CHAPTER 1- NATHANIA
NATHANIA's POV
"Are you ready?" Pabirong tanong ng katrabaho kong si Elise bago lumabas sa dressing room. Inirapan ko nalang siya dahil sa totoo lang, naiinis ako. Paano naman kasi ay rest day ko
sana ngayon pero umagang- umaga palang ay tinawagan na ako ni Manager Nora para sabihing mag duty ngayong gabi sa kadahilanang may bigating tao raw na costumer.Bakit pa kasi kailangan pa ako?! Marami naman akong kasamahan pero ibinilang pa ako, hmp!
Matapos kong isuot ang mataas na heels ay padabog akong tumayo at humarap sa salamin. Sakto naman ang pagpasok ni Manager Nora dito dressing room, ngumiti siya sa akin. Sinimangutan ko siya.
"Huwag ka nang mag tampo, ito naman." Malambing na sabi niya sabay yakap saakin mula likod. Pareho kami ngayong nakaharap sa salamin. "Balita ko, investor daw 'yon at bilyonaryo.. malay mo matipuhan ka." Mas lalo akong sumimangot na ikinatawa niya.
Si Manager Nora ang umalalay saakin dito sa Maynila at sa trabahong ginagawa namin. Lahat ay ginawa niya para sa akin upang may maipadala ako sa mga kapatid kong nasa probinsiya.
"Paano naman kasi, day off ko!" Pa-cute na sabi ko kahit na alam kong wala na akong magagawa. Nakabihis na ako at ilang oras nalang, lalabas na ako.
"Sige na nga, triplehin na natin yung talent fee mo ngayong gabi!" Malawak akong ngumiti at humarap sakanya sabay yakap ng mahigpit. Sulit naman pala eh!
Humiwalay siya sa pagkaka-yakap ko sabay sabing.. "Pero paano kung gusto ka niyang ilabas?" Natigilan ako. "Takot ka pa rin? Bente uno ka na." Yumuko nalang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. "Mas malaki pa rin ang maiuuwi mong pera kapag ganon, Tanya." Bumuntong hininga ako at iniangat ang tingin sakanya. "Hindi kita pinipilit, pero ang gusto ko lang maging praktikal ka. Isipin mo kung saan ka mas kikita at kung saan ka mas makaka-ipon."
"Pero Manager..."
"Kagaya ng sinabi ko, hindi kita pinipilit." Nginitian niya ako sabay tapik sa balikat. "Mag ayos kana, tatawagin ka nalang kapag okay na sa labas." Tinanguan ko siya at hinintay na makalabas bago ako umupo at naglagay ng kaunting make up.
Ang hirap nga namang kumita ng pera. Pitong taon na ako rito pero hindi pa rin sapat yung ipon ko para umuwi sa amin at mamuhay kasama ang mga kapatid ko. Hindi naman ako pwedeng umuwi dahil wala akong mapapala doon.
"Tanya." Pumasok ang isa sa mga waiter dito sa dressing room. "Labas ka na raw." Tinanguan ko siya bago isuot ang pulang roba. Bumuntong hininga ako sabay labas ng kwarto.
Ako si Nathania Sarmiento, isa akong stripper. At kabilang sa trabaho ko ang paghuhubad sa harapan ng mga kalalakihan para busugin ang kanilang mga mata at pantasya. Ang ganitong klase ng trabaho ay hindi dapat na ginagawa pero anong magagawa ko? Hindi ako nakapag-aral dahil parehong nakulong ang mga magulang ko at naiwan saakin ang responsibilidad nilang alagaan kaming magkakapatid. Ako ang tumayong nanay at tatay sa loob ng pitong taon. Nagsimula akong pasukin ang ganitong trabaho sa edad na katorse. At ang sahod sa pagsayaw dalawang beses sa isang linggo ay malaking tulong na rin upang mapakain ko ang mga kapatid ko sa probinsiya.
"Let's welcome, Star of the Night, Tanya!" Masigabong palakpakan at hiyawan ang bumungad sa akin paglabas ko patungo sa maliit na entabladong lagi kong sinasayawan.
'Minsang natikman ang init ng iyong h***k
Akala ko, narating ko na ang ulap sa langit'Nang dahan-dahan kong hubarin ang pulang robang suot ko ay mas lalong lumakas ang hiyawan mula sa mga kalalakihan na animo'y gutom na gutom sa laman.
'Sa aking pagpikit, ang tanging naisip
Ikaw na sa hanggang wakas ang aking pag-ibig'Suot ang pulang two-piece swimsuit, nagsimula akong gumiling pababa at sumabay sa kumpas ng musika.
'Ngunit biglang nagbago ka, hindi na madama
Kapag kapiling na kita, nanlalamig ka na'Ipinikit ko ang dalawang mata ko nang magsimula kong tanggalin ang suot ko na pang-itaas. Lagi ko 'tong ginagawa, kasi nahihiya pa rin ako. Nahihiya ako sa sarili ko. At nahihiya ako para sa mga magulang ko. Pero wala akong magawa eh, ito lang ang pinakamadaling paraan para kumita ng pera.
'Bakit ganiyan ang 'yong pag-ibig
Na ang akala ko ay langitNilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip'Nang matanggal ko ito, hinayaan ko lang na bumagsak sa sahig. Nag-patuloy muli akong sumayaw, ngayon naman ay kumapit ako sa pole kung saan giniling-gilingan ko iyon at inisip na kasabay ko iyong sumasayaw. Gaya nang dati kong ginagawa at sabi na rin ni Manager, dinama ko lang ang kanta at sumabay lang ako sa kumpas. Wala naman kasi silang pakialam kung pangit ka sumayaw, ang mahalaga maganda ang katawan mo at kaakit akit ito.
'Sa yakap mo ay nagayuma
Pag-iwas ay 'di ko na kayaHanggang ngayo'y hinahanap-hanap pa rinAng lason mong h***k'Sabi ni Manager Nora, hindi naman raw lingid sa mga businessman na pumupunta rito na wala pang nakaga-galaw sa akin. Alam raw ng mga 'yon kaya binabalik balikan nila itong club. Ilang beses na rin silang sumubok na bayaran ako kay Manager pero hanggang hindi ako umo-oo, hindi niya ako ibibigay. Kaya mahal na mahal ko si Manager eh.
'Apoy na dati-rati, kay init ng liyab
Agad akong nadadarang kapag ikaw ay yumakap'Nagsimula akong tanggalin ang pagkaka-tali ng kaliwang parte ng natatanging saplot na suot ko, doon ay nagsimula nanamang mag hiyawan ang mga kalalakihan na nasa club. At bago ko bitawan ang natitirang saplot na suot ko, iminulat ko ang aking mga mata at bigla akong natigilan saglit.
Diretso ang tingin niya sa akin habang naka de-kwatro at nakahawak ng goblet. Ito ang unang beses na nag alinlangan ako sa ginagawa ko. Ito ang unang beses na nahiya akong sumayaw sa harap ng tao-- na takong lang ang suot.
At hindi ko alam kung bakit.@TarynGrace
CHAPTER 2- Where to go? NATHANIA's POV "Tanya! Dalian mo!" Sigaw ni Manager Nora mula sa labas ng kwarto. "Saglit lang po!" Inis na sigaw ko. Sa tatlong sumayaw ngayong gabi, ako ang pinili nung VIP. Kaya ako naiinis ay kinakabahan rin kasi ako. Sa loob ng pitong taon, ngayon ko lang 'to gagawin. Ngayon lang ako mag e-entertain ng customer. Ang usapan kasi namin noon ni Manager Nora ay hanggang pagsayaw lang ako--- yun din naman ang gusto ko. Pero yung VIP raw ngayong gabi, mapilit at nag bayad pa ng malaking halaga para saakin. Iba talaga kapag mayaman, nadadaan sa
Chapter 3 - What?! NATHANIA's POV Inisahang lagok ko ang alak na nasa baso ko. Hindi ko matanggap na wala na ang bar; nawala na kaming trabaho. Napaka selfish naman ni Mr. Tyson para mag desisyon ng padalos dalos. Alam kong hindi niya kami kaano-ano pero parang wala naman kaming magandang pinagsamahan para gawin niya sa amin ito. "So anong plano? Uuwi na ba kayo sa mga probinsya niyo?" Tanong ni Rocy-- isa sa mga katrabaho ko. "Siguro." Sagot ni Elise. "Matagal na rin akong pinapauwi ng mga magulang ko. Siguro ito na rin yung sign na umuwi na nga ako." Bumuntong hininga siya pagkatapos. "Ako naman, wala akong uuwian. Kasi alam niyo naman na itinakwil na ako ng pamilya ko, siguro hahanap nalang ako ng ibang club jan na pwedeng pagtrabahuan." "Pasensya na talaga kayo, biglaan kasi itong nangyari. Hindi ko napaghandaan kaya hindi ko alam
CHAPTER 4- TAKE RISK NATHANIA's POV Umuwi ako at hindi tinanggap ang kondisyon ni Mr. Anderson. Titira ako sa bahay niya? Para saan? Kung kapalit ng trabahong ibibigay niya ay ang pagkabirhen ko ay huwag na lang. Maghahanap nalang talaga ako ng trabaho kahit saan. Kahit maging strip dancer ulit ako sa ibang bar, gagawin ko. Kahit na sa ibang lugar ako magtrabaho, okay lang sa sakin. Huwag lang iyong sinasabi ni Mr. Anderson. Ayaw ko ng ganon. Oo, naghuh***d ako sa harap ng maraming lalaki pero hindi ako katulad ng ibang babae. Okay lang na iba-ibang lalaki ang makakit sa h***d kong katawan, huwag lang nila itong mahawakan.
CHAPTER 5- UNDER THE SAME ROOF (1) NATHANIA's POV "Here." Inabot niya sa akin ang baso na naglalaman ng tubig. Sumisinghot singhot ako dahil kakatapos ko lang umiyak. "S-salamat." Sabi ko bago uminom ng tubig. Habang umiinom ay pinanood ko siyang maglakad papunta sa sofa na nasa harapan ko lang. Nang maka-upo siya ay umiwas ako ng tingin. Pinag gigitnaan namin ngayon ang glass table na nandito sa sala niya. Matapos kasi niya akong muntik na mabangga ay niyaya niya ako dito sa bahay niya. Umayaw kasi ako nang sabihin niyang isusugod niya ako sa ospital kaya sabi na lang niya, gagamutin niya raw 'yung sugat ko kahit na gasgas lang naman. Kaya kami nandito ngayon sa bahay niya.
CHAPTER 6- Under The Same Roof (2) NATHANIA's POV Matapos kong pumayag na dito na manirahan sa bahay niya ay umakyat na ako dito sa kwarto upang ayusin yung mga damit ko. Habang inaayos ay napatingin ako sa brown envelope na nakapatong sa kama. Nilapitan ko ito at inilabas ang laman. Nagulat ako dahil tig-iisang libong dolyar ito. A-ang dami naman nito; ngayon lang ako nakahawak at nakakita ng ganito karaming pera. Iyong iba ay ipapadala ko sa mga kapatid ko para makapag bayad na sila sa ospital at makabili ng gamot ni Juno. Napa buntong hininga ako. Sana tama itong desisyon ko kasi wala na talaga akong choice kung hindi ang tumira at magtrabaho dito. Ano ba yan! Ang daming drama! Dapat mas maging matatag ako dahil mag isa ko nalang dito sa desisyong 'to. Wala nang gagabay sa akin na gaya ni Manager Nora. Dapat
Chapter 7- Under The Same Roof (3) NATHANIA's POV Kanina pa ako hindi mapakali at hindi makatulog, n-nasampal ko ba naman ang isang Warren Anderson. Arrgh! P-pero kasi.. b-bakit niya ako hinalikan? Anong ibig sabihin 'non? O may ibig sabihin ba yun? Dammmmmn!!! Mababaliw na yata ako kakaisip, kanina pa nag-iinit yung mukha ko sa sobrang hiya. Teka, bakit ako yung mahihiya eh siya 'tong nanghalik? Aish! Ayaw ko na! Unang araw ko palang dito sa bahay niya-- hinalikan na niya ako agad. Paano nalang sa mga susunod na araw? Shit! It can't be! Whatever it takes, I will never give myself to someone like him. I need to be brave dahil alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan para lang makuha ako. At hindi ako papayag doon! hmp! I promised myself na ibibigay ko 'to' sa asawa ko-- in the future. At tutuparin ko yun!
CHAPTER 8- VISIT NATHANIA’s POV Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa malakas na pag tunog ng cell phone ko. Padabog ko itong kinuha at sinagot. "Hello?!" Pagsagot ko saka tinignan kung sino yung caller. Unknown number. Bumangon ako at umupo sa kama. "Sino 'to?! Ang aga aga alas siyete palang tumatawag ka na! Hindi ba pwedeng ipa-alas diyes mo na yang sasabihin mo?! Inaantok pa---" "Nathania." Tila nawala lahat ng antok sa katawan ko nang marinig ko ang boses niya. "Pumunta ka dito ngayon. Wear something decent." Matapos niyon ay pinutol na niya ang linya.
Chapter 9- First Day NATHANIA's POV Unang araw ko ngayon sa trabaho pero para bang wala akong gana at hindi ako excited. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, parang mas gusto ko nalang humilata maghapon pero naalala ko-- mahirap lang pala ako kaya kailangan kong bumangon at magtrabaho. Alas otso ang pasok ko pero kahit six thirty palang ay bumangon na ako at bumaba ako para icheck kung anong pwedeng iluto pero nasapo ko nalang ang noo ko ng maalalang hindi pa nga pala kami nakapag grocery. May cafeteria naman siguro sa building diba? Hanapin ko nalang mamaya. Umakyat ako ulit at plinantsa yung slacks at blusa ko. Napatingin ako sa mga heels na nakahilera sa tabi, ano naman kaya ang isusuot ko?
CHAPTER 18- Siblings? WARREN's POV "What's up, man." As soon as Daryl entered his office, he said. "How's my busy slash inlove bestfriend?" Mapanuksong tanong niya. Umiling iling na lamang ako sa sinabi niyang iyon. "I'm not." Inis na sagot ko. "Tss. Lokohin mo na ang lahat, huwag lang ako." "Oh stop that shit, Daryl. I am here to tell you something more important than that." Umupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng goblet na may laman na wine. "Spill the tea." "Therese is here." Nanlaki ang mga mata niya which I already expected. "Really?! What is she doing here?" Nagkibit balikat ako bago lagukin yung wine na nasa goblet. "So araw araw siyang nasa office mo?" Tumango ako. "What a headache!" "And I can smell that her brother is also here--- I ha
Chapter 17- No Label Warren's POV "C'mon, sa condo ka na mag sleep." Umiling iling ako kay Therese bago tumingin kay Tanya na nasa kanyang working station. "You know that I'm busy, Therese." "Woah, you've changed." Nahihimigan sa boses niya ang tampo. "Dati naman ay hindi ka ganyan. Magkatabi pa tayong natutulog sa kwarto at---" "Stop." Diretso pa rin ang tingin ko kay Tanya na ngayon ay mahigpit nang hinahawakan ang ballpen. Is she mad? "Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ni Alisander." Dumako naman ang tingin ko kay Therese na ngayon ay naka-pout na. "You're so mean.. I was away for months tapos ganyan ka pa ngayon." Umiling iling ako. "Fine, I'll go na." Padabog siyang tumayo at inirapan ako bago pa niya ayusin yung mga gamit niya. I sighed. Bakit ba ang hirap intindihin ng mga babae?
Chapter 16- Jealousy? Nathania's POV Nakangiti ako habang nagsasabon ng katawan. Hindi ko alam kung bakit pero ang saya saya ko ngayong araw na ito. Sa katunayan, kahapon pa ako masaya kaya naman gumising rin ako ngayon na masaya. Nauna nang umalis si Warren kaninang umaga dahil may mga aasikasuhin raw siya na dapat matapos hanggang mamayang tanghali. Pero bago siya umalis, syempre pinagsaluhan muna namin a
Chapter 15- Sassy Girl NATHANIA's POV Nagising ako na kumakalam ang sikmura dahil sa gutom. Iminulat ko ang mga mata ko at inalala kung ano ang mga nangyari kagabi. Bumuntong hininga ako, oo nga pala. May nangyari sa amin ni Warren. Pero bakit ganon? Hindi ko ramdam ang pagsisisi? B-bakit parang... ang saya saya ko? Napangiti ako. Y-yung kagabi... ganon pala yung pakiramdam 'nun? Ibang iba. Nakakabaliw. "Hmmmm.." Napatingin ako kay Warren na gumalaw sa gilid ko. Ipinatong niya yung braso niya sa ibabaw ng d****b ko pero kahit medyo mabigat ay hindi ako nag reklamo. Tinignan ko siya at muling napangiti. Ang gwapo niya
CHAPTER 14- JUST ONCE NATHANIA's POV Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Babangon na sana ako ngunit biglang sumakit ang ulo ko kaya naman hinawakan ko ito. "Gahd! Bakit ba kasi ako pumayag na makipag-inuman sa kanya?" Hawak hawak ang ulong sabi ko. Sobrang sakit ng ulo ko na gusto ko na lang matanggal ito. Umiikot rin ang paningin ko kaya nanatili akong nakahiga at hawak hawak ito. Habang nakahiga ay inalala ko ang mga nangyari kagabi. Niyaya ako ni Warren makipag inuman at pumayag ako, nag inom kami sa counter table at hindi ko alam kung paano kami nakarating dito sa sala. Uminom kami na sa tantya ko'y hindi lang tatlong bote ng alak ang naubos namin. Nagtanungan kami at tinanong niya kung nasaan yung mga magulang ko. Sin
CHAPTER 13- GETTING TO KNOW EACH OTHER NATHANIA's POV Shocks! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Hanggang ngayon ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko at namumula pa rin ang mukha ko tuwing naaalala ko yung nangyari kagabi! Hindi naman ako hinalikan o ano pero yung titig! Yung titig niya ang hindi ko makalimutan! Kinaumagahan ay kinalma ko ang sarili ko bago pumasok ng opisina ni Warren. Kaya ko 'to, kunwari ay wala lang sa akin yung nangyari kagabi. Kunwari okay lang sa akin yun pero teka-- w-wala lang naman yung nangyari kagabi diba? Hindi naman kami naghalikan o ano so bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko?! Kainis! "Why are you still here?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang malalim na boses ni Warren sa likuran ko. Napapi
CHAPTER 12- TEMPTATION NATHANIA's POV Paggising ko ay nasa likod si Warren at nagka-kape. Sabi niya, okay na ang pakiramdam niya pero para maka-siguro ay hindi ko muna siya pinapasok. Sa tingin ko, nasobrahan siya sa pagtatrabaho kaya siya nagkasakit. Idagdag pa na paiba iba ang klima ngayong buwan. "Kumain ka na ba?" Tanong ko. "Not yet." Matipid niyang sagot. "Anong gusto mo? Cereals? Noodles---" "Hindi kita pinatira dito para maging katulong, Nathania." Bumuntong hininga ako. "Alam ko naman yun, pero kasi kagagaling mo lang sa sakit kaya ako
CHAPTER 11 - Thank you NATHANIA's POV "Ugghhh.." Naalimpungatan ako nang marinig ang pag-ungol ni Warren. Nang tingnan ko siya ay nakaupo na siya ngayon sa sofa, agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa carpet, imbes na bantayan ko siya ay nakatulog ako. Hays! "H-huwag ka munang tumayo." Pagpigil ko sa kanya. Tinitignan niya ngayon ang kanyang kaliwang kamay na nakabalot ng gauge roll. "Nadatnan kita sa kusina kagabi.." Nanatili ang tingin niya sa kanyang kamay. "Nakahandusay ka sa sahig tapos nagkalat yung bubog sa sahig, siguro kasabay nung pagkabasag nung baso yung pagbagsak mo kaya ka nasugatan sa kamay at mukha." Nang banggitin ko ang kanyang mukha ay agad siyang napahawak rito a
Chapter 10- Sick NATHANIA's POV "Sunod naman po ay yung sa The Late Show with Karson Miller, para raw po sa segment nilang World's Youngest Billionaires of 2021." Umiling iling siya na siya rin namang inirapan ko. Pang labing-dalawa na yata itong nireject niya! "Ok----" "Do you want me to attend that interview?" Tanong niya habang nasa laptop ang tingin. Bakit ako ang tinatanong niya? "Nasa iyo po yan Sir." Pilit na ngiting sabi ko. "Pero bakit po ba kasi panay kayo reject sa kanila? Sayang naman po yung oportunidad para makatrabaho sila." Tukoy k