“H-Huh?” napaatras si Leila at biglang natakot sa narinig. “Anak? W-Wala akong an…”“May babae akong nakita na kasama ni Juancho kanina. Kamukha mo siya, kamukhang kamukha mo na unang tingin ko akala ko ay ikaw.”Namutla si Leila. Agad siyang kinabahan at parang nablanko na ang utak niya. “M-Magpapaliwanag ako Sy-"“Alam mong hindi kita papakasalan hindi ba kung may anak kayo ng dati mong asawa?”Naiyak siya at agad na napatakip sa bibig niya. “Kaya mo ba itinago ang anak mo dahil doon?”“Symon, I’m sorry…” umiiyak na sabi niya.Umatras si Symon kaya nabitawan ni Leila ang kamay niya. Betrayal, sadness and guilt ay makikita na sa mukha nito.“May sinira ba akong pamilya Leila?” hindi makapaniwalang tanong ni Symon.“Symon, no…” umiiyak na sabi niya. “Nagkakalabuan na kami ni Anton no’ng magkakilala tayo.”“So kayo pa nga no’ng naging tayo at may anak kayo? Iniwan mo ang anak mo at sumama sa akin?”Napaupo si Symon sa sofa at napahilamos ng mukha niya. “A-Alam mo ba kung bakit ayaw ko
NEVER IN JUANCHO’S LIFE that he imagined na darating ang oras na siya mismo ang tatakbo sa opisina ng ama niya, umiiyak at magmakaawa na gamutin si Zahara.Ang pawis ay tumutulo mula sa kaniyang noo at halata sa mukha ang kaba at takot na kailanman ay hindi pa niya naranasan.He hated his father for killing his older brother, and yet, here he is, kneeling his knees while begging.“Pa… help my daughter… She’s in danger…” umiiyak na sabi niya.Gulat na gulat si Symon dahil hindi niya inakala na luluhod ang anak niya sa kaniya, umiiyak habang nakikiusap na tulungan ang anak niya.Nabitawan pa niya ang ballpen na hawak niya. Nakita niya ang kondisyon ni Zahara at alam niya oras ang kalaban nila.Wala na siyang sinayang na oras. Tumakbo na siya sa OR kung nasaan ang apo niya at naabutan niya doon si Pan na umiiyak.Natigilan na naman siya dahil hindi siya sanay makita ang mukha ng asawa niya sa batang si Pan.Lumuhod ito at umiiyak. “Doc, t-tulungan mo ang anak ko.. Kahit po magkano, magba
Naging successful ang operation ni Zahara. Labis na nakahinga ng maluwag si Juancho at Pan dahil doon.Hindi na rin matapos-tapos ang pasasalamat ni Pan kay Symon Bec—ang ama ni Juancho.“Hindi ko kailangan ng pera bilang pambayad sa operasyon sa apo ko, hija.” Ang sabi ni Symon. “Ang gusto ko ay maging parte ng buhay niya. Gusto kong makilala niya ako bilang lolo niya at gusto ko siyang makasama kahit galit sa akin ang ama niya.”Naitikom ni Pan ang labi niya. Alam niyang wala siya sa position para humindi sa kagustuhan ni Symon dahil ito ang nagligtas ng buhay niya. Pero hindi pa niya nakakausap si Juancho tungkol sa request nito. “Pwede ko po bang makausap si Juancho tungkol dito?”“Sige… Sana ay may makuha akong sagot sa lalong madaling panahon. Magkikita pa naman tayo mamaya dahil kailangan kong tignan ang kalagayan ni Zahara from time to time.”Nang makaalis si Symon, agad na pumasok si Pan sa kwarto ni Zahara at nakita niya si Juancho doon na emotional habang nakatingin sa anak
--After a month—Babalik si Juancho sa Manhattan para balikan ang trabaho na pansamantala niyang iniwan. Bahay at hospital lang ang naging buhay nila ni Pan sa isang buwan hanggang sa magising ang anak nila.“Babalik si papa dito, okay? Pero palaging tatawag si papa sa inyo ni mama kaya dapat kausapin mo si papa lagi ah?” madamdaming sabi ni Juancho kay Zahara.Ngumiti si Zahara sa kaniya. “Opo papa.. Balik po kayo agad ah?” bagama’t mahina ang boses ay klarong klaro pa rin naman ang kaniyang sinabi.“Oo naman. Babalik si papa agad. Malapit na rin naman matapos ang trabaho ko doon at hindi na muna ako kukuha ng work abroad. Dahil magaling ka na sa sakit mo, gawin natin ang mga gusto mong gawin pag-uwi ko.”Tumango si Zahara. HinaIikan ni Juancho ang noo niya. “Papa will miss you my princess. Kumain ka ng maraming gulay saka prutas ah? Tapos laging makikinig kay mama..” Klaro sa mukha ni Juancho na ayaw niya umalis.“Opo papa. Excited na rin po akong lumabas ng hospital. A-Ayoko na mag
Napaupo si Leon matapos siyang itulak ni Juancho sa pader. Nasa labas sila ng hospital at paalis na sana siya para pumunta ng airport ng makasalubong niya ito.“Stop hoping na magkakaroon ng kayo. Wala ka ng pag-asa kay Pan. Bakit ka pa nagpunta dito?” Ang sabi ni Juancho. “Do you think hindi ko malalaman na naging accessory ka sa plano ni Leila para paghiwalayin kami?”Sinamaan niya ng tingin si Juancho. “Hindi ko gusto ang saktan si Pan. Totoo ang pinapakita ko sa kaniya.”“Totoong ano? Totoong may nararamdaman ka sa kaniya? Pwede ba gumising ka? Hindi mo siya makukuha sa akin.”“Hindi ikaw ang magdidisisyon diyan. Hindi pa kayo kasal-" kwinelyuhan siya ni Juancho.“Subukan mo kong gaguhin Leon at hindi ako mangingimi na gantihan ka. Pan is mine. May anak na kami kaya tigilan mo na siya.”Nagpunta si Leon ng hospital without any ill intention. Gusto lang niyang bisitahin si Pan at Zahara. Hindi niya inaasahan na makakasalubong niya pala si Juancho.“Hindi siya sayo. Binawi mo lang s
“JULIA! NABABALIW KA NA BA?” Hindi na nakapagpigil si Symon. Sinigawan niya na si Julia, ang ex-wife niya. Hindi niya kayang pabayaan na pinagsasalitaan nito ng masasama si Pan.“Baliw? Ako pa ang nababaliw? Ang babaeng pinoprotektahan mo ang baliw. Bakit hinahayaan mo siyang makalapit kay Juancho? Gold digger ang babaeng yan!”Malalaki ang hakbang na lumapit siya kay Julia at agad niyang hinablot ang braso nito at kinaladkad palayo kay Pan. Pinagtitinginan tuloy sila ng maraming tao.Paglabas nila, agad niyang itinulak si Julia kaya muntik na itong matumba. Agad niya itong dinuro. “Hindi ko alam kung anong ginawa ni Pan sa anak-anakan mo, pero hindi ako makakapayag na saktan mo siya sa walang katuturang bagay!”“Walang katuturan? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ex-girlfriend siya ni Logan pero iniwan niya ang anak ko at si Juancho naman ngayon ang kinanti niya. Isa siyang gold digger!! Anong klase kang ama at hinahayaan mo ang linta na yun na huthutan si Juancho ng pera?”“JULIA!”
“Juancho’s friend?” that statement echoed in Pan’s head. Hindi niya alam na may kaibigang babae pala si Juancho doon sa Sicily.“Oo. You’re Pan right at si Zahara, ang anak niyo?”Tumango si Pan. Tinitigan niya ang mukha ni Felicity at nakita niya kung gaano ito kaganda. Sa sobrang ganda, pakiramdam niya ay naiinsecure siya dahil may maganda palang babae na nakasama si Juancho doon sa Sicily.At wala man lang itong nabanggit sa kaniya.“W-Wala si Juancho ngayon. N-Nasa airport na yata siya papuntang Manhattan, nagta-trabaho.”“I know. He said to me na pumunta dito para samahan kayo hanggang wala pa siya.”Kumunot ang noo niya. “At bakit naman niya gagawin yun? Ganoon ba talaga kayo ka-close?”“Oo, close kami. But don’t worry, ikaw naman ang gusto niya. Are you jealous?”Agad na umiling si Pan. “P-Pasensya na. Hindi ko kasi alam na may kaibigan siya doon sa Sicily. T-Tatanungin ko na lang mamaya si Juancho kapag nakatawag na siya.”“Okay..”Napansin ni Felicity ang mga sugat ni Pan sa b
“Kamusta ka na?” ang unang tanong ni Symon kay Marie. Nasa isang coffee shop na sila, nasa harapan lang ng hospital kung saan siya nagta-trabaho.“A-Ayos lang po ako p-papa.” Mahinang sabi niya. Tapos nanlaki ang mata niya nang matawag niyang papa si Symon.“Sorry po-"“It’s alright. Ayos lang sa akin kung tawagin mo ‘kong papa. Naging papa mo rin naman ako hindi ba?”Nanubig ang mata ni Marie at tumango. She heard what happened to her kuya Zack, pero hindi gaya ni Julia, hindi siya galit sa papa Symon niya at sa kuya Juancho niya.“Matagal rin tayong hindi nagkita. How was your school?”“Ayos lang po p-papa.”“Kamusta ang asawa ng mama mo? Is he good to you?”Nakayuko lang ang ulo ni Marie at napansin ni Symon ang pagpapalit ng expression ng mukha niya.“Why? Sinasaktan ka ba niya?”Umiling siya. “H-Hindi po papa dahil nandito pa po si kuya Logan.”“What do you mean?”“D-Dad is very controlling po. Madali po siyang magalit kaya po siguro lumayas na si kuya Logan.”Lumalim ang gatla sa
“Ang hirap mo ng abutin, Pan.” Malungkot na sabi ni Juancho. “Akala ko magiging okay ang lahat kung malaman mong buhay si Zahara pero mali ako, ang pag-ibig mo pala para sa akin ang namatay.”Tumingin si Pan sa kaniya, ang mata ay puno ng sakit at puot. “You made me like this.”“And I’m sorry…” halos magcrack ang boses ni Juancho. “I’m sorry for making you like that. I’m sorry at wala ako nong pinakakailangan mo ‘ko.”Nakagat ni Pan ang labi niya. Naiinis siya na kung kausapin siya ni Juancho ay parang ini-invalidate nito ang mga pinagdaanan niya noon.“Do you wish for me to be dead during operation?”Nanlaki ang mata ni Pan. “I didn’t say that.”“Pero iyon ang pinapakita mo sa akin. Iyon ang nararamdaman ko. Na para bang inaasahan mo na mamamatay ako doon. Kung magsalita ka nga ay para bang wala ka ring pakialam kung mamatay ako doon.”Tinuro ni Pan ang pinto. “Umalis ka na.” Dahil hindi niya na kaya marinig ang anupamang sasabihin ni Juancho sa kaniya.“Kailan mo ‘ko balak harapin P
Malalim ang buntong hininga ni Pan matapos niyang makita si Juancho na karga karga ang anak nila na nakatulog na matapos ang pag-iyak."Hindi mo sana nilapitan ng sa ganoon e magtanda."Nag-alala ang mukha ni Zahara sa likuran. Natatakot siyang mag-away ang mga magulang niya. "I'm sorry. Hindi ko kayang makita na umiiyak ang anak natin.""Then paano mo ihahandle ang nangyari kanina? Nakita mo anong ginawa niya kay Zahara. Huwag mong sabihin ayos lang sa'yo yung ginawa niya?"Alam ni Juancho ang ibig iparating ni Pan. He didn't argue. Instead, nagsorry na lang siya. "I'm sorry.. Tatandaan ko ang lahat ng sinabi mo."Tumingin si Pan kay Dahlia at pagkatapos ay inayos niya ang buhok nito na nasa mukha."Ipasok mo siya sa kwarto niya."Naglakad na siya at sumunod naman sa kaniya si Juancho. Bahagyang hinawakan ni Zahara ang papa niya at nagthumbs up dito. Masaya siya ngayon na kahit papaano nagkakausap na ang mama at papa niya na walang sigawan.Matapos ihiga ni Juancho si Dahlia, si Pa
Nagdadalamhati ang lahat sa pagkawala ni lola Susana. Ang bawat patak ng luha ay katumbas ng libo-libong sakit na nasa puso ng bawat isa sa kanila.Lalo na si Pan na lola Susana na niya ang halos nagpalaki sa kaniya.Yakap yakap ngayon ni Zahara ang papa Juancho niya habang si Pan e yakap si Dahlia.Masiyadong magulo ang isipan niya dahil iniisip niya rin si Lou. Dahil sa biglaang pagkawala ni lola Susana, hindi sila agad nakapunta kay Lou.She sent her men at sinabi ni Marie ang lokasyon, pero wala na doon sa bahay na tinutukoy ni Marie si Lorciano, si Lou, Julia at mga tauhan nito.Nang matapos ang libing, agad na pinuntahan ni Leila si Pan. Kasama niya si Wil na ngayon ay natutulog na habang buhat niya.“Uuwi ka ba ngayon?”“Aalis na kami ni Marie mamaya, ma. May lead na daw kung nasaan si Lorciano.” Masiyado ng maraming oras ang nasayang nila.Hindi batid ni Pan kung may aabutan pa ba sila. Pero nananalangin siya na sana oo at gusto niya talagang mailigtas si Lou, alang-alang kay
“Good morning…”Nagmulat nang mata si Zahara at nakita niya si Pan malapit sa pinto, may dalang pagkain.Agad siyang napatingin sa orasan at nakita niyang tanghali na siya nagising. Napuno pa kasi sila ng iyakan kagabi.At matapos pa non e nagkwentuhan pa sila kaya hindi sila nakatulog agad.“Mama, hindi po ba kayo natatakot sa mukha ko? Sobrang panget ko po kapag bagong gising.” Nahihiya na sabi niya.Mahirap sa kaniya tanggapin at aminin na maganda siya kung ang salitang panget naman ang naririnig niya sa mga kaklase niya.“Zahara, huwag mong sabihin yan anak.” Seryosong sabi ni Pan. Nagmamadali siyang lumapit kay Zahara at nilagay ang tray ng pagkain sa gilid ng mesa.“You are beautiful kaya huwag mong sabihin na panget ka dahil si mama ang nasasaktan.”“But it’s true mama.” Mahinang sabi ni Zahara.Naging seryoso ang mukha ni Pan. “Marami ng pera si mama anak. Kapag pwede na, maibabalik natin ang mukha mo kung iyon ang nais mo.”Sinabi na iyon ng papa niya. But she’s too young to
KAHIT NA AYOS NA SI PAN AT ZAHARA, hindi ibig sabihin no’n e maayos na rin sila ni Juancho.The wall is still there, pero hindi na ganoon kahabog gaya noon. Halo ang emotion na nararamdaman ngayon ni Pan ngayon. Masaya at malungkot siya lalo pa’t kamatayan ito ni lola Susana at araw rin ito kung saan e nalaman niya na buhay pa pala ang anak niya.Maraming gusto malaman si Pan tungkol sa anak niya, pero hindi niya makausap si Zahara ngayon dahil mahimbing na itong natutulog sa bisig niya.Si Logan naman e nasa harapan lang niya, nakaupo at hindi rin niya makausap dahil tahimik lang ito.Naputol ang katahimikan nila nang pumasok si Juancho sa kwarto kung nasaan sila. Agad siyang napatingin kay Pan na ngayon e pagod na nakatingin sa kaniya.“Iuuwi ko ang anak ko sa bahay ko.” Sabi ni Pan. Hindi na siya papayag na malayo ang anak niya sa kaniya. Agad naman na nagulat si Logan, ganoon rin si Juancho.“Pan, can we talk?” si Logan ang nagsalita, kinakabahan. “We didn’t intend to hide her a
Para nang mahihilo si Pan habang hinahanap ng mga mata niya si Zahara.Hindi niya ito mahagilap, hindi niya ito makita. Kinakabahan siya na baka sangkot ang anak niya sa isang aksidente na nangyayari sa harapan.“I’m sorry… nasaan ka Zahara? Mama is sorry… Please, magpakita ka na.” Paulit-ulit na nasabi niya sa kaniyang sarili.Napatakip siya ng kaniyang bibig at halos manginig habang sumisilip sa harapan.Ang lakas ng tibok ng puso niya.Natatakot siyang makita kung sino man yung tao na naaksidente.Pagsilip niya sa harapan, labis siyang napasinghap nang makita kung sino iyon.‘It’s not my daughter.’ Aniya at nakahinga ng maluwag na hindi si Zahara ang duguan na nakahandusay sa lupa.Nilibot pa niya ang kaniyang paningin at saka niya nakita si Zahara, nakaupo sa harapan ng taong nasagasaan.Nanginginig ito sa takot at halos hindi alam anong gagawin.“ZAHARA!” Pagtawag niya.Napatingin si Zahara sa kaniya.Ang takot sa mukha nito e napalitan ng pagkabigla. Unti-unting nanlaki ang mata
“Mama, ako po ito…. si Zahara.”Umiiyak si Zahara.Labis labis ang luhang tumutulo mula sa dalawang mata niya habang nakatingin sa nanlilisik na mata ni Pan.‘Why? Bakit galit si mama?’ nagtatakang tanong niya sa sarili niya.Nanlaki ang mata niya nang dinuro niya ito. “Tumahimik ka.”Lumakas ang hagolgol niya. Umiling siya at agad na tumakbo palapit sa mama niya.“Mama, ako po ito… Ako po si Zahara mama..” Hinawakan niya si Pan pero lumayo si Pan sa kaniya. Bagkos, sinamaan nito ng tingin si Juancho at Logan na nasa likuran niya.“Is this your plan? To use this girl para lokohin ako? Sa tingin niyo ba maloloko niyo ko?”Napatigil sandali si Zahara sa narinig.“PAN! MAG-INGAT KA SA PANANALITA MO!” Galit na sabi ni Logan at lumapit kay Zahara na ngayon ay hindi na alam anong gagawin.“Dahil ginagago niyo ko lahat. Anong nakain niyo ni Juancho para gamitin itong babaeng ito at magkunwari na siya si Zahara?”Nag-aalala na si Zahara. Halos lumuhod na siya para paniwalaan siya ng mama niya
Agad sumugod sina Pan sa hospital kasama niya si Leila at dalawang mga anak niya na sina Dahlia at Wil.Kasama rin niya si Marie.Pagdating nila doon, ang umiiyak na si Juancho at Logan ang nakita niya.At sa tabi, naroon si Symon katabi ni Zahara na nakilala niya bilang Zara.Napahinto sandali si Pan bago siya bumaling kay lola Susana.“Ma…” agad lumapit si Leila kay lola Susana at niyakap niya ito agad.Si Pan ang sumunod na agad umiyak habang niyayakap ngayon si lola Susana.Ang dalawang bata sa tabi e agad na yumakap kay Marie dahil wala naman silang kilala doon bukod sa mama at lola nilang nakayakap kay lola Susana.Napansin sila ng mga kalalakihan sa loob.Si Logan, agad nanlaki ang mata niya nang mapatingin siya kay Wil.Si Juancho naman, natuon ang mata niya kay Dahlia.Marahil totoo ang lukso ng dugo dahil kahit wala pa mang kumpirmasyon kung sino ang mga anak nila sa dalawa ay alam na nila kung sino.Agad na lumapit si Juancho kay Dahlia pero mas mabilis si Wil na humarang a
“Kuya, bakit busy si mama?” ang tanong ni Dahlia kay Wil matapos niyang makita ang mama niya na nakikipag-coordinate sa mga bodyguards ilang araw na ang nakararaan.Halos hindi na rin nila ito lubusang nakakasama dahil lagi itong wala.Mga maid lang ang kasama nila lagi at nagpapakain sa kanila.Wala sila sa condo ngayon, nasa isang bahay sila na pagmamay-ari ni Pan.At mas dumami pa ang bodyguards nila ngayon kumpara noong mga naunang araw na nakauwi sila.“I don’t know Dahlia,” sabi ni Wil.“Kuya, I’m bored here.”“Gusto mo bang magplay tayo sa labas?”“Yes please…”Kinuha ni Wil ang laruan ni Dahlia at laruan niya saka pumuslit sila sa labas.Lumabas sila ng bahay, ligtas pa rin naman dahil halos pinapalibutan ang buong mansion ng security.Habang naglalaro sila, biglang napatingin si Marie sa dalawang bata.Inimbitahan siya ni Pan sa bahay niya dahil gusto nilang malaman ang details ng lugar ni Lorciano sa China.They need Marie para sa impormasyon na kailangan nila.Kanina pa siya