IDRIS
Napahawak ako sa noo ko dahil parang bahagya itong kumirot. Hinilot-hilot ko ito para mawala pero nagtaka ako nang makapa ko ito. Mainit ang parte ng noo ko at parang may nakaukit na bilog doon.
Tumayo ako at nagtungo sa salamin para tingnan ang sarili ko. Napatingin ako sa noo ko at may nakita ako roong bilog na bakat na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Hinimas ko pa ito para mawala pero narinig ko na lang ang malakas na katok mula sa aking pintuan kasabay ng pagsigaw ni Naya.
"Idris! Gumising ka na, aba! Tulog mantika ka talaga kahit kailan!" sigaw nito.
Napakunot-noo ako dahil sa narinig. Bakit parang narinig ko na ang salitang 'yan?
Napailing-iling na lang ako dahil sa naisip. Siguro dahil lang 'to sa napanaginipan ko kaya parang naapektuhan ang utak ko.
Pumunta ako sa pintuan para buksan ito dahil baka tuluyang sirain ni Naya ang pinto kung sakali.
Bumungad sa akin ang nakapameywang at nakabusangot na mukha ni Naya. "Buti naman at gising ka na," sabi nito saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
Owkay? I have a strange feeling today but I can't explain it.
"Ang unfair mo talaga. Bakit kahit ang gulo-gulo ng buhok mo at may laway ka pa sa labi, ang ganda mo pa rin?" tanong nito habang nakanguso at niyugyog niya pa ang balikat ko. Sa halip na pansinin ang sinabi niya ay kunot-noo ko lang siyang tinignan.
"Hoy, anyare sa'yo? Natulala ka riyan?" tanong niya habang pinipitik pa ang daliri niya sa harap ko.
"Okay lang ako." sagot ko rito pero mukhang hindi pa ako sure doon. Ang weird lang kasi eh, parang nakaranas ako ng dejavu. It's like I've experience this before, hindi ko lang alam kung kailan.
"By the way, kailangan mo nang magbihis dahil aayusin pa natin 'yung booth natin." paalala niya. Oo nga pala, ngayon kami magde-design para sa aming booth. Malapit na kasi ang intrams namin at kailangan matapos na namin 'yun agad para wala na kaming poproblemahin sa susunod na araw. Wait, did I say this words before or it's just me?
Aaaah, I'm being weird.
"Right, mauna ka at susunod na lang ako." wala sa sariling sagot ko rito. Hanggang ngayon pa rin kasi ay naguguluhan pa ako sa nangyayari.
Am I being crazy? Kulang ba ako sa tulog kaya kung ano-ano ng naiisip ko?
"O sige. Dalian mo lang ha? Alam kong mabilis kang kumilos kaya siguraduhin mo na nandun ka na in 10 minutes." wika nito pero tinitigan ko lang siya ng nagtataka kaya sinapo niya ang mukha ko at tiningnan ako ng mariin.
"You're acting weird, Idris. Tell me, naka-drugs ka ba? Ba't parang tulala ka?" nag-aalalang tanong nito. Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. "I'm fine. Kinulang lang siguro ako ng tulog kaya ganito." Walang kasiguraduhang sagot ko rito.
Mukhang hindi naman ito nakumbinsi sa sagot ko kaya humalukipkip siya.
"Are you sure you're alright? Pwede ka namang hindi pumunta kung masama pakiramdam mo." dugtong niya pa. "No, ayos lang ako. Susunod na lang ako, okay?" pagpumilit ko rito.
Mukhang nakuntento naman siya sa sagot ko kaya nagpaalam na siya.
Pagkaalis niya ay dahan-dahan kong sinara ang pintuan. Hindi ko namamalayan na tapos na pala akong mag-ayos kaya lumabas na ako ng dorm.
Pagkalabas ko ng dorm ay bumungad sa akin ang grupo ng mga studyante na may hawak-hawak na flyers at inabot nila sa akin ang isa.
"Hi good morning, Miss. Sali ka naman sa booth namin. Kailangan kasi namin ng 30 participants para sa aming laro. Wag lang mag-alala, masaya doon at once na manalo ka ay may gift surprise ka pa." Dire-diretsong wika ng babaeng na sa tingin ko ay leader.
Inabot ko naman ang binigay niya at sinabing pupunta sa booth nila. Tuwang-tuwa naman silang nagpasalamat at saka umalis.
Nagpatuloy ako sa paglalakad pero nagulat na lang ako ng biglang may humarurot na sasakyan sa harap ko.
My adrenaline kicks in kaya mabuti na lang mabilis akong nakaatras kaya hindi ako nahagip. Muntik pa kong mahagip kaya nawalan ako ng balanse at akala ko matutumba na ko pero may bumunggo sa akin.
Huli na para saluhin ang mga kahon na nahulog sa sahig kaya tuluyan na itong kumalat.
"Sorry. Hindi ko sinasadya." pamumanhin ko rito saka tinulungan siyang magdampot.
"A-Ahhh, h-hindi na. Ako na l-lang." nauutal na sabi nito kaya bahagya akong natigilan sa sinabi niya at kahit na naguguluhan ako ay hinayaan ko na siya roon.
Nagkibit-balikat na lang ako kahit na hindi mawala-wala ang aking pakiramdam na parang nangyari na ang lahat.
Patuloy akong naglakad at sa 'di kalayuan ay natatanaw ko na ang kinatatayuan ng booth namin ng biglang may sumulpot sa harap ko dahilan para mapasigaw ako sa gulat.
Sapo-sapo ko ang dibdib ko at habol ang hininga habang tinitingnan kung sino 'yung hinayupak na nanggulat sa akin.
Isa itong mascot na lumalabas lang tuwing may event ang campus. Tinatawag namin ito si Mr. Blue dahil sa kulay nito. Base sa nakita ko sa panaginip ko ay ito si Owen, ang aking crush.
Mula sa loob ay rinig ko ang halakhak niya kaya sa inis ay hinampas ko ito. Napahawak ito sa braso na parang nasaktan talaga na ikinairap ko na lang. Maya-maya ay tinanggal niya ang ulo ng higanteng mascot at tumambad sa akin ang tumatawang si Owen.
Sabi ko na nga ba, sya 'to.
Sa halip na mahiya sa paghampas sa kaniya ay tiningnan ko lang siya ng nakahalukip saka hinintay siyang matapos sa pagtawa.
Nang kumalma siya ay umakto pa itong nagpupunas ng luha saka niya ko dinuro.
"You should have seen your face. You're so funny, Idris." natatawang sabi nito. Kahit na pilit kong iwinawaksi na naguguluhan ako sa pangyayari ay hindi ko maiwasang mainis sa kaniya. Kahit naman kasi crush ko siya ay medyo may pagkamahangin at mayabang ito. Malakas din siya mang-asar pero hindi naman ako magpapatalo.
"Whatever, Owen." inis na saad ko rito. Kung magaling siyang mang-asar, mas magaling ako.
"Why the hell are you on a mascot, huh? Hula ko, inutusan ka na naman ni Ms. DeVoe na maglinis ng CR pero hindi ka sumipot kaya ang ending pinagsuot ka niya ng ganiyan?" nakangising tanong ko rito. Napahalakhak na lang ako ng bigla itong yumuko at kinamot ang likod ng ulo 'saka nahihiyang tumingin sa akin. Hah, akala mo ha.
"Yeah, yeah. You know what? Oo bully ako pero bakit parang mas magaling kang mam-bully sa'kin?" nakangusong tanong nito. Cute. Nginitian ko lang siya ng pagkatamis-tamis at hinawi ang buhok ko.
"Because I'm awesome." mahanging saad ko rito saka iniwan siya roong naguguluhan.
Dumiretso na ako sa booth kung saan naghihintay si Naya at ang iba kaya nang makita nila ako ay 'saka namin sinimulan na mag-ayos.
-----
"Grabe, nakakapagod naman. Biruin mo inabot tayo ng gabi rito sa campus dahil sa letcheng booth na 'yan?" pagtatalak ni Naya saka niya isa-isang dinampot ang mga kalat.
Pero hindi ko siya sinagot dahil malalim ang iniisip ko. Simula kasi kaninang umaga, lahat ng nangyari ay katulad na katulad ito sa nangyari sa panaginip ko.
Hindi ko alam kung panaginip ba 'yun o kung totoo nga ba itong nangyari. O kung pinaglalaruan lang ako ng isip ko.
"Hoy, anyare sa'yo? Parang kanina ka pa tulala riyan?" tawag-pansin na wika ni Naya na bahagyang natigilan 'saka ako pinakatitigan.
Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kanya ang iniisip ko pero pinili ko na lang na manahimik.
Kung sakali man kasi na nangyari na ang lahat ng 'to ay parang napakalaking imposible naman 'yun. Baka nga siguro kulang lang ako sa tulog kaya kung ano-ano ang naiisip ko.
"Hala, natulala na. Okay ka lang ba talaga?" tanong niya 'saka niya ako nilapitan. Pilit akong tumango kahit na hindi ako sigurado sa tugon ko kaya mabuti naman at hindi na ito nagsalita pa.
Nang matapos kaming magligpit ay saktong namatay lahat ng ilaw sa gym.
"Para sa lahat ng estudyante, magsi-uwi na kayo sa bahay at dorm nyo dahil isasara na namin ang campus. Mag-ingat ang lahat at magandang gabi." malakas na sabi sa announcement.
Kahit na medyo hindi ko matandaan ang kabuuan ng panaginip ko ay paniguradong narinig ko na ang mga katagang 'yan.
"Kain muna tayo bago umuwi." suhestiyon niya dahilan para mabalik ako sa kasalukuyan. "Okay." ang tanging nasagot ko.
"Libre mo?" taas-babang kilay na sabi nito.
"Tigilan mo ko, ang yaman-yaman mo nagpapalibre ka? Naghihirap ka na ba?" pang-aasar ko rito. Hindi makapaniwala niya akong tinignan.
"Hindi ako naghihirap no! Ang sabihin mo kuripot ka lang talaga." depensa nito.
"Halika na nga. Bilisan na natin." sabi ko na lang rito 'saka ko sinabit ang kamay ko sa braso niya. Sanay na kong lagi ko siyang ginaganun lalo na lag maglalakad kaming dalawa.
"Maiba nga tayo. Ikaw, nakita kita na kausap mo si Owen kanina. 'Diba crush mo 'yon?" itsuserang tanong nito. Naging malikot naman ang mga mata ko dahil sa narinig.
"Wala 'yon. As usual, bully pa rin at mahangin. Di na 'ata magbabago 'yun." natatawang saad ko.
Matagal ko ng gusto si Owen pero hindi ko masabi dahil hindi naman kami masyadong close ngayon at isa pa, sa dami ng babaeng umaaligid sa kanya ay imposible namang mapansin niya pa ko.
Kaya lang naman kami nagkakausap ay dahil kagrupo ko siya sa isa naming subject.
"Talaga? Eh bakit parang nung binanggit ko 'yung pangalan niya parang sumigla ka a'ta? Ayan oh, naghuhugis puso 'yang mga mata mo." pang-aasar niya sabay turo sa mata ko. Tinakpan ko naman ito dahil sa hiya na ikinatawa niya.
"Alam mo, umamin ka na kasi sa kanya. Wala namang masama kung gagawin mo 'yun eh. Hindi 'yung ganyan na hanggang tanaw at kausap mo lang. Malay mo, gusto ka rin nya." masayang saad nito.
Huh, ako aamin? No way. Di bale na no.
"Tsaka maganda ka naman, matalino, sexy at mabait. Nasa sa'yo na ang lahat, kaya imposibleng hindi siya magkagusto sa'yo." Dire-diretsong wika niya pero wala ang isip ko sa sinasabi niya.
Naalala ko kasi na dito mismo sa kinatatayuan namin ang pwesto ng mga nangholdap sa amin. Katulad ng nangyari sa panaginip ko.
Hinawakan ko ng mariin ang braso niya saka siya hinigit pakanan para lumihis kami ng daan.
"Hoy, ano ba! Hindi dito 'yung daan papunta sa kainan. Ano bang ginagawa mo?" naguguluhang tanong nito.
Pero sa halip na sagutin siya ay panay ang tingin ko sa likod ko. Natanaw ko na sinusundan kami ng mga nakamotorsiklo kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad kaya walang nagawa si Naya kundi sumunod na lang.
"Teka, dahan-dahan naman. May humahabol ba sa atin?" pagpigil nito. Lumingon ulit ako sa likod pero mukhang huli na ang lahat dahil nasa harapan na namin sila.
Ayokong sabihin sa kanya na may sumusunod sa amin kaya patuloy ko lang siyang hinila ng hindi nagsasalita.
Pero agad kaming natigil ng may narinig kaming nagkasa ng baril. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mukhang magkakatotoo yung panaginip ko.
Nagkatinginan muna kami ni Naya bago kami dahan-dahan na lumingon sal likuran namin kung saan nakatayo roon ang dalawang lalaki na may takip ang mga mukha at may dalang baril.
"Amin na yang mga gamit niyo kung ayaw niyong mamatay." wika ng isa habang nakalahad ang mga kamay.
Ginapangan ako ng takot dahilan para mapalingon ako kay Naya na tuluyan ng natuod sa kinatatayuan.
Napalingon ako sa paligid para tingnan kung may tao. Napamura ako sa aking isipan dahil bukod sa madilim ang paligid, wala ring katao-tao rito na pwedeng mahingan ng tulong.
"W-Wala kaming ibibigay sa inyo." Napalingon ako kay Naya dahil sa sinabi niya. Shit, ito yung sinabi niya sa panaginip ko. At 'yun ang naging dahilan ng pagkamatay naming dalawa.
"Anong ginagawa mo?" pasigaw kong bulong rito. Pinanlakihan ko siya ng mata na parang sinasabing 'wag ng magsalita ng hindi maganda.
"What? Alangan namang ibigay ko 'to ng basta-basta sa kanila no. Andito kaya yung flash drive para sa report ko bukas at kapag nawala 'yun, baka bumagsak ako! Alam mo naman si Sir." balik nitong sigaw sa mabilis sa pananalita.
"Naya, ibigay na lang natin 'to sa kanila! Buhay natin ang nakasalalay dito!" depensa ko rito.
Sa gitna ng pagtatalo namin ni Naya ay sabay kaming nagulat ng tutukan ng lalaki si Naya ng baril.
"W-Wag. Ibibigay na namin sa inyo 'to, wag niyo lang kaming saktan." nanginginig kong pakiusap sa mga ito.
"What the fuck?" pabulong na tanong sa akin. Sinenyasan ko lang siya na ibigay na ang purse nya para matapos ang lahat ng 'to. Ganun din ang ginawa ko at pagtapos no'n ay kaagad silang sumakay sa motor nila. Akala ko ay iiwan na nila kami roon pero huminto sila at parang nawala ako sa katinuan ng binaril nila si Naya sa mismong harapan ko.
Bumagsak ang walang buhay niyang katawan. Nanginginig akong tumakbo patungo sa kaniya pero nakarinig ako ng pagkasa ng baril at pag-angat ko ng ulo ko ay nakatutok na ang baril sa noo ko.
Napapikit na lang ako ng tuluyang pinaputok ng lalaki ang baril at pagtapos no'n ay mistulang nahulog ako sa walang hanggang kadiliman.
IDRISNapabalikwas ako ng bangon habang sapo-sapo ang noo. Bahagya pa akong nahilo pagkatayo ko.Napansin kong nasa kwarto pa rin ako katulad kung nasaan ako kahapon ng umaga. Teka...kahapon?Naguguluhan kong tiningnan ang phone ko at chineck ang date. It's the same day as last night. Napakunot ang noo ko dahil sa matinding pagtataka.The last thing I remember was me and Naya are walking in the street when two guys appeared and robbed us. And I saw Naya...died.I also remember that the guy shot me right into my head and I died, I suppose.Pero kung namatay ako, bakit nandito pa rin ako? And why do I feel deja vu?Napasapo ako sa noo ko nang mapagtanto na nangyari na ang lahat nang ito. I don't know how it happened but I am so confused right now. I don't even know what to think and what to do about it.
IDRISNapabalikwas ako ng bangon at habol-habol ko ang hininga ko. Napahawak ako sa iba't-ibang parte ng katawan ko nang maalala kong naaksidente kami ni Naya mula sa sinasakyan naming kotse."Buhay ako...pero papaano?" Wala sa sariling sambit ko kaya bigla akong napatingin sa suot-suot kong damit at agad nanlaki ang mata ko nang ito ang suot ko noong nakaraang araw pa.Napasabunot ako sa buhok ko at pabalik-balik akong naglalakad habang nasisimulang magsisulputan ang mga nangyari simula noong gabing una akong namatay.Dapat patay na ako pagtapos no'n pero bakit buhay pa rin ako?"This is not happening..." Nagpalakad-lakad ako habang kagat-kagat ang kuko, hindi mapakali at lubos na naguguluhan kung anong nangyayari."Idris, bumangon ka na! Aba, tulog mantika ka talaga kahit kailan!" Napatingin ako sa pinto nang marinig ko
IDRISKasabay ng paggising ko ay inuubo akong bumangon. Napahawak ako sa lalamunan ko dahil feeling ko ay may nakabara pa rin doon.Kailangan ko ng tubig. Pakiramdam ko natutuyo ang lalamunan ko at kinakapos ako ng hininga. Naghagilap ako ng tubig sa loob ng kwarto at saktong may nahanap ako na bote ng tubig sa mesa ko pero kakaunti na lang ang laman nito.Kaagad akong nagtungo roon at hinablot ang tubig 'saka dali-daling uminom pero hindi pa ito nakakasagad sa lalamunan ko ay naubos na. Tinaktak ko pa ang natitirang tulo papunta sa bibig ko pero wala na talagang laman."Idris, bumangon ka na! Aba tulog mantika ka talaga kahit kailan!" Saktong sigaw ni Naya mula sa kabila at doon ko napagtanto na nagising na naman ako sa parehas na araw.You've got to be kidding me.Nagtungo ako sa pinto 'saka ito binuksan. Pinapahid ko an
IDRIS"W-What?" nabibiglang tanong ko dahil sa sinabi nito. He... loves me? What the hell is he saying? Pinagloloko niya ba ko?Napaiwas naman ito ng tingin at marahas na ginulo ang buhok saka tumayo. Narinig kong bumulong ito ng kung ano sa sarili pero hindi ko naman marinig.So all these years na magkasama kami, may nararamdaman na siya sa'kin at hindi lang 'yun bilang bestfriend lang kundi ay higit pa.Napahampas ako sa noo dahil sa napagtanto. Imbes na magalit ako sa kaniya dahil sa hindi niya pagsabi ng katotohanan ay nakaramdam ako ng matinding tuwa ng malamang mahal niya rin pala ako.Tumayo ako at hinarap ko siya pero patuloy pa rin sa ginagawa kaya kinalabit ko na ito. Mukha naman siyang natauhan at gulat na napatingin sa'kin."Huh?" wala sa sariling tanong nito pero nginitian ko lang siya."Say i
IDRISNagising ako ng may ngiti sa mga labi. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko dahil sa nangyari kagabi.Kahit na hindi ko natapos ang gabi na kasama si Owen, nagpapasalamat pa rin ako dahil nangyari ang pagkakataon na 'yon.Sana nga lang ay maulit pa 'yon kung sakali man.Nag-inat muna ako ng katawan bago tumayo pero agad ding akong bumalik sa kama at doon nagpagulong-gulong nang bumalik sa isip ko ang nangyari. We just had our first date as a couple and it made me so happy kahit na alam kong nabalewala na 'yon dahil sa time loop na nangyari.Agad rin akong napangiti nang maalala ko ang malambot na kamay ni Owen na parang nakahawak pa rin sa kamay ko. Parang ayoko na tuloy maligo para hindi mawala ang bakas ng kamay niya roon. Naalala ko rin ang mga mata niyang makikitaan ng pagmamahal na nakatingin sa akin.Sayang nga lang
IDRISAs I fell into the never ending loophole, I ended up in a place of darkness. I have no idea how I got here or where I am.Napahaplos ako sa aking braso dahil may kalamigan din dito at isa pa ang dilim-dilim na para bang nabulag na ako ng tuluyan. I can't see anything or no one kaya naman ay hindi ko maiwasang kabahan kung anong nangyayari.I'm trying to move my feet to walk around. I walked and walked but nothing is happening. I still don't see anything and I don't even know how to get out of here.This never happens to me every time I die. This is the first time that I've been here.Oh, shit. Patay na ba ako? Ito na ba yung sinasabi nilang purgatoryo? Pero bakit wala akong nakikitang anumang mga kaluluwa? Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa isiping baka ma-trap na naman ako rito ng ilang araw.So dito na ba 'y
THIRD PERSON"Hurry up, honey! We're gonna be late!" sigaw ng isang babae na nakabihis ng office attire habang inaabangan ang anak na bumaba.Samantalang aligaga naman sa pag-asikaso ang lalaki sa kaniyang necktie na hindi niya maayos-ayos kanina pa.Napansin naman ito ng babae na kaniyang asawa at nilapitan niya ang lalaki at ito na ang nag-ayos.Nang matapos ay nagpasalamat ang lalaki rito na nginitian lang ng babae. Mamaya-maya ay humahangos na bumaba ang isang batang lalaki na gulo-gulo pa ang uniform at nakabaligtad pa ang sapatos.
IDRISI woke up again. Same day. Same place. Same time. What should I expect? I'm no longer surprised anymore that everytime I die in the end of the day, I'm still alive and it sucks.It's like I'm already dead inside but I have to keep living because that's what I have to do. I still have to find out how to escape in this fucking time loop.I feel dizzy and at the same time parang bumigat ang ulo ko. Napahawak ako roon pero nagulat na lang ako ng makapa ko ito. Dali-dali akong nagtungo sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili."What the fuck?" naibulong ko pagkatapos makita ang buhok ko na tayo-tayo na parang hinangin ito ng malakas. Para itong nasunog at nakuryente dahil sa itsura.Doon ko lang naalala na kidlat nga pala ang dahilan ng pagkamatay ko kagabi kaya siguro ganito ang itsura ko.Sinubukan ko pang ibaba ang
IDRISNaalimpungatan ako dahil sa naririnig ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at kinusot-kusot pa ito.Ang sakit ng ulo ko. Damn.Tumayo ako para alamin kung saan nanggagaling ang tunog.Parang may nagkikiskis sa pintuan ng kwarto ko kaya tumayo ako para buksan ito at para makita kung sino ang pangahas na nilalang ang maingay nang biglang may dumamba sa akin ay dinila-dila pa ang mukha ko."Oh my God! Hi!"Nagulat ako dahil sa nilalang na kasalukuyan akong inaamoy at dinidilaan. Isa pala itong cute na cute na puppy. Kulay brown ito at sa tantiya ko ay wala pa itong tatlong buwan dahil sa liit.Nang makitang tumayo ako ay tumingala ito sa'kin at tinahulan ako gamit ang maliliit niyang boses.Aww. So cute!Kinuha ko ito at binuhat. Napaiwas na lang ako ng mukha ng muli akong dilaan nito kaya napatawa na lang ako."What's your name, baby? Bakit ka nandito? Asan ang amo mo, hmm?" banayad na tanong ko sa aso pero parang wala itong narinig at sa halip ay naglilikot lang.Hinagip ko
THIRD PERSON"Ipaupo mo siya rito. Dahan-dahan lang." utos ni Sebastian kay Gavin.Kasalukyang buhat-buhat ng lalaki ang nanghihinang katawan ni Max.Bagaman ay nanghihina at nanlalabo ang paningin ni Max ay alam pa rin naman niya ang nangyayari sa paligid niya. Mas pinili na lang niyang huwag magsalita dahil napapagod siya."Ate Idris..." mahinang tawag nito sa pangalan ng kapatid. Nang marinig ito ng babae ay kaagad siyang tumabi sa kapatid at hinawakan ang kamay nitong nanlalamig niya.Hindi maiwasang mapaluha ni Idris dahil sa sitwasyon ng kapatid. Namumutla na ito na parang wala ng dugo sa katawan, nanghihina at malamig ang katawan."Gavin, prepare the cap. Hurry!" aligagang saad ng matanda. Nagkakagulo na ang mag-ama ngunit hindi nito inalintana ang natitirang oras para sa magkapatid."Hey...I'm here, Max. Masaya ka ba? Look, makakauwi ka na. 'Wag kang matakot, nandito lang ako, okay?" Tumulo ang luha ni Idris sa kamay ni Max.Pilit inabot ni Max ang mukha ni Idris at siya na an
IDRISNapatayo ako matapos marinig ang sinabi ng matanda. "Ho? Bakit ho?" kunot-noong tanong ko rito."Pawalang galang lang ho pero kasi wala na po talaga kaming ibang malalapitan. Parang awa niyo na ho, ayoko hong mawalan ng kapatid," pagmamakaawa ko pa.Sa tingin ko ay alam ko kung bakit ayaw niya kaming tulungan. Dahil ba ito sa isyu na ginawa niya noon? Na narinig kong usap-usapan na bumabalik siya sa nakaraan para makasama ang kaniyang asawa?Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ipinasara at sinuspende ang kaniyang imbensiyon pero wala na akong ibang maasahan kundi 'yun lang.Seryoso at mariin lang akong tiningnan ng matanda na parang kinililatis ako.Binitawan muna niya ang crane niya at umupo. Pinagkrus niya ang kaniyang kamay at pinaningkitan kami ng mata."O sige. Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit kailangan ko kayong tulungan," saad niya.Itatanong pa ba ito? Of course, dahil kapatid ko ang pinag-uusapan dito. Responsibilidad ko na tulungan siya a
IDRIS"W-Wait. Hold on for a sec. Too much information and it's still not processing. This is unbelievable," pagpigil sa'kin ni Prof. Gavin.Halata naman sa mukha niya ang matinding pagkalito dahil sa mga pinagsasabi namin. Hindi namin siya masisisi kung lubos siyang naguguluhan.'Gaya ng sinabi niya ay nandito kami sa loob ng office niya para masigurong walang makakarinig sa pinag-uusapan namin.Mainit kasi sa ilan ang apelyidong dinadala ng propesor gawa ng kaniyang ama na aksidenteng napasabog ang kabuuoan ng building ilang taon ang nakalipas.Ayon sa kaniya, pagkatapos ng insidente ay kaagad na inaresto ang lalaki (Arden) at kinasuhan dahil sa ginawa nito sa loob ng campus.Kinumpiska rin ang lahat ng kaniyang gamit kasama ang hinihinalang time machine na matagal na niyang pilit ginagawa simula ng mapunta siya sa campus.Nasa basement ng sinabing building nakalagay ang machine at doon din nakapwesto ang opisina niya.Sa loob ng ilang taon, ni isa at walang nakahalata at nakaalam s
THIRD PERSONPagkapasok pa lang ni Max sa worm hole ay alam niyang may mali na. Hindi lang sa paligid niya kundi sa katawan niya rin.Hindi katulad sa mga nakaraan niyang pagtawid mula sa kasalukuyan papuntang nakaraan, wala siyang nararamdamang kung ano pero ngayon ay mayroon na.Umiikot ang paningin niya at mistulang mabibingi siya dahil sa matitinis na tunog na naririnig niya.Napapansin din niya na ang makukulay at maliliwanag na ilaw na nadaraanan niya sa loob ng worm hole ay unti-unting nawawalan ng kulay.Patay-sindi ang mga ito at iindap-indap dahilan para mas lalo siyang mahilo. May malakas din na pwersa ang naghihila sa kaniya papunta sa iba't-ibang direksiyon dahil para umikot ang buo niyang katawan at mawala sa tamang balanse.Kung dati mabilis siyang maglakbay sa oras pero ngayon ay inabot siya ng ilang minuto bago bumungad sa kaniyang harapan ang nakakasilaw na liwanag.Tuluyan siyang nilamon nito at matagumpay siyang nakaapak muli sa nakaraan.----Ilang minuto bago siy
THIRD PERSONPagkatapos nang sagutan at pag-aayos ng magkapatid ay hindi muna sila nagkibuan ng ilang oras. Tahimik at malalim ang iniisip ni Max habang nakaupo sa kaniyang kama.Kanina, napagpasyahan ni Theresa na tuluyang i-secure ang kaniyang buong kwarto para hindi na tuluyang makapasok ni Max. Sa kagustuhang magkasundo sila ng kapatid ay walang nagawa si Max kundi sumang-ayon sa gusto nito.Pinalitan ni Theresa ang password sa secret chamber ng kwarto niya at ni-lock pa nito ang pintuan kaya imposible talagang makakapasok pa roon si Max.Lingid sa kaalaman ni Theresa ay marunong mag-hack si Max kaya marami siyang kaalaman pagdating sa mga ganoong bagay. Ngunit nagdadalawang-isip si Max kung papasukin niya ang kwarto ng kapatid gayong kakasundo lang nila.Nais ulit ni Max na bumalik sa nakaraan para pormal na makapagpaalam sa kaniyang mga magulang at humingi ng tawad sa kaniyang kapatid (Idris) sa lahat ng nagawa nita rito.Pagkatapos no'n ay nangangako siya na hinding-hindi na ni
IDRISRight. Paano nga ba ako magsisimula? Ang lakas ng loob kong mag-walk out eh ni hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula.Tsk. Ano ba namang klaseng buhay 'to.Bigla namang sumulpot ang mga sinabi ni Max kanina.Alam ko namang nami-miss at nangungulila siya sa mga magulang niya pero tama ba na babalik pa siya sa nakaraan para lang makita ang mga ito?At isa pa, nabanggit niya na gusto niya daw ako makasama at isa 'yon sa dahilan kung bakit siya pumunta rito. Pero bakit naman?Ano bang problema sa err...sa akin sa hinaharap? At ito pa, kapatid ko daw siya! How the heck did that happen? Hindi ko ma-imagine na aampunin ko siya balang araw.Too much information that I knew today is killing me kaya siguro hindi ko muna siya iisipin. Mas maganda kung hindi ko muna makikita si Max dahil hindi ko pa siya kayang harapan sa kabila ng mga sinabi niya.Ang problema ko naman ngayon, paano nga ba ako magsisimula?-----THIRD PERSON"Damn, where are you?" bulalas ni Theresa na patuloy na kin
IDRIS"Idris, bumangon ka na riyan! Aba, tulog mantika ka talaga kahit kailan!"Oh, please.Give me a break! Goddamnit!Lagi na lang. Palagi na lang.Hindi na lang ako umimik sa kabila ng pagdadakdak ni Naya mula sa labas. Naiinis ako. Sawang-sawa na ako sa ganto. Gusto ko nang matapos ang lahat nang 'to.I swear, sa oras na matapos ang pagdurusa ko sa bawat araw, magpa-party ako ng bongga. Ako mismo magde-decorate nitong buong nirerentahan namin. Ako na rin sasagot sa mga pagkain at drinks.Pramis ko 'yan. Mark my word. Periodt. Periodism. Periodical. Periodicalation. Periodilism. Perio--"Oh my god! May bata! Paano ka nakapasok dito?!" Rinig kong tili ni Naya mula sa labas kaya natigil ang panunumpa ko't dali-daling bumangon mula sa pagkakahiga.Anong b
THIRD PERSON"Before you go, I would like to inform you about some strictly rules when you time travel and most importantly when you're already in the past." dugtong pa nito.Napatango naman si Max at kaagad na nalipat ang atensyon niya sa sasabihin ni Lucina. "Okay.""Theresa has made a few important and strict rules when it comes to traveling in time. In this way, the traveler must abide by the rules in order to avoid changing the present and future." panimula nito. Sumulpot naman ang isang screen pero nakalutang ito sa hangin. Hindi na nagulat si Max nang makita ito dahil kaagapay na ito sa kanilang panahon kung saan ay kasali na sa teknolohiya sa hinaharap.Doon, nakasulat ang bawal gawin at iilang mga panuntunan para sa paglalakbay pabalik."Traveling in the future is techically easy but when you travel back in time is a complic