IDRIS
Napansin kong nasa kwarto pa rin ako katulad kung nasaan ako kahapon ng umaga. Teka...kahapon?
Naguguluhan kong tiningnan ang phone ko at chineck ang date. It's the same day as last night. Napakunot ang noo ko dahil sa matinding pagtataka.
The last thing I remember was me and Naya are walking in the street when two guys appeared and robbed us. And I saw Naya...died.
I also remember that the guy shot me right into my head and I died, I suppose.
Pero kung namatay ako, bakit nandito pa rin ako? And why do I feel deja vu?
Napasapo ako sa noo ko nang mapagtanto na nangyari na ang lahat nang ito. I don't know how it happened but I am so confused right now. I don't even know what to think and what to do about it.
"Idris, bumangon ka na! Aba tulog mantika ka talaga kahit kailan!" Napalitlag ako ng marinig ko ang boses ni Naya habang kumakatok sa pinto.
Those words...she already said that.
Wala sa sarili akong lumapit sa pinto at dahan-dahan itong binuksan. Bumungad sa akin ang nakabusangot at nakapameywang na si Naya.
"Hey, you okay? Parang nakakita ka ng multo riyan." nagtatakang tanong nito nang makita ako. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa 'saka binalik ang paningin sa akin.
"Uhh...don't mind me. I'm okay." sagot ko rito. Hindi ko alam kung sigurado ba ako sa sagot ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako okay.
"Anyways, kailangan mo nang magbihis dahil aayusin pa natin y'ung booth natin." saad niya. Naningkit na lang ang mata ko ng ma-realize na ito rin ang sinabi niya kahapon.
"Right. Hintayin mo na lang ako roon. I need to think first, okay?" sagot ko rito pero bago pa siya makasagot ay isinarado ko na ang pinto habang hawak-hawak ang ulo ko.
Kailangan kong isipin lahat ng nangyari kahapon. Kailangan kong isa-isahin ang bawat detalye nito. Baka kasi naalog lang ang utak ko at kung ano-ano na ang naiisip ko.
"Wait, ano bang iisipin mo?" sigaw nito sa kabila.
"Just go! I'll be there in a minute!" sagot ko pabalik.
"Okay. Bilisan mo lang." 'Di ko na lang pinansin ang sinabi niya at napaupo sa kama.
I calmed my mind and breathed deeply to supress my frustration. Inikot ko rin ang ulo ko in circular motion at pinatunog ang aking mga kamay 'saka ito inunat.
Nang makuntento ay nangalumbaba ako 'saka binalikan ang nangyari kahapon.
I woke up by Idris's voice, we decorate our booth for the Intrams, Owen's being a mascot and when we're already finished, Naya and I decide to eat somewhere but some guy killed us.
If we died that night then how am I still alive? Feeling ko ay mababaliw na ako kakaisip kaya napagdesisyunan kong tumigil na at nagsimulang mag-ayos.
Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng dorm. Kung tama ang hinala ko, there are students approaching me and gives me a flyer. Which I think is weird because all of a sudden, parang lahat ng mangyayari ay alam ko na.
Argh!
And I'm right, that's exactly what's going on now. I saw a group of students heading into my direction but I pretended I didn't see them and changed my way to avoid inviting me into their silly booth.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na sinundan na lang nila ako ng tingin at nanghihinayang na naghanap ng ibang estudyante na iimbitahan.
Napangiti ako ng malagpasan ko sila. Buti naman at hindi na nila ako sinundan no.
Ooh, I know what's going to happen kaya mabilis akong gumilid sa daan para iwasan ang humaharurot na sasakyan na muntik ng bumangga sa akin. Nagtataka naman akong tiningnan ng driver pero sa huli ay nag-sorry din ito.
"Please, be careful." wika ko rito ng may pag-alala. Sana naman sa susunod mag-iingat na siya. Tumango lang ito sa akin at 'saka nagmaneho paalis.
At bago ko pa man mabangga ang paparating na lalaki na may buhat-buhat na mga kahon ay ako na ang kusang umiwas sa daraanan niya.
Napangiti na lang ako ng hindi ko siya nabangga katulad ng inaasahan ko kaya sinundan ko na lang ito ng tingin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko na ang booth namin. Alam ko na ang susunod na mangyayari, susulpot sa harapan ko si Owen para gulatin ako.
And I'm right, again. He appears right infront of me but because I'm expecting this one, I've kept my face still, showing no reaction at all.
Nagtaka naman si Owen sa kinilos ko kaya kaagad niyang tinanggal ang mabigat na ulo ng mascot na suot niya at kunot-noo niya ako tiningnan.
"Damn, no reaction? Tumakbo pa naman ako rito para gulatin ka." kunot-noo nitong tanong pero tinaasan ko lang ito ng kilay.
"Pake ko? Pwede ba tigilan mo na ko sa mga pang-aasar mo dahil hindi na tatalab sa'kin 'yang mga 'yan." singhal ko rito sabay duro sa pagmumukha niya pero ang hayop tinawanan lang ako at ginaya pa niya ang ginawa kong panduduro.
"Ows, talaga? Kwento mo sa pagong. Hinding-hindi ako magsasawang asarin ka hanggang sa malukot 'yang mukha mo na katulad ng sa papel." balik sagot nito. Ang lalaking ito talaga! Namumuro na talaga siya sa'kin! Balang araw gagantihan ko rin ang isang 'to.
"Whatever. Why are you wasting you're time on me, huh? Akala ko ba wala ka ng pake sa'kin? Just go with your shitty friends dagdag mo pa 'yang mga babae mo!" sigaw ko rito. Nakita ko naman siyang natahimik sa sinabi ko at parang napahiya.
Napansin kong tumigil sa pagkilos ang mga tao sa paligid at nakatingin sila sa direksiyon namin pero hindi ko ito pinansin.
Magsasalita pa sana siya pero hindi niya naituloy at tuluyan ng umalis. Doon ko lang na-realize ang mga nasabi ko.
Mukhang napasobra ang sinabi ko sa kaniya. Napakagat-labi ako at napatampal ako sa noo ko dahil sa inis na naramdaman.
Aish, stupida ka talaga Idris!
Narinig ko ang mga bulungan ng mga tao sa paligid pero hindi ko na lang ito pinansin 'saka tinungo ang kinaruruonan ng booth.
May dahilan kung bakit ko nasabi ang lahat ng 'yon sa kaniya. Sa tuwing nakikita ko siya rito sa loob ng campus ay hindi ko maiwasang isipin ang ginawa niyang pag-iwan sa akin noong bata pa kami.
"Hey, Idris. What's with the scene?" tawag pansin sa akin ni Naya pagkarating ko sa booth. Kasalukuyan itong kumukuha ng mga decorations mula sa box at inililipat sa mesa.
"Wala 'yon. Wag mo na pansinin." mahinang sagot ko rito saka siya tinulungan.
"Okay. Basta kung anong problema mo, sabihin mo lang sa'kin, ha?" nakangiting saad nito. Nakaramdam naman ako ng ginhawa dahil sa sinabi niya. I'm so glad that she's my friend.
Napatango na lang ako at 'saka sinimulang mag-ayos.
-----
"Grabe, nakakapagod naman. Biruin mo inabot tayo ng gabi rito sa campus dahil sa letcheng booth na 'yan?" tipid na ngiti lang ang tinugon ko sa kaniya. Buti naman at hindi na siya nagtanong pa dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
"Parang ang tahimik mo 'ata? Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong. Pansin niya siguro ang katahimikan ko. Wala rin naman kasing magbabago kung ikukwento ko sa kaniya ang nangyayari sa'kin. Baka nga pagtawanan niya lang ako o kaya sabihing nababaliw na ako.
"I'm fine. Gutom lang siguro ako. Kain tayo pagtapos?" ang tanging sagot ko sa kaniya.
"Sure. Basta---"
"Libre ko?" pagtatapos ko sa sasabihin niya. Nagulat naman siya sa sinabi ko pero nakabawi naman siya kaagad.
"Uhm, yes?" patanong nitong sagot.
"Ayoko, kanya-kanyang bayad ngayon. Nagtitipid ako." sagot ko rito. Sumang-ayon naman ito at saka namin ipinagpatuloy ang pagliligpit.
"Para sa lahat ng estudyante, magsi-uwi na kayo sa bahay at dorm nyo dahil isasara na namin ang campus. Mag-ingat ang lahat at magandang gabi." Napabuntong-hininga na lang ako ng marinig ko ang announcement. I'm already expecting that to happen and I'm not surprised at all.
Saktong tapos na kami sa ginagawa kaya umalis na rin kami.
Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway ng school ng magsimulang dumaldal si Naya pero wala akong naintindihan ni isa sa sinasabi niya. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa rin ang paulit-ulit kong pagkamatay at pagkabuhay.
This is the third time that I experience this very same day. I assume this is some kind of a dejavu moments but experiencing this for the third time? That's not dejavu at all. It's like I'm being stuck in a time loop where the same events just keep repeating themselves.
But why of all people, why me? I mean, is there someone or anyone experiencing this too?
Napailing na lang ako sa naiisip. Kailangan ko munang itigil ang pag-iisip, baka kasi tuluyan na kong mabaliw 'pag hindi ako tumigil.
"Earth to Idris. Nasaang planeta ba 'yang utak mo at hindi mo ko pinapansin?" tawag pansin sa'kin ni Naya. Napatingin naman ako sa kaniya na hinihintay ang sagot ko. I wish I could tell her the truth why I haven't been in myself for the past few hours.
"As I said earlier, gutom lang 'to kaya bilisan na natin dahil nagugutom na ko." sagot ko na lang rito para hindi na siya magtanong pa.
Nang tuluyan na kaming makalabas sa campus ay sinabi ni Naya na maglakad na lang daw kami dahil medyo may kalapitan din naman 'yung kakainan pero tumanggi ako.
Alam ko na ang mangyayari, just like what happened the other day. There are two guys who robbed and kill us. Hindi ako makakapayag na mangyari ulit 'yun. Besides, if I try to avoid it, I may be able to alternate the event and there's a chance that we're not going to die so that I can finally see the daylight tomorrow.
"Mag-taxi na lang tayo, please?" pagpupumilit ko rito pero kunot-noo lang niya akong tiningnan. Naguguluhan sa kinikilos ko.
"Okay. Okay. What's up with you? Una, tulala ka tapos ang tahimik mo. Ngayon, napa-praning ka na? Ano ba talagang nangyayari sa'yo?" mariing tanong nito kaya parehas na kaming napatigil sa gitna ng paglalakad.
I don't have time to answer her questions because I can see the two guys in across the streets, waiting for us.
Sakto namang may nakita akong taxi kaya kaagad ko itong pinara. Tumigil naman ito sa harap namin kaya hinila ko na ang kamay ni Naya papasok sa loob ng hindi pinapakinggan ang reklamo niya.
Para akong nabunutan ng tinik ng tuluyan na kaming nakalayo mula sa mga lalaking 'yon. Napahinga ako ng maluwag at bahagyang isinandal ang ulo sa balikat ni Naya na hanggang ngayon ay nagrereklamo pa rin.
Matatahimik na sana ako pero isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa harapan namin at naramdaman ko na lang ang malakas na pagbangga ng sinasakyan namin sa isang malaking truck.
Pagkatapos no'n ay tuluyan na akong nawalan ng malay.
IDRISNapabalikwas ako ng bangon at habol-habol ko ang hininga ko. Napahawak ako sa iba't-ibang parte ng katawan ko nang maalala kong naaksidente kami ni Naya mula sa sinasakyan naming kotse."Buhay ako...pero papaano?" Wala sa sariling sambit ko kaya bigla akong napatingin sa suot-suot kong damit at agad nanlaki ang mata ko nang ito ang suot ko noong nakaraang araw pa.Napasabunot ako sa buhok ko at pabalik-balik akong naglalakad habang nasisimulang magsisulputan ang mga nangyari simula noong gabing una akong namatay.Dapat patay na ako pagtapos no'n pero bakit buhay pa rin ako?"This is not happening..." Nagpalakad-lakad ako habang kagat-kagat ang kuko, hindi mapakali at lubos na naguguluhan kung anong nangyayari."Idris, bumangon ka na! Aba, tulog mantika ka talaga kahit kailan!" Napatingin ako sa pinto nang marinig ko
IDRISKasabay ng paggising ko ay inuubo akong bumangon. Napahawak ako sa lalamunan ko dahil feeling ko ay may nakabara pa rin doon.Kailangan ko ng tubig. Pakiramdam ko natutuyo ang lalamunan ko at kinakapos ako ng hininga. Naghagilap ako ng tubig sa loob ng kwarto at saktong may nahanap ako na bote ng tubig sa mesa ko pero kakaunti na lang ang laman nito.Kaagad akong nagtungo roon at hinablot ang tubig 'saka dali-daling uminom pero hindi pa ito nakakasagad sa lalamunan ko ay naubos na. Tinaktak ko pa ang natitirang tulo papunta sa bibig ko pero wala na talagang laman."Idris, bumangon ka na! Aba tulog mantika ka talaga kahit kailan!" Saktong sigaw ni Naya mula sa kabila at doon ko napagtanto na nagising na naman ako sa parehas na araw.You've got to be kidding me.Nagtungo ako sa pinto 'saka ito binuksan. Pinapahid ko an
IDRIS"W-What?" nabibiglang tanong ko dahil sa sinabi nito. He... loves me? What the hell is he saying? Pinagloloko niya ba ko?Napaiwas naman ito ng tingin at marahas na ginulo ang buhok saka tumayo. Narinig kong bumulong ito ng kung ano sa sarili pero hindi ko naman marinig.So all these years na magkasama kami, may nararamdaman na siya sa'kin at hindi lang 'yun bilang bestfriend lang kundi ay higit pa.Napahampas ako sa noo dahil sa napagtanto. Imbes na magalit ako sa kaniya dahil sa hindi niya pagsabi ng katotohanan ay nakaramdam ako ng matinding tuwa ng malamang mahal niya rin pala ako.Tumayo ako at hinarap ko siya pero patuloy pa rin sa ginagawa kaya kinalabit ko na ito. Mukha naman siyang natauhan at gulat na napatingin sa'kin."Huh?" wala sa sariling tanong nito pero nginitian ko lang siya."Say i
IDRISNagising ako ng may ngiti sa mga labi. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko dahil sa nangyari kagabi.Kahit na hindi ko natapos ang gabi na kasama si Owen, nagpapasalamat pa rin ako dahil nangyari ang pagkakataon na 'yon.Sana nga lang ay maulit pa 'yon kung sakali man.Nag-inat muna ako ng katawan bago tumayo pero agad ding akong bumalik sa kama at doon nagpagulong-gulong nang bumalik sa isip ko ang nangyari. We just had our first date as a couple and it made me so happy kahit na alam kong nabalewala na 'yon dahil sa time loop na nangyari.Agad rin akong napangiti nang maalala ko ang malambot na kamay ni Owen na parang nakahawak pa rin sa kamay ko. Parang ayoko na tuloy maligo para hindi mawala ang bakas ng kamay niya roon. Naalala ko rin ang mga mata niyang makikitaan ng pagmamahal na nakatingin sa akin.Sayang nga lang
IDRISAs I fell into the never ending loophole, I ended up in a place of darkness. I have no idea how I got here or where I am.Napahaplos ako sa aking braso dahil may kalamigan din dito at isa pa ang dilim-dilim na para bang nabulag na ako ng tuluyan. I can't see anything or no one kaya naman ay hindi ko maiwasang kabahan kung anong nangyayari.I'm trying to move my feet to walk around. I walked and walked but nothing is happening. I still don't see anything and I don't even know how to get out of here.This never happens to me every time I die. This is the first time that I've been here.Oh, shit. Patay na ba ako? Ito na ba yung sinasabi nilang purgatoryo? Pero bakit wala akong nakikitang anumang mga kaluluwa? Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa isiping baka ma-trap na naman ako rito ng ilang araw.So dito na ba 'y
THIRD PERSON"Hurry up, honey! We're gonna be late!" sigaw ng isang babae na nakabihis ng office attire habang inaabangan ang anak na bumaba.Samantalang aligaga naman sa pag-asikaso ang lalaki sa kaniyang necktie na hindi niya maayos-ayos kanina pa.Napansin naman ito ng babae na kaniyang asawa at nilapitan niya ang lalaki at ito na ang nag-ayos.Nang matapos ay nagpasalamat ang lalaki rito na nginitian lang ng babae. Mamaya-maya ay humahangos na bumaba ang isang batang lalaki na gulo-gulo pa ang uniform at nakabaligtad pa ang sapatos.
IDRISI woke up again. Same day. Same place. Same time. What should I expect? I'm no longer surprised anymore that everytime I die in the end of the day, I'm still alive and it sucks.It's like I'm already dead inside but I have to keep living because that's what I have to do. I still have to find out how to escape in this fucking time loop.I feel dizzy and at the same time parang bumigat ang ulo ko. Napahawak ako roon pero nagulat na lang ako ng makapa ko ito. Dali-dali akong nagtungo sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili."What the fuck?" naibulong ko pagkatapos makita ang buhok ko na tayo-tayo na parang hinangin ito ng malakas. Para itong nasunog at nakuryente dahil sa itsura.Doon ko lang naalala na kidlat nga pala ang dahilan ng pagkamatay ko kagabi kaya siguro ganito ang itsura ko.Sinubukan ko pang ibaba ang
THIRD PERSONA machine that can travel within time. Either on the present or in the future as what Lucina said, the talking A.I.Max was unable to believe what he had learned. He doesn't realized that his sister will create this kind of thing. For God's sake, this is a time machine! He never expected to encounter one.And with that, different questions playing on his mind. Like how is this even possibly made? To what purpose? Why did his sister built this? Is she going to use it? For what and why?There are a lot of questions lingered on Max's mind but none of them can be answered.There's only one way to find out.He's going to use the machine to go back to the past.-----IDRISNagising ako ng namamanhid ang katawan kaya
IDRISNaalimpungatan ako dahil sa naririnig ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at kinusot-kusot pa ito.Ang sakit ng ulo ko. Damn.Tumayo ako para alamin kung saan nanggagaling ang tunog.Parang may nagkikiskis sa pintuan ng kwarto ko kaya tumayo ako para buksan ito at para makita kung sino ang pangahas na nilalang ang maingay nang biglang may dumamba sa akin ay dinila-dila pa ang mukha ko."Oh my God! Hi!"Nagulat ako dahil sa nilalang na kasalukuyan akong inaamoy at dinidilaan. Isa pala itong cute na cute na puppy. Kulay brown ito at sa tantiya ko ay wala pa itong tatlong buwan dahil sa liit.Nang makitang tumayo ako ay tumingala ito sa'kin at tinahulan ako gamit ang maliliit niyang boses.Aww. So cute!Kinuha ko ito at binuhat. Napaiwas na lang ako ng mukha ng muli akong dilaan nito kaya napatawa na lang ako."What's your name, baby? Bakit ka nandito? Asan ang amo mo, hmm?" banayad na tanong ko sa aso pero parang wala itong narinig at sa halip ay naglilikot lang.Hinagip ko
THIRD PERSON"Ipaupo mo siya rito. Dahan-dahan lang." utos ni Sebastian kay Gavin.Kasalukyang buhat-buhat ng lalaki ang nanghihinang katawan ni Max.Bagaman ay nanghihina at nanlalabo ang paningin ni Max ay alam pa rin naman niya ang nangyayari sa paligid niya. Mas pinili na lang niyang huwag magsalita dahil napapagod siya."Ate Idris..." mahinang tawag nito sa pangalan ng kapatid. Nang marinig ito ng babae ay kaagad siyang tumabi sa kapatid at hinawakan ang kamay nitong nanlalamig niya.Hindi maiwasang mapaluha ni Idris dahil sa sitwasyon ng kapatid. Namumutla na ito na parang wala ng dugo sa katawan, nanghihina at malamig ang katawan."Gavin, prepare the cap. Hurry!" aligagang saad ng matanda. Nagkakagulo na ang mag-ama ngunit hindi nito inalintana ang natitirang oras para sa magkapatid."Hey...I'm here, Max. Masaya ka ba? Look, makakauwi ka na. 'Wag kang matakot, nandito lang ako, okay?" Tumulo ang luha ni Idris sa kamay ni Max.Pilit inabot ni Max ang mukha ni Idris at siya na an
IDRISNapatayo ako matapos marinig ang sinabi ng matanda. "Ho? Bakit ho?" kunot-noong tanong ko rito."Pawalang galang lang ho pero kasi wala na po talaga kaming ibang malalapitan. Parang awa niyo na ho, ayoko hong mawalan ng kapatid," pagmamakaawa ko pa.Sa tingin ko ay alam ko kung bakit ayaw niya kaming tulungan. Dahil ba ito sa isyu na ginawa niya noon? Na narinig kong usap-usapan na bumabalik siya sa nakaraan para makasama ang kaniyang asawa?Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ipinasara at sinuspende ang kaniyang imbensiyon pero wala na akong ibang maasahan kundi 'yun lang.Seryoso at mariin lang akong tiningnan ng matanda na parang kinililatis ako.Binitawan muna niya ang crane niya at umupo. Pinagkrus niya ang kaniyang kamay at pinaningkitan kami ng mata."O sige. Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit kailangan ko kayong tulungan," saad niya.Itatanong pa ba ito? Of course, dahil kapatid ko ang pinag-uusapan dito. Responsibilidad ko na tulungan siya a
IDRIS"W-Wait. Hold on for a sec. Too much information and it's still not processing. This is unbelievable," pagpigil sa'kin ni Prof. Gavin.Halata naman sa mukha niya ang matinding pagkalito dahil sa mga pinagsasabi namin. Hindi namin siya masisisi kung lubos siyang naguguluhan.'Gaya ng sinabi niya ay nandito kami sa loob ng office niya para masigurong walang makakarinig sa pinag-uusapan namin.Mainit kasi sa ilan ang apelyidong dinadala ng propesor gawa ng kaniyang ama na aksidenteng napasabog ang kabuuoan ng building ilang taon ang nakalipas.Ayon sa kaniya, pagkatapos ng insidente ay kaagad na inaresto ang lalaki (Arden) at kinasuhan dahil sa ginawa nito sa loob ng campus.Kinumpiska rin ang lahat ng kaniyang gamit kasama ang hinihinalang time machine na matagal na niyang pilit ginagawa simula ng mapunta siya sa campus.Nasa basement ng sinabing building nakalagay ang machine at doon din nakapwesto ang opisina niya.Sa loob ng ilang taon, ni isa at walang nakahalata at nakaalam s
THIRD PERSONPagkapasok pa lang ni Max sa worm hole ay alam niyang may mali na. Hindi lang sa paligid niya kundi sa katawan niya rin.Hindi katulad sa mga nakaraan niyang pagtawid mula sa kasalukuyan papuntang nakaraan, wala siyang nararamdamang kung ano pero ngayon ay mayroon na.Umiikot ang paningin niya at mistulang mabibingi siya dahil sa matitinis na tunog na naririnig niya.Napapansin din niya na ang makukulay at maliliwanag na ilaw na nadaraanan niya sa loob ng worm hole ay unti-unting nawawalan ng kulay.Patay-sindi ang mga ito at iindap-indap dahilan para mas lalo siyang mahilo. May malakas din na pwersa ang naghihila sa kaniya papunta sa iba't-ibang direksiyon dahil para umikot ang buo niyang katawan at mawala sa tamang balanse.Kung dati mabilis siyang maglakbay sa oras pero ngayon ay inabot siya ng ilang minuto bago bumungad sa kaniyang harapan ang nakakasilaw na liwanag.Tuluyan siyang nilamon nito at matagumpay siyang nakaapak muli sa nakaraan.----Ilang minuto bago siy
THIRD PERSONPagkatapos nang sagutan at pag-aayos ng magkapatid ay hindi muna sila nagkibuan ng ilang oras. Tahimik at malalim ang iniisip ni Max habang nakaupo sa kaniyang kama.Kanina, napagpasyahan ni Theresa na tuluyang i-secure ang kaniyang buong kwarto para hindi na tuluyang makapasok ni Max. Sa kagustuhang magkasundo sila ng kapatid ay walang nagawa si Max kundi sumang-ayon sa gusto nito.Pinalitan ni Theresa ang password sa secret chamber ng kwarto niya at ni-lock pa nito ang pintuan kaya imposible talagang makakapasok pa roon si Max.Lingid sa kaalaman ni Theresa ay marunong mag-hack si Max kaya marami siyang kaalaman pagdating sa mga ganoong bagay. Ngunit nagdadalawang-isip si Max kung papasukin niya ang kwarto ng kapatid gayong kakasundo lang nila.Nais ulit ni Max na bumalik sa nakaraan para pormal na makapagpaalam sa kaniyang mga magulang at humingi ng tawad sa kaniyang kapatid (Idris) sa lahat ng nagawa nita rito.Pagkatapos no'n ay nangangako siya na hinding-hindi na ni
IDRISRight. Paano nga ba ako magsisimula? Ang lakas ng loob kong mag-walk out eh ni hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula.Tsk. Ano ba namang klaseng buhay 'to.Bigla namang sumulpot ang mga sinabi ni Max kanina.Alam ko namang nami-miss at nangungulila siya sa mga magulang niya pero tama ba na babalik pa siya sa nakaraan para lang makita ang mga ito?At isa pa, nabanggit niya na gusto niya daw ako makasama at isa 'yon sa dahilan kung bakit siya pumunta rito. Pero bakit naman?Ano bang problema sa err...sa akin sa hinaharap? At ito pa, kapatid ko daw siya! How the heck did that happen? Hindi ko ma-imagine na aampunin ko siya balang araw.Too much information that I knew today is killing me kaya siguro hindi ko muna siya iisipin. Mas maganda kung hindi ko muna makikita si Max dahil hindi ko pa siya kayang harapan sa kabila ng mga sinabi niya.Ang problema ko naman ngayon, paano nga ba ako magsisimula?-----THIRD PERSON"Damn, where are you?" bulalas ni Theresa na patuloy na kin
IDRIS"Idris, bumangon ka na riyan! Aba, tulog mantika ka talaga kahit kailan!"Oh, please.Give me a break! Goddamnit!Lagi na lang. Palagi na lang.Hindi na lang ako umimik sa kabila ng pagdadakdak ni Naya mula sa labas. Naiinis ako. Sawang-sawa na ako sa ganto. Gusto ko nang matapos ang lahat nang 'to.I swear, sa oras na matapos ang pagdurusa ko sa bawat araw, magpa-party ako ng bongga. Ako mismo magde-decorate nitong buong nirerentahan namin. Ako na rin sasagot sa mga pagkain at drinks.Pramis ko 'yan. Mark my word. Periodt. Periodism. Periodical. Periodicalation. Periodilism. Perio--"Oh my god! May bata! Paano ka nakapasok dito?!" Rinig kong tili ni Naya mula sa labas kaya natigil ang panunumpa ko't dali-daling bumangon mula sa pagkakahiga.Anong b
THIRD PERSON"Before you go, I would like to inform you about some strictly rules when you time travel and most importantly when you're already in the past." dugtong pa nito.Napatango naman si Max at kaagad na nalipat ang atensyon niya sa sasabihin ni Lucina. "Okay.""Theresa has made a few important and strict rules when it comes to traveling in time. In this way, the traveler must abide by the rules in order to avoid changing the present and future." panimula nito. Sumulpot naman ang isang screen pero nakalutang ito sa hangin. Hindi na nagulat si Max nang makita ito dahil kaagapay na ito sa kanilang panahon kung saan ay kasali na sa teknolohiya sa hinaharap.Doon, nakasulat ang bawal gawin at iilang mga panuntunan para sa paglalakbay pabalik."Traveling in the future is techically easy but when you travel back in time is a complic