Chapter 3 - What?!
NATHANIA's POV
Inisahang lagok ko ang alak na nasa baso ko. Hindi ko matanggap na wala na ang bar; nawala na kaming trabaho. Napaka selfish naman ni Mr. Tyson para mag desisyon ng padalos dalos. Alam kong hindi niya kami kaano-ano pero parang wala naman kaming magandang pinagsamahan para gawin niya sa amin ito.
"So anong plano? Uuwi na ba kayo sa mga probinsya niyo?" Tanong ni Rocy-- isa sa mga katrabaho ko.
"Siguro." Sagot ni Elise. "Matagal na rin akong pinapauwi ng mga magulang ko. Siguro ito na rin yung sign na umuwi na nga ako." Bumuntong hininga siya pagkatapos.
"Ako naman, wala akong uuwian. Kasi alam niyo naman na itinakwil na ako ng pamilya ko, siguro hahanap nalang ako ng ibang club jan na pwedeng pagtrabahuan."
"Pasensya na talaga kayo, biglaan kasi itong nangyari. Hindi ko napaghandaan kaya hindi ko alam kung paano ko kayo matutulungan." Malungkot na sabi ni Manager Nora. Hinimas ko ang kanyang likod kaya napatingin siya sa akin. "Ikaw bunso, anong plano mo? Uuwi kana ba sainyo?" Umiling ako.
"Mahirap kumita ng pera sa probinsya, Manager. Matagal mo na ngang hanapin, mabilis pa kung mawala. Siguro dito na rin muna ako. May kaunting ipon pa naman ako sapat na upang pambayad ng renta ko para sa isa pang buwan. Kahit na waitress lang ang mapasukan ko, okay na siguro yun." Tumango tango siya. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung kakasya ba 'yung sasahurin ko sa pagiging waitress para matustusan ang pangangailangan ng mga kapatid ko pero bahala na. May awa naman siguro ang Diyos.
Matapos ang ilang oras, nagsi-alisan na ang iba kong mga kasama upang mag-impake ng kani-kanilang gamit. Bukas o makalawa kasi ay balak na nilang lumuwas pabalik sa probinsya nila. Ang iba naman ay susubok ng ibang trabaho sa kabilang bayan. Ako? Hindi ko pa alam.
Ininom ko ulit ang alak na nasa baso ko, tang*na. Bakit ngayon pa nangyari 'to? Ano naman kaya ang pumasok sa kukote ni Mr. Tyson dahilan para ipasara niya agad yung club? Tsk.
Nang tingnan ko si Manager ay busy siya sa pagce-cellphone at ngumingiti ngiti pa. Napailing ako. Hindi ba siya malungkot na simula bukas ay wala na kaming trabaho? Na bukas mag-uunpisa nanaman kaminng panibagong buhay? Aish.
"Paano kung mag apply ka nalang kaya ng trabaho sa kompanya ni Mr. Anderson?" Napatitig ako kay Manager sa sinabi niyang 'yon. Tumikhim siya. "Yung five hundred thousand nga pala, ten thousand na lang ang ibinigay sa akin."
"S-sorry.." Ngumiti siya.
"Okay lang! Ang mahalaga, birhen ka pa rin. At ipangako mo sa akin na sa lalaking mahal mo lang 'yan ibibigay ha!" Ngumiti ako at tumango. "Pero di nga, mag apply ka nalang kaya sakanya? Wala kasi akong tiwala sa mga tao sa paligid lalo na kung mag w-waitress ka. Doon sa kompanya niya ay nasa loob ka lang. At tutal, kilala ka na rin naman niya."
"P-pero baka mas gawin niya lang itong oportunidad para makuha ang gusto niya sa akin."
"Bakit, ayaw mo ba?" Sinimangutan ko siya. Natawa lang naman siya. "Di nga? Pogi naman ang batang 'yon, sa tingin ko wala pa atang trenta 'yon kaya pwede na rin. Isa pa, mayaman! Pero... ikaw ba?"
"Haaaaaay, hindi ko na po alam ang gagawin ko Manager. Ang hirap mag simula ulit."
"Tama ka. Oh siya, sige. Umuwi na tayo nang makapag-pahinga at makapag- isip isip." Tumayo na kami at ini-ayos ang mga boteng natunmba.
"Opo. Sige po, salamat po sa lahat ng nagawa niyo para sa sakin." Nginitian niya ako at niyakap.
"Alam mo naman kung saan ako nakatira kaya punta ka lang kung gusto mo ng makaka-usap. Lagi kang mag-iingat."
"Opo.." Humiwalay na ako sa pagka-kayakap niya.
"Yung sinabi ko, Tanya.." Tukoy niya tungkol sa suhestiyon niyang pumasok ako sa kumpanya ni Mr. Anderson. "Pag-isipan mong mabuti." Sabi niya bago tumalikod at naglakad papalayo.
Kinabukasan ay gumising ako ng maaga upang pumunta sa computer shop sa baba ng boarding house ta tinitirahan ko. Gumawa ako ng resume pero nang makarating ako sa parte ng 'work experiences' ay napaisip ako.. ilalagay ko bang isa akong strip dancer dati? Ang hirap naman ng ganito!
Napag-desisyunan ko nalang na huwag ng ilagay yon. Inilagay ko nalang na dati akong waitress at dalawang taon akong nagtrabaho roon. Hindi naman na rin siguro nila ako uusisain tungkol dito.
Bandang alas-sais nang maisipan kong pumunta sa kompanya ni Mr. Anderson. Kaninang umaga kasi ay tinext ako ni Manager Nora kung saan at kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung magandang bagay ba ang gagawin kong ito o hindi pero sabi nga ni Manager, wala namang mawawala kung susubukan lang. Isa pa, janitress lang naman ang a-applayan ko at hindi mataas na posisyon. Sana matanggap ako.
Pagbaba ko sa lugar kung saan ang kompanya ni Mr. Anderson ay nalula ako sa taas ng building niya. Sa itaas ng magarang pinto ay may nakalagay na 'W* Automobile Company'. Bumuntong hininga muna ako bago pumasok. Pero bago pa man ako tuluyang makapasok ay hinarang na ako ng guwardya.
"Ano po 'yun?" Tanong niya. Ipinakita ko ang resume ko. "May appointment ka ba ngayon? Ang alam ko kasi ay itinigil nila pansamantala ang pagha-hire ng bagong empleyado. Pero sandali lang, tatawagan ko lang yung sekretarya ni Sir. Anderson." Tumango nalang ako. Ang bad timing naman kung hindi sila nagha-hire ngayon.
Habang hinihintay na bumalik iyong guard ay hindi ko mapigilang mapatingin sa mga babaeng empleyado nila dito. Ang lilinis at ang ga-ganda nilang tignan sa office uniform nila. Samantalang ako, ang trabaho ko noon ay ang maghubad sa harp ng ibang tao. Ngayon ko lang naisip na iba pala talaga kapag may pinag-aralan at natapos. Makakapag-hanap ka ng magandang trabaho nang hindi kailangang magpa-bastos.
"Ma'am, sa fifteenth floor nalang daw po kayo sabi ng sekretarya ni Sir. Opisina lang ni Sir ang nandoon kaya hindi po kayo mawawala. Wala na rin pong tao doon dahil nakauwi na po ang lahat. Paki-antay nalang po si Sir sa loob ng opisina dahil nasa sixteenth floor po siya, sa penthouse. Salamat po." Napatunganga ako dahil ang bilis niya masgsalita at ang tanging naintihan ko lang ay hihintayin ko si Mr. Anderson sa fifteenth floor. Aish! Bahala na nga! Tsaka nakakahiya naman, nagsi-uwian na lahat ng empleyado tapos heto ako iniistorbo pa yung may ari ng kompanya. Jusko ka talaga Tanya!
Sumakay ako ng elevator papunta sa fifteenth floor. Kaya kahit na kinakabahan, nilabanan ko nalang iyon dahil kung sakaling makuha man ako bilang janitress, malaking tulong na rin 'yon upang matulungan ko ang mga kapatid ko.
Pag pasok ko sa loob ng opisina niya ay namangha ako. Ang mga muwebles ay kulay itim at ang ibang gamit naman ay puti. May malaking bintana sa likod ng kanyang mesa at kitang kita nito ang city lights. Pagabi na rin kasi kaya kitang kita kung gaano kaganda ang mga ilaw sa labas.
May itim na sofa at may malaking TV rin dito.May mga mamahaling vase rin na naka display. Ang sosyal naman! Opisina pa ba 'to o bahay na?
Matapos kong tignan isa-isa ang mga naka display doon ay tumingin ako sa wrist watch ko. Alas syete na pala! Jusko naman, na enjoy ko na dito! Tsaka mukhang walang balak pumunta dito si Mr. Anderson kaya uuwi nalang ako. Gabi na rin kasi kaya malamang tulog o nagpapahinga na rin yun.
Pagharap ko sa pinto ay muntik pa akong mapasigaw. Nakasandal siya sa hamba ng pinto a-at.. m-may mag i-interview ba ng aplikante ng naka topless at b-boxer shorts lang ang suot?!
Hindi ko napigilang tignan siya mula baba hanggang sa a-abs niya.. Lagi siguro siyang nag wo-work out kaya ganyan ang katawan niya?
"Do you enjoy what you see?" Tumikhim ako at lumunok. Tinignan ko siya sabay iwas ng tingin. S-shit naman.
Nang maglakad siya papalapit sa akin ay tila nanigas ako sa kinatatayuan ko. Para siyang supermodel na napapanood ko sa TV noon. Nang makalapit siya sa akin, as in lapit! Napapikit ako at hindi nakalagpas sa pang-amoy ko na ang bango niya. Ngayon ko lang napansin na ang pogi pala niya. Sobrang tangos ng ilong niya, manipis ang labi at medyo singkit na mga mata.
"Won't you give it to me yet?" Tanong niya. Ano? give? Ang al--- huwag mong sabihin na... Nanlaki ang mga mata ko..
"S-sabi ko na nga ba eh! W-wala ka na bang puso?! Nandito ako p-para pumasok sa kumpanya mo a-at hindi para ibigay ang pagkababae ko! Sumusobra na kayong mga mayayaman!" Aba, tinaasan lang niya ako ng kilay? Lokong 'to!
"Are you stupid? I'm referring to your resume." Tila natatawang sabi niya. Lihim naman akong napa-padyak dahil sa sariling katangahan. Iniabot ko nalang ang resume ko kahit na nahihiya pa rin dahil sa sinabi ko. Baka isipin niya na hindi mawala sa isip ko 'yong nangyari kagabi. Aish!
Pagka-abot ko sakanya yung resume ay naglakad siya papunta sa sofa at umupo doon. Sinundan ko siya ng tingin at grabe, ang ganda ng likod niya! Pag-upo niya sa sofa ay tumingin ako sa ibang direksyon. Paano ba naman kasi, nakabukaka siyang umupo! Eh naka boxer shorts lang siya!
"Waitress?" Tumikhim ako. "Were you a waitress?"
"U-uhh."
"Nevermind." Tumayo siya at nag-inat. "You can start whenever you want." Ano?! Yun na yun? Wala nang interview?
"S-sigurado ka?" Tinitigan niya ako. Mula ulo hanggang paa.
"But in one condition.." Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Malalagkit ang tingin niya kaya naman ay kinabahan ako bigla. Kaya habang lumalapit siya ay paatras naman ako ng paatras hanggang sa lumapat ang likod ko sa matigas na pader.
"A-ano ba yun? B-bakit kailangan mo pang lumapit ng g-ganyan?" Mahinang sabi ko. Ikinulong niya ako sa gitna ng dalawang braso niya.
"You need to live with me." Ano daw?!
@TarynGraceCHAPTER 4- TAKE RISK NATHANIA's POV Umuwi ako at hindi tinanggap ang kondisyon ni Mr. Anderson. Titira ako sa bahay niya? Para saan? Kung kapalit ng trabahong ibibigay niya ay ang pagkabirhen ko ay huwag na lang. Maghahanap nalang talaga ako ng trabaho kahit saan. Kahit maging strip dancer ulit ako sa ibang bar, gagawin ko. Kahit na sa ibang lugar ako magtrabaho, okay lang sa sakin. Huwag lang iyong sinasabi ni Mr. Anderson. Ayaw ko ng ganon. Oo, naghuh***d ako sa harap ng maraming lalaki pero hindi ako katulad ng ibang babae. Okay lang na iba-ibang lalaki ang makakit sa h***d kong katawan, huwag lang nila itong mahawakan.
CHAPTER 5- UNDER THE SAME ROOF (1) NATHANIA's POV "Here." Inabot niya sa akin ang baso na naglalaman ng tubig. Sumisinghot singhot ako dahil kakatapos ko lang umiyak. "S-salamat." Sabi ko bago uminom ng tubig. Habang umiinom ay pinanood ko siyang maglakad papunta sa sofa na nasa harapan ko lang. Nang maka-upo siya ay umiwas ako ng tingin. Pinag gigitnaan namin ngayon ang glass table na nandito sa sala niya. Matapos kasi niya akong muntik na mabangga ay niyaya niya ako dito sa bahay niya. Umayaw kasi ako nang sabihin niyang isusugod niya ako sa ospital kaya sabi na lang niya, gagamutin niya raw 'yung sugat ko kahit na gasgas lang naman. Kaya kami nandito ngayon sa bahay niya.
CHAPTER 6- Under The Same Roof (2) NATHANIA's POV Matapos kong pumayag na dito na manirahan sa bahay niya ay umakyat na ako dito sa kwarto upang ayusin yung mga damit ko. Habang inaayos ay napatingin ako sa brown envelope na nakapatong sa kama. Nilapitan ko ito at inilabas ang laman. Nagulat ako dahil tig-iisang libong dolyar ito. A-ang dami naman nito; ngayon lang ako nakahawak at nakakita ng ganito karaming pera. Iyong iba ay ipapadala ko sa mga kapatid ko para makapag bayad na sila sa ospital at makabili ng gamot ni Juno. Napa buntong hininga ako. Sana tama itong desisyon ko kasi wala na talaga akong choice kung hindi ang tumira at magtrabaho dito. Ano ba yan! Ang daming drama! Dapat mas maging matatag ako dahil mag isa ko nalang dito sa desisyong 'to. Wala nang gagabay sa akin na gaya ni Manager Nora. Dapat
Chapter 7- Under The Same Roof (3) NATHANIA's POV Kanina pa ako hindi mapakali at hindi makatulog, n-nasampal ko ba naman ang isang Warren Anderson. Arrgh! P-pero kasi.. b-bakit niya ako hinalikan? Anong ibig sabihin 'non? O may ibig sabihin ba yun? Dammmmmn!!! Mababaliw na yata ako kakaisip, kanina pa nag-iinit yung mukha ko sa sobrang hiya. Teka, bakit ako yung mahihiya eh siya 'tong nanghalik? Aish! Ayaw ko na! Unang araw ko palang dito sa bahay niya-- hinalikan na niya ako agad. Paano nalang sa mga susunod na araw? Shit! It can't be! Whatever it takes, I will never give myself to someone like him. I need to be brave dahil alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan para lang makuha ako. At hindi ako papayag doon! hmp! I promised myself na ibibigay ko 'to' sa asawa ko-- in the future. At tutuparin ko yun!
CHAPTER 8- VISIT NATHANIA’s POV Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa malakas na pag tunog ng cell phone ko. Padabog ko itong kinuha at sinagot. "Hello?!" Pagsagot ko saka tinignan kung sino yung caller. Unknown number. Bumangon ako at umupo sa kama. "Sino 'to?! Ang aga aga alas siyete palang tumatawag ka na! Hindi ba pwedeng ipa-alas diyes mo na yang sasabihin mo?! Inaantok pa---" "Nathania." Tila nawala lahat ng antok sa katawan ko nang marinig ko ang boses niya. "Pumunta ka dito ngayon. Wear something decent." Matapos niyon ay pinutol na niya ang linya.
Chapter 9- First Day NATHANIA's POV Unang araw ko ngayon sa trabaho pero para bang wala akong gana at hindi ako excited. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, parang mas gusto ko nalang humilata maghapon pero naalala ko-- mahirap lang pala ako kaya kailangan kong bumangon at magtrabaho. Alas otso ang pasok ko pero kahit six thirty palang ay bumangon na ako at bumaba ako para icheck kung anong pwedeng iluto pero nasapo ko nalang ang noo ko ng maalalang hindi pa nga pala kami nakapag grocery. May cafeteria naman siguro sa building diba? Hanapin ko nalang mamaya. Umakyat ako ulit at plinantsa yung slacks at blusa ko. Napatingin ako sa mga heels na nakahilera sa tabi, ano naman kaya ang isusuot ko?
Chapter 10- Sick NATHANIA's POV "Sunod naman po ay yung sa The Late Show with Karson Miller, para raw po sa segment nilang World's Youngest Billionaires of 2021." Umiling iling siya na siya rin namang inirapan ko. Pang labing-dalawa na yata itong nireject niya! "Ok----" "Do you want me to attend that interview?" Tanong niya habang nasa laptop ang tingin. Bakit ako ang tinatanong niya? "Nasa iyo po yan Sir." Pilit na ngiting sabi ko. "Pero bakit po ba kasi panay kayo reject sa kanila? Sayang naman po yung oportunidad para makatrabaho sila." Tukoy k
CHAPTER 11 - Thank you NATHANIA's POV "Ugghhh.." Naalimpungatan ako nang marinig ang pag-ungol ni Warren. Nang tingnan ko siya ay nakaupo na siya ngayon sa sofa, agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa carpet, imbes na bantayan ko siya ay nakatulog ako. Hays! "H-huwag ka munang tumayo." Pagpigil ko sa kanya. Tinitignan niya ngayon ang kanyang kaliwang kamay na nakabalot ng gauge roll. "Nadatnan kita sa kusina kagabi.." Nanatili ang tingin niya sa kanyang kamay. "Nakahandusay ka sa sahig tapos nagkalat yung bubog sa sahig, siguro kasabay nung pagkabasag nung baso yung pagbagsak mo kaya ka nasugatan sa kamay at mukha." Nang banggitin ko ang kanyang mukha ay agad siyang napahawak rito a
CHAPTER 18- Siblings? WARREN's POV "What's up, man." As soon as Daryl entered his office, he said. "How's my busy slash inlove bestfriend?" Mapanuksong tanong niya. Umiling iling na lamang ako sa sinabi niyang iyon. "I'm not." Inis na sagot ko. "Tss. Lokohin mo na ang lahat, huwag lang ako." "Oh stop that shit, Daryl. I am here to tell you something more important than that." Umupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng goblet na may laman na wine. "Spill the tea." "Therese is here." Nanlaki ang mga mata niya which I already expected. "Really?! What is she doing here?" Nagkibit balikat ako bago lagukin yung wine na nasa goblet. "So araw araw siyang nasa office mo?" Tumango ako. "What a headache!" "And I can smell that her brother is also here--- I ha
Chapter 17- No Label Warren's POV "C'mon, sa condo ka na mag sleep." Umiling iling ako kay Therese bago tumingin kay Tanya na nasa kanyang working station. "You know that I'm busy, Therese." "Woah, you've changed." Nahihimigan sa boses niya ang tampo. "Dati naman ay hindi ka ganyan. Magkatabi pa tayong natutulog sa kwarto at---" "Stop." Diretso pa rin ang tingin ko kay Tanya na ngayon ay mahigpit nang hinahawakan ang ballpen. Is she mad? "Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ni Alisander." Dumako naman ang tingin ko kay Therese na ngayon ay naka-pout na. "You're so mean.. I was away for months tapos ganyan ka pa ngayon." Umiling iling ako. "Fine, I'll go na." Padabog siyang tumayo at inirapan ako bago pa niya ayusin yung mga gamit niya. I sighed. Bakit ba ang hirap intindihin ng mga babae?
Chapter 16- Jealousy? Nathania's POV Nakangiti ako habang nagsasabon ng katawan. Hindi ko alam kung bakit pero ang saya saya ko ngayong araw na ito. Sa katunayan, kahapon pa ako masaya kaya naman gumising rin ako ngayon na masaya. Nauna nang umalis si Warren kaninang umaga dahil may mga aasikasuhin raw siya na dapat matapos hanggang mamayang tanghali. Pero bago siya umalis, syempre pinagsaluhan muna namin a
Chapter 15- Sassy Girl NATHANIA's POV Nagising ako na kumakalam ang sikmura dahil sa gutom. Iminulat ko ang mga mata ko at inalala kung ano ang mga nangyari kagabi. Bumuntong hininga ako, oo nga pala. May nangyari sa amin ni Warren. Pero bakit ganon? Hindi ko ramdam ang pagsisisi? B-bakit parang... ang saya saya ko? Napangiti ako. Y-yung kagabi... ganon pala yung pakiramdam 'nun? Ibang iba. Nakakabaliw. "Hmmmm.." Napatingin ako kay Warren na gumalaw sa gilid ko. Ipinatong niya yung braso niya sa ibabaw ng d****b ko pero kahit medyo mabigat ay hindi ako nag reklamo. Tinignan ko siya at muling napangiti. Ang gwapo niya
CHAPTER 14- JUST ONCE NATHANIA's POV Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Babangon na sana ako ngunit biglang sumakit ang ulo ko kaya naman hinawakan ko ito. "Gahd! Bakit ba kasi ako pumayag na makipag-inuman sa kanya?" Hawak hawak ang ulong sabi ko. Sobrang sakit ng ulo ko na gusto ko na lang matanggal ito. Umiikot rin ang paningin ko kaya nanatili akong nakahiga at hawak hawak ito. Habang nakahiga ay inalala ko ang mga nangyari kagabi. Niyaya ako ni Warren makipag inuman at pumayag ako, nag inom kami sa counter table at hindi ko alam kung paano kami nakarating dito sa sala. Uminom kami na sa tantya ko'y hindi lang tatlong bote ng alak ang naubos namin. Nagtanungan kami at tinanong niya kung nasaan yung mga magulang ko. Sin
CHAPTER 13- GETTING TO KNOW EACH OTHER NATHANIA's POV Shocks! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Hanggang ngayon ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko at namumula pa rin ang mukha ko tuwing naaalala ko yung nangyari kagabi! Hindi naman ako hinalikan o ano pero yung titig! Yung titig niya ang hindi ko makalimutan! Kinaumagahan ay kinalma ko ang sarili ko bago pumasok ng opisina ni Warren. Kaya ko 'to, kunwari ay wala lang sa akin yung nangyari kagabi. Kunwari okay lang sa akin yun pero teka-- w-wala lang naman yung nangyari kagabi diba? Hindi naman kami naghalikan o ano so bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko?! Kainis! "Why are you still here?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang malalim na boses ni Warren sa likuran ko. Napapi
CHAPTER 12- TEMPTATION NATHANIA's POV Paggising ko ay nasa likod si Warren at nagka-kape. Sabi niya, okay na ang pakiramdam niya pero para maka-siguro ay hindi ko muna siya pinapasok. Sa tingin ko, nasobrahan siya sa pagtatrabaho kaya siya nagkasakit. Idagdag pa na paiba iba ang klima ngayong buwan. "Kumain ka na ba?" Tanong ko. "Not yet." Matipid niyang sagot. "Anong gusto mo? Cereals? Noodles---" "Hindi kita pinatira dito para maging katulong, Nathania." Bumuntong hininga ako. "Alam ko naman yun, pero kasi kagagaling mo lang sa sakit kaya ako
CHAPTER 11 - Thank you NATHANIA's POV "Ugghhh.." Naalimpungatan ako nang marinig ang pag-ungol ni Warren. Nang tingnan ko siya ay nakaupo na siya ngayon sa sofa, agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa carpet, imbes na bantayan ko siya ay nakatulog ako. Hays! "H-huwag ka munang tumayo." Pagpigil ko sa kanya. Tinitignan niya ngayon ang kanyang kaliwang kamay na nakabalot ng gauge roll. "Nadatnan kita sa kusina kagabi.." Nanatili ang tingin niya sa kanyang kamay. "Nakahandusay ka sa sahig tapos nagkalat yung bubog sa sahig, siguro kasabay nung pagkabasag nung baso yung pagbagsak mo kaya ka nasugatan sa kamay at mukha." Nang banggitin ko ang kanyang mukha ay agad siyang napahawak rito a
Chapter 10- Sick NATHANIA's POV "Sunod naman po ay yung sa The Late Show with Karson Miller, para raw po sa segment nilang World's Youngest Billionaires of 2021." Umiling iling siya na siya rin namang inirapan ko. Pang labing-dalawa na yata itong nireject niya! "Ok----" "Do you want me to attend that interview?" Tanong niya habang nasa laptop ang tingin. Bakit ako ang tinatanong niya? "Nasa iyo po yan Sir." Pilit na ngiting sabi ko. "Pero bakit po ba kasi panay kayo reject sa kanila? Sayang naman po yung oportunidad para makatrabaho sila." Tukoy k