THIRD PERSON
"Ipaupo mo siya rito. Dahan-dahan lang." utos ni Sebastian kay Gavin.
Kasalukyang buhat-buhat ng lalaki ang nanghihinang katawan ni Max.
Bagaman ay nanghihina at nanlalabo ang paningin ni Max ay alam pa rin naman niya ang nangyayari sa paligid niya. Mas pinili na lang niyang huwag magsalita dahil napapagod siya.
"Ate Idris..." mahinang tawag nito sa pangalan ng kapatid. Nang marinig ito ng babae ay kaagad siyang tumabi sa kapatid at hinawakan ang kamay nitong nanlalamig niya.
Hindi maiwasang mapaluha ni Idris dahil sa sitwasyon ng kapatid. Namumutla na ito na parang wala ng dugo sa katawan, nanghihina at malamig ang katawan.
"Gavin, prepare the cap. Hurry!" aligagang saad ng matanda. Nagkakagulo na ang mag-ama ngunit hindi nito inalintana ang natitirang oras para sa magkapatid.
"Hey...I'm here, Max. Masaya ka ba? Look, makakauwi ka na. 'Wag kang matakot, nandito lang ako, okay?" Tumulo ang luha ni Idris sa kamay ni Max.
Pilit inabot ni Max ang mukha ni Idris at siya na ang nagpunas ng luha nito.
"Don't cry, Ate. Please, I can't leave knowing that you're hurt. Be happy for me too. Magkikita pa naman tayo sa future."
Dahil sa sinabi ni Max ay hindi na nakasagot si Idris at napayuko na lang. Niyakap niya lang ang kapatid na parang ayaw niya muna itong umalis.
Sa sandaling panahon lang sila nagkita ngunit ayaw na nilang mawalay sa isa't-isa.
"Dad, we don't have much time. Kailangan na nating magmadali." paalala ni Gavin.
May hawak-hawak itong isang metal hat na maraming nakakabit na wires. Hindi na inabalang alamin ito ni Idris dahil ang nasa isip niya ay ang maaring mangyari kay Max.
"Makinig ka. Magiging okay ka lang. Makakauwi ka. Tandaan mo, mahal na mahal kita, Max." Hinalikan niya ang noo ng kapagid at ipinagdikit ang ulo nila.
"I love you too, Ate. Please, don't forget me..."
"I won't, Max. Never.
"Move, Idris. Isasagawa na namin ang proseso,"
Hindi pa sana muna gagalaw si Idris kung hindi lang siya hinila ni Gavin sa isang tabi.
"Isuot mo na, Gavin."
Hawak ang metal cap, dahan-dahang inilagay ni Gavin ang bagay sa ulo ni Max.
Kunot-noo namang pinapanood ni Idris ang ginagawa ng mag-ama sa kaniyang kapatid. Ano ang bagay na iyon? Para saan ito ay bakit ito suot-suot ng kapatid?
"Sandali, ano ho ang bagay na 'yan? Ligtas ho ba 'yan para kay Max?" kinakabahang tanong ni Idris. Lumapit pa siya kung saan nakaupo si Max para tingnan ito ng malapitan.
"This is a channel transmitter cap. This helmet will help to channel the time into the frontal cortex of Max and ignite the synaptic pathways and send a message in the time machine."
Kahit walang masyadong naiitindihan si Idris ay patuloy lamang siya sa pakikinig sa sinasabi ni Gavin.
"With that, someone must receive the channel across the portal so that it can be finally connected in the helmet. Sa pamamagitan ng helmet, hahanapin nito sa kasulok-sulukan ng utak ni Max ang memory kung saan ang eksaktong taon, buwan, araw at oras siya sa future. Matapos no'n, ang electricity power na nagmumula sa dalawang nakatutok na ito ay dadalhin siya sa wakas sa mismong panahon na 'yon," dugtong nito.
Wala sa sariling napatango na lang si Idris pero kahit papaano naman ay may parte siyang naintindihan sa paliwanag ng lalaki.
May kung anong ikinabit na dalawang wire si Gavin at isinipit ito sa magkabilang gilid ng cap. Pagkatapos ay may pinihit siya na patang volume.
Tiningnan muna niya ang tatay niya. "Ready, Dad?" Tumango lang sa kaniya ang matanda.
Nang ipinihit na ni Gavin ang volume ay ang siyang paglabas ng napakaliwanag at malakas na electricity na nagmumula sa laser gun. Hindi lang ito birong electricity kundi bolta-boltaheng kuryente ang pino-produce nito papunta sa cap.
Nanginig ang buong katawan ni Max dahil doon. Lumalabas ang mga ugat nito sa litid at sa noo dahil sa matinding pagkakakuryente.
Unti-unting dunaloy ang kuryente papunta sa buong katawan ni Max. Umakyat ito lahay sa kaniyang ulo na parang mga uod na lumalangoy papunta roon.
Nanlaki naman ang mga mata ni Idris at labis na nagulat dahil hindi niya inaasahan ang gagawin ng mag-ama sa kaniyang kapatid.
"T-Teka, ano hong ginagawa niyo sa kaniya? Tigilan niyo ho 'yan, please!"
Nagkagulo ang sistema ng katawan ni Max lalo na nang tuluyang makapasok sa utak niya ang kuryente. Inatake ng mga ito ang neurons at nerve cells.
Hindi na alam ni Idris ang gagawin sa nakikita. Kitang-kita niya kung paano tumirik ang mga mata ni Max dahil sa nangyayari sa kaniya.
"Don't worry, hija. Alam namin ang ginagawa namin. Umatras ka muna, baka masabit ka sa kuryente," tugon sa kaniya ng matanda.
Parang may sariling buhay ang mga kuryente dahil pilit nilang pinapasok ang memorya ni Max at kinakalkal nito lahat ng madadaanan nito.
Hindi niya makikitaan ng kaba ang dalawa sa halip ay parang kalmado pa ang mga ito na alam na alam talaga ang ginagawa nila.
Nang mahanap na ng mga kuryente ang dapat hanapin ay kaagad na nag-send ito ng message sa pamamagitan ng channel papuntang future sa loob lamang ng ilang segundo.
in the future
"Anong gagawin ko, Lucina? Should I follow Max? Maabutan ko pa naman siguro siya 'di ba?" natatarantang saad ni Theresa. Pabalik-balik ang lakad niya dahil sa pagkabalisa.
Alalang-alala na siya sa kaniyang kapatid dahil hanggang ngayon ay hindi la ito umuuwi.
Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin ito.
"Sorry, I can't understand you." sagot sa kaniya ni Lucina, ang kaniyang A.I.
"Nasaan ka na ba, Max?" bulong nito habang patingin-tingin sa kaniyang time machine, umaasang susulpot doon si Max.
Ilang minuto pa siyang naghintay at dahil hindi na siya nakatiis ay kaagad siyang nagtungo sa harap ng time machine.
"Pupunta ako sa nakaraan. I can't bear to stay like this. Hahanapin ko si Max." matigas na saad ni Theresa. Hahakbang na sana siya para makapasok pero natigilan siya dahil biglang tumunog ng sabay-sabay ang monitors.
"What is that?" nagtatakang tanong nito na napaatras.
"Someone's transmitting a channel from unknown location," sagot sa kaniya ni Lucina.
Kaagad siyang nagtungo sa harap ng monitor para tingnan ito.
"What the hell is this?" kunot-noong tanong niya.
Mula sa screen ay may lumabas na audio record ngunit static lang ang inilalabas nitong sound.
Hindi na bago sa kaniya ang ganitong senaryo kaya agad niyang nalaman na isa itong record with a code in it.
Pero hindi lubos maintindihan ni Theresa ang pinapakinggan niya. Nagtipa-tipa siya sa keyboard at gumawa ng paraan para malaman ang ibig sabihin ng message pero sumuko din siya dahil hindi niya talaga ito maintindihan. Pagkalipas ng ilang minuto ay unti-unting luminaw ang sinasabi ng boses.
Medyo malabo nga lang ang pagkakasabi kaya naisipan niyang humingi ng tulong kay Lucina.
"Lucina, try to decipher this thing. Faster."
Kaagad na tumugon ang A.I. Mamaya-maya ay bigla na lang may nag-play at doon, rinig na rinig na niya ang sinasabi.
May naririnig siyang boses ng dalawang lalaki at isang boses ng babae na parang sumisigaw. Hindi niya makilala kung sino ang mga ito at hindi niya alam kung bakit ito ang sumulpot sa computer niya.
Saka lang siya natigilan dahil sa paulit-ulit na pagbanggit ng boses ng babae sa pangalan na 'Max'.
Nanlaki ang mga mata niya sa naririnig. May mga namumuong teorya sa isip niya pero ni isa roon ay hindi siya sigurado kung totoo.
'Posible kayang...?'
"Lucina! Where the hell did this recording came from?!" hindi mapigilang sumigaw dahil nagsisimula siyang kabahan at kutuban sa nangyayari.
"It's from the past, Theresa and according from what I depicted, Max is in there and he needs you to pull him here in the future."
"What?!" hindi makapaniwalang tugon niya.
Muli niyang sinilip ang message na nasa computer niya. Lalo tuloy siyang nataranta dahil sa sinabi ng A.I.
Mabilis siyang nagtipa sa kaniyang computer upang i-proseso at sagutin na rin ang nagpadala sa mensahe. Kung sinuman 'yon.
Dahil nasa nakaraan si Max ay wala siyang magagawa kundi maghintay na higupin siya ng time machine.
Wala siyang machine na maaring makapaghigop ng isang bagay mula sa nakaraan.
Sa ngayon, nasa kamay ng mga taong nagpadala ng mensahe kung makakauwi si Max.
in the past
"Someone's receiving the signal. We have to unplug the circuits, Dad," paalala ni Gavin nang mapansing naipadala na ang mensahe sa kabila.
"Alright, son. On my signal, you turn down the circuits," tumango lang si Gavin at hinanda na ang pagpihit.
Nag-aabang si Gavin sa signal ng tatay niya habang pasulyap-sulyao naman ang matanda na parang tinatantiya ang bawat segundo na lumilipas.
"Almost there... and now!"
Sa sinabing 'yon ng matanda ay biglang mawala ang kuryente at ang liwanag sa paligid. Tumigil na rin sa panginginig ang katawan ni Max.
Agad tumakbo si Idris sa kinauupuan ng kapatid at dali-dali niya itong sinipat.
Hahawakan na sana niya ito pero ilang gahibla pa lang ang kamay niya sa balat ni Max ay napa-aray na siya.
"Umuusok ang katawan niya! What the hell did you do to him?!" galit na tanong ni Idris sa mag-ama. Hindi niya mapigilan ang kaniyang emosyon dahil sa sinapit ng kapatid.
Kung titingnan ay aakalaing patay na si Max. May mga lumalabas na usok sa katawan nito dahilan para pagpawisan ang buo niyang katawan. Ni hindi niya malaman kung buhay pa ba ito o hindi na.
Dahil sa makabagong monitor nina Gavin ay nalaman ni Idris na stable naman ang heartbeat ni Max. Ang ibig sabihin ay success ang nagawa nila.
Ngunit sa oras na iyon, alam niyang kailangan na niyang magpaalam sa kaiyang kapatid dahil babalik na ito sa kung saan siya nararapat.
Wala mang malau si Max ay mas pinili niyang tumabi rito para kausapin ito.
Nagsimulang tumulo ang luha niya at nanginig ang kaniyang mga kamay.
"Max, kung naririnig mo ko sana malaman mo na...kahit saglit lang tayo nagkita at nagkakilala, alam ko sa puso ko na kapatid kita. Ingatan mo ang sarili mo at tandaan mo na mahal na mahal kita," humagulgol si Idris habang hawak ang kamay ni Max.
Wala siyang pake kung mainit pa rin ang katawan nito, ang mahalaga ay mahawakan niya sa huling pagkakataon ang kapatid.
Hinalikan niya ang ulo nito at hinawi ang iilang mga hibla ng buhok na nakatabing sa noo.
"Hija, tama na 'yan. Malapit na ang oras, baka hindi siya maabutan." babala ng matanda at saka niya hinawakan ang balikat ni Idris na parang sinasabing magiging maayos lang ang lahat.
Wala man magawa ay unti-unting binitawan ni Idris ang kamay ni Max.
"Safe travel, Max. Please, don't come back ever again."
Napaatras siya dahil alam na niya ang susunod na mangyayari. Sa oras na pindutin ni Gavin ang switch na siyang puwersahang hihigop sa katawan ni Max ay tapos na ang lahat.
Napakagat-labi na lang siya at tumulo muli ang kaniyang luha ng tuluyang pinindot ni Gavin ang button.
Kitang-kita niya kung paano naglaho na parang bula ang katawan ni Max papasok sa portal.
Humangin ng malakas sa loob ng silid, umugong ang kinatatayuan nila at maririnig ang matinis na tunog.
Napapikit na lang ang tatlo nang biglang lumiwanag sa huling pagkakataon ang time machine.
Ang machine kung saan una at huli niyang nakita si Max.
"Goodbye, Max. May we meet again in the future."
IDRISNaalimpungatan ako dahil sa naririnig ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at kinusot-kusot pa ito.Ang sakit ng ulo ko. Damn.Tumayo ako para alamin kung saan nanggagaling ang tunog.Parang may nagkikiskis sa pintuan ng kwarto ko kaya tumayo ako para buksan ito at para makita kung sino ang pangahas na nilalang ang maingay nang biglang may dumamba sa akin ay dinila-dila pa ang mukha ko."Oh my God! Hi!"Nagulat ako dahil sa nilalang na kasalukuyan akong inaamoy at dinidilaan. Isa pala itong cute na cute na puppy. Kulay brown ito at sa tantiya ko ay wala pa itong tatlong buwan dahil sa liit.Nang makitang tumayo ako ay tumingala ito sa'kin at tinahulan ako gamit ang maliliit niyang boses.Aww. So cute!Kinuha ko ito at binuhat. Napaiwas na lang ako ng mukha ng muli akong dilaan nito kaya napatawa na lang ako."What's your name, baby? Bakit ka nandito? Asan ang amo mo, hmm?" banayad na tanong ko sa aso pero parang wala itong narinig at sa halip ay naglilikot lang.Hinagip ko
IDRISNagising ako dahil sa malalakas na katok na nagmumula sa labas ng kwarto ko."Idris! Gumising ka na, aba! Tulog mantika ka talaga kahit kailan!" Napamulagat ako ng marinig ko ang boses ng kaibigan ko. Humikab muna ako bago patamad na tumayo at 'saka binuksan ang pinto.Bumungad sa akin ang nakapameywang at nakabusangot na si Naya. "Buti naman at gising ka na," panimula nito saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa."Ang unfair mo talaga. Bakit kahit ang gulo-gulo ng buhok mo at may laway ka pa sa labi, ang ganda mo pa rin?" tanong nito habang nakanguso at niyugyog niya pa ang balikat ko.Teka, laway?Wala sa sariling pinunasan ko ang labi kong may laway pero wala naman akong naramdamang basa.Humalakhak naman si Naya dahil sa ginawa ko. "Ang ganda mo nga, uto-uto ka naman." nang-aasar na sinabi nito.
IDRISNagising ako habang habol-habol ko ang aking hininga. Napatingin ako sa paligid at nalaman kong nasa kwarto pa rin ako. Akala ko kasi totoo 'yung napanaginipan ko na na-holdap kami ni Naya at parehas kaming namatay.Napahawak ako sa noo ko dahil parang bahagya itong kumirot. Hinilot-hilot ko ito para mawala pero nagtaka ako nang makapa ko ito. Mainit ang parte ng noo ko at parang may nakaukit na bilog doon.Tumayo ako at nagtungo sa salamin para tingnan ang sarili ko. Napatingin ako sa noo ko at may nakita ako roong bilog na bakat na hindi ko alam kung saan nanggaling.Hinimas ko pa ito para mawala pero narinig ko na lang ang malakas na katok mula sa aking pintuan kasabay ng pagsigaw ni Naya."Idris! Gumising ka na, aba! Tulog mantika ka talaga kahit kailan!" sigaw nito.Napakunot-noo ako dahil sa narinig. Bakit para
IDRISNapabalikwas ako ng bangon habang sapo-sapo ang noo. Bahagya pa akong nahilo pagkatayo ko.Napansin kong nasa kwarto pa rin ako katulad kung nasaan ako kahapon ng umaga. Teka...kahapon?Naguguluhan kong tiningnan ang phone ko at chineck ang date. It's the same day as last night. Napakunot ang noo ko dahil sa matinding pagtataka.The last thing I remember was me and Naya are walking in the street when two guys appeared and robbed us. And I saw Naya...died.I also remember that the guy shot me right into my head and I died, I suppose.Pero kung namatay ako, bakit nandito pa rin ako? And why do I feel deja vu?Napasapo ako sa noo ko nang mapagtanto na nangyari na ang lahat nang ito. I don't know how it happened but I am so confused right now. I don't even know what to think and what to do about it.
IDRISNapabalikwas ako ng bangon at habol-habol ko ang hininga ko. Napahawak ako sa iba't-ibang parte ng katawan ko nang maalala kong naaksidente kami ni Naya mula sa sinasakyan naming kotse."Buhay ako...pero papaano?" Wala sa sariling sambit ko kaya bigla akong napatingin sa suot-suot kong damit at agad nanlaki ang mata ko nang ito ang suot ko noong nakaraang araw pa.Napasabunot ako sa buhok ko at pabalik-balik akong naglalakad habang nasisimulang magsisulputan ang mga nangyari simula noong gabing una akong namatay.Dapat patay na ako pagtapos no'n pero bakit buhay pa rin ako?"This is not happening..." Nagpalakad-lakad ako habang kagat-kagat ang kuko, hindi mapakali at lubos na naguguluhan kung anong nangyayari."Idris, bumangon ka na! Aba, tulog mantika ka talaga kahit kailan!" Napatingin ako sa pinto nang marinig ko
IDRISKasabay ng paggising ko ay inuubo akong bumangon. Napahawak ako sa lalamunan ko dahil feeling ko ay may nakabara pa rin doon.Kailangan ko ng tubig. Pakiramdam ko natutuyo ang lalamunan ko at kinakapos ako ng hininga. Naghagilap ako ng tubig sa loob ng kwarto at saktong may nahanap ako na bote ng tubig sa mesa ko pero kakaunti na lang ang laman nito.Kaagad akong nagtungo roon at hinablot ang tubig 'saka dali-daling uminom pero hindi pa ito nakakasagad sa lalamunan ko ay naubos na. Tinaktak ko pa ang natitirang tulo papunta sa bibig ko pero wala na talagang laman."Idris, bumangon ka na! Aba tulog mantika ka talaga kahit kailan!" Saktong sigaw ni Naya mula sa kabila at doon ko napagtanto na nagising na naman ako sa parehas na araw.You've got to be kidding me.Nagtungo ako sa pinto 'saka ito binuksan. Pinapahid ko an
IDRIS"W-What?" nabibiglang tanong ko dahil sa sinabi nito. He... loves me? What the hell is he saying? Pinagloloko niya ba ko?Napaiwas naman ito ng tingin at marahas na ginulo ang buhok saka tumayo. Narinig kong bumulong ito ng kung ano sa sarili pero hindi ko naman marinig.So all these years na magkasama kami, may nararamdaman na siya sa'kin at hindi lang 'yun bilang bestfriend lang kundi ay higit pa.Napahampas ako sa noo dahil sa napagtanto. Imbes na magalit ako sa kaniya dahil sa hindi niya pagsabi ng katotohanan ay nakaramdam ako ng matinding tuwa ng malamang mahal niya rin pala ako.Tumayo ako at hinarap ko siya pero patuloy pa rin sa ginagawa kaya kinalabit ko na ito. Mukha naman siyang natauhan at gulat na napatingin sa'kin."Huh?" wala sa sariling tanong nito pero nginitian ko lang siya."Say i
IDRISNagising ako ng may ngiti sa mga labi. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko dahil sa nangyari kagabi.Kahit na hindi ko natapos ang gabi na kasama si Owen, nagpapasalamat pa rin ako dahil nangyari ang pagkakataon na 'yon.Sana nga lang ay maulit pa 'yon kung sakali man.Nag-inat muna ako ng katawan bago tumayo pero agad ding akong bumalik sa kama at doon nagpagulong-gulong nang bumalik sa isip ko ang nangyari. We just had our first date as a couple and it made me so happy kahit na alam kong nabalewala na 'yon dahil sa time loop na nangyari.Agad rin akong napangiti nang maalala ko ang malambot na kamay ni Owen na parang nakahawak pa rin sa kamay ko. Parang ayoko na tuloy maligo para hindi mawala ang bakas ng kamay niya roon. Naalala ko rin ang mga mata niyang makikitaan ng pagmamahal na nakatingin sa akin.Sayang nga lang
IDRISNaalimpungatan ako dahil sa naririnig ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at kinusot-kusot pa ito.Ang sakit ng ulo ko. Damn.Tumayo ako para alamin kung saan nanggagaling ang tunog.Parang may nagkikiskis sa pintuan ng kwarto ko kaya tumayo ako para buksan ito at para makita kung sino ang pangahas na nilalang ang maingay nang biglang may dumamba sa akin ay dinila-dila pa ang mukha ko."Oh my God! Hi!"Nagulat ako dahil sa nilalang na kasalukuyan akong inaamoy at dinidilaan. Isa pala itong cute na cute na puppy. Kulay brown ito at sa tantiya ko ay wala pa itong tatlong buwan dahil sa liit.Nang makitang tumayo ako ay tumingala ito sa'kin at tinahulan ako gamit ang maliliit niyang boses.Aww. So cute!Kinuha ko ito at binuhat. Napaiwas na lang ako ng mukha ng muli akong dilaan nito kaya napatawa na lang ako."What's your name, baby? Bakit ka nandito? Asan ang amo mo, hmm?" banayad na tanong ko sa aso pero parang wala itong narinig at sa halip ay naglilikot lang.Hinagip ko
THIRD PERSON"Ipaupo mo siya rito. Dahan-dahan lang." utos ni Sebastian kay Gavin.Kasalukyang buhat-buhat ng lalaki ang nanghihinang katawan ni Max.Bagaman ay nanghihina at nanlalabo ang paningin ni Max ay alam pa rin naman niya ang nangyayari sa paligid niya. Mas pinili na lang niyang huwag magsalita dahil napapagod siya."Ate Idris..." mahinang tawag nito sa pangalan ng kapatid. Nang marinig ito ng babae ay kaagad siyang tumabi sa kapatid at hinawakan ang kamay nitong nanlalamig niya.Hindi maiwasang mapaluha ni Idris dahil sa sitwasyon ng kapatid. Namumutla na ito na parang wala ng dugo sa katawan, nanghihina at malamig ang katawan."Gavin, prepare the cap. Hurry!" aligagang saad ng matanda. Nagkakagulo na ang mag-ama ngunit hindi nito inalintana ang natitirang oras para sa magkapatid."Hey...I'm here, Max. Masaya ka ba? Look, makakauwi ka na. 'Wag kang matakot, nandito lang ako, okay?" Tumulo ang luha ni Idris sa kamay ni Max.Pilit inabot ni Max ang mukha ni Idris at siya na an
IDRISNapatayo ako matapos marinig ang sinabi ng matanda. "Ho? Bakit ho?" kunot-noong tanong ko rito."Pawalang galang lang ho pero kasi wala na po talaga kaming ibang malalapitan. Parang awa niyo na ho, ayoko hong mawalan ng kapatid," pagmamakaawa ko pa.Sa tingin ko ay alam ko kung bakit ayaw niya kaming tulungan. Dahil ba ito sa isyu na ginawa niya noon? Na narinig kong usap-usapan na bumabalik siya sa nakaraan para makasama ang kaniyang asawa?Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ipinasara at sinuspende ang kaniyang imbensiyon pero wala na akong ibang maasahan kundi 'yun lang.Seryoso at mariin lang akong tiningnan ng matanda na parang kinililatis ako.Binitawan muna niya ang crane niya at umupo. Pinagkrus niya ang kaniyang kamay at pinaningkitan kami ng mata."O sige. Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit kailangan ko kayong tulungan," saad niya.Itatanong pa ba ito? Of course, dahil kapatid ko ang pinag-uusapan dito. Responsibilidad ko na tulungan siya a
IDRIS"W-Wait. Hold on for a sec. Too much information and it's still not processing. This is unbelievable," pagpigil sa'kin ni Prof. Gavin.Halata naman sa mukha niya ang matinding pagkalito dahil sa mga pinagsasabi namin. Hindi namin siya masisisi kung lubos siyang naguguluhan.'Gaya ng sinabi niya ay nandito kami sa loob ng office niya para masigurong walang makakarinig sa pinag-uusapan namin.Mainit kasi sa ilan ang apelyidong dinadala ng propesor gawa ng kaniyang ama na aksidenteng napasabog ang kabuuoan ng building ilang taon ang nakalipas.Ayon sa kaniya, pagkatapos ng insidente ay kaagad na inaresto ang lalaki (Arden) at kinasuhan dahil sa ginawa nito sa loob ng campus.Kinumpiska rin ang lahat ng kaniyang gamit kasama ang hinihinalang time machine na matagal na niyang pilit ginagawa simula ng mapunta siya sa campus.Nasa basement ng sinabing building nakalagay ang machine at doon din nakapwesto ang opisina niya.Sa loob ng ilang taon, ni isa at walang nakahalata at nakaalam s
THIRD PERSONPagkapasok pa lang ni Max sa worm hole ay alam niyang may mali na. Hindi lang sa paligid niya kundi sa katawan niya rin.Hindi katulad sa mga nakaraan niyang pagtawid mula sa kasalukuyan papuntang nakaraan, wala siyang nararamdamang kung ano pero ngayon ay mayroon na.Umiikot ang paningin niya at mistulang mabibingi siya dahil sa matitinis na tunog na naririnig niya.Napapansin din niya na ang makukulay at maliliwanag na ilaw na nadaraanan niya sa loob ng worm hole ay unti-unting nawawalan ng kulay.Patay-sindi ang mga ito at iindap-indap dahilan para mas lalo siyang mahilo. May malakas din na pwersa ang naghihila sa kaniya papunta sa iba't-ibang direksiyon dahil para umikot ang buo niyang katawan at mawala sa tamang balanse.Kung dati mabilis siyang maglakbay sa oras pero ngayon ay inabot siya ng ilang minuto bago bumungad sa kaniyang harapan ang nakakasilaw na liwanag.Tuluyan siyang nilamon nito at matagumpay siyang nakaapak muli sa nakaraan.----Ilang minuto bago siy
THIRD PERSONPagkatapos nang sagutan at pag-aayos ng magkapatid ay hindi muna sila nagkibuan ng ilang oras. Tahimik at malalim ang iniisip ni Max habang nakaupo sa kaniyang kama.Kanina, napagpasyahan ni Theresa na tuluyang i-secure ang kaniyang buong kwarto para hindi na tuluyang makapasok ni Max. Sa kagustuhang magkasundo sila ng kapatid ay walang nagawa si Max kundi sumang-ayon sa gusto nito.Pinalitan ni Theresa ang password sa secret chamber ng kwarto niya at ni-lock pa nito ang pintuan kaya imposible talagang makakapasok pa roon si Max.Lingid sa kaalaman ni Theresa ay marunong mag-hack si Max kaya marami siyang kaalaman pagdating sa mga ganoong bagay. Ngunit nagdadalawang-isip si Max kung papasukin niya ang kwarto ng kapatid gayong kakasundo lang nila.Nais ulit ni Max na bumalik sa nakaraan para pormal na makapagpaalam sa kaniyang mga magulang at humingi ng tawad sa kaniyang kapatid (Idris) sa lahat ng nagawa nita rito.Pagkatapos no'n ay nangangako siya na hinding-hindi na ni
IDRISRight. Paano nga ba ako magsisimula? Ang lakas ng loob kong mag-walk out eh ni hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula.Tsk. Ano ba namang klaseng buhay 'to.Bigla namang sumulpot ang mga sinabi ni Max kanina.Alam ko namang nami-miss at nangungulila siya sa mga magulang niya pero tama ba na babalik pa siya sa nakaraan para lang makita ang mga ito?At isa pa, nabanggit niya na gusto niya daw ako makasama at isa 'yon sa dahilan kung bakit siya pumunta rito. Pero bakit naman?Ano bang problema sa err...sa akin sa hinaharap? At ito pa, kapatid ko daw siya! How the heck did that happen? Hindi ko ma-imagine na aampunin ko siya balang araw.Too much information that I knew today is killing me kaya siguro hindi ko muna siya iisipin. Mas maganda kung hindi ko muna makikita si Max dahil hindi ko pa siya kayang harapan sa kabila ng mga sinabi niya.Ang problema ko naman ngayon, paano nga ba ako magsisimula?-----THIRD PERSON"Damn, where are you?" bulalas ni Theresa na patuloy na kin
IDRIS"Idris, bumangon ka na riyan! Aba, tulog mantika ka talaga kahit kailan!"Oh, please.Give me a break! Goddamnit!Lagi na lang. Palagi na lang.Hindi na lang ako umimik sa kabila ng pagdadakdak ni Naya mula sa labas. Naiinis ako. Sawang-sawa na ako sa ganto. Gusto ko nang matapos ang lahat nang 'to.I swear, sa oras na matapos ang pagdurusa ko sa bawat araw, magpa-party ako ng bongga. Ako mismo magde-decorate nitong buong nirerentahan namin. Ako na rin sasagot sa mga pagkain at drinks.Pramis ko 'yan. Mark my word. Periodt. Periodism. Periodical. Periodicalation. Periodilism. Perio--"Oh my god! May bata! Paano ka nakapasok dito?!" Rinig kong tili ni Naya mula sa labas kaya natigil ang panunumpa ko't dali-daling bumangon mula sa pagkakahiga.Anong b
THIRD PERSON"Before you go, I would like to inform you about some strictly rules when you time travel and most importantly when you're already in the past." dugtong pa nito.Napatango naman si Max at kaagad na nalipat ang atensyon niya sa sasabihin ni Lucina. "Okay.""Theresa has made a few important and strict rules when it comes to traveling in time. In this way, the traveler must abide by the rules in order to avoid changing the present and future." panimula nito. Sumulpot naman ang isang screen pero nakalutang ito sa hangin. Hindi na nagulat si Max nang makita ito dahil kaagapay na ito sa kanilang panahon kung saan ay kasali na sa teknolohiya sa hinaharap.Doon, nakasulat ang bawal gawin at iilang mga panuntunan para sa paglalakbay pabalik."Traveling in the future is techically easy but when you travel back in time is a complic