Grabe iyak ko dito. Jusme
Pakiramdam ni Pan ay nakagawa siya ng isang malaking pagkakamali kay Juancho. Nakaramdam siya ng lungkot nang matanto niya na pinipilit niya ang isang tao na nagawan ng isang malaking pagkakamali ng pinaniniwalaan niyang tanging makakaligtas lang ng anak niya.‘Paano ko ngayon ipipilit si Symon na maging doctor ni Zahara?’ Kung siya ang nasa kalagayan ni Juancho, hindi rin niya kayang tignan sa mata ang sariling ama.“Hey,” napatingin si Pan sa kamay na biglang pumulupot sa kaniya. Nakita niya si Juancho na nakayapos sa kaniya mula sa likuran.“Bakit ka nagising? Are you still thinking about that?”“Ang hirap hindi isipin ang tungkol sa bagay na yun Juancho. Hindi ko alam na sa mga panahong yun kung saan e magkakilala na tayo, may pinagdadaanan ka na palang ganoon.”Agad na iginaya ni Juancho ang mukha niya paharap sa kaniya. “But you helped me Pan. If it weren’t for you, baka kung ano ng mga pinaggagawa ko noon. You were my salvation that’s why, I couldn’t let you go.”‘Hindi ko ala
“Bakit interesado ka kung anong koneksyon ng bata sa mga Salvi? Magagalit ka ba kung ang ina ng batang yun ay galing sa pamilya ng dati kong asawa?” curious na tanong ni Leila.Napahawak si Symon sa baba niya. “Hindi naman. Hindi naman nila tayo ginugulo saka galing na sayo mismo na trinato ka ng tama ng in laws mo so I guess, they were kind.”“Kung ganoon, ayos lang sayo na isang Salvi ang girlfriend ni Juancho?”“Siguro. Bakit? Kilala mo ba kung sino?”“H-Hindi pa pero itatanong ko k-kung makapunta ako ulit sa bahay ni mama.”“Huwag ka ng bumalik doon.” Ang sabi ni Symon. “I’m sure magkikita kami ni Juancho. Makikilala ko rin itong girlfriend niya at ang apo ko.”Nagbaba ng tingin si Leila. Alam na niyang oras makilala ni Symon si Pan, magbabago ang samahan nila. Or worst, baka mawalan ng tiwala ang asawa niya sa kaniya.2 days after….Nasa isang hospital na naman ngayon si Juancho at Pan para magtanong tanong sa possibleng maging doctor ni Zahara but this time, kasama nila si Zahar
“Kilala mo siya papa?” tanong ni Zahara.‘Papa?’ tanong ni Symon sa isipan niya. ‘Kung ganoon, ang batang yan ang apo ko?’ aniya at napatingin muli kay Zahara.“Juancho, I-"“Anong ginagawa mo? Nandito ka ba para sundan ako?” nalukot ang mukha ni Juancho, halatang iritado na nakita niya ang ama niya sa malayong hospital na pinuntahan nila.“What? No. Hindi ko alam na nandito ka. I’m here for work.”“Kung ganoon, huwag mo na lang kaming pansinin.” Binuhat ni Juancho si Zahara at handa ng umalis pero hindi sila kayang hayaan ni Symon na makaalis na hindi man lang nakikilala ang apo niya. After all, he was looking forward to meet his granddaughter.“Teka, siya ba ang anak mo? Apo ko ba siya?”Binalingan siya ng masamang tingin ni Juancho. “Huwag mo ng pakialaman ang pamilya ko. Bakit hindi ka magfocus sa asawa mo?”Dumaan ang sakit sa mata ni Symon. Hindi niya maintindihan ang saya na nararamdaman niya na nakita niya rin sa wakas ang apo na inaasam niyang makita. Ngunit malungkot din siy
“H-Huh?” napaatras si Leila at biglang natakot sa narinig. “Anak? W-Wala akong an…”“May babae akong nakita na kasama ni Juancho kanina. Kamukha mo siya, kamukhang kamukha mo na unang tingin ko akala ko ay ikaw.”Namutla si Leila. Agad siyang kinabahan at parang nablanko na ang utak niya. “M-Magpapaliwanag ako Sy-"“Alam mong hindi kita papakasalan hindi ba kung may anak kayo ng dati mong asawa?”Naiyak siya at agad na napatakip sa bibig niya. “Kaya mo ba itinago ang anak mo dahil doon?”“Symon, I’m sorry…” umiiyak na sabi niya.Umatras si Symon kaya nabitawan ni Leila ang kamay niya. Betrayal, sadness and guilt ay makikita na sa mukha nito.“May sinira ba akong pamilya Leila?” hindi makapaniwalang tanong ni Symon.“Symon, no…” umiiyak na sabi niya. “Nagkakalabuan na kami ni Anton no’ng magkakilala tayo.”“So kayo pa nga no’ng naging tayo at may anak kayo? Iniwan mo ang anak mo at sumama sa akin?”Napaupo si Symon sa sofa at napahilamos ng mukha niya. “A-Alam mo ba kung bakit ayaw ko
NEVER IN JUANCHO’S LIFE that he imagined na darating ang oras na siya mismo ang tatakbo sa opisina ng ama niya, umiiyak at magmakaawa na gamutin si Zahara.Ang pawis ay tumutulo mula sa kaniyang noo at halata sa mukha ang kaba at takot na kailanman ay hindi pa niya naranasan.He hated his father for killing his older brother, and yet, here he is, kneeling his knees while begging.“Pa… help my daughter… She’s in danger…” umiiyak na sabi niya.Gulat na gulat si Symon dahil hindi niya inakala na luluhod ang anak niya sa kaniya, umiiyak habang nakikiusap na tulungan ang anak niya.Nabitawan pa niya ang ballpen na hawak niya. Nakita niya ang kondisyon ni Zahara at alam niya oras ang kalaban nila.Wala na siyang sinayang na oras. Tumakbo na siya sa OR kung nasaan ang apo niya at naabutan niya doon si Pan na umiiyak.Natigilan na naman siya dahil hindi siya sanay makita ang mukha ng asawa niya sa batang si Pan.Lumuhod ito at umiiyak. “Doc, t-tulungan mo ang anak ko.. Kahit po magkano, magba
Naging successful ang operation ni Zahara. Labis na nakahinga ng maluwag si Juancho at Pan dahil doon.Hindi na rin matapos-tapos ang pasasalamat ni Pan kay Symon Bec—ang ama ni Juancho.“Hindi ko kailangan ng pera bilang pambayad sa operasyon sa apo ko, hija.” Ang sabi ni Symon. “Ang gusto ko ay maging parte ng buhay niya. Gusto kong makilala niya ako bilang lolo niya at gusto ko siyang makasama kahit galit sa akin ang ama niya.”Naitikom ni Pan ang labi niya. Alam niyang wala siya sa position para humindi sa kagustuhan ni Symon dahil ito ang nagligtas ng buhay niya. Pero hindi pa niya nakakausap si Juancho tungkol sa request nito. “Pwede ko po bang makausap si Juancho tungkol dito?”“Sige… Sana ay may makuha akong sagot sa lalong madaling panahon. Magkikita pa naman tayo mamaya dahil kailangan kong tignan ang kalagayan ni Zahara from time to time.”Nang makaalis si Symon, agad na pumasok si Pan sa kwarto ni Zahara at nakita niya si Juancho doon na emotional habang nakatingin sa anak
--After a month—Babalik si Juancho sa Manhattan para balikan ang trabaho na pansamantala niyang iniwan. Bahay at hospital lang ang naging buhay nila ni Pan sa isang buwan hanggang sa magising ang anak nila.“Babalik si papa dito, okay? Pero palaging tatawag si papa sa inyo ni mama kaya dapat kausapin mo si papa lagi ah?” madamdaming sabi ni Juancho kay Zahara.Ngumiti si Zahara sa kaniya. “Opo papa.. Balik po kayo agad ah?” bagama’t mahina ang boses ay klarong klaro pa rin naman ang kaniyang sinabi.“Oo naman. Babalik si papa agad. Malapit na rin naman matapos ang trabaho ko doon at hindi na muna ako kukuha ng work abroad. Dahil magaling ka na sa sakit mo, gawin natin ang mga gusto mong gawin pag-uwi ko.”Tumango si Zahara. HinaIikan ni Juancho ang noo niya. “Papa will miss you my princess. Kumain ka ng maraming gulay saka prutas ah? Tapos laging makikinig kay mama..” Klaro sa mukha ni Juancho na ayaw niya umalis.“Opo papa. Excited na rin po akong lumabas ng hospital. A-Ayoko na mag
Napaupo si Leon matapos siyang itulak ni Juancho sa pader. Nasa labas sila ng hospital at paalis na sana siya para pumunta ng airport ng makasalubong niya ito.“Stop hoping na magkakaroon ng kayo. Wala ka ng pag-asa kay Pan. Bakit ka pa nagpunta dito?” Ang sabi ni Juancho. “Do you think hindi ko malalaman na naging accessory ka sa plano ni Leila para paghiwalayin kami?”Sinamaan niya ng tingin si Juancho. “Hindi ko gusto ang saktan si Pan. Totoo ang pinapakita ko sa kaniya.”“Totoong ano? Totoong may nararamdaman ka sa kaniya? Pwede ba gumising ka? Hindi mo siya makukuha sa akin.”“Hindi ikaw ang magdidisisyon diyan. Hindi pa kayo kasal-" kwinelyuhan siya ni Juancho.“Subukan mo kong gaguhin Leon at hindi ako mangingimi na gantihan ka. Pan is mine. May anak na kami kaya tigilan mo na siya.”Nagpunta si Leon ng hospital without any ill intention. Gusto lang niyang bisitahin si Pan at Zahara. Hindi niya inaasahan na makakasalubong niya pala si Juancho.“Hindi siya sayo. Binawi mo lang s
6 years later…..“Sino ka?” tanong ni lola Susana kay Juancho nang pumasok ito ng bahay niya.“Lola, ako ito, yung paborito mong apo…”“Apo? Wala akong natatandaan na apo na gaya mo. Hindi kaya ay isa kang magnanakaw?”Lola Susana’s case is getting worse day by day dahil sa labis na katandaan nito. Nanlalabo na nga ang paningin niya at nakakalimutan na rin niya ang ibang bagay-bagay.“May apo ka la at iyon ay si Juancho.”“Sino? Wano?”“Juancho po…” nakangiting sabi ni Juancho. “Dito ka muna la ah, dalhin ko lang sa kusina itong binili ko.” At nagtungo siya sa kusina kung saan ay naabutan niya doon si Leila na nagluluto.“Para ka talagang dad mo.” Sabi ni Leila dahil kanina lang, si Symon ang huminto sa bahay para dalawin siya.“Pareho kaming pogi, tita?”Natawa si Leila at napailing.Nagkabalikan naman si Leila at Symon sa loob ng anim na taon pero hindi sila magkasama sa iisang bahay dahil kailangan alagaan ni Leila si lola Susana.Kaya si Symon nalang ang palaging bumibisita sa kani
Ilang buwan na ang nakalipas, si Juancho ay hindi pa rin tumitigil sa paghahanap niya kay Pan.He stopped accepting client dahil mas priority niyang mahanap. Pero kahit na anong gawin niya, wala pa rin siyang lead na nakukuha.He doesn’t know what to do anymore. Umaasa na lang siya na papanigan siya ng swerte.Ngayon, hawak-hawak niya ang isang supot na naglalaman ng prutas. Papunta siya sa bahay ng mga Salvi para kaniyang mabisita si lola Susana.Nang makarating siya, agad niyang kinatok ang pinto nito at ngumiti ng malapad.“Oh Juancho, narito ka na naman. Hindi ka pa ba nadadala? Wala nga akong sasabihin sayo tungkol sa apo ko.”Ngumiti si Juancho, inaasahan niya na ito. “Ikaw po ang ipinunta ko dito, la. Kailangan niyo pong alagaan ang katawan niyo lalo’t wala na kayong kasama kaya binilhan ko po kayo ng prutas.”Pinagsingkitan siya ni lola Susana ng mata. “Naku hijo, hindi mo na ako madadala sa mga ganyan. Masiyado na akong matanda para maloko mo sa iyong matatamis na salita.”Ngu
Nakahinga ng maluwag si Logan. At tumingin siya kay Sara.“Pwede mo bang papuntahin si Pan dito?”Tumango si Sara ng walang pag-alinlangan. “Yan ba ang una mong planong gawin para sa paghihiganti mo sa dad mo?”“Oo at kailangan ko munang magpahinga.” Saad ni Logan at pumikit ng humapdi na naman ang sugat niya sa likuran.“At saka ko hahanapin ang anak ko.” Dagdag niya.“Logan, paano kung wala na ang bata?”“Hahanapin ko pa rin siya, Sara. Right now, hindi ko na alam anong dapat kong maramdaman. Kung iiyak ba ako, magagalit, o ano.”Nakagat ni Sara ang labi niya. Naaawa siya kay Logan. Gusto niya itong tulungan sa abot ng makakaya niya.“Paano mo mapapabagsak ang dad mo?”“Kailangan ko ng pera.” Diretsang sabi ni Logan sa kaniya. “Kailangan ko ng pera para makagawa ako ng sarili kong gaming app na itatapat ko sa Gamesoft. Tatalunin ko si dad at sisiguraduhin kong tatalikuran siya ng tao hanggang sa bumagsak siya sa lupa.”Naroon ang determinasyon sa mukha niya.“Paano mo yun gagawin? Sa
When things are getting chaotic, akala ni Lorciano ay nalusutan na niya lahat.Pero iyon ang pagkakamali niya. Kalat sa internet ngayon ang pagsulpot ng isang hindi kilalang lalaki na nagtatago sa likod ng maskara na siyang nagsiwalat na si Lorciano ang dahilan ng pagkamatay ni Gidette.A baseless claims na pinaulanan ng mga tao at media. Kahit ang pamilya ni Gidette ay naintriga.Kaya dinumog ng press ang bahay ni Lorciano dahilan kung bakit yung attention niya ay napokus sa paglilinis sa nadungisan niyang pangalan.“GUMAWA KAYO NG PARAAN! HANAPIN NIYO ANG LALAKING NAKAMASKARA!” Sigaw niya nang puntahan siya ng mga tauhan niya sa kaniyang opisina.Hindi siya makalabas dahil kahit siya magpunta, may nakasunod sa kaniya.“Sinong inutil ang lalaking yun?” halos nagpupuyos na siya sa tindi ng galit.Si Marie, ay napapikit. Nasa likod siya ng pinto ng office ng dad niya sa bahay nila.Grounded siya dahil pinatakas niya ang kuya Logan niya.Ngayon, natatakot siya at nananalangin na sana ay
“P-Pan,” ang nasabi ni Juancho nang makita niyang gising na si Pan.Gusto niya itong hawakan pero natatakot siyang itulak siya nito palayo.“I told you na hindi kita mapapatawad kung may nangyari sa anak ko, hindi ba?” Natigilan si Juancho at tumulo na naman ang luha niya.“I’m s-sorry, baby… I’m sorry…”Lumuhod na siya sa harapan ni Pan. “I’m really sorry…”“Sorry?” natawa si Pan. Wala ng kabuhay-buhay ang mukha niya. “Hindi ko kailangan ng sorry mo Juancho.”Halos dumapa na si Juancho sa sahig, hindi alam ano pang sasabihin maliban sa sorry. Umiiyak lang siya, umaasang kahit konti, kayang maibalik ng sorry niya ang lahat ng sakit na naidulot niya.“Patawarin mo ‘ko. Patawad sa lahat.” Humagolgol na saad niya.Alam niya kasing huli na siya. Sa mga tingin ni Pan sa kaniya, alam niyang huling huli na.“Kung gusto mong patawarin kita, ibalik mo sa akin ang anak ko.” Napatingin si Juancho kay Pan. Nanlaki ang mata niya.“P-Pan-"“KUNG GUSTO MONG PATAWARIN KITA, IBALIK MO SA AKIN SI ZA
“ZAHARAAAAAA!!!!” Sigaw ni Pan.Umakyat na siya, tila walang pakialam kung madamay siya sa sunog.Ang nasa isipan na lang niya ay mailigtas niya ang anak niya.Pero bago siya makalayo, nahila na siya ni Leon palayo sa gate.“Pan, delikado!” Nag-aalalang sabi ni Leon.Nanlaki ang mata ni Pan.“BITAWAN MO ‘KO LEON! NASA LOOB PA ANG ANAK KO!” Sigaw ni Pan sa kaniya na sinubukang magpumiglas..Tumingin sila sa bintana. Naroon pa si Zahara, umiiyak at sumisigaw ng tulong.Takot na takot na siya at gusto ng umalis. Hindi siya makaalis dahil masiyadong mataas ang bahay.Her weak and frail body na kagagaling lang ng operasyon couldn’t stand it kung tatalon siya.Mamamatay rin siya kaagad.“MAMA!!! TITOOOOO!!! TULUNGAN NIYO AKO DITO!!! MAMAAAAA!!”“LEON BITAW!” Umiiyak na pagmamakaawa ni Pan.Pumikit si Leon, maski siya ay hindi alam anong gagawin. Malaki ang sunog sa bahay, galing sa ibaba, paakyat sa itaas. Kung bibitawan niya si Pan, alam niyang mapapahamak ito.“MAMA!!!! MAMAAAAAAA… HELP M
Magkasama si Juancho, Leila at Symon sa pagtugis sa ex-convict na nagdakip kay Zahara. Ito ay walang iba kun’di si Larry.Nakastand-by na ang mga pulis, nag-aabang na makalabas si Larry sa bahay niya.No’ng lumabas siya, agad itong tumakbo nang mapansin niya ang mga pulis kaya hinabol siya.Sirena ng mga sasakyan ng pulis ang maririnig sa kalsada at sina Juancho ay nakasunod sa likod.Wala ng ibang namutawi sa mukha niya kun’di galit sa mga kumuha kay Zahara at galit sa sarili niya na inuna niya ang sariling emotion kesa ang piliing magpakumbaba at pakinggan si Pan.Pagdating nina Juancho sa lugar kung saan huminto ang mga sasakyan ng pulis, agad agad silang bumaba.Nakita nilang hawak na ng mga kapulisan si Larry. Sa tindi ng galit ni Juancho, agad siyang tumakbo palapit sa ex-convict at agad niya itong sinuntok.“HAYOP KA! NASAAN ANG ANAK KO?!!!! NASAAN SI ZAHARA?”Hindi nakapagsalita ang lalaki dahil hindi siya tinatantanan ni Juancho ng suntok kaya ang mga pulis ay ginawa ang laha
Sa bahay kung saan dinala si Gidette noon, doon dinala ng mga tauhan ni Lorciano si Zahara.Patuloy at walang humpay na umiiyak ang bata habang nakakulong sa isang madilim na kwarto.Nang pumasok si Lorciano sa kwartong iyon, agad niyang nakita si Zahara na nakatingin sa labas ng bintana at umiiyak.“Sino po kayo? P-Pakawalan niyo po ako dito please… Gusto ko na pong umuwi kay mama.”Tumawa si Lorciano. Nagngingitngit ang kalooban niya habang nakatingin sa anak ni Pan.Lumapit siya dito. “Gusto mo ng umuwi?” tanong ni Lorciano.“Opo…” humihikbing sagot ni Zahara.“Oh ito…” Malakas na sampal ang binigay ni Lorciano sa bata kaya mas lalong umiyak si Zahara lalo’t parang nabali ang leeg niya sa lakas ng sampal na iyon.“PAPA!!!! MAMA!!!!” Humihinging tulong na sigaw ng bata.Hindi pa nakontento si Lorciano, kinuha pa niya ang buhok ni Zahara at hinila paitaas para mapatingin ito sa kaniya.Napangisi siya ng makitang dumugo ang labi ng bata at namaga agad ang pisngi.Simpal pa niya ito ng
Nang makasakay si Pan at Leila ng sasakyan, agad na nahimatay si Pan.“Manong bilis!” Natatarantang sabi ni Leila at kinakabahan para sa anak niya.Humawak ito sa tiyan ni Pan at tahimik na nanalangin at kinakausap ang apo niya na huwag siyang bumitaw.“Hello our baby angel. Huwag ka bumitaw anak kasi hindi kakayanin ng mama mo kung pati ikaw mawala. Love na love ka namin at excited kaming makita ka. So please, stay with us sweetheart… please.. please..”Tumingin ang driver kay Leila at nakita niya itong kinakausap ang tiyan no’ng anak nito na nahimatay.“Please… Lord, huwag ang baby… Hindi kakayanin ng anak ko kung dalawa sa anak niya ang mapahamak.” Lumuluhang pakiusap ni Leila.Nagpatuloy pa siya sa pakikipag-usap sa apo niya. Sinasabihan niya ito na humihingi ng sorry si mama niya sa kaniya at mahal na mahal nila ito.Kahit ano, gagawin niya just to save the baby.Alam niya kung gaano ka-stress si Pan ngayon and she’s so damn afraid na maapektuhan ang dinadala nito.And this is the