They said everything happens for a reason but what is the reason behind all the sufferings of a simple girl named Chelzea who lives a normal life with her family but when her mom passed away, everything started to change. His father started using drugs until he kills a young girl named Fe and that's the reason why Chelzea was been cursed. At first Chelzea never believes that a curse can turn into reality but when she first experience it, everything started to change.She lost her confidence and stops herself from falling inlove with Willdawn Myre. When she get's angry or if something bad will going to happen, she turns into a monster.Tumutubo ang mga sungay niya, pumupula ang mga mata, humahaba ang mga kuko at may pakpak na kayang lumipad at higit sa lahat nakakadiri ang anyo niya at tumatagal yon ng limang oras. And as she find solution for her problems,she started knowing the truth about her real identity.Paano na kung ang taong nagsumpa sa kanya ay ang mismo pala niyang ina na nagluwal sa kanya na ina din ni Willdawn Myre na kanyang iniibig? How can she overcome all the pain and live a happy life?
View MoreNakatingin sa malayo si Willdawn habang naka-upo siya sa kanyang office sa pinakamataas na palapag ng Bloom's Hotel. Ito ang ikatlong araw niya bilang tagapamahala ng Bloom's Hotel pero pakiramdam niya walang nagbago sa sugat na nasa puso niya. Nakilala niya ang mga tauhan niya at doon niya naramdaman ang pakiramdam na magiging isang boss."Huwag niyo akong tawaging boss, sir o ano pa man, tawagin niyo nalang po ako sa pangalan ko," minsan ay nasabi niya sa mga tauhan niya.Lumaki din siya sa hirap bago siya inampon ni Sandra kaya alam niya ang pakiramdam ng pagiging dukha at hindi siya sanay na tinitingala. Naging busy na din si Sandra sa pag mamanage sa negosyo nitong restaurant na kilala sa buong mundo, minsan nalang ito bumibisita sa hotel. Subalit hindi lubos akalain ni Willdawn na makikilala pala niya ang tunay na ugali ng taong umampon sa kanya, isang gabi matapos ang trabaho niya."Nababaliw ka na ba? Inutusan lang kitang imanage ang ne
Ang ingay ng paligid at sadyang nakakahilo ang ibat ibang klase ng ilaw na siyang nagpapaliwanag sa bawat sulok.Maya-maya ay biglang tumahimik ang maingay na musika at napalitan ng isang malungkot na awitin. Tahimik lang na naka-upo si Willdawn sa kaniyang table habang iniinom ang ika-labing isang beer na inorder niya. Limang araw na ang nakakaraan simula noong hindi siya sinipot ni Frans sa kasal nila pero ramdam pa rin niya ang kalungkutan. At mula din sa hindi pagsipot nito ay hindi rin siya macontact. At sa pinagtratrabahuan niyang hospital ay naka leave pala siya."Isa pang beer," utos ni Willdawn sa isang waiter sa bar na iyon."Okay sir, pahintay nalang po."Napatingin nalang si Willdawn sa isang medyo matanda na umupo sa tabi niya at laking gulat niya noong makita niya ang instructor nila limang taon na ang nakakaraan."Sir Eggwardo?" gulat niyang tanong."Kumusta Willdawn, buti naaalala mo pa ako. Mukhang naglalasing ka ah, may problema ba? ta
Napangiti si Willdawn habang tinitignan ang sarili sa malaking salamin na nasa harapan niya.Sa damit niyang puting barong tagalog ay makikita mong lumabas ang kagwapuhan niya. Makikita ang kaligayahan sa kaniyang mga mata dahil sa wakas, papakasalan na niya ang babaeng minahal niya ng buong puso subalit bigla nalang siyang natahimik noong maalala niya si Chelzea sa hindi malamang dahilan.Limang taon na ang nakakalipas subalit naalala pa rin niya ito at ang sunog na 'yon na dahilan ng pagkawala ni Chelzea. Ilang saglit pa'y bigla niya namang naalala ang tila isang halimaw na siyang nagligtas sa kanyang buhay. Iniisip niya kung nananaginip ba siya sa mga araw na 'yon o namalik-mata lamang."Pare! Kasal mo ngayon pero ang lalim ng iniisip mo ah!" biglang nasabi ni Art sa knya na kanyang kaibigan na nakilala niya sa opisina na pinagtratrabahuan niya.Lumingon si Willdawn sa kararating lang tsaka ngumiti ito."Oh pare! Ikaw pala yan. Ang gwapo mo sa suot
Malalim na ang gabi subalit tila walang balak si Chelzea na pumikit.Luhaan siyang nakatingin sa salamin habang nandidiri sa nakikita niyang itsura .Maya-maya pa ay bigla niyang sinuntok ang salamin dahilan para mabasag ito."Sinusumpa kita! Magiging isang halimaw ka! Lalayuan ka at pagdidirihan!"paulit ulit na naglalaro sa isipan ni Chelzea na mula sa ina ni Fe na pinatay ng sarili niyang ama matagal ng panahon ang nakakaraan."Hindi!Hindi totoo ang sumpa!"paulit-ulit niyang sinasabi.Hindi makapaniwala si Chelzea na magkakatotoo iyon bigla nalang siyang nahintuan sa pag-isip noong may marinig siyang malakas na katok mula sa kanyang kwarto."Chelzea buksan mo ito alam kong nandiyan ka.Kanina pa kita hinahanap sa nasunog ninyong school at kung saan saang hospital din kitang hinanap pero wala kaya alam kong andiyan ka, buksan mo ito!"nag-aalalang sigaw ni Lily mula sa labas ng kwarto ni Chelzea na kararating lamang.Hindi a
Pumasok si Chelzea na nagkukunwaring tila walang nangyari."Pasensiya na kahapon Chelzea,"biglang nasabi ni Willdawn matapos ang kanilang klase.Dali-dali namang kinuha ni Chelzea ang bag at libro niya para aalis na."Huwag mo na akong lapitan pa,"huling nasabi ni Chelzea bago ito umalis.Wala ng nagawa si Willdawn kundi layuan na ito para hindi rin masira ang relasyon nila ni Frans. Lumipas ang mga araw na ganon, walang imikan at walang pansinan hanggang sa dumating ang isang araw na hindi inaakala ng lahat na mangyari. Kasalukuyang nasa labas noon si Chelzea na naka-upo sa isang park ng school noong makarinig siya ng sigaw mula sa loob ng sampong palapag na building ng kanilang school.Makikita mo ang pagtakbo ng bawat estudyante mula dito.Maya-maya ay makikita mo ang maitim na usok na nagmumula sa loob."Sunog! Sunog! Tulong!" sigaw ng mga nagtatakbuhang estudyante.Patingin-tingin si
Tila ba gumuho ang mundo noong biglang makasalubong ni Chelzea si Willdawn sa kanilang school na may kasamang isang magandang babae.Inaamin ni Chelzea na nasasaktan siya sa mga nakikita maslalo na't nakaholding hands pa ang mga ito.Nagulat din si Willdawn nang makita ito."Ah! Si Frans pala, girlfriend ko?"pagpapakilala ni Willdawn.Pilit na ngumiti si Chelzea ngunit hindi ito sumagot."Ah! Ikaw pala ang laging kinukwento sa akin ni Willdawn. Kumusta?"nakangiting wika ni Frans."Ayos lang, mauna na ako,"huling sagot ni Chelzea tsaka na umalis.Sa inis ni Chelzea matapos ipakilala ni Willdawn si Frans ay hindi na niya ito kina-usap pa."Chelzea,hindi mo na ako pinapansin ah. Nagseselos ka ba?"tanong ni Willdawn pagka-upo niya sa tabi ni Chelzea.Hindi umimik si Chelzea kundi tumingin ito sa malayo."Si Frans dati kong nobya noong highschool pa kami hanggang ngayon.Kumuha nga lang siya ng ibang kurso kaya hindi na kami ma
Lumipas ang mga araw,buwan at taon ay tuluyan ng lumaki si Chelzea na tila nga limot na ang nakaraang minsan ng dumurog sa kanyang puso.Subalit sa kabila ng lahat ay pansin pa rin ang kalungkutan sa kanyang mga mata.Iniwasan na niyang makisalamuha sa mga tao at tanging headset lang niya ang kasama niya kahit saan magpunta.Pakunti kunti nalang din kapag magsalita.Kasalukuyang nakatayo noon si Chelzea sa rooftop ng apartment kung saan sila nangungupahan ng Tita niyang si Lily habang nakatingin sa madilim na kalangitan noong bigla nalang siyang nagulat dahil sa isang papel na ibinato sa kanya na nanggaling sa kabilang rooftop na katapat din nila.Galit siyang napatingin sa katapat nilang rooftop at doon niya natanaw ang isang lalaking nakatingin sa kanya habang tumatawa.Sa unang tingin ni Chelzea sa lalaking 'yon ay nakaramdam siya ng kakaiba para sa lalaking ito pero dahil nayabangan si Chelzea sa ginawa ng lalaking 'yon ay padabog siyang umalis sa rooftop na 'yon.
Madilim na noong magsimulang maglakad si Chelzea pauwi mula sa paaralan.Kahit matataas ang mga damo sa daan ay kailangang dito siya dadaan para mas mabilis siyang makarating sa kanilang bahay.Wala siyang nararamdamang takot dahil naniniwala siyang walang masamang tao sa kanilang probinsiya kahit mag isa lang niya sa mga oras na iyon.Subalit laking gulat nalang niya noong may marinig siyang isang boses ng bata na sumisigaw.Nakaramdam si Chelzea ng takot subalit mas ginusto pa rin nitong sundan kung saan nanggagaling ang boses.Hanggang sa matanaw niya mula sa kinaroroonan niya ang isang nakatalikod na lalaki habang hawak hawak ang isang bata sa leeg.Agad na nakaramdam siya ng takot at bigla siyang nagtago sa isang damuhan na kung saan ay nasisilip niya ang mga nangyayari.Sa liwanag ng buwan na siyang nagpapaliwanag sa paligid ay nakikita niya ang bawat kilos ng lalaki.Bigla nalang siyang hindi makakilos noong makita niyang bigla nalang niya itong pinugutan ng u
Madilim na noong magsimulang maglakad si Chelzea pauwi mula sa paaralan.Kahit matataas ang mga damo sa daan ay kailangang dito siya dadaan para mas mabilis siyang makarating sa kanilang bahay.Wala siyang nararamdamang takot dahil naniniwala siyang walang masamang tao sa kanilang probinsiya kahit mag isa lang niya sa mga oras na iyon.Subalit laking gulat nalang niya noong may marinig siyang isang boses ng bata na sumisigaw.Nakaramdam si Chelzea ng takot subalit mas ginusto pa rin nitong sundan kung saan nanggagaling ang boses.Hanggang sa matanaw niya mula sa kinaroroonan niya ang isang nakatalikod na lalaki habang hawak hawak ang isang bata sa leeg.Agad na nakaramdam siya ng takot at bigla siyang nagtago sa isang damuhan na kung saan ay nasisilip niya ang mga nangyayari.Sa liwanag ng buwan na siyang nagpapaliwanag sa paligid ay nakikita niya ang bawat kilos ng lalaki.Bigla nalang siyang hindi makakilos noong makita niyang bigla nalang niya itong pinugutan ng u
Comments