"Ayos ka lang ba hija?"Napatalon si Pan sa gulat nang bigla siyang tanungin no'n ni Symon. Nakatulala lang kasi siya sa mesa, ni hindi man lang niya napansin na lumapit ito sa kaniya. "Ah opo doc." Ngumiti siya para maitago ang kaba sa mukha niya. Napansin niya si Zahara na buhat buhat nito at mukhang tulog na."Hala. Sorry po. Ginugulo po ba kayo ni Zahara sa trabaho niya?"Tumawa si Symon. "Naku hija, hindi naman. Saka hayaan mo na, namiss ko rin mag-alaga ng bata dahil alam mo na, malaki na si Juancho at matagal na panahon na rin na may batang naglalaro sa bahay ko."Alanganing ngumiti si Pan. Alam ng Diyos gaano siya ka nagpapasalamat sa alaga at pagmamahal na binibigay ni Symon para sa kanila ni Zahara.Kahit na niloloko niya lang sila ni Juancho, ayaw pa rin niya matigil ito. Kahit na sisingilin siya ng karma pagdating ng panahon, handa niya yung tanggapin, maranasan lang ng anak niya ito. Ligtas na ito sa sakit niya, at busog na busog pa ito sa pagmamahal na mula sa tinatawa
"Mama, bakit hindi po natin kasama si Lolo magsimba?" tanong ni Zahara habang hawak hawak ni Pan ang kamay niya."Busy si Lolo anak kaya tayo lang muna ang magsisimba ngayon.""Kasama po ba natin si tito Josh at ta Bobby?""Yes. Kasama natin sila saka yung isang friend ni mama na si tita Marie.""May isa ka po palang friend mama?"Tumango si Pan. "Meron. Kasama siya ni mama sa work.""Is she good at taking pictures mama?""Yes. She's good at taking pictures just like mama."Nagningning naman ang mga mata ni Zahara sa narinig at excited na makita itong bagong friend ng mama niya. Pagdating nila ng simbahan, agad nilang nakita si Josh at Bobby na naghihintay sa kanila."Hi titooooo!" Excited na sabi ni Zahara sapagka't matagal rin bago niya nakita si Josh."Hello baby girl. How are you?""I'm okay and healed tito." Binuhat siya ni Josh habang si Pan naman ay dumiretso kay Bobby."Good morning," sabi ni Bobby sa kaniya."Hello Bobs, si Marie?" tanong ni Pan dahil hindi niya nakita si M
"Ayos ka na?" tanong ni Bobby kay Pan. Dumiretso sila sa bagong studio na siyang malapit lang sa simbahan."Oo. Salamat Bobs." Sabi ni Pan at hinanap niya si Zahara gamit ang mata niya."Huwag kang mag-alala. Kasama niya si Josh. Nag-alala ang anak mo sa'yo at nagtatanong kung inaway ka ba no'ng lalaki kanina which is Lorciano kaya naglaro muna sila ni Josh sandali para mabaling sa iba ang attention niya."Napasuklay si Pan sa buhok niya gamit ang kamay niya. "Kung saan maayos na ang problema sa sakit ni Zahara, may problema na namang dumating. Si Logan, nagbanta siyang papatayin niya ang sarili niya para bumalik lang ako sa kaniya, tapos si Lorciano, nagbabanta sa buhay ko dahil lang sa may nakaraan kami ni Logan. Anong klase ba sila ng pamilya?"Naaawa si Bobby sa kaibigan niya. Kahit siya, hindi nga sa kaniya direkta ang banta nito pero parang maiihi na siya sa salawal niya kanina.Ganoon ka nakakatakot makaharap si Lorciano."Gusto mo bang kausapin ko si Logan? Sabihin ko na tanta
Hindi makalimutan ni Lorciano ang ginawang pamamahiya ni Symon sa kaniya kanina. Ni hindi man lang siya nakaganti. “Hangga’t bantay sarado siya sa babaeng yun, patuloy siyang hahadlang sa plano ko.” Galit na sabi ni Lorciano.Agad niyang tinawag ang assistant niya. “Imbistigahan mo si Pan. Humanap ka ng butas para magamit ko upang humiwalay si Symon sa kaniya.” Hindi siya makakapayag na hindi man lang niya magantihan si Pan na siyang gumulo sa anak niyang si Logan at babaeng unang nagpahiya sa kaniya. “Masusunod po sir.”Agad na umalis ang assistant ni Lorciano. Nanginginig ang kamay niya habang inaalala ang mukha ni Pan at Symon."Darating rin ang panahon na luluhod kayong dalawa sa harapan ko." SAMANTALA, NANG MAKAUWI si Pan sa bahay nila kasama ni Zahara, napatigil siya nang makita niya ang sasakyan ni Felicity na huminto sa harapan ng bahay.Bumaba ito at muntik pa itong madapa. Sa nakikita niya ay nagmamadali ito na para bang may hinahabol. Tatawagin na sana niya ang pangala
Tumawa si Pan para maitago ang kaba na nararamdaman niya. “Natural na medyo hawig siya kay Lou dahil magpinsan kami. At pwede ba, tantanan mo na ako dahil wala kang mahihita sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ang anak mo at si Lou.”Binitawan siya ni Aaron pero ang mga mata nito ay nagliliyab sa determinasyon para mahanap ang anak niya at si Louella.“Hindi ako naniniwala na wala kanga lam kung nasaan sila, Ms. Pan. Bago ako mawala sa mundong ito, kailangan kong makita ang anak ko. Kahit man lang ang masilayan siya at aking mahagkan ay magawa ko.”“Mawala?” kunot noong tanong ni Pan.“May sakit ako.. At may taning ang buhay ko. Kaya ko ginagawa ang lahat para lang mahanap ang anak ko.”Nakagat ni Pan ang labi niya. ‘Sa kaniya ba namana ni Zahara ang pagiging sakitin niya?’ takang tanong nito sa isipan.Pero dahil wala na siyang plano na sabihin sa lahat ang tungkol sa katauhan ni Zahara, kaya hindi niya hinayaan ang sarili niya na magpadala sa awa. ‘Kahit pa mamatay ka, hindi ko ibibig
“Baby, are you okay?” tanong ni Juancho nang magkatawagan sila ni Pan. Pansin niya kasi na tila yatang puyat ito. Nagtataka tuloy siya kung may problema ba.“Huh? Ah oo, ayos lang ako.”“May problema ba kay Zahara? You seemed tired.”“Wala naman.” Sabi ni Pan. “Yeah, wala naman.” Ngumiti pa siya para lang ipakita kay Juancho na ayos lang talaga siya at wala itong dapat na ipag-alala.“Anong ginagawa ni Felicity diyan? Hindi ka ba niya tinutulungan? She’s really useless.”Napataas ang kilay ni Felicity sa kaniyang narinig. Hindi siya nakailag sa paratang ni Juancho sa kaniya. ‘Aba’t!’ Hindi masundan ni Felicity ang sasabihin ng biglang lumingon si Pan sa kaniya.Napilitan tuloy siyang ngumiti. ‘That punk! Siya ang useless!’ Pinagmumura nalang niya si Juancho sa isipan niya.“Uy Juancho, wag ka ngang ganyan sa kaibigan mo.” Nahihiyang sabi ni Pan. Hindi na nga siya makatingin sa mata ni Felicity.“Kung hindi naman niya nagagawa ang trabaho niya then she’s really useless. Look at yoursel
Lumilipas ang oras habang hinihintay ni Felicity si Aaron na makarating sa isang café na napagkasunduan nila. Tatawagan na sana niya ito nang makita niyang pumasok ito sa entrance door. Agad na nagtiim bagang siya habang hinihintay niyang makalapit ito sa kaniya.“Anong ginawa mo?” diretsang tanong niya.“What do you mean?” kunot noong tanong ni Aaron. Bigla na lang siyang tinawagan ni Felicity kahapon na gusto nitong makipagkita sa kaniya.“Did you harass Pan?”“No.” Walang kurap na sagot ni Aaron. “Kung ano mang nangyayari sa kaniya ngayon, baka dahil sa hindi siya pinatulog ng sinabi ko.” Ngumisi si Aaron bagay na ikinataka ni Felicity.“Ano bang sinabi mo?”“That her child is actually mine.”Pagkasabi niya no’n, agad na nanlaki ang mata ni Felicity. “Ano? Nahihibang ka na ba?” Napatayo na siya at halos murahin na niya si Aaron sa pagmumukha.“I am serious. Have you seen her cousin?”Hindi siya nakasagot dahil hindi. Hindi naman niya kilala ang pamilya ni Pan maliban sa ina nitong
Binigyan ni Felicity si Pan ng tubig upang ito’y kumalma. Hindi na rin ito umiiyak ngayon. Ngumiti siya pagkatapos nitong maubos ang isang baso ng tubig.“S-Sasabihin mo ba ito kay Juancho?” naroon ang kaba sa boses ni Pan.“Hindi, kaya huwag kang mag-alala.” Sagot ni Felicity sa kaniya. “Pero pwede ko bang malaman bakit ka nagsinungaling sa kaniya?”Humawak si Pan ng mahigpit sa baso niya. Ramdam pa rin niya ang kaba niya pero hindi na gaya kanina.“Kailangan ko si tito Symon para sa anak ko.”Doon na napaayos ng upo si Felicity.“Mahina ang puso ni Zahara, kaya natatakot akong pa-operahan siya sa sakit niya maliban na lang kung magaling ang doctor na hahawak sa kaniya."“Kaya mo ba nilapitan si Juancho para mapalapit kay sir Symon?”Tumango si Pan. “Aksidente ang una naming pagkikita noong nakauwi siya ng Sicily. Alam mo naman siguro ang nakaraan namin ni Logan.. No’ng nahuli ko si Logan na may ginagawang kalokohan, doon ko nakita si Juancho muli pagkatapos ng walong taon. Iyon ang
“Ang hirap mo ng abutin, Pan.” Malungkot na sabi ni Juancho. “Akala ko magiging okay ang lahat kung malaman mong buhay si Zahara pero mali ako, ang pag-ibig mo pala para sa akin ang namatay.”Tumingin si Pan sa kaniya, ang mata ay puno ng sakit at puot. “You made me like this.”“And I’m sorry…” halos magcrack ang boses ni Juancho. “I’m sorry for making you like that. I’m sorry at wala ako nong pinakakailangan mo ‘ko.”Nakagat ni Pan ang labi niya. Naiinis siya na kung kausapin siya ni Juancho ay parang ini-invalidate nito ang mga pinagdaanan niya noon.“Do you wish for me to be dead during operation?”Nanlaki ang mata ni Pan. “I didn’t say that.”“Pero iyon ang pinapakita mo sa akin. Iyon ang nararamdaman ko. Na para bang inaasahan mo na mamamatay ako doon. Kung magsalita ka nga ay para bang wala ka ring pakialam kung mamatay ako doon.”Tinuro ni Pan ang pinto. “Umalis ka na.” Dahil hindi niya na kaya marinig ang anupamang sasabihin ni Juancho sa kaniya.“Kailan mo ‘ko balak harapin P
Malalim ang buntong hininga ni Pan matapos niyang makita si Juancho na karga karga ang anak nila na nakatulog na matapos ang pag-iyak."Hindi mo sana nilapitan ng sa ganoon e magtanda."Nag-alala ang mukha ni Zahara sa likuran. Natatakot siyang mag-away ang mga magulang niya. "I'm sorry. Hindi ko kayang makita na umiiyak ang anak natin.""Then paano mo ihahandle ang nangyari kanina? Nakita mo anong ginawa niya kay Zahara. Huwag mong sabihin ayos lang sa'yo yung ginawa niya?"Alam ni Juancho ang ibig iparating ni Pan. He didn't argue. Instead, nagsorry na lang siya. "I'm sorry.. Tatandaan ko ang lahat ng sinabi mo."Tumingin si Pan kay Dahlia at pagkatapos ay inayos niya ang buhok nito na nasa mukha."Ipasok mo siya sa kwarto niya."Naglakad na siya at sumunod naman sa kaniya si Juancho. Bahagyang hinawakan ni Zahara ang papa niya at nagthumbs up dito. Masaya siya ngayon na kahit papaano nagkakausap na ang mama at papa niya na walang sigawan.Matapos ihiga ni Juancho si Dahlia, si Pa
Nagdadalamhati ang lahat sa pagkawala ni lola Susana. Ang bawat patak ng luha ay katumbas ng libo-libong sakit na nasa puso ng bawat isa sa kanila.Lalo na si Pan na lola Susana na niya ang halos nagpalaki sa kaniya.Yakap yakap ngayon ni Zahara ang papa Juancho niya habang si Pan e yakap si Dahlia.Masiyadong magulo ang isipan niya dahil iniisip niya rin si Lou. Dahil sa biglaang pagkawala ni lola Susana, hindi sila agad nakapunta kay Lou.She sent her men at sinabi ni Marie ang lokasyon, pero wala na doon sa bahay na tinutukoy ni Marie si Lorciano, si Lou, Julia at mga tauhan nito.Nang matapos ang libing, agad na pinuntahan ni Leila si Pan. Kasama niya si Wil na ngayon ay natutulog na habang buhat niya.“Uuwi ka ba ngayon?”“Aalis na kami ni Marie mamaya, ma. May lead na daw kung nasaan si Lorciano.” Masiyado ng maraming oras ang nasayang nila.Hindi batid ni Pan kung may aabutan pa ba sila. Pero nananalangin siya na sana oo at gusto niya talagang mailigtas si Lou, alang-alang kay
“Good morning…”Nagmulat nang mata si Zahara at nakita niya si Pan malapit sa pinto, may dalang pagkain.Agad siyang napatingin sa orasan at nakita niyang tanghali na siya nagising. Napuno pa kasi sila ng iyakan kagabi.At matapos pa non e nagkwentuhan pa sila kaya hindi sila nakatulog agad.“Mama, hindi po ba kayo natatakot sa mukha ko? Sobrang panget ko po kapag bagong gising.” Nahihiya na sabi niya.Mahirap sa kaniya tanggapin at aminin na maganda siya kung ang salitang panget naman ang naririnig niya sa mga kaklase niya.“Zahara, huwag mong sabihin yan anak.” Seryosong sabi ni Pan. Nagmamadali siyang lumapit kay Zahara at nilagay ang tray ng pagkain sa gilid ng mesa.“You are beautiful kaya huwag mong sabihin na panget ka dahil si mama ang nasasaktan.”“But it’s true mama.” Mahinang sabi ni Zahara.Naging seryoso ang mukha ni Pan. “Marami ng pera si mama anak. Kapag pwede na, maibabalik natin ang mukha mo kung iyon ang nais mo.”Sinabi na iyon ng papa niya. But she’s too young to
KAHIT NA AYOS NA SI PAN AT ZAHARA, hindi ibig sabihin no’n e maayos na rin sila ni Juancho.The wall is still there, pero hindi na ganoon kahabog gaya noon. Halo ang emotion na nararamdaman ngayon ni Pan ngayon. Masaya at malungkot siya lalo pa’t kamatayan ito ni lola Susana at araw rin ito kung saan e nalaman niya na buhay pa pala ang anak niya.Maraming gusto malaman si Pan tungkol sa anak niya, pero hindi niya makausap si Zahara ngayon dahil mahimbing na itong natutulog sa bisig niya.Si Logan naman e nasa harapan lang niya, nakaupo at hindi rin niya makausap dahil tahimik lang ito.Naputol ang katahimikan nila nang pumasok si Juancho sa kwarto kung nasaan sila. Agad siyang napatingin kay Pan na ngayon e pagod na nakatingin sa kaniya.“Iuuwi ko ang anak ko sa bahay ko.” Sabi ni Pan. Hindi na siya papayag na malayo ang anak niya sa kaniya. Agad naman na nagulat si Logan, ganoon rin si Juancho.“Pan, can we talk?” si Logan ang nagsalita, kinakabahan. “We didn’t intend to hide her a
Para nang mahihilo si Pan habang hinahanap ng mga mata niya si Zahara.Hindi niya ito mahagilap, hindi niya ito makita. Kinakabahan siya na baka sangkot ang anak niya sa isang aksidente na nangyayari sa harapan.“I’m sorry… nasaan ka Zahara? Mama is sorry… Please, magpakita ka na.” Paulit-ulit na nasabi niya sa kaniyang sarili.Napatakip siya ng kaniyang bibig at halos manginig habang sumisilip sa harapan.Ang lakas ng tibok ng puso niya.Natatakot siyang makita kung sino man yung tao na naaksidente.Pagsilip niya sa harapan, labis siyang napasinghap nang makita kung sino iyon.‘It’s not my daughter.’ Aniya at nakahinga ng maluwag na hindi si Zahara ang duguan na nakahandusay sa lupa.Nilibot pa niya ang kaniyang paningin at saka niya nakita si Zahara, nakaupo sa harapan ng taong nasagasaan.Nanginginig ito sa takot at halos hindi alam anong gagawin.“ZAHARA!” Pagtawag niya.Napatingin si Zahara sa kaniya.Ang takot sa mukha nito e napalitan ng pagkabigla. Unti-unting nanlaki ang mata
“Mama, ako po ito…. si Zahara.”Umiiyak si Zahara.Labis labis ang luhang tumutulo mula sa dalawang mata niya habang nakatingin sa nanlilisik na mata ni Pan.‘Why? Bakit galit si mama?’ nagtatakang tanong niya sa sarili niya.Nanlaki ang mata niya nang dinuro niya ito. “Tumahimik ka.”Lumakas ang hagolgol niya. Umiling siya at agad na tumakbo palapit sa mama niya.“Mama, ako po ito… Ako po si Zahara mama..” Hinawakan niya si Pan pero lumayo si Pan sa kaniya. Bagkos, sinamaan nito ng tingin si Juancho at Logan na nasa likuran niya.“Is this your plan? To use this girl para lokohin ako? Sa tingin niyo ba maloloko niyo ko?”Napatigil sandali si Zahara sa narinig.“PAN! MAG-INGAT KA SA PANANALITA MO!” Galit na sabi ni Logan at lumapit kay Zahara na ngayon ay hindi na alam anong gagawin.“Dahil ginagago niyo ko lahat. Anong nakain niyo ni Juancho para gamitin itong babaeng ito at magkunwari na siya si Zahara?”Nag-aalala na si Zahara. Halos lumuhod na siya para paniwalaan siya ng mama niya
Agad sumugod sina Pan sa hospital kasama niya si Leila at dalawang mga anak niya na sina Dahlia at Wil.Kasama rin niya si Marie.Pagdating nila doon, ang umiiyak na si Juancho at Logan ang nakita niya.At sa tabi, naroon si Symon katabi ni Zahara na nakilala niya bilang Zara.Napahinto sandali si Pan bago siya bumaling kay lola Susana.“Ma…” agad lumapit si Leila kay lola Susana at niyakap niya ito agad.Si Pan ang sumunod na agad umiyak habang niyayakap ngayon si lola Susana.Ang dalawang bata sa tabi e agad na yumakap kay Marie dahil wala naman silang kilala doon bukod sa mama at lola nilang nakayakap kay lola Susana.Napansin sila ng mga kalalakihan sa loob.Si Logan, agad nanlaki ang mata niya nang mapatingin siya kay Wil.Si Juancho naman, natuon ang mata niya kay Dahlia.Marahil totoo ang lukso ng dugo dahil kahit wala pa mang kumpirmasyon kung sino ang mga anak nila sa dalawa ay alam na nila kung sino.Agad na lumapit si Juancho kay Dahlia pero mas mabilis si Wil na humarang a
“Kuya, bakit busy si mama?” ang tanong ni Dahlia kay Wil matapos niyang makita ang mama niya na nakikipag-coordinate sa mga bodyguards ilang araw na ang nakararaan.Halos hindi na rin nila ito lubusang nakakasama dahil lagi itong wala.Mga maid lang ang kasama nila lagi at nagpapakain sa kanila.Wala sila sa condo ngayon, nasa isang bahay sila na pagmamay-ari ni Pan.At mas dumami pa ang bodyguards nila ngayon kumpara noong mga naunang araw na nakauwi sila.“I don’t know Dahlia,” sabi ni Wil.“Kuya, I’m bored here.”“Gusto mo bang magplay tayo sa labas?”“Yes please…”Kinuha ni Wil ang laruan ni Dahlia at laruan niya saka pumuslit sila sa labas.Lumabas sila ng bahay, ligtas pa rin naman dahil halos pinapalibutan ang buong mansion ng security.Habang naglalaro sila, biglang napatingin si Marie sa dalawang bata.Inimbitahan siya ni Pan sa bahay niya dahil gusto nilang malaman ang details ng lugar ni Lorciano sa China.They need Marie para sa impormasyon na kailangan nila.Kanina pa siya