarili niya.Kumuyom ang kamay niya sa ilalim ng mesa. 'Ang kapal ng mukha nila ni Lou para magpakita pang muli. Ako ang nagpalaki s
"Ayos ka lang ba hija?"Napatalon si Pan sa gulat nang bigla siyang tanungin no'n ni Symon. Nakatulala lang kasi siya sa mesa, ni hindi man lang niya napansin na lumapit ito sa kaniya. "Ah opo doc." Ngumiti siya para maitago ang kaba sa mukha niya. Napansin niya si Zahara na buhat buhat nito at mukhang tulog na."Hala. Sorry po. Ginugulo po ba kayo ni Zahara sa trabaho niya?"Tumawa si Symon. "Naku hija, hindi naman. Saka hayaan mo na, namiss ko rin mag-alaga ng bata dahil alam mo na, malaki na si Juancho at matagal na panahon na rin na may batang naglalaro sa bahay ko."Alanganing ngumiti si Pan. Alam ng Diyos gaano siya ka nagpapasalamat sa alaga at pagmamahal na binibigay ni Symon para sa kanila ni Zahara.Kahit na niloloko niya lang sila ni Juancho, ayaw pa rin niya matigil ito. Kahit na sisingilin siya ng karma pagdating ng panahon, handa niya yung tanggapin, maranasan lang ng anak niya ito. Ligtas na ito sa sakit niya, at busog na busog pa ito sa pagmamahal na mula sa tinatawa
"Mama, bakit hindi po natin kasama si Lolo magsimba?" tanong ni Zahara habang hawak hawak ni Pan ang kamay niya."Busy si Lolo anak kaya tayo lang muna ang magsisimba ngayon.""Kasama po ba natin si tito Josh at ta Bobby?""Yes. Kasama natin sila saka yung isang friend ni mama na si tita Marie.""May isa ka po palang friend mama?"Tumango si Pan. "Meron. Kasama siya ni mama sa work.""Is she good at taking pictures mama?""Yes. She's good at taking pictures just like mama."Nagningning naman ang mga mata ni Zahara sa narinig at excited na makita itong bagong friend ng mama niya. Pagdating nila ng simbahan, agad nilang nakita si Josh at Bobby na naghihintay sa kanila."Hi titooooo!" Excited na sabi ni Zahara sapagka't matagal rin bago niya nakita si Josh."Hello baby girl. How are you?""I'm okay and healed tito." Binuhat siya ni Josh habang si Pan naman ay dumiretso kay Bobby."Good morning," sabi ni Bobby sa kaniya."Hello Bobs, si Marie?" tanong ni Pan dahil hindi niya nakita si M
"Ayos ka na?" tanong ni Bobby kay Pan. Dumiretso sila sa bagong studio na siyang malapit lang sa simbahan."Oo. Salamat Bobs." Sabi ni Pan at hinanap niya si Zahara gamit ang mata niya."Huwag kang mag-alala. Kasama niya si Josh. Nag-alala ang anak mo sa'yo at nagtatanong kung inaway ka ba no'ng lalaki kanina which is Lorciano kaya naglaro muna sila ni Josh sandali para mabaling sa iba ang attention niya."Napasuklay si Pan sa buhok niya gamit ang kamay niya. "Kung saan maayos na ang problema sa sakit ni Zahara, may problema na namang dumating. Si Logan, nagbanta siyang papatayin niya ang sarili niya para bumalik lang ako sa kaniya, tapos si Lorciano, nagbabanta sa buhay ko dahil lang sa may nakaraan kami ni Logan. Anong klase ba sila ng pamilya?"Naaawa si Bobby sa kaibigan niya. Kahit siya, hindi nga sa kaniya direkta ang banta nito pero parang maiihi na siya sa salawal niya kanina.Ganoon ka nakakatakot makaharap si Lorciano."Gusto mo bang kausapin ko si Logan? Sabihin ko na tanta
6 years later…..“Sino ka?” tanong ni lola Susana kay Juancho nang pumasok ito ng bahay niya.“Lola, ako ito, yung paborito mong apo…”“Apo? Wala akong natatandaan na apo na gaya mo. Hindi kaya ay isa kang magnanakaw?”Lola Susana’s case is getting worse day by day dahil sa labis na katandaan nito. Nanlalabo na nga ang paningin niya at nakakalimutan na rin niya ang ibang bagay-bagay.“May apo ka la at iyon ay si Juancho.”“Sino? Wano?”“Juancho po…” nakangiting sabi ni Juancho. “Dito ka muna la ah, dalhin ko lang sa kusina itong binili ko.” At nagtungo siya sa kusina kung saan ay naabutan niya doon si Leila na nagluluto.“Para ka talagang dad mo.” Sabi ni Leila dahil kanina lang, si Symon ang huminto sa bahay para dalawin siya.“Pareho kaming pogi, tita?”Natawa si Leila at napailing.Nagkabalikan naman si Leila at Symon sa loob ng anim na taon pero hindi sila magkasama sa iisang bahay dahil kailangan alagaan ni Leila si lola Susana.Kaya si Symon nalang ang palaging bumibisita sa kani
Ilang buwan na ang nakalipas, si Juancho ay hindi pa rin tumitigil sa paghahanap niya kay Pan.He stopped accepting client dahil mas priority niyang mahanap. Pero kahit na anong gawin niya, wala pa rin siyang lead na nakukuha.He doesn’t know what to do anymore. Umaasa na lang siya na papanigan siya ng swerte.Ngayon, hawak-hawak niya ang isang supot na naglalaman ng prutas. Papunta siya sa bahay ng mga Salvi para kaniyang mabisita si lola Susana.Nang makarating siya, agad niyang kinatok ang pinto nito at ngumiti ng malapad.“Oh Juancho, narito ka na naman. Hindi ka pa ba nadadala? Wala nga akong sasabihin sayo tungkol sa apo ko.”Ngumiti si Juancho, inaasahan niya na ito. “Ikaw po ang ipinunta ko dito, la. Kailangan niyo pong alagaan ang katawan niyo lalo’t wala na kayong kasama kaya binilhan ko po kayo ng prutas.”Pinagsingkitan siya ni lola Susana ng mata. “Naku hijo, hindi mo na ako madadala sa mga ganyan. Masiyado na akong matanda para maloko mo sa iyong matatamis na salita.”Ngu
Nakahinga ng maluwag si Logan. At tumingin siya kay Sara.“Pwede mo bang papuntahin si Pan dito?”Tumango si Sara ng walang pag-alinlangan. “Yan ba ang una mong planong gawin para sa paghihiganti mo sa dad mo?”“Oo at kailangan ko munang magpahinga.” Saad ni Logan at pumikit ng humapdi na naman ang sugat niya sa likuran.“At saka ko hahanapin ang anak ko.” Dagdag niya.“Logan, paano kung wala na ang bata?”“Hahanapin ko pa rin siya, Sara. Right now, hindi ko na alam anong dapat kong maramdaman. Kung iiyak ba ako, magagalit, o ano.”Nakagat ni Sara ang labi niya. Naaawa siya kay Logan. Gusto niya itong tulungan sa abot ng makakaya niya.“Paano mo mapapabagsak ang dad mo?”“Kailangan ko ng pera.” Diretsang sabi ni Logan sa kaniya. “Kailangan ko ng pera para makagawa ako ng sarili kong gaming app na itatapat ko sa Gamesoft. Tatalunin ko si dad at sisiguraduhin kong tatalikuran siya ng tao hanggang sa bumagsak siya sa lupa.”Naroon ang determinasyon sa mukha niya.“Paano mo yun gagawin? Sa
When things are getting chaotic, akala ni Lorciano ay nalusutan na niya lahat.Pero iyon ang pagkakamali niya. Kalat sa internet ngayon ang pagsulpot ng isang hindi kilalang lalaki na nagtatago sa likod ng maskara na siyang nagsiwalat na si Lorciano ang dahilan ng pagkamatay ni Gidette.A baseless claims na pinaulanan ng mga tao at media. Kahit ang pamilya ni Gidette ay naintriga.Kaya dinumog ng press ang bahay ni Lorciano dahilan kung bakit yung attention niya ay napokus sa paglilinis sa nadungisan niyang pangalan.“GUMAWA KAYO NG PARAAN! HANAPIN NIYO ANG LALAKING NAKAMASKARA!” Sigaw niya nang puntahan siya ng mga tauhan niya sa kaniyang opisina.Hindi siya makalabas dahil kahit siya magpunta, may nakasunod sa kaniya.“Sinong inutil ang lalaking yun?” halos nagpupuyos na siya sa tindi ng galit.Si Marie, ay napapikit. Nasa likod siya ng pinto ng office ng dad niya sa bahay nila.Grounded siya dahil pinatakas niya ang kuya Logan niya.Ngayon, natatakot siya at nananalangin na sana ay
“P-Pan,” ang nasabi ni Juancho nang makita niyang gising na si Pan.Gusto niya itong hawakan pero natatakot siyang itulak siya nito palayo.“I told you na hindi kita mapapatawad kung may nangyari sa anak ko, hindi ba?” Natigilan si Juancho at tumulo na naman ang luha niya.“I’m s-sorry, baby… I’m sorry…”Lumuhod na siya sa harapan ni Pan. “I’m really sorry…”“Sorry?” natawa si Pan. Wala ng kabuhay-buhay ang mukha niya. “Hindi ko kailangan ng sorry mo Juancho.”Halos dumapa na si Juancho sa sahig, hindi alam ano pang sasabihin maliban sa sorry. Umiiyak lang siya, umaasang kahit konti, kayang maibalik ng sorry niya ang lahat ng sakit na naidulot niya.“Patawarin mo ‘ko. Patawad sa lahat.” Humagolgol na saad niya.Alam niya kasing huli na siya. Sa mga tingin ni Pan sa kaniya, alam niyang huling huli na.“Kung gusto mong patawarin kita, ibalik mo sa akin ang anak ko.” Napatingin si Juancho kay Pan. Nanlaki ang mata niya.“P-Pan-"“KUNG GUSTO MONG PATAWARIN KITA, IBALIK MO SA AKIN SI ZA
“ZAHARAAAAAA!!!!” Sigaw ni Pan.Umakyat na siya, tila walang pakialam kung madamay siya sa sunog.Ang nasa isipan na lang niya ay mailigtas niya ang anak niya.Pero bago siya makalayo, nahila na siya ni Leon palayo sa gate.“Pan, delikado!” Nag-aalalang sabi ni Leon.Nanlaki ang mata ni Pan.“BITAWAN MO ‘KO LEON! NASA LOOB PA ANG ANAK KO!” Sigaw ni Pan sa kaniya na sinubukang magpumiglas..Tumingin sila sa bintana. Naroon pa si Zahara, umiiyak at sumisigaw ng tulong.Takot na takot na siya at gusto ng umalis. Hindi siya makaalis dahil masiyadong mataas ang bahay.Her weak and frail body na kagagaling lang ng operasyon couldn’t stand it kung tatalon siya.Mamamatay rin siya kaagad.“MAMA!!! TITOOOOO!!! TULUNGAN NIYO AKO DITO!!! MAMAAAAA!!”“LEON BITAW!” Umiiyak na pagmamakaawa ni Pan.Pumikit si Leon, maski siya ay hindi alam anong gagawin. Malaki ang sunog sa bahay, galing sa ibaba, paakyat sa itaas. Kung bibitawan niya si Pan, alam niyang mapapahamak ito.“MAMA!!!! MAMAAAAAAA… HELP M
Magkasama si Juancho, Leila at Symon sa pagtugis sa ex-convict na nagdakip kay Zahara. Ito ay walang iba kun’di si Larry.Nakastand-by na ang mga pulis, nag-aabang na makalabas si Larry sa bahay niya.No’ng lumabas siya, agad itong tumakbo nang mapansin niya ang mga pulis kaya hinabol siya.Sirena ng mga sasakyan ng pulis ang maririnig sa kalsada at sina Juancho ay nakasunod sa likod.Wala ng ibang namutawi sa mukha niya kun’di galit sa mga kumuha kay Zahara at galit sa sarili niya na inuna niya ang sariling emotion kesa ang piliing magpakumbaba at pakinggan si Pan.Pagdating nina Juancho sa lugar kung saan huminto ang mga sasakyan ng pulis, agad agad silang bumaba.Nakita nilang hawak na ng mga kapulisan si Larry. Sa tindi ng galit ni Juancho, agad siyang tumakbo palapit sa ex-convict at agad niya itong sinuntok.“HAYOP KA! NASAAN ANG ANAK KO?!!!! NASAAN SI ZAHARA?”Hindi nakapagsalita ang lalaki dahil hindi siya tinatantanan ni Juancho ng suntok kaya ang mga pulis ay ginawa ang laha
Sa bahay kung saan dinala si Gidette noon, doon dinala ng mga tauhan ni Lorciano si Zahara.Patuloy at walang humpay na umiiyak ang bata habang nakakulong sa isang madilim na kwarto.Nang pumasok si Lorciano sa kwartong iyon, agad niyang nakita si Zahara na nakatingin sa labas ng bintana at umiiyak.“Sino po kayo? P-Pakawalan niyo po ako dito please… Gusto ko na pong umuwi kay mama.”Tumawa si Lorciano. Nagngingitngit ang kalooban niya habang nakatingin sa anak ni Pan.Lumapit siya dito. “Gusto mo ng umuwi?” tanong ni Lorciano.“Opo…” humihikbing sagot ni Zahara.“Oh ito…” Malakas na sampal ang binigay ni Lorciano sa bata kaya mas lalong umiyak si Zahara lalo’t parang nabali ang leeg niya sa lakas ng sampal na iyon.“PAPA!!!! MAMA!!!!” Humihinging tulong na sigaw ng bata.Hindi pa nakontento si Lorciano, kinuha pa niya ang buhok ni Zahara at hinila paitaas para mapatingin ito sa kaniya.Napangisi siya ng makitang dumugo ang labi ng bata at namaga agad ang pisngi.Simpal pa niya ito ng
Nang makasakay si Pan at Leila ng sasakyan, agad na nahimatay si Pan.“Manong bilis!” Natatarantang sabi ni Leila at kinakabahan para sa anak niya.Humawak ito sa tiyan ni Pan at tahimik na nanalangin at kinakausap ang apo niya na huwag siyang bumitaw.“Hello our baby angel. Huwag ka bumitaw anak kasi hindi kakayanin ng mama mo kung pati ikaw mawala. Love na love ka namin at excited kaming makita ka. So please, stay with us sweetheart… please.. please..”Tumingin ang driver kay Leila at nakita niya itong kinakausap ang tiyan no’ng anak nito na nahimatay.“Please… Lord, huwag ang baby… Hindi kakayanin ng anak ko kung dalawa sa anak niya ang mapahamak.” Lumuluhang pakiusap ni Leila.Nagpatuloy pa siya sa pakikipag-usap sa apo niya. Sinasabihan niya ito na humihingi ng sorry si mama niya sa kaniya at mahal na mahal nila ito.Kahit ano, gagawin niya just to save the baby.Alam niya kung gaano ka-stress si Pan ngayon and she’s so damn afraid na maapektuhan ang dinadala nito.And this is the