--After a month—Babalik si Juancho sa Manhattan para balikan ang trabaho na pansamantala niyang iniwan. Bahay at hospital lang ang naging buhay nila ni Pan sa isang buwan hanggang sa magising ang anak nila.“Babalik si papa dito, okay? Pero palaging tatawag si papa sa inyo ni mama kaya dapat kausapin mo si papa lagi ah?” madamdaming sabi ni Juancho kay Zahara.Ngumiti si Zahara sa kaniya. “Opo papa.. Balik po kayo agad ah?” bagama’t mahina ang boses ay klarong klaro pa rin naman ang kaniyang sinabi.“Oo naman. Babalik si papa agad. Malapit na rin naman matapos ang trabaho ko doon at hindi na muna ako kukuha ng work abroad. Dahil magaling ka na sa sakit mo, gawin natin ang mga gusto mong gawin pag-uwi ko.”Tumango si Zahara. HinaIikan ni Juancho ang noo niya. “Papa will miss you my princess. Kumain ka ng maraming gulay saka prutas ah? Tapos laging makikinig kay mama..” Klaro sa mukha ni Juancho na ayaw niya umalis.“Opo papa. Excited na rin po akong lumabas ng hospital. A-Ayoko na mag
Napaupo si Leon matapos siyang itulak ni Juancho sa pader. Nasa labas sila ng hospital at paalis na sana siya para pumunta ng airport ng makasalubong niya ito.“Stop hoping na magkakaroon ng kayo. Wala ka ng pag-asa kay Pan. Bakit ka pa nagpunta dito?” Ang sabi ni Juancho. “Do you think hindi ko malalaman na naging accessory ka sa plano ni Leila para paghiwalayin kami?”Sinamaan niya ng tingin si Juancho. “Hindi ko gusto ang saktan si Pan. Totoo ang pinapakita ko sa kaniya.”“Totoong ano? Totoong may nararamdaman ka sa kaniya? Pwede ba gumising ka? Hindi mo siya makukuha sa akin.”“Hindi ikaw ang magdidisisyon diyan. Hindi pa kayo kasal-" kwinelyuhan siya ni Juancho.“Subukan mo kong gaguhin Leon at hindi ako mangingimi na gantihan ka. Pan is mine. May anak na kami kaya tigilan mo na siya.”Nagpunta si Leon ng hospital without any ill intention. Gusto lang niyang bisitahin si Pan at Zahara. Hindi niya inaasahan na makakasalubong niya pala si Juancho.“Hindi siya sayo. Binawi mo lang s
“JULIA! NABABALIW KA NA BA?” Hindi na nakapagpigil si Symon. Sinigawan niya na si Julia, ang ex-wife niya. Hindi niya kayang pabayaan na pinagsasalitaan nito ng masasama si Pan.“Baliw? Ako pa ang nababaliw? Ang babaeng pinoprotektahan mo ang baliw. Bakit hinahayaan mo siyang makalapit kay Juancho? Gold digger ang babaeng yan!”Malalaki ang hakbang na lumapit siya kay Julia at agad niyang hinablot ang braso nito at kinaladkad palayo kay Pan. Pinagtitinginan tuloy sila ng maraming tao.Paglabas nila, agad niyang itinulak si Julia kaya muntik na itong matumba. Agad niya itong dinuro. “Hindi ko alam kung anong ginawa ni Pan sa anak-anakan mo, pero hindi ako makakapayag na saktan mo siya sa walang katuturang bagay!”“Walang katuturan? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ex-girlfriend siya ni Logan pero iniwan niya ang anak ko at si Juancho naman ngayon ang kinanti niya. Isa siyang gold digger!! Anong klase kang ama at hinahayaan mo ang linta na yun na huthutan si Juancho ng pera?”“JULIA!”
“Juancho’s friend?” that statement echoed in Pan’s head. Hindi niya alam na may kaibigang babae pala si Juancho doon sa Sicily.“Oo. You’re Pan right at si Zahara, ang anak niyo?”Tumango si Pan. Tinitigan niya ang mukha ni Felicity at nakita niya kung gaano ito kaganda. Sa sobrang ganda, pakiramdam niya ay naiinsecure siya dahil may maganda palang babae na nakasama si Juancho doon sa Sicily.At wala man lang itong nabanggit sa kaniya.“W-Wala si Juancho ngayon. N-Nasa airport na yata siya papuntang Manhattan, nagta-trabaho.”“I know. He said to me na pumunta dito para samahan kayo hanggang wala pa siya.”Kumunot ang noo niya. “At bakit naman niya gagawin yun? Ganoon ba talaga kayo ka-close?”“Oo, close kami. But don’t worry, ikaw naman ang gusto niya. Are you jealous?”Agad na umiling si Pan. “P-Pasensya na. Hindi ko kasi alam na may kaibigan siya doon sa Sicily. T-Tatanungin ko na lang mamaya si Juancho kapag nakatawag na siya.”“Okay..”Napansin ni Felicity ang mga sugat ni Pan sa b
“Kamusta ka na?” ang unang tanong ni Symon kay Marie. Nasa isang coffee shop na sila, nasa harapan lang ng hospital kung saan siya nagta-trabaho.“A-Ayos lang po ako p-papa.” Mahinang sabi niya. Tapos nanlaki ang mata niya nang matawag niyang papa si Symon.“Sorry po-"“It’s alright. Ayos lang sa akin kung tawagin mo ‘kong papa. Naging papa mo rin naman ako hindi ba?”Nanubig ang mata ni Marie at tumango. She heard what happened to her kuya Zack, pero hindi gaya ni Julia, hindi siya galit sa papa Symon niya at sa kuya Juancho niya.“Matagal rin tayong hindi nagkita. How was your school?”“Ayos lang po p-papa.”“Kamusta ang asawa ng mama mo? Is he good to you?”Nakayuko lang ang ulo ni Marie at napansin ni Symon ang pagpapalit ng expression ng mukha niya.“Why? Sinasaktan ka ba niya?”Umiling siya. “H-Hindi po papa dahil nandito pa po si kuya Logan.”“What do you mean?”“D-Dad is very controlling po. Madali po siyang magalit kaya po siguro lumayas na si kuya Logan.”Lumalim ang gatla sa
Hindi nawala sa isipan ni Symon ang napag-usapan nila ni Marie. Nag-aalala siya para sa anak niya. Napatingin siya sa orasan at nakita niyang oras na para tignan niya si Zahara.Tumayo siya at nagtungo sa kwarto nito ngunit natigilan siya nang makita niya si Pan na palabas ng kwarto ni Zahara. Nakita niya na malalim ang iniisip nito habang naglalakad.‘Saan siya pupunta?’ tanong niya sa isipan niya. Agad niya itong sinundan at nakita niyang huminto ito sa kwarto ni Logan.Maya-maya pa, nakita niya si Pan na pumasok kaya nagmamadali siyang maglakad para sundan ito.“Kamusta ka na?” ang tanong ni Pan kay Logan. Gising na ito at nakatitig sa kaniya.Mabigat ang puso ni Pan dahil nakita niya kung paano nag-iba ang katawan ni Logan. Hindi na niya batid na ganito na ang nangyayari sa kaniya dahil nabusy rin siya kay Zahara at Juancho.Nangangayayat si Logan at mahaba na ang buhok. Para siyang nakonsensya. Pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit naging ganito ang itsura ni Logan ngayon.
Hindi alam ni Pan anong gagawin niya dahil sa pananakot na yun ni Logan. Doon na pumasok si Symon.Agad niyang hinawakan ang balikat ni Pan para kunin ang attention nito. "Bumalik ka na sa kwarto ni Zahara.""Doc!" Bulalas ni Pan at nanlalaki pa ang kaniyang mga mata dahil hindi niya aakalain na maabutan siya ng dad ni Juancho sa kwarto ni Logan. "Sige na hija. Umalis ka na." Pang-uudyok pa ni Symon."Pero doc," tumulo na naman ang luha sa mga mata niya. "Leave it to me." Saad ni Symon.Tumango si Pan. Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya at nauunawaan niya na alam ni Symon ang pananakot ni Logan sa kaniya. "Sige po Doc."Tumalikod na siya at nagsimula na ulit humakbang papalayo."SINASABI KO SA'YO PAN, TALAGANG PAPATAYIN KO ANG SARILI KO ORAS IWAN MO KO!" Pananakot ulit ni Logan but Symon speak up."Don't stop and keep moving Pan."Kahit na nanginginig si Pan ay binuksan niya ng tuluyan ang pinto ng kwarto at lumabas. Nanalig siya kay Symon Bec na pipigilan niya ang anumang gaw
Sa isang madilim na kwarto, nakagapos ang dalawang kamay ni Sara. Kanina, habang pabalik siya ng hospital, bigla na lang may nagtakip ng bibig niya kaya nawalan siya ng malay at ng magising siya, nandito na siya. Nakaupo siya sa isang upuan at naghihintay na bumukas ang pinto. Hindi nagtagal, bumukas iyon at niluwa doon si Lorciano."Lorciano?!" nanlalaki ang mata niya at agad na kinabahan.Lumapit si Lorciano sa kaniya at agad siyang sinampal. "Anong ginawa mo sa anak ko para suwayin niya ako?"Nalasahan ni Sara ang dugo sa labi niyang pumutok mula sa pagkakasampal."Anong ginawa mo kay Logan?" ulit ni Lorciano. Agad na natakot si Sara. Nakaharap na niya ito dati pero ngayon lang siya nakaramdam ng ganito katinding takot. Sinasabi ng isipan niya na hindi maganda kung galitin pa niya ng todo si Lorciano."W-Wala po akong ginawa. S-Sinamahan ko lang po si Logan.""Wala? Hindi magkakaganito ang anak ko kung hindi siya sumasama sa'yo. Sinabihan mo ba siya na talikuran ako? Ilan bang pe
6 years later…..“Sino ka?” tanong ni lola Susana kay Juancho nang pumasok ito ng bahay niya.“Lola, ako ito, yung paborito mong apo…”“Apo? Wala akong natatandaan na apo na gaya mo. Hindi kaya ay isa kang magnanakaw?”Lola Susana’s case is getting worse day by day dahil sa labis na katandaan nito. Nanlalabo na nga ang paningin niya at nakakalimutan na rin niya ang ibang bagay-bagay.“May apo ka la at iyon ay si Juancho.”“Sino? Wano?”“Juancho po…” nakangiting sabi ni Juancho. “Dito ka muna la ah, dalhin ko lang sa kusina itong binili ko.” At nagtungo siya sa kusina kung saan ay naabutan niya doon si Leila na nagluluto.“Para ka talagang dad mo.” Sabi ni Leila dahil kanina lang, si Symon ang huminto sa bahay para dalawin siya.“Pareho kaming pogi, tita?”Natawa si Leila at napailing.Nagkabalikan naman si Leila at Symon sa loob ng anim na taon pero hindi sila magkasama sa iisang bahay dahil kailangan alagaan ni Leila si lola Susana.Kaya si Symon nalang ang palaging bumibisita sa kani
Ilang buwan na ang nakalipas, si Juancho ay hindi pa rin tumitigil sa paghahanap niya kay Pan.He stopped accepting client dahil mas priority niyang mahanap. Pero kahit na anong gawin niya, wala pa rin siyang lead na nakukuha.He doesn’t know what to do anymore. Umaasa na lang siya na papanigan siya ng swerte.Ngayon, hawak-hawak niya ang isang supot na naglalaman ng prutas. Papunta siya sa bahay ng mga Salvi para kaniyang mabisita si lola Susana.Nang makarating siya, agad niyang kinatok ang pinto nito at ngumiti ng malapad.“Oh Juancho, narito ka na naman. Hindi ka pa ba nadadala? Wala nga akong sasabihin sayo tungkol sa apo ko.”Ngumiti si Juancho, inaasahan niya na ito. “Ikaw po ang ipinunta ko dito, la. Kailangan niyo pong alagaan ang katawan niyo lalo’t wala na kayong kasama kaya binilhan ko po kayo ng prutas.”Pinagsingkitan siya ni lola Susana ng mata. “Naku hijo, hindi mo na ako madadala sa mga ganyan. Masiyado na akong matanda para maloko mo sa iyong matatamis na salita.”Ngu
Nakahinga ng maluwag si Logan. At tumingin siya kay Sara.“Pwede mo bang papuntahin si Pan dito?”Tumango si Sara ng walang pag-alinlangan. “Yan ba ang una mong planong gawin para sa paghihiganti mo sa dad mo?”“Oo at kailangan ko munang magpahinga.” Saad ni Logan at pumikit ng humapdi na naman ang sugat niya sa likuran.“At saka ko hahanapin ang anak ko.” Dagdag niya.“Logan, paano kung wala na ang bata?”“Hahanapin ko pa rin siya, Sara. Right now, hindi ko na alam anong dapat kong maramdaman. Kung iiyak ba ako, magagalit, o ano.”Nakagat ni Sara ang labi niya. Naaawa siya kay Logan. Gusto niya itong tulungan sa abot ng makakaya niya.“Paano mo mapapabagsak ang dad mo?”“Kailangan ko ng pera.” Diretsang sabi ni Logan sa kaniya. “Kailangan ko ng pera para makagawa ako ng sarili kong gaming app na itatapat ko sa Gamesoft. Tatalunin ko si dad at sisiguraduhin kong tatalikuran siya ng tao hanggang sa bumagsak siya sa lupa.”Naroon ang determinasyon sa mukha niya.“Paano mo yun gagawin? Sa
When things are getting chaotic, akala ni Lorciano ay nalusutan na niya lahat.Pero iyon ang pagkakamali niya. Kalat sa internet ngayon ang pagsulpot ng isang hindi kilalang lalaki na nagtatago sa likod ng maskara na siyang nagsiwalat na si Lorciano ang dahilan ng pagkamatay ni Gidette.A baseless claims na pinaulanan ng mga tao at media. Kahit ang pamilya ni Gidette ay naintriga.Kaya dinumog ng press ang bahay ni Lorciano dahilan kung bakit yung attention niya ay napokus sa paglilinis sa nadungisan niyang pangalan.“GUMAWA KAYO NG PARAAN! HANAPIN NIYO ANG LALAKING NAKAMASKARA!” Sigaw niya nang puntahan siya ng mga tauhan niya sa kaniyang opisina.Hindi siya makalabas dahil kahit siya magpunta, may nakasunod sa kaniya.“Sinong inutil ang lalaking yun?” halos nagpupuyos na siya sa tindi ng galit.Si Marie, ay napapikit. Nasa likod siya ng pinto ng office ng dad niya sa bahay nila.Grounded siya dahil pinatakas niya ang kuya Logan niya.Ngayon, natatakot siya at nananalangin na sana ay
“P-Pan,” ang nasabi ni Juancho nang makita niyang gising na si Pan.Gusto niya itong hawakan pero natatakot siyang itulak siya nito palayo.“I told you na hindi kita mapapatawad kung may nangyari sa anak ko, hindi ba?” Natigilan si Juancho at tumulo na naman ang luha niya.“I’m s-sorry, baby… I’m sorry…”Lumuhod na siya sa harapan ni Pan. “I’m really sorry…”“Sorry?” natawa si Pan. Wala ng kabuhay-buhay ang mukha niya. “Hindi ko kailangan ng sorry mo Juancho.”Halos dumapa na si Juancho sa sahig, hindi alam ano pang sasabihin maliban sa sorry. Umiiyak lang siya, umaasang kahit konti, kayang maibalik ng sorry niya ang lahat ng sakit na naidulot niya.“Patawarin mo ‘ko. Patawad sa lahat.” Humagolgol na saad niya.Alam niya kasing huli na siya. Sa mga tingin ni Pan sa kaniya, alam niyang huling huli na.“Kung gusto mong patawarin kita, ibalik mo sa akin ang anak ko.” Napatingin si Juancho kay Pan. Nanlaki ang mata niya.“P-Pan-"“KUNG GUSTO MONG PATAWARIN KITA, IBALIK MO SA AKIN SI ZA
“ZAHARAAAAAA!!!!” Sigaw ni Pan.Umakyat na siya, tila walang pakialam kung madamay siya sa sunog.Ang nasa isipan na lang niya ay mailigtas niya ang anak niya.Pero bago siya makalayo, nahila na siya ni Leon palayo sa gate.“Pan, delikado!” Nag-aalalang sabi ni Leon.Nanlaki ang mata ni Pan.“BITAWAN MO ‘KO LEON! NASA LOOB PA ANG ANAK KO!” Sigaw ni Pan sa kaniya na sinubukang magpumiglas..Tumingin sila sa bintana. Naroon pa si Zahara, umiiyak at sumisigaw ng tulong.Takot na takot na siya at gusto ng umalis. Hindi siya makaalis dahil masiyadong mataas ang bahay.Her weak and frail body na kagagaling lang ng operasyon couldn’t stand it kung tatalon siya.Mamamatay rin siya kaagad.“MAMA!!! TITOOOOO!!! TULUNGAN NIYO AKO DITO!!! MAMAAAAA!!”“LEON BITAW!” Umiiyak na pagmamakaawa ni Pan.Pumikit si Leon, maski siya ay hindi alam anong gagawin. Malaki ang sunog sa bahay, galing sa ibaba, paakyat sa itaas. Kung bibitawan niya si Pan, alam niyang mapapahamak ito.“MAMA!!!! MAMAAAAAAA… HELP M
Magkasama si Juancho, Leila at Symon sa pagtugis sa ex-convict na nagdakip kay Zahara. Ito ay walang iba kun’di si Larry.Nakastand-by na ang mga pulis, nag-aabang na makalabas si Larry sa bahay niya.No’ng lumabas siya, agad itong tumakbo nang mapansin niya ang mga pulis kaya hinabol siya.Sirena ng mga sasakyan ng pulis ang maririnig sa kalsada at sina Juancho ay nakasunod sa likod.Wala ng ibang namutawi sa mukha niya kun’di galit sa mga kumuha kay Zahara at galit sa sarili niya na inuna niya ang sariling emotion kesa ang piliing magpakumbaba at pakinggan si Pan.Pagdating nina Juancho sa lugar kung saan huminto ang mga sasakyan ng pulis, agad agad silang bumaba.Nakita nilang hawak na ng mga kapulisan si Larry. Sa tindi ng galit ni Juancho, agad siyang tumakbo palapit sa ex-convict at agad niya itong sinuntok.“HAYOP KA! NASAAN ANG ANAK KO?!!!! NASAAN SI ZAHARA?”Hindi nakapagsalita ang lalaki dahil hindi siya tinatantanan ni Juancho ng suntok kaya ang mga pulis ay ginawa ang laha
Sa bahay kung saan dinala si Gidette noon, doon dinala ng mga tauhan ni Lorciano si Zahara.Patuloy at walang humpay na umiiyak ang bata habang nakakulong sa isang madilim na kwarto.Nang pumasok si Lorciano sa kwartong iyon, agad niyang nakita si Zahara na nakatingin sa labas ng bintana at umiiyak.“Sino po kayo? P-Pakawalan niyo po ako dito please… Gusto ko na pong umuwi kay mama.”Tumawa si Lorciano. Nagngingitngit ang kalooban niya habang nakatingin sa anak ni Pan.Lumapit siya dito. “Gusto mo ng umuwi?” tanong ni Lorciano.“Opo…” humihikbing sagot ni Zahara.“Oh ito…” Malakas na sampal ang binigay ni Lorciano sa bata kaya mas lalong umiyak si Zahara lalo’t parang nabali ang leeg niya sa lakas ng sampal na iyon.“PAPA!!!! MAMA!!!!” Humihinging tulong na sigaw ng bata.Hindi pa nakontento si Lorciano, kinuha pa niya ang buhok ni Zahara at hinila paitaas para mapatingin ito sa kaniya.Napangisi siya ng makitang dumugo ang labi ng bata at namaga agad ang pisngi.Simpal pa niya ito ng
Nang makasakay si Pan at Leila ng sasakyan, agad na nahimatay si Pan.“Manong bilis!” Natatarantang sabi ni Leila at kinakabahan para sa anak niya.Humawak ito sa tiyan ni Pan at tahimik na nanalangin at kinakausap ang apo niya na huwag siyang bumitaw.“Hello our baby angel. Huwag ka bumitaw anak kasi hindi kakayanin ng mama mo kung pati ikaw mawala. Love na love ka namin at excited kaming makita ka. So please, stay with us sweetheart… please.. please..”Tumingin ang driver kay Leila at nakita niya itong kinakausap ang tiyan no’ng anak nito na nahimatay.“Please… Lord, huwag ang baby… Hindi kakayanin ng anak ko kung dalawa sa anak niya ang mapahamak.” Lumuluhang pakiusap ni Leila.Nagpatuloy pa siya sa pakikipag-usap sa apo niya. Sinasabihan niya ito na humihingi ng sorry si mama niya sa kaniya at mahal na mahal nila ito.Kahit ano, gagawin niya just to save the baby.Alam niya kung gaano ka-stress si Pan ngayon and she’s so damn afraid na maapektuhan ang dinadala nito.And this is the